Saturday, October 2, 2010

Chapter 1: Comfort Zone


A Wonderful Life
By: Nico and Paul


Chapter 1
“Comfort zone”


“Ayoko!”

“Eh Bakit naman?”

“Ah Basta! No thank you tol”.  Sabi ni Nico

“Tol! Gumising ka nga! 18 years old kana pare, wala pa nangyayari sa buhay mo.”Sabi ni Paul.

“Anong wala? Madami nga eh, malapit na kami matapos sa thesis, namamaintain ko grades ko, at-..”

“tumigil ka nga! Hindi naman yun ang ibig kong sabihin!”.

“ Pero tol, ‘di ko talaga kaya. Close kami oo, pro ayoko masira ‘yon, hanggang dun lng dapat kami”

“Dapat? Bakit sino nag sabi? Close kayo so mas mganda kung maigiging kayo”. Sabi ni Paul.

Napaupo si Nico sa silya at yumuko. Nagiisip. Umupo si Paul sa harap nya. Nakikiramdam. Tumayo si Nico.

 “ Hindi talga kami pwede ni Gela pare. Mahal ko siya pero magpinsan kami”

“Second cousin mo right? Pwede yon tol!”

“Alam ko pare, pero alam mo nman ung elders diba? Duh?”  Biro ni Nico

“Duh?!, Kung mahal mo siya ‘di mo na iisipin ‘yon. Tsaka asan ba sila? Andito tayo sa city at andoon sila sa probinsya, sino makakaalam? Tingin ko naman kung sa parents mo rin lng ok lng, at malamang para sa parents nya ganun din”


“Oh sige, I promise pag nakakita ako ng pagkakataon itry ko. Pero for now, ganito muna kami.” Sabi ni Nico

Hay nako, kaya nagmana sayo si Kiko eh. Torpe.”

Ilang sandali pa ay nagbukas ang pintuan sa kwarto ni Paul.

“Kuya nick!”

“Speaking of the devil.” biro ni Paul.

“Bakit ano kailangan mo?”

“Kuya Nick, Tol!” sabi ni Kiko habang hingal na hingal at umupo sa upuan.

“Kasi si mama susundan si papa sa states, dun na daw sila titira. Tinanong nila ako kung gusto ko sumama, sabi ko ayoko tapusin ko muna HS ko dito”. Sabi ni kiko.

“Bakit ayaw mo sumama?” tanong ni Nico.

“Eh kasi wala ako friends dun eh. Tsaka ung crush ko andito dn.” Sabi ni kiko.

“Haha! Nice one! Tol alam mo ba kung sino crush nyan? Tanong ni Paul.

“Oo naman, si Ysa, ung cute at matakaw ni pinsan ni Aya, tama?” sabi ni Nico.

“Oo nga, ang cute ni Aya no tol? Sabi ni Paul.

“Oo tama ka, pero wla na tatalo kay Gela at sa hairstyle nya! Haha!”

“Shut up, ‘di hamak nman na mas maganda si Aya!” sabi Paul.

“Tanga ba kayong dalawa o sadyang bulag lang kayo ha?? ‘di hamak nman na si Ysa ang pinaka maganda, pinaka cute at pinakamata- o sige na nga, pinakamatakaw na rin sa kanilang lahat!” Sumbat ni kiko at nag tawanan lahat sila sa kwarto ni Paul.

“So kiko, ano ba sinadya mo dito ha?” Tanong ni Nico.

“Kuya nick kasi ngayong wala na si mama, ako nalang magisa sa bahay, gusto ko sana-”

“So gusto mo tumira dito kina Paul? Gusto mo ba ma rape?? Haha!” biro ni Nico at binato sya ni Paul ng unan.

“hindi ‘yon, iba ang proposal ko” sabi ni kiko.

“aba sosyal! Proposal ah, sige makikinig kami.” Sabi ni Paul.

“Remember yung apartment kung san nkatira sina ate Gela?” tanong nya.

“Oo alam namin ‘yon, bakit gusto mo dun makitira?” biro ni Nico.

“Tanga hindi, ung nkatira sa harap nung apartment nila, lilipat na next week, so iniisip ko lipat tayong tatlo dun, 2 storeys naman ‘yon at may 3 bedrooms. At mas malapit pa sa mga school natin, at palagi nyo na makikita crushes nyo.” Sabi ni kiko.

“Ungas, gusto mo lang Makita si Ysa eh.” Sabi ni Nico.

“Bakit kuya Nick kala mo ‘di ko alam na may gusto ka kay ate Gela?” sabi ni kiko. Nanlaki ang mga mata ni Nico sa hiya at lumapit kay kiko.

“Kiks wag mo naman pagsasabi lalo na sa mga kmaganak natin, fine papayag na ko tumira dun”.

“Haha, double benefit nmn tol, so kelan tayo lilipat? ”  sabi ni Paul.

“Next week! Sure na ah, excited na ko! Shet!” sabi ni kiko.

“Teka nga, pano mo ba nalaman tungkol sa lilipat ah? Atsaka mgkano ba bayad per month dun? Baka mas mura dito sa boarding house ko” sabi ni Nico.

“Sigurado mas mura dun kasi wla kayo babayaran, pgkain lng at bills” sabi ni kiko. Namangha naman si Nico at Paul ngumisi lang si kiko.

“Shet kiks bakit kaw na sasagot sa iba?” tanong ni Paul.

“Hindi no, ‘di nyo ba alam? Kay mama ung apartment na yon, sakin nila pinagkatiwala yon ngayon, so parang ako ang mamamahala doon, sakin magbabayad sina ate Gela at ung iba pa na nagrerent” Sabi ni kiko.

“Gago ka yun pla ung apartment ninyo ‘di ka man nagsasalita, alam ko na may apartment kayo pro ‘di ko alam na ung kina Gela yon” sabi ni Paul.

“Shet kiks ayos to ah! Ano pa hinihintay natin tara na!” biro ni Nico at nag tawanan silang tatlo, lhat sila excited na lumipat sa kanilang bagong titirhan.


Kinagabihan, bumalik na si Nico sa dorm at naiwan si Kiko sa bahay nina Paul para dun matulog. Magkadorm lang sina Paul at Nico pero umuwi si Paul sa bahay nila nung araw na ‘yon. Habang naglalakad, nag ring ang cellphone ni niya.

“Si Gela” sabi nya. Sinagot ni Nico nag phone

“Hello?” tanong ni Gela

“Hi, this is Nicholas San Juan, I am currently out right now so please leave a message after the tone. Tooot!” pabirong sabi ni Nico.

“Ok, tumawag ako kasi gusto ko sana ng kausap dahil may problem ako, pero mali yata ginawa ko, ok just enjoy bye.” At binaba ni Gela ang phone.

“Gela wait!, Gela? Hello? Hay naku binabaan ako. Nag drama nanaman. Ano kya problema non?” tatawagan sana siya ulit ni Nico kya lng wla pla syang load, kaya na isip nya na puntahan nalng ito sa apartment nila.

Dumating na si Nico sa apartment ni Gela. Agad siyang nagtungo sa pintuan at kumatok.

“Gela? Si Nico to, ok ka lng? Nag bibiro lng ako kanina.. Gela?” patuloy sa pagkatok si Nico nang may narinig sya.

“andyan na..” nang binuksan ang pinto nakita nya si Ysa.

“Hi kuya, you want cookies?” tanong nito habang ngumunguya at may dumi sa bibig.

“No thanks, ikaw tlga tingnan mu nga lips mo sa salamin” biro ni Nico. “Andyan ba si Gela?” dagdag nya.

“Lumabas sila ni ate Aya nagpunta yta sa vacant house sa tapat.” Sabi ni ysa.

“Vacant? Kelan pa?” tanong ni Nico,

“Kanina lng. Emergency daw eh, puntahan mo na si ate Gela, umiiyak siya kanina, ayaw ako isali sa usapan mumos pa daw ako sabi nila.” Sabi ni Ysa.

“Haha. ako nag sabi ng term na yon kay Gela. Sige puntahan ko na, magpunas ka ng lips mo ah, bye.”

“Iiiiyh kuya nakakainis ka talaga, hmpf!” sabi ni ysa..

“haha joke lng yon, kaw nmn, geh puntahan ko na mga ate mo.”

Natuwa si Nico ng malaman na bakante na ung apartment, so mas mapapabilis ang paglipat nila, pro nag aalala siya kay Gela, pag dating sa may pinto may naririnig syang umiiyak. Pumasok siya at tinawag si Gela, walang sumasagot. Umakyat siya sa taas at nakita si Gela na niyayakap ni Aya habang umiiyak.

“Friend ‘ and sakit sakit.” sabi ni Gela at nakita siya ni Nico,

“Gela!? Anung nangyari sayo? Okay ka lang?” tanong ni Nico, tumayo si Gela at niyakap sya.,

“Best! Buti andito ka need ko ng karamay.” Sabi ni Gela at nagpuntasa bestfriend niya.

“bakit anong nangyari? Tanong ni Nico, tiningnan nya si Aya at yumuko ito, tapos tumayo.

“San ka pupunta friend?” tanong ni Gela.

“Ah, sa bahay check ko lang si Ysa baka nagkakalat nanaman.” Sabi ni Aya.

“don’t worry galing ako don, as usual kumakain nanaman siya ng cookies.” Sabi ni Nico at ngumiti lng si Aya at bumaba na.

“Gela what happened? “Kasi ‘di ba kamamatay lng ni miyuki? So malungkot pa ko tapos ngaun nasaktan pa ko.”  Sabi ni Gela. Kamamatay lang kasi ng alagang shitzu ng dalaga isang linggo na ang nakakaraan.

“Tell me, im here.” Sabi ni Nico.

“kasi best, I like this guy, nagpakilala sya sa akin, super hansome nya and mabait. Naging close kami at palagi kami lumalabas”
sabi ni Gela.

“teka bat ‘di ko alam to?” tanong ni Nico sa sarili nya. Nagkunwari nalng sya na ‘di sya affected.

“tapos?” tanong nya kay Gela.

“ tapos yon, akala ko MU na kami, na magiging kami na, kasi nmn palagi kami lumalabas, muntik na nga kami mag kiss eh.” sabi ni Gela habang umiiyak.

“bat ‘di kayo nag kiss?” tanong ni Nico at medyo may hinanakit sya sa loob nya.

“ Yun na nga, sabi nya kasi may girlfriend na daw sya kya d daw pwede maging kami, although sabi nya mahal daw nya ako, pero as a friend lng.” Sabi nya habang umiiyak.

“buti alam mo pakiramdam ko” bulong ni Nico sa sarili,

“ano yon best?” tanong ni Gela.

“ ah wala, eh gago pala yang lalaki nayan eh, pina asa ka lng tpos may GF na pla! Sino ba yan at nang maupakan ko.”

“ Best wag, di ko naman sinabi to pra magsumbong sayo, gusto ko lang ng may mapagsabihan ng problema para mabawasan ung sakit. Tanggap ko naman eh, at kasalanan ko din dahil umasa ako. ‘di nman sya nanligaw, at wala naman siya sinabi na he wanted na maging more than friends kami. Tanggap ko na, kaya okay lang.” Sabi ni Gela.

“Tanggap mo na eh kanina mo ako pinapaliguan ng luha mo?” biro ni Nico at ngumiti si Gela.

“Halika nga dito hug mo ko” sabi ni Nico. Lumapit si Gela at yumakap ng mahigpit kay Nico habang umiiyak. Nramdaman ni Nico ang kanyang paghinga, Parang huminto ang mundo ni para kay Nico. Para bang walang ibang tao kundi sila lang. Lalo pang hinigpitan ni Gela ang kanyang yakap. Gusto nya ang nararamdaman niya ngayon ngunit ayaw nyang manamantala kya tinulak nya si Gela playo.

“ Alam ko ‘di ka pa kumain, tara kain tayo my treat.” Sabi ni Nico at pumayag nmn si Gela.

“Ok best, thank you so much for your time ah. Ewan ko ba but I felt better nung niyakap kita.” Sabi ni Gela.

“I felt better din, hehe” biro ni Nico at npangiti si Gela.

“Ikaw kasi cry baby ka eh.” sabi ni Nico at pinunasan ang luha ng dalaga. Pinalo naman siya ni Gela.

“Okay tara na sa apartment wait mo ko magbibihis lng ako, mukha akong na rape eh.” Biro ni Gela.

Bumaba na sila at lumipat sa tapat na apartment. Hinintay ni Nico si Gela mag ayos. Naupo sa sofa ang binata habang pinagmamasdan si Aya na naghahanda sa kusina. Di naman mapakali ang dalaga. Gusto niyang lumingon ngunit di niya kaya. Ilang sandali pa ay bumaba na si Gela at umalis na ang dalawa.

Mag aalas diyes na nang makauwi sila sa apartment ni Gela. Napasarap kasi ang kain at kwentuhan nila. Nang ihatid na ni Nico si Gela sa pinto niyakap ito.

“Thank you talaga. Love you so much best” sabi ni Gela sbay halik nito sa labi ng pinsan.
Pareho silang nagulat. Parehong di nakapagreact. Nang mahimasmasan ngumiti si Gela.

“Reward mo yan kasi good friend ka” sabay sara ng pinto. Nakatayo si Nico sa harap at ‘di mkagalaw.

“Friend huh?” tanong nya sa sarili.

Pero may ngiti sya sa kanyang mga labi at masayang umalis para bumalik sa boarding house. Samatala si Gela nman ay nkasandal pa sa pinto. ‘di pa sya umalis doon mula ng sinara nya ang pinto. Napahinga sya ng malalim at napangiti.

“Ate kain ka cookies, ‘di ko na maubos eh.” Biglang sabat ni Ysa.

 “Sige busog pa ako eh.” Sabi ni Gela.

“Aba si cookie monster ‘di kya ubusin cookies nya?” dagdag ni Gela. Nainis si Ysa at kinuha ang dalawang cookies at sabay na nilamon.

“Di no kyang kya ko to” sabi ni ysa na hindi pa mkpagsalita ng maayos dahil puno ang bibig nito.

“ Ysa! Akyat ka na dito tulog na!” sigaw ni Aya.

“Nandyan na ate” at daling umakyat si ysa sa taas.

Pumunta si Gela sa sala at humiga sa sofa at iniisip pa rin nya ang nangyari kanina hanggang sa makatulog siya.

Samantala sa boarding house, nkahiga na si Nico sa kama. Naalala nya ang mga nangyari kanina. Ung yakap ni Gela, at lalo na ung halik nya. Naisip nya na poprotektahan nya si Gela at ‘di ito hahayaang masaktan muli. Nag isip siya. Mtagal siyang nanatiling gising hanggang sa sabi nya sa sarili nya,

“Its decided, I will make my move!”.


I love you Gela.” Bulong nya sa sarili tapos nakatulog na siya.

No comments: