A Wonderful Life
By: Nico Laurence And Paul
Chapter 7: Threat
(Back to 3rd person perspective)
Nakita ni Aya si Paul na sumakay sa kotse na may kasamang babae. Tiningnan niya sila. Tinanong niya sa sarili niya kung sino kaya yung kasama niya. ilang sandali pa ay umalis na ang kotse at sinundan niya ng tingin.
“Si Paul ba yon?” tanong ni Gela.
“Oo yata.” Sagot naman ni Aya habang sinusundan pa ng tingin ang kotse ni Paul.
“Eh sino yung babaeng kasama niya? Don’t tell me-“ Di na tinuloy ni Gela ang sasabihin niya.
“No, I don’t think so.” Sagot naman ni Aya.
“Pano mo naman nasabi?”
“Basta, I just know.” Sabi ni Aya. Pumasok na sila sa loob ng school. Naupo ang dalawa sa quadrangle habang naghihintay. Ilang sandali pa ay dumating na ang hinihintay nila.
“Uy, guys, kanina pa kayo?” tanong ni Claire.
“Hindi naman, kararating lang namin.” Sagot ni Aya.
“Tara? Ay teka kain muna kaya tayo? Kung sana kasing andito si Paul.” sabi ni Claire.
“Si Paul? Bakit?” Pagtataka ni Gela.
“Eh kasi madalas niya akong nililibre ng food eh. Hihi!” bungisngis ni Claire. Napangiti lang si Aya.
“Ganon? Wala nga si Paul eh nag date sila nung girlfriend niya.” Biro ni Gela.
“Ha? May girlfriend siya? Hala nakakahiya pala. Nagpapalibre ako.”
“Wala noh, joke lang. May kasama kasi siyang babae kanina eh. Eh hindi naman pala niya girlfriend.”
“Bakit? Kilala nyo ba yung girl?
“Hindi, eh sabi ni Aya di daw sila eh.” Sabi ni Gela sabay tapik kay Aya.
“Ay ganon? Tara kain tayo tapos punta tayo sa spa.” Sabi ni Claire.
“Claire, di ba nagpapatulong ka sa amin bumili ng gift para sa 1st anniversary nyo ni Chics? Spa ka diyan!” banat naman ni Aya. Napatawa naman si Gela.
“Ikaw naman, joke lang. Girls, Lets go?” sabi ni Claire at umalis na ang tatlo.
Si Paul at Danica naman ay nagtungo sa mall. Naglakad lakad sila. Parehong tahimik. Hindi alam ni Danica kung anong sasabihin niya. Si Paul naman tila nagiisip. Napadaan sila sa isang gift shop. Huminto si Paul at nagisip. Pagkatapos ng ilang sandali ay hinila niya si Danica papasok sa loob.
“Huy, ano gagawin natin dito?” nalilitong tanong ni Danica.
“Naisip ko lang bilhan ng regalo si Lala. Ano kaya maganda?” sabi ni Paul habang tumitingin tingin sa shop.
“Regalo? Bakit? Hindi naman niya birthday ah?”
“Bakit kailangan ba magbirthday pa siya bago bigyan ng regalo?”
“Uy, ikaw ha, 5 years old pa lang si Lala. Maghintay ka muna kaya ng 13 years.” Biro naman ni Danica.
“Ano ka ba Aiks? Natutuwa nga lang ako sa kanya. Ikaw talaga. Nagmumukha tuloy akong phedo nyan eh.”
“Aiks? Pumayag na nga akong magpatawag ng Aika sayo tapos Aiks naman ngayon?”
“Eh kasi mas madali, 1 syllable lang. Sige tawagin mo na lang akong Pau para fair.”
“Pau? Eh 1 syllable rin naman ang Paul ah.”
“Oo pero mas madali. Mas cute pa. At least may tawagan tayo diba?”
“Tawagan?” nagtatakang tanong ni Danica. Pero gusto niya ang narinig niya. di lang niya pinapahalata.
“Ikaw talaga ang dami pang tanong. Tulungan mo na lang kaya ako.” Sabi ni Paul.
“Seryoso ka talaga noh? Sige. Hmmm. She loves stuff toys.” Sabi ni Danica. Agad nagtungo si Paul sa stuff toys section.
“Shet ang dami pala. Ano bang klaseng stuff toy gusto niya?”
