Thursday, October 14, 2010

Chapter 8: Rumble

(Sensya na po natagalan. busy po kasi. expect the other chapter to take a while either. But i assure you that i will continue on posting. Thanks! sa mga bumasa ng cast of characters, may mali po doon. 17 pa lang si Misa at hindi 18. pinalitan ko na po... thanks!)




A Wonderful Life
By: Nico Laurence And Paul

Chapter 8: Rumble!

Madilim ang paligid. Ang tanging nagbibigay lang ng liwanag ay ang mahinang ilaw mula sa di kalayuang poste. May konting ambon na pumapatak. Sa isang iskinita, may isang tago at malawak na lugar na kung may nakatayong mga kalalakihan. Sa kabilang dulo nakatayo ang anim na lalake. Bakas sa mukha ng isa sa kanila ang matinding galit. Nanginginig ang mga kamao nito. Sa kabilang banda naman, nakatayo lamang si Nico. Tinititigan niya mata sa mata si Marion na nasa harap ng grupo ng kalalakihan. Naririnig niya ang mga tawa nila na para bang sinasabi sa kanya na siya ay hindi na makakalabas pa ng buhay. Alam ni Nico na hindi niya kakayanin ang mga lalaki sa harap niya. Umabante siya ng isang hakbang. Umabante din si Marion at nagsalita.

“Gago ka! Tingnan ko lang kung magyabang ka pa matapos ka naming gulpihin!” sigaw ni Marion. Parang handang handa na siyang sumugod.

“Anong problema? Galit ka ba dahil alam mong hindi mo malapitan si Gela ha?” Hirit ni Nico.

“Bugok! Akala mo hindi ko alam? Na may iba kang babae? Ang lakas ng loob mo pare! Dumaan ka pa sa harap namin! Lulumpuhin ka namin para hindi ka na makalapit pa kay Gela!” sigaw ni Marion. Hindi na nabigla si Nico sa mga sinabi ni Marion. Nagpanggap nga naman pala sila ni Gela na sila. Para paalisin sina Marion. Wala siyang balak idepensa ang sarili niya. Inisip pa rin niya ang kapakanan ni Gela.

“Ah, yun pala ang ikinagagalit mo?” sabi ni Nico sabay umabante ng isa pang hakbang. “Oo, meron nga akong kasamang ibang babae kagabi. Pero hindi ibig sabihin non ay pwede mo nang lapitan si Gela. Dahil kami pa rin ni Gela hanggang ngayon.” Sabi ni Nico

“Ano? Gusto mo tapusin na natin to? Tingnan natin sino talaga karapat dapat para kay Gela? Eh bakit nagdala ka pa ng mga alalay mo? Di mo ako kayang magisa? Hindi ka ba makakakain ng walang magsasaksak ng kutsara sa bunganga mo? Hindi ka ba makakatae pag walang maghuhugas ng pwet mo?” Dagdag ni Nico. Lalong nanginig ang mga kamao ni Marion. Hindi na niya mapigilan ang sarili niya.

“Gago ka talaga! Tingnan natin kung masabi mo pa yan pagkatapos nito. Sisirain ko mukha mo!” sigaw niya ulit.

Akmang susugod na sana si Marion nang biglang may dumating na lalaki. Pamilyar sa kanya ang itsura ng lalaking iyon. Alam niya siya ang borfriend ni Aya.
Napahinto sa Paul sa may labasan ng eskinita. Tinititigan siya ng anim na lalaking nasa harap niya. Pamilyar sa kanya ang dalawa doon. At ang isa sa kanila ay si Aya ang habol. Tumingin siya sa kaibigan niya na nasa kabilang bahagi ng lugar na yon. Ngumiti siya at naglakad papunta kay Nico at tinapik ito sa balikat.  Nilagpasan niya ang grupo ni Marion na para bang wala sila doon.

“Tol! andito ka na pala? Sorry dumaan pa ko kina Danica eh tapos nagpa-carwash pa ako. Kanina ka pa?” tanong ni Paul. Pagkatapos ay lumingon siya sa direksyon nina Marion at George.

“Oh andyan pala kayo.” Sabi niya sabay lingon ulit sa best friend niya.

“Oh, tara na tol? Diba bibili pa tayo ng gift para kay Misa? Tara na at gabi na baka di natin abutan.”Sabi ni Paul. Sinadya niya talagang inisin ang kampo nina Marion. Lalong napuno si Marion at pati si George hindi na nakapagpigil. Humakbang siya papunta kay Paul at hinawakan ito sa balikat. Paglingon ni Paul ay binigyan siya ni George ng isang malakas na suntok sa mukha. Tumilapon ang mukha ni Paul sa kabilang direksyon pero hindi natinag ang tayo niya. Bigla na lang may tumulong dugo mula sa itaas na bahagi ng kanyang kaliwang mata. Hindi niya ito pinunasan at hinayaan lang na tumulo hanggang sa pisngi niya. Agad siyang humarap kay George at masama ang tingin. Napaatras ng isang hakbang si George. Tingnan siya ng masama ni Paul.

“Yun lang ba kaya mo?” tanong ni Paul habang nakatingin sa mga mata ni George. Bakas ang takot sa mukha niya. Pero napalingon siya sa likod niya at naalala niya na mas marami sila.

“Huh! Kayabangan! Dalawa lang kayo, anim kami. Kung ako sayo magmakaawa ka na lang baka paalisin ka pa namin dito. Yung kasama mo lang ang pinunta namin di-“ hindi na natapos ni George ang sinabi niya dahil agad siyang binigyan ni Paul ng headbutt. Napaupo siya at agad hinawakan ang ulo niya. Napansin niyang may dugo doon. Inisip niya na galing lang ito kay Paul pero bigla na lang tumulo ang dugo mula sa noo niya. Ngumiti lang si Paul at tiningnan siya.

“Amanos.”

Samantala, alalang alala na sina Gela sa lagay ni Nico. Hindi nila ito makontak. Ilang beses na nilang sinusubukan pero hindi sinasagot ni Nico ang phone niya. Medyo may kalayuan ang sinasabing secret place nila mula sa apartment. Pero kaya namang lakarin. Walang makita sina Gela na kahit isang jeep o tryke. Binilisan na lang nila ang lakad nila.

“Sorry, sana sinabi ko ng mas maaga.” Sabi ni Ian. Tiningnan lang siya ng masama ni Gela.

“Bakit ba kasi ngayon mo lang sinabi?” tanong ni Aya. Hindi nakasagot si Ian. Tinitigan lang siya ng masama ni Gela. Pati si Kiko at Chics ay masama ang tingin sa kanya.

“Pag may nangyaring masama kay Kuya Nick lagot sa amin yang Marion na yan.” Banta ni Kiko.

“Asan ba kasi si Paul? Kung kailan kailangan na kailangan siya doon naman nawawala.” Sumbat ni Chics.

“Di ba magkikita daw sila sa secret place niyo? Lets just hope na nagkita sila ni Nico. Right Gela?” sabi ni Aya. Sabay tingin sa kaibigan.

“Sana nga.” Matamlay na sagot ni Gela.

Sa secret place naman, halos nagsiliparan na ang dugo dahil sa nagaganap na suntukan. Kanina pa tulog si George dahil siya ang unang pinaginitan ni Paul. Kahit tinitira na siya ng mga kasama niya, hindi niya ito pinansin hanggat gumagalaw pa si George. Naging matindi ang laban. Ilang tama na rin ang natamo ng dalawang magkaibigan. Tuloy tuloy pa rin ang daloy ng dugo mula sa ulo ni Paul. Nakapikit na ang kanyang kaliwang mata at iniinda ang hapdi nito habang nakikipagsuntukan.
Halos hindi na makatayo ang dalawa sa mga katapat ni Nico. Nakaupo na lang sila doon at iniinda ang sakit na natamo nila. Kahit papaano ay nakatulong ang nursing sa laban ni Nico dahil alam niya kung saan niya idadapo ang kanyang mga suntok para mapuruhan ang kanyang kalaban. Si Marion na lang ang nanatiling nakatayo sa tatlong kaharap ni Nico. Duguan na rin siya at hingal na. Alam niyang dehado na siya dahil tumba na ang dalawang kasama niya. Pero dahil sa matinding galit niya, hindi niya ito pinansin. Sumugod si Marion at nagbitiw ng unang suntok, naharang ito ni Nico, sabay bitiw ng isang malakas na kaliwa. Sapol sa sentido si Marion. Agad itong nag blackout.

“Tulog.” Bulong ni Nico. Tumingin siya sa direksyon ni Paul at nakitang kanina pa ito tapos at pinapanood na lang siya. Ngumiti si Paul at kumaway. Ngumiti lang din si Nico sa kanya. Nagtungo si Paul sa direksyon ni Nico at tinapik ito sa likod. Tumawa si Paul at ganon din si Nico. Nagtawanan lang sila.
Samantala, dali dali namang bumangon ang ilan sa kanilang kaaway at agad inalalayan tumayo ang iba. Pinagmasdan nila and dalawang magkaibigan. Napansin nilang kahit sugatan ang mga ito, tuwid pa rin ang tayo nila at nakatingin ng masama sa kanila. Nang maitayo na nila ang mga mapuruhan ay agad silang nagsitakbo paalis. Oh mas magandang term ay gumapang paalis.
Nang makaalis na ang anim ay agad napabuntong hininga ang dalawa. Napaupo si Nico at idinantay ang dalawang kamay sa likod bilang suporta. Si Paul naman ay nahiga sa lupa. Talagang napuruhan silang dalawa at nagpanggap lang na kaya pa nila para matakot ang grupo nina Marion. Puno na ng dugo ang kaliwang bahagi ng mukha ni Paul at nakapikit na ang kanyang kaliwang mata. Ngayon lang niya naramdaman ng husto ang hapdi ng dugo na dumapo sa mata niya. Si Nico naman at puro pasa ang mukha. Halos di na niya mabuksan ang kanang mata dahil sa maga. Napuruhan din siya sa ankle ng paa niya. Buti na lang at wala siyang hiwa sa mukha tulad ni Paul.

“Phew! Grabe. Yun yung pinaka matinding laban natin ah.” Sabi ni Paul.

“Oo nga. Naalala ko pa noong bata tayo, Nakipag away rin tayo kasi pinagtripan sina Kiko at Chico. Konting sapak lang umiyak na sila agad. Unang away din nati yon.” Sabi ni Nico sabay punas sa dugo na nasa kanyang labi.

“Haha! Oo nga. Nagsitakbuhan lang sila. Pero at least back to back tayo non.”

“Pero mas marami pa rin akong experience sayo young one.” Biro ni Nico.

“Sabagay, ilang beses ka na bang nakipag away para kay Gela ha? Yung isa sa boyfriend niya. Tapos yung iba don sa mga manliligaw niya. Eh halos di niya alam na napapaaway ka dahil sa kanya ah.” Hirit ni Paul. Ngumiti si Nico at tinapik siya sa braso.

“Aray!” daing ni Paul.

“Arte naman parang tapik lang eh.”

“Masakit kaya. May pasa ako diyan no!”

“Haha! Joke lang, Sorry. Basta tol, as usual ha? Alam mo na.” sabi ni Nico.

“Oo na alam ko na. Di ko na sasabihin kay Gela, mamatay man ako. Pero anong palusot natin?” tanong ni Paul. Nagisip silang dalawa. Matapos ang ilang sandali ay pareho silang tumawa. Mukhang may naisip nang palusot.

Malapit nang makarating sina Gela sa secret place nina Nico at Paul. Halos nagsitakbuhan na sila sa sobrang pagmamadali. Ilang sandali pa ay natanaw nila ang kotse ni Paul sa di kalayuan. Parang nabawasan ang kaba nila dahil alam nilang andon si Paul. Si Ian naman kabado pa rin.

“Andyan pala si Paul eh wala nang problema.” Hirit ni Chics.

“Anim sila.” Bulong ni Ian. Agad namang napatingin ang lahat sa kanya.

“Ano?” tanong ni Kiko.

“Anim sila lahat. Kahit dumating pa yung kasama ni Nico, dehado pa rin.” Sabi ni Ian. Ang panamantalang ginhawa na naramdaman nila ay biglang nawala. Hindi na maipinta ang mukha ni Gela sa pagaalala. Naisip niya na paano kung hindi dumating si Paul? Eh di anim sila na mananakit sa bestfriend niya. Lalong tumindi ang naramdamang guilt ni Gela. Sa sarili niya, iniisip niyang kasalanan niya lahat ito. Delikado pa rin pala kahit dumating si Paul. Natakot naman si Aya. Nagaalala siya para sa dalawa. Pero ang pagaalala niya ay mas nangingibabaw para sa isa sa kanila.
Nang marating na nila ang pasukan ng eskinita, nagulat sila dahil may nakita silang mga lalaking nagsisitakbuhan. Agad nakilala ni Gela at Aya ang dalawa sa kanila. Akma namang susugod si Kiko at kunwari pinipigilan ni Chico.

“Oh ano! Balik kayo dito! Mga duwag!” sigaw ni Kiko. Nakayuko lang si Ian. Ilang sandali pa ay tumakbo siya para sundan ang mga kasamahan niya.

“Sorry! Ako na lang magsasabi kay Marion!” Sigaw ni Ian habang tumatakbo. Tiningnan lang siya ng iba habang tumatakbo palayo.

“Magsabi ng alin?” tanong ni Kiko. Hindi sumagot si Gela at tumakbo papasok sa eskinita. Nang marating nila ang dulo ay nagulat sila sa nakita nila. Duguan at madungis ang dalawa. Pero mas lalo pa silang nagulat dahil tumatawa ang mga ito. Kahit papaano ay nabawasan ang kaba na nararamdaman nila. Agad tumakbo ang apat papunta sa dalawang magkaibigan.

“Kuya okay lang kayo?” tanong ni Chics.

“Oo naman, kami pa!” sagot ni Paul. Agad nagpunta si Aya para tingnan ang dalawa. Kinuha niya ang panyo niya at pinunasan ang dugo ni Paul sa kanyang mukha. Si Gela naman ay di alam ang gagawin. Lalo pang tumindi ang guilt na naramdaman niya nang makita ang itsura ng dalawa. Nakita niya si Aya na tinutulungan si Paul kaya nagising siya at agad lumohod para tulungan si Nico.

“Best.” Sabi ni Gela.

“Okay lang ako. Napagrabe lang yung away namin ni Paul.” Palusot ni Nico.

“Oo nga. Nagsuntukan kami niyang si Nico. Napuruhan nga ako eh.” Dagdag ni Paul. Hindi na napigilan ni Gela at tuluyan nang tumulo ang luha sa mga mata niya.

“Oh, bakit ka umiiyak? Gela, kami nga dapat umiiyak ni Paul eh.” Sabi ni Nico.

“I’m sorry.” Sabi ni Gela. Agad lumapit si Nico at pinunasan ang luha niya.

“Gela, hindi kita sinisisi. So don’t be sorry. Wala kang kasalanan. Okay lang sa akin, wala ito.” Sabi ni Nico.

“Sa akin hindi! Tingnan mo nga ang pagkagwapo-gwapo kong mukha!” Biro ni Paul. Agad siyang tinapik ni Nico sa braso.

“Aruy ang pasa ko!” sabi ni Paul at nagtawanan sila lahat maliban kay Gela at Aya. Di pa rin tumigil sa pagiyak si Gela.

“I’m sorry! Im so sorry Paul!” sabi ni Gela.

“Gela, wag ka nang umiyak. Okay na kami diba? Nagpapatawa na nga si PAUL eh.” Sabi ni Nico na parang nagpaparinig.  Yayakapin sana niya si Gela pero ang dungis niya kaya inilapag na lang niya ang palad niya sa ulo ng dalaga.

“Tara na, kailangan pang matahi yan sugat ni Paul. Ang shongek shongek kasi.” Banat ni Nico at nagtawanan yung mga lalaki. Napangiti lang si Aya pero si Gela umiiyak pa rin. Naglakad sila lahat palabas ng eskinita. Inaalalayan ni Aya at Kiko si Paul samantalang si Gela at Chics naman ang umaalalay kay Nico. Medyo pa ika-ika pa ang lakad ni Nico dahil sa natamo niyang tama sa paa. Pagdating sa kotse, huminto sila sa paglalakad. Agad tinuro ni Paul ang mga kasama niya, at nagbilang.

“1,2,3,4,5 and 6. Hay! Pano ba yan Kiks, anim tayo, lima lang kasya diyan. Sa compartment ka na lang.” banat ni Paul.

“Sige tol! Gusto mo bang pantayin natin yang hiwa mo ha? Lagyan pa natin sa kanan?” hirit naman ni Kiko.

“Bakit Kiks, tingin mo porket sugatan ako kaya mo na ako?” sabi ni Paul at tumayo sa harap ni Kiko.

“Oo na sa compartment na ako!”  sabi ni Kiko at nagtawanan ulit yung mga lalaki.

“Hindi na Kiks, ikaw na lang magdrive at ako na sa compartment.” Sabi ni Chics. Agad namang sumakay ang anim sa sasakyan. Naupo sa likod si Chics. Sa back seat naman ay naupo si Gela, Paul at Aya. Inaasikaso ni Aya si Paul habang si Gela naman ay inaasikaso si Nico na nasa passenger seat. Umandar na ang sasakyan patungo sa Ospital. Si Aya ay halos di na mapakali pagkat ayaw huminto ng pagdudugo sa noo ni Paul. Tinanggal niya ang suot niyang mini jacket at yun ang pinangpunas sa noo ni Paul. Nagulat naman si Paul sa ginawa ni Aya. Pero kahit papaano ay masaya rin siya sa ipinapakitang concern ni Aya.  Si Gela naman ay hawak hawak lang ang kamay ni Nico. Nakasandal lang ang ulo niya sa likod ng passenger seat habang umiiyak. Alam ni Nico na umiiyak pa ang bestfriend niya pero ininda na lang niya ito at hinayaan itong umiyak. Kakaiba ang atmosphere sa kotse. Tahimik lang lahat at walang nagsasalita. Balak sanang bumanat ni Kiko pero hindi na lang niya tinuloy. Ilang sandali pa ay napadaan sila sa apartment. Agad sinabi ni Nico na ihinto ang sasakyan. Agad naman itong itinabi ni Kiko.

“Dito na ako. Dalhin niyo na si Paul sa Ospital.” Sabi ni Nico. Agad siyang pinigilan ni Gela.

“Best! You need do go to the hospital. Baka may complications ka!” sabi ni Gela. Napangiti lang si Nico at hinaplos ang kamay ni Gela.

“Gela, Okay lang ako. Pasa lang to. At isa pa, mas gusto ko kung bestfriend ko ang aasikaso sa akin.” Sabi ni Nico. Namula lang si Gela at natahimik.

“Tol panu yan? Hindi kita magagamot sugatan din ako eh.” Biro ni Paul.

“Hindi ikaw si Gela!” sabi ni Nico at nanumbalik ang kasiyahan sa kotse. Pumayag na rin si Gela kahit labag sa loob niya. Alalang alala sa sa bestfriend niya at hindi niya alam kung kaya ba niyang gamutin ang mga sugat nito. Bumaba na ang dalawa. Bababa sana si Chics pero sinabihan siya na sumama na lang sa Ospital. Pagbaba ng dalawa ay umalis nag sina Kiko. Inalalayan ni Gela si Nico sa apartment nila at pinaupo siya sa sofa. Agad umakyat si Gela sa taas para kunin ang MedKit na si Nico pa mismo ang nagbigay kay Gela noon. Pinikit naman ni Nico ang mga mata niya habang naghihintay. Ilang sandali pa ay nagulat siya nang biglang sumigaw si Gela.

“Best!!” sigaw ni Gela habang nagmamadaling pumunta sa kanya. Napangiti lang si Nico at pinikit ulit ang mata niya. Pagdating ni Gela ay agad niyang niyugyog si Nico.

“Best! Gising. Best please!” daing ni Gela. Agad naman minulat ni Nico ang mga mata niya.

“Ano ka ba Gela? Pumikit lang ako sandali okay?” sabi ni Nico. Para namang nabunutan ng tinik si Gela.           

“Hay nako. Akala ko napano ka na.” Napangiti si Gela at nagpacute.
“Uhm, so nursing ka diba. Could you teach me what to do?” tanong ni Gela. Napangiti lang si Nico.


“Teka lang. Shower muna ako ang dungis ko eh.” Sabi ni Nico.

“Okay let me help you.” Sabi naman ni Gela.

“Huy ano ka ba maliligo nga ako eh.” Sabi ni Nico. Pero nakita niya ang mga mata ni Gela. Ganito ang palaging expression niya pag nagpapaawa kay Nico.

“Hay. Ganito na lang. Eto susi kuha ka ng damit sa kwarto ko.” Sabi ni Gela. Agad namang tumayo si Gela at tumakbo sa kabilang apartment. Napabuntong hininga si Nico at umakyat sa banyo para maligo.  Pagbukas niya ng shower, doon na niya naramdaman ang hapdi at sakit ng mga pasa at sugat niya. tiningnan niya ang sarili niya at napansing madami pala talaga siyang sugat. Kaya ganon na lang ang pagaalala ni Gela sa kanya. Ilang sandali pa ay may kumatok sa banyo.

“Best? Ilagay ko lang damit mo dito sa labas ng CR ha? Iwan ko na dito baba na ako.” Sabi ni Gela.

“Okay. Patapos na ako.” Sagot ni Nico. Pagkatapos maligo ay nagpunas na siya at binukasan ng konti ang pinto para kunin ang damit na inihanda ni Gela. Natawa naman siya sa T-shirt niya pagkat naalala niya na yun ang binigay sa kanya ni Gela noon, isang kulay yellow na shirt na may picture ni Sponge Bob. Matapos niyang isuot ay bumaba na siya at tumabi kay Gela sa sofa. Tiningnan lang siya ng dalaga at parang nagpipigil ng tawa.

“What do I do now?” tanong ni Gela.

“Okay. First get some ice for the ice pack for my little eye here oh.” Pa cute ni Nico. Agad naman kumuha si Gela ng yelo at nilagay sa ice pack.

“Ako na.” sabi ni Nico at kinuha yung ice pack at inilapag sa kanang mata niya. Nakatingin lang si Gela sa kanya, parang naghihintay ng susunod na gagawin. Natutuwa si Nico sa bestfriend niya. Para itong bata na hindi alam ang gagawin.

“Uhm. Sige. Kunin mo yung Hydrogen Peroxide. Lagyan mo ng peroxide yung gasa tapos pahid mo sa mga sugat ko.” Sabi ni Nico. Sinunod naman ni Gela ang sinabi ni Nico. Ipinahid niya isa isa ang gasa sa mga sugat ni Nico. Pansin niyang nanginginig ang mga kamay nito. Hinawakan ni Nico ang kamay ni Gela para gabayan ito. Tiningnan lang siya ni Gela at pareho silang napangiti.

“Grabe naman yung bula.” Sabi ni Gela.

“Ah kasi nagiinteract yan sa oxygen sa dugo. So pag may dugo bubula talaga yan.” Sabi ni Nico. Pagkatapos punasan ang mga sugat niya ay muli nanamang nakatingin si Gela sa kanya.

“Okay, next naman ung betadine. Malagay ka ng konti sa cotton.” Sinunod ulit ni Gela ang sinabi niya. Hindi na masyadong nanginginig ang kamay ni Gela. Tinitingnan lang siya ni Nico. Natutuwa siya dahil talagang concerned at inaalagaan siya ni Gela. Madalas kasi siya ang nagaalaga dito. Nang malagyan na lahat ng sugat ni Nico at napatingin si Gela sa ankle niya.

“Paano yan best oh namamaga siya.” Sabi ni Gela sabay turo sa paa ni Nico.

“Oo nga eh. Ice sana pero kanina pa yan. Lagyan mo na lang ng bandage.” Sabi ni Nico.

“Pano?” tanong ni Gela.

“Okay, first get the bandage.” Sabi ni Nico. Agad naman itong kinuha ni Gela.

“Then iikot mo sa paa ko. Mula sa dulo ng paa pataas. Wag masyadong mahigpit. Yung tama lang.” sabi ni Nico. Sinunod ni Misa ang sinabi niya. At nang matapos siya ay nagbuntong hininga siya.

“Yes. Okay na?” tanong ni Gela.

“Yup. Galing mo. Pwede ka nang nurse.” Biro ni Nico.

“Ako na nurse mo from now on.” Sagot naman ni Gela. Nagtawanan lang silang dalawa. Umupo na si Gela sa tabi ni Nico. Ilang sandali rin silang hindi nagkikibuan. Ilang sandali pa ay nagsalita si Gela.

“Best?” tanong niya.

“Yep?”

“Sorry.” Sabi ni Gela.

“Gela, wala to. Okay lang talaga ako. Mas magagalit ako kung hindi ka titigil sige.”
Napayuko lang si Gela. Parang gusto niyang umiyak per pinigilan niya.

“Best?”

“Hmm?”

“Masaya ka ba kay Misa?” tanong bigla ni Gela. Hindi alam ni Nico ang isasagot. Nabigla siya sa tanong ng kaibigan. Oo masaya siya kay Misa. Pero hindi niya alam ang isasagot dahil alam niyang masasaktan si Gela.

“Oo naman.” Sabi na lang ni Nico.

“I’m glad your happy.” Sabi ni Gela.

“Alam mo best, masaya talaga ako. Alam kong palagi kang nandito para sa akin. Kahit na may girlfriend ka na, you’re still here by my side.” Sabi ni Gela.

“Sana magkaboyfriend ako ng kagaya mo.” Sabi ni Gela. “Sana ikaw na lang.” dagdag niya. Nabigla si Gela sa nasabi niya. bumilis ang tibok ng puso niya. Hindi niya dapat sinabi yon.

“Ah sorry hindi yon ibig kong sabihin.” Sabi ni Gela. Hindi naman sumagot si Nico.

“Best?” tanong ni Gela. Tumingin siya kay Nico. Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ni Nico. Tulog na pala ito kaya hindi sumasagot. Napangiti lang si Gela at hinalikan si Nico sa noo. Inihiga niya ang bestfriend sa sofa at kumuha ng kumot sa taas para kumutan ito.

“Good night best. I love you.” Sabi ni Gela at umakyat na siya sa taas. Pagpasok niya sa kwarto, ngumiti lang si Nico.

Pagdating sa nina Paul sa ospital, agad siyang inasikaso sa ER. Tinahi ang sugat niya habang tinatanong kung sino ang bumugbog sa kanya. Sinabi na lang niya na ninakawan siya at binugbog at hindi niya nakilala ang gumawa. Kailangan kasi ito sa medico-legal. Pagkatapos bayaran ang bill ay umalis na sila para bumalik sa apartment. Inalalayan ni Aya si Paul sa apartment nila at naupo sa sofa. Nagtungo si Aya sa apartment nila para kumuha ng pagkain para kay Paul. Pagpasok sa pinto, nakita niya si Nico na nakahiga sa sofa. Huminto siya at nilapitan ang binata. Ang himbing ng tulog nito. Dahan dahan niyang itinaas ang kamay niya para haplusin ang mukha ni Nico. Pero natauhan at naghanda na lang ng cup noodles para kay Paul.
Sa apartment, nakaupo sa sofa ang tatlong binata. Iniinis ni Kiko si Paul tungkol kay Aya. Di na lang sumasagot si Paul at ngumiti lang. Umakyat sina Kiko at Chics para magbihis. Ilang sandali pa ay dumating na si Aya.

“Paul, oh kain ka muna. Kaya mo ba?” tanong ni Aya. Tumingin si Paul sa kanya at Ngumiti.

“Hindi ko maangat yung kanang kamay ko eh. Pano yan?” tanong ni Paul.

“Oh sige subuan kita.” Sabi ni Aya. Umupo siya sa tabi ni Paul at sinubuan ito. Naiilang si Paul sa nangyayari pero sa totoo ay sinadya niya talaga ito. Ilang sandali pa ay bumaba na ang dalawang binata at napangiti nang makita nila na sinusubuan ni Aya si Paul. Agad silang lumapit at naupo sa sofa.

“Ate ba’t sinusubuan mo yan?” tanong ni Chics.

“Ah, kasi hindi daw niya maangat yung right niya eh.” Sabi naman ni Aya sabay bigay ng isa pang subo si Paul. Agad namang binuka ni Paul ang bibig niya at tumingin kay Kiko na parang nangiinis. Natawa si Kiko at lumapit kay Paul, sabay pindot sa pasa niya sa kanang braso.

“Aray Kiks! Sabi ni Paul at tinapik si Kiko gamit ang kanang kamay niya.

“Akala ko ba hindi mo maangat yang kanan mo ha?” pangiinis ni Kiko. Tiningnan ni Paul si Aya pero nakangiti lang ito.

“Kung kasing magpapasubo ka sabihin mo na lang. Okay lang sa akin.” Sabi ni Aya. Napangisi lang ang dalawa habang si Paul naman ay tumingin na lang sa malayo.

Kinabukasan, naiilang pumasok si Paul. Puro sugat at pasa ang mukha niya, dagdag pa ang tahi niya sa taas ng kilay. Pagpasok niya ay napansin niyang pinagtitinginan siya ng mga tao. Tinuwid niya ang lakad niya at tiningnan sila ng masama.  Inalis ng mga tao ang tingin nila. Ngumiti lang si Paul at binilisan ang lakad niya. Unang dumating si Paul sa classroom. Wala pa ang mga kaklase niya kaya naisipan niyang magtulug-tulugan para hindi mapansin ang mukha niya. Makalipas ang ilang minuto ay narinig na niyang nagsidatingan ang mga kaklase niya. Ang pinakamalala, ay nang marinig niya ang boses ng mga kaibigan niya.

“Si Paul oh, Ang aga aga tulog na nga.” Sabi ni Ben at nagtawanan yung tatlo. Lumapit sila kay Paul at pinagmasdan ito.

“Tulog pre.” Sabi ni Renz. Tiningnan nilang ng mas malapitan si Paul at napansing may pasa ito.

“Pre tingnan mo may pasa siya sa mukha.” Sabi ni Ben.

“Ano kayang nangyari dito?”dagdag naman ni Clifford. Lumapit lalo si Clifford at pinindot ang pasa ni Paul sa mukha.

“Aray! Potek!” sigaw ni Paul at napatingin sa kanya lahat ng tao sa classroom.
“Potek nakalimutan kong gawin yung assignment ko!” palusot ni Paul at nagtawanan lang ang mga kaklase niya at bumalik na sa kani-kanilang pakikipagdaldalan.
“Pare napano ka?” tanong ni Clifford?

“Bakit anong meron?” tanong naman ni Paul.

“Puro pasa ang kaya mukha mo. Anong nangyari?” tanong ni Clifford.

“Pare bingubog ako eh.” Biro ni Paul.

“What?! Paano? Kailan? Saan? Sino?” Gulat na gulat na tanong ni Clifford. Nagtawanan lang sina Ben at Renz.

“Yung daddy mo kasi pare. Ayaw daw niya ako para sayo. Hindi ko naman alam kung anong sinasabi mo sa kanya. Sabi ko kaibigan lang kita pero ayaw maniwala. Ayun, binugbog ako. Layuan daw kita. Hindi daw ako karapatdapat para sayo.” Hirit ni Paul. Bakas ang gulat sa pagmumukha ni Clifford.

“Pare! I’m so sorry hindi ko alam. Sorry talaga, nahihiya talaga ako sa ginawa ni Dad pare. Please! Sorry talaga!” Pagmamakaawa ni Clifford. Pinagtinginan lang siya nila Renz at Ben, parehong pilit pinipigilan ang tawa nila.

“Pare seryoso ka ba? Naniwala ka?” tanong ni Paul.

“Anong ibig mong sabihin? So joke lang yun?” tanong naman ni Clifford.

“Natural shongek!” Sigaw ni Paul at hindi na napigilan ni Renz at Ben ang tawa nila. Agad naman silang pinagsusuntok ni Clifford. Nang humupa na ang kaguluhan ay naupo na ang tatlo sa tabi ni Paul.

“So pre, ano bang nangyari?” tanong ni Ben.

“Ah, eto napaaway kami ng bestfriend ko eh.” Sagot ni Paul.

“Talaga? Ilan ba kalaban?” tanong ni Ben,

“Anim lang.” Mahinahong sagot ni Paul.

“Shet anim? Tapos?” tanong ni Ben.

“Ayun, nagsipaghandusay yung mga bangkay nila sa lupa. Although may mga sugat kaming pareho ni Nico.” Pagmamayabang ni Paul.

“Wow pare anim? Tindi talaga ninyo. Sa bagay sa laki ba naman ng katawan mo eh.” Sabi naman ni Renz. Habang naguusap ang barkada ay bigla nakita ni Paul na pumasok si Danica.

“Shit!” sabi ni Paul sabay nagkunyaring tulog. Nagtaka naman ang mga kaibigan niya. Pasimpleng tinuro ni Paul si Danica na pumapasok. Napatingin si Danica saglit kay Paul at naupo na.  Napangiti lang ang mga kaibigan niya. Ilang sandali pa ay dumating na ang professor nila. Hindi ito napansin ni Paul. Kinakalbit siya ng mga kaibigan niya pero hindi niya sila pinansin dahil akala niya ay tutuksihin lang nila siya kay Danica. Naupo ang instructor sa upuan niya at agad naman nakita si Paul.

“Mr. Dela Cruz!” sigaw ng Prof. Nagulat si Paul at agad tumayo.

“Yes sir!” sabi ni Paul habang tuwid na nakatayo. Nagkatinginan sila ni Danica at nakita niya ang gulat at pagaalala sa mukha niya. Nginitian lang siya ni Paul pero tiningnan lang siya ni Danica.

“Why we’re you sleeping?” tanong ng Prof.

“Sir, hindi po ako natutulog. Nagrereview po ako. Yumuko lang ako kasi po ginugulo ako ng mga katabi ko.” Depensa ni Paul.  Tumawa naman ang mga kaklase niya.

“Nagrereview?” tanong ng Prof.

“Yes sir. Eto nga po hawak hawak ko po tong reviewer.” Sabi ni Paul.

“Okay very good. I thought you we’re asleep pero hindi pala. You may take your seat.” Sabi ni Prof. Naupo naman si Paul at nakangiti lang ang tatlo niyang katabi.

“Wow pare wala ka pa ring kupas. Galing magpalusot. Naisahan mo si Taba!” biro ni Ben.

“Ano ka ba? Magmula ngayon tawag natin sa kanya Volks.” Sabi ni Paul.

“Volks? Bakit?” tanong ni Renz.

“Masyadong halata yung taba kaya Volks na lang.” sabi ni Paul.

“Ano ba ibig sabihin non?” tanong ni Ben.

“Volks, as in Volkswagen. Tingnan mo naman kasi yung tiyan niya parang hood ng Volkswagen.” Biro ni Paul at nagtawanan ang tatlo. Sinita sila ng Prof. Nagpasimple namang nagaayos si Paul ng gamit kaya yung tatlo lang ang napagalitan.  

Hindi pinansin ni Paul si Danica sa lahat ng klase nila. Alas dose na nang matapos ang huling klase nila at agad na nagmadaling umalis si Paul at iniwan ang mga kaibigan niya. Ayaw niya kasing maabutan ni Danica. Nang makalayo, nagulat na lang siya ng biglang may sumigaw ng pangalan niya.

“Pao! Wait!” sigaw ni Danica habang tumatakbo papunta sa kanya. Huminto si Paul at nginitian lang siya. Hinihingal na nakatayo si Dalaga sa harap niya.

“Pao?” tanong ni Paul at nakangisi.

“Eh kasi diba sabi mo tawagin kitang Pao? Kaya ayan.” Sabi ni Danica. Ngumiti saglit ang dalaga at napasimangot ulit.

“Anong nangyari sa mukha mo?” tanong ni Danica.

“Kinagat ng aso.” Biro ni Paul at kinurot siya ni Danica.

“Aruy! Joke lang. Napaaway kasi kami eh.”

“Bakit? At sinong kayo?”

“Kami nung bestfriend ko. To protect the girls we love” banat naman ni Paul. Natahimik saglit si Danica at di nakasagot. Nagumpisang maglakad ng mabagal ang dalawa. Nakayuko si Danica habang nakatingin naman sa langit si Paul. Ilang sandali pa ay nagsalita si Danica.

“Pao, gusto mo magpahinga sa bahay? Para na rin malinis ko sugat mo.” Sabi ni Danica.

“Aiks, wag na. Makakaabala pa ako. At isa pa, ayokong makita ako ni Lala na ganito.”

“Don’t worry. Wala si Lala ngayon field trip nila. Tara na. Please?” pa cute ni Danica. Ngumiti si Paul at tinapik ang ulo ng Dalaga.

“Oo na. Basta sabi mo wala talaga si Lala ha?”

“Yup. Tara?” tanong ni Danica.

“Tara.” Sagot naman ni Paul.

Samantala, nakaupo sa bench sa may garden sina Gela at Aya. Parehong malungkot ang mga itsura nila. Naguumpisa nanamang umiyak si Gela at napansin ito ni Aya.

“Sis, its not your fault.” Sabi ni Aya.

“It is. No matter how you look at it, kasalanan ko talaga. I forced him to help me. Para ayusin ang pagkakamali na ako ang gumawa. Tapos ngayon, siya pa yung nasaktan. Silang dalawa ni Paul.” Umiyak na ng tuluyan si Gela. Napapaluha na rin si Aya pero pinigilan niya. Agad niyang pinunasan ang konting luha na tumulo sa mata niya at niyakap si Gela.

“Friend, whatever Nico is doing for you, he is happy with it. He never asks for anything in return, just to help you. Sa tingin mo ba, kahit hindi mo sinabi sa kanya yung tungkol kay Marion, may magbabago? Gela pag nalaman ni Nico ang tungkol kay Marion, kahit di mo pa sinabi, gagawa ng paraan yon. Kilala mo naman bestfriend mo diba?” sabi ni Aya.

“I know. He is always there for me. Kahit siya napapasama siya okay lang. Kaya nahihiya ako. Wala na akong nagawang tama para sa kanya.”

“He is happy with Misa, and that is because of you.” Sabi ni Aya. Hindi sumagot si Gela. Pinunasan niya ang luha niya at inayos ang sarili.

“I have to say sorry to her.” Sab ni Gela.

“Who? Misa?” tanong ni Aya.

“Oo. Knowing him, hindi pa siguro niya sinabi kay Misa ang nangyari. I have to tell her and say sorry. She has the right to know.” Sabi ni Gela. Agad tumayo ang dalawa para hanapin si Misa.

3 pm na at tapos na ang duty ni Nico. Napagalitan pa siya ng clinical instructor niya dahil sa itsura niya. Nagpalusot na lang siya na napagtripan siya. Pagkalabas ng Ospital, agad tinurn on ni Nico ang phone niya. Nakita niyang madami siyang messages galing kay Misa.

“Nicks mgkTa tau after duTy mo ha? Im worrieD. geLa told me.” basa ni Nico sa isang text. Agad namang pinuntahan ni Nico si Misa na naghihintay sa quadrangle ng campus. Dumating na siya sa quad at agad nakita si Misa na kasama sina Gela at Aya. Bakas ang pagaalala sa mukha ni Misa. Pilit inayos ni Nico ang lakad niya kahit masakit pa ang paa niya. Pero kahit anong gawin niya, hindi niya pa rin maitago ang pilay niya sa paa. Agad naman tumakbo si Misa papunta sa kanya at niyakap siya. Nagkatinginan sila ni Misa at napansin niyang napapaluha ang girlfriend niya.

“Ano ka ba okay lang ako don’t cry.” Sabi ni Nico. Sumilip siya sa likod ng dalaga at nakitang tumalikod na at umalis sina Gela at Aya.

“How could I not? Knowing that napaaway ka. Gela explained everything to me.” sabi ni Misa.

“Its not her fault. Please wag ka magalit sa kanya.”

“I know. Tara na sa amin.” Sabi ni Misa.

“Eh baka makita ako ng mommy mo, este, ni mommy pala. Baka pagalitan ako eh.” Sabi ni Nico.

“Its okay. Akong bahala I’ll explain everything to her.” Sabi ni Misa. “Lets go!” dagdag niya sabay hila sa braso ni Nico. Wala nang nagawa ang binata kungdi sumama.

(Earlier)
Pagdating ni Paul at Danica sa bahay ng dalaga, agad sila dumiretso sa sala sa taas. Napansin ni Paul na walang nga si Lala. Pero na pansin din niyang walang ibang tao sa bahay.

“Aiks bakit parang walang tao?” tanong ni Paul.

“Eh kasi field trip ni Lala, so sumama si Manang. Tapos si Manong Gilbert naman naka leave.” Sabi ni Paul.

“Eh parents mo at mga kapatid mo?” tanong ni Paul.

“Ah. My parents. As usual at work. Sina kuya naman sa kabilang city nag-aaral.”

“So ilan ba kuya mo? Dalawa?”

“Yup. Kambal sila. 5th year Civil engineering sila.” Sabi ni Danica. Di na nagtanong si Paul at naupo na lang sa sofa. Ilang sandali pa ay bumaba si Danica para maghanda ng meryenda. Naisipang sumunod ni Paul para malaman kung paano ginagawa ni Danica yung sandwich at para tumulong na rin. Pagbaba niya ay nakita niya si Danica na abala na sa paghahanda ng meryenda.

“Aiks, tulungan na kita.” Sabi ni Paul.

“Ay wag na. ako nang bahala balik ka na lang sa taas.” Sagot naman ni Danica.

“Sige na let me help. Para alam kong gawin yang masarap na sandwich mo.”

“Para ano, para gawan mo yung G1 mo?” pagalit na sagot ni Danica.

“Hindi naman pero pwede rin.” Sabi ni Paul. Natahimik lang si Danica at nagpatuloy sa paghahanda.

“Oh sige. Kung ayaw mo ako tumulong, papanoorin na lang kita.” Sabi ni Paul at tinitigan ng mabuti si Danica. Para namang hindi mapakali ang dalaga. Tingin siya ng tingin kay Paul at naiilang na ito.

“Yiiiyh! Ano ka ba? Wag kang ganyan nahihiya ako.” Sabi ni Danica.

“Eh ayaw mo akong tumulong eh. Kaya panonoorin na lang kita.”

“Kasi naman eh.” Reklamo ni Danica.

“Oh sige, isipin mo na lang wala ako dito. Try mo.” Sabi ni Paul. Kahit anong gawin ni Danica naiilang pa rin siya. Ilang beses tuloy siyang nagkamali. Matapos ang 30 minutes, natapos din si Danica. Tinulungan na siya ni Paul ilagay sa mesa ang mga pagkain habang nagtitimpla si Danica ng juice.
Matapos kumain ay bumalik ang dalawa sa taas. Agad kinuha ni Danica ang first aid kit para linisin ang sugat ni Paul. Nagka-ilangan ang dalawa habang nililinis ng dalaga ang sugat ni Paul. Pagkatapos ay magkatabi silang naupo sa sofa habang nag so-sound trip.
Tiningnan ni Paul si Danica at napangiti siya dito. Ibang iba na talaga siya sa Danica noon.

“Aiks?” tanong ni Paul.

“Hmm.?”

“Thank you.” Sabi ni Paul.

“Welcome.” Sagot naman ni Danica.

“Aiks.”

“Hmm?”

“Thank you ulit.” Sabi ulit ni Paul. Napangiti si Danica. Nalala niya ang pangyayaring ito.

“Welcome ulit. Last welcome na yan.” Biro ni Danica.

“Aiks.”

“Welcome na nga eh!” sabi ni Danica.

“Hindi naman ako mag papa thank you ah. Hindi mo naman ako pinatapos.” Banat ni Paul.

“Malay ko ba? Gaya gaya ka kasi.”

“Bakit ka ba ganon magpa thank you? Kailangan ba talaga tatlong beses?” tanong ni Paul.

“Ganon lang talaga ako pag masaya ako.” Sagot ng dalaga.

“So masaya ka nung araw na yon?”

“Oo naman.” Sagot ni Danica.

“Dahil ba doon sa stuff toy?”

“Yes and no.” Sagot ni Danica.

“Ha? Bakit?” tanong naman ni Paul.

“Oo masaya ako sa stuff toy at hindi, dahil hindi lang yon yung dahilan kung bakit ako masaya nung araw na yon.” Sagot ni Danica.

“Ha? Eh ano pang ibang dahilan?” tanong ng binata.

“Se-cret!.” Pa cute ni Danica. Napangiti na lang si Paul at sumandal sa sofa. Tinitingnan lang siya ni Danica.

“Alam mo Aiks. Maswerte mapapangasawa mo. Kasi marami kang good qualities na meron sa isang babae eh. Yun ay kung di ka babalik sa pagiging Danica.” Sabi ni Paul. Napayuko naman si Danica at namula.

“Bakit ba kasi ang sungit mo sa school? Specifically sa akin?” tanong ni Paul. Matagal bago nakasagot ang dalaga. Nanatili lang siyang nakayuko.

“Hindi naman talaga ako ganon. Basta long story. Pero the bottom line is, tapos na ang pagiging masungit ko sa school.” Sagot ni Danica.

“I have time.” Sabi ni Paul.

“Basta. I’ll tell you next time okay?” sagot ni Danica.

“Alam mo pareho kayo ni G1. Ganyan ba talaga kayong mga babae?”

“Alam mo Pao-pao, there are things talaga na hindi agad pwedeng sabihin. Lalo na pag di pa ready ang babae. Mahirap mag tiwala noh. Pero it doesn’t mean naman na I don’t trust you. Its just me. I’m not ready yet.” Tiningnan lang siya ni Paul at nakangisi.

“Pao-pao?” tanong ng binata.

“Yup. Pao-pao. Para cute.” Sagot ni Danica. Natawa si Paul at pati si Danica nahawa rin. Nagtawanan ang dalawa na parang wala nang bukas. Nang mahimasmasan, muli namang natahimik ang dalawa.

“Alam mo Aiks, nung napaaway ako, tapos nalaman ni G1, nakita ko yung concern niya sa mga mata niya. Na kahit nandon si B2 sa tabi ko at pareho kaming nasaktan, ako agad ang una niyang pinuntahan. Oo siguro dahil talagang duguan ako non, pero hindi ko talaga maiwasang isipin na baka may feelings din siya para sa akin pero hindi niya pa alam, or ayaw pa niya aminin sa sarili niya.” sabi ni Paul. Napansin niyang malayo ang tingin ni Danica.

“Aiks?” tanong ni Paul.

“Ah, sorry.” Sabi ni Danica. “Malay mo nga naman may gusto rin siya sayo diba? Hindi naman siguro pwede na siya pa ang aamin sayo right?” dagdag niya.

“Oo pero pano ko malalaman? Eh minsan na akong na reject sa kanya.”

“Hmmm. Pagselosin mo kaya? Tapos tingnan mo yung reaksyon niya kung magseselos siya or what.” Sabi ni Danica.

“Pagselosin? Paano ko naman gagawin yon?”tanong ni Paul.

“Pakipagdate ka. Or wag na lang kasi parang sinasaktan mo lang yung babae non eh. Maghanap ka ng babae na papayag na magpanggap na maging kayo.”

“So sinasabi mo na magpapanggap tayong mag-on?” tanong ni Paul.

“Hala! Wala akong sinasabing ako noh!” gulat na tugon ni Danica. Napangiti lang si Paul sa kanya.

“Joke! Wala naman akong balak gawin yun eh. Sabi pa naman ng kaibigan niya marami daw nanliligaw kay G1. Baka mainggit siya sa akin pag may GF na ako at sagutin yung isa sa mga manliligaw niya.” biro ni Paul.

“Maiinggit? Sus ikaw talaga. Eh temporary lang naman eh. Pag sure ka na affected siya, eh di maganda.” Sabi ni Danica.

“So are you saying na magpanggap tayo ganon?” biro ni Paul. Hindi sumagot si Danica at natahimik lang.
“Uy Aiks joke lang yun ha.” Sabi ni Paul. Tahimik pa rin si Danica at nakayuko. Ilang sandali pa ay hinarap niya si Paul.

“Why not?” tanong ni Danica.

“Ha? You mean?”

“Yes. I’ll help you. Friends tayo diba?” sabi ni Danica at napangiti.

“No Aiks. I was just joking. Ayoko. Ayokong paglaruan ang feelings ng iba.”

“Wala ka namang paglalaruan. Just tell her na kunyari you like me na and you like to court me. Then pag di ka pa sure sa reaction niya, then start courting me but ask advises form her. Sigurado kung may gusto sayo yon, affected siya. Araw araw ka ba namang manghingi ng advise eh. Right? Hindi naman kailangang umabot pa sa pagkukunwaring tayo. Hanggang doon lang sa courting stage.” Sabi ni Danica. Medyo shocked ang reaction ni Paul sa mga sinabi niya.

“Pe-pero pano kung sure na ako na gusto pala niya ako. Kung masyado nang obvious sa mga ikinikilos niya?” tanong ni Paul.

“Eh di stop courting me na. Just tell her na binasted kita. That’s all. Period.” Tahimik si Paul at nagiisip. Nakayuko lang si Danica. Pareho silang tahimik. Hinihintay ni Danica ang sagot ng binata. Ilang sandali pa, nagsalita si Paul.

“Okay, I’ll consider it. But I tell you, least likely na papayag ako.” Sabi ni Paul. Humarap ulit sa kanya si Danica at ngumiti.

“Pwede ako anytime. Just tell me okay?” sabi naman ni Danica. Ngumisi si Paul at inakbayan si Danica. Nagulat ang dalaga pero hindi na pumalag. Namumula siya at hindi makapagsalita.

“Alam mo Aiks, ang bait mo talaga. Tingin ko pareho na kami ng Bestfriend ko na merong bestfriend na babae.” Sabi ni Danica.

“Si B2?” mahinang tanong ni Danica.

“Yup. Si Nico. Bestfriend ko. Tapos si Nico naman bestfriend si Gela. Okay lang ba sayo kung maging magbestfriends na tayo from now on? Alam ko hindi pa gaano katagal mula nang naging close tayo. We started out as enemies and sana we’ll end up as bestfriends. Ikaw rin naman nag pinaka close ko sa mga babae na kakilala ko. Siyemre ibang usapan na si G1. So ano? Okay lang?” tanong ni Paul. Ngumiti lang ang dalaga pero bakas pa rin ang pagkadismaya sa mukha niya. Hindi na lang ito nagpahalata.

“Okay. From now on, bestfriend na kita. So may karapatan na akong makialam sa buhay mo okay?” sabi ni Danica.

“At ganon din ako. So pag may manliligaw ka, ipakilala mo muna sa akin at kikilatisin ko. At pag laki ni Lala ganon din gagawin ko.” Sabi ni Paul at tumawa si Danica.

“If I know si Lala lang talaga hinihintay mo.” Biro niya. Nagtawanan lang silang dalawa.  Nanatili pa si Paul doon at nakipagkwentuhan kay Danica. Alas kwatro na nang nagpaalam na siya para umalis.

“Oh Aiks, go na me.” sabi na Paul.

“Okay. Thank you sa company ha.” Sagot ni Danica.

“So pinapunta mo lang pala ako dito kasi wala kang kasama ganon?”

“Uy hindi noh. Siyempre para linisn ko yung sugat mo. At oo para kakwentuhan rin.”

“Haha. Okay lang. Masaya nga rin ako at nakapagusap tayo eh. Tingnan mo mag bestfriend na tayo.”

“Oo nga eh. Kaya lang yung naging bestfriend ko basag-ulero eh.”

“Ayaw mo yun mapoprotektahan kita? Diba? Huh! Ako pa! hehe. Sige alis na ko.”

“Okay. Bye.” Sagot ni Danica.

“Are you gonna be okay? Magisa ka lang ah.” Tanong ni Paul.

“Oo naman. Darating na rin sina Lala mamaya bago mag gabi.” Sagot ng Dalaga.

“Gusto mo samahan muna kita?”

“Hindi na. sige na magpahinga ka na. Matutulog rin naman ako niyan eh.”

“Okay. Ingat ka ha. Lock the doors and windows. Una na ako.” Sabi ni Paul at sumakay na siya sa kotse niya.

“Bespren! Ingat!” sabi ni Aika.

“Haha. Ingat din bespren! Una na ako bayee!” sabi ni Paul at umalis na. Pinagmasdan ni Danica ang pagalis niya. Sinundan ng tingin ang kotse ni Paul habang nakangiti. Nang nawala na sa paningin niya ang sasakyan, pumasok na siya at nawala na ang ngiti sa kanyang mga labi.

Sa bahay nina Misa, masayang nakatambay ang dalawa sa kwarto. Nakaupo ang dalawa sa sahig. Pinikit ni Nico ang mga mata niya para makapagrelax habang nakasandal sa balikat niya si Misa. Ilang sandali pa ay nagulat siya nang hinalikan siya ni Misa sa labi.

“Ikaw ha, gustong gusto mo.” Biro ni Nico.

“Ikaw rin naman eh.” Bawi naman ni Misa. Nagkulitan ang dalawa habang nagtatawanan. Ilang sandali pa ay balik nanaman sila sa dati nilang pwesto.

“Nicks. Sayang hindi ako yung gumamot sa mga sugat mo. Sana ako na lang.” sabi ni Misa.

“Okay lang. Si Gela naman yung gumamot eh.”

“Si Gela?”

“Yup. Hindi nga siya marunong eh. Tinuruan ko pa. Pero okay lang at least natuto siya diba?” sabi ni Nico.

“Ang bait talaga ni Gela noh? She’s always concerned about you. Alam mo ba palagi ka niyang kinukwento sa akin nung hindi pa tayo. Pinagmamalaki ka niya. Swerte daw siya sayo.”

“Huh! Natural! Bakit ikaw di ka ba swete sa akin?” tanong ni Nico.

“Sobrang swerte. Labs kita eh.” Lambing ni Misa.

“Labs din naman kita ah.” Sagot naman ni Nico at nag kulitan nanama ang dalawa.

“Misa, malapit na debut mo ah. Any plans?” tanong ni Nico.

“Oo nga. Kaya lang next week pa gagawin. Hihintayin pa namin umuwi si Daddy galing states eh.”

“Really. Bakit next week pa siya babalik?” tanong ni Nico.

“Work. Pero okay lang. Ako nga nagrequest nun eh. Gusto ko andon siya when I turn eighteen.” Sagot ni Misa. Napaisip naman si Nico. Natahimik siya at nagtaka si Misa. Ilang sandali pa ay nagsalita na siya.

“Misa we have a problem.” Sabi ni Nico. Seryoso nag mukha niya kaya kinabahan si Misa. Namutla siya at nakatingin lang sa binata.

“Wh-what?” tanong ni Misa.

“I can’t dance.” Sagot ng binata. Bigla na lang tumawa ng malakas si Misa. Para namang napahiya si Nico at napasimangot.

“Tinatawanan mo ako eh.” Tampo ni Nico.

“No. its not that. Akala ko kasi iba sasabihin mo. My god pinakaba mo ako.”

“Ah, sorry. Pero talaga I cant dance. I can do modern dancing pero yung dancing with a partner sa debut. Shet! Pano yon?”

“Simple. Just put your hands on my waist and I’ll put mine on your shoulders. Then we will just slowly sway from side to side.” Sagot ni Misa.

“Sounds easy pero mukhang mahirap eh.” Sabi naman ni Nico. Tumayo si Misa at kinuha ang player niya at nagpatugtog ng mellow music.

“A-ano ng ibig sabihin niyan?” tanong ni Nico. Dahan dahang lumapit si Misa at nagpunta sa harap ni Nico. Nakaupo pa rin ang binata at nakatingin lang sa kanya.

“Tara, practice tayo.” Sabi ni Misa. Tumayo si Nico sa harap niya.

“What now?” tanong niya.

“Like I said earlier. Put your hands on my waist.” Sagot ni Misa. Nagalangan si Nico pero inilagay din niya ang mga kamay niya. Agad namang ipinatong ni Misa ang kamay niya sa balikat ni Nico.

“What wrong? Hold me tighter.” Sabi ni Misa. Hinigpitan pa ni Nico ang kapit niya sa dalaga. Napangiti lang si Misa.

“Now lets just step left and then right. Slowly.” Sabi ni Misa. Hindi alam ni Nico ang gagawin kaya sinabayan lang niya si Misa. Ilang sandali pa ay nakuha na niya ang tamang rhythm. Tumingin siya sa kasayaw niya at ngumiti.

“I'm doing it.” Sabi niya.

“Yes you are.” Sagot naman ni Misa. Unti-unting lumiit ang hakbang ng dalawa pakaliwa at pakanan. Bumagal lalo ang pagsayaw nila. Ilang sandali pa ay ibinaba ng dalaga ang mga kamay niya at ipinatong sa dibdib ni Nico. Isinandal rin niya ang kanyang ulo sa dibdib ng binata. Itinaas rin ni Nico ang mga kamay niya at niyakap ng mahigpit ang dalaga.

“Nicks?”

“Hmm?”

“I hope we could be just like this forever.” Sabi ni Misa. Napingiti si Nico at hinaplos ang pisngi ng dalaga.

“I love you.” Sabi ni Nico.

“I  love you too.” Sagot naman ni Misa. Nanatili ang dalawa sa ganong posisyon. Nilalasap ang bawat sandali na sila’y magkayakap habang dahan dahang sumasayaw.   

Samantala, pagdating ni Paul sa apartment, nagulat siya at nakitang nakaupo si Aya sa bench sa harap ng apartment nila. Merong isang pwersang pumipigil sa kanya na lapitan ang dalaga. Dati naman ay agad niya itong malalapitan. Napatingin sa kanya si Aya at ngumiti. Sapat na ang ngiting yon para mawala ang kung ano mang pumipigil sa kanya at naupo na rin sa tabi ni Aya.

“Hi.” Sabi ni Aya.

“Hello.” Sagot naman ni Paul.

“Kumusta mga sugat mo?” tanong ni Aya.

“Eto medyo masakit pa rin. Pero nalinis na kanina.” Sagot naman ng binata. Natahimik nanaman ang dalawa. Ilang sandali ay nagsalita si Aya.

“Uy, nakita kita last Friday ah. May kasama ka. Sino siya?” tanong ni Aya.

“Ah, Bestfriend ko.” Sagot naman ni Paul.

“Bestfriend?”

“Oo. Like Nico and Gela.”

“Ah. I see.” Matamlay sagot ni Aya. Napayuko siya at napabuntong hininga. Napansin ni Paul ang pagiiba ng mood niya.

“You know what, I really like her.” Sabi bigla ni Paul. Nagulat naman si Aya at napatingin kay Paul.

“Her as in your bestfriend?” tanong ni Aya.

“Yes. Narealize ko lang kanina, lalo na nung nilinis niya yung sugat ko.” Lalong nagiba ang expression ng mukha ni Aya. Mukha itong dismayado na hindi maipaliwanag. Napansin ni Aya na nakatingin sa kanya si Paul kaya ngumiti na lang ang dalaga.

“So you like her? Does she know already?” tanong ni Aya.

“No, not yet. You think I should tell her?” tanong ni Paul.

“Of course. Pano mo liligawan kung hindi ka aamin?”

“Tingin mo?” tanong ni Paul. “But before that, I still have to settle things with you.” Dagdag niya.

“Me? ano naman?”

“Diba sabi ko sayo na I like you and maghihintay ako for you to like me back?” sabi ni Paul.

“It’s okay, kung gusto mo siya then go for it.” Sagot ng dalaga.

“No. I have to say this. I just want to tell you that I am moving on already. I know what you feel for my bestfriend is deep. Alam kong kahit piliin mo man ako, hindi mo ako mamahalin kagaya ng pagmamahal mo sa kanya. Mahahati lang ang puso mo sa aming dalawa. And in the end pareho lang tayong masasaktan. So I just want to tell you that I am letting go of my promise. That I wont wait anymore. But  I assure you I will still keep my other promise. Babantayan pa rin kita hanggang may iba nang magbabantay sayo.” Sabi ni Paul. Hindi na napigilan ni Aya at napaluha siya. Tumalikod siya kay Paul para itago ito. Pati si Aya ay hindi maintindihan kung bakit siya umiiyak. Si Paul naman lalong naguluhan.

“Aya-“

“I’m okay.” Sagot ng dalaga. “Thank you.” Dagdag niya.

“Aya, I’m sorry.” Sabi ni Paul.

“Its okay. Hindi ko nga rin alam kung bakit ako umiyak. But don’t worry, I will help you. Tutulungan kitang ligawan siya, basta in exchange, tuparin mo yung second promise mo ha?” sabi ni Aya habang nagpupunas ng luha niya.

“Salamat. Don’t you worry din, babantayan talaga kita. Promise.” Sabi ni Paul. Inakbayan ng binata si Aya. Ilang sandali pa ay tumayo bigla ang dalaga.

“Oh siya! Pasok na ako. Maghahanda pa ako ng hapunan eh.” Sabi ni Aya.

“Whats for dinner?” tanong ni Paul.

“Secret. Malalaman mo rin.” Sabi ni Aya.

“Okay lang kahit ano, masarap naman lahat eh.” Sabi ni Paul at tumalikod na papunta sa apartment.

“She’s a very lucky girl.” Bulong ni Aya. Tumalikod naman si Paul at tiningnan siya.

“Ano?” tanong ng binata.

“Wala, sabi ko talagang masarap yung ulam mamaya.” Sabi ni Aya. Napangiti lang si Paul at muling tumalikod pabalik ng apartment. Napabuntong hininga lang si Aya. Hanggang ngayon ay nalilito pa rin siya sa nararamdaman niya.

No comments: