A Wonderful Life
By: Nico Laurence And Paul
Chapter 3
“Now na! Asan ung Brownies? Kunin mo na dali!”
“Etablish Rapport! – part one”
Six am Sunday morning at unang nagising si Paul sa dalawa. Dahil sa nangyari kagabi ay ‘di na nakisali si Paul sa panonood ng rented movies galing sa Bidyo Sitie. At sa panonood ng tatlong palabas ay 4 a.m. na nakatulog ang dalawa. Nagtungo si Paul sa Terrace para magpahangin at nagulat siya sa nakita; nakatayo sa kabilang terrace si Aya habang nagiinat ng katawan. Nagulat din si Aya at agad nag inayos ang tayo at ngumiti. Naglakad si Paul papalapit sa rails ng Terrace habang nag streching at nang makarating sa dulo ay humawak siya sa rails at ngumiti kay Aya.
“Good Morning” sabi ni Aya.
“Uh, Good Morning din. Aga mo yata?” tanong ni Paul habang lalong isinandal ang mga kamay sa rails ng terrace.
“Maaga talaga akong nagigising, ako kasi naglilinis ng bahay pag umaga eh, eh ikaw bakit ang aga mo?” nakangiting tanong ni Aya.
“Ah kasi magsisimba ako eh. Uhm, Aya, sorry sa kagabi ah, ‘di ko naman sinasadya.”
“Ah okay lang ‘yon. Kasalanan ko din naman kasi ni ko ni-lock ung door. Isa pa, Wala ka namang nakita ‘di ba?” Tanong ni Aya. At napailing lang si Paul.
“Teka ikaw lang ba magsisimba? Sila Nico?” Dagdag ng dalaga.
“Ah tulog pa, madaling araw na kasi sila natulog eh, kaya ako na lang magsisimba, sama ka?” nagaalinlangang tanong ni Paul.
“Ah, gusto ko sana kaya lang maglilinis pa ako eh, tapos magluluto pa ko.” Sabi ni Aya. Halatang medyo nahihirapan si Aya sa pakikipagusap kay Paul dahil nasa balcony sila ng magkabilang bahay. ‘di naman ito kalayuan pero sadyang mahinhin lang talaga si Aya. Napansin naman ‘yon ni Paul at nagpaalam na siya para kumain muna ng almusal.
“Gusto mo ng bread?” mahinang tanong ni Aya.
“Ah? sorry ‘di ko narinig masiyado.”
“Bread. Tinapay, gusto mo?” medyo nilakasan ni Aya ang boses niya.
“Tinapay? gawa ba ni Ysa?” tanong ni Paul. Napangiti lang si Aya.
“Okay lang. Basta masarap.” sabi ni Paul.
“Masarap ‘yon noh, sige kuha lang ako. Wait ha” daling pumasok sa pinto si Aya para kumuha ng tinapay. Si Paul naman ay huminga ng malalim at napangiti. Parang nabawasan ang bigat sa kanyang dibdib. Ilang sandali pa ay lumabas na si Aya sa terrace at may dalang supot.
Sumenyas siya na ihahagis niya ang supot, nakuha naman ‘yon ni Paul at agad inilabas ang dalawang kaway. Hinagis ni Aya ang tinapay. Napatingin lang si Paul sa mga ngiti ni Aya at dahil dito ay muntik na nyang hindi masalo ang supot. Agad nagbuntong hininga si Paul.
“Phew! muntik na.” sabi ni Paul. Tumawa lang si Aya at napatingin kay Paul.
“Sige eat ka na” sabi ni Aya ng pangiti.
“Ok, kaw din.” sabi ni Paul. Pareho na silang tumalikod at nagtungo sa pinto. nang buksan na ni Paul ang pinto napahinto siya ng marinig nyang pumaswit si Aya.
“Siya nga pala, akong gumawa nyan hindi si Ysa” sabi ni Aya sabay sara ng pinto sa terrace. Napangiti lang si Paul at pumasok sa loob. Masayang Masaya siya at agad binuksan ang supot at tinikman ang isang tinapay habang bumababa sa hagdan.
“Sarap, galing pala talaga magluto ni Aya.” sabi niya sa sarili.
Agad siyang nagtungo sa kusina at nagtimpla ng Maylow. Pagkatapos mag timpla ay binuksan niya ang T.V. at nanood habang nilalasap ang tinapay na ibinigay ni Aya.
Sa kabilang bahay naman at agad naghanda si Aya para magasaing. Masaya siya at nakausap na niya si Paul pero may iba pang bagay na nasa isip niya. Iniisip niya si Nico. Gusto niyang Makita si Nico at makausap ito. Lingid sa kaalaman ng lahat ay matagal nang may gusto si Aya kay Nico. Alam din niya na may feelings si Nico para kay Gela. Kahit ‘di sabihin ay nararamdaman niya ito. matapos mag saing ay napaupo siya sa sofa at may hawak na baso ng gatas. napatingin siya sa kabilang bahay. Matagal na niyang gusto na ipagluto si Nico ng pagkain. Kaya naisip nyang magluto ng madami para sa tanghalian para lamang may maibigay sa kabilang bahay, lalo na para kay Nico. Nakaupo lang siya at nagiisip, nagiisip kung ano ang ilulutong ulam para sa tanghalian. Matapos ang ilang minuto ay napatayo siya sa kinauupuan at nagumpisa nang maglinis ng bahay. Nakangiti ito at halatang nakaisip na ng lulutuin.
Samantala si Paul naman ay natapos na sa pagkain. Halatang nasarapan dahil naubos niya ang limang piraso ng tinapay at wala nang tinira para sa mga kaibigan. Iniligpit niya ang pinagkainan niya at agad umakyat para maghanda na sa pagsimba. Pagkatapos maligo at magbihis at bumaba na ito lumabas ng bahay. Nakita niya si Aya na nagwawalis sa harap ng apartment nila. Lumingot ito at ngumiti.
“Hi. Alis kana?”
“Di ba halata?” pabirong sabi ni Paul sa sarili.
“Ah oo alis na ko. Sige una nako ah. Bye.”
“Okay bye. Ingat.” sabi ni Aya at nagpatuloy na siya sa pagwawalis. Naglakad din si Paul papuntang gate. paglabas niya ay napalingon siya kay Aya habang nagwawalis ito. Sa sobrang mangha niya kay Aya ay sumabit ang paa nita sa may sidewalk at muntik nang matumba. Napabagsak ang paa niya at napalingon si Aya dahil sa ingay. ‘di lumingon si Paul sa hiya at si Aya naman ay napangiti lang.
Pagsakay sa kotse ay napasandal si Paul sa upuan. nagiisip siya ng bibilhin mamaya para ibigay kay Aya. Parang token of appreciation para dun sa masarap na tinapay. Matapos ang ilang segundo ay napangiti lang si Paul sabay start ng kotse.
Habang papunta si Paul sa simbahan ay nag ring ang phone niya. Agad niyang kinuha ang phone sa kanyang bulsa at sinagot ito.
“Hello? ………………. Oh Chics napatawag ka, bakit? ……………….. Talaga? …………….. Sinabi mo na ba sa Kuya mo?................. Oh sige sige, sunduin kita pagkatapos kong mag simba, andyan kaba sa bahay niyo? …………………….. Oh sige kitakits mamaya………………… cge bye.” Binaba ni Paul ang phone at tumuloy na papuntang simbahan.
Samatala, sa apartment ay kagigising pa lamang ni Nico. Tumayo siya at nagtoothbrush pagkatapos ay nag hilamos. Nang matapos ay bumaba ito habang nagkakamot ng ulo at agad nagluto ng Lackee Mii Pansit Canton. Habang hinihintay kumulo at lumabas ang binata sandali para magpahangin. Sumilip siya sa labas at napansing wala ang kotse ni Paul kaya naisip niyang nagsimba ito. Umupo siya sa bench at nagpasipol sipol habang tinititigan ang kwarto ni Gela.
“Gising na kaya yun?” tanong niya sa sarili.
“Asa pa ko eh mantika matulog ‘yon.” sabi niya sa sarili at napangiti. Humiga siya sa bench at pumikit sandali.
Sa kabilang bahay naman ay naghahanda na si Aya nag almusal ng mapatingin siya sa labas. Natigilan siya ng makitang nakahiga si Nico sa labas. Gustong gusto niyang lumabas at kausapin ito ngunit hindi niya kaya. Nahihiya siya. Matapos ang ilang sandali ay napabaling siyang muli sa niluluto niya habang nagiisip kung lalabas ba siya, at kung ano namang iisipin niyang dahilan sa paglabas. Naisip na lang niya na kuwari ay bubuksan na niya ang pinto sa sala pagkat umaga sabay babatiin niya si Nico. Pero ng napalingon siya ulit sa kinaroroonan ni Nico ay wala na ito. Napatingin na lamang siya ulit sa niluluto, malungkot dahil ‘di man lang niya nakausap ang lalaking gusto niya.
Pumasok si Nico sa bahay at dali daling tiningnan ang niluluto.
“Shet kumukulo na!” sabi niya sa sarili. Ayaw kasi niyang kumakain ng overcooked na pancit kanton. Ung tipong sobrang lambot ay madudurog ito kapag pinisili mo gamit ang dila mo. Pinatay niya ang stove at agad kumuha ng pot holder para itapon ang lamang tubig ng kaserola, sabay sala nito gamit ang salaan. Nang matapos na ang lahat lahat ay nagtimpla siya Maylow at tinakpan ang niluto para kay Kiko at nagtungo sa sala. Binuksan niya ang T.V. at napalingon siya sa bintana. Tumingin siya sa kwarto ni Gela at nagulat siya ng makita ang pinsan na nakadungaw sa bintana at nakatingin din sa direksyon niya. Nakaupo siya sa may bintana kaya sigurado siyang nakikita siya ni Gela. Kumaway siya at nakita niyang kumaway din si Gela.
“Good morning.” Bigkas ni Gela.
“Morning din.” Ganti naman ni Nico.
Nagpalit ng damit ang dalaga at pagkatapos mag ayos ay bumaba ito at nakita niyang nanunood si Aya ng T.V. habang kumakain.
“Morning” sabi ni Gela sabay hikab.
“Morning din. Kain na.” Sabi ni Gela. Nagtungo si Gela sa kusina at agad kumuha ng pagkain. Pagkatapos ay nagtimpla into ng Halasca milk at nagpunta sa sala at umupo sa tabi ni Aya. Unang subo pa lang ni Gela ay nagbago na agad ang antok na antok na mukha nito. Napalitan ng pagkagalak dahil sa sarap ng kinakain.
“Wow friend sarap naman ng adobo mo!” sabi ni Gela habang ngumunguya pa.
“Ano ka ba naman friend ‘di ka na nasanay.” sabi ni Aya.
“Ay ngayon ko lang kasi natikman tong ganitong luto ng adobo mo. Sarap ng sabaw eh manamis-namis. Favorite ko na din yata to.” sabi ni Gela. Alam ni Aya na paborito ni Nico ‘yon pero pasimple pa itong nagtanong.
“Din? bakit sino pa ba may gusto nyan?”
“Ay nako friend, si Nico. wag na wag mo papa-amoy man lang sa kanya to kundi mauubos yan for sure.” sabi ni Gela habang natatawa.