“Uhm, yung colorful, tapos the bigger the better.” Sabi I Danica. Naghanap si Paul ng malaking stuff toy. Ilang sandali pa ay may nakita siya. Isang malaking bilog na stuff toy na may cute na mukha. May tatak itong “Dango” sa baba. Pinatong ni Paul ang Stuff toy sa ulo niya. halos matakpan ang mukha niya sa laki ng stuff toy.
“Eto kaya?” tanong ni Paul. Tumawa naman si Danica at pinalo si Paul sa balikat?
“Ikaw talaga. Uhm, I think she’ll love that.” Sabi ni Danica. Inalis naman ni Paul ang stuff toy sa ulo niya. Nagtungo siya sa counter para magbayad. Bago matapos magbayad at tinawag niya si Danica na kanina pa may tinitingnan.
“Aiks, halika.” Agad naman lumapit si Danica.
“Yes?”
“Ahm, hintayin mo muna ako sa fast food restaurant malapit sa hypermarket. Ilagay ko lang to sa kotse. Ang laki kasi eh.” Sabi ni Paul. Pumayag naman si Danica at lumabas.
Naglakad si Danica papunta sa pinagusapan nila. Pagdatig doon ay agad siyang naghanap ng mauupuan. Doon siya sa sulok naupo. Marami namang bakante pero doon ang pinili niya dahil tahimik at tago. Naupo si Danica habang hinihintay si Paul. Masaya siya at niyaya siya ni Paul na lumabas. Naisip ni Danica, na kahit sandaling panahon pa lang mula nang magkasama sila, eh parang kilalang kilala na niya si Paul. Naalala rin niya ang masasayang sandali nila habang nakikipaglaro kay Lala. Ilang sandali pa ay dumating na si Paul.
“Huy!” sabi ni Paul. Nagulat naman si Danica at inayos ang upo.
“Bakit ka nakangiti mag-isa diyan?” tanong ni Paul.
“Bakit masama bang ngumiti mag-isa?”
“Hindi naman. Pero in fairness ang ganda mo pag nakangiti ka ha.” Namula naman si Danica pero hindi siya nagpahalata.
“Wushu. Order ka na nga at gutom na ako. Oh eto bayad ko, Ikaw na bahala” Sabi ni Danica sabay abot ng 100 kay Paul.
“Ay ano ka ba? Ako nagyaya, so ako magbabayad.”
“Ha? Eh kasi parang ano eh,” pagaalinlangan ni Danica.
“Ano? Hay, ako na bahala diyan ka lang okay?” sabi ni Paul at nagtungo na sa counter para umorder. Naiwan si Danica sa mesa at di mapalagay. Tiningnan lang niya si Paul habang nagoorder. Nang matapos umorder ay bumalik na si Paul sa mesa.
“Oh, game! Itadakimasu!” sabi ni Paul.
“Ang dami naman yata? Mauubos ba natin to?” tanong ni Danica.
“Don’t wory Aiks nandito naman ako eh. Kung di mo maubos, may tagasalo ka don’t worry.” Biro ni Paul. Napangiti lang si Danica at kumain na.
“Paul, easy ka lang may bukas pa.” biro ni Danica.
“Bakit ba masarap eh.” Sabi ni Paul sabay lamon.
“Ano mas masarap? Yan oh yung sandwhich ko?”
“No doubt mas masarap yung sandwhich mo.” Sabi ni Paul.
“Really?”
“Really.” Sagot ni Paul. Flattered naman si Danica kaya naka smile ito habang kumakain. Napansin naman ni Paul na nakangiti nanaman si Danica pero hindi na siya nagtanong.
Pagkatapos kumain ay nagtungo sila sa arcade. As usual, nagpasikat nanaman si Paul doon sa palakasan ng suntok. Mataas ang score niya pero hindi niya na break ang record niya noong si Aya naman ang kasama niya. Pagkatapos nito ay nagtungo na sila sa parking lot at sumakay na sa kotse. Pagpasok sa sasakyan ay agad hinanap ni Danica yung regalo ni Lala.
“Paul san yung gift ni Lala?”
“Ah, nasa trunk.”
“Ha? Bakit doon? May backseat naman ah.”
“Eh nagmamadali ako eh. Kasi baka mainip ka sa paghihintay. Ang layo kaya ng parking lot noh.” Sabi ni Paul sabay start ng sasakyan. Natahimik lang si Danica. Habang nagmamaneho, naisipan ni Paul na magtanong pa tungol kay Danica.
“Aiks.”
“Yup?” agad namang sagot ni Danica.
“Uhm, mabait ka pala noh.”
“Ha? Bakit mukha bang hindi?”
“Eh kasi diba? Remember dati? Aso at pusa tayo. Tapos ang taray taray mo sa akin. Pero ngayon tingnan mo. Sinong magaakalang magiging friends tayo diba?”
“Masungit ba talaga ako?” tanong ni Danica.
“Oo.” Prankahang sagot ni Paul. Napayuko lang si Danica.
“Pero okay lang. Maganda ka pa rin naman kahit masungit ka.” Sabi ni Paul at namula si Danica. Napangiti lang siya at diretso lang ang tingin.
“So, sino ba yung totoo? Yung masungit na si Danica oh yung palangiting si Aika?” Tanong ni Paul at napatawa si Danica.
“Kung ano ang nakikita mo sa akin ngayon yun ako.” Sabi naman ni Danica. Napangiti naman si Paul at tiningnan ang dalaga.
“Sa daan ka tumingin wag sa akin.”
“Ay sorry. Naninibago kasi ako. Pero alam mo, kahit papaano namimiss ko si Danica.”
“Bakit naman?”
“Wala akong kaaway eh. Walang nagsusungit sa akin, eh kasi halos lahat ng babae ang bait sa akin eh. Ewan ko kung bakit. Si Danica lang ang masungit sa akin.” Sabi ni Paul. Napasimangot naman si Danica.
“Ah ganon? So gusto mo ako na lang si Danica? Ha?” sabi ni Danica habang kinukurot sa tagiliran si Paul.
“Aiks wag, aray! Baka mabangga tayo. Aruy!” Sabi ni Paul pero di huminto si Danica. Tinabi ni Paul ang sasakyan sa gilid ng daan at tiningnan ng masama si Danica. Huminto and dalaga at napasandal sa pintuan ng sasakyan.
“Akala mo ha, humanda ka ngayon.” Sabi ni Paul at pinagsusundot ang tagiliran ni Danica.
“Haha! Wag diyan, malakas kiliti ko diyan! Paul, ayoko na. ahaha!” Halos maiyak na si Danica sa kakatawa pero di pa rin siya tinigilan ni Paul. Napahiga si Danica sa passenger seat at umabante si Paul para mas maabot siya. Tawa ng tawa si Danica. Ilang sandali pa ay huminto na si Paul. Halos magkalapit ang mga mukha nila. Nang matauhan si Danica ay nagkatinginan sila ni Paul. Bumilis ang tibok ng puso ni Danica. Hindi siya mapakali. Si Paul naman nakatingin lang. Hindi alam ni Danica ang gagawin niya kaya kinurot niya ng todo sa tagiliran si Paul.
“Aray aray aray! Aiks ayoko na! aray!” sabi ni Paul at tumawa lang si Danica. Ilang minuto ding nagkulitan ang dalawa. May mga taong dumadaan at pinagtitinginan ang sasakyan nila.
“Uy ayoko na. tingnan mo oh pinagtitinginan na tayo.” Sabi ni Danica.
“Oo nga no, mga chismoso.” Banat ni Paul. “Pero in fairness ang gwapo nung isang dumaan na guy.” Biro niya at parang nandiri si Danica.
“Bakit parang nadidiri ka? Di ko ba bagay?” tanong ni Paul.
“Yun na nga eh, bagay mo kaya nandidiri ako. Baka totoo yan ha.”
“Ano ka ba, hindi no. Pag gabi lang ako si Dyesabel.” Biro ni Paul.
“Hala! Isa ka palang sirena.” Banat naman ni Danica.
“Oo, at ako ang pinakamagandang sirena!” biro ni Paul at tawa ng tawa si Danica. Matapos ang harutan ng dalawa ay umalis na sila. Ilang minuto pa ay nakarating na sila kina Danica.
“Oh siya, see you on Monday.” Sabi ni Paul.
“Okay. Ay teka yung gift ni Lala?”
“Ay oo, tara kunin natin sa likod.” Sabi ni Paul. Bumaba sila ng sasakyan at binuksan ang trunk sa likod. Nagulat si Danica nang makita niya ang tinititigan niyang stuff toy kanina.
“Bakit dalawa? Pero okay lang matutuwa si Lala.” Sabi ni Danica.
“Oo nga. Tara sa loob pasok natin.” Dinala ni Paul yung isang stuff toy na bilog at si Danica naman ang nagdala nung isa. Pagpasok sa loob ay nakita nila si Lala na naglalaro sa sala. Agad siyang tumakbo papunta sa kanila.
“Ate Aika! Kuya Paul!” sabi ni Lala. Nakatitig siya sa dalang stuff toy ni Paul.
“Akin yan?” tanong ni Lala.
“Oo, gift namin ng ate mo sayo kasi good girl ka.” Sabi ni Paul sabay abot ng malaking stuff toy. Agad naman niyakap ng bata ang stuff toy.
“Wow lambot. Eh yung hawak ni Ate akin din yan?”
“Ay, that’s for you’re ate. Bigay ni Kuya.” Sabi ni Paul at nagulat si Danica.
“Me? This is mine?” tanong ni Danica.
“Yup. Pansin ko kasi kanina mo pa tinititigan yan eh.” Sabi ni Paul at halos maiyak nasi Danica. Napayakap siya kay Paul. Pero agad din siyang kumalas.
“Sorry, carried away lang.” sabi ni Danica. Tumawa naman si Paul.
“Oh siya! Una na ako. Bye Lala.” Sabi ni Paul at yumakap naman si Lala sa kanya.
“Bye kuya!” sagot ni Lala.
“Bye Paul. Thank you ulit.” Sabi ni Danica.
“Oy bigyan mo ng name yan ah. Yung cute pakinggan. Remembrance yan para sa mga effort natin sa case study.” Sabi ni Paul.
“Okay, magiisip ako ng magandang name mamaya.” Sabi ni Danica. Lumabas na si Paul at nagpaalam na.
“Paul!”
“Oh?”
“Thank you!” sabi ni Danica.
“Welcome!” sagot ni Paul. Pasakay na sana si Paul nang tinawag ulit siya ni Danica.
“Paul!”
“Yep?”
“Thank you ulit!”
“Welcome ulit!” sagot naman ni Paul. At nang makasakay siya ay muli nanaman siyang tinawag ni Danica.
“Paul!”
“You’re welcome Aiks!” sagot agad ni Paul. Tumawa na lang si Danica habang pinagmasdan ang pagalis ng sasakyan ni Paul. Si Paul naman, nakangiti lang. Naninibago siya sa biglang pagbabago ni Danica. Pero sabi niya na yung totoong siya eh yung nakikita ni Paul ngayon.
“Bakit kaya nagsusungit siya sa school?” tanong ni Paul sa sarili. Napabuntong hininga na lamang siya habang nagmamaneho.
(Earilier)
Naglalakad si Nico papunta kina Misa. Masaya siya sa takbo ng relasyon nila. So far, lalo lang silang naging mas masaya sa piling ng isa’t isa. Pagdating sa gate, nakita niyang naghihintay na doon si Misa.
“Misa!” sabi ni Nico sabay takbo papunta sa dalaga.
“Hi Nicks. I missed you.” Sabi ni Misa at humalik sa pisngi ni Nico.
“I missed you too. Kahit kahapon lang magkasama tayo. Teka. Bakit andito ka sa labas?” Tanong ni Nico.
“I was waiting for you.”
“Pwede naman so loob maghintay diba?”
“Eh kasi excited lang ako eh.” Sabi ni Misa. Niyakap niya ang braso ni Nico at naglambing.
“Tara na Nicks. Hinintay na nga kita eh. Tara na.” Lambing ni Misa.
“Alam mo, you’re sooo irrisistably cute!” sabi ni Nico hapang pinipisil ang ilong ni Misa.
“Ouch. Ikaw din, you sooo cute!” at gumanti naman si Misa at pinisil din ang ilong ni Nico.
“Aray aray! Oo na cute na ako. Aray!”
“Hihi! Shall we?” sabi ni Misa. Napangiti lang si Nico at sumakay na ang dalawa ng taxi. Ilang sandali pa ay nakarating na ang dalawa sa mall. Naglakad lakad sila nang may nakita si Misa.
“Uy si Paul oh.” Sabi ni Misa.
“Asan?” tanong ni Nico habang tumitingin tingin sa paligid.
“Ayun oh palabas na.” sabi ni Misa at tinuro si Paul na palabas ng mall.
“Oo nga noh, teka sino yung naman kaya yang kasama niya?”
