A Wonderful Life
By: Nico and Paul
Chapter 15: Sembreak! – Revelations
Kinabukasan, naunang nagising si Nico. 5:30 am pa lang ay gising na siya. Naisipan niyang lumabas muna at nagorder ng hot choco. Papunta siya sa mini cottage at nakita niya si Aya na nakaupo doon. Malayo ang tingin nito. Agad siyang pinuntahan ni Nico at tinabihan ito.
“Uy! Aga mo?” tanong ni Aya at napangiti si Nico.
“Sorry naman. Alam ko naman si Paul ang palaging maagang nagigising sa amin eh. Nocturnal creature kasi ako.. Gising sa madaling araw at tulog pag buong umaga.” Sabi naman ni Nico at natawa si Aya.
“Kumusta kayo ni Marvin? Happy?” tanong ni Nico. Diretso pa rin ang tingin ni Aya.
“Yup. Super. Mabait siya sobra.”
“Mahal mo siya?” tanong bigla ni Nico. Napatingin sa kanya si Aya ngunit diretso lang ang tingin ng binata. Napayuko na lang si Aya at nawala ang ngiti sa kanyang mga labi.
“Nics? Mabait naman si Marvin diba? I mean para sayo?”
“Oo. Gentleman siya. At di siya mayabang.” Sagot ni Nico.
“Siguro naman, someday,”
“Ano? Someday matututunan mo rin siyang mahalin?” sabi ni Nico at tumango si Aya.
“Di naman siya mahirap mahalin eh. So far he does nothing but please me. At ang sweet niya sobra.” Sabi ni Aya.
“I hope that day will come. Dahil kung hindi kawawa naman siya. I know he loves you. Ang tagal niyang nanligaw diba? And he deserves to be loved.” Sabi ni Nico at napangiti si Aya.
“Bakit ngumiti ka diyan?”
“Eh kasi akala ko dahil sa sinabi ko ay sasabihin mo na si Paul, alam mo na. Pero hindi.” Sabi ng dalaga.
“Aya, kaibigan kita. At ayaw kong maging magulo pa ang isip mo. Kaya nagbibigay lang ako ng advice. Hindi ko sasabihin sayo kung anong dapat gawin. Ayaw ko naman mahirapan ka no.” sabi ni Nico.
“Talaga? Alam mo ang swerte ko talaga kasi nakilala ko kayo. Pero seriously, kung magbibigay ka ng advice, anong ia-advice mo?” tanong ng dalaga at tumayo si Nico.
“Wag mong sundan ang tingin mong tama. Sundan mo ang tingin mong magpapasaya sayo. Yun lang.” sabi ni Nico.
“Eh what would that be?”
“Aya tara ready na natin yung breakfast. Gutom na ako eh. Tulungan na kita.” Sabi ni Nico at natawa si Aya.
“Okay.” Sagot na lang ng dalaga at sumunod kay Nico.
Isa isang nagising ang mga girls at kumain ng breakfast. Pagkatapos kumain ay nag chika chika muna sila. Medyo late na nagising ang mga boys. Pagkatapos mag breakfast ay swimming agad ang inatupag nila.
Isa isang nagising ang mga girls at kumain ng breakfast. Pagkatapos kumain ay nag chika chika muna sila. Medyo late na nagising ang mga boys. Pagkatapos mag breakfast ay swimming agad ang inatupag nila.
Nakaupo ang mga girls sa cottage nila habang pinapanood ang kalokohan ng mga boys. Kapansin-pansin na di maalis ni Ysa ang tingin niya kay Kiko. Ngunit ang matamlay niyang expresyon kahapon ay lalo pang lumala ngayon. Halata rin ang pamamaga ng mata ng dalaga.
Naisipan ng mga boys na mag sama sama at makapagbonding. Nagtungo sila isang shed kung saan tanaw ang dagat para magpahinga. Dinalhan naman sila ni Aya ng meryenda at maiinom pagkatapos ay bumalik na ang dalaga sa mga kasama niya. Sa di kalayuan naman ay nakatambay ang mga girls. Napansin nilang kahit maga ang mga mata nito, paminsan minsan ay pangiti-ngiti si Ysa habang pinagmamasdan si Kiko.
“Uy, Ysa bakit pangiti-ngiti ka pa diyan?” tanong ni Claire.
“Uh, wala lang. Nakakatuwa lang silang panoorin.” Sabi ng dalaga.
“Sila oh siya?” tanong ni Gela at napangiti lang si Ysa.
“So okay na kayo? Uy ikaw ha. Di ka nagsasabi.” Sabi ni Claire.
“Nagusap na kami kagabi, ay kanina pala yon.”
“Tapos? Usap lang?” tanong ni Claire at biglang nagbago ang expresyon sa mukha ni Ysa.
“Uhuh. Usap lang talaga.”
“Eh bakit parang napasimangot ka yata?” tanong ni Claire. Napayuko si Ysa at huminga ng malalim. Pagkatapos ay muling napatingin sa mga boys.
“May iba na siya.” Mahinang sagot ni Ysa. Nagulat ang mga girls sa sinabi ng dalaga. Pinili na lang nilang wag nang pagusapan pa ang issue.
Ilang minuto ang lumipas ay nakitabi sa mga girls si Misa at Danica. Nakiupo sila at nakisali sa kwentuhan ng mga girls.
“Uy, Gela ha. Sabi ni Nicks gusto ka rin daw niya.” sabi ni Misa at napatingin ang lahat sa kanya.
“Ha? Ano ka ba Misa? Magpinsan kaya kami? Di pwede noh!” depensa ni Gela.
“2nd cousins kaya kayo. Legal kaya yon.” Sabi ni Misa.
“Kahit na. At isa pa boyfriend mo siya noh. Ano ka ba?”
“Ikaw naman. Binibiro ka lang eh. Pero anong masasabi mo sa sinabi niya kagabi?” tanong ni Misa at hindi makasagot si Gela.
“Uyy, Gela. Imposible namang wala kang na feel.” Tukso ni Aya.
“Syempre happy ako. Natouch rin ako sa sinabi niya. Pero wala yon okay? Nagbibiro lang kaya si Best.” Sabi ni Gela.
“Eh paano kung hindi siya nag bibiro? Take note, magmula highschool siya na ang body guard mo. Gagawin ba niya yon dahil lang sa magpinsan kayo? Or dahil sa mag bestfriends kayo? Ewan ko lang ha pero kasi feeling ko may something eh.” Sabi ni Aya.
“Oo nga naman ate. Concerned talaga sayo palagi si Kuya Nico eh.” Dagdag ni Ysa.
“Teka, pinagtutulungan niyo ba ako? Hello?! Katabi kaya natin dito ang girlfriend niya. Wag kayong ganyan.” Sabi ni Gela.
“Ano ka ba. Its okay. At least happy ako.” Sabi ni Misa.
“Happy?” tanong ni Danica.
“Yup! Kasi kung sakaling hindi man kami ni Nico para sa isat-isa at maghiwalay kami balang araw, at least alam ko na may magaalaga sa kanya. Na may magmamahal sa kanya. Ako talaga gusto ko kami na, ayokong maghiwalay kami. I love him very much at wala na akong ibang lalaking mamahalin pa tulad ng pagmamahal ko sa kanya. Pero just in case, if it happens, alam kong Gela will be here to love him. Not as his cousin, or his bestfriend.” Sabi ni Misa at walang masabi ang mga girls. Namula naman si Gela pero hindi nag pahalata.
Tanghali na at tinawag na ng mga girls ang mga boys na nagsasaya pa sa dagat para kumain ng lunch. Parang mga batang nagsi-ahon ang mga boys at nagtatakbo papunta sa cottage kung saan nakahain ang mga pagkain. Masaya ang naging salo salo at kahit papaano ay nabawasan ang bigat ng atmosphere.
Pagkatapos ng kainan ay nagtungo sina Marvin, Paul at Nico sa cottage para mag shower at magbihis habang sa pool naman nagpunta si Kiko at Chics. Makalipas ang ilang minuto ay lumabas na si Nico at Marvin ng cottage at nagtungo sa mga girls habang naiwan naman si Paul pagkat siya ang huling nag shower. Matapos magbihis ay nahiga muna si Paul sa kama para mag soundtrip. Ilang sandali pa ay pumasok si Danica. Tinapik naman ni Paul ang kama para sabihing kay Danica na mahiga siya sa tabi nito.
“Pano mo ako nahanap?” tanong ni Paul at natawa si Danica.
“Bakit? Nagtatago ka na sa lagay na yan? Galingan mo naman.” Biro ni Danica at natawa si Paul.
“Anyway, kaya mo pa?” tanong bigla ni Danica.
“Ha? Alin?”
“Hay nako. Kilala kita. Akala mo naman di ko napapansin na umiiwas ka kay Aya. Eh di ko pa yata kayo nakitang nagusap ah.”
“Nagusap na kaya kami. Di mo lang nakita.” Sabi ni Paul. At nagtaas ng kilay si Danica.
“Ows? Kailan?”
“Ahm, teka di ko maalala eh. Ano ba yan short term memory.” Palusot ni Paul at kinurot siya ni Danica.
“Aray! Joke lang!”
“Eh bakit kasi di mo kausapin, kahit sandali lang.” sabi ni Danica. Gumilid si Paul at nagkaharap sila ni Danica at nagtinginan.
“Okay lang ba sayo kung kakausapin ko siya?” tanong ni Paul at bumilis bigla ang tibok ng puso ng dalaga.
“Ha? Ah, Eh, bakit mo pa ako tinatanong?”
“Eh kasi boss kita eh. Ano okay lang sayo?” tanong ulit ng binata.
“Uh, Oo naman. Bakit naman ako di papayag?”
“Wala lang. Pero kung ayaw mo di ko siya kakausapin. Ikaw pa eh malakas ka sa akin eh.”
“Pao, kung gusto mo siyang kausapin, go ahead. I will support you kahit ano man ang desisyon mo. Para saan pa’t magbuddy tayo diba?” sabi ni Danica at natawa si Paul.
“Buddy? Aiks korny ka ha.” Sabi ni Paul at siniko siya ni Danica.
“Joke lang. Actually, gusto ko siya. Best buds na tayo. Para naman maiba.” Sabi ni Paul at natawa rin si Danica.
“Ang cute mo talaga tumawa. Anyway, kumusta naman ang outing na to para sayo? Nag-eenjoy ka naman ba so far?”
“Yup! Super. Para ngang ka-close ko na yung mga girls eh. Kahit si Aya. Mababait naman sila eh.”
“Good. Pero ang daming gwapo dito ano? Wala ka bang type?” tanong ni Paul at nanlaki ang mga mata ni Danica.
“Shut up ka nga! Like like ka dyan! Wala akong pakialam sa mga lalaking yan ano! Gosh! Mukhang mga ewan lang. Alam na alam mong mga playboy! I cant believe you even said that!” sabi ni Danica sa medyo mataas na boses. Natameme naman si Paul sa kanya.
“What!?” tanong ng dalaga.
“Ahm, Aiks. Ang ikli at ