A Wonderful Life
By: Nico Laurence And Paul
Chapter 6
“The Girl I Love – Paul’s decision”
(Paul’s perspective)
Nagising ako ng mga 5pm na. haba ng tulog ko grabe. Agad kong hinanap yung phone ko. Pagtingin ko may text ako, galing kay Claire.
“Thx pLa sa lunch kaNina. Pti na dn sa pghatid. ingatZ.”
Oo nga pala, napilitan pala akong ilibre si Claire kanina. Hay nako. Siguro ngayon kasama na niya si Chics. Ay di pala, may klase pa pala si Chics. Tumingin ako ulit sa phone ko, may isa pa akong text. Galing naman kay Nico.
“Tol! Mamaya na ung d8 ko. Hay, hope it goes well. wLa na akong magawa talaga pg si GeLa ang maY gus2. Anyway, wish me luck.”
Ay nako, ang best friend ko may date nga pala ngayon. So yun, bumaba ako para kumain na. Andon na si Kiko, kumakain. Yun lang naman alam niyang gawin eh, kundi kumain, natutulog, oh kaya nanonood ng TV.
Gabi na nang dumating si Nico. Sa itsura pa lang niya, halata naman na maayos ang kinalabasan ng date niya.
“Tol, how did it go?” tanong ko.
“It went well naman. Misa pala name niya. Ang ganda niya tol.”
“Misa? Cute. So kwento mo naman.”
Ayun, kinwento nga niya ang mga nangyari. In detail pa. Ayos naman pala yung babae. Nagulat nga din ako kay Nico. Alam ko kasi tahimik lang to lalo na pag gusto niya yung babae. Di ko akalaing magagawa niya yung mga nagawa niya sa date nila.
The next day, after nung class, nagmadali na akong umalis. Mahirap na baka abutan ako ni Claire. Ang bilis ng lakad ko, kung di ba naman ako nuknukan ng malas oo, pagdating ko sa kotse andon siya. Hinihintay yata ako. Aalis sana ako kaya lang sa pagmamadali ko eh nakita niya ako. Wala na akong nagawa pa.
“Paul, uwi ka na?” tanong niya.
“Oo sana eh, bakit?”
“Tara kain ulit tayo. Gutom na ako eh.”
Hay, may magagawa pa ba ako? Wala na. So umalis na lang kami para kumain. Lumipas ang mga araw at halos everyday na kung kumain kami sa labas nitong si Claire. Ewan ko ba dito. Pero at least, habang tumatagal kaming magkasama eh gumagaan na rin yung loob ko sa kanya. Napaguusapan din namin yung tungkol sa kanila ni Chics. Nag aadvise din ako syempre.
Tuesday morning, walang pasok. Pinagusapan namin ni Nico yung plano niya kay Misa. Sabi ko na nga ba, hindi pa siya sigurado kung anong dapat gawin. So I’ve decided na bigyan siya ng challenge. So ayun nga, nakipagpustahan ako. Teka, pangit pakinggan, let’s say, I just challenged him to do what is right.
After nung talk, lumabas muna ako. Naisipan kong maglibot. Ayaw naman sumama nung tatlo eh. Si Kiko at Chics may gagawin daw. Si Nico naman pupuntahan daw si Misa. So ako na lang. Naisipan kong mamasyal sa mall, wala rin namang pasok ngayon eh. Habang namamasyal naisipan kong mamili ng groceries. So yun, nagpunta ako sa supermarket para mamili. Laking gulat ko sa nakita ko.
“Aya! Anong ginagawa mo dito?”
“Uy! Bumibili lng ako ng groceries. Habang walang pasok. Sayang ang oras eh. Eh ikaw?”
“Ganon din. Kaya lang papunta pa lang ako eh.”
“Ganon? Tara samahan kita. Para alam mo bibilhin mo next time.”
Bihira lang ang ganitong klaseng alok. So what do you expect? Syempre grab the opportunity.
So nag grocery kami ni Aya. Masaya. Hindi ako na bored sa company niya. Pansin ko na madami talaga siyang alam sa pamimili. Tinuruan niya ako kung ano yung mga dapat bilhin, lalo na yung mura pero may quality naman.
After namin mamili, nilagay ko muna yung mga pinamili namin sa kotse. Pagkatapos ay niyaya ko siyang mag lunch. Agad naman siyang pumayag. Kinabahan ako. Sabagay kakain lang naman. No big deal right? Anyway, so after namin maglunch eh naglaro kami ng arcade. Syempre tinry ko yung palakasan ng suntok. Na-amaze naman siya sa lakas ko (haha!). Kahit papaano masasabi kong close na kami ni Aya. Matagal-tagal na din mula nung lumipat kami. Madalas niya kaming binibigyan ng ulam. Ang bait talaga niya. Lalo ko talaga siyang nagustuhan. She’s beautiful inside and out.
Pagkatapos mag malling eh uwi na kami. Syempre sinabay ko na siya. May 20 minutes pa ako para kausapin siya bago kami makarating sa apartment.
“Alam mo, ang dami mong alam pamimili noh?” sabi ko
“Syempre. Una dahil panganay ako. Tapos ako pa yung in-charge sa mga ganyang gawain sa apartment.”
“Alam mo, maswerte yung mapapangasawa mo. Kasi all around ka na eh. I mean, maganda ka na, tapos magaling pa sa gawaing bahay.”
“Sa tingin mo? Ikaw ba, anong tipo mong babae?” tanong niya bigla. Napaisip ako syempre. Kung sasabihin kong qualities ay pareho sa kanya, baka magduda siya. Bahala na.
“Uhm, simple lang. syempre bukod sa maganda, dapat open minded din. Alam mo, pag tinatanong yung mga lalaki sa ganyan, palaging may open minded. Hindi nawawala. Malaking bagay kasi sa amin yung trait na yun ng mga girls eh.” Nakatingin lang siya sa akin habang sinasabi ko yon. Nakakailang grabe.
“Tapos, yun nga, magaling sa gawaing bahay. Ayoko ng maarte at yung palaging nagrereklamo. Gusto ko din yung mahinhin at magaling mag luto. Tapos magaling makisama.” Nakangiti na siya grabe. Ewan ko kung feeling niya siya yung tinutukoy ko. Sana hindi. Kasi TAMA siya.
“In short, parang ikaw. Pe-pero, hindi ibig sabihin na ikaw as in ikaw. Parang ikaw lang. nagbigay lang ako ng example para hindi ka na mapaisip.”
Hay, nasabi ko talaga yon? Really? Tanga ko. Engot. Mangmang. Pano kung mahalata niya? Bahala na. Pero siyempre, kailangan ko din malaman yung type niya.
“Eh ikaw? Ano naman yung tipo mong lalaki?”
“Ako, uhm, simple lang naman. Di naman mahalaga kung may itsura o wala.” (Ehem, gwapo ako!)
“Bulate lang walang itsura.” Biro ko at pinalo niya ako sa braso.
“Tapos, gusto ko yung dependable, tapos matured. Nakakatawa. Tapos yung palagi siyang nandiyan para sa akin. Although hindi naman ako demanding na tao.”
“Nakakalito ah, bigay ka ng example. Sino kaya pwede?” tanong ko. Sana ako yung ibigay niyang example. Napansin kong nagisip siya. Hindi ko alam kung nagiisip ba siya kung sino o nagaalangan lang siyang sabihin.
“Uhm, parang si NICO.” Ouch. Bakit si Nico?
“Hindi ko naman sinasabi na siya, tulad nga ng sabi mo, example lang. syempre matagal ko na siyang nakikita. Napapansin kong palagi siyang nandiyan para kay Gela. So parang ganon yung gusto naming mga girls.”
Namumula siya habang sinasabi niya yon. Ano kayang ibig sabihin nun? Nahihiya lang ba siya? O baka naman? No! hindi pwede. Sa best friend ko pa? sinubukan ko na lang alisin sa isip ko iyon.
“Alam mo, magkaugali kami ni Nico. Mas matured nga lang ako.” Biro ko naman. Ngumiti lang siya.
“Meron ka bang gustong babae ngayon?” tanong niya bigla. Ano ba yan, yung mga tanong talaga ni Aya. Hay.
“Ako? Meron. Kaya lang di pa niya alam na gusto ko siya.” Sabi ko.
“Talaga? Bakit naman?”
“Di ko pa kayang sabihin eh. Baka masira yung friendship namin. Pero sa tamang panahon sasabihin ko din feelings ko.”
“Close ba kayo?”
“Hmmm. Masasabi kong oo. Ilang beses na niya ako tinulungan at ganon din ako sa kanya. Mabait siya sobra. Habang tumatagal kaming magkasama lalo ko siyang nagugustuhan.”
“Naks. Kilala ko ba siya?” Wow! Ganda ng tanong! Eh ikaw kaya tinutukoy ko. Hayz.
“Siguro. Hindi ko alam eh.”
“Ano ba name niya?” tanong niya. Sasabihin ko ba? Siyempre hindi. Ano ako sira?
“Secret. Baka kasi kilala mo eh.”
“Ayaw mo yon? Malalakad kita?”
“Ahaha. Wag na. kakahiya eh. Sige, pag ready na ako ikaw una makakaalam. Promise.” Nalala ko tuloy yung secret daw niya. Sabi niya pag ready na siya, ako daw una makakaalam.
“Bahala ka. Pero If I were you, magtatapat na ako. Malay mo makuha pa ng iba. Ikaw din.”
“Eh paano kung may iba siyang gusto?” tanong ko. Hindi ko alam kung san ko napulot yung tanong ko. Sana naman walang ibang gusto si Aya. Sana ako na lang.
“Kung ganon man, tingin ko mas maganda pa rin kung sasabihin mo. Kaysa naman hindi mo sabihin, tapos nakikita mo siya may kasamang iba nasasaktan ka lang. Kung sasabihin mo naman, malay mo, ma-realize din niya na may gusto siya sayo. Pero kung hindi, at least nasabi mo.”
“Paano kung hindi niya ako gusto, eh di magkakailangan kami?”
“it’s actually up to you. Kung kuntento ka na na maging friends na lang kayo, wag mo nang sabihin pa. Panoorin mo na lang siya sa piling ng iba. Kung saabihin mo naman eh baka mawala siya sayo. But it will feel better kung sasabihin mo. At least kung na reject ka, makakapag move on ka ng mas madali. Kasi pag pinapanood mo lang siya sa piling ng iba, una masakit yon syempre. Tapos di mo pa siya mapakawalan. It’s a risk you have to take. Para naman talagang sugal ang love diba?
“Wow, galing mo mag advise. All around ka talaga.”
Napangiti naman siya sa sinabi ko. Grabe I really like her smile. Lalo na akong na-inlove sa kanya. Di nagtagal ay nakarating na kami sa apartment. Syempre tinulungan ko na siyang magdala ng mga pinamili niya. Umupo muna ako sa sala. Masayang masaya ako nung araw na iyon. Although its not officially a date, iisipin ko na lang na date yon. Iniisip ko lahat ng nangyari kanina --- nang may biglang bumatok sa akin. ARAWCH!
Thursday. Sabi ng Prof namin na kailangan gumawa ng Case Study. By partner daw. Ok lang sa akin kahit ako lang magisa. Kaya ko naman. Ako pa, para saan pa yung pagiging DEAN’S LIST ko? Kahit naman may partner ako, ako parin yung gagawa. Sabi ng professor naming mukhang unggoy na gumawa na daw siya ng pairs. Kahit naman sino ok lang, no big deal. Kasundo ko naman lahat. Maliban sa ISA. 25 naman kami sa klase, may 4% chance na siya yung makapartner ko. Slim chance lang. Super grade conscious kasi yon. Masungit pa. Di talaga kami magkasundo. Ako kasi mahilig akong magpatawa sa klase. May nangyari non, pinagalitan niya ako. Dean’s List daw ako, dapat daw I serve as a ROLE MODEL. Hindi daw yung para akong walang pinagaralan. Oo, iyon mismo ang sinabi niya. Hindi ko naman siya napapansin hanggang sinabi niya sa akin yon. Sayang naman yung ganda niya, eh ang pangit ng ugali. Sana talaga lord. Sinabi ko na lang sa sarili ko, na kung siya yung makakapartner ko, mag coconfess na ako kay Aya. (pasensya na, halatang ayoko pang magconfess. 4% chance? Duh! Impossibleng makapartner ko iyon.)
Ayon, nagsasabi-sabi na si KING-KONG sa harap kung sino daw yung magkakaparner. Marami na siyang nasabi. Hindi pa ako natatawag. The GOOD news is, pati siya hindi pa. 10 na lang yata kaming wala pang partner. So ang dating 4% chance, naging 10% na. Oh hinde! Last 6. At buhay pa kaming dalawa. Lintik na king-kong to, nanandya yata. Hanggang sa, kami na lang dalawa ang natira. Wala na.
“And the last pair, Mr. Paulo Dela Cruz and Miss Danica Alcantara. Galingan niyo. Case study niyo yong balak kong i-submmit as best case study sa buong 3rd year. Kaya kayo yung pinag-pair ko. I expect the best from you both.”
Crap! Anong kasalanan ba ang nagawa ko at pinarusahan ako ng diyos ng ganito? Pati mga classmate namin ay nagulat. Aso at pusa kasi kami sa room. Talagang di kami magkasundo. Ang init ng dugo niya sa akin. Di ko naman siya papatulan, babae siya eh. Ang pinakamalala eh yung sinabi ni Gory na magtabi-tabi daw yung magpartner para makapagusap na tungol sa Case na pipiliin. Nagalangan ako. Sama talaga ng araw ko. Tatayo na sana ako nang bigla na lang siyang tumabi sa akin. Sabagay, grade conscious siya, so kahit kainin niya pride niya ok lang para sa grades.
“Ako nang bahala. Submit ko na lang sayo yung soft copy pag nagawa ko na.”
Aba! Hindi ako papayag. Naku kung di ka lang babae.
“Hindi pwede. Kaya nga by pair eh. Dapat tayong dalawa. Para matapos agad.”
“Baka masira lang kung gagawa ka pa. At kung ikaw din naman may ibang ma-pair ikaw lang gagawa di ba? Ako nang bahala.”
“Hindi ako kung sino lang. Hindi mo pwedeng gawin yung trabaho ng magisa pag kasama ako. Hindi ako papayag.”
Nako, umpisa pa lang di na kami nagkakasundo. Paano pa kaya kung ginagawa na talaga namin.
“Fine! Pero pag nasira yung study natin ikaw may kasalanan.” Sabay irap sa akin. Nako. Gusto ko nalang maging bakla para masabunutan ko tong babaeng to. Pero in fairness ang ganda niya ha.
“Don’t worry, kung may palpak man sa study, sure ako sa part mo iyon.” Bulong ko. Eh sadyang matalas ang pandinig niya, narinig ba naman ako.
“Ulitin mo nga sinabi mo?”
“Simplehan ko na lang para maintindihan mo. Kung may papalpak man, ikaw yon at di ako.”
Aw, hindi ko ugaling mamintas ng ganon. Hindi ko lang talaga napigilan ang sarili ko. Sama kasi ng ugali nito eh. Pero nagsisi ako. Tumahimik na lang siya. Buti nga. Akala ko babanat pa siya eh.
After class, pauwi na ako. Naglalakad ako sa may quadrangle. Nakita ko si Danica. Syempre lumayo ako. Pero di naman ako nakita. Nakatalikod kasi siya at nakaupo. Dumaan ako sa side, pagdaan ko, tiningnan ko siya. Nakayuko naman siya eh. So yun, nung nakita ko na ung side ng mukha niya, nagulat ako --- umiiyak siya.
Ako kaya ang dahilan? Sa totoo lang naawa ako sakanya. Lalo kong pinagsisihan yung sinabi ko kanina. Pero pagkakakilala ko sa kanya matapang siya, hindi siya basta iiyak ng ganon. So inisip ko may ibang dahilan. Love? Siguro. Gusto ko siyang lapitan sa totoo lang. Pero di ko na ginawa. Baka isipin niya feeling close ako. Sana hindi to maka-apekto sa study namin. Pero napansin ko na nakatingin na sa kanya ang ibang tao. Ewan ko ba, reflex siguro, sadyang mabait talaga ako eh, kaya nilapitan ko siya.
“Uy, Danica, umiiyak ka yata?” tanog ko. Pabiro yung tanong ko. Inalis niya yung kamay niya sa mga mata niya, tapos tumingin siya sa akin. Umiiyak nga siya. Nagulat siya nang makita ako.
“ Ok ka lang?” tanong ko. Bigla na lang siyang tumayo at tumakbo palayo. Ano kayang problema non?
Nang makauwi ako sa bahay ay naisipan kong tanungin yung number ni Danica sa kaklase ko. Agad naman niyang ibinigay sa akin kaya yon, tinext ko si Danica.
“Uhm, Hi danica, si paul 2, ok ka lng?” hinintay ko ang reply niya. Nagreply naman agad.
“Miting tau bkas after class. Sa bhay na lng namin.” Yun lang ang reply niya. Di man lang sinagot ang tanong ko. Hay.
“Ok, ingatz.” Reply ko. Kawawa naman siya, mukhang may problema tinatago pa. sabagay, sino ba naman ako para makialam diba? Natulog muna ako nung hapong iyon. Pag-gising ko, nandiyan na si Nico. Sinabi niya sa akin yung plano niya bukas. Masaya ako para sa kanya. Sana nga lang magawa nga niya yung mga sinasabi niya. Chance na niya. Pagkatapos ay bumili kami ng konting groceries pang-handa bukas. Tapos pinakiusap lang namin kina Aya para ipaluto.
So, the big day, Friday, hindi kami nag papansinan sa klase ni Danica. Actually, siya yung hindi namamansin. So after class, naglunch muna ako, tapos nag-text siya na magkita daw kami sa may front gate ng school. So pumunta na ako. Pagdating ko andon na siya, naghihintay.
“Oh, kanina ka pa?” tanong ko.
“Tara na, para maaga tayo matapos.”
“Teka, kumain ka ba?”
“Hello? Dun tayo sa amin remember?”
Ay oo nga pala? Teka? Sa kanila? Ni hindi nga kami close eh, ang masama pa, parang magkaaway pa kami, tapos sa kanila? Seryoso pala siya sa text niya.
“Sure ka sa inyo?” tanong ko.
“Oo, ayoko dito, hindi ako makakapagtrabaho ng maayos.”
“Ok, tara, may sasakyan ako.” Parang nag-dalawang isip pa siyang sumama sa akin. Pero sumama din. Syempre, alangan magcommute pa siya eh may sasakyan ako? Eh di nauna ako sa kanya? Eh bahay nya yung pupuntahan namin.
Tahimik lang kami sa sasakyan. Kahit yung tungkol sa case study namin hindi namin pinagusapan. Nagsasalita lang siya pag tinatanong ko yung daan papunta sa kanila. Pagdating namin sa kanila, nagulat ako. Ang laki ng bahay. Bakit ba yung mga napupuntahan kong bahay ng lately ang lalaki? Pero iba to, sobrang laki, mas malaki pa sa bahay nila Claire. Bigtime pala sila. Tapos sa labas ng bahay may tatlong magagarang sasakyan nakapark. Bakit kaya nagcocommute pa siya?
Sa laki ng garahe nila eh nagkasya pa yung sasakyan ko. Tatlo na nga yung sasakyan don nagkasya pa yung saken. Grabe. Pagkababa sa sasakyan eh pinapasok na niya ako. Pinaupo niya muna ako sa sala at magbibihis daw siya. Habang nakaupo ako, pinagmasdan ko lang ang loob ng bahay nila. Grabe, wala akong masabi.
Ilang sandali pa ay bumaba na siya. May dala siyang laptop. Medyo nanibago ako sa itusra niya. Sa school kasi mukha siyang bookworm at mataray pa ang itsura niya. Pero ngayon, grabe, nakita ko ang ganda niya. Mukha siyang anghel. Malas lang niya alam ko yung totoong ugali niya. So yun, sabi niya magumpisa na daw ako at kakain muna siya. Buti dala ko yung laptop ko.
Habang gumagawa ako ay dumating na siya. May dala siyang juice at sandwich. Wow! Para sa akin ba yon? Sabagay kakakain lang niya. So malamang sa akin yon.
“Oh, kain ka muna. Para naman may glucose supply ka.” Nakatingin lang ako sa kanya. Syempre medyo shocked pa ako.
“Oh, anong problema?” tanong niya.
“Wala naman. Naninibago lang ako. Sa school kasi iba ka eh.”
“Huwag kang magisip ng kung ano-ano. Gusto ko lang na magawa mo ng maayos ang case study natin. Oh, kain na.”
Ayun, siya muna ang gumawa habang kumakain ako. Tatlong sandwich ang nakahanda doon. Sabi niya kumain na daw siya kaya akin lahat yon. Teka, bakit kaya alam niyang matakaw ako? Hayaan mo na. bacon pa naman ang palaman. Haha! Sarap.
Habang kumakain ako ay nakatingin ako sa kanya. Nagtatype siya sa laptop. Bakit nga ba ako nakatingin? Ewan ko. Naninibago lang talaga ako. Parang hindi siya and Danica na kilala ko.
Matapos ang ilang oras, naabot na namin yung goal namin for the day. Siyempre di pa tapos. Di kami yung tipo na copy paste eh. So bawat word sa case study ay galing sa amin. At isa pa, tatlong topics yung binigay sa amin. Puro pa mahihirap. Pipili daw sila doon ng ipapass. Nakakapagod talaga maging matalino. Goal naming matapos yung first case study bukas. So far, halos 50% na yung natapos namin sa unang case.
Umalis na ako para sunduin na rin si Chics. Dadaanan ko din naman yung school eh. Masaya naman ako kasi kahit papaano, mabait naman si Danica. Hinatid niya pa nga ako hanggang sa kotse. Sana maging magkaibigan kami, ayoko ng may kaaway eh. Habang nag mamaneho eh naalala ko na nagpapabili pala si Nico ng flowers. So bumili ako sa harap ng school habang hinintay si Chics. Pagdating niya, alis na kami agad. Medyo late na eh, dumidilim na.
Pagdating namin, agad kaming nagpunta sa apartment nina Gela. Nakita ko si Nico sa sala na may kasamang magandang babae. Cute siya at mukhang mahinhin. So ito pala si Misa. Maganda nga talaga siya. Agad naman kaming pinakilala ni Nico. Mahiyain nga pala siya kaya parang naiilang siya sa amin.
Masaaya ang gabing iyon. Kung wala lang yung Jay na yun, malamang pati si Kiko masaya. Si Gela naman mukhang malungkot. Si Aya, pansin kong tahimik lang siya. Anong meron?
Matapos ang kainan ay kantahan na. At doon, kinantahan ni Nico si Misa. Grabe, si Nico ba yon? Parang nagiba siya. Anyway, inabot ko yung pinabili niyang flowers. At bago natapos yung gabi, sila na.
Matapos ang kasiyahan, hinatid ni Nico si Misa sa kanila. Pagkaalis nila, nakita kong parang napaluha si Gela. Agad siyang tumakbo papunta sa kusina, sinundan ko naman siya. Lumabas siya sa backdoor sa may kusina, lumabas din ako. Tama ako, umiiyak siya. Tinanong ko siya kung anong problema.
“Gela, bakit? Anong nangyari?” tanong ko. Di siya agad sumagot. Umiiyak siya at nakatingin sa malayo. Ilang sandali pa ay tumingin siya sa akin.
“Paul, may aaminin ako sayo. Wag mong sasabihin kay Nico tong sasabihin ko. Please.” Sabi niya. Bago pa man ako mangako na di ko sasabihin, muli siyang nagsalita.
“Ang totoo kasi, di ko ba alam. Pero nasaktan talaga ako kanina. Ngayon ko lang narealize ng tuluyan.”
Parang alam ko na ang gusto niyang sabihin. Pero hahayaan ko na siya na ang magsabi sa akin.
“I love HIM. Ayaw kong aminin sa sarili ko pero yon ang totoo. Ngayong ko lang narealize completely ang feelings ko. Kaya siguro pinakilala ko si Nico kay Misa. Kasi alam kong bawal. Alam kong hindi pwede. Pero bakit ganito? Masakit sobra. Lalo na nang makita ko ang nangyari kanina. Sana ako na lang ang kinantahan niya, sana ako nalang ang niligawan niya, sana ako na lang minahal niya. Gustong gusto kong palitan ang lugar ni Misa. Kaya lang alam kong hindi pwede.”
Ibinuhos lahat ni Gela ang lahat ng sama ng loob niya. Iyak siya ng iyak nung gabing iyon. Pagkatapos ay hinatid ko siya sa kwarto niya. Pag baba ko, nakita ko si Aya na naglilinis kaya tinulungan ko siya. Habang tinutulungan ko siyang maglinis, naalala ko yung sinabi ko sa sarili ko, na pag nakapartner ko si Danica, macoconfess ako kay Aya. Tiningnan ko si Aya. Dapat ko na bang sabihin? Bukas na nga lang! at isa pa, mukhang wala sa mood si Aya. Mukha siyang malungkot na galit na ewan.
Maya-maya lang ay dumating na si Nico. Agad niyang tinanong si Gela. Gusto ko na sanang sabihin, pero hayaan ko na munang puntahan niya si Gela. Pagkatapos mag linis ay nagpunta ako kabilang apartment para magbihis. Pagkatapos ay tumambay muna ako sa terrace, para na rin abangan si Nico. Paglabas niya, tinawag ko siya at doon ko na sinabi lahat ng sinabi ni Gela sa akin.
Kinabukasan, maaga akong gumising. As usual, tulog pa yung tatlo. Lumabas ako ng apartment at sakto naman nakita ko si Aya na nakaupo sa labas.
“Morning” bati ko.
“Morning Din. Aga mo nanaman ngayon ah.” Sabi naman niya. Mukhang nasa mood na siya ngayon ah.
“Oo nga eh. May gagawin pa kasi ako. Ah, Aya, may problema ka ba?”
“Ako? Wala naman. Bakit?”
“Kasi parang malungkot ka kagabi eh. Anong meron?”
“Talaga? Ewan ko.”
Nagkatinginan kami. Napangiti ako at ngumiti din siya. Tingin ko eto na yung tamang pagkakataon. Naupo ako sa tabi niya at nagkwentuhan pa kami. Nang medyo malalim na yung usapan, doon na ko sumingit.
“Ahm, Aya.”
“Hmmm?” sagot niya sabay tingin sa akin. Naiilang ako sa tingin niya.
“Naalala mo pa ba yung sinabi ko dati?”
“Alin?”
“Na ikaw ang unang makakaalam ng pangalan ng crush ko?”
“Ah, oo naman. So sasabihin mo na?”
“Teka, isipin ko muna.” Sabay kamot sa ulo ko.
“Iiiyh. Sige na. nambibitin ka naman eh.”
“Sige na nga. Pero di ko na siya crush eh.”
“Ha? Bakit?”
“Kasi I love her na.”
“Naks. Sweet naman. Ok tell me na.”
Bumalot ang katahimikan. Nakatingin siya sa akin at nakayuko naman ako. Hindi ko alam kung sasabihin ko na. Im stuck on a dilemma. Pero andito na eh, na open ko na yung topic. So ok, sasabihin ko na.
“Kilala mo siya.” Sabi ko. This time, nakatingin na ako sa kanya.
“Ta-talaga? Sino?” tanong niya. Siya naman ang nailang sa tingin ko. Pero hindi niya inalis ang tingin niya.
“Her name is-“
“Is?”
“Ayannah.”
Nasabi ko na. Wala nang bawian. Natahimik siya sandali. Ang bilis ng tibok ng puso ko.
“Me?” tanong niya.
“Yes. Aya, I love you. I’ve fallen for you. Ever since, Ikaw na talaga ang babaeng gusto ko.”
Natahimik siya. Pati ako. Wala na akong masabi pa. sana tanggapin niya ang confession ko. Mahal na mahal ko talaga siya. Inalis niya ang tingin sa akin at tumingin sa malayo. Nakatingin pa rin ako sa kanya. Hoping for an answer.
“Thank you Paul.”
Yes, sumagot siya. Pero thank you pa lang. teka, patapusin ko nga muna siya.
“But-“ di niya tinuloy ang sasabihin niya.
“Remember nung naghuhugas tayo ng plato noon? Sinabi ko sayo na ikaw ang unang makakaalam ng secret ko. I guess its time I tell you the truth.”
Di pa din ako sumagot. Hinihintay ko lang siya. Hinahayaan ko siyang magsalita. Naubusan na rin yata ako ng sasabihin.
“Here I go. My secret is-“
Bitin niya. Kinakabahan ako. Sana naman, hindi ito yung iniisip ko.
“I LIKE NICO.”
Ayun na. parang biniyak ang puso ko sa narinig ko. Pero di ko pinahalata. Nagmistulang madilim ang paligid kahit na umaga pa. parang gusto kong umiyak. Pero pinigilan ko. Tiningnan ko siya. Nakatingin na siya sa akin ngayon. Di ko maintindihan ang expression niya. Sa halip na magwala o umiyak, ngumiti ako.
“Paul? Sana walang magbago. Friends pa din tayo diba?”
“Aya, alam mo, masakit. Sobra.”
“Sorry. Sorry talaga.” Sabi ni Aya sabay yuko. Tumingin din agad siya sa akin. Ang tagal niyang nakatingin. Siguro nagtataka siya kung bakit ako nakangiti.
“uhm, ba’t nakasmile ka? So ok na tayo?”
“Aya, alam mo ba , nung una kitang makita, nagustuhan na kita agad. Pero I don’t have the guts to even introduce myself. Tapos finally, nakilala kita. Sabi ko sa sarili ko, ‘grabe! Eto yung tipo ng babae na masarap mahalin, yung tipo ng babae na pinapakasalan. The moment I saw you, I knew its you. And nung nakilala kita ng husto, sabi ko sarili ko na ikaw na talaga.’”
Yumuko ako ulit at napabuntong hininga. Di ko na talaga mapigilan. Gusto ko ng umiyak. Pero not now. Lalo pa akong ngumiti.
“Paul, I never knew na ganon pala ang feelings mo. Sorry kung nasaktan kita. Pero diba dapat parang malungot ang expression mo? Bakit parang masaya ka?.” Tanong niya. Alam kong kanina pa siya nagtataka kung bakit ako nakangiti.
“Di kita masisisi kung nagustuhan mo si Nico. You have your own reasons. Its normal na magkagusto ka sa lalaking tulad niya.”
Nakita ko ang lungot sa mga mata niya sa sinabi ko. Parang guilty siya. Niyuko niya ulit ang ulo niya.
“But I always find positive things out of the negative. Na may Misa na siya. Kaya for me, may chance pa. I won’t give up on you. I wont stop until you have me, or another guy that will make you truly happy. Kahit hindi man ako ang piliin mo.”
“Paul-“
“Don’t worry. Walang magbabago. Hindi kita guguluhin o kukulitin ulit tungkol sa issue na to. I want you to be comfortable with me just like before. Just remember that I will always be here for you. Babantayan kita. Hanggang may iba nang magbabantay sayo.”
Naiyak si Aya at niyakap ako. Napayakap na rin ako sa kanya. Kahit papano, masaya ako dahil mukhang walang magbabago sa samahan namin ni Aya.
Pagkatapos ay pumasok na kaming pareho. Diretso ako sa kwarto ko. Agad akong humiga sa kama at sinubsob ang mukha ko sa unan. Doon ko na tuluyang ibinuhos lahat ng luha na inipon ko kanina.
No comments:
Post a Comment