“Girlfriend niya? She’s pretty.”
“Ha? Eh alam ko wala siyang girlfriend eh.” Pagtataka ni Nico. At isa pa alam niyang kay Aya may gusto si Paul.
“Baka naman bago lang sila kaya di pa niya nasabi?” sabi ni Misa. Natahimik na lang si Nico pero nagtataka. Tatanungin na lang niya si Paul mamaya.
Pagkatapos mag libot ay kumain ang dalawa. Pagkatapos kumain libot ulit. Habang naglilibot, natanaw ni Nico sina Gela. Malayo pa sila at di pa sila nakikita. Hindi niya alam ang gagawin. Magpapakita ba siya kay Gela na kasama si Misa? Alam niyang masasaktan lang si Gela. Iiwas sana sila pero nakita na rin sila ni Misa.
“Uy Nicks sina Gela oh. Tara dali.” Sabi ni Misa at hinila ang kamay ni Nico papunta kina Gela. Nagulat si Gela nang makita ang dalawa. Napayuko lang siya habang papalapit sila. Si Aya naman nakatingin lang sa kanila. Tanggap na niyang kay Misa na si Nico.
“Hi Aya, hi Gela.” Bati ni Misa. Inangat uli ni Gela ang mukha niya at nakipagbeso beso kay Misa.
“Anong ginagawa nyo dito?” tanong ni Aya.
“Eto, kumain lang. Eh kayo?”
“Sinamahan ko lang yung pinsan ko, bibili daw ng anniversary gift para kay Chics.” Sabi ni Aya.
“Girlfriend siya ni Chics?” tanong ni Misa.
“Yup, si Claire. Pinsan ko.” Sabi ni Aya.
“Hi Claire. Uhm, ako si Misa.” Sabi niya at nakipagkamay kay Claire.
“Wow, maganda pala talaga girlfriend ni Kuya.” Sabi ni Claire. Flattered naman si Misa at namula. Napangiti lang si Nico pagkat ayaw niyang masyadong mag react dahil kay Gela.
“Gusto niyo samahan namin kayo?” tanong ni Misa.
“Sure!. Para marami tayo.” Sabi ni Claire.
“Nicks tara sumama tayo.” Sabi ni Misa. Di nakasagot si Nico at parang nagaalinlangan.
“Sige na please?” lambing ni Misa at yumakap sa braso ni Nico. Napabuntong hininga na lang siya.
“Oh sige na nga. Ikaw talaga. Style mo ha.” Biro ni Nico at pinisil ang ilong ni Misa.
“Thank you kuya! Mas madali na mag hanap ng pang regalo kasi andyan ka na! Thank you!” sabi ni Claire.
Napangiti lang si Nico at naglakad sila patungong food court para doon makapagusap. Kapansin pansin ang pagiging tahimik ni Gela. Naghanap sila ng bakanteng lugar at doon naupo.
“Uy, guys, ano kayang magandang bigay kay Chics?” pangungulit ni Claire.
“Ano bang naiisip mong ibigay?” tanong ni Aya. Natahimik lang si Claire at tila nagiisip.
“Gaano na ba kayo katagal?” tanong ni Misa.
“1st anniversary namin niyan sa august 15. Kaya I really want to make it special. Kaso wala akong maisip. Kahit ano kasing binibigay ko tinatanggap niya eh at naapreciate niya lahat yon.” Sagot ni Claire habang kinikilig.
“Kahit kapatid ko yun hindi naman siya masyadong nagkukwento sa akin, kay Kiko at Paul lang.” sabi ni Nico.
“Ahm, Singsing kaya? Wala pa kayong singsing eh. Pansin ko lang.” dagdag ni Nico.
“Di ba dapat lalaki yung nagbibigay ng singsing?” tanong ni Aya.
“Yun na nga eh. The fact na lalaki yung common na nagbibigay non, tapos bigla ikaw yung nagbigay, eh di mas nakakakilig yon. “ sabi ni Nico.
“Siyempre it also depends sa sasabihin mo sa kanya bago mo ibigay.” Dagdag ni Misa.
“Gela, tingin mo okay lang yon?” tanong ni Nico.
“Ha? Oo pwede.” Matamlay na sagot ni Gela.
“Ate Gela okay ka lang ba? Kanina ka pa tahimik eh.” Tanong ni Claire. Ngumiti lang si Gela.
“Oo okay lang ako. Wag niyo na akong pansinin. Nagiisip din ako ng magandang ibigay kay Chics. Pero maganda yung naisip ni Best.” Sagot ni Gela.
“Ikaw Claire? Okay na sayo yon?” tanong ni Aya.
“Okay na okay! Tara hanap tayo ng magandang singsing. San tayo magsisimula?” tanong ni Claire.
“Ahm, Malamang sa drugstore. Marami doon.” Biro ni Nico at nagtawanan sila.
Nagpunta sila sa jewelry shop at doon naghanap. Tumitingin tingin sila nang may makita si Nico na necklace na umagaw sa kanyang pansin. Tamang tama dahil birthday na ni Misa in 4 days. Si Claire naman ay may nakita nang magandang singsing. Nabuhayan siya ng loob.
“Ganda oh. Ang cute!” sabi ni Claire
“Oo nga. Ano naman papalagay mo sa singsing?”
“Lalagay?” tanong ni Claire.
“Oo. Like a quote or something. Alam ko 11 characters max lang eh” Bigla namang napasimangot si Claire. Napangiti lang ang mga kasama niya pagkat talagang namomroblema siya.
“Hmmm. Initials niyo kaya? C ♥ C?” tanong ni Nico.
“Wow. Oo nga ano. Tapos palagay ko yung date ng anniversary namin.” Sagot ni Claire.
“Di ba common yon?” tanong ni Misa.
“Maganda nga eh. Kasi the fact na andon yung mga initials at yong special day namin, ibig sabihin unique na yon. Kasi it means na property namin yung rings. It only belongs to us.” Sagot ni Claire. Kinilig nanaman si Misa at napayakap kay Nico.
“Wow! Wala akong masabi. Sige go for the gold!” biro ni Nico. Agad na nagtanong si Claire tungkol sa rings. Itinanong sa kanya kung may ipapa-engrave ba siya sa singsing. Sabi niya “C ♥ C 08-15-09”
Pagkatapos mamili ay umuwi na sila. Humiwalay sina Nico dahil ihahatid pa niya si Misa sa kanila. Sumakay sila ng jeep at bumaba sa kanto.
“Teka tawag lang ako ng tryke.” Sabi ni Nico.
“Wag na. lakad na lang tayo.” Sabi ni Misa at humawak sa kamay ni Nico. Naglakad sila ng mabagal habang naglalakad pauwi.
“Ang swerte pala ni Chics kay Claire noh?” sabi ni Misa.
“Pano mo naman nasabi yan?”
“Wala lang. Kasi ang sweet niya eh.”
“Ikaw rin naman eh. Kaya nga swerte ako sayo.” Sabi ni Nico. Kinilig naman si Misa.
“Mas swerte ako sayo.” Sagot naman ni Misa. Nakukulitan ang dalawa habang naglalakad. Sa di kalayuan ay nakatambay ang grupo ni Marion nang mapansin nila si Nico.
“Pre, diba yun yung boyfriend ni Gela?” tanong ni George.
“Asan?” tanong ni Marion. Nang makita niya ay nanginig siya sa galit.
“Tarantado pala yan eh. Gago yan ang yabang yabang manloloko pala!” sabi ni Marion.
“Baka naman hindi sila.” Sabi ni Ian.
“Tanga ka ba pre? Kitang mong magkaholding hands sila oh. Tara upakan natin nang matuto naman.” Susugod sana si Marion pero pinigilan siya ni George.
“Pre, wag ngayon. Kailangan turuan natin ng leksyon yan. Tawagin natin yung iba tapos abangan natin bukas or pag na-taymingan natin na magisa lang siya.” Sabi ni George. Tumawa si Marion at nag agree sa idea ni George. Tahimik lang si Ian at halatang hindi sangayon sa naisip ng mga kaibigan.
Nakarating na si Nico at Misa sa bahay. Binuksan ni Misa ang gate at hinatid siya ni Nico hanggang sa garden.
“Bukas ulit?” tanong ni Nico.
“Sure. Tomorrow.” Sagot naman ni Misa. Nakatayo lang si Nico. Parang may hinihintay.
“Oh, pasok na ako?”
“Okay, teka kiss ko?” sabi ni Nico. Tumawa si Misa at niyakap si Nico sabay smack sa lips.
“Goodnight Nicks!” sabi ni Misa.
“Goodnight. Kumusta mo ako sa mommy mo ha.”
“Okay. But from now on I want you to call her mommy.”
“Ha? Bakit?”
“Siyempre future mother in law mo siya diba?” sabi ni Misa. Tumawa si Nico at muling pinisil ang ilong ni Misa.
“Ikaw talaga. Di pa nga tayo kasal eh. Pero sige. Kumusta mo ako kay Mommy okay?” sabi ni Nico at kinilig si Misa.
“Teka, sample nga tayo.” Sabi ni Nico. Bigla siyang lumuhod sa harap ni Misa. Tumawa ang dalaga pero nagulat siya ng kunin ni Nico ang kamay niya.
“Misa, will you marry me?” tanong ni Nico. Namula si Misa at kinilig. Napahawak ang isang kamay niya sa mukha niya. Ang bilis ng tibok ng puso niya. parang totoo ang proposal ni Nico.
“Yes! I will marry you!” sagot naman ni Misa. Tumayo si Nico at niyakap si Misa.
“Practice lang. But expect my proposal to be 100 times better!” sabi ni Nico.
“Ay practice lang? akala ko totoo.” Sabi ni Misa na parang nagtatampo.
“Hindi nga?” tanong ni Nico.
“Joke lang! hihi! But alam ko it will happen in the NEAR future.” Banat ulit ni Misa. Tumawa si Nico at nagharutan pa ang dalawa sila bago umalis ang binata.
2 days after, nagpunta si Nico kina Misa. Mag ga-gabi na nang umalis siya. Tinext niya si Paul para magpasama sa mall. Ngayon niya kasi balak bilhin ang necklace para kay Misa. Sabi ni Paul na magkita na lang daw sila sa secret place nila. Agad namang nagpunta doon si Nico. Ang hindi niya alam ay may sumusunod sa kanya.
Pagkarating niya doon ay naupo muna siya. Matagal tagal na rin mula nang huli silang nagpuntang apat sa lugar na yon. Madalas silang nagpupunta sa secret place nila para mag hang out at mag kwentuhan. Ilang sandali pa ay napansin ni Nico na may dumating na grupo nang kalalakihan. Anim sila at pamilyar ang dalawa sa mga yon. Agad siyang tumayo at tintigan lang sila.
Samantala, sa apartment nina Gela, busy sila kumakain ng dinner nang may kumatok sa pinto. Tumayo si Aya para tingnan kung sino yon. Pagbukas niya, nagulat siya nang makita niya si Ian. Hinihingal ito at parang kinakabahan ang itsura. Agad siyang pinapasok ni Aya at pinuntahan siya ni Gela.
“Ian? Anong meron?” tanong ni Gela.
“Ah, wala akong masamang itensyon. Gusto ko lang sabihn na may masamang balak sina Marion kay Nico.” Sabi ni Ian. Nagulat ang dalawa. Bakas ang pagaalala sa mga mukha nila.
“Bakit? Ano nanaman bang problema ni Marion?” tanong ni Gela.
“Wag kang magagalit Gela, pero kasi nung Friday kasi nakita namin si Nico na may kasamang ibang babae. Nagalit si Marion at sinabi na tuturuan daw siya ng leksyon.”
“What? Hindi ko naman boyfriend si Nico. Sinabi ko lang yon para umalis kayo!” sabi ni Gela. Nagaalala na talaga siya.
“Asan sila?” tanong ni Aya.
“Hindi ko alam eh. Text niyo si Nico para ma-warningan siya.” Sabi ni Ian. Agad naman kinuha ni Gela ang phone niya para tawagan si Nico pero walang sumasagot.
“Walang sumasagot.” Sabi ni Gela.
“Si Paul try mo.” Sabi ni Aya. Sinubukan tawagan ni Gela si Paul pero naka off ang phone niya. Di na maipinta ang mukha ni Gela. Pati si Aya di na mapakali. Agad silang nagpunta sa kabilang apartment. Si Kiko at Chics lang ang nadatnan nila doon.
“Chics, alam niyo ba kung nasan si Best?” tanong ni Gela.
“Hindi eh bakit? Anong nangyari?” tanong ni Chics.
“Nag text si Paul kanina alam ko magkikita sila sa secret place eh. Anong meron?” tanong ni Kiko. Sinabi ni Gela lahat ng sinabi ni Ian at agad silang umalis para hanapin si Nico.
No comments:
Post a Comment