Saturday, October 2, 2010

Chapter 2: Moving In



A Wonderful Life
By: Nico and Paul





Chapter 2
“Moving In”



3 days after, doon palang nakapaghanda sina Nico sa paglipat. Busy kasi at tamang tama sabado nman. Dahil magkaboarding house lang si Paul at Nico, halos sabay lang sila natapos sa pag aayos ng gamit. Habang nagaayos ay tumunog ang phone ni Paul. Agad niya itong kinuhasa bulsa niya at sinagot.

“Oh Kiks, Okay na?”

“Paul, sunduin niyo na ko okay na mga gamit ko. Dalian niyo excited na ako!” sabi ni Kiko

“Sus kiks, geh, punta na kami ni Nico dyan. We’ll be there in 15 minutes” sabi ni Paul sabay baba ng phone.

Umalis na nag dalawa sa kanilang dorm para sunduin si Kiko. Halatang excited ang dalawa. Binilisan ni Paul ang pag drive niya at di nagtagal ay nakarating rin ang dalawa sa bahy ni Kiko. Pagdating doon ay nakita nila ang binata na nasa labas na ng gate at nagaabang.

“Bilis nyo ah.” Sabi ni Kiko.

“Oo nga blis mag drive nitong si Paul, halatang excited” sabi ni Nico.

“Haha! Bakit ikaw ‘di ka excited? Ha?”

“Konti.” Sabi ni Nico.

“Tara na at pati ako excited na.” sabi ni Kiko.

Umalis na sila at after 20 minutes dumating na sila sa apartment. Pumasok sila at agad hinanap ang ktapat ng apartment nina Gela.

“Dun tayo mga towl” sabi ni Kiko. Pumasok na si Paul at Kiko, naiwan si Nico sa labas at pinagmasdan ang apartment nina Gela.

“Nakasara ang pinto, siguro walang tao.” sabi niya sa sarili.

“Tamang tama lang, at least ‘di nila alam na lilipat kami dito, sigurado magugulat sila pag nakita nila kami.” Naglakad si Nico papunta sa pinto at pumasok. Nilapag niya ang mga dalang gamit sa sahig na naupo sa sofa.

“Tol! Halika dito pili na tayo ng kwarto!” sigaw ni Paul. Dali daling tumayo si Nico at umakyat sa taas.

“Hoy Paul wag mo na papiliin yan, sigurado gusto niya dun sa kwarto na ktapat nung kwarto ni ate Gela” sabi ni Kiko.

“galing mo kiks ah, so if you don’t mind, papasok na ako sa kwarto ko.” Sabi ni Nico at pumasok.

“Grrrr. Gusto ko sana doon pra makita ko si Aya.” Sabi ni Paul.

“Okay lang yan noh, give chance to elders” biro ni Kiko at nagtawanan sila.

“Hoy kiks narinig ko ‘yon!” sigaw ni Nico at
lalo sila nagtawanan.

Matapos ang ilang oras, nakatulog si Kiko at naisipan ni Paul na bumili ng mga dagdag na gamit para sa apartment. Agad umalis si Paul kasama si Nico at nagtungo sa Mall.

Nabili na nila halos lahat ng kailangan nila. Paglabas nila ng mall, nasilayan nila ang paligid at medyo madilim na kaya bumili na din sila ng pagkain para dinner. Matapos bumili ay agad silang sumakay sa kotse para bumalik sa apartment. Si Nico ngayon ang nagmamaneho lumingon siya sa lugar ni Paul. Napansin nyang nakatingin siya sa kanya.

“Oh anung problema tol?”.

“Wala naman. Gusto ko lang malaman kung anong balak mo ngayon at kapitbahay na natin sila Gela” tanong ni Paul.

“Ano pa nga ba? Diba nga isa sa reasons natin kung bakit tayo lumipat dun eh yung mapalapit sa kanila?”

“Sus tol, eh close na kayo remember? Ang ibig ko sabihin eh ano ung next move mo. Andon kana sa close thing. Why not progress sa love thing?” tanong ni Paul sabay tawa.

“Sira, tingnan ko muna ang sitwasyon. At saka heart broken pa siya. Basta dito muna ako for her.” Sabi ni Nico sabay kuha ng phone niya. Tinitingnan niya kung may nagtext nang bigla na lang nag etong nag ring.

“Si Gela yan ano?” tanong ni Paul nang may kakaibang ngiti.

“Oo, araw araw na yata niya ako tinatawagan lately ah.”

“Iba na ibig sabihin nyan. Malapit na siya ma fall sayo! Haha!” Biro ni Paul. Ngumiti din si Nico at sinagot ang phone.

“Gela? Napatawag ka?

“Best? Asan ka? Punta ka dito please.” Sagot ni Gela.

“Eto pauwi na. Bakit anong nangyari?”

“Eh basta I’ll explain everything pagdating mo dito.”

“Oh sige, on my way.” Sabi ni Nico. Inilagay niya ang phone sa bulsa niya sabay nagbitaw ng buntong hininga.

“Tol bakit daw?” tanong ni Paul.

“Ewan ko nga eh. Basta punta na lang daw ako doon.” Sagot ni Nico.

“Yes! This is it. Makikita ko na din ang the love of my life!” Masayang tugon ni Paul. Ngumiti din si Nico sabay binilisan ang pag drive papunta sa apartment.

After 15 minutes nakarating na sila sa apartment. Nakita nyang nakatayo sa may gate si Gela. Halatang hinihintay talaga ang pagdating niya. Matapos ipark ang sasakyan, agad lumabas ang dalawa at nagtungo sa kinatatayuan ni Gela. Agad tumakbo si Gela papunta sa kanila at mukhang kinakabahan.

“Im glad you’re here best. Oh Paul long time no see.” Bati niya. Ngumiti si Paul at kumaway sabay tapik kay Nico. Napatingin lang si Nico kay Paul at ngumiti.

“Oh anong nangyari? Bakit ganyan itsura mo?” tanong niya.

“Best, I really need your help. May mga lalaki kasi diyan sa loob, manliligaw daw. Pinipilit nila sarili nila” Sagot ni Gela.

“Ha? bakit mo naman pinapasok?.” Tanong ni Nico.

“Eh pinapasok nila sarili nila. sige na best. Pinaakyat ko na nga si Aya kasi kinakabahan talaga siya.

“Tara na tol, Gela, ‘di namin mapapangako na ‘di namin sila sasakan. Pag ‘di kami nakapag pigil uupakan namin sila.” Sabi ni Paul.

Naglakad sila papunta sa apartment. Pagpasok sa loob, nakita ni Nico na may tatlong lalaking nakaupo sa may sofa. Mukhang desente naman sila. Napansin niyang wala nga si Aya, pati si Ysa wala, malamang wala siya sa bahay. Tiningnan niyang muli ang tatlo at napansing masama ang titig nila sa kanila ni Paul.

“Wala pa si Ysa?” tanong ng isang lalaki.
“Wala pa eh. Siya nga pala, si Nico boyfriend ko, at si Paul, boyfriend ni Aya.” Sabi ni Gela.

Nanlaki ang mga mata ng mga lalaking nakaupo. Pati si Nico at Paul nagulat. Hindi lang sila nagpahalata.

“Babe, Paul, sina Marion, George at Ian.” Pagpapakilala ni Gela.

“Boyfriend mo ba talaga yan?” Tanong ni Marion.

“Oo pare boyfriend niya ako, bakit may problema ba?” Tanong ni Nico.

“Talaga? Baka naman kung saan saan mo lang pinulot yang dalawang yan para paalisin kami ha?” tanong ni Marion kay Gela.

“Diretsyohin mo na kami pare, gusto mo ba na patunayan ko pa na girlfriend ko si Gela?” tanong ni Nico.

“Oo, kung kayo talaga patunayan niyo. Alam ko iniiwasan ako nyang si Gela. At wala naman siyang nabanggit na may boyfriend siya!”

“Bakit sino ka ba? kailangan ba sabihin ni Gela lahat ng ginagawa niya sayo? Pero sige pagbibigyan kita.” Sabi ni Nico,

Bigla lumapit si Paul at tinaas ang sleeves para ipakita ang malaking braso niya.

“Bakit pa tol? Wag na, kaya naman natin silang upakan palabas dito eh. ‘di mo na kailangang gawin yan.” Sabi ni Paul.
“Aangas nyo ah, tandaan niyo dalawa lang kayo.” Sabi ni George.

“Ha? eh kahit ako lang magisa kaya ko kayong tatlo eh. tara sa labas!” Hamon ni Paul.

“Wait, ayoko ng gulo okay? Hay, mga lalaki talaga.” sabi ni Gela at humarap kay Marion.
“Marion, kung ba mapapatunayan ko na BF ko si Nico aalis na kayo?” Tanong ni Gela.

“Sure. basta ung convincing.” Sabi ni Marion.
Lumapit si Gela kay Nico.

“Babe, kiss me.” sabi ni Gela.

“What? pero-.”

“Now!” sabat ni Gela. Walang nagawa si Nico. Lumapit pa siya kay Gela at hinawakan ito sa batok. Unti unti niyang nilalapit ang mukha niya kay Gela. Bigla na lang idinikit ni Gela ang mga labi niya kay Nico. Nagulat siya at naramdaman niyang nanginginig ang mga labi ni Gela. Lalo pa siyang nagulat ng lalo pang idiniin ni Gela ang mga labi niya kay Nico at ginalaw ito. Matapos ang ilang Segundo ay kumalas na si Gela. Maging si Paul ay nagulat din sa nangyari.

“Oh, Happy?” tanong ni Gela. Bakas ang pagkadismaya sa pagmumukha ni Marion. ‘di din siya makapagsalita.

“Oh alis na, oh baka naman gusto niyo ako pa magpaalis sa inyo?” sabi ni Paul. Tumayo ang tatlo at si Marion naman ay tumitig nang masama kay Nico. Tulala pa rin si Nico at ‘di mapalagay. Natauhan na lang siya ng bigla siyang binagga ni Marion habang papalabas ito. Agad niyang hinablot ang damit nito, nilapit ito sa kanya, sabay tulak ng malakas sa may pinto. Sa sobrang lakas ng pagkatulak kay Marion ay diretso ito sa may pinto at lagapak sa sahig. Agad naman nagpunta ang mga kasama niya para alalayan siya.

“Pipiliin mo babanggain mo.” sabi ni Nico. Kalmado lang nag pagkasabi niya.

“Gago ka ‘di pa ko tapos. ‘di ko titigilan si Gela. Mapapasakin din yan!” sabi ni Marion.

“Umalis na kayo at baka ‘di ako makapagpigil!” sigaw ni Paul. Umalis na ang tatlo ngunit masama pa rin ang tingin ni Marion kina Gela at Nico. Napatingin lang si Paul sa dalawang kaibigan. Napansin niyang parehong ‘di mapalagay ang dalawa.

“Nice acting, galing niyo pati ako nagulat.” biro ni Paul para maibsan ang tension.

“Gela, magusap tayo sa labas.” sabi ni Nico. Hinila niya ang kamay ni Gela at lumabas ng bahay. Naiwan si Paul sa loob. Agad naupo si Paul sa sofa. Halatang balisa siya at ‘di mapakali. Alam niyang nasa taas lang si Aya. Gusto nyang Makita sa Aya na parang hindi. Ilang sandali pa ay naisipan nyang magbanyo. Umakyat siya sa 2nd floor at pumunta sa C.R. malapit sa kwarto ni Gela. Sa sobrang kaba ay ‘di niya narinig na may tao sa loob. Agad niyang binuksan ang pinto at nagulat siya sa nakita niya; si Aya!

Nagulat din si Aya at agad nagtapis ng towel. Buti na lang at may kurtina sa may shower area kaya ‘di naman aninag ang katawan ni Aya.

“Sorry! Sorry talaga!” sabi ni Paul sabay sara ng pinto.
Namumula siya at ‘di makagalaw sa kinakatayuan. Samantalang si Aya naman ay nakatingin pa rin sa pinto, namumula din. Nang mahimasmasan, nagpatuloy siya sa paliligo.

Dahan dahang bumaba si Paul sa hagdan, balisa pa din at ‘di makapaniwala sa nakita at nagawa niya. Umupo siya sa sofa at tiningnan si Nico kung tapos na sila.

“Naku ano bang nagawa ko, ang tanga tanga ko talaga.” Sabi ni Paul sa sarili.

Ilang sandali lang ay narinig nyang nagbukas ang banyo. Hindi niya tiningnan si Aya na lumabas dahil sa hiya at kunwari ay nanonood siya ng T.V. Bago pumasok sa kwarto si Aya. Pasimpleng sumulyap si Paul. Tumingin si Aya sa baba at pasimple nanamang inalis ni Paul ang kanyang tingin. Namumula pa rin si Paul nang marinig nyang sumara na ang pinto sa kwarto ni Aya. Balisa pa rin si Paul.

Samantala sa labas, habang nangyayari sa loob ng bahay ang kabalastugan ni Paul ay naguusap naman sina Nico at Gela.
‘di makatingin si Nico sa mga mata ni Gela.

“Best? I’m sorry.” sabi ni Gela.

“Gela sino ung mga ‘yon? Meron ka bang ‘di sinasabi sa akin? ‘di naman nila pagpipilitan ung mga sarili nila ng ganon kung wala kang ginawa.”

“I’m sorry. ‘di ko alam. Nakikita ko lang sila sa bar tapos isang araw nilibre nila ako ng drinks. Dun kami nagkakilala. Magmula nun palagi na niya ako nililibre dun sa bar. Pero ‘di ko talaga alam na may gusto silang kapalit.” Sabi ni Gela.

“You don’t know?! Gela naman! What do you expect? Mga lalaki sila! Natural may ibang ineexpect ‘yon. Napaka tanga mo!, Hay! Be wiser next time! Babae ka pa naman!”

Bigla na lang tumulo ang luha ni Gela at napaiyak siya. Na guilty naman si Nico dahil medyo masakit nga naman ung mga sinabi niya.
Lumapit siya kay Gela at niyakap ito.

“Hay nako, Iyakin talga best friend ko. Tama na, I’m sorry, ‘di ko sinasadya, nabigla lang ako. Don’t worry ‘di ka na niya guguluhin, nandito na ako.” sabi ni Nico. Tumingin si Gela sa kanya at napangiti.

“Talaga? babantayan mo ako?” tanong ni Gela habang pinupunasan ang luha niya.
“Palagi naman kitang binabantayan eh. Ikaw talaga.” sabi ni Nico sabay pisil sa ilong ni Gela.
Masayang masaya si Gela sa sinabi ni Nico. Gumaan ang loob niya. Maswerte talaga siya sa best friend niya.
.
Sa loob ng apartment ay balisa pa rin si Paul. Nakita na lang niyang pumasok na sina Nico at Gela.

“Uy Paul, okay ka lang? ‘di ka yata mapakali?” tanong ni Gela.

“Ah, wala. Iniwan niyo kasi ako dito eh.” Sagot ni Paul.

“Ano ka bata? ang tapang tapang mo kanina tapos kinakabahan ka dahil lang naiwan kang magisa dito? Wag kang maniwala diyan Gela. Kinakabahan yan kay Aya.” Biro ni Nico.

“Kay Aya? Bakit? tanong ni Gela.

“Crush niya si Aya.” sabi ni Nico at napangiti si Gela. Nagulat naman si Paul.

“Uyyy… wag kang magalala lalakad kita kay Aya” sabi ni Gela sabay tawa. Tumayo na lang si Paul at napangiti din. Sinabi niya kay Nico oras na para umalis pagkat gabi na at lumabas silang tatlo ng bahay. Habang palabas ay binatukan ni Paul si Nico. Napangiti lang si Gela.

Bago pa sila nakalabas ay sumilip si Aya sa pintuan. Napangiti siya at naglakad papuntang terrace.

Sa labas naman, naglalakad ang tatlo nang bigla na lang lumabas si Kiko sa apartment nila.

“Hoy Kuya Nick san kayo galing ha!? Bat ‘di niyo ko ginising!?” galit na tanong ni Kiko.

“Eh ang himbing ng tulog mo kanina eh, wag kang magalala may dala kaming pagkain, nasa sasakyan.” Sabi ni Nico. Dali daling tumakbo palabas si Kiko para kunin ang pagkain. Lumingon siya kay Gela at nakita nyang nagulat ito at nagtataka.

“Best anung ginagawa ni Kiko dyan?” nagtatakang tanong ni Gela.

“Ah, eh, pasensiya na ‘di kita nasabihan, lumipat na kaming tatlo diyan sa apartment na yan. Mas malapit kasi sa school eh.” Pangiting sagot ni Nico.

“Wow! Eh ‘di magkapitbahay na tayo?”

“Oo, ‘di ka ba galit?”

“Ano ka ba naman best? Bakit ako magagalit eh kapitbahay ko na Best ko? Tapos siguradong mababantayan mo na ako. Si paul din mababantayan niya si Aya kay George. hihi!” masayang sagot ni Gela.

“Oh siya, Gela gabi na pasok na kami nitong bestfriend mo ha.” Sabi ni Paul sabay tinulungan si Kiko dalhin ang pinamili nila. Ilang sandali pa ay may babaeng pumasok sa gate, napatingin doon si Kiko, napatungaga siya habang sinusundan ng tingin ang bagong dating.

“Oh Ysa bakit ngayon ka lang? at ang dami mo naman yatang binili?” tanong ni Gela.

“Eh kasi ate mag ba-bake ako mamaya eh. Tapos traffic pa, hay nako!” padabog na sabi ni Ysa habang naglalakad. Bumalik na sa katinuan si Kiko at agad pinasa ang mga dala kay Paul.

“Ano yan kiks?!” pasigaw na tanong ni Paul. Hindi siya pinansin ni Kiko at dali daling nagtungo kya Ysa. Napangiti nalang si Nico at sinenyasan si Paul na ipasok na lang ang mga dala.

“Ah, Ysa? Ysa right? mabigat yata yang mga dala mo, tara tulungan kitang magbuhat.” sabay abot ng kamay kay Ysa.

“Ok, ikaw si Francis diba? ung cousin ni ate Gela? bait mo pala, hindi tulad ng iba dyan!” sabay tingin ng masama kay Nico. Napangiti lang si Nico at tumawa naman si Gela. Pumasok si Kiko at Ysa sa bahay at ibinaba nila ang dala sa may kusina.

“Thanks, hayaan mo bibigyan kita ng mga iba-bake ko.”

“Ah, wala yun, hehe” sabi ni Kiko na medyo namumula. “Ah, Franz na lang tawag mo saken.”

“Franz? eh ‘di ba Kiko tawag sayo nina Kuya Nico? Yun na lang mas cute pakinggan. Ok lang?”
“Ah, sure. Basta ikaw. Oh sige una na ko.”

“Ok, thank you ulit” sabi ni Ysa at inayos na ang mga pinamili. Lumabas si Kiko sa bahay nang nakangiti, kahit na ayaw sana nyang magpatawag ng Kiko kay Ysa, ayos na rin dahil cute naman daw ito. Paglabas ni Kiko ay agad siyang sinungaban ni Paul.

“Walang hiya ka ginawa mo akong yayo! tapos nakadiskarte kapa! plus 3 points ako minus 10 points kay-!” Sabi niya habang iniipit sa mga braso ang ulo ni Kiko. Hindi na tinuloy ni Paul ang sinabi.

“Kanino kay Aya?!” sumbat ni Kiko at lalong hinigpitan ni Paul ang braso niya. Tawa lang ng tawa si Gela at Nico. Hindi nila alam ay tahimik na nakikinig si Aya sa terrace.

“Anong sinabi mo ha? bawiin mo sinabi mo!” Sabi ni Paul habang niwre-wrestling ang ulo ni Kiko.

“Aray tol ‘di kana mabiro oh, aray! joke lang!” sabi ni Kiko habang pilit na nagpupumiglas.

“Aray ko ha? masakit ba? eto masakit?” lalong hinigpitan ni Paul ang braso kay Kiko. habang pinaglalaruan niya ang ulo ng kaibigan, napatingin siya sa taas at nagulat siya ng makita niya si Aya na nanood sa kalokohan nila. Agad niyang binitawan si Kiko at tumalikod. Si Aya naman ay pasimpleng tumingin sa malayo, halatang nahihiya pa rin dahil sa nangyari kanina.
“Oh ba’t ka tumigil ha? tara laban!” naghahamong sabi ni Kiko ngunit nakaporma ang mga paa at halatang tatakbo sa susunod na lumapit si Paul. Ngunit walang kibo si Paul at nakatalikod lang.

“Hoy kiks tama na yan, pasok na tayo. Magmo-movie marathon pa tayo diba?” sabi ni Nico at agad tumakbo si Kiko papasok sa apartment.

“Sige pasok na ko” sabi ni Nico.

“Sige, see you tomorrow best!” hahalikan sana ni Gela si Nico sa pisngi pero bigla nalang niya naalala ang nangyari kanina. Namula siya at tinapik na lang si Nico sa balikat, sabay tumakbo papasok sa bahay nila. Pagdating sa may pinto kumaway siya kay Nico, at ganon din naman si Nico kay Gela. Pumasok na si Nico habang sumusonod sa likod niya si Paul at parang naninigas sa paglalakad. Bago pumasok, lilingunin sana ni Paul si Aya pero napatigil siya. Nakatayo lang doon si Paul habang pinagmamasdan siya ni Aya mula sa terrace. Nagtanka nanamang lumingon si Paul at biglang nagpasimpleng tumingin sa malayo si Aya. Napansin nyang hindi tinuloy ni Paul ang paglingon at pumasok na sa loob. Pinagmasdan niyang sinara ni Nico ang pinto at pinatay ang ilaw sa labas. Napatingin si Aya sa sa buwan; nakangiti. Kakaibang ngiti na mahirap ipaliwanag. 

No comments: