A Wonderful Life
By: Nico Laurence And Paul
Chapter 5
“In a Relationship – Gela’s Feelings”
Yes! It’s Friday. This is it. Gagawin ko na talaga. Di naman bongga ang plano ko. Simple lang. So, pagsapit ng hapon, sinamahan ko muna si Misa sa kanila para mag bihis. Pinagpaalam ko na din siya. Di na nakakapagtaka na agad siyang pinayagan ng Mommy niya.
Mga 5:30 pm na nung nakarating kami sa apartment. Doon kami sa apartment nina Gela tumambay dahil may “majic sing” doon. At isa pa, para hindi na inililipat pa sa kabila yung mga niluto ni Aya. Ayun nga, so pagdating namin doon, nagluluto si Aya sa kusina. Bumaba naman si Gela para batiin kami ni Misa. Hindi ko lang alam ah, pero pansin ko parang malungkot si Gela. Malamang hindi mahahalata ng iba pero siyempre, matagal na kaming magkakilala. Kilalang kilala ko siya. Pero hindi ko na lang ito tinanong sa kanya. Tapos nagpunta kami sa kusina kung asan si Aya at nag beso beso sila ni Misa. Pagkatapos nun, chill chill muna kami sa sala. Hinihintay ko pang dumating yung tatlong kumag para mapakilala ko na si Misa. Panggabi kasi si Chics, si Paul naman ay may pinuntahan pa daw kaya nagpabili na ako ng flowers sa kanya. Eto namang si Kiko, ayun, comatose sa kabilang apartment. Hay nako. Habang nasa sala kami, naghahanda naman sina Gela at Aya. Si Ysa naman ay di pa nakakauwi.
“Uhm, Nicks, anong meron?” tanong ni Misa.
“Anong meron? Wala naman. Bakit?”
“Eh kasi tingnan mo oh, nag hahanda pa sila. Parang may occasion.”
“Aba dapat lang. First time kitang dinala dito so talagang dapat may celebration.”
“Ano ka ba? Nakakahiya kaya. Nakaabala pa yata ako.”
“Uy hindi no, dati nga nung bagong lipat kami dito nagluto din sila eh. Ganyan talaga mga yan.”
“Nakakahiya pa din eh, teka, saan na pala ung best friend mo?”
“May pinuntahan pa eh. Pero darating na yun, mga 6:30 siguro.”
Speaking of darating, dumating nga si Ysa. Halatang pagod galing skwela. Pero hindi siya nagiisa. May kasama siyang lalaki. Kaklase niya siguro. Nako, pag nakita to ni Kiko, ewan ko na lang.
“Hi kuya Nico. Sino siya? Ganda naman niya.” Sabi ni Ysa. Flattered naman si Misa.
“Ah, si Misa. Friend namin ni Gela at Ate mo. Sino pala yang kasama mo? Boyfriend mo?” tanong ko. Hindi naman pagalit, parang pabiro lang. Pero parang natakot yung lalaki sa akin. Haha! Kawawa naman. Akala niya siguro kuya ako ni Ysa.
“Iiiyh hindi kaya. Classmate ko siya no. May project kasi kami eh. Gagawin na namin ngayon para wala nang gagawin sa weekend. Ah, Jay, si Kuya Nico pala.” Sabi niya at binati ko naman yung lalaki. Lumapit pa siya sa akin para makipag shake hands, halatang kinakabahan pa.
“Relax lang tol di naman kita kakainin eh.” Biro ko. Tumawa naman si Misa. Ngumiti lang si Jay na parang napipilitan lang.
“Kuya talaga. Uhm, Hi ate Misa. Ang cute naman ng name mo, ang ganda mo pa.”
“Thank you. Kaw din, pareho kayo nung Ate mo.” Sabi naman ni Misa.
“Talaga? Thanks. Teka, Kuya sure ka friend mo lang siya? Baka naman G-friend ah.” Biro ni Ysa.
“Hindi noh, coming soon pa lang yun. Eh ikaw? Sure ka di mo boyfriend yan?” tanong ko.
“Hindi nga eh! Kulit kulit mo talaga. Akyat na nga ako. Tara na nga Jay.”
“Teka, sasama siyang aakyat?” tanong ko.
“Oo kaya, pano naman kami gagawa ng project? Bahala ka nga diyan. Tara na Jay! Bye ate Misa.”
Kumaway naman si Misa kay Ysa. Feeling ko tuloy lalong natakot si Jay sa akin. Haha! Ok lang, at least natutulungan ko si Kiko kahit paano.
Makalipas ang ilang oras ay dumating na si Paul kasama si Chics. Saan kaya galing tong dalawang to? Pinakilala ko na si Misa kay Paul at Chics, Medyo nahihiya pa si Misa sa kanila. Pinapunta ko si Chics sa kabila para gisingin na si Kiko habang kaming tatlo ni Paul ay naguusap sa sala. Tapos na rin mag-handa sina Aya at Gela. Umakyat sila para mag ayos.
“Ikaw pala si Misa. Palagi kang kinukwento nyang si Nico. Di na nga tumigil eh.” Sabi ni Paul. Nag blush nanaman si Misa. Ang babaeng to talaga.
“Uy, nagblush ka oh.” Sabi ni Paul. Hinawakan naman ni Misa ang pisngi niya.
“Mabilis talaga mag blush yan. Kaya nga ang chute chute niya eh.” Sabi ko naman at talagang wala nang natitirang puti ang mukha niya, puro pula, as in.
So bonding moments muna kami sa sala, bumaba na din sina Gela at Aya, si Chics at si Kiko naman dumating na din, tapos kumain na kami. Masaya ang hapunan, siyempre, lahat kami salo salo, kaya lang si Kiko, ang sama ng tingin sa kaklase ni Ysa. Tapos yung kaklase ni Ysa naman feeling close na agad. Lalo tuloy nag init yung ulo na Kiko. Si Misa naman, although medyo nahihiya pa rin, ay nakakasakay na sa mga boys. So after dinner nagpaalam na yung Jay. Sama pa rin ng tingin ni Kiko sa kanya. Tapos sinet-up na ng mga Girls yung “Majic Sing” .Kanya kanya na kami ng pwesto sa sala, siyempre magkatabi kami ni Misa. So yun, kantahan naman “sila”. Tinitipid ko kasi yung boses ko. Kakantahan ko si Misa. For the very first time in front of many people. Haha. Kinakabahan ako. Pero para kay Misa kakainin ko lahat ng Hiya.
Dumating na yung tamang oras (ewan ko ba bakit pa ako naghintay ng 8 pm, siguro hinahanda ko yung sarili ko). So ayun, feeling ko ready na ako na kumanta. Kinausap ko si Paul, may pinakuha ako. Tapos binulong ko kay Gela yung kakantahin ko. So after kumanta ni Ysa, binigay na sa akin ung mic. This is it. Kinakabahan talaga ako. Nanginginig ung kamay ko, nakakahiya talaga. Tingngnan ko na lang si Misa. Pansin ko na habang nakatingin ako sa kanya eh nawawala yung kaba ko.
“This song is for a special girl na mabilis mag blush.” Sabi ko habang nakatingin kay Misa. Nagblush nga siya. Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya. Kumanta na ako at nakatingin pa rin ako sa kanya.
“Hey there’s a look in your eyes
Must be love at first sight.
You were just part of a dream
Nothing more so it seems.
But my love couldn’t wait much longer
Just cant forget the picture of your smile
Cause everytime, I close my eyes
You come alive…
The closer I get to touchin’ you
The closer I get to lovin’ you
Give it time, just a little more time
We’ll be together
You and I”
Closer You And I
Grabe, napaka intense ng moment na yon. Habang kinakanta ko yung song, nakatingin ako sa mga mata niya. Di siya mapakali sa sobrang kilig. Si Ysa tili ng tili. Si Chics at Kiko kinikilig din. Si Gela at Aya naman nakangiti lang, ewan ko ba, parang pareho lang yung expression nila. Si Paul naman ay inilapag yung pinakuha kong roses sa may sofa habang kumakanta ako. Pagkatapos kong kumanta ay binigyan niya ako ng thumbs up. Kinuha ko yung roses tapos lumuhod ako sa harap ni Misa. Oo alam ko korny, hayaan niyo na, kanya kanyang trip lang.
“Misa, Alam kong hindi pa gaanong matagal mula ng magkakilala tayo. Pero nagclick agad tayo. We spent a lot of time with each other. Nakilala kita ng husto within that short period of time. Masayahin ka; you always make me happy. You’re artistic; you never fail to amaze me. Your one of a kind smile; it always keeps me going. Your beautiful voice; mesmerizes me every single moment. Your laughter; it always makes my day. I may not be the perfect guy for a perfect girl like you, just remember that I’ll always be here for you. I’ll always be your crying shoulder whenever you shed tears. I’ll always be here to listen to your worries. I’ll always be here to cheer you up. I’ll always be here to catch you if you fall. I’ll always be here to protect you. I’ll always be here to LOVE you.”
Tahimik ang lahat. Yung mga lalaki malamang hindi makapaniwala sa naririnig nila. Hindi nila akalaing masasabi ko ang mga salitang yon. But I am sincere. It all came from my heart. Pansin kong naiiyak na si Misa. Hinawakan ko ang isang kamay niya.
