Thursday, October 7, 2010

Chapter 6: The Girl I Love - Love or Friendship

A Wonderful Life
By: Nico Laurence And Paul








Chapter 6
“The Girl I Love – Love or Friendship”


Magtatanghali na nang magising ako. Nakatulog pala ako sa kakaiyak. Bumangon ako sa kama at medyo inaantok pa. tiningnan ko ang phone ko at nagulat ako, 5 missed calls at 6 na text. Shit, gagawa nga pala kami ni Danica ng Case Study ngayon. Kaya nga maaga akong gumisng eh. Nako naman. Agad akong nag text na hahabol na lang ako. Nag pasorry na rin ako at nag dahilan. Pero nagreply siya at sinabing ok lang daw at sa Monday na lang namin gawin. Kung tutuusin, pwede naman namin gawin separately yung mga parts namin. Kaya lang nagusap kami na dapat magkasama naming gawin, para pag defense, iisa lang ang mga sagot namin. Nagtaka rin ako kasi parang di siya nagalit. Totoo ba to? Ok lang daw? May sakit siguro siya.
Pagbangon ko sa kama, naalala ko ang nangyari kaninang umaga. Para nawalan ako ng ganang lumabas ng kwarto. Pero I have to face the reality. Hindi ako pwedeng magmukmok na lang dito sa kwarto. Lumabas ako at nagtungo sa kusina. Nakita ko silang kumakain sa mesa.


“Tol, kain na. Etong ulam galing kina Aya.” Sabi ni Nico. Tiningnan ko siya. Kahit papano nakaramdam ako ng galit sa kanya. Pero hindi ko magawang magalit sa best friend ko, lalo na at wala naman siyang kasalanan. Pero kahit na ganon, di ko siya sinagot at umupo na lang ako sa dining table para makisalo. Habang kumakain ay nag kukwentuhan silang tatlo samatalang tahimik lang ako. Kanina pa ko pinupuna ni Kiko. Si Nico naman parang napapansin nang may problema ako at tumahimik na lang. Pagkatapos kumain ay nagtungo ako sa terrace para magpahangin. Maya-maya lang ay nandoon na rin si Nico.


“Kala ko aalis ka ngayon?” tanong niya.


“Hindi ako nagising eh.”


“Ikaw? Anong meron at di ka nagising? Unusual sayo yon ah.”


“Anong magagawa ko kung di ako nagising?” sabi ko na medyo naiirita. Di naman ako nagtatanim ng galit kay Nico. Pero siyempre, di ko maiwasang magkahinanakit sa kanya. Halos isang minuto rin kaming tahimik ng bigla siyang magsalita.


“Tol? Anong problema?”


“Ha? Wala naman. Meron bang dapat problemahin?”


“Di ko alam. Para kasing may problema ka eh.”


“Ha? Pano mo naman nasabi?”


“Napapansin ko lang. at kung ano man yon, tingin ko may alam si Aya. Kasi special mention ka nung nagbigay siya ng ulam eh. Kailangan mo daw kumain. Anong meron tol?”


“Hay. Wala talaga akong matatago sayo noh?” sabi ko. Nagbuntong hininga ako at sumandal sa rails ng terrace. Nakatalikod ang pwesto ko mula sa bahay nila Aya.


“Nagconfess na ako kay Aya. Kaninang umaga.”
Bakas ang gulat sa mata ni Nico. Napangiti siya. Pero hindi yung tipong ngiti na masaya.


“Hindi ko na tatanungin ang kinalabasan. Alam ko na, halata naman eh. Pero pwede mong idetalye kung gusto mo.”
Natahimik nanaman ako. Alam kong kilalang kilala na niya ako kaya parang wala na rin akong maitatago sa kaniya.


“May iba na daw siyang gusto.”
Hindi na siya nagulat sa sinabi ko. Dalawa lang naman ang pinakadahilan ng rejection; either di niya ako gusto, o may gusto siyang iba.


“So, anong balak mo? Susuko ka ba?”


“Ako? Hindi. Di ko siya kayang isuko ng ganon na lang. she’s to precious to me. Alam mo yon? For me kasi siya na talaga eh.”


“Hay. Talagang may mga bagay na mahirap pakawalan. Pero mas mahirap yung nasa harap mo na, wala ka pang magawa. Anong next move mo?”


“Balik lang sa dati. Hindi ko ipipilit ang sarili ko. Pero hindi rin ako sumusuko. Ayoko lang kasi yung magka-ilangan kami. Our friendship is valuable enough na. Yun na lang meron kami at ayokong mawala.”


Matapos ang paguusap namin. Nagpunta ako sa sala. Si Nico naman nagpunta sa kabilang apartment. Maya maya lang ay nasa terrace na siya kasama si Gela. Tiningnan ko si Gela. Kung tutuusin mas masakit ang pinagdadaanan niya ngayon. Dahil bukod sa pinsan niya, eh may iba na si Nico. Pero ang hindi niya alam ay minahal din siya ni Nico. Samin naman ni Aya, ako lang ang may special feelings for her. Akala ko gusto din niya ako, kasi ang bait bait niya sa akin. Pero mali pala ako. Natural lang talaga siyang mabait. Mali lang ang perception ko.
Habang nanonood ay may kumatok sa pinto namin. Bumangon ako at pumunta sa pinto. Nagulat ako. Si Aya.


“Hi Paul.”
Tumango lang ako sa kanya. Napansin kong may hawak siyang Tupperware.


“Uhm, musta? May dala nga pala akong crinkles. Ako ang gumawa niyan.”
Inabot niya sa akin ang dala niya. Pumasok ako para ilagay ito sa mesa. Pero nagulat ako nang pumasok din siya at tumayo sa may sala. Pagkalapag ko ng lalagyan, pinuntahan ko siya at naupo kami sa sofa. Matagal-tagal din kaming tahimik. Ewan ko ba. Bakit parang hindi ko siya makausap ng maayos? Sinabi ko pa naman na walang magbabago. Pero bakit ganito ako. Binasag ni Aya ang katahimikan. Bakas ang pagaalala sa mukha niya.


“Paul?” tanong niya.


“Ok lang ako.” Sinagot ko na ang tingin kong itatanong niya. napayuko siya. Tahimik nanaman kami. Matapos ang ilang sandali ay napabuntong hininga siya.


“Di ba sabi mo walang magbabago? Bakit parang ang layo mo sa akin? You seem distant.”


“Oo, alam ko naman yon eh. Pero hindi pa ako nakarecover sa mga nangyari kanina. Nagiisip pa ako.”


“Nakakaabala ba ako?”


“Hindi, masaya nga ako at pumunta ka dito.” Sabi ko. Ngumiti siya ng konti. Umusog siya at lalo kaming nagdikit.


“Paul?”


“Hmm?”


“Sana talaga walang magbago. Hindi mo lang alam kung gaano ka-importante sa akin ng friendship natin.”


“So, importante ako sayo?” tanong ko.


“Oo naman. Your one of my closest friends eh.”


“Alam mo, kahit papaano masaya na din ako.”


“Bakit naman?”


“Kasi, kahit papaano alam kong importante ako sayo. That itself makes me complete.”
Namula si Aya sa mga sinabi ko. Natahimik nanaman kami. Nakatingin ako sa kisame, nagiisip. Siya naman ay nakayuko lang. Mga isang oras din kaming nagusap ni Aya. Pagkatapos magusap ay bumalik na siya sa kabilang apartment habang ako naman ay kinain yung dala niyang crinkles.


Monday, tumambay nanaman ako sa quadrangle after class. Pupunta ako kina Danica ng mga 1 pm so dito muna ako. Maaga pa naman. Nauna na kasi si Danica sa kanila. May tumapik sa likod ko. Paglingon ko, di na ako nagulat sa nakita ko.


“Uy! Napano ka? Nagmumukmok ka diyan?”


“Claire ikaw pala. Ahm, ako? Wala nag papalipas lang ako ng oras.”


“Ganon? Tara kain tayo.”


“Sorry pero di ako pwede ngayon. May gagawin ako mamayang 1 pm eh.”


“Awwh. Panu yan wala akong kasabay?”


“Bakit? Di ka ba makakakin ng walang kasama?”


“Iiiyh. Boring naman kumain mag-isa eh.”


“Ay nako. Ganyan talaga. Gusto mo hintayin mo na lang si Chics.” Pangiinis ko.


“What? Eh 5 pm pa lalabas yun eh. Gusto mo akong mamatay sa gutom?” sabi niya. Para namang patay gutom to.


“Oh siya. Alis na ko. Kung gusto mo sabayan mo akong maglakad palabas ng school tapos bili tayo ng siopao sa labas.”


“Hmmp! Sige na nga. Tara na!” sabi niya sabay hila sa akin. Siya pa ang nauna. Hay nako. Pero at least kahit papano ay na-aaliw ako. Pagkabili ko ng siopao ay sinamahan ko siya pabalik ng school. Tapos lumabas ako ulit at sumakay ng kotse patungo kina Danica.


Pagdating ko doon, nakita ko ang katulong nilang naglilinis sa labas. Agad naman niyang binuksan ang gate. Siguro binilin na ako ni Danica. Isang beses pa lang akong nakapunta sa kanila dati eh.


Pagbaba ko sa sasakyan ay sinabihan ako ni manang na nasa sala daw sa taas si Danica. Agad naman akong nagpunta doon dala ang laptop ko. Nakita ko siyang nakahiga sa sofa at nagbabasa. Nasa likod niya ako kaya di niya ako nakikita. Pinagmasdan ko siya. Nakakatuwa, dahil para siyang inosenteng bata na nagbabasa ng libro. Kumakanta-kanta pa siya. Di mo aakalaing napakasungit niya sa school.


“Ehem!”
Agad siyang napaupo at lumingon. Nagulat siya nang makita ako.


“Oh, kanina ka pa?” sabi niya habang nagaayos ng sarili.


“Kararating ko lang. game na?”


“Tara, dun tayo sa kwarto. Para may internet.”


Medyo ilang akong pumasok sa kwarto niya. actually first time kong pumasok sa kwarto ng isang babae na di ko kamaganak. So parang iba sa pakiramdam. Pero in fairness, ang laki ng kwarto niya. meron pang mini sala. Agad siyang naupo sa sofa sa kwarto at kinabit ang sa laptop ang internet.
Ilang oras na rin kaming gumagawa ng case study ni Danica. Naisipan kong magpahinga muna. Tiningnan ko si Danica. Naalala ko nung first time kaming naging magkagroup. Nakita ko siyang umiiyak sa quadrangle. Gusto kong malaman ang dahilan. Makipagusap nga muna.


“Danica?”
“What?”


“Ah, tapos ka na?”


“Kita mong nagtatype pa ako eh.” Langya. Namilosopo pa.


“Sabi ko nga. Teka, san pala parents mo?”


“At work.”


“Anong trabaho nila?”


“Bakit mo naman tinatanong?”


“Wala lang. curious lang. Eh mga kapatid meron ka?”


“Oo. Pero wala sila. Yung bunso lang yung andito.”


“Talaga? Asan yung iba?” tanong ko. Parang nakukulitan na talaga siya sa akin.


“Teka bakit ka ba tanong ng tanong ha?” inayos niya ang upo niya at tumungin sa akin.”


“Wala lang. oh eto last na talaga. Naalala mo pa nung nakita ko nung nakita kita sa quad? Umiiyak ka non.” Sabi ko. Bigla siyang napatingin sa malayo. Parang nahiya siya bigla.


“Bakit?” tanong ko. Natahimik na siya. Hindi siya makasagot sa tanong ko. Lalo tuloy akong nacurious.


“Ba-bakit mo ba nasabi yan? Di naman ako umiiyak ah.”


“Danica, nakita kita. Sabihin mo na kung may problema ka. Friends na rin naman tayo diba?”


“Friends?” tanong niya.


“Oo, yun na yung turing ko sayo eh. Ewan ko lang kung anong turing mo sa akin.”
Hindi nanaman siya sumagot sa sinabi ko. Maraming tinatago tong babaeng to.


“Ewan ko sayo. Gawin mo na nga yung case study diyan. Nadistract tuloy ako.”


“Ayoko.” Biro ko. Kumuha siya ng unan at binato ako. Natawa naman ako sa kanya. Parang na rin niyang sinabi na friends na kami. Indirectly nga lang.


“Start ka na diyan! Kaw talaga. Hmmpf!” sabi naman niya sabay tutok ulit sa laptop.


“Mamaya na. Hmmm. Kung ok lang sayo, may kukwento muna ako habang gumagawa ka.” Hindi siya sumagot sa sinabi ko. Mas maganda nga yun kasi ibig sabihin ok lang sa kanya. So tuloy ko na.


“Kasi ganito yan. Si B1 at si B2 mag bestfriends sila. Tapos si B1 naman, crush niya si G1. Nung una hanggang tingin lang siya. Hindi niya kayang lapitan si G1. Pero dumating yung time na nagkaroon siya ng pagkakataon na makausap si G1. At magmula non, Palagi na silang naguusap. Hanggang sa naging close sila.” Nakangiti ako habang nagkukwento. Napansin kong bumabagal ung pagtatype niya. Ibig sabihin nakikinig siya.


“Lalo pang lumalim ang pagmamahal ni B1 para kay G1. Sa isip niya, si G1 na talaga ang babaeng para sa kanya. Nasa kanya na lahat. Lalong ring lumalim ang pagkakaibigan nila. Naging mas close sila. Isang araw, nanghingi ng sign si B1 kung mag co-confess na ba siya o hindi. Dumating ung sign at good to go na siya. Naghanap lang siya ng tamang pagkakataon.” Naramdaman ko nanaman yung lungkot. Parang gustong kumawala. Pero hindi ko pwedeng ipahalata ito okay Danica. Kaya nagpatuloy lang ako sa kwento.


“So yun, nakita na nya yung chance, so nag confess na siya. Sinabi niya kung gaano niya kamahal si G1. Nabigla si G1 sa mga sinabi niya. hindi siya agad nakasagot. Pero sinabi rin niya, na nagpapasalamat siya dahil minahal siya ni B1. Pero, sa kasamaang palad, kaibigan lang pala ang tingin sa kanya ni G1. Nasaktan ng todo si B1. Ang mas masakit pa, ang lalaking gusto ni G1 ay si B2, ang best friend ni B1.” Nababalot na ako nag lungkot dahil sa mga sinabi ko. Tumungin sa akin si Danica. Parang gulat ang mukha niya. tumayo siya at umupo sa tabi ko.


“Pero kahit ganon, hindi pa rin sumusuko si B1. Babantayan niya pa rin si G1.” Nakatingin pa rin sa akin si Danica. Bakit parang gulat na gulat ang itsura niya? ilang dandali pa ay inangat niya ang kaliwang kamay niya at unti unting nilapit sa mukha ko. Naramdaman ko na lang, na pinunasan niya ang pisngi ko gamit ang daliri niya. Shit! Umiyak ako? No joke? Hindi ko man lang napansin. Nakangiti pa din naman ako. Para tuloy akong baliw.


“Alam mo. Hindi mo naman kailangang I-3rd person eh. Di mo na lang sinabi na ikaw si B1?” tanong niya. malumanay ang boses niya. parang kumalma ako nung narinig ko ang boses niya.


“Actually ako si G1.” Biro ko at napatawa naman siya at pinalo ako sa balikat.


“Hay nako. Ikaw talaga. Sige, break time muna. Mauna ka na sa baba at magliligpit lang ako.”


Sa totoo lang. nabigla talaga ako sa inasal ni Danica. Bigla siyang naging mabait. And dating marahas at matapang niyang boses, naging malumanay at kalmado. Masaya na rin ako, at least, ang dati kong kaaway, ngayon ay kaibigan ko na.
Bumaba ako at nagtungo sa kusina. Huminto ako ng may nakita akong bata na kumakain sa mahabang mesa nila. So ito ba yung kapatid ni Danica? Pinuntahan ko yung bata. Talagang nakabantay pa si manang habang kumakain siya.


“Oh iho, kain na.” Sabi ni Manang.


“Sige po. Hintayin ko po muna si Danica. Kapatid po ba siya ni Danica?”


“Ah oo, si Lala.” Cute naman. Lala. Umupo ako sa tabi ni Lala para kausapin siya.


“Hi Lala, how old are you?”


“Five.” Sabi niya. ang bibo niya nakakatuwa.


“San ate Aika?” tanong niya? ha? Sinong Aika? Tumingin ako kay manang, nakita niya ang pagtataka sa mukha ko.


“Si Danica ang ibig niyang sabihin. Aika kasi ang tawag sa kaniya dito sa bahay.” Wow. So Aika pala nag tawag sa kanya. Marami pa talaga akong hindi alam tungkol kay Danica, este, Aika pala.


Ilang sandali pa ay bumaba na si Danica. Agad tumayo ang kapatid niya at tumakbo papunta sa kanyang ate. Ang cute nila tingnan. Pero talagang gulat na gulat ako kay Danica. Bakit ba hindi siya ganito sa school?
“Paul, upo ka muna diyan at maghahanda lang ako ng snacks.” Sabi ni Danica. Really, anong meron? Nagulat talaga ako. Sumama si Manang sa kusina at naiwan si Lala na nakatayo at nakatingin sa akin. Natawa ako pagkat hindi pa pala niya ako kilala, kaya pala ganon na lang ang tingin niya sa akin.


“Hi Lala, ako pala si Kuya Paul. Classmate ni Ate Danica, este, Ate Aika mo.” Sabi ko. Nakatingin pa rin siya sa akin. Ang cute niya talaga.
“Tara laro tayo.” Sabi ko. Agad naman siyang tumakbo papunta sa akin. Napakabibo niya. Hindi ako mahilig sa bata pero sadyang napaka cute lang talaga niya.
Matapos ang ilang minuto ay lumabas na si Danica sa kusina at may dalang sandwich. Sa totoo lang, kanina ko pa hinihintay yon. Kanina pa ako naglalaway sa amoy eh. Halo halong amoy ng burger patties, bacon at itlog. Inilapag ni Danica ang pagkain sa mesa. Kunwari ay di ko pa siya napansin at nakikipaglaro pa ako kay Lala. Hindi niya ako tinawag. Nakatayo lang siya doon, malamang pinagmamasdan niya kaming naglalaro. Ilang sandali pa ay tumakbo nanaman si Lala papunta sa ate niya.
“Ate ano luto mo?” tanong ni Lala.
“Ah, pang snack lang namin ni Kuya mo. Ikaw kumain ka na di ka na pwede.”
“Awwwwhh.” Sabi ni Lala at nagtampo.
“Oh sige na nga, pero konti lang ha?” Agad namang umupo si Lala sa mesa. Naupo na rin ako habang pinagmamasdan ang mag-ate. Di pa rin ako nakakarecover sa ikinikilos ni Danica. Hinatian ni Danica si Lala ng maliit na piraso ng tinapay. And cute kumain ni Lala. Pinagmamasdan lang namin siya ni Danica. Nagkatinginan kami ni Danica, at pareho kaming tumawa.
“Bakit kayo tumatawa?” tanong ni Lala.


“Ah, ang cute mo kasi eh.” Sabi ko naman.


“Paul, baby pa yan ha.” Biro ni Danica.


“Ha? Nakukyutan lang ako sa kanya kasi nakakatuwa siyang tingnan.”


“Talaga lang ha? Kala ko pedophile ka eh. Hintayin mo munang lumaki si Lala.” Banat niya ulit. Naisipan kong sabayan na lang si Danica.


“Bakit ko pa hihintayin? Eh nandiyan naman ang Ate niya.” sabi ko bigla. Napangiti lang si Danica pero di na nakasagot pa.


“Oh, pwede nang kumain?” tanong ko.


“Sure, help your self. Tikman mo yan specialty ko yang sandwich na yan.”
Kumuha ako ng isa. Itsura pa lang nakakatakam na. Nakikita ko sa side ng tinapay yung mga nakausling bacon at burger patty. May cheese pa. grabe. Isang kagat lang ang kailangan, at tuluyan nang nagbago ang tingin ko kay Danica. Parang hindi ko nakita ang ugali niya sa school. Na parang natural talaga na ugali niya ang pinapakita niya dito sa bahay. No doubts, no questions, basta kain lang ng kain. Tiningnan ko siya at nakatingin lang siya sa akin. Para bang naghihintay ng reaksyon kung ano ang masasabi ko sa inihanda niya.


“Grabe, pwede na akong mamatay.”


“Masarap?” kinakabahang tanong niya.


“Oo, solid. Ikaw talaga gumawa nito?”


“Yup. Glad you like it.” Sabi niya. Lalong naging matamis ang ngiti niya.


“Oh, kain na, tikman mo masarap.”


“Wow, parang ikaw ang nagluto kung magsalita ka ah. Oh sige, akin tong maliit.” Sabi niya sabay dampot doon sa pinakamanipis na sandwich. May dalawa pang natira sa plato. Malamang akin na lahat yon. Tinitingnan lang kami ni Lala. Parang bakas ang pagtataka sa mukha niya. Ilang sandali pa ay nagsalita si Lala.


“Ate? Love mo ba kuya Paul?” tanong niya bigla. Parang nabilaukan si Danica sa sinabi niya. Ako naman, nakatingin lang kay Lala, nagtataka bakit niya natanong yon.


“Ha? Baby, don’t say that.” Sabi ni Danica. Namumula siya.


“Eh sabi ni Mommy pag pinagluto mo daw ang isang tao love mo siya eh.” Sabi ni Lala habang ngumunguya pa. Pinagmamasdan ko lang ang mag Ate.


“Ha? Lala, hindi palaging ganon. Sometimes kailangan mo magluto para sa mga friends mo pag dumalaw sila sa bahay.” Depensa ni Danica.


“Why ate don’t you love your friends?” Wow. Magaling mangatwiran tong batang to. May future. Tiningnan ako ni Danica. Di siya mapakali. Di ako makapaniwalang na corner siya ng kapatid niyang babae. Natawa lang ako pagkat parang namomroblema talaga siya.


“Of-of course I do.” Sabi naman niya.


“Eh di you love kuya.”
Pati ako nagulat sa sinabi ni Lala. Alam ko naman na wala sa isip niya ang Romantic things. So parang friendly love lang ang nasa isip niya. Pero kahit ganon, hindi maiiwasang iba ang pumasok sa isip ko. Natigilan si Danica. Namumula na talaga siya. Nakita kong dumaan si Manang at napangit. Ilang sandali pa ay tiningnan ako ni Danica sabay kindat. Para bang sinasabi niyang makiride na lang ako.


“Yes, friend ko siya eh.” Sagot ni Danica. So at last sinabi na niya verbally na friends na kami. Masaya na ako doon. Tiningnan ko ulit si Lala. Ang laki ng ngiti niya.


“If ate loves kuya, love ko na din si kuya.” Sabi ni Lala. Haha! Ang sweet naman.


“Then I also love Lala.” Sabi ko naman sabay kurot sa pisngi niya.


“Ehem! 5 years old.” Biro ni Danica na parang nagpaparinig.


“Ehem! Nandiyan naman si Ate.” Banat ko naman. Nagkatitigan kami ni Danica at pareho kaming tumawa.
Hindi na kami nakagawa pa ng case study ni Danica. Wala kaming ginawa buong hapon kundi makipaglaro kay Lala. Ang kulit nila tingnan. Close talaga sila. Buti wala ang mga kuya nila dito kundi baka anong isipin nila. Nang sumapit na ang 6 pm, nagpaalam na ako para umuwi. Ang bilis nga ng oras eh. Di ko namalayan na madilim na sa labas. Hinatid naman ako ni Danica at Lala hanggang sa garahe nila.


“Bye Lala” sabi ko sabay kurot ulit sa pisngi niya.


“Sige una na ako.” Sabi ko. Nagtungo na ako sa sasakyan at pumasok sa loob.


“Bye Paul. Dito tayo ulit bukas ha.” Sabi ni Danica.
“Okay. Bye Lala, Bye Aika.”
Nagulat si Danica. Sabi kasi ni Manang sa bahay lang siya tinatawag na Aika. Napangiti lang siya at kumaway sa akin. Pagkatapos non, umalis na ako.


4 straight days namin ginawa ni Aika yung case study namin. Talagang pinaghirapan namin ang bawat word na nakasulat doon. Natapos namin yung 3rd case sa 4th day. Mabagal nga kami eh. Isa sa dahilan kung bakit kami bumagal eh araw araw kaming nakikipaglaro kay Lala. Halos 4 to 5 hours ako sa kanila at 2 hours lang doon ang nakalaaan sa Case Study at ang remaining hours naman ay sa Pakikipaglaro kaw Lala at sa kwentuhan namin ni Aika. Aika na ang tawag ko sa kanya ngayon, okay lang daw sa kanya. Pero sa school, dapat Danica pa rin daw. Sa inaraw araw na nandon kami, kahit papano ay mas nakilala ko siya. Sa school, sabay kaming kumakain. Nagtataka na nga yung mga kaibigan ko dahil ang alam daw nila aso at pusa kami. Sabi ko friends na kami ni Aika ngayon.
Friday na at araw ng defense. Pinili nila ang pinakamagandang Case sa tatlo naming ginawa at yon ang dinefend namin. Wala akong naramdamang kaba during the defense. Confident ako, dahil lahat ng nakalagay doon ay pinaghirapan namin ni Aika. Nasagot namin ng maayos ang mga tanong nila pagkatapos naming magreport. Pinuri kami ng aming adviser. Siyempre, dagdag points kami ni Aika. Since sa amin yung napili as best case study.
Pagkatapos ng klase ay niyaya ko si Aika na kumain sa labas para mag celebrate. Nung una nagdalawang isip pa siya, pero pumayag din. Lumabas kami ng school at nagtungo sa kotse. Pasakay na ako nang may mapansing pamilyar na babae papasok sa gate ng school namin. Anong ginagawa ni Aya dito? Kasama niya pa si Gela. Nang akmang lilingon siya sa direksyon ko eh umiwas ako ng tingin. Hindi ko alam. Pero medyo akward pa din ako sa kanya. Pinambukas ko na lang ng pinto si Aika tapos sumakay na rin ako. Iniisip ko si Aya, kung anong ginagawa niya sa school. Shit! Nakita niya kaya kami ni Aika? Baka anong isipin niya. Baka isipin niya na nililigawan ko si Aika or something. Kailangan kong magpaliwanag. Pero bigla kong naisip; bakit pa? Di nga naman pala ako ang gusto niya. So bakit ako magpapaliwanag? Eh wala naman akong ginagawang masama. Naisip ko na hayaan ko na lang muna si Aya kung ano man ang naisip niya tungkol sa amin ni Aika. Pagandar ng sasakyan, nakita kong nakatingin si Aya sa direksyon namin. Di ko maipaliwanag ang expression niya. Sinundan niya ng tingin ang sasakyan hanggang sa nakalayo na kami.

1 comment:

Anonymous said...

next na...:))