Monday, October 4, 2010

Chapter 4: New Bonds

A Wonderful Life
By: Nico Laurence And Paul




Chapter 4
“New Bonds”


10 am na nang magising si Nico. Siya na lang ang tao sa bahay pagkat may mga pasok ang mga kasama niya. Pinagmasdan niya ang sarili sa salamin at huminga ng malalim. Alam niya na ngayon na ipapakilala ni Gela ang babaeng sinasabi niya. Agad siyang bumaba sa kusina para magluto ng pananghalian niya. Pagtingin niya sa mesa, may isang maliit na plato na nakatakip. Binuksan niya ito at ‘di’ na nag taka sa nakita; “Kare kare, sigurado galing nanaman to kay Aya.” Sabi niya sa sarili.
Habang kumakain ay nag ring ang phone niya. Agad naman niya itong sinagot.
“Hello?”
“Hi Best! Tuloy mamaya ah. You’ll definitely like her.” Sabi ni Gela.
“Really? Busy ako eh pano yan?” biro ni Nico.
“Hmmp! Na set ko na wala nang atrasan.”
“Joke. Ok I’ll be there. Anong oras ba?”
“8:00 pm sharp! Kitakits sa front gate ng school. Siyempre dapat nandon muna ako kasi dapat may magpapakilala sa inyo sa isa’t isa. Mahiyain din ‘‘yon eh. So dapat ikaw ang magdala ng conversation niyo kasi lalaki ka. Walang atrasan ha.” Sabi ni Gela.
“Ok fine, may magagawa pa ba ako? I’ll try my best.”
“Naku! Maganda siya as in best. Kasing ganda ko. Hihihi! Her name is Melissa. Pero call her Misa. Ok ba? Parang sa deathnote lang.”
“Yon ba talaga nickname niya? Ok sige. Kitakits mamaya.”
“Oo totoo ‘‘yon. Ok, bye best. Be a good boy ok? Bye!”
Matapos ang usapan, tinuloy ni Nico ang pagkain at napabuntong hininga.


Samantala, katatapos lang ng klase ni Paul. Naisipan niyang tumambay muna sa quadrangle. Habang nagmumuni-muni siya ay may biglang tumabi sa kanya.
“Huy!”
“Oh, Claire, tapos na klase niyo?” tanong ni Paul.
“Yup. Aga pa nga eh, ayoko pa umuwi. Tara kain tayo. Treat mo ako.”
“Naks kapal. Ikaw nag yaya tapos ako pa manlilibre?”
“Oo naman. Alangan ako eh babae ako? Tara na.”
“Eh ‘di share share. Pag nilibre kita parang date na ‘‘yon!” sabi ni Paul.
“Ano ka ba? Wag mo kasing bigyan ng meaning. Isipin mo na lang lalaki ako.” Biro ni Claire.
“Ok, teka, ayaw eh, ang ganda mo kasi.” Biro ni Paul at pinagpapalo siya ni Claire.
“Tara na kasi. Gutom na ako eh. Mamaya pa kasi uuwi si Chics so wala ako kasama. Tara na please?” sabay pa cute kay Paul.
“Oo na. mga babae talaga oo. Tara na.”
Nagtungo ang dalwa sa pinakamalapit na fast food at doon kumain. Kahit na maraming tao ay nagpumilit pa rin si Claire na doon kumain. Sa dami ng inorder ni Claire, binawasan na lamang ni Paul ang order para sa sarili niya. Pagkatapos kumain ay naglakad ang dalawa patungo sa kotse.
“Paul, hatid mo ako ah.” Sabi ni Claire.
“Ha? Pag hinatid pa kita para na talaga tong date.”
“Hindi naman. Like I said, wag mo bigyan ng meaning. Sige na, babae ako oh baka mapahamak ako.”
“Tanghaling tapat? Exage ka ha, sige na, may magagawa pa ba ako? San ka ba nakatira?”
“Doon sa may intersection lang. malapit lang sa school.” Sabi ni Claire.
“Talaga? Doon din kami banda lumipat ni Chics ah.” Sabi ni Paul.
“I know. Hihi. Sa apartment nina Ate Aya diba?”
“Kilala mo sila?” nagtatakang tanong ni Paul.
“Oo naman. Pinsan ko sila eh.”
“Di nga?”
“Oo nga. bakit? di ba kami magkakamukha?” tanong ni Claire with matching beautiful eyes.
“Aahhh, eehhh, aray! ba’t mo ko sinuntok? oo na pareho kayong magaganda. masaya ka na?”
“Good. tara na. Hatid mo na ako.”
“Hay nako, kawawa naman pala si Chics, buti na lang di kayo magkaugali ni Aya.” bulong ni Paul.
“Anong sabi mo?” tanong ni Claire.
“Ah, hehe, ako? Wala. sabi ko tara na para makapagpahinga ka na.
Agad sumakay sa kotse ang dalawa. Hinatid ni Paul si Claire sa kanila. Malaki ang bahay nina Claire, halatang mayaman sila. Pagkababa kay Claire ay agad na nagtungo si Paul sa apartment. Wala nang tao doon, umakyat si Paul sa kwarto niya at nagmuni-muni, hanggang sa makatulog siya.


Ilang oras ang lumipas, at sa wakas tapos na ang duty ni Nico. Buti na lang at malapit ang Ospital kung saan sila naka assign. Agad siyang nagtungo sa CR para mag ayos, matapos nito ay nagtungo na siya sa lugar na pinagusapan nila ni Gela. Nakarating na siya doon sa front gate at wala pa si Gela. May iilang taong nakatayo doon pero wala pa sila. Nakatawag pansin sa kanya ang isang babae na nakatingin sa kanya. Napakaganda ng babae. Nang tiningnan din siya ni Nico ay nahiya ito at inilayo ang tingin. Napangiti lang si Nico. Siguro kung hindi siya torpe ay nilapitan na niya ito. At isa pa, may date siya ngayon kaya hindi talaga pwede. Pero habang tinitingnan niya ang babae ay parang natutunaw siya. Napakaganda ng babaeng iyon. Napansin niyang namumula na sa hiya ang babae kaya inilayo na rin ni Nico ang tingin niya. Nag focus na lang siya sa magiging date niya at inisip na sana ganon din kaganda ito.


Makalipas ang ilang minuto ay dumating na si Gela. Hingal na hingal ito.
“Best, sorry late ako. Kanina pa kayo?”
“Kayo? Ahm, Gela, kung ‘di mo napapansin ano, ako lang magisa dito. At magisa ka din, so that means hindi tuloy?” sabi ni Nico.
“Ha? Ayan si Misa oh katabi mo. Aha! So ‘di pa kayo nagusap?” Napatingin si Gela kay Misa at napayuko ito. Si Nico naman ay nagtataka.
“I gave Misa a head start. Hihi! eh kasi naman alam ko malelate ako. Nakita ka na kasi ni Misa before so a figured na baka kausapin ka niya pag nakita ka niya. Misa ba’t ni mo naman siya kinausap?” tanong ni Gela.
“Ah, kasi, nakakahiya eh.” Sagot ni Misa. Pulang pula na ang mukha niya, napansin naman iyon ni Nico at agad nagpakilala.
“Hi Misa. I’m Nicholas San Juan, Nico for short. I’m 18 years old, 4th year Nursing student. My hobbies are watching TV, drawing, sing-, aray!” sigaw ni Nico nang kinurot siya ni Gela. Napatawa naman ng mahinhin si Misa.
“Joke lang, pinapatawa ko lang naman si Misa eh.” Sagot ni Nico. Agad din naman nagpakilala si Misa.
“Uhm, I’m Melissa, uh, you can call me Misa. Nice to meet you.” Pakilala ni Misa, sabay yuko ng ulo niya.
“Ok, so magkakilala na kayo. Iwan ko na kayo ah. Have fun.” Sabi ni Gela. Lumapit siya kay Nico. “Crush ka nyan, Use it to your advantage. Hihi!” bulong ni Gela at tiningnan si Misa.
“Ok, bye Misa. Enjoy.”
Umalis na si Gela at naiwan ang dalawa. Ilang Segundo din silang tahimik. Matapos ang ilang sandali ay nagsalita si Nico.
“Ah, tara? San mo gusto?”
“Uhm. Ikaw. Ok lang ako kahit saan.” Sagot ni Misa.
“Hmm. Tara, come with me.”
Dinala ni Nico si Misa sa isang restaurant sa loob mismo ng isang park. Huminto sila sa labas. Napatingin si Nico kay Misa. Hindi pa rin ito mapalagay.
“Oh, ok lang ba dito?” tanong ni Nico.
“Mahal yata dito? Nakakahiya naman.” Sagot ni Misa.
“Ok lang ano. First date ko to so dapat bongga!” biro ni Nico.
“Talaga? It’s my first date too.”
“Tara?” tanong ni Nico. Tumango lang si Misa at humawak sa braso ni Nico. Pumasok ang dalawa sa restaurant. Naupo sila at nagorder. Nagusap sila habang hinihintay ang order nila.
“So, first mo talaga to? Bakit?” tanong ni Nico.
“What do you mean bakit?”
“Eh kasi parang hindi kapanipaniwala eh. Ang ganda ganda mo kasi.” Sabi ni Nico at namula si Misa.
“Actually hindi.”
“Ha? ang gulo ah.”
“Uhm, I don’t consider my first date as an official date. At lahat ng dates ko with ‘him’.” Sabi ni Misa. Napansin ni Nico na hindi na ito nakayuko tulad kanina.
“Bakit, ano bang nangyari?”
“Long story. Basta manloloko siya.”
“So, galit ka sa mga lalaki? Don’t worry bakla ako”
“Ha? Hindi naman. Kung oo eh di wala ako dito. Totoo bakla ka?”
“Joke lang. Ako pa. Pero bakit ka pumayag na makipag date sakin? bakit ako?”
“Kasi sabi ni Gela iba ka. Na mabait ka. I trust her naman eh. Eh ikaw? bakit ka pumayag?”
“Ah, pinilit ako ni Gela. ‘Di talaga ako makakontra dun eh.” Sagot ni Nico.
“Ah, so napilitan ka lang pala.” Sabi ni Misa. Napayuko siya at halata ang lungkot at dismaya sa mukha niya. Agad nagsalita si Nico.
“Pero! Pero hindi ako nagsisisi. Masaya ako at nagkakilala tayo. Kahit ‘di sabihin ni Gela, pag nakita kita malamang magpapakilala ako sayo.” Muling gumuhit ang ngiti sa mga labi ni Misa. Itinaas nito ang mukha niya na lalo pang namula. Halata din na kinikilig ito.
“Ta-talaga?” Sabi ni Misa. “Pero bakit kanina di’ mo ako nilapitan?” habol niya.
“Ah, siyempre first time kitang nakita. Pinrocess pa ng utak ko ang ganda mo. Di’ ako makareact agad.” Biro ni Nico.
“Hihi. nakaktawa ka talaga. Ewan ko ba, pero ang gaan ng loob ko sayo.”
“Ako nga din eh. Pansin ko nga ano, kanina sobrang mahiyain ka pero ngayon, kahit nga ako eh, parang matagal na tayong magkakilala.”
Napangiti si Misa sa sinabi ni Nico. Ilang sandali pa ay dumating na ang order nila. Matapos kumain ay nagtungo ang dalawa sa park. Naglakad lakad sila, walang nagkikibuan. Matapos ang ilang sandali ay nagsalita si Misa.
“Sarap dito ano? Presko, tahimik.”
“Hmm. Tamang tama ang ambiance.” Sagot ni Nico.
“Oo nga. Just right for lovers.”
“Like us?” biro ni Nico. Namula nanaman si Misa at ‘di makatingin ng diresto kay Nico.
“Uy, ikaw ang bilis mo mag blush no? joke lang.”
“I know. Mabilis talaga ako mag blush. Sorry.” Sagot ni Misa.
“Ba’t ka nag sosorry? Pinapatawa lang kita.”
“Alam mo, kabaliktaran ka sa mga sinasabi ni Gela.”
“Talaga? ano ba mga sinasabi nya?”
“Tahimik ka daw, tapos mahiyain ka pa.”
“Ewan ko nga eh, tama naman siya. Pero with you, at ease ako. Baliktad nga ako eh, kasi hindi ako katulad nung ibang mga lalaki na papansin masyado sa mga crush nila. Ako kasi pag crush ko di ko pinapansin, kaya nga akala nila suplado ako eh. Pero sayo di ako ganon.” Sabi ni Nico. Napangiti naman si Misa at tiningnan ang mga mata ni Nico. Nagkatinginan sila.
“So that means crush mo ako?” tanong ni Misa.
“A-akala ko ba mahiyain ka din? bakit parang straight to the point ka yata ngayon?” kinakabahang tanong ni Nico.
“Like I said, at ease din ako with you. Ewan ko ba. Pero di mo naman sinagot tanong ko eh.”
“I do like you.” sabi ni Nico. Nagulat si Misa at nagblush.
“Me too. ma-matagal na.” sabi ni Misa.
“I know.” sabi ni Nico. Nagulat si Misa. Hindi niya alam ang sasabihin niya.
“Sinabi sa akin ni Gela kanina. Sorry.” sabi ni Nico.
“For what?”
“Kasi di ko inamin sayo. Baka kasi isipin mo na nagtetake advantage ako.”
“Ikaw talaga. Ok lang. kahit medyo nakakahiya. Pero ok na kasi inamin mo din naman na crush mo ako right? maliban na lang kung di yon totoo.”
“Totoo yon no. maganda ka, masarap kausap, mahinhin, isang tunay na dalagang pilipina.” biro ni Nico. Napatawa ng mahinhin si Misa.
“I like it when you laugh like that. Ang cute mo.”
Muli nanamang nag blush si Misa at pinalo si Nico. Naglakad lakad ang dalawa sa park at matapos ang ilang sandali ay hinatid na siya ni Nico sa kanila. Malapit lang ang bahay ni Misa sa University kaya nag lakad lang sila. Ilang sandali lang ay narating na nila ang bahay ni Misa.
“So, bukas ulit?” tanong ni Misa.
“Oo naman. Saan tayo magkikita?”
“Puntahan mo na lang ako dito. Wala namang tao.” sabi ni Misa.
“Ok lang? Sige. basta ikaw. text text na lang.” sabi ni Nico.
“Uhm Nics, do you really like me?”
“Yup. I really do.” sagot ni Nico.
“So you like me, and I like you, so, ano na tayo?”
“It’s Complicated?” biro ni Nico. Natawa naman si Misa.
“Joke lang. Ano nga ba? Para sayo ba, ano tayo?”
“It’s just a trick question noh, ngayon pa lang tayo nagkakilala eh. so we’re friends. Let’s say we’re good friends.”
“Ah, buti na lang di In a Relationship ung sinabi ko.”
“Ikaw talaga. Sige, pasok na ako. Uwi ka rin ha. Medyo late na eh.”
“Naks, concerned. Sige. pasok ka na. bye.” sabi ni Nico. Bago pumasok si Misa ay hinalikan niya sa cheeks si Nico. Nagulat si Nico at pumasok na si Misa. Nanatiling nakatayo si Nico hawak hawak ang pisngi niya at nakangisi. Ngiting aso.

No comments: