(Chapter 10 at last! sensya na natagalan.)
A Wonderful Life
By: Nico and Paul
Chapter 10: Happy Days
Araw na ng debut ni Misa. Sinundo niya ng mas maaga ang mga Girls sa apartment ng mas maaga. Kinailangan kasi ni Misa ang tulong nila para makapaghanda. Dala dala ang mga damit na isusuot nila at iba pang mga gamit, sumakay na sila sa SUV nina Misa. Naiwan naman ang apat na boys sa kanilang apartment. Magtatanghali pa lang naman at sa hapon pa gaganapin ang debut. Kanya kanyang pwesto ang mga boys sa sala habang naguusap.
“Tol, diba binigyan mo na ng gift si Misa para sa birthday niya? Pano yan? Bibigyan mo ba ulit?” tanong ni Paul.
“Aba natural! Pero ang ibibigay ko ngayon iba. Priceless siya.” Sagot ni Nico.
“Talaga? Ano ba?” tanong ni Paul.
“Ah, basta malalaman niyo rin. Kaya nga palagi akong may dalang camera pag magkasama kami eh.” Sagot ng binata at napangisi si Paul.
“Ah, tingin ko alam ko na.” sabi ni Paul.
“Talaga? Sige nga?” hamon ni Nico.
“Picture niyo no?”
“Nope. Its more special.” Sagot naman ni Nico. Napakamot na lang si Paul. Napansin nilang medyo tahimik si Kiko. Siya kasi ang pinakamadaldal kaya nagtaka sila kung bakit tahimik ito.
“Kiks, musta kayo ni Ysa?” tanong ni Chics.
“Ha? Ahm, okay naman kami. Close narin kami.” Sagot ng binata.
“Ow? Pano mo nasabing close na kayo?” tanong ni Paul.
“Araw araw kaya sabay sila umuuwi ni Kiko.” Sabi ni Chics.
“Ah talaga? Di ko man napapansin.” Sabi naman ni Nico.
“Oo sabay kami umuuwi araw araw until a week ago.” Sabi ni Kiko at napatingin lahat sa kanya.”
“Ha? Anong nangyari? Nagaway kayo?” tanong ni Paul.
“Hindi. May Jay na kasi siya. Lintik yang lalaking yan. Nakakainis!” sumbat ni Kiko at sinuntok ang sofa.
“Easy lang Kiks. Sila na ba?” tanong ni Nico.
“Hindi pa! Pero halata namang masaya si Ysa pag kasama niya si Jay eh. Ano nga ba namang karapatan kong makialam?” sabi ni Kiko habang nakakunot ang noo at magkasalubong ang mga kilay.
“Teka, umamin ka na ba kay Ysa?” tanong ni Nico.
“Oo.” Sagot naman ni Kiko.
“Talaga? Kailan?” tanong ni Nico. Tumingin saglit sa kanya si Kiko at napayuko muli.
“Umamin na siya, pero sa text lang. Tapos hindi man siya nagpakilala.” Sagot ni Chics at napabuntong hininga naman si Nico at Paul.
“Hindi naman sa ganon. Sinabi ko na hindi ako magpapakilala pero starting doon sa day na umamin ako, ipaparamdam ko sa kanya na gusto ko siya tapos siya na ang bahalang magdetermine kung sino ako. Pero dahil sa ume-epal yang lintik na Jay na yan, malamang isipin ni Ysa my love na si Jay yung nagtext sa kanya.” Sabi ni Kiko habang nakakunot pa rin ang noo.
“Yan kasi! Torpe moves! Hay nako!” banat ni Paul at napatingin sa kanya si Kiko.
“Nagsalita!” sumbat ni Kiko at nabura ang ngiti sa mukha ni Paul.
“Bakit anong meron?” tanong ni Nico.
“Kasi nagentertain na rin ng manliligaw si Aya eh.” Sagot ni Kiko.
“Oo pare. Nagbackfire yung plano ko eh. Pero lang ya ka Kiks! Umamin na kaya ako sa kanya.” Sabi naman ni Paul.
“Pano yan? Anong gagawin mo?” tanong ni Nico.
“Ewan ko nga eh. Kung inentertain niya yung Marvin na yon, malamang interested din siya sa kanya at hindi sa akin. So hindi ko na ipipilit ang sarili ko. Pero tuloy ang plano namin ni Danica. Plan B to.” Paliwanag ni Paul.
“Plan B?” tanong ni Chics.
“Na-anticipate na namin to eh. Dahil nga marami siyang manliligaw. So operation pagselosin si Aya ang drama naming dalawa ngayon with increased intensity. Kung hindi siya magselos eh di it means may gusto talaga siya kay Marvin at di sa akin. Pero kung napansin kong nagseselos na siya, hihinto na kami ni Danica.” Sabi ni Paul.
“Ay nako, Bahala ka diyan. Pero wish you luck tol. Teka, kasama ba si Claire sa debut?” tanong ni Nico.
“Ah, oo, dinaanan siya niyan nina Ate Misa.” Sabi ni Chics.
“Uy malapit na yung anniversary niyo ah, anong balak mo?” tanong ni Kiko.
“Ah, wala pa nga eh. Hingi sana ako ng advise sa inyo eh. Pero kasi pansin ko parang nagiging cold na siya sa akin.” Sabi ni Chics.
“Cold? Eh parang nga siyang bulateng nabudburan ng asin nung bumibili siya ng gift para sayo eh.” Sabi ni Nico.
“Talaga? Bumili siya?” tanong naman ni Chics.
“Oo, pero di ko sasabihin. Secret yon eh.” Sabi ni Nico.
“Okay lang. Pero wala lang napapansin ko lang naman. Sana naman walang issue dito.” Sabi ni Chics.
“Okay lang yan. Think positive.” Sabi ni Kiko. Di naman makasali si Paul sa usapan pagkat alam niyang may problema nga si Claire.
4 pm na nang magumpisa nang maghanda ang apat. Kanya kanya ng porma ang mga boys. Matapos ang mahigit isang oras na paghahanda, lumabas na sa kani-kanilang mga kwarto ang apat. Nagtinginan sila at napangiti.
“Ayy, fafa Paul!” sigaw ni Nico.
“Ayy fafa Nico!” sigaw naman ni Paul. Nakisali din si Kiko at Chics at nagtilian ang apat na parang mga babae. Tawa ng tawa ang apat. Matapos ang kanilang kalokohan ay bumaba na at lumabas ng apartment.
Nakasakay na ang apat sa kotse n Paul. Nakaupo sa passenger seat si Nico at si Kiko at Chics naman ay nakapwesto sa likod.
“Tol, sunduin pa natin si Danica niyan.” Sabi ni Paul.
“Talaga? Wow, so sasama talaga siya ha. Bakit di na lang kasi si Danica ang ligawan mo?” tanong ni Nico.
“Tol, nililigawan ko na kaya siya. Fake nga lang.” sagot naman ni Paul.
“Hay, ewan ko sayo.”
“Tol, mahal ko talaga si Aya eh.” Sabi ni Paul at natulug-tulugan si Nico. Nakita naman ito ni Kiko at Chics at ginaya ang Kuya nila.
“Hindi ko siya kayang pakawalan talaga. Lalo na at nakikita ko na may gusto rin siya sa akin. Alam mo yon tol? Shes too precious to me. Oo Danica is a great person, may substance, an ideal girl for every man, pero she is not Aya. Siguro kung una kong nakilala si Danica. Pero oo una ko nga siyang nakilala pero magkaaway kami noon. Pero kasi may gusto na ako kay Aya eversince highschool eh. Iba pa rin talaga si Aya tol eh. I leally leally like it, este, her pala.” Sabi naman ni Paul. Napatingin siya kay Nico at nakitang tulog ito at humihilik pa.
“Tol? Nakikinig ka ba?” tanong ni Paul. Napatingin siya sa likod at nakitang ganon din ang ginagawa ng dalawa.
“Ah ganyanan?” sabi ni Paul at biglang nag break. Nasubsob ang dalawa sa likod at si Nico naman ay nagulat.
“Shet! what happened?” tanong ni Nico at napangisi lang si Paul.
Ilang sandali pa ay nakarating na sila sa bahay nina Danica. Agad pinapasok ang kotse niya sa loob. Ang tatlong kasama ni Paul, nagmistulang taong gubat na ngayon lang napunta sa siyudad. Manghang mangha sila sa laki ng bahay ng dalaga. Lumabas ang apat sa kotse at naghintay. Nakasandal lang sila sa kotse ni Paul. Lingon pa rin ng lingon ang tatlo pagkat talagang napakalaki ng bahay nina Danica. Ilang sandali pa ay lumabas na si Danica. Napatingin ang apat sa kanya. Kung gaano namangha ang tatlo sa bahay, mas grabe pa ang pagkamangha nila nang makita ang dalaga. Pati si Paul at natulala. Unti unting naglakad ang dalaga palapit sa kanila. Mahinhin ang lakad nito at parang nahihiya pa. Lumapit sa kanya si Paul at hiningi ang kamay nito. Napangiti lang si Danica at inabot ang kamay niya. Sabay naglakad ang dalawa palapit sa kotse.
“Wow!” sabay na bigkas ng tatlo.
“Ang ganda pala talaga ni Danica no tol?” tanong ni Nico kay Paul. Napangiti lang ang binata at pati si Danica napangiti at napayuko. Binuksan ni Paul ang pinto sa passenger seat at pinaupo ang dalaga doon. Sumakay na rin ang tatlo sa likod. Nahihiya pa rin si Danica. Hinawakan ni Paul ang kamay niya at napatingin ang dalaga sa kanya.
“Its okay, your pretty so wag kang mahiya.” Sabi ni Paul. Namula naman si Danica at muling niyuko ang kanyang ulo.
Halos 45 minutes din bago sila nakarating. Malayo kasi ang venue at dagdag pa ang traffic. Matapos ipark ang kotse, bumama na ang lima.
“Oh, yung mga birthday message niyo para kay Misa ah. Kasama kayong tatlo sa 18 roses” Sabi ni Nico.
“Don’t worry tol. Pinraktis ko na kagabi.” Sabi ni Paul.
“Ikaw ba hindi ka kasali?” tanong ni Kiko kay Nico.
“Shongek boyfriend niya si Nico natural kasama siya! Hay Kiko, isang bagay na meron kami at wala ka, utak!” sumbat ni Paul at nagtawanan lang sila.
“Tol, di mo ba dadalhin yang gift mo?” tanong ni Paul.
“Ah, diyan na muna yan sa sasakyan. Mamaya ko na lang kunin.” Sagot naman ni Nico. Pumasok na ang lima sa loob.
Marami nang tao sa loob. Nasa isang mesa nakaupo sina Aya. Si Gela naman ay kasama si Misa at tinutulungan siyang magayos. Nakukwentuhan ang mga girls sa round table nang may biglang pumasok mula sa two door entrance papunta sa reception hall na yon. Napatingin ang grupo nina Aya. Bukod sa kanila, marami ring tao ang napatingin sa mga papasok na bisita. Halos mapanganga ang mga girls. Ngayon lang nila sila nakitang nakaporma ng ganon.
Isa isang pumasok ang lima sa reception hall. Nakahawak si Danica sa braso ni Paul. Naglakad sila palapit. Si Kiko, Nico, Paul, Danica at Chics ay sabay at nakalinyang naglalakad patungo sa mesa nina Aya. Nakatingin halos lahat ng tao sa kanila. Si Chics ay naka putting amerikana at black na polo at necktie na nagbigay sa kanya ng kakaibang dating. Si Nico naman ay nagmukhang matikas at makisig sa kanyan all black tuxedo. Si Paul ay naka all white na amerikana, pati necktie niya ay white na nakasilaw sa mga kababaihan. Si Kiko naman ay astig at maangas ang dating sa suot niyang black and white attire. Maraming lalaki ang nakatingin sa direksyon ni Danica. Suot niya ay light green shoulderless dress na nagbigay sa kanya ng inosente ngunit kabighabighaning dating. Cute na cute din ang itsura ng dalaga sa kanyang buhok na nakatali ang likod pataas na parang asian style haircut.
Lumapit na ang lima sa round table nina Aya at nakatingin pa rin ang karamihan sa kanila. Parang nakaramdam ng kirot si Aya nang makitang nakakapit si Danica kay Paul. Inalis na lang niya ang tingin niya at tumingin sa malayo.
Naupo na ang lima sa round table. Katabi ni Aya si Paul, kasunod naman ng binata si Danica, Nico, isang bakanteng upuan tapos si Chics at Kiko. Katabi ni Kiko si Ysa at Claire. Katabi ni Aya ay isang pamilyar na lalaki na may kausap sa phone. At isa namang bakanteng upuan sa tabi nito na malamang ay para kay Gela. Tumingin si Paul kay Aya. Alam niyang manliligaw ni Aya ang katabi niya pero patay malisya na lang siya.
“Sino yan? Boyfriend mo?” tanong ni Paul.
“Ah, Hindi. Classmate ko si Marivin.” Sabi ni Aya.
“Talaga? Classmate lang?”
“Manliligaw.” Sagot ni Aya. Napahinto saglit si Paul. Parang may koryenteng dumaloy sa katawan niya. Nagpanggap na lang siya na parang walang nangyari at ngumiti.
“Uyy.. Ikaw ha. Pero kilatisin ko muna dapat yan ah.” Sabi ni Paul.
“Okay lang. Mabait naman siya. Classmate rin namin siya ni Misa eh. Eh si Danica, sinagot ka na ba?” tanong naman ni Aya.
“Ah, hindi pa pero malapit na.” sagot ni Paul. Biglang may naramdamang kirot si Aya sa sinabi ng binata.
“Ah, goodluck. Sana sagutin ka niya. Bagay kayo.”
“Kayo rin. Pero di ko pa alam ugali niyan ah. “ sabi ni Paul.
“Mabait siya, teka pakilala ko.” Sabi ni Aya at sakto namang binaba na ni Marvin ang phone. Tinawag naman ni Aya ang atensyon ng mga lalaki.
“Uhm, excuse me guys, uhm eto pala si Marvin, classmate namin ni Gela at Misa. Marvin, si Nico, bestfriend ni Gela, si Kiko at Chics, pinsan ni Gela.” Sabi ni Aya at humarap kina Paul.
“Tapos si Paul at Danica.” Sabi ni Aya. Tumango si Marvin at ngumiti. Ganon din naman ang ginawa ng mga boys at kumaway lang si Danica.
“Pare, nililigawan mo ba si Aya?” tanong ni Nico. Napangiti si Marvin at parang nahiya.
“Oo. Okay lang ba?” tanong niya.
“Aba, bakit ka nagpapaalam sa akin? Si Paul tanungin mo.” Sabi ni Nico at lumingon si Marvin kay Paul.
“Ako? Bakit sakin? Wala naman akong karapatang diktahan si Aya no. Magkaibigan lang kami.” Sabi ni Paul.
“Pero pare, alagaan mo si Aya ha. Pag may nabalitaan akong pinaiyak mo siya, hu-huntingin ka naming apat.” Sabi ni Paul at napangisi sina Nico. Namula naman si Aya at napayuko lang.
“Don’t worry pre. I wont make her cry. I promise.” Sagot naman ni Marvin. Tumayo bigla si Paul at nagulat si Aya. Hinawakan naman siya ni Danica pero sinabi ni Paul na okay lang. Nakatingin lahat sa kanya at lumapit siya kay Marvin. Tumayo siya sa harap ni Marvin at iniangat ang kamay niya; para makipagkamay. Napangiti lang ang lahat maliban kay Aya. Tumayo din si Marvin at nakipagkamay kay Paul.
“Pare, promise mong hindi mo siya sasaktan.” Sabi ni Paul. Inalis ni Aya ang tingin niya kay Paul. Napapaiyak na siya pero pinigilan niya. Napansin naman ito ni Danica.
“Hindi pa kami pero don’t worry, sagutin man niya ako o hindi, never ko siyang sasaktan. I promise.” Sabi ni Marvin. Tinapik ni Paul si Marvin sa balikat at bumalik na sa kanyang upuan.
Tahimik na lang si Paul sa mga oras na yon. Pasulyap sulyap siya kay Aya paminsan minsan pag pinapatawa siya ni Marvin. Lalong tumindi ang sakit na nararamdaman niya. Matapos ang ilang minuto, nagiba bigla ang music. Nagdilim ang paligid. Napatingin si Paul sa upuan ni Nico pero wala siya doon. Kasabay naman nito ang pagbalik ni Gela. Hindi man lang niya napansing umalis ito para puntahan si Misa. Biglang nagfocus ang spotlight sa hagdan. Biglang huminto ang musika at tahimik ang buong reception hall. Matapos ang ilang segundong katahimikan, biglang may tumugtog na malumanay na musika. At dito na lumabas si Misa na hawak ang braso ng Daddy niya. Nakapink na long gown ang dalaga pagkat ito ang paborito niyang kulay. Nakangiti ito habang unti unting bumababa sa hagdan. Pagbaba nila sa unag bahagi ng hagdan, bigla silang huminto. Doon naghihintay si Nico, na napakaliwanag ng mga mata habang nakatingin sa kay Misa. Lumapit ang dalaga at ang kanyang ama sa binata.
“Good evening po.” Bati ni Nico sa tatay ni Misa. Tumango lang ang daddy ng dalaga at napangiti.
“Ikaw nang bahala sa dalaga ko ha.” Sabi niya. Humawak sa braso ni Nico si Misa. Tinapik lang ng daddy ni Misa ang binata sa balikat. Napangiti silang pareho at naglakad na ang dalawa pababa sa huling bahagi ng hagdan.
Palakpakan ang mga tao habang pababa sina Nico at Misa. Sa likod nila, bumababa rin ang parents ni Misa. Nang makarating sa baba, kumaway lang ang dalawa sa mga bisita.
“Parang kasal lang no? Hinatid ka ni DADDY papunta sa akin” Hirit ni Nico at napangiti si Misa.
“Sira, wag mong tatawaging daddy yon baka atakihin pa siya sayo.” Biro ng dalaga.
“Ha? Bakit sa mommy mo pwede?”
“Eh kasi po para sa kanya ako pa rin ang baby niya. Nakakahiya nga eh.”
“Pareho pala kami. Ikaw rin ang baby ko eh.” Banat naman ni Nico at pinalo siya ni Misa sa braso.
“Sira.” Sabi ng dalaga.
“You’re officially eighteen. Happy 18th birthday Mimi.” Sabi ni Nico.
“Thank you Coco.” Sagot ni Misa at hinalikan sa cheeks ang binata. Tinukso naman sila ng mga bisita. Tumawa lang ang dalawa at naglakad na papunta sa table ng mga magulang ni Misa.
Habang nakaupo, nagplay muna ng presentation ang mga magulang ni Misa. Nagulat ang dalaga pagkat hindi niya alam to. Pinakita ang slideshow ng mga pictures niya magmula baby siya. At may mga inspirational message rin galing sa mga kaibigan at magulang ng dalaga. Lalo pa siyang nagulat at tuluyan ng napaluha nang makita niya ang mga pictures nila ni Nico na kasama sa slideshow. Inakbayan lang siya ni Nico at lalo silang tinukso ng mga bisita.
Pagkatapos ng presentation, isa isang nagbigay na ng birthday message ang mga malalapit sa dalaga. Una ang 18 roses. Unang nagbigay ng speech ang kanyang Ama, sunod ang kanyang lolo at mga pinsan na lalaki. Huli namang nagbigay ng mensahe sina Chics, Kiko at Paul. Pagkatapos ni Paul, tumayo na si Nico at pumunta sa gitna. Ipinasa sa kanya na ni Paul at mic sabay tapik sa balikat niya. Ngumiti siya at tumingin kay Misa. Sigawan naman ang mga tao.
“Ah, goodevening po sa lahat ng nandito. Sa mga kaibigan at kapamilya ni Misa, godbless you all.” Sabi ni Nico at nagtawanan ang mga bisita.
“I’m supposed to give a birthday message for Misa, pero hindi ako nakapagisip. So I will just say everything that I feel for her from my heart.” Bigkas ng binata at lalo pang nagsigawan ang mga tao.
“We first met on a blind date which was set by Gela, my bestfriend.” Sabi ni Nico at tumingin saglit kay Gela. Napangiti lang ang dalaga sa bestfriend niya.
“From the very start, there was already some kind of connection between us. Never akong na-ilang sa kanya at kahit na mahiyain ako. Nagclick kami agad at we became close friends. But I already knew that there was something else. Then suddenly naging kami. Although she was crying at that moment since she’s a natural cry baby, I know she was very happy. That moment was so magical. It was the happiest day of my life.” Sabi ni Nico. Lalo pang napaluha si Misa pero nakangiti ito.
“We started dreaming together, and walking together in a new path of our lives. I treasure each and every single memory that I have with her. You’re the only person that makes me look forward to waking up every morning. You’re the only person that inspires me in everything that I do. You’re the only person that fills the ventricles of my heart with love. I am very thankful that we’ve crossed paths, and now, walking the same. You will always be the one and only girl in my life and in my heart. You will always be my Mimi. And you will always be my CLOUD. Happy happy birthday Mimi. Don’t worry, I certainly assure you na palagi akong nandito sa lahat ng magiging birthdays mo. I Love you.”
Natapos na sa pagsasalita si Nico at ang lakas ng palakpakan ng mga tao. Bumalik na si Nico sa table nila pero bigla na lang tumayo si Misa at niyakap ang binata. Nagsigawan ang mga tao at tinutukso ang dalawa. Naupo ang dalawa at nakayakap si Misa sa binata.
“That was so touching.” Sabi ni dalaga.
“Basta para sayo. But don’t cry its your special day today.” Sabi naman ni Nico.
“Eh ano kasing magagawa ko eh pinaiyak mo ako. Crybaby ako diba?” sabi ni Misa at napangiti si Nico.
“Hindi pinagisipan ha.” Bulong ni Misa.
“Eh hindi naman talaga eh. On the spot yon no. ikaaaaw talagaaa!” sabi ni Nico at pinisil nanaman ang ilong ng dalaga.
Pagkatapos magsalita ng 18 roses, 18 candles naman. Nauna ang Mommy ni Misa, kasunod ang Lola niya at kamaganak na babae. Huling nagsalita sina Claire, Ysa, Aya at Gela. Pagkatapos magbigay ng birthday message ng 18 candles ay hinipan isa isa ni Misa ang mga kandila, nagumpisa na ang cotillion.
Nagumpisa nang tumugtog ang musika at nakalinya ang 18 roses habang isa isa nilang isinayaw ang dalaga at inalayan ito ng rosas. Huling sumayaw ay si Nico at Misa. Sa kanila nakatuon ang atension ng lahat ng nasa reception hall. Ang sweet nila tingnan at halatang masayang masaya si Misa.
Matapos ay nakisali na ang mga kaibigan ni Misa sa sayaw. Sumayaw si Paul at Aya. Nagkakailangan pa ang dalawa habang sumasayaw. Si Misa naman ay sinayaw ng daddy niya kaya. Uupo sana si Nico pero nilapitan siya ni Gela. Ngumiti si Nico at inalay naman ni Gela ang kamay niya. Hinawakan ng binata ang kamay niya at nag umpisa na silang magsayaw.
“Ganda ng message mo kanina ah. Nakaktouch.” Sabi ni Gela.
“Hindi naman. Impromptu nga eh.” Sagot ni Nico.
“Ow? Parang hindi naman.”
“Promise. Ngayon lang talaga sumagi sa isip ko yung mga yon. Pero totoo lahat ng sinabi ko.”
“I know. Naalala ko tuloy yung debut ko. Ikaw din escort ko non diba?” sabi ni Gela. Tumango lang ang binata at ngumiti.
“That was the happiest day of my life.” Bigkas ng dalaga at napatingin sa kanya si Nico.
“Really? Sa bagay minsan lang naman mag debut ang mga babae.” Sabi ni Nico.
“Oo nga. Pero masaya din ako kasi ikaw yung escort ko.”
“Talaga?”
“Yup.” Sagot ni Gela. Natahimik na lang ang dalawa habang nagsasayaw. Nilasap ng dalaga ang sandaling iyon na kasayaw ang lalaking minamahal niya.
Isa isang sinayaw si Misa ng mga kaibigan at kamaganak niya. Sina Nico at Gela ay nagsasayaw pa rin. Nagsasayaw rin sina Paul at Aya nang biglang lumapit si Marivin.
“Pre, pwede ba?” tanong ni Marvin. Tumango lang si Paul at binitawan si Aya. Nakita niya si Danica at hinila ito para sumayaw. Agad namang humawak ang dalaga sa kanya at nagsayaw ang dalawa.
“Tuloy pa ba ang plano?” tanong ni Danica.
“Oo. Pero hindi ko alam. Ayaw ko silang guluhin eh.” Sagot ng binata.
“Alam mo, she just turned into a 1st quarter moon.” Sabi ng dalaga.
“Ha?”
“Napansin ko lang kanina. Halatang affected siya nung makitang magkasama tayo.” Sagot ni Danica.
“Talaga? Parang ako yata yung affected nung makita sila eh.” Sagot naman ni Paul. Ilang sandaling tahimik ang dalawa. Matapos ang ilang sandali ay nagsalita si Danica
“Pao? What if sinagot na niya si Marvin? Anong gagawin mo?” tanong ng dalaga.
“Well, I guess tayo na lang” sabi ni Paul at nanlaki ang mata ni Danica. Bakas ang pamumula ng kanyang mga pisngi at hindi siya makapagsalita.
“Joke!” biglang bitaw ng binata at napasimangot si Danica pero hindi nagpahalata.
“Kung sasagutin man niya si Marvin, I guess I would just have to respect her decision. I know eventually makakapag move on ako. At isa pa, bata pa kami. Hindi ko naman hihilingin na maghiwalay sila Marvin at Aya kung sakali, pero kung kami talaga ni Aya para sa isat isa, magiging kami rin. Pero kung hindi, eh I’ll just accept the reality.” Sabi ni Paul.
“Will you consider dating other girls? Maraming magaganda diyan.” Tanong ng dalaga.
“Aanuhin mo ba ang ganda kung nasa labas lang diba? Although I admit mataas ang standards ko in terms of physical appearance, pero kasi, si Aya, shes very pretty, inside and out. And its hard to find someone like her. I may end up finding someone, pero hindi ko mapipigilan ang sarili kong icompare siya kay Aya.”
“I see.” Sagot ng dalaga.
Natapos na nag sayawan at kainan na. Nakiusap si Misa sa parents niya na makiupo sa table nina Aya. Pumayag naman ang parents niya at nagtungo na sila sa table kung saan naghihintay ang mga kasama nila. Naupo na sila sa pwesto nila at sinerve na ang mga pagkain sa bawat table.
Nagumpisa nang kumain ang lahat. Kahit masarap ang pagkain, halatang walang ganang kumain si Paul. Pasulyap sulyap pa siya kina Marvin at Aya. Si Nico at Misa naman ay masayang kumakain habang nagkukulitan. Lalo namang tumindi ang sakit na naramdaman ni Gela. Kahit na tanggap na niyang hindi magiging sila ni Nico. Pagkatapos kumain ay kanya kanya ng kwento ang lahat. Ngunit halatang tipid ang mga kwento nina Gela at Paul. Biglang tumayo si Nico at may ibinulong kay Paul. May inabot ang binata kay Nico. Pagkatapos ay hinili ni Nico si Misa.
“Mimi tara sama ka sa akin sandali.” Sabi ng binata.
“Ha? Hahanapin nila ako.” Sagot ni Misa.
“Hindi, akong bahala. Sandali lang tayo. Promise.” Sabi ni Nico at tuluyan nang sumama ang dalaga sa kanya. Napasulyap sila sandali sa table ng parents ni Misa at nginitian lang sila ng mga ito. Gumaan ang pakiramdam ni Misa dahil dito.
Pagdating sa labas ng hotel, nagtungo ang dalawa sa kotse ni Paul. Takang taka pa rin ang dalaga kung ano ang balak ng binata ngunit nagtitiwala na lamang siya dito. Nang makarating na ang dalawa, binuksan ni Nico at pinto sa passenger at pinapasok si Misa sa loob. Pagpasok ng dalaga, may nakita itong isang regalo na nakasandal sa upuan. Kinuha niya ito at pumasok na rin ang binata sa loob.
“Uy, bakit mo pa ako binigyan?” tanong ng dalaga.
“Bakit sinabi ko bang para sayo yan? Tinawag lang kita para tulungan akong dalhin yan no, ang laki kasi.” Biro ni Nico at nagsalubong ang kilay ng dalaga at nilobo ang mga pisngi.
“Haha, joke. Go ahead open it.” Sabi ni Nico.
“Pero mamaya pa yung opening ng mga gifts eh.” Sagot ng dalaga habang nagpapacute.
“Oh eh di akin nay an mamaya na natin buksan.” Sabi ni Nico at napasimangot ang dalaga.
“Hay, oo na, buksan mo na dali.” Sabi ni Nico. Ngumiti si Misa at parang batang pinunit ang balot ng regalo. Matapos punitin ang balot, inalis niya ang laman sa loob ng isang brown envelope na malaki. Nang mabuksan na ng dalaga, tiningnan niya ito. Natigilan siya at nagtakip ng bibig at unti unti nang napaluha.
“Kaw naman pinapaiyak mo nanaman ako!” sabi ni Misa habang tinititigan ang malaking picture frame na regalo para sa kanya. Laman nito ang ibat-ibang larawan ng dalaga. Lahat ay mga nakaw na kuha. Sa bawat litrato ay nakangiti ang dalaga. Halos lahat ng naalala niyang pagkikita nila ng boyfriend niya ay nasa larawan. Tumingin ulit ang dalaga kay Nico. Bakas pa rin ang luha sa kanyang mga mata.
“Ikaw talaga nakakainis ka! Kaya pala palagi mo akong kinukuhanan. Tapos ayaw mo pang ipakita yung mga stolen mo sa akin” sabi ni Mis at napangiti si Nico.
“Gustong gusto ko kasi ang mga ngiti mo. Kaya ayan, kinolekta ko. Eh hindi naman pwedeng hawakan ang ngiti diba, kaya kinuhanan ko na lang.” sabi ng binata at pinunasan ang luha sa mga mata ni Misa.
“Happy birthday Mimi. Do you like it?”
“I love it! Thank you so much!” sagot ng dalaga.
“I always took a picture of you sweetest smiles. Pero pasensya na yung isa kong nalagay diyan hindi na ngiti eh, bungisngis na. pero cute pa rin naman.” Biro ni Nico at kinurot siya ng dalaga sa pisngi.
“Aray!” sabi ng binata at nagtawanan sila.
“Pero hindi ko alam kung makakakuha pa ako. Alam mo na kasi eh kaya sigurado mas aware ka na.” sabi ni Nico.
“Eh di kunwari wala akong nakita.” Sagot ng dalaga.
“Asus. Pag aware ka na hindi na halatang stolen eh. Parang pinaghandaan na non. Sabagay, stolen o hindi, cute ka pa rin.” Sabi ni Nico at hinalikan siya ni Misa sa pisngi.
“Oh, tara na sa loob iwan mo na yan diyan.”
“Ha? Bakit?” tanong ng dalaga.
“Eh hindi ko naman binibigay sayo yan eh. Pinapakita ko lang.” sabi ni Nico at nagkunot ng noo ang dalaga at napanguso. Natawa naman si Nico.
“Hay! Dinaan mo nanaman ako sa pacute moves mo. Oh sige tara dalhin na natin” sabi ni Nico at mabilis nilang ibinalik ang frame sa brown envelope at sabay silang bumalik sa loob.
Late na at nagwakas na rin ang debut ni Misa. Isa isang nagsiuwian ang mga bisita. Nag-alok si Marvin na ihatid na ang mga girls at agad naman silang pumayag. Napatingin saglit si Aya kay Paul na parang humihingi ng permiso.
“Go ahead, una na kayo.” Sabi ng binata at ngumiti si Aya at tumalikod na.
“Aya!” sabi ni paul at lumingon ang dalaga.
“Mukhang may iba nang magbabantay sayo.” Sabi ni Paul at tumalikod na. Nanigas naman ang dalaga. Unti unti siyang napaluha pero pilit niya itong pinigilan. Tumalikod na lang siya at sumunod sa kina Marvin.
Nang makaalis na sina Marvin, doon pa lang nagyaya si Paul na umalis. Nagpaalam na ang mga boys at si Danica kay Misa maliban kay Nico na nagpaiwan sandali.
Isang linggo ang lumipas mula sa debut ni Misa. Tuloy pa rin ang pagpapanggap nina Paul ngunit hindi na niya kinakausap si Aya pare manghingi ng advise. Araw araw nagpupunta si Danica sa apartment. Madalas silang nakikitang magkasama ni Aya. Habang tumatagal ay napapansin nilang kakaiba ang kinikilos ng dalaga. Unti unti nilang nahahalatang apektado ito.
Sabado ng hapon ay naguusap ang tatlo sa sala. Si Chics naman ay umalis para makipagkita kay Claire. Masayang nagkukwentuhan ang tatlo ng may mapansin si Paul mula sa labas. Si Marvin, papunta kina Aya at may dalang boquet ng roses. Sumakit bigla ang dibdib ng binata. Nakatitig lang siya kay Marvin. Nakita niyang pinagbuksan siya ni Aya ng pinto. Nakangiti ang dalaga. Lalo pang sumakit ang nararamdaman niya ng makitang hinalikan ni Marvin sa cheeks ang dalaga. Matagal siyang nakatitig dito nang mapansin niya sa parehong direksyon nakatingin sina Nico.
“Tol, mukhang nagkakaigihan na sila ah.” Sabi ni Nico. Hindi sumagot ang binata at tumingin muli kina Aya na pumasok na sa loob.
“Tol, tanggapin mo na lang. Mukha namang masaya si Aya eh.” Sabi ni Nico. Napayuko na lamang si Paul. Ilang sandali pa ay dumating na si Chics. Nagulat ang lahat sa itsura nito pagkat bakas ang galit sa kanyang mukha. Hindi niya pinansin ang tatlo na nasa sala at diretsyong umakyat at pumasok sa kwarto. Agad siyang sinundan ni Kiko sa loob. Hindi na sumunod ang dalawa at binigyan na lang muna ng space si Chics. Matapos ang halos isang oras, lumabas si Kiko ng kwarto at bumaba.
“Kiks anong meron?” tanong ni Nico.
“Nagaway sila ni Claire.” Sagot ni Kiko.
“Ha? Anong pinagawayan nila?” tanong muli ni Nico.
“Si Claire, may iba daw siyang lalaki na gusto.” Sabi ni Kiko. Nagulat si Nico sa sinabi ni Kiko. Si Paul naman ay hindi na nagulat pero tumahimik na lang.
“Kwento mo nga Kiks.” Sabi ni Nico. Sinabi naman ni Kiko ang lahat ng sinabi sa kanya ni Chics. Matapos magusap ay umakyat ang tatlo sa kwarto ni Chics para kausapin ito. Naupo sila sa kama habang si Chics naman ay nakatunganga lang. Kinausap nina Nico at Paul si Chics na subukang ayusin ang problema ngunit hindi ito nakikinig sa kanila. Sumasabat pa si Kiko at kumakampi kay Chics. Wala nang nagawa ang dalawa at lumabas na lang para hayaan munang magpalamig ng ulo si Chics.
Sumapit ang gabi at naupo si Paul sa bench sa harap ng apartment habang pinagmamasdan ang buwan. Matapos ang ilang sandali ay lumabas si Aya kasama si Marvin. Napatingin ang dalaga sa direksyon ni Paul ngunit inalis ng binata ang tingin niya. Nawala naman ang ngiti ng dalaga at naglakad na palabas kasama ang manliligaw. Muli silang pinagmasdan ni Paul habang hinahatid ng dalaga si Marvin palabas. Nang bumalik na si Aya sa loob, muli nanamang inalis ni Paul ang tingin niya at muling tumingala. Lumapit sa kanya si Aya at nakiupo.
“Musta?” tanong ng dalaga habang nakatingin rin sa buwan.
“Okay lang. ikaw?”
“Okay lang din.” Sagot ng dalaga. Natahimik ang dalawa habang pinagmamasdan ang buwan.. Ilang sandali pa ay nagsalita si Aya.
“Ang ganda ng full moon noh?” tanong ng dalaga.
“Oo nga.” Sagot naman ng binata. Napatingin sa kanya sandali si Aya at muling pinagmasdan ang full moon.
“Sasagutin ko na siya bukas. Thank you sa pagtupad mo ng promise mo. Masaya ako at binantayan mo ako kahit na nakilala mo na si Danica. Thank you talaga.” Sabi bigla ng dalaga. Parang nabiyak ang puso ni Paul sa narinig niya. Pinikit niya ang kanyang mga mata at pinigilang lumuha.
“Paul? Are you okay?” tanong ng dalaga. Muling minulat ng binata ang mga mata niya at ngumiti.
“You’re welcome.” Sagot lang ng binata at napabuntong hininga.
“Alam mo, yung mga araw na magkasama tayo, those were the happiest days of my life.” Sabi ng binata. Natigilan ang dalaga sa sinabi ni Paul. Biglang naging magulo ang naramdaman niya.
“Ha?” patay malisyang sagot ng dalaga.
“Ah wala. Oh siya! Pasok na ako. Goodluck bukas. Sana maging masaya kayo.” Sabi ni Paul at dali daling pumasok sa apartment. Naiwan naman si Aya doon. Nalilito pa rin sa nararamdaman niya. Nakaramdam din siya ng sakit.
Naupo si Paul sa sofa. Nakatingala siya ngunit nakapikit ang mga mata niya. Ilang sandali pa ay nakitabi sa kanya si Nico.
“Tol, anong problema?” tanong ni Nico. Tumingin si Paul kay Nico at nakita niya ang luha sa mga mata nito.
“Ititigil ko na ang pagpapanggap namin ni Danica. Grabe, akala ko lahat ng bagay napaplano ko, na lahat umaayon sa gusto ko. I don’t want to give up on her. But I think its time to set Aya free. Actually hindi naman naging kami so erase na natin yung set her free na yan.” Tumutulo ang mga luha ni Paul habang nagsasalita.
“Alam mo tol? Masaya ako para sa kanya kasi nakikita ko naman na masaya siya kay Marvin eh. Alam kong aalagaan siya ng mabuti non. Tol nakita mo nanaman akong umiyak nakakainis talaga. Ikaw di pa kita nakikitang umiyak.” Sabi ni Paul at pinunas ang mga luha niya.
“Mahal na mahal ko siya eh. At ang sakit sakit.” Sabi ni Paul at napabuntong hininga.
“Tol, how do I make things right? I really wish I could make things how I want them to be. Di ko talaga siya kayang i-let go pero I have to. Damn it! Potek napapamura nanaman ako. Masakit talaga.” Dagdag niya habang pinupunasan ang mga luha niya. Tumayo si Nico para sana kumuha ng tubig pero pagtalikod niya nagulat siya nang makitang nakatayo si Aya sa may pintuan nila at may dalang ulam.
“Aya? Kanina ka pa?” Tanong ni Nico at biglang napatingin si Paul at nagulat sa nakita niya.
“Totoo ba lahat ng narinig ko?” tanong ng dalaga. Hindi nakasagot ang dalawang binata. Lumapit si Paul kay Aya para humingi ng tawad. Bigla na lang ipinasa sa kanya ng dalaga ang ulam na dala at lumabas ng pinto. Agad naman ipinasa ni Paul ang dala kay Nico at sinundan si Aya.
“Aya wait!” sabi ni Paul at hinawakan ang dalaga sa braso. Napalingon si Aya sa kanya. Nakita ni Paul na tumutulo ang luha sa mga mata ng dalaga.
“Aya, I’m so sorry. Totoo lahat ng narinig mo kanina. Mahal kita. I really love you. I always did. I’ve never loved anyone but you.” Sabi ni Paul. Tuluyan nang naiyak si Aya. Tinakpan niya ang kanyang mukha gamit ang dalawang kamay niya. Hinawakan ni Paul ang balikat niya pero bigla itong inalis ng dalaga.
“You say you love me? That you never loved anyone but me? But why are you hurting me? Everyday you break my heart. Pag nakikita ko kayong magkasama, ang sakit sakit.” Sabi ng dalaga. Todo pa rin ang pagiyak nito.
“Aya, I didn’t mean to hurt you. I’m really sorry. I never thought it would come to this. Kung kasuklaman mo ako okay lang. I understand.” Sabi ni Paul at napayuko na lang.
“Tomorrow, sasagutin ko si Marvin.” Sabi bigla ng dalaga at tumalikod na at naglakad pabalik.
“I understand.” Sabi bigla ni Paul at napahinto ang dalaga ngunit nakatalikod pa rin.
“Di kita masisisi. Kaya nga naimbento ang salitang acceptance diba? Hay. Gaano naman kaya to katagal?” sabi ni Paul at humarap sa kanya si Aya.
“Ha?” tanong niya Aya habang nagpupunas ng luha.
“Kasi dati mabilis akong nakapagmove on. Nung nagconfess ako sayo. Pero ewan ko ngayon. But I know makakapag move on din ako balang araw. And like I said, I always find positive things out of the negative. I know I can no longer reverse the situation. Ah, ano ba? Ahm, Alam ko na” sabi ni Paul at ngumiti.
“Positive pa rin to dahil si Marvin, I know he’s a good guy. He is and he will be a good boyfriend to you. Alam ko yon. And that alone would help me move on.” Dagdag niya at unti unting tumulo ang luha sa mga mata niya. Agad naman niyang pinunasan ito.
“Ano ba yan. Bakit ba ako umiiyak? Oh sige na, pasok na ako. Wish you luck. I know magiging masaya ka sa kanya. I already accepted that it could never be us. Don’t worry, hindi na talaga kita guguluhin, and this time its final.” Sabi ni Paul at tuluyan nang tumalikod papunta sa apartment. Si Aya naman ay tumalikod na rin at naglakad pabalik.
“Stupid.” Bulong ni Aya.
“Those were’nt the words I wanted you to say” Bulong niya ulit habang papasok sa apartment nila.
No comments:
Post a Comment