“Talaga? bigyan natin sila friend.”
“Ha? Wag na wala tayong kakainin. Masiba ‘yon si Best pag ito ung ulam. Sige ka mauubos to.”
“Ok lang noh friend. Madami talaga akong niluto kasi plano ko talagang bigyan sila. Kasi new neighbors eh. At saka baka walang marunong magluto sa kanila.”
“Ganon? I have an idea, Salo-salo tayo lahat later, invite natin sila dito or better kung doon na lang tayo kakain.” sabi ni Gela.
“Ha? wag na bigyan na lang natin sila.”
“Ano ka ba friend? ayaw mo ‘yon makikilala mo sila? pansin ko kahit matagal mo na nakikita si Nico eh nahihiya ka pa din sa kanya eh. Ung Cousin ko si Kiko madali lang pakisamahan ‘yon. At saka para makilala mo din si Paul.” sabi ni Gela habang sinisiko si Aya.
“Nagusap na kami noh, kaninang umaga. Binigyan ko nga ng tinapay eh.”
“Talaga? ano nangyari?” Tanong ni Gela, halatang interesado sa sasabihin ni Aya.
“Wala naman, yun, nagusap lang kami. Tapos nagsor-, tapos umalis siya para magsimba” muntik nang madulas si Aya. ‘di kasi niya sinabi na aksidenteng pumasok si Paul sa banyo habang naliligo siya.
“Talaga? It’s a start” sabi ni Gela habang may kakaibang tingin at ngiti kay Aya.
“Ano ka ba friend wala sa isip ko yang iniisip mo noh”
“Bakit naman eh your old enough na. Sayang naman ang galing mo sa pagluluto kung wala kang pakakaining guy.” biro ni Gela.
“Kumain ka na nga lang diyan” Sabi ni Aya tapos tumayo na ito para hugasan ang pinagkainan.
Napatingin lang si Gela sa kabilang bahay habang kumakain. Nakita niya si Nico na kumakain habang nanonood ng T.V. Pinagmasdan lang niya ito at ngumiti dahil subo ng subo ang kanyang pinsan.
“Ay nako best lalo ka pang mapapasubo mamaya” Sabi ni Gela sa sarili. Tumayo siya at lumipat sa Dining Table para makipagusap kay Aya.
Pagsapit ng 11 am ay tinext ni Gela si Nico para sabihin na doon sila kakain at sila na ang bahala sa pagkain at sila Nico naman sa drinks. Sa harap naman ng bahay nina Gela ay nakaupo si Ysa at nagmumuni-muni. makalipas ang ilang sandali ay may kotse na dumating.
“Si kuya Paul” sabi niya sa sarili. Ngunit ng bumaba na si Paul ay nagulat siya ng makitang may kasama itong lalaki. Namula siya pagkat napakagwapo ng binata. Misteryoso ang dating. Naglakad sila papasok nang mapansin ni Paul si Ysa.
“Oh Ysa, anong ginagawa mu diyan?” tanong ni Paul. ‘di nakasagot si Ysa. Para siyang matutunaw pagka’t alam niyang tinititigan siya ng binatang kasama ni Paul.
“Ay siya nga pala, Si Christian, Kapatid ni Nico. Lilipat na siya dito.”Sabi ni Paul. Napangiti lang si Ysa at tumango. Pulang pula ito kaya niyuko niya ang ulo niya para ‘di siya mahalata.
“I’m Vanessa.” Mahinang sagot niya.
“Sige pasok na kami, mamaya na lang” Sagot ni Paul at pumasok na sila kasama ang binata.
“Ang gwapo pala ng kapatid ni Kuya Nico.” sabi niya sa sarili. “Kung liligawan ni Kuya Nico si Ate Aya, magiging bagay na kami.” sabay tili ng mahina. Napansin niyang parang ginagawa nyang ewan ang sarili niya kaya agad siyang pumasok ng bahay para na rin ibalita ang paglipat ng Kapatid ni Nico.
Chapter 3
“Establish Rapport! – part two”
Mag tatanghali na at naghahanda ang parehong campo sa salo-salong magaganap. May dala si Paul na dalawang box ng Petsa Hat at bumili naman sina Nico ng dalawang 1.5 liters ng Koka Loka. Nagpunta na sina Gela sa bahay nina Nico para doon kumain. Dala dala ni Aya ang isang maliit na kaserola na may ulam. Tinulungan ni sila ni Nico na dalhin ang kanin. Nang handa na ang lahat ay tinawag na ni Nico ang iba pang kasama sa taas ng bahay.
Nagsibabaan na ang dalawa na nasa taas para kumain. Muli nanamang nasilayan ni Ysa si Chics. Namula siya at ang kaninang excited at maingay na si Ysa ay bigla nalang naging mahiyain at tahimik.
“Wow kuya Nick anong meron?” tanong ni Kiko.
“Ah wala naman. Konting kasiyahan lang. Ewan ko ba sila ng nakaisip nito eh.” Sabay tingin ni Nico sa mga babae.
“Aba siyempre best para Masaya tayo. Nung wala pa kayo wala naman kami mga kakilala sa mga kapitbahay. Meron gusto makipagkilala puro naman mga manyak. Ayaw niyo ba na maging close tayo lahat? Hihi.” Bungisngis ni Gela.
“Aba eh sino yang mga manyak nay an? Tell me! We will obliterate them!”
“Tol wag na. Wala na din naman mgagawa ung mga ‘yon eh andito na tayo eh. Subukan nila lumapit dito at paparape ko sila kay Kiko! Haha!” sabat naman ni Paul. Tawa naman ng tawa ung mga babae. Lumapit si Nico kay Paul at siniko ito.
