A Wonderful Life
By: Nico Laurence And Paul
Chapter 5
“In a relationship – Nico’s Move”
(Note: The story changes from 3rd person to 1st person perspective. Si Nico na ang nagsasalita dito.)
Isang lingo na mula nang makilala ko si Misa. Halos araw-araw akong nagpupunta sa kanila. Ewan ko ba pero, parang ok na ok sa Mommy ni Misa ang pagpunta ko doon. Siguro gusto din niyang makapagmove on ang anak niya. Lalo kong nakilala si Misa. Mapagbiro din pala siya, nakakatawa. Hindi siya masyadong marunong magluto, pero napansin kong sinusubukan niya talagang matuto. Mahilig siyang magbasa ng mga nobela at magaling din siyang kumanta. Natatawa nga ako eh, dahil kahit mahiyain siya ay nagagawa na niyang kumanta sa harap ko, samantalang ako, eto, nahihiya pa rin kumanta sa harap ng ibang tao. Nagumpisa lahat sa blind date pero ngayon, kung titingnan mo kami ay para kaming mag bestfriends. Naalala ko tuloy ung sinabi niya the first night we met; “We’re friends, We’re good friends”. Masaya na rin ako sa ganito, although iba pa rin ung pagkakaibigan namin ni Misa, may something pa rin. Habang tumatagal ay lalo akong na iinlove sa kanya. Parang na sa kanya na lahat ng gugustuhin ng isang lalaki sa isang babae. Di ko nga alam kung bakit siya iniwan ng Ex niya, pero malas lang niya, hindi niya alam kung ano ang pinakawalan niya.
Tuesday morning at wala kaming pasok (harhar!). As usual, kaming F4 ay nasa sala at nag bobonding moments. Alam na ng lahat ang tungkol kay Misa. Pero di nila alam ang plano ko sa kanya. Kahit nga ako naguguluhan. Ewan ko ba. Of course, ung paguusap namin napunta kay Misa at sakin.
“So tol, kalian mo papakilala si Misa Misa sa amin?” tanong ni Paul.
“Siguro sa week end. Busy kasi eh.” Sabi ko naman.
“Busy? Eh halos araw araw kayong nagkikita. Parang ang dami ng free time nyo ah.”
“Hayaan mo na Paul, ganyan talaga ang lovers, always finding time for each other. Yung iba nga diyan puro Dota lang eh. Lalo na tong si Kiko. Buti na lang wala siyang GF.” Sabi ni Chics.
“Pero tol, anong balak mo? Friends na lang ba kayo forever? Remember, hindi siya ang gagawa ng first move, dapat ikaw. Gusto mo tulungan ka namin?” tanong ni Paul.
“Duh? Ano namang tulong yan?” tanong ko.
“Haranahin natin. Para saan pa ung singing voice mo at guitar skills namin ni Chics?”
“Syet, harana? Old school naman tol. Korny. Teka pano si Kiko?”
“Dakilang tagabuhat. Siyempre mabibigat yung mga dala natin. Di tayo pwedeng mapagod kasi maapektohan yung performance. So siya magbubuhat.” Biro ni Paul at pinagsusuntok siya ni Kiko. Ok talaga tong mga kaibigan ko. Medyo out of this world bumanat pero nakakatawa pa rin.
“Iba na lang tol. Promise, this week, liligawan ko na siya.” Sabi ko na lang. Di ko alam kung sincere ba ako dun sa sinabi ko. Parang sinabi ko lang yon para matahimik na tong mga to.
“Sure ka? Okay ganito, pustahan na lang tayo pare. Huwag kang magalala hindi ito yung tipo na pag nalaman nung girl na pinagpustahan lang siya ay pupunitin niya ung damit niya sa galit at magwawala. Hindi naman ito tungkol dun sa sasagutin ka niya o hindi.” Sabi ni Paul.
“Whats your point?” tanong ni Kiko.
“Listen, magpustahan tayo, kung manliligaw ka na talaga this week, regardless kung sasagutin ka niya o hindi, Eh treat ko kayo lahat mag swimming, as in lahat, sina Gela at pati si Claire kasama. But, If you don’t have the guts to court her this week, eh mas maganda kung kalimutan mo na na mahal mo siya. At di lang yon, sasabihin ko din kay Gela na matagal ka nang may gusto sa kanya.”
Napaisip ako sa sinabi ni Paul. Oo gusto ko si Gela, pero bukod sa fact na hindi kami pwede, ay meron na ring ibang babae sa buhay ko. Pag naging kami ni Gela, everything would be complicated. Pag naman kami ni Misa, eh parang maayos ang lahat. It’s just trying to determine who I love more. But for now, sure na ako sa feelings ko kay Misa. That there is already something special.
“Okay, deal. Schedule niyo na yung swimming, sigurado ako doon tayo pupunta next week.” Sabi ko.
“Don’t be so sure. Pero this doesn’t mean na ayokong maging kayo. I’m just trying to help you.” Sabi ni Paul.
“Kuya Nick ligawan mo na para makapagswimming naman tayo. Kasama pa sina Ysa. Excited na ako!” sabi ni Kiko.
Dahil dito napaisip na ako kung paano ko ba liligawan si Misa. Di pa ako nanligaw ever so I had no idea. Eto namang mga kaibigan ko wala ding alam sa mundo. Although may GF na si Chics, Di naman siya nanligaw formally, yung tipong date date lang tapos siya manlilibre. Ako kasi I want something more special. Kasi special si Misa sa akin.
Pumunta ako kina Misa after lunch. Pagdating ko doon ay di na ako kumatok pagkat nakabukas na ang gate. Nakita ko siyang nakaupo sa may garden area, nagbabasa. Agad ako lumapit at tinakpan ang mga mata niya. Nagulat na lang ako nang mahawakan ko ang mga mata niya dahil basa ang mga ito. Agad ko inalis ang mga kamay ko at tiningnan siya. Tama ako, umiiyak siya. Parang sinaksak ang puso ko sa nakita ko. Parang di ko matiis na nakikita siyang umiiyak. Gustong gusto ko siyang yakapin sa mga oras na iyon. Natupad naman iyon dahil agad siyang tumayo at niyakap ako nang mahigpit. Medyo matagal din siyang nakayakap sa akin. Walang nagsasalita, di ko rin alam ang sasabihin ko. Pero kailangan kong malaman kung sino nagpaiyak sa kanya.
“Oh, anong nangyari? Bakit ka umiiyak?” tanong ko. Di siya sumagot, lalo lang humigpit ang yakap niya sa akin.
“Misa, what’s wrong?” tanong ko ulit. Kumalas siya sa pagkayakap sa akin at pinunasan ang luha niya. Agad ko namang inilabas ang panyo ko at pinunasan ang luha niya.
“Misa, come on, tell me. Why are you crying?” tanong ko for the 3rd time.
“Wala ‘to. May naalala lang ako.” Sabi ni Misa.
“Is it because of him?” tanong ko bigla. Nagulat siya at di makasagot. And silence means yes so sure na ako. At isa pa, I can see it in her eyes, di naman siya iiyak nang ganon kung di dahil doon sa lintik na Ex niya. Kahit papaano naman ay kilala ko na si Misa.
Hindi sinagot ni Misa ang tanong ko. Yumuko lang siya at muling tumulo ang luha niya. Agad ko siyang niyakap at lalo pang lumakas ang iyak niya. Di ko talaga makayanan to. Parang gusto kong basagin ang mukha nung lalaking iyon. Parang nabibiyak ang puso ko pag naririnig ko siyang umiiyak. Matagal kaming nanatiling magkayakap. Matagal din bago ko siya napatahan. Lumabas ang mommy niya at may dalang juice. Kinabahan tuloy ako kasi baka isipin niya na ako nagpaiyak sa anak niya.
“Oh Nico, buti nandito ka.” Sabi ng Mommy niya sabay lapag ng mga baso sa mesa.
“Hi tita.” Sabi ko na lang.
“Misa, tingnan mo nga sarili mo, pumasok ka doon at mag ayos. Nakakahiya kay Nico.” Sabi ng mommy niya. Wala na akong nasabi pagkat kinakabahan talaga ako. Agad namang pumasok si Misa at nginitian ako.
“Nico maupo ka, magusap tayo.” Sabi ni Tita. Lalo akong kinabahan pero agad akong umupo.
“Alam mo ba kung bakit umiiyak yung anak ko?” tanong ni Tita. Nawala naman ang kaba ko dahil at least alam niya na di ako ang dahilan ng pagiyak ni Misa.
“Dahil po ba sa ex niya?” tanong ko. Napabuntong hininga ang mommy niya at uminom ng juice.
“Alam mo, yang batang iyan, mahal na mahal niya si Vince. Halos araw araw kinukwento niya yung mga nangyayari sa kanila. Nagsawa na nga ako sa pangalang Vince eh. Ang saya saya niya noon. Pero sa umpisa pa lang eh ayaw ko na doon sa lalaking iyon, pero di ko sinasabi sa kanya dahil ayokong makialam.” Sabi ni Tita. Lumingon siya sa bahay para i-check si Misa sabay lingon ulit sa akin.
“Isang araw, bigla na lang di lumabas ng kwarto si Misa. Nagtaka ako kasi usually bumababa na iyon for breakfast. Umakyat ako sa kwarto niya. Di ako agad kumatok. Nakiramdam muna ako. Narinig kong umiiyak siya. Kinatok ko siya at agad huminto ang pagiyak niya. Medyo matagal din akong naghintay pero binuksan din niya ang pinto.” Muli nanamang humigop ng juice si tita at napayuko.
“Alam mo ba kung anong itsura niya nung lumabas siya? Nakangiti siya. Medyo maga ung mata niya pero malamang iisipin ng iba na dahil bagong gising siya. Pero nanay niya ako, nakikita ko sa mga mata niya ang totoong feelings niya. Tinanong ko siya kung ok lang siya at agad naman siyang sumagot ng ‘Ok lang ako mommy’ at nakangiti pa. Hindi ko na nakayanan at agad ko siyang niyakap. Sabi ko ‘its ok anak, tell me.’ Di na niya napigilan at umiyak talaga siya ng todo. Naawa ako sa anak ko talaga. Since that day, naging tahimik siya. Nasaktan talaga siya.” Halos maiyak na din si tita habang sinasabi niya iyon. Naiintindihan ko si tita kung bakit niya sinasabi ito sa akin. Ayaw na niyang muling masaktan ang anak niya. At wala naman akong balak gawin iyon. Masakit din sa akin pag nakikita kong nasasaktan si Misa.
“Alam mo iho, nung una pa lang kitang makita, magaan na ang loob ko sa iyo. Siguro dahil nakita ko ulit ang pagiging masayahin ni Misa dahil sa iyo. Alam kong gusto ka niya. Nakikita ko naman iyon kahit di niya sabihin.” Sabi ni tita, muli nanaman siyang napabuntong hininga.
“Isa lang ang pakiusap ko sa iyo. Di ako hihingi ng kung ano ano sa iyo. Ang gusto ko lang, alagaan mo si Misa. Make her happy. Wala na akong mahihiling pa.”
Di ako makapagsalita sa sinabi ni Tita. She just entrusted her daughter to me. Mahal na mahal niya talaga si Misa. I know she wants the best for her. Masaya din ako sa sinabi ni tita. I am more than willing to take care of her daughter. Hinding hindi ko sasaktan si Misa.
“Tita, don’t worry. Alam ko we’re just friends, but I’ll definitely take care of Misa. Kanina po nung nakita ko siyang umiiyak, parang mabibiyak po ung puso ko. Hindi ko siya kayang makita na nasasaktan. I promise hindi ko po siya paiiyakin. pero baka naman siya yung magpaiyak sa akin.” biro ko. Napangiti si Tita at tinapik ako sa balikat.
"So kung sakaling masaktan ka nga? anong gagawin mo?"
"I'll accept it. Wala po akong magagawa. 18 years, natiis ko na ako lang magisa. Ano po ba naman kung maghintay pa ako ng konti."
“But you know, Misa is sincere with her feelings. She always is. Alam mo, yang batang iyan, she’s strong. Kaya nga nag aalala ako eh. There are times na hindi ko alam na may problema siya. Palagi niya kasing pinapakita ang positive side niya. I just caught her off guard dati kaya napansin ko. But no matter how strong she maybe, may limits pa rin iyon. That’s why I want her to be happy. I know she will be happy with you. I don’t know pero I can feel it.” Sabi ni tita. Napangiti lang ako sa sinabi ni tita.
Matapos ang ilang sandali ay lumabas na si Misa. Nakangiti na ito at parang hindi man umiyak.
“Oh, pasok na ako. bahala na kayo diyan.” sabi ni tita at nilapitan ang anak niya at hinalikan siya sa noo. Agad namang umupo si Misa sa tabi ko.
“Okay ka na?” tanong ko.
“Yup. Thanks to you.” Sabi niya. Hinawakan ko ang isang kamay niya.
“Alam mo, pinakaba mo ako kanina. Di kita kayang Makita na umiiyak. Masakit.”
“Talaga? Sorry. Di ko talaga mapigilan. Buti na lang dumating ka.”
“Naalala mo pa ba siya?” tanong ko. Di siya agad nakasagot. Tumungin siya sa malayo at napabuntong hininga.
“Nakita ko kasi siya kahapon. Kasama yung babaeng pinalit niya sa akin. Nagkatinginan kami pero di niya ako pinansin.” Napansin ko na napapaluha ulit si Misa.
“Hay naku, yang lalaking yan palagi kang pinapaiyak.” Sabi ko at nagbigay ako ng napakorning joke. Sa sobrang korny eh ayoko nang tandaan pa. Pero nagulat na lang ako nang tumawa si Misa. Tawa siya ng tawa to the point na pati ako napatawa na rin. Di ko maintindihan, mababaw talaga kaligayahan ng babaeng to. Nakakahawa pa dahil pati ako tawa ng tawa.
Matapos sumakit ung tiyan namin sa kakatawa, katahimikan naman ang sumunod. Nakatingin kami sa isa’t isa pero walang nagsasalita. Ano ito patibayan at pagalingan sa pagpigil ng tawa? For sure mananalo ako, hari yata ako ng NR (no reaction). Matapos ang ilang sandali ng pagtitinginan, natalo siya, napatawa siya. Ewan ko ba, may tama na yata to? Pero in fairness, ang cute niya sobra.
“Ang cute cute mo talaga.” Sabi ko at pinisil ko ung ilong niya.
“I know. Ikaw din naman eh. Mas cute nga lang ako.” Banat naman niya.
“Alam mo, para kang sira. Kanina lang umiiyak ka tapos ngayon naman tawa ka ng tawa. Ang babaw talaga ng kaligayahan mo, nakakahawa tuloy.”
Nawala naman ang ngiti sa labi niya at hinawakan ang kamay ko. Nagkatinginan kami ulit. Parang gusto ko siyang halikan pero di pwede. Kailangang mag focus. Deep breathing.
“Napano ka?” tanong niya.
“Ako? Wala naman. Ok ka lang ba? Nawala nanaman ngiti mo eh.”
“Thank you.” Sabi niya bigla.
“For what?”
“For everything. I’m glad you came to my life. You’re a life saver.”
Ako naman na Eng-eng di ko ma-gets kung bakit bigla na lang siya nag thank you. Dahil ba napahinto ko siya sa pagiyak? Big deal ba yun?
“Ano ka ba. Wala naman akong ginawa.”
“Akala mo lang yon.”
Lalo pa niyang hinigpitan ang hawak sa kamay ko. Di ko talaga maintindihan tong babaeng to.
“I love you Nicks.”
Ano daw? Kunyari pa kong di ko narinig. Pero parang pumalakpak ang tenga ko sa narinig ko. Biglang dumaloy ang dugo ko at nag concentrate sa isang part; sa heart? Malamang.
“Ha? Paki ulit. Di ko narinig.” Sabi ko.
“Huwag na, nasabi ko na eh. Kakahiya.”
“Ano ba yon? Di ko naman narinig eh.”
“Kasalanan ko ba? Ikaw tong di nakikinig eh.”
“Sige na please. Bulong mo lang.”
Lumapit naman siya sa akin. Inilapit ko din ang ulo ko para naman maabot niya agad.
“I- LOVE- YOU.” Bulong niya. Sabay kiss sa cheeks ko.
Ako naman gulat effect daw. Nagkunwari akong di makagalaw at nakatunganga lang. Ni hindi ako kumukurap.
“Huy Nicks ok ka lang?” tanong niya sa akin.
“Hindi eh.” Sabi ko
“Sorry na. Na-carried away lang ako.”
“Hindi yon.”
“Eh ano?”
“Ung kabilang pisngi ko nagselos. Bakit ung kaliwa lang daw ung may kiss.” Sabi ko. Tawa naman ng tawa si Misa. Hay nako. Malala na to.
“Kawawa naman siya. Lapit ka right cheek ikikiss din kita.”
Ako naman na masunuring tao ay inilapit agad ang right cheek ko sa kanya. Nakapikit pa ko kunwari at naghihintay. Dumilat na lang ako nung na tanggap na ni right cheek ung kiss niya.
“Yan, ok na sila. Ok na din ako.” Sabi ko.
“Hihi. Kalog ka talaga. Kaya tawa ako ng tawa pag andito ka eh.”
Nagkatinginan ulit kami. Parang may gusto siyang sabihin pero nagaalangan siya. Tinaas baba ko ng paulit ulit ang kilay ko at natawa nanaman siya.
“Iiihy. Yan ka nanaman nagpapatawa ka.” Sabi ni Misa.
“May gusto kang sabihin eh. Sige sabihin mo na.”
“Wala noh.” Deny niya.
“Asus, kilala na kita. Sige na sabihin mo na.”
“Uhm, di ba sabi ko I –ove u.”
Ano daw? May pa bulol effect pa. nahiya pa siya eh dalawang beses na niya sinabi kanina.
“Ano? Anong I –ove u?”
“I LOVE YOU.” Sabi niya with emphasis.
“Ah. Oo nga nasabi mo. Uunahan na kita sa tanong mo. I-“ bitin ko.
“I?” tanong niya.
“Love.”
“You too.”
Here we go again. Di nanaman maipinta ang ngiti sa mukha niya. Ewan ko ba dito. Pero Masaya din ako. So she loves me and I Love her, so ano na? Di pa nga ako nanliligaw. Tingin ko itatanong nanaman niya iyon, parang nung dati lang.
“Uhm Nicks, So, I love you, and you love me, so ano na tayo?” tanong ni Misa. Oha? Sabi ko na nga ba eh.
“Married?” biro ka naman at tawa siya ng tawa.
“How I wish.” Sabi naman niya.
“Talaga? Ikaw ha ang bilis mo.”
“Joke lang. ikaw talaga. Manligaw ka muna kaya.”
Nakakahiya, siya pa ang nag suggest. Plano ko naman talaga yon eh. Naalala ko tuloy ung sabi ni Paul na hindi siya ang gagawa ng first move. Eh anong tawag dito?
“Kailangan pa ba?” biro ko. Parang napasimangot naman siya at kunwari nagtatampo na parang bata.
“Joke lang. what do you expect? You’re special to me. So kailangan ko paghandaan ang panliligaw ko. Di pa nga kita natatanong kung pwede ba akong manligaw. Pero don’t answer yet. Tatanong ko sa right time.”
“Don’t worry, my answer will always be YES.” Sabi ni Misa.
Pagkatapos non ay umuwi na ako. Pero bago ako bumalik sa apartment eh ininvite ko muna siya na magpunta doon sa Friday, para naman mapakilala ko na siya sa tatlong unggoy na nandoon. At doon ko din balak umpusahan ang aking panliligaw.
Pagkauwi ko, naabutan ko ung bestfriend kong si Paul na nakatungaga sa sala. Oras na para gumanti kaya agad akong lumapit sa kanya at binatukan siya.
“Arawch!” sabi niya. Arawch? Hay nako sister.
“Nakatungaga ka diyan? Anong meron?”
“Tol! Tol! Tol!”
“Ano?!”
“Nayaya ko si Aya lumabas kanina. I’m so happy!”
“Talaga? Nagtapat ka na?”
Ang kakaibang ngiti niya napalitan ng simangot. Haha! Sabi ko na nga ba.
“So hindi pa. amazing! Pano mo siya niyaya?”
“Wala lang. Sabi ko samahan niya akong kumain. Pumayag naman siya.”
“Di kaya napilitan lang iyon?”
“Siguro. Pero siguro nung una lang. kasi nagenjoy naman kami eh.”
Ikwinento nga sa akin ni Paul ang nangyari. Sa pananalita niya mukha nga namang nagenjoy si Aya. Di din naman mahirap pakisamahan tong kaibigan ko. Matapos non ay sinabi ko sa kanya ang plano ko sa Friday. Siyempre given na yung pagpunta ni Misa dito. At siyempre, ang umpisa ng panliligaw ko.
No comments:
Post a Comment