A Wonderful Life
By: Nico and Paul
(The next chapter will contain the story of the other two male characters... Chapter 11 will be divided into two parts. Enjoy!)
Chapter 11: Kiko and Chics – The other side of the story
(August 15, 2009)
Madilim pa ang paligid. Halos di pa sumisikat ang araw. Maagang pumasok si Chics sa araw na yon. Meron siyang isang taong gustong abutan. Maaga kasing pumapasok ang taong yon. Napahinto siya sa isang flower shop at bumili ng tatlong roses. Nakangiti siya at nagpatuloy sa paglalakad. Wala siyang pakialam kahit tinitingnan siya ng mga tao dahil sa hawak niya. Masaya siya sa araw na yon at lalo pang magiging masaya kung makakausap na niya ang taong pagbibigyan niya ng mga bulaklak.
Halos kasisikat pa lang nang araw nang makarating siya sa school. Agad siyang pumasok at naghintay sa corridor. Hindi na niya kinailangang maghintay ng matagal pagkat ilang sandali lang ay nasilayan na niya ang babaeng gusto niya. Hindi niya alam kung lalapit ba siya o hindi. Naisipan niyang lapitan ang dalaga pero tila nakabaon sa semento ang mga paa niya. Hindi siya makagalaw. Papalapit na ng papalapit ang dalaga. Bumilis ang tibok ng puso ng binata. Sinundan niya ng tingin ang dalaga. Nakita siya ng dalaga at ngumiti ito at agad lumapit patungo sa kanya.
“Hi Chics. Aga mo?” sabi ng dalaga.
“Uhm, hello Claire. Good morning.” Sabi ni Chics. Nakatago sa likod niya ang tatlong bulaklak. Tila wala siyang lakas ng loob ibigay ito sa kanya.
“Anong tinatago mo diyan?” tanong ni Claire at natigilan si Chics at napakamot na lang.
“Ah, kasi Claire. Ganito yan. Kasi yung text kagabi, I meant it. I really did. Inabangan kita dito dahil gusto kong sabihin sayo personally.” Sabi ng binata. Namula naman ang dalaga at tila hindi makapagsalita.
“Uhm, matagal na tayong magkakilala. Eversince first year highschool palagi na tayong magkasama. Although nagiba ang section natin ngayong fourth year, magkasama pa rin tayo. For me its not just friendship. Its something else.” Dagdag ni Chics at unti unti na niyang inilabas ang tatlong rosas na nakatago sa likod niya at inalay ito sa dalaga. Napatakip ng bibig ang dalaga at pulang pula na ito.
“I cant seem to put to words what I really feel. So the roses are here to say them for me. If that’s not enough then I will say it.” Sabi ni Chics at tuluyan nang inabot ang tatlong bulaklak. Kinuha naman ito ni Claire at inilapit sa mukha niya at inamoy ang mga ito. Napangiti si Chics sandali at huminga ng malalim.
“Claire, I love you. I loved you eversince the first day we met. Sorry kung ngayon ko lang sinabi. Maybe its too late pero I just want you to know that I love you very much.” Bigkas ni Chics. Bumalot ang katahimikan sa dalawa. Napatingin sa malayo si Chics habang si Claire naman ay nakatingin lang sa mga bulaklak na hawak niya.
“Chics?” sabi ng dalaga. Agad namang napatingin sa kanya ang binata. Nakatingin pa rin sa mga bulaklak ang dalaga. Huminga ito ng malalim at tumingin na ng tuluyan sa mga mata ng binata.
“You made me very very happy today.” Sabi ng dalaga at napangiti si Chics.
“You mean?”
“Yes. I love you too.” Sagot ng dalaga. Sa sobrang tuwa ay napayakap ang binata sa kanya. Buti na lang at maaga pa, wala pang estudyante na dumadaan. Nang nagkalas na ang dalawa, may kinuha sa bag ang dalaga at inilabas ito.
“They say chocolates taste sweeter when your inlove. Tara, lets see if its true.” Sabi ng dalaga at magkatabing naupo ang dalawa habang masayang pinagsaluhan ang chocolates.
The other side of the story – Lover’s Quarrel
(Present)
Dalawang linggo bago ang anniversary ng dalawa, masayang kumakain sina Chics at Claire sa isang fastfood restaurant. Masayang nagkukulitan ang dalawa at halos di na nila napansin ang pagkain.
“Uy, kain na tayo. Marami pa tayong gagawin mamaya kaya dapat full battery!” sabi ni Chics at natawa si Claire sa kanya.
“Eh alam mo naman kasing memorable tong lugar na to sa atin diba?” sabi ni Claire sabay kagat sa fries.
“Very memorable. Dito tayo kumain nung first date natin eh.” Sagot naman ni Chics.
“Alam mo nung mga oras na yon, gustong gusto kong mag absent. We have to wait for dismissal pa bago tayo nagdate. Hay!”
“Okay lang no. Worth it naman. First date and first kiss naganap pareho dito.” Banat ni Chics at natawa si Claire.
Ilang araw na lang at anniversary na ng dalawa. Ngunit habang tumatagal ay napapansin niyang may nagiiba sa girlfriend niya. Hindi ito masyadong nagbibiro tulad ng dati. Nabawasan din ang kadaldalan nito. Ilang beses ng tinanong ng binata ang problema pero itinatanggi lang ito ng dalaga.
Isang araw na lang at anniversary na ng dalawa. Kumain sila sa dating fastfood resto na madalas nilang kinakainan. Lalong napansin ni Chics na may iba kay Claire. Naisipan na lang niyang hayaan ito. Ayaw niyang masira ang relasyon nila lalo na at isang araw na lang at isang taon na silang magkasama. Kumain na lang si Chics habang pinagmamasdan si Claire na pinaglalaruan lang ang pagkain niya.
“Chics?” sabi ng dalaga.
“Bakit?”
“One year na tayo niyan bukas. Marami na tayong pinagdaanan together. Every day my love for you grows and you know that. Pero alam kong lately I act strange at napapansin mo yon. So para mawala na tong guilt na nararamdaman ko, I want to be completely honest with you. Ayokong magtago ng kahit ano mula sayo.” Sabi ni Claire. Kinakabagan na ang binata at parang ayaw nang marinig ang mga susunod na sasabihin ng dalaga.
“Chics, before I tell you, I just want you to know that I love you very much. At ayokong mawala ka sa akin.” Bigkas ng dalaga at huminga ng malalim. Si Chics naman ay tahimik lang na nakikinig sa kanya. Napansin din niyang unti unti nang namumuo ang mga luha sa mga mata ni Claire.
“Chics. Kasi. I’m so confused right now. I like to be with you. Ayokong mawala ka sa akin. Pero kasi. I like someone else. Im not saying that I don’t love you cause I really do. Pero there’s this guy. I don’t know what I feel for him, but whatever it is, its bothering me. I like another guy, pero-“ hindi na natapos ni Claire ang sinabi niya nang biglang tumayo si Chics. Nakita niyang galit na galit ito. Hinawakan niya ang kamay ng binata pero inalis niya ito sabay lumabas ng fastfood resto. Naiwan naman ang dalaga na nakayuko at umiiyak.
Agad umuwi si Chics. Pagdating sa apartment, hindi niya pinansin ang tatlong lalaki na naguusap sa sala at agad umakyat sa kwarto niya. Agad naman siyang sinundan ni Kiko. Papasok niya, agad niyang tinanong kung anong problema. Ikunwento ni Chics ang lahat kay Kiko at inilabas lahat ng sama ng loob niya. Pagkatapos magusap ng dalawa, bumaba si Kiko at ilang sandali, kasama na niya sina Nico at Paul. Naupo ang tatlo sa kama habang ang binata ay nakatingin lang sa malayo.
“Chics, baka naman gusto lang sabihin ni Claire yon para maging honest siya sayo.” Sabi ni Paul.
“Ano ka? Eh di pa ba sapat yung sinabi ni Claire?” sabat naman ni Kiko.
“Oo, malamang may gusto siya sa ibang lalaki pero sabi mo na sinabi niyang mahal pa rin niya si Chics diba?” sabi naman ni Nico pero tila hindi nakikinig ang kapatid niya at nakatingin lang sa malayo.
“Pano yan? Anniversary niyo na bukas?” tanong ni Paul
“Natural wala. Matapos yung ginawa ni Claire tingin niyo may mangyayari pang anniversary bukas?” sabi namn ni Kiko.
“Chics, nandon na kami, umamin si Claire na may iba. Pero may balak ba siyang iwan ka? Wala naman siyang sinabi diba?” Paul.
“Sigurado sasabihin din ni Claire yon eventually. Sabi kasi ni Chics na nag walkout siya agad at di na pinatapos is Claire. Pero tingin ko yon din ang gusto niyang iparating.” Sabi ni Kiko. Napabuntong hininga na lang ang dalawang nakatatandang lalaki.
“Pero kung ako sayo, ayusin niyo to. Maaayos pa yan. Ikaw ang lalaki. Dapat ikaw ang nagpapasensya. Let her finish her explanation. Wag kang mag decide agad dahil baka magsisi ka sa huli.” Sabi ni Nico. Pero sadyang sarado pa ang tenga ng kapatid niya na nakatingin lang sa malayo.
Dalawang araw ang lumipas, naisipan ni Chics na lumabas at itigil na ang pagmumukmok. Sa unang pagkakataon ay muli niyang binuksan ang phone niya. Lahat ng mga text messages niya ay galing kay Claire. Idedelete niya sana lahat pero naisipan niyang magbasa ng isa.
“Chics, lets talk pls. Dont make dis hard 4 me. It really hurts.” Basa niya sa isang text at tuluyan ng dinelete lahat ng text niya.
Ilang text na ang naipadala ni Claire kay Chics pero hindi ito sumasagot. Naisipan niyang padalhan ng text message si Paul.
“Paul, pde kb? Magkta tau.” Text ni Claire. Agad namang nag reply si Paul.
“May lakad ako ngayong umaga eh. Mayang hapon pde pa? mga 1 pm?”
“Ok, later. 2 pm na lng. Kita tayo sa mall.” Sabi ng dalaga.
Hapon na at nagkita sina Claire at Paul sa mall. Nagusap sila sa fast food resto kung saan palaging kumakain sina Chics. Pagkatapos mag order ng makakain, nagsimula nang kumain ang dalawa. Alam ni Paul na may sasabihin ang dalaga sa kanya. Hinintay na lang niyang matapos sa pagkain ang dalaga.
“Paul. Kumusta na siya?” tanong ni Claire.
“Ayun, palaging nagkukulong sa kwarto. Pero kanina lumabas siya.” Sabi ni Paul.
“Ah.” Sagot lang ng dalaga.
“May sasabihin sana ako sayo eh. Pero sana wag kang magagalit.” Sabi ng dalaga.
“Ano ba yon?”
“Alam mo naman yung pinagawayan namin ni Chics diba?” tanong ng dalaga.
“Tungkol ba yon dun sa pinagusapan natin dati?” tanong ni Paul at tumango lang ang dalaga.
“Okay, tell me, sino siya?” tanong ni Paul. Napayuko ang dalaga at huminga ng malalim.
“Sinabi ko kay Chics, na mahal ko pa rin siya. Gusto ko lang naman maging honest sa kanya eh. Feeling ko kasi mababawasan tong confusion na nararamdaman ko pag naging honest ako sa kanya.”
“Paul, wag ka sanang magagalit. Pero ikaw yung lalaki na sinasabi ko.” Sabi bigla ni Claire at nagulat si Paul pero hindi na sumagot.
“Recently lang to eh. Nalilito ako sa nararamdaman ko. Pero ayaw kong iwan si Chics. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko para sayo pero naguguluhan talaga ako.” Sabi ni Claire at nagumpisa nanamang umiyak. Hinawakan naman ni Paul ang kamay ng dalaga.
“Claire, alam ko namang si Chics lang ang mahal mo eh. Pero hindi ka niya pinatapos sa paliwanag mo diba? Oo kilala ko si Chics, medyo mabilis siyang mag jump to conclusions. Very emotional siya at once nasaktan siya, mahirap nang makuha ulit ang tiwala niya.” sabi ni Paul at tuluyan nang umiyak si Claire.
“Claire, tama na. Alam kong maayos pa to. Oo maganda yon naging honest ka sa kanya. Hindi mo lang kasalanan tong nangyari, pati siya may kasalanan, kasi hindi ka niya hinayaang magpaliwanag. Pero its not too late. Alam kong mahal niyo ang isa’t isa at maayos pa tong relasyon niyo. Lahat kami sa apartment walang ibang gusto kundi magkabalikan kayo. Pero sana ngayon matuto kayo sa mga mali na nagawa niyo at wag nang ulitin sa susunod.” Sabi ni Paul. Tumayo siya at tumabi kay Claire at hinimas nag likod ng dalaga.
Sa di kalayuan, nakatayo si Chics at pinagmamasdan sila. Bakas ang galit sa mga mata niya at di siya makapaniwala sa mga nakikita niya. Kinuha niya ang phone niya at tinext si Paul.
“Paul san ka?” tanong niya. Nakita niyang kinuha ni Paul ang phone niya at bulsa nito at nag text. Naglakad naman palayo si Chics. Ilang sandali pa ay nakatanggap siya ng reply.
“Nasa mall nagpapalamig lng… Bkt?” reply niya.
“Ah wala lang. May kasama ka?” reply ni Chics.
“Ah, wala. Ako lang magisa.”
Hindi alam ni Chics kung ano ang gagawin niya. Mabilis na lang siyang lumabas ng mall at umuwi. Pilit niyang pinipigilan ang mga luha na lumabas sa mga mata niya.
“I cant believe this!” sabi niya sa sarili.
2 comments:
nice nman.. nbasa ko ang lht simula umpisa ng tulut-tuloy.. napaiyak ako. iba't ibang emotions na-feel ko.. ang gling nmn.. prng sasabog pa ung dibdib ko sa mga pangyayare.
naks ang ganda tlga ng mga stories na nka post d2.. naka2dala ng damdamin..prang halohalo ang nra2mdaman ko habaNG binabasa ko 2.. sna u still continue to make inspiring love stories like this..ANG GANDA TLGA...3 thumbs up for all of you who made this..kip the good work
Post a Comment