“Ano ka ba tol? Alam mo naman na andito si Aya diba? Be nice!”
“Sorry tol ‘di ko kasi mapigilan magpatawa eh. Hindi ko din mapigilan ilugmok ang dignidad ni Kiko”
“Haha. Joke lang. Tingnan mo oh napatawa mo siya. Kahit na medyo mahiyain siya napatawa mo siya ng todo. Good work!” sabay siko ulit sa tagiliran ni Paul.
“Ay siya nga pala, Ahm Aya, Ysa, pakilala ko lang kapatid ko si Christian. Chics for short.” Sabi ni Nico habang akbay si Chics.
“Kuya naman, Christian na lang.” sagot ng binata.
“Chics!!” sabat ng mga lalaki kasama si Gela.
“Oh sige na may magagawa pa ba ako!” ani Chics at tawa sila ng tawa. Lalo naman namula si Ysa at natahimik.
“Hi Chics. Im Aya. Classmate ni Gela. And this is my sis Ysa” sabay hawak sa balikat ni Ysa.
“Hi ate Aya, Hi Ysa, nagkakilala na tayo kanina diba? Nice meeting you.” Sagot ni Chics sabay tingin kay Paul at nakangisi. Alam na kasi ng buong grupo na may gusto si Paul kay Aya.
“Oh tara na kain na tayo! Gutom na ko!” sigaw ni Gela.
“Katakawan.” Bulong ni Nico.
“Anong binubulong mo dyan ha best?” tanong ni Gela habang nakataingin ng masama kay Nico.
“Ah wala, sabi tara na at gutom na din ako” palusot naman ni Nico.
“Hihi. Ok. Lets eat!”
Masiyang silang nagsalo salo. Si Nico kahit sinabing matakaw si Gela ay napakasiba naman kumain dahil nga paborito niya ang ulam. ‘di man lang niya pinansin ang pizza. Si Gela naman ay napakatakaw din pagkat hindi lang ung ulam ang kinain, pati ung pizza ay pinatos din niya. Si Paul ay malakas din kumain at gusto niya ipakita kay Aya kung gaano siya nasasarapan sa luto nito. Pinangkuha niya pa nga ng Ulam si Aya pagkat medyo malayo ito. Si Aya naman habang kumakain ay pasimpleng tumitingin kay Nico habang kumakain ito. Natatawa naman siya dahil halatang nagustuhan talaga nito ang kanyang hinanda. Si Ysa naman, kahit napakatakaw ay kunyaring pahinhin effect sa pagkain. Dahan dahan siyang kumakain at binabantayan ang bawat galaw para walang masabi si Chics tungkol sa kanya. Ang dalawang binatilyo naman ay pinapak ang pizza. Kumuha lang sila ng konting ulam pero walang kanin at binanatan na ang pizza. Sa sobrang bagal kumain ni Ysa ay nawalan siya ng gana at sinabig busog na siya. Laking gulat naman ng mga ate niya dahil sa pagkakakilala nila dito ay kaya niyang umubos ng isang kaldero.
Halos isang oras na ang lumipas bago sila matapos kumain. Iniligpit ni Paul at Aya ang mga pinagkainan at dinala sa kabilang bahay para hugasan. Sina Ysa, Chics at Kiko ay nanonood ng T.V. sa sala habang si Nico at Gela naman ay hinugasan ang natirang mga pinagkainan sa kusina habang naguusap.
“Best?” tanong ni Gela
“What?”
“Uhm, kumusta naman ang unang araw niyo dito?”
“Ah okay naman. Masaya ang first day”
“Talaga? Sabi sayo masaya magsalosalo. We should do this more often.”
“Oo naman masaya. Pero may iba pang dahilan kung bakit ako masaya.”
“Really? Ano naman?”
“SE-CRET. Haha!”
“Iiiyh! Nakakainis ka! Youre keeping secrets from me na ah!” naiiritang sagot ni Gela sabay wisik ng tubig sa mukha ni Nico. Gumanti naman si Nico at nagbasaan ang dalawa hanging sila ay basang basa na. Pati ang sahig ay nabasa kaya si Gela na lang ang nagpatuloy sa paghuhugas habang si Nico ang nagpunas ng sahig.
“Beh!” Pangiinis ni Gela kay Nico. Ganon din ang ginawa ni Nico kay Gela at pinisikan ulit siya ng tubig.
“Ah, Ayoko na! I surrender! Tingnan mo oh naligo na tayo! Mabuti pa umiwi ka muna at magbihis, ako na muna diyan. Baka magkasakit ka.”
“Hay nako ginawa mo naman akong bata! I can take care of my self okay!”
“Then start by drying your self up. Ikaw talaga pag nagkasakit ka bahala ka ikaw din.”
“Ok lang ‘yon ano nandiyan ka naman eh. Aalagaan mo ko diba? Hihi.”
“Ha? Bakit ako andami mo naman mga kasama sa bahay? Hay bahala ka nga kung ayaw mo magbihis eh ‘di wag.”
“Kaw naman nagbibiro lang. Tingnan mo nga oh mas basa ka pa kaysa sakin. Anyway thanks for the concern. Don’t worry malapit na ako matapos.”
“Okay lang, that’s what friends do.” Mahinang sagot ni Nico. Nakatingin lang sa kanya ang dalaga. Ilang sandali pa ay natauhan ito at nagpatuloy sa kanyang ginagawa.
Samatala sa kabilang bahay naman ay naghuhugas ng plato si Aya at si Paul. Tahimik lang silang naghuhugas. Halatang nahihiya pa rin sa isa’t isa. Binasag ni Aya ang katahimikan.
“Ah, Paul. Kumusta naman kayo doon sa bahay?” tanong ni Aya.
“Kami? Ayun masaya naman. Siyempre magkakasama kaming apat doon sa bahay.”
“Ah, close ba kayong apat?”
“Oo. Alam naming bawat sikreto ng isa’t isa. Tsaka masaya kami pag magkakasama kami. Bakit mo naman natanong?”
“Ah wala naman. Curious lang. So matagal na kayong magkakilala?”
“Yup, magkababata kami. Siguro almost 9 years na din kaming magkakadikit.”
“Ah, I see. Nakakainggit naman kayo. I hope I have friends like you.”
“Bakit si Gela pala? Close naman kayo diba?”
“Oo, kahit 2 years pa lang kami magkakilala. Kaya lang hindi kami pareho in terms sa pagiisip at sa mga bagay na gusto. Tapos siya lang ung only close friend ko. Tapos siya naman maraming friends, tapos si Nico pa.”
“Matagal na sila magkakilala. Magmula pa nung 3 years old sila magkalaro na daw sila.”
“Talaga? Ganon katagal?”
“Oo, naikwento sakin ni Nico ung mga pinagsamahan nila noong araw.”
“Ah.” Halatang medyo dismayado si Aya.
“Bakit? Okay ka lang?” tanong ni Paul.
“Ah okay lang ako. May naalala lang ako. Thanks sa concern”
“Ok lang no, magmula ngayon friend mo na din ako, pati ung tatlo.”
“Ganon? Thanks ha. Wait, di ba sabi mo may mga secrets kayo? Pwede mo na ba ishare ung iba? Friends na tayo diba?”
“Hmmm. Depende sa secret. Bigyan kita ng isa. Si Nico hindi nag susuot ng brief pag nasa bahay, shorts lang.”
“Shocks!” gulat na reaksyon ni Aya.
“Okay lang naman ‘yon noh, para presko. Pero ngayon hindi na siguro. Mukhang maglalabas pasok si Gela sa bahay eh.”
“Ah. Sorry nagulat lang ako. Meron pa ba?”
“Ahm, si Kiko naman takot sa paniki. Hehe. Tapos si Chics naman ay wala nang ibang bukang bibig kundi ung GF niya. Tapos palagi pang nagsasalita habang natutulog.”
“Hihi. Talaga? Ang cute naman. Eh ikaw?
“Ako? Ah, eh, maliban sa fact na ang pangalan ko ay Diyesabel pag gabi? Wala naman akong ibang tinatago. Ako pa!”
“Haha. Ikaw talga nakaktawa ka. Hindi nga no joke.”
“Hmmm. Sige pero huwag mong pasasabi ah?”
“Okay” sagot ni Aya at medyo curious talaga siya.
“Huwag na huwag, hay nako, huwag na huwag mo akong yayayaing manood ng nakakatakot, lalo na pag tayo lang. Kawawa ka.”
“Ha? Bakit naman?”
“Mabibingi ka lang sa kakasigaw ko.” Sagot ni Paul. Napatawa si Aya at pinalo siya sa balikat.
“Ay sorry nabasa ka tuloy. ‘di ko napigilan ikaw kasi eh.”
“Okay lang. Ibig sabihin non friends na talga tayo. Oh na share ko na secret ko. Ikaw may secret ka?”
Namula si Aya, gusto niyang aminin na may gusto siya kay Nico pero ‘di niya masabi. Napansin naman ni Paul na ‘di mapalagay si Aya pagkat halos mabitawan na niya ung hinuhugasan niyang baso.
“Ah, sorry. I crossed the line.”
“No, not at all. Hindi ko lang talaga masabi ang secret ko. Kahit si Gela ‘di niya alam. Don’t worry, pag ready na ko, ikaw una makakaalam. Promise.”
“Okay, masaya ako kasi kahit papaano kasi kahit di mo pa kayang ipagkatiwala ang secret mo, may assurance naman kahit papaano na ako ang unang makakalam. It means na friends na talaga tayo diba?. Thanks.”
“Sure. You know what I’m really happy na lumipat kayo dito.”
“Ganon? Bakit naman?” tanong ni Paul.
“Wala, boring kasi dito eh. Nothing much to do. Hindi naman ako ung social type like Gela, So dito lang ako palagi sa bahay.”
“Talga? You know we should go out. Tayo lahat, tingin ko masaya ‘yon.”
“Ha? Saan naman?”
“Kahit saan, watch movies, or kahit road trip lang. Alam mo masaya iyon, driving and never planning the destination. May dala tayong food tapos pag may nakita tayong magandang place we’ll stop by and eat. Parang outdoor picnic.” Sabi ng binata at nagliwanag ang mukha ni Aya.
“Talaga? Sounds fun. Na try niyo na?”
“Oo. Umalis kami ng hapon tapos naligaw kami. Then may nakita kaming perfect spot, maganda ung place kasi nakikita naming ung city lights. Pero we had no idea kung asan kami non. Tapos nagtanong kami, we were somewhere in nueva ecija.”
“Talaga? I like that, sounds unpredictable.”
“Oo nga, kaya nga masaya eh.”
“Oo nga. Uhm, Paul thank you ah.”
“San?”
“Kasi tinulungan mo ako maghugas. Thanks.”
“No problem. Ikaw naman oh, kumain din naman kami diba? Tatakaw nga naming eh.”
“Hihi. Kaw talaga nakakatawa ka. I’m glad we’re friends.”
“Anytime.” Sagot ni Paul.
Dahil sa paguusap nila ay naging mas malapit sila sa isa’t isa. Masayang masaya si Paul dahil maliban sa nakatulong na siya kay Aya, ay naging mas close pa sila.
Chapter 3
“Etablish Rapport! – part three”
“Hello Paul, may dala ulit akong ulam, sinigang luto ni Aya. Baka daw kasi hindi kayo nakapagluto.” Sabi ni Gela.
Pumasok ang dalaga sa loob ng bahay at tinulungan siya ni Paul dalhin ang ulam sa mesa.
“Thanks. Tamang tama wala nga kaming ulam. Salamat din sa ulam kaninang tanghali. Sobrang sarap!” masayang tugon ni Paul.
“Ah okay lang, oh maghapunan na kayo, tapos na kami kumain sa kabila eh. Si Nico?”
“Ah nasa taas. Akyatin mo na lang.”
“Okay!” Umakyat si Gela sa taas at nagpunta sa pinto ng kwarto ni Nico. Nakinig muna siya sa labas, natawa siya dahil narinig niyang kumakanta ito. Maganda naman ang boses ng best friend niya kaya lang ni minsan ay ‘di pa siya kumanta sa harap ng ibang tao, kahit sa harap ni Gela. Kumatok si Gela at biglang napahinto si Nico.
“Ah, sino yan? Pasok”
Hindi agad pumasok si Gela at nakiramdam. Nagtaka naman si Nico at agad tumayo para buksan ang pinto. Pagbukas niya ay nagulat si Gela.
“Shit!” sigaw ni Gela.
“Oh ikaw pala, ano naman ginagawa mo diyan?”
“Ah wala, akala ko kasi tutuloy mo ung kanta mo eh.”
“Ah, Narinig mo? Ehehe. Sorry ‘di ako marunong eh” nahihiyang sagot ni Nico.
“Di marunong? Ang ganda nga ng boses mo eh! Kalian mo kaya ako kakantahan? Hihi.”
“Pagisipan ko. Haha! Pero sure ka okay lang ah? May stage freight kasi ako eh. Kahit isa lang ung audience.”
“Pahumble effect ka pa. Hay nako. Pasok ako ah?”
“Ikaw bahala, may magagawa pa ba ako?” sabi ni Nico at pumasok si Gela at naghanap ng unan, tapos binato kay Nico.
“Aray, nagbibiro lang naman ang gwapo este, tao eh!”
“Naks kapal ng FES mo ah! Gwapo ka dyan!”
“Bakit totoo naman diba? Don’t deny the obvious.”
“Huh! Oo na gwapo ka na, may magagawa pa ba ako? ‘di na ko kokontra.”
“Good. Buti na enlighten ka na. Napadalaw ka yata?”
“Wala lang, naisip ko lang. Wala din magawa sa bahay eh.”
“Ikaw talaga. Labas pasok ka dito eh puro kami nga lalaki dito. Tama ba naman yun?”
“Ano ka ba? Eh nung bata pa tayo nakikitulog pa nga ako sa kwarto mo eh. At bakit? Mag gagawin ba kayo sakin ha?” pagalit na tanong ni Gela.
“Wala”
“Exactly!” sabat ni Gela.
“Sorry, nagbibiro lang naman ako eh. Ikaw naman nagalit ka agad.”
Di nagsalita si Gela at naupo sa kama habang si Nico naman ay naupos sa may study table. Tumutingin tingin si Gela sa kwarto na parang may hinahanap, pinagmasdan lang siya ni Nico. Halos dalawang minuto ring tahimik sa kwarto nang biglang nagsalita si Gela.
“Best?”
“Hmm?” sagot ni Nico.
“Asan ung picture frame na may mga pictures natin? Iniwan mo yata sa kwarto mo sa bahay niyo?”
“Ah ‘yon? Oo eh. Kawawa naman kasi ung kwarto ko doon halos wala nang laman. Bakit?”
“Naalala mo pa ba ung isang picture doon? Ung may black eye ka?”
“Ah oo, hehe. Pinilit mo akong magpapicture kahit na mukha akong panda. At natural napilitan ako, ikaw ba naman mamilit eh.”
“Naalala mo pa kung san mo nakuha iyon?” tanong ni Gela.
“Kailangan ko pa bang sabihin?” tanong ni Nico at tiningnan siya ng masama ng dalaga.
“Sabi ko nga sasabihin ko pa. Ahm, pano kasi? Mga 2 days yata before yung pic, nagsuntukan kami nung Ex mo. Kasi-“
“Kasi binastos niya ako.” Dugtong ni Gela.
“Alam mo ba? Nung ginawa mo iyon, galit na galit ako sayo, kasi feeling ko masiyado kang pakialamero. I mean, oo bestfriend kita, at cousin din kita, pero feeling ko wala kang right na makialam sa mga relationships ko.”
Napayuko lang si Nico. Hindi niya alam ang sasabihn niya. Tumayo si Gela at umupo sa gilid ng kama malapit sa study table at hinawakan ang kaliwang kamay ni Nico.
“Pero alam mo, narealize ko na mali pala ako. I realized that you we’re only protecting me. That you only want what’s best for me. Alam ko iyon, sa tagal ba naman ng pinagsamahan natin. I was always thinking about my self. Ang dami mo nang sacrifices na ginawa for me. Pero para akong bulag at ‘di ko nakikita ‘yon dati.” Hinawakan din ni Gela ang Kanang kamay ni Nico.
“So alam ko that you will never do anything to hurt me. When I’m with you I feel a sense of security. I feel safe. I feel happy. So masisisi mo ba ako kung gusto kong magpunta dito palagi?”
Namumula na si Nico at ‘di makapagsalita. Ang bilis ng tibok ng puso niya. Sinubukan niyang magsalita pero walang lumalabas.
“So best, I want to thank you for everything. I know na ‘di ko kayang tumbasan ung mga nagawa mo pero if you need my help I’ll be here.”
Napatigil si Nico. Parang naliwanagan ang isip niya. Nakatingin siya kay Gela. Sa mga mata nito. At ganon din si Gela sa kanya. Matapos ang ilang sandaling katahimikan, bigla na lang tumawa si Nico.
“Best? Bakit ka tumatawa?” tanong ni Gela. Napansin niyang may namumuong luha sa mga mata ng pinsan.
“Ah wala, Masaya lang ako. Very very happy.”
“Awh, Best come here.” At niyakap ni Gela si Nico.
Matagal na nagyakapan ang dalawa. Masaya si Nico dahil kahit papaano ay na-appreciate ni Gela ang mga ginagawa niya para sa kanya. Matapos ang ilang sandali ay binasag ng dalaga ang katahimikan.
“You know what, you should start dating.”
Natigilan si Nico. Nagulat siya sa sinabi ni Gela, sa sobrang gulat ay naitulak niya ito palayo.
“What the heck!? Bakit mo naman nasabi yan?” Tanong ni Nico.
“Wala naman masama dun diba? Bakit bakla ka ba? Hmm?” pangiinis na tanong ni Gela.
“Hindi no! busy lang kasi ako kaya wala pa sa isip ko yan.”
“Hay nako best, ang tanda mo na oh. Konti na lang senior citizen ka na. tapos wala ka pang girlfriend. Don’t worry marami akong kakilala. Akong bahala sayo. This time, ako naman ang gagawa ng favor para sayo. So just sit there and let me do the job.”
“But-“
“No buts, im in charge this time. Hahaha(dark laugh)”
“Ikaw naman palagi ang in-charge eh” bulong ni Nico sa sarili.
“Ano may sinasabi ka ba?” tanong ni Gela at nakatingin ng masama sa pinsan.
“Ah, wala, may sinabi ba ako? Wala naman eh.” Depensa naman agad ni Nico.
“Good. Basta akong bahala sayo.” Tumayo si Gela at lumabas ng kwarto habang tumatawa.
“I’ll be damned. Nakakatakot talaga ung babaeng ‘yon.” Bulong niya sa sarili.
“Hay, kung alam mo lang.” dagdag ni Nico.
Sa baba naman ay nanonood ni T.V. si Paul. katabi niya si Kiko at Chichs. Napansin niyang bumaba si Gela mula sa taas.
“Oh Gela alis ka na?” Tanong ni Paul.
“Yup, uwi na ko, naghatid lang ako ng ulam eh. Nakipagdaldalan pa kasi ako kay Nico. Hihi.”
“Okay, ingat.”
“Thanks.” Sagot naman ni Gela.
“Ah, Gela, wait!” Habol ni Paul. “Si Aya?”
“Nasa bahay. Bakit?”
“Ah wala, may bibigay sana ako sa kanya.” Sagot ni Paul.
“Ano? Uuyyy…” pangiinis ni Gela.
“Uy hindi no, kasi binigyan niya ako ng tinapay kaninang umaga, gusto ko lang naman suklian ung binigay niya.” Depensa ni Paul.
“Ano ba yan ha?”
“Ah brownies.”
“Uy favorite niya yan. She’ll love that!”
“Really?” kunwari ay ‘di alam ni Paul. “Pwede pabigay?”
“Okay! Ay teka, kaw na magbigay.”
“Ha? Bakit naman?”
“Siya ung nagbigay sayo nung bread diba? Dapat ikaw din personally magbigay nyan. Hihi! Tara sama ka sakin.”
“Ah, Eh, bukas na lang kaya?” Sabi ni Paul. Pero nagulat siya ng biglang hinila ni Gela ang kanang kamay niya.
“Now na! Asan ung Brownies? Kunin mo na dali!”
Wala nang nagawa si Paul. Alam niyang wala siyang laban kay Gela. Kinuha niya yung brownies sa ref at sumama kay Gela. Pagpasok sa kabilang bahay, agad niyang nakita si Aya na nakaupo sa sala at nanonood ng T.V. napatingin din sa kanya si Aya at napangiti. Kumaway si Aya kay Paul at ganon din naman si Paul. Bigla namang tumayo si Ysa dahil nakita niya ang dalang maliit na kahon ni Paul.
“Kuya ano yan? Para samin ba yan? Tanong ni Ysa.
“Ay no Ysa, that’s for you’re ate” sagot ni Gela sabay siko kay Paul para ibigay na ang kanyang dala kay Aya.
“Awh!” sabi ni Ysa. Halata namang nagulat si Aya.
“For me?” tanong nito.
“Ah, oo. Token if appreciation lang for the bread at doon sa masarap na ulam.” Lumapit si Paul kay Aya at inabot ang kahon. Kinuha naman ito ni Aya at binuksan.
“Uy browinies, thank you!” nakangiting sagot ni Aya.
“No, thank you. Hehe.”
“Marami naman pala to eh. Ysa you can share with me. Pero wag mo ubusin ah.” Sabi ni Aya. Bigla naman ngumisi si Ysa at daling tumakbo papunta kay Aya.
“Sige una na ko. Goodnight.” Sabi ni Paul.
“Ok, thanks ulit. Goodnight.” Sabi ni Aya.
“Thank you kuya!” sabi naman ni Ysa habang nginangatngat na ang brownies.”
“Bye Paul.” Sabi ni Gela sabay tapik sa balikat ni Paul.
Bumalik si Paul sa kabilang bahay. Siyempre abot tenga ang ngiti ng loko. Hindi kasi niya alam kung kalian niya talaga ibibigay ung mga brownies, pero dahil sa kakulitan ni Gela, agad niyang naibigay ang regalo sa babaeng gusto niya. Pagpasok ay agad siyang tinanong ni Kiko.
“Oh tol, success?” tanong nito habang nakangisi.
“Oo, nakihati pa nga ung si Ysa eh.”
“Buti naman binigyan mo, anong sabi ni Ate Aya?”
“Thank you. Napansin ko Masaya siya, favorite niya kasi ‘yon eh.”
“Hehe, ikaw naman nakascore ngayon. Kagabi kasi palfakations ka eh. Haha!”
“At least! Si Nico ‘di pa bumaba?” tanong ni Paul.
“Ah hindi pa, tawagin mo na lang.”
Umakyat si Paul sa taas para tawagin si Nico. Nakita niyang medyo nakabukas pa ang pinto at agad pumasok. Pagpasok niya ay nakita niya si Nico na nakatunganga. Agad siyang lumapit at binatukan ito.
“Aray! Para san ‘yon?!” galit na tanong ni Nico.
“Nakatunganga ka kaya diyan, para kang tanga! Ano bang nangyari sayo?”
“Tol! Im gonna die! Shit!”
“Bakit ano bang nangyari?”
“Si Gela may naisip nanaman kalokohan! Ihahanap daw niya ako ng, ng, alam mo na!”
“Haha, pag minamalas ka nga naman, kung alam lang niya. Ano daw sabi?”
“Kasi naman eh! Sabi daw niya siya naman tutulong sakin. Ihahanap daw niya ako, ‘di
naman daw problema ‘yon kasi madami daw siyang kakilala.”
“Naku, alam naman yata niya ung standards mo diba? Pano kung nagustuhan mo ung girl?”
“NEVER! Pero malay mo nga naman.” Biro ni Nico.
“Haha! Well, go with the flow pare. Malay mo nga naman, at ikaw naman ung umiiwas na maging kayo ni Gela in the first place diba?”
“Hay, we’ll see. Kung talagang mahal ko si Gela, ‘di ko magugustuhan ung girl. Pero kung super cute siya malay natin diba? Haha! Oh, kumusta kayo ni Aya?” tanong ni Nico.
“Ayun okay lang, medyo close na kami. Sabi ko friends na niya tayong apat. Kaya makipagusap ka sa kanya ah. Sabi niya gusto daw niya itry ung road trip.”
“Road trip? Haha! Alam ba niyang naligaw tayo dati?”
“Oo, sinabi ko, kaya nga gusto daw niya itry, tayo lahat daw. Unpredictable daw kasi kya gusto niya itry. Sa sembreak kaya?”
“Sure, nakapag establish rapport ka na ah.”
“Ha? What the?” naguguluhang tanong ni Paul.
“Establish rapport, meaning establishing a bond or a relationship.”
“Sus, kala ko kung ano na. anyway, May pasok nanaman bukas, hay. Sige tulog na ko, maaga pa bukas eh. Hapon ba duty mo?
“Oo eh. Shet gabi ako uuwi. Sige tulog na din ako. Patulugin mo na ung dalawang unggoy dun sa baba, maaga pa ung mga ‘yon bukas.”
Lumabas na si Paul ng kwarto at pinatay ang ilaw. Napatingin si Nico sa kabilang apartment, sa kwarto ni Gela. Ilang minuto ang lumipas, biglang nagbukas ang ilaw sa kwarto. Sinara ni Nico ang kurtina at sumilip. Nakita niyang nagayos ng gamit si Gela tapos naupo sa kama. Matapos ang ilang sandali ay tumingin ito sa kinaroroonan niya. Alam niyang hindi siya nakikita nito, pero iba parin ang pakiramdam niya. Pakiramdam niya ay nagtitinginan sila. Napansin niyang nakangiti si Gela. Natawa si Nico at kinuha ang phone niya. Tinext niya si Gela.
“Kailangan bang ngumiti bago matulog?” Tanong ni Nico. Nakita yang kinuha ni Gela ang phone niya at binasa ang text. Napatawa ito at sumilip ulit sa bintana, parang hinahanap si Nico. Natawa ulit ito at nagtext.
“Sumisilip ka ha? Bastos! Hmmpf!” reply ni Gela.
Muling nagtext si Nico. “ Ha? In your dreams, ano naman sisilipan ko sayo? napatingin lang ako kasi abot tenga ung ngiti mo eh, may kakaibang aura akong naramdaman.” Biro ni Nico.
“Che! Humada ka sakin bukas! Panghahanap kita ng pangit!” reply ni Gela sabay tingin sa kabilang bitana. “Beh!” pangiinis nito Nico habang nakasilip sa bintana. Hindi alam ni Nico kung nakikita siya ni Gela. Natawa na lang siya. Napangiti si Nico sa text ni Gela at agad nag reply.
“Mas maganda na yung pangit no, kaysa naman ikaw!” reply nito.
“Gusto mo ako? Dapat sinabi mo agad.” Reply ni Gela, nakangiti pa rin ito habang nakasilip sa bintana.
“Ikaw? Over may dead sexy body!” biro ni Nico.
“Kapal, ako ang sexy. Hihi! Don’t worry, I know you’re standards. Akong bahala. May alam na ko, super mabait magkakasundo kayo promise.” Reply ni Gela.
“Hay, tulog ka na nga! Good night Gela, Muwah! Hehe.”
“Good night best. Humanda ka bukas! Hihi! Sweet dreams. Muwah2x!”
Nakita ni Nico na pinatay ni ni Gela ang ilaw. Humiga na din siya, as usual nakangiti nanaman. Iniisip nito ang sinabi ni Gela. Paano nga ba kung nagustuhan niya ang babaeng papakilala nito? Naguguluhan ang isip niya.
“Looking forward for tomorrow.” Sabi niya sa sarili. Iniisip niya pa rin ang mangyayari kinabukasan hanggang makatulog siya.
No comments:
Post a Comment