“Misa, I know it’s too soon. But I am absolutely certain about my feelings. I love you, more than anything else. “ Lalo kong hinigpitan ang paghawak sa kamay ni Misa.
“Uhm, Pwede na kitang ligawan?” tanong ko bigla. Nataranta yata ako kaya agad kong nasabi. Ang tanga ko. Sana nasabi ko sa mas magandang paraan. Palpak yata to.
Napakaintense ng feeling sa mga oras na yon. Nakatingin ako sa mga mata niya at ganon din siya sa akin. Parang sa amin lang umiikot ang mundo. Hawak ko pa din sa isang kamay ko yung mga bulaklak na pinabili ko sa best friend ko. Pulang pula na si Misa pero umiiyak din siya.
“No, you can’t.” sagot niya. What? Para akong pinagsakluban ng langit at lupa.
“No? why?” tanong ko. Pero kung talagang ayaw niya ok lang. di ko ipagpipilitan yung sarili ko.
“Skip na natin yung ligawan part. I want to call you mine right this very moment.” Sabi niya. Para namang lumundag ang puso ko sa sinabi niya. Akala ko basted na ako. I made a sigh of relief.
“Ok, let me rephrase my question.” tumayo ako at pinunasan ang luha niya gamit ang kamay ko. Nagulat siya. Hindi yata niya napansing umiiyak siya.
“Misa, will you be my girl?”
Everyone was in a state of disbelief. I guess dahil hindi pa nila ako nakikitang ganito dati. Everyone except Misa. She was just there, smiling at me. Medyo naiiyak pa rin. Every second was like an hour for me. Hinihintay ko ang sagot niya. Bigla siyang tumayo. Nakangiti pa rin.
“I’d love to.”
Yes! Kami na! for real? Hindi nga? Di talaga ako makapaniwala. Nung narinig kong nanggaling sa mga labi niya yung salitang yon, parang, its too good to be true. Kami na talaga ng pinaka –special na babae sa buhay ko. Sa sobrang saya ko ay niyakap ko siya nang mahigpit. At yumakap din siya sa akin. Naririnig ko ang tili at ang sigawan ng mga kaibigan ko. Pero parang echoes lang. That moment was so special na hindi ko sila alintana. Tanging si Misa lang ang nasa isip ko. Pagkatapos non ay binigay ko na sakanya yung flowers na hawak ko. Napakasaya ng gabing iyon. Nagkaroon ulit ng kainan pagkatapos. Masaya naman ang lahat. Pansin ko nga lang na medyo hindi nagsasalita si Gela.
So the night was finally over. Nagpaalam na si Misa sa mga boys at girls. Hinatid ko siya siyempre. Naglakad lakad lang kami. Di kami masyadong nagsasalita. The fact that we’re together is already enough for us that no words were needed na. So yun, nakarating na kami sa kanila. Pinapasok niya ako hanggang dun sa azotea nila sa first floor.
“Thank you Nicks.” Sabi niya. Magkahawak pa rin kami ng kamay.
“I’m so happy today. Di pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon.”
“Ako rin eh. Teka alam ko na.” sabi niya at bigla niya akong hinalikan sa lips. Smack lang.
“Oh yan, naniniwala na ako.” Sabi niya.
“Ako di pa eh. Isa pa para maniwala na talaga ako.”
“Hmmm. Sige na nga.” Sabay halik ulit sa lips ko. Hay nako, pwede na akong mamatay.
“Ok na ako. Naniniwala na talaga ako. I love you Misa.”
“I love you too. So so much.”
“Oh, pasok ka na. late na eh. Baka hinihintay ka na ng Mommy mo.”
“Sige, pasok na ako. Ingat sa pag uwi ha.” Tapos pumasok an siya. Bago niya sinara ang pinto ay lumingon pa siya sa akin. Nginitian niya ako at ngumiti din ako. Tinatak ko na sa isip ko ang araw na ito. Our special day. July 20, 2010.
Pagtapos ko ihatid si Misa ay bumalik na ako sa aparment. Naabutan ko si Aya at Paul na nagliligpit. Agad akong sinunggaban ni Paul. Matapos ang kulitan namin eh napansin kong wala si Gela.
“Si Gela?” tanong ko.
“Nasa taas, gusto mo puntahan mo na lang.” sabi ni Aya. Pansin kong parang pagalit ang pasabi ni Aya. Ewan ko ba, baka pagod lang. Bago ako umakyat ay lumapit sa akin ulit si Paul
“Tol, may sasabihin ako sayo mamaya.” Sabi niya.
So umakyat ako sa kwarto ni Gela. Kumatok ako. Pero walang sumasagot. Tinawag ko siya pero wala pa rin. Bababa na sana ako pero bigla niya akong tinawag. Pumasok ako sa kwarto niya. Nakita ko siyang nakaupo sa kama, parang maga yung mga mata niya.
“Gela? Umiyak ka ba?” tanong ko. Hindi siya sumagot. Lumapit ako at umupo sa tabi niya.
“May problema ba?”
“Ah, wala naman. Masaya lang ako para sayo.” Sagot ni Gela. Halata namang nagsisinungaling lang siya.
“Paano naman ako magiging masaya kung umiiyak ka? Ngiti naman diyan oh.”
Alam kong may problema siya. Di ko na itatanong kung ano. Gusto ko sana kaya lang baka hindi ito ang tamang oras. Nanatili na lang ako sa kwarto niya hanggang makatulog siya.
Nang makatulog na si Gela ay bumalik na ako sa kabilang apartment. Bago ako pumasok sa pinto ay nakita ko si Paul sa may terrace, tinawag niya ako. Agad naman akong umakyat at pinuntahan siya. Iniisip ko na magtatanong lang siya tungkol kay Misa, pero seryoso yung mukha niya. Ano kayang meron?
“Tol, mahal mo na ba talaga si Misa?” tanong niya.
“Ano bang tanong iyan? Oo mahal na mahal ko siya.” Sabi ko.
“Hay. Alam mo, hindi mo man lang narealize na kumplikado ang buhay mo.” Hindi ko alam ang ibig niyang sabihin, pero alam kong may gusto siyang iparating sa akin.
“Anong sinasabi mo?” tanong ko. Umupo naman si Paul sa sahig ng terrace. Lumapit ako umupo sa harap niya.
“Tol, paano kung sabihin ko sayo na mahal ka ni Gela. Not as a Friend, but more than friends, anong gagawin mo?” nagulat ako sa sinabi niya. Niloloko ba ako nito?
“Nagbibiro ka ba? Ano bang sinasabi mo?” Tanong ko. Parang naguguluhan na ako.
“Hindi mo ba napapansin kanina na parang tahimik lang siya?”
“Hindi naman sapat yun para sabihing-“ pinutol ni Paul ang paliwanag ko.
“Nagusap kami kanina.” Sabat niya. “Napansin ko kasing tahimik lang siya. Sinabi niya sa akin ang totoo. Nakiusap siya sa akin na wag kong sabihin sayo. Pero tingin ko eto yung tama.” Paliwanag ni Paul. May sasabihin sana ako pero may biglang siyang nagsalita ulit.
“Mahal ka daw niya. Nung una daw ayaw pa niyang aminin sa sarili nya. Kaya daw pinakilala ka niya kay Misa. Pero kanina daw nung nakita niya kayong magkasama, iba daw yung naramdaman niya. Tapos nung sinagot ka ni Misa, halos di na daw niya mapigilan yung luha niya. Pagalis niyo umiyak siya. Buti na lang hindi napansin ng iba kasi nagtago siya sa may kusina. Kinausap ko siya at doon niya inamin ang lahat.”
Bakit ngayon pa? bakit ngayon ko pa nalaman? Pero mahal ko si Misa. Kahit nalaman ko to, wala akong balak iwan si Misa. Nangako ako sa mommy niya. Aaminin ko na nabawasan na ang special feelings ko para kay Gela. Pero naguguluhan pa din ako. Mahal ko silang pareho. Pero isa lang ang malinaw sa akin. Kahit baliktarin man ang mundo, si Misa pa rin ang pipiliin ko.
Napaisip ako. Hindi ko akalain na may feelings din pala para sa akin si Gela. Hindi maiwasang sumagi sa isip ko na paano kung naging kami? Mas masaya kaya ako?
“So, anong gagawin mo ngayon? Tingin ko hindi mo maiiwasang mailang kay Gela.”
“Ewan ko ba. Pero iisipin ko na lang na wala kang sinabi sa akin. Magkaibigan pa rin kami ni Gela. Walang magbabago. Nandito pa rin ako para sa kanya. Pero dahil alam ko na ang feelings niya, iiwasan ko na lang pagusapan yung tungkol sa amin ni Misa.”
Nagusap pa kami ni Paul sa terrace. Ang ganda na sana ng araw na yun pero salamat kay Paul ay medyo nabawasan ang saya ko. Siyempre, masakit sa akin na nasasaktan si Gela. Pero ang mas masakit, ako ang dahilan ng sakit na nararamdaman niya.
No comments:
Post a Comment