A Wonderful Life
By: Nico and Paul
Chapter 9: New Faces
Lunes nanaman. Maagang gumising si Nico pagkat lecture ang klase niya ngayon. Nakatunganga pa siya sa kama at nagkakamot ng ulo. Ilang sandali pa ay bigla na lang siyang tumayo at nataranta. Agad siyang tumakbo palabas. Nadatnan niya sina Paul at Kiko na kumakain na ng almusal. Naupo si Nico sa tapat ni Paul.
“Tol! Shet birthday na ni Misa ngayon!” sigaw ni Nico.
“Oh, eh birthday lang pala bakit parang natataranta ka?” tanong ni Paul.
“Yung necklace! Hindi ko pa nabibili!”
“Ha! Nako! Pano kung wala na yun doon? Bakit ba naman kasi ngayon mo lang naisip bilhin?”
“Eh kasi sabi ni Misa next week pa daw siya mag celebrate ng debut. Natatak tuloy sa isip ko kagabi na next week nga ang birthday niya. Tapos ginabi pa ako sa kanila. Kaya wala na ring time. Hanggang 12 ka lang ba ngayon?” tanong ni Nico.
“Oo. Pero may pupuntahan pa sana ako eh.” Sagot naman ni Paul.
“Samahan mo muna ako please? Half day lang din kami ngayon eh. Sige na sandali lang. Invited naman kayo sa debut niya eh.”
“Oh sige na nga. Hay. Pero teka kelan ba gaganapin yung debut?” tanong ni Paul.
“Next week na tol!”
“Ah, okay. Kailan pupunta dito si Misa? May itatanong sana ako eh.” Sabi ni Paul.
“Ewan. Puntahan mo na lang kaya sa school? Bakit ba ano ba tatanong mo?” tanong ni Nico.
“Ah, may gusto kasi akong isama na classmate ko sa debut niya eh.”
“Sino yung kasama mo sa mall nung Friday?” tanong ni Nico. Nagulat si Paul sa sinabi niya at napakamot na lang.
“Ah, oo. Si Danica. Bestfriends na kami ngayon. Gusto ko lang siya isama.”
“Tol, malamang walang ngang namamagitan sa inyo. Pero sigurado andon din si Aya. Ano sa tingin mong iisipin niya?”
“Eh yun nga yung isang purpose kaya ko isasama si Danica eh.” Sabi ni Paul. Natameme lang si Kiko sa sinabi niya. Pati si Nico nabigla.
“What? Anong ibig mong sabihin?” tanong ni Nico.
“May plano kasi siya. Kasi I’m starting to think na may gusto sa akin si Aya pero its either ayaw niyang aminin sa sarili niya or naguguluhan pa siya. So para malaman yon, titingnan ko ang reaksyon niya pag nalaman niyang nililigawan ko si Danica.” Sagot naman ni Paul.
“Tol, you are playing with their feelings. Tama ba naman yan?”
“Alam ko. Nung una ayaw ko rin namang gawin eh. Pero nung nagusap kami kahapon, lalong lumakas yung hinala ko eh. So nabuo na yung desisyon ko na magpanggap. Hindi naman kami magpapangap na kami. Kunwari lang liligawan ko siya. That’s it.” Katwiran ni Paul.
“Hay. Bahala ka. Pero tingin ko gulo yang pinasok mo.” Sagot ni Nico. “Ay teka. Yung swimming pala? Yung ikaw yung manlilibre? Hindi na naopen yung topic na yun eh. Hindi ko tinanong dati kasi medyo bitter ka pa kay Aya non eh.” Dagdag niya.
“Oo nga no? don’t worry may isang salita ako. Matutuloy yan promise. Pero mas maganda diba na kami na ni Aya pag nag outing tayo?” Banat naman ni Paul at nagtawanan sila.
Pagsapit ng tanghali, natapos na ang klase ni Paul. Naglalakad siya papuntang gate kasama sina Ben, Renz at Clifford nang biglang dumating si Claire.
“Paul, pwede tayong magusap sandali?” tanong ni Claire. Napangisi naman ang mga kaibigan ng binata.
“Uyy, oh sige maiwan muna namin kayo ha.” Sabi ni Ben.
“Shongek kaibigan ko lang yan. Shoo! Magsilayas na nga kayo!” sabi ni Paul at umalis ang mga kaibigan niya habang nakangisi.
“Oh bakit?” tanong niya.
“Tara, lunch muna tayo.” Sabi ni Claire sabay hila kay Paul. Wala nang nagawa si Paul, maaga pa naman kaya pabibigyan muna niya si Claire.
Nagtungo sila sa isang fastfood restaurant para kumain. Pansin ni Paul na parang malungkot si Claire. Umorder si Paul at tiningnan si Claire mula sa counter. Nakayuko lang ito. Napabuntong hininga na lang ang binata at lumapit na sa mesa nila dala ang pagkain. Tahimik lang ang dalawa habang kumakain. Napansin niyang parang may bumabagabag sa isip ng dalaga. Pagkatapos kumain ay nagsalita si Claire.
“Paul?” tanong niya.
“Bakit?” Tanong ng binata.
“Ah, what if, what if lang ha, what if I like someone else other than my boyfriend. Sa tingin mo masama na yon?” tanong ng dalaga.
“Aba, depende. Kung like na crush lang, wala naman masama basta know your limits. Pero pag to the point na mas gusto mo na siya kaysa kay Chics, ay nako. Ibang usapan na yan. Teka, don’t tell me.”
“Wag mong sabihin kay Chics ah. Kasi I’ve been always thinking about this guy. Kahit magkasama kami siya pa rin ang nasa isip ko. Mahal ko ang boyfriend ko sobra. Pero hindi ko maintindihan kung bakit palagi kong naiisip yung guy na yon. I’m not sure about what I feel anymore.” Sabi ni Claire.
“Claire, kung mahal mo si Chics at ayaw mo siyang mawala, better stick to him. Wag kang gagawa nang kahit na anong pagsisisihan mo sa huli. One year na kayo, and for me your relationship is stronger than ever. Or that’s what I thought. Ano ba talaga?”
“Hindi nga ako makatulog sa gabi kasi tinatanong ko rin sa sarili ko yang tanong mo. I don’t know if what I feel for that guy is just an infatuation or something else. But whatever it is it’s bothering mo to the point na naaapektohan ang relasyon namin ni Chics. Para bang its okay na palitan na lang siya nung guy na yon. But on the other hand, ayoko ring mawala si Chics sa akin. Ewan ko naguguluhan ako.” Katwiran ng dalaga.
“If I were you, iiwasan ko yung lalakeng yon. Para malayo ka sa tukso. Eh alam ko kung gaano ka kamahal ng boyfriend mo. Masasaktan yon sobra.” Sabi ni Paul. Napayuko lang si Claire at hindi na nakasagot.
Pagkatapos kumain ay hinatid ni Paul si Claire sa school. Tinext niya si Danica at nalamang nasa library ito. Agad niyang pinuntahan ang dalaga at sinundo ito. Naglakadlakad ang dalawa sa campus habang palabas ng school.
“Ahm, Aiks, Change of plans.” Sabi ni Paul.
“Huh? Anong change of plans?” tanong ng dalaga.
“Di ako makakapunta sa inyo eh, sasamhan ko si Nico bumili ng gift para sa girlfriend niya.”
“Uhm, can I come?” tanong ni Danica.
“Hmm. Oo nga no, good idea. Why not?” sabi ni Paul. Sumakay sila sa kotse at nagtungo sa school ni Nico. Nakita nilang naghihintay ang binata sa front gate ng school.
“Tol! Sakay na!” sigaw ni Paul. Agad lumapit si Nico sa sasakyan. iikot sana si Nico papunta sa passenger seat pero sinabi ni Paul na sa likod daw siya sumakay. Pagpasok ni Nico, Nagulat siya nang makita niya si Danica.
“Si Danica?” tanong ni Nico kay Paul.
“Ay hindi si Gardo yan tol si Gardo yung kinukwento ko.” Banat naman ni Paul at Natawa si Danica. Nang mahimasmasan ay sinenyasan siya ng binata na magpakilala.
“Ay, Uhm, ako si Danica bestfriend na girl ni Paul.” Sabi ng dalaga at nakipagkamay kay Nico.
“Ah, ikaw pala si Danica. Ako naman si Nico, Best friend na boy ni Paul.” Sabay ngisi.
“Ah, oo nga pala, di ko lang best friend yan eh, boy ko din yan. Ako nga nagpapaaral diyan eh.” Banat naman ni Paul at tinapik siya ni Danica. Tinapik din siya ng malakas ni Nico.
“Aray!” sigaw ni Paul.
“Yiiyh! Ikaw kasi eh, di mo ako boy noh! Maid mo ako! Maid! Maging sensitive ka naman minsan sa feelings ng isang babae.” Banat ni Nico na umaarteng parang bakla. Hindi na napigilan ni Danica ang tumawa.
“Ay, sorry pala. Maid nga pala kita. Mamaya paliguan mo ako ha? Scrub mo katawan ko.” Banat ni Paul.
“Okee! What do you want me to use? My hands or my body?” Landi ni Nico at parang nandiri na si Paul.
“Yuck! Tol hindi mo bagay! Kadiri ka ever!” sabi ni Paul at tawa na ng tawa si Danica. Tinakpan na lang ni Danica ang mukha niya gamit ang dalawang kamay niya. Nagkatinginan lang si Paul at Nico na parehong nakangisi.
“Hala! Para pala tong si Misa eh ang babaw ng kaligayahan.” Sabi ni Nico at tawa pa rin ng tawa si Danica.
Ilang sandali pa ay nakarating na sila sa mall. Agad nagtungo ang tatlo sa jewelry shop kung saan nakita ni Nico yung kwintas. Nakahinga ng maluwag si Nico nang makita niyang nandon pa ang kwintas ibibigay niya kay Misa.
“Yan oh tol. Buti andito pa. Ano maganda ba?” tanong ni Nico.
“Wow tol. May taste ka na ngayon!” Sabi ni Paul at ngumiti lang si Nico.
Matapos bilhin yung kwintas. Niyaya sila ni Nico na kumain ng shawarma sa foodcourt. Masayang kumain ang tatlo habang nagkukwentuhan. Lalo pang nagkakilala si Nico at Danica. Pagkatapos kumain ay nagpahinga muna ang tatlo.
“Oh, Tol. Saan pala kayo pupunta niyan?” tanong ni Nico.
“Ah, kina Danica.” Sagot naman ni Paul.
“Bakit?”
“Ah, tambay lang.” sagot ni Paul. Bigla nagiba ang tingin ni Nico at napangisi.
“Uuuyyyy!” tukso ni Nico sa binata.
“Hindi na sige uwi na lang ako!” bigkas ni Paul at napatingin kay Danica. Napansin niyang parang nalungkot ang itsura ng dalaga.
“Joke!” dagdag ni Paul. Napangiti naman si Danica.
“Doon na lang kaya kayo sa apartment? Balak ko kasi sana hiramin yung kotse mo eh. You know. May plano kasi ako eh.” Sabi ni Nico. Ngumiti lang si Paul at napatingin ulit kay Danica.
“Okay lang ba sayo na doon tayo sa amin?” tanong ni Paul. Napayuko ang dalaga at nagisip.
“Tama tol! Kasi tingnan mo yung kamay niya oh ang kinis.” Sabi ni Nico. Biglang napatingin si Danica kay Nico.
“Kasi madumi yung bahay. Tamang tama pwede siyang maglinis doon. Tapos yung mga pinagkainan natin nakatambak! So pwede din siya maghugas doon. Alam mo namang walang silbi si Kiko eh.” Nawala ang gulat sa mukha ni Danica naging mataray ang mukha at tinaasan ng kilay si Nico.
“Ay oo nga pala tol, di pa tayo naglalaba so pwede rin siyang maglaba sa doon. Tapos kung aabutan niyang matuyo, pwede na rin niyang plantsahin.” Banat naman ni Paul. Nagtawanan ang dalawang binata at nabusit si Danica.
“Danica mode.” Bulong ni Paul. Napatingin lang sa kanya si Nico at nagtataka. Lumapit si Paul kay Danica.
“Pero tol, sa tingin mo ba hahayaan kong gawin ni Danica yon?” sabi ng binata sabay hawak sa isang kamay ni Danica.
“Itong kamay na to, hindi para doon no! Di ba Aiks?” Dagdag niya. Nagkatinginan si Paul at Danica. Nagka-ilangan ang dalawa at bumitaw na si Paul. Namumula naman si Danica.
“Ehem! Nakakadistorbo yata ako ah. Una na kaya ako? Maghintay muna kaya kayo na makarating tayo sa apartment?” tukso ni Nico at sinuntok siya sa braso ni Paul. Napangiti lang si Danica sa magkaibigan.
“Tara na nga!” sabi ni Paul at naglakad na. Matapos ang ilang minuto ay nakarating na sila sa apartment. Agad na umakyat si Nico para maligo at magbihis. Naiwan naman sa sala sina Paul at Danica.
Naupo ang dalawa sa sofa ang dalawa. Tahimik lang sila. Ilang sandali pa ay nagsalita si Danica.
“Ang linis naman pala ng bahay nyo eh.” Sabi ng dalaga.
“Oh bakit parang shocked ka?” tanong naman ni Paul.
“Eh kasi diba sabi mo puro kayo lalaki dito?”
“So anong ibig mong sabihin hindi marunong maglinis ang mga lalaki ganon?” tanong ni Paul.
“Uy, hindi naman. Unusual lang. Sino ba naglilinis dito?”
“Kami lang ni Nico. Yun kasing dalawa naming kasama dito walang silbi eh. Ah pero yung isa naglilinis minsan. Yun kasi yung BOY namin talaga.” Sabi naman ni Paul.
“Ah talaga? Sino yon?”
“Si Kiko. Makikilala mo rin siya mamaya. Pag nakita mo siya malalaman mo agad. Halata naman kasi sa itsura niya eh.” Banat ni Paul. Natawa naman si Danica at pinalo siya sa balikat.
“Gusto mo kumain? Magluluto ako.” Sabi ni Paul.
“Ha? Marunong ka?” nagtatakang tanong ng dalaga.
“Oo naman. Turo ni Mum. Kaya lang konti lang naturo niya kasi agad akong nagsolo eh.”
“Talaga? So ano naman ang iluluto mo?” tanong ng dalaga.
“Tsow Pan.” Painosenteng sagot ng binata at natawa si Danica.
“Ha? Diba sa Chow king yon?”
“Oo nga. Turo ni Mama eh. Magkasing sarap sila pramis. Mas masarap pa nga yata yung sa akin eh. Kaya nga nirevise ko yung pangalan. Oh ano? Kain ka?” tanong ni Paul.
“Sure, basta masarap yan ha?”
“Oo naman! Oh siya. Wait there. Ako nang bahala.” Agad bumangon si Paul at naghanda na. Si Danica naman nakaupo lang sa sofa, pinagmamasdan ang binata habang nagluluto. Ilang sandali pa ay bumaba na si Nico. Napatingin si Danica sa kanya at namangha.
“Wow.” Bigkas ng dalaga. Nginitian lang siya ng binata at nagpunta sa kusina para kausapin si Paul.
“Oh shet tol! Grabe ka ha! Natuto ka ring mag ayos!” biro ni Paul.
“Syempre special day eh. Oh tol, keys?” sabi ni Nico at iniabot ang palad niya sa harap ni Paul. Agad naman nangalkal si Paul sa bulsa niya at nagabot ng susi kay Nico.
“Teka, ano to?” tanong ni Nico.
“Susi ng kwarto ko.”
“Oh bat kwarto?”
“Para hindi kana mahirapan mamaya kung gusto mo akong dalawin.” Banat naman ni Paul at napangisi si Nico.
“So you mean pwede kita pasukin mamaya sa kwarto mo?”
“Sure. I will make you happy and forget Misa.” Landi ni Paul. Nagkatitigan ang dalawa. Nakangisi si Paul at naguumpisa nang mandiri si Nico.
“Yuck! Over my dead sexy body!” sigaw ni Nico at sinuntok sa braso si Paul. Bigla na lang silang may narinig na tumatawa mula sa sala. Pagtingin nila, tawa ng tawa si Danica at halos napahiga na sa sofa.
“Wow tol. Magkakasundo sila ni Misa. Grabe.” Biro ni Nico. Nahimasmasan si Danica at nakitang nakatingin sa kanya ang dalawang binata. Natauhan siya at agad inayos ang sarili. Nakatingin pa rin ang dalawa sa kanya at nakangiti.
“What?” tanong ng dalaga.
“Wala. Ang cute mo talaga tumawa.” Sabi naman ni Paul at namula ang dalaga.
“Yihee! Oh sige na. Bago pa kayo langgamin dito alis na ako. Tol asan na kasi yung susi?” tanong ni Nico.
“Andon oh sa mesa sa sala. Bibig kasi yung pinanghahanap mo eh.” Sabi naman ni Paul. Tinapik ni Nico sa braso si Paul at kinuha na ang susi. Napatingin siya kay Danica at nakita yon ni Paul.
“Danica, Alagaan mo si Paul ha” biro ni Nico at binato siya ni Paul ng plastic na baso. Agad tumakbo si Nico at sinara ang pinto.
“Bye tol!” sigaw ni Nico. Natawa lang si Danica. Si Paul naman balik lang sa pagluluto.
Matapos ang ilang minuto ay inhain na ni Paul ang kanyang Tso Pan sa mesa. Agad naman lumapit si Danica at naupo.
“Wow, bango ah.” Sabi ng dalaga.
“Natural! Luto ko yan eh. Oh this time ikaw naman ang papabilibin ko.” Sagot naman ni Paul.
“Talaga lang ha?”
“Oo. Tikman mo.” Sabi ni Paul. Kumuha ng kutsara ang binata at akmang susubuan si Danica. Nagdalawang isip pa ang dalaga pero binuka din niya ang bibig niya at sinubuan ni Paul. Ngumunguya siya at nakatingin lang si Paul sa kanya with matching beautiful eyes. Biglang pumait ang itsura ng dalaga.
“Hindi masarap? Shet! Anong nalagay ko diyan. May mali yan sigurado!” sabi ni Paul. Parang nataranta na siya at bigla na lang ngumiti si Danica.
“Uy, Joke lang. Masarap kaya.” Sabi ng dalaga.
“Ows? Pinapagaan mo lang loob ko eh.” Sabi ni Paul at nagtampo na parang bata.
“Hindi masarap talaga siya as in.”
“Talaga?”
“Oo talaga.” Sagot ng dalaga.
“Aba! Natural! Ako yatang nagluto niyan. Natural masarap yan! Hahaha!” pagmamayabang ni Paul. Natawa lang sa kanya si Danica at nagpatuloy sa pagkain.
Pagkatapos kumain ay magkatabing naupo ang dalawa sa sala. Nagsoundtrip ang dalawa tulad ng palagi nilang ginagawa.
“Aiks.” Sabi ni Paul.
“Hmm?”
“Ah, kasi, nakapagdecide na ako.”
“Tungkol saan?” tanong ng dalaga.
“Yung ano, alam mo na. Na kunwari liligawan kita? Payag na ako.”
“Ah.” Sagot ng dalaga sabay huminga ng malalim. “So when do we start?” dagdag niya.
“So okay lang sayo?” tanong naman ni Paul.
“Oo naman okay lang. I’ll help you.”
“Pero kasi. Parang, guilty na ako as early as now.” Sabi ni Paul sabay tingin sa malayo.
“Bakit? Wait, what made you decide ba na ituloy tong plano natin?” tanong ng dalaga.
“I was still hesitating kahapon, even though she cried, kasi nga naman madrama talaga yung sinabi ko.”
“So what made you decide nga?”
“Basta, she whispered something pero matalas ang pandinig ko kaya narinig ko.”
“So sure ka na ban a may feelings talaga siya for you?”
“Hindi pa eh. I need more proof. At gusto ko rin na marealize niya talaga sa sarili niya na mahal niya ako, kung sakali mang totoo ano.”
“You’re right. So what’s our first move?” tanong ni Danica.
“Hmmm. Teka, kailangang pagisipan ng mabuti yan.” Sagot naman ni Paul. Ilang oras ring nagusap ang dalawa sa sala. Hindi sila naubusan ng kwento. Kanina lang ay pinaguusapan nila ang plano tungkol sa kanilang pagkukunwari pero napunta na rin kung saan saan ang usapan nila.
Six pm na, at habang masayang nagkukwentuhan ang dalawa, may biglang pumasok sa pinto.
“I’m home!” sigaw ni Kiko. Napatingin si Paul at Danica sa binata. Napansin ni Paul na may dala siyang ulam.
“Oh ayan na siya! Oh diba Aiks. Sabi ko naman sayo halata sa itsura niya eh.” Bulong ni Paul at napabungisngis si Danica.
“Bakit siya tumatawa? Teka, tol sino siya?” tanong ni Kiko.
“Tol? Wag mo nga akong matawag tawag na tol. Amo mo ako. Subukan mo akong tawagin na tol at kakaltasan ko yung limang pisong daily allowance mo!” sabi ni Paul at lalo pang natawa si Danica.
“Hala! Lagay mo na yan sa mesa! Dali at nagugutom na kami!” dagdag ni Paul. Natawa lang si Kiko at pumasok na. Nagulat si Paul nang may pumasok kasunod niya. Si Aya.
“Aya? Teka, sayo galing yung ulam?” tanong ni Paul.
“Natural! Kanino pa ba mangagaling to?” sagot naman ni Kiko.
“Eh bakit kasi ikaw nagdala?”
“Sabay kasi kami umuwi ni Ysa. Hinatid ko siya sa kanila tapos tinulungan ko na si Ate Aya na dalhin tong ulam.” Sagot ni Kiko sabay ngisi kay Paul. Balisa si Paul sa nagawa niyang kalokohan. Lalo pa siyang nabalisa nang makita niyang nakatingin si Aya kay Danica.
“Is that your bestfriend?” tanong ni Aya.
“Ah, oo. Si Danica. Danica si Aya.” Sabi ni Paul. Kumaway si Danica at ngumiti naman si Aya.
“Aya upo ka oh.” Sabi ni Paul. Akala niya ay tatangi ang dalaga pero nagulat siya nang umupo ito sa tabi niya. Nasa pagitan na siya ngayon ni Aya at Danica. Hindi mapakali si Paul sa nangyayari. Tiningnan niya si Kiko, na parang humihingi ng tulong. Napangisi lang si Kiko sabay nilabas ang dila niya at umakyat sa taas.
“Kiks! Sara mo nang mabuti ang kwarto mo ha! Baka maisipan kitang dalawin mamaya!” sigaw ni Paul at dinilatan lang siya ulit ni Kiko. Natawa naman ang dalawang dalaga sa tabi niya.
“Pao? Si G1 yan?” bulong ni Danica kay Paul. Tumango lang ang binata sa kanya. Natawa lang si Danica pagkat napaka inosente ng mukha ni Paul.
“Ikaw pala si Aya. Palagi kang kinukwento ni Pao eh.” Sabi ni Danica.
“Ah ganon ba? Ano namang sinasabi niya?” tanong naman ni Aya. Hindi na niya itinanong ang pagtawag ni Danica ng “Pao” kay Paul.
“Marami. Mabait ka daw tapos magaling ka pa magluto.” Sagot ni Danica.
“Ah, oo nga eh. Sabi kasi nila walang marunong magluto sa kanila kaya madalas ko silang binibigyan ng ulam.”
“Ha? Eh magaling kaya magluto si Pa-.” Sabi naman ni Danica pero biglang tinakpan ni Paul ang bibig niya.
“Ah, ang ibig niyang sabihin magaling akong magprito at magluto ng mga instant noodles.” Palusot naman ni Paul. Natawa naman si Danica at napangiti lang si Aya.
Nagusap ang dalawang dalaga sa tabi ni Paul. Kunwari ay nakikinig siya ngunit balisa ang isip niya. Halos wala na siyang maintindihan sa paguusap ng dalawa. Pero kahit papaano masaya siya at mukhang magkasundo naman sila.
Ilang sandali pa ay dumating na si Chics. Nagulat siya nang makita niya ang tatlo sa sala.
“Ah, Chics! Buti dumating ka na. Siya nga pala si Danica, bestfriend ko. Danica si Chics, kapatid ni Nico at kaibigan ko rin.” Sabi ni Paul. Kumaway ulit si Danica at ganon din si Chics. Sinenyasan ni Paul si Chics na maupo sa tabi nila para naman gumaan ang pakiramdam niya. Napangiti lang si Chics kay Paul.
“Magbihis lang ako. Pero mabagal akong magbihis.” Sabi ni Chics at nakangisi kay Paul. Napabuntong hininga lang si Paul at napayuko.
“Tara lets eat.” Sabi bigla ni Aya. Napatingin si Paul sa dalaga.
“Kakain ka rin dito? Ahm sure. Tara lets eat!” sabi ni Paul. Nakahinga siya ng maluwag at agad tumayo at umupo sa dining table. Naiwan ang dalawang dalaga at nakatingin sa kanya.
“What? Ayaw nyo pa kumain?” tanong niya. Nagkatinginan ang dalawa at napangiti. Tumayo na rin sila at naupo na rin sa dining table. Ilang sandali pa ay bumaba na ang dalawang binata mula sa taas. Agad naman silang naupo sa dining table.
Pagkatapos kumain, nagpahinga muna ang lahat. Hindi pa rin bumabalik si Aya sa kabilang apartment. Sina Kiko at Chics ay umakyat na sa kwarto nila.
“Pao, uwi na ako niyan. Sigurado hinahap na ako ni Lala.” Sabi ni Danica.
“Naku Aiks, wala pa yung kotse eh.” Sagot naman ni Paul.
“Hindi okay lang, ako na lang.”
“Ay hindi pwede. Ihahatid kita sa inyo.” Sabi ni Paul.
“Kaya ko naman noh. At isa pa malapit lang naman bahay namin dito eh.”
“Ah basta! Ihahatid kita sa ayaw at sa gusto mo. Ako nagdala sayo dito so ako din dapat ang maghahatid. Shh! Wag kanang magsalita. Basta ihahatid kita okay?” sabi ng binata.
Hindi na sumagot si Danica at napangiti na lang. Napansin niyang nakatingin lang si Aya kay Paul. Hindi niya maitindihan ang expresyon sa mukha ng dalaga.
Matapos ang konting chikahan, nagpaalam na si Paul at Danica. Hinatid naman sila ni Aya hanggang sa gate.
“Oh, Aya, hatid ko lang si Danica.” Sabi ni Paul.
“Okay, ingat kayo ah.” Sagot ni Aya.
“Bye Aya, thanks sa food ah. Masarap ka talagang magluto.” Sabi ni Danica.
“Ah, Thank you. Sige. Nice meeting you Danica.”
“Nice meeting you too. Una na kami.” Sabi ni Danica at umalis na sila. Nakatitig lang si Aya sa kanila hanggang mawala na sila sa paningin niya. Pagkatapos ay pumasok na siya, bakas ang lungkot sa kayang mukha. Hindi niya rin maipaliwanag ang dahilan kung bakit siya nanatili sa apartment nina Paul.
“Ano bang pinag-gagawa mo?” tanong niya sa sarili.
“Youre not inlove with him okay.” Bulong niya at pumasok na sa apartment nila.
Pagbaba ni Paul at Danica sa jeep, ay naglakad na lang sila papasok sa subdivision. Mabagal lang ang lakad nila. Ilang sandali pa ay nakarating na sila sa gate nina Danica.
“Oh siya! Una na ko. Kumusta mo ako kay Lala no?” sabi ni Paul. Ngumiti si Danica at napatingin sa buwan.
“Pao, alam mo si yan si Aya mo, para siyang newmoon.” Sabi ng dalaga.
“Huh? Newmoon?” tanong ni Paul.
“Oo, kasi ang galing niya mag tago ng feelings niya eh. Napansin ko lang kanina. Nakatingin siya palagi sayo, pero hindi ko maintindihan yung expression sa mukha niya eh. Mahirap siyang basahin. Like the moon. How will you study it if you cant even see it diba?” sagot ng dalaga.
“Wow. Sabagay tama ka. Magaling siya magtago eh. Pero diba kanina, she stayed and even ate with us. Parang unusual lang yon. Sabihin na nating gusto ka lang niya makilala. Pero pagkakakilala ko kay Aya hindi niya talaga gagawin yon eh.” Sabi naman ni Paul napatingin sa kanya si Danica.
“We need to push through. Dapat mag level up na tayo.” Sabi ng dalaga.
“Okay, pag nanakita tayo ng chance. Commence plan A!” sabi ni Paul at natawa silang dalawa.
“Sige pasok na ako. Ingat ka ah.” Sabi ni Danica. Ngumiti lang si Paul at tumango sabay naglakad na palayo. Paglingon niya ay pumasok na si Danica sa kanila. Tumingala siya at pinagmasdan ang buwan habang naglalakad.
“I’ll turn you into a full moon!”
(Earlier)
Nakarating na si Nico kina Misa. Agad siyang pinapasok at naghintay sa may sala. Ilang sandali pa ay bumaba na si Misa. Nakangiti ito sa kanya.
“Hep!” sigaw ni Nico.
“Ha? Bakit?” tanong ni Misa.
“Wag kang tatakbo papunta sa akin! Nasa hagdan ka baka mahulog ka!” sabi ng binata. Napabungisngis si Misa at nagmadali papunta kay Nico. Niyakap niya ito ng hinalikan sa labi. Pagkatapos at tiningnan ng dalaga si Nico at nakitang nakasimangot ito.
“Bakit?” tanong ng dalaga.
“Sabing wag tatakbo eh. Ikaw ang tiiiigaaas tigas ng ulo mo.” Sabi ni Nico at pinisil ang ilong ni Misa.
“Ikaw laaaaagi mo na lang pinipisil ilong ko!” sabi ni Misa at pinisil din ang ilong ng binata.
“Aray! Aray! Hindi naman masakit yung akin eh. Yung sayo masakit!” sabi ni Nico at niyakap siya ni Misa.
“Sorry!” sabi ni Misa habang nagpapacute. Matapos nagkulitan ng dalawa ay nagpaalam na sila sa Mommy ni Misa.
Nagmaneho si Nico at tanong ng tanong si Misa kung saan sila pupunta. Napangiti lang si Nico at sinasabing malalaman din niya ito.
Dumaan sila sa isang fastfood at nag drive in. Palubog na ang araw nang makarating sila sa kanilang destinasyon.
“Phew! Buti umabot!” sabi ni Nico. “Tara, lets watch the sunset together.” Dagdag niya. Bumaba siya sa sasakyan at kinuha ang take out nila. Umikot siya at pinambuksan ng pinto si Misa. Inabot niya ang kamay niya at hinawakan naman ito ng Dalaga.
Naglakad-lakad ang dalawa sa kahabaan ng boulevard. Nakahanap sila ng isang magandang pwesto, na kung saan sila lang ang tao. Tanaw na tanaw nito ang paglubog ng araw sa dagat. Naupo ang dalawa. Sumandal si Misa sa balikat ni Nico habang kumakain ng fries. Busy naman si Nico sa pagkain ng burger. Tahimik lang ang dalawa habang pinapanood ang unti-unting paglubog ng araw.
“Happy birthday Mimi.” Bulong ni Nico. Inangat ng dalaga ang ulo niya at tumingin kay Nico at nagtaas ng kilay.
“Mimi?” tanong ng dalaga.
“Oo, basta ako lang ang may karapatang tumawag ng Mimi sayo. Walang nang iba.” Sagot naman ng binata.
“Okay Coco.” Nagulat si Nico at napatingin din kay Misa. Hindi na nagtanong si Nico at pinisil na lang ang ilong ni Misa.
“Coco and Mimi. Cute.” Sabi ng binata. Hinawakan niya ang kamay ni Misa. Nagulat ang dalaga pagkat may matigas na bagay siyang naramdaman sa palad ng binata.
“Ano to?” tanong niya.
“Mamaya mo na tingnan pag nakalubog na yung araw. Let me hold you hand muna until the sun sets.” Sagot ng binata. Ngumiti si Misa at ibinalik na ang ulo sa balikat ng binata.
“Mimi?” sabi ni Nico.
“Yes Coco?” sagot ng dalaga. Nagkatinginan ang dalawa saglit at napangiti. Pagkatapos ay muli nilang pinagmasdan ang araw.
“Do you like watching the sun set?”
“Yes. I love it.” Sagot ng dalaga. Inilagay ni Nico libreng kamay niya sa balikat ni Misa.
“They say that the sun symbolizes life. When it sets, it symbolizes the problems we have to face, the dark part of our lives. And when night comes, our problems become harder and tougher to face. If we fall, we must stand up and be tough in order for us to see the sun rise once again. And when we see the sun make its way towards the sky, it means that we are stronger and was able to push through the night.” Bigkas ni Nico. Nakatingin pa rin ang dalawa sa araw na unti unti nang nagtatago sa karagatan.
“But in life, there are people that always stand by your side when you face problems. And the same people that will be by your side when you conquer them. Just like the clouds, without them, the sunset will seem lifeless, the same with sunrise. But when clouds are scattered through the sky, it gives life and meaning on every sunset. It gives it color. Making the sunset worth watching.” Dagdag niya. Napaakbay na rin si Misa sa bewang ng binata gamit ang isang kamay nito.
“Mimi, for me you are the clouds in my sunset. The problems that come to my life are nothing, when you are with me. At the same time, when I conquer my problems, you give color to my dawn. Like you smiling at me when my sun starts to circle the sky.” Sabi ni Nico. Napayuko si Misa at kinilig. Tinatakpan ang bibig niya para hindi siya marinig ni Nico. Ilang sandali pa ay tumingin siya sa binata. Nakita niya itong nakatingin na sa kanya. Nagkangitian lang silang dalawa.
“So I am the clouds and you are the sun?” tanong ng dalaga.
“No. You are my cloud and I am yours.” Sagot naman ni Nico. Unti unting nag lapit ang mga mukha nila. Si Misa napapaluha nanaman pero pilit niyan pinipigilan ito. Magkalapit na ang mga ilong nila at pareho na nilang pinikit ang kanilang mga mata. Hanggang sa nagtagpo na ang mga labi ng dalawa. Naghalikan sila hanggang tuluyan nang lumubog ang araw.
Pagkagat ng dilim, bumitaw na si Nico sa kamay ni Misa. Sinara niya ang kamay niya at nagiwan ng maliit na butas.
“Kunin mo gift ko para sayo.” Sabi ng binata.
“Ano ba kasi yan?” tanong naman ni Misa. Ngumiti lang si Nico at inilapit ang kamay niya sa dalaga. Agad namang kinuha ng ni Misa ang laman ng kamay ni Nico. Unti unti niyang hinugot yon. Nang tuluyan na niyang mailabas, nagulat siya at muling tinakpan ang bibig niya.
“Shet. Ang ganda.” Bigkas ng dalaga. Kinuha ni Nico ang kwintas para isuot sa dalaga. Agad namang itinaas ni Misa ang buhok niya para maisuot ang kwintas.
“Happy birthday Mimi. Nagustuhan mo ba?” tanong ng binata.
“Yup. Ang ganda. Thank you Coco!” sagot ni Misa at napapaiyak na. Pinunasan naman ni Nico ang luha niya gamit ang daliri niya.
“Don’t cry. You look good. So don’t cry.” Sabi ni Nico at muli silang nagyakapan.
“I love you.” Bulong ng dalaga.
“Love you too.” Sagot naman ni Nico.
Pagkatapos maglakad lakad muli sa boulevard, nagtungo ang dalawa sa isang restaurant para kumain. Pagkatapos kumain ay hinatid na ni Nico si Misa sa bahay nila. Nang makarating ang dalawa sa bahay ni Misa, may nakita silang isang binatang nakatayo sa labas ng gate. Napatingin ito sa direksyon nila. Agad naman siyang nakilala ni Misa. Napatingin sa kanya si Nico at nakita ang gulat sa mukha niya.
“Sino siya?” tanong ng binata. Hindi agad nakasagot si Misa. Napayuko lang siya.
“Mimi sino siya?” tanong ulit ni Nico.
“Si, si Vince.” Sagot ng dalaga. Agad bumaba si Nico para komprontahin si Vince. Mabilis naman na sumunod si Misa.
“Ikaw ba si Vince? Anong ginagawa mo dito? Ang kapal mo rin ano?” sabi ni Nico. Hindi sumagot si Vince kay Nico. Napatingin lang ang binata kay Misa at sinubukang lumapit pero hinarangan siya ni Nico.
“Misa, lets talk please?” sabi ni Vince. Lumapit si Misa kay Nico at inakbayan ang braso niya.
“Wala na tayong dapat pagusapan Vince. Leave now.” Sabi ng Dalaga.
“Please. Just listen. I just want to say sorry. Alam ko nasaktan kita noon.” Sabi ni Vince. Lalapitan sana siya ni Nico pero pinigilan siya ni Misa.
“Vince umalis ka na please. Masaya na ako ngayon at wag mo na akong guluhin pa.”
“I just want to say sorry. Just give me a minute to talk to you. Sige na.” pagmamakaawa ni Vince.
“Okay, I forgive you. Past is past. I am happy now so lets just forget what happened. So please leave now.” Sagot ng dalaga at lalo pang hinigpitan ang hawak sa braso ni Nico.
“Misa please.”
“Pare umalis kana. Ayaw ko ng gulo pero pag di ka pa umalis baka hindi na ako makapag pigil.” Sabi ni Nico at talagang masama ang tingin niya kay Vince.
“Pare let me talk to her. Sandali lang talaga.”
“Sinabi nang umalis ka na eh!” sumbat ni Nico. Tumigil na si Vince at napatingin kay Misa.
“Vince, umalis ka na please.” Sabi ni Misa. Tumalikod ang binata at sumakay na sa kotse niya. Pinaandar niya ang sasakyan at napatingin kay Misa habang dinaanan niya ito.
Inakbayan ni Nico si Misa at inihatid ito sa loob. Huminto ang dalawa sa may garden. Malungkot ang expression ni Misa kaya sinubukang magpatawa ni Nico. Tagumpay naman siya dahil sa kababawan ni Misa at napatawa ang dalaga.
“Mas maganda ka pag tumatawa.” Sabi ni Nico. “Are you okay?” dagdag niya.
“Yup. Nagulat lang ako kanina. Pero I’m fine.” Sagot ng dalaga.
“Is it bothering you?”
“What is?” tanong ni Misa.
“Yung pagpunta ni Vince.”
“Honestly, oo. Pero don’t worry. Okay lang ako.”
“Just tell me if he’s bothering you again okay?” sabi ng Binata at inilapag ang palad niya sa ulo ng dalaga.
“Kei. I love you Coco!” pacute ng dalaga.
“Love you too Mimi. Oh siya, una na ako. Magpahinga ka na rin may pasok pa tayo bukas eh.”
“Opo. Sige pasok na ako. Thank you for such a wonderful day. You really made me very happy.” Sabi ng dalaga.
“Basta ikaw. Sige, una na ako.” Sabi ni Nico at inihatid siya ni Misa hanggang sa gate. Hinalikan siya ni Misa ng mabilis sa pisngi at pumasok na sa loob. Napangiti ang binata at sumakay na sa kotse. Huminga siya ng malalalim at nakatitig lang sa bahay nina Misa.
“She’s not just my cloud, she’s my heaven.” Bigkas niya sabay start ng sasakyan.
Isang linggo ang lumipas at isang araw na lang ay debut na ni Misa. Ilang beses na ring kinausap ni Paul si Aya para manghingi ng advise. Nagpunta rin ulit si Danica sa apartment at nagusap ulit sila ni Aya. Sabado ng umaga, agad umuwi si Paul sa apartment dahil maagang natapos ang Saturday makeup class nila. Masaya rin siya dahil pumayag si Misa na imbitahin si Danica sa debut niya. Pagdating niya sa apartment, may nakita siyang isa pang kotse na nakapark sa labas. Hindi niya ito masyadong pinansin at pumasok na sa loob. Nakita niya si Gela na nakikinig ng I-pod sa tapat ng apartment nila at nakaupo sa bench. Nilapitan niya ito at tinabihan.
“Hi Gela.” Sabi ni Paul. Tinanggal ni Gela ang headset niya at tumingin sa binata.
“Hello. Musta?” tanong ng dalaga.
“Okay lang. Teka, kaninong kotse pala yung nasa labas?” tanong ni Paul.
“Ay, kay Marvin.” Sagot naman ni Gela.
“Ha? Marvin?”
“Oo, isa sa mga manliligaw ni Aya.” Sabi ni Gela. Nabigla si Paul at parang natulala. Natawa si Gela sa reaksyon ng binata.
“Huy!” sabi ni Gela sabay tapik sa braso ni Paul. Agad namang natauhan si Paul pero bakas pa rin ang gulat sa mata niya.
“Manliligaw?” sabi ni Paul.
“Oo, kasi among her manliligaws, Marvin stands out the most. So she decided to entertain him. Matagal na ring nanliligaw yan eh.”
“Ah, ganon ba?” sabi lang ni Paul at napayuko. Bakas ang lungkot sa mukha niya. Natawa muli si Gela sa kanya.
“Ikaw kasi eh, may Danica ka na daw.” Tukso ni Gela. Hindi naman sumagot si Paul at nakayuko lang. Ang kamay niya ay naging kamao.
“Damn nagbackfire!” bulong niya sa sarili.
No comments:
Post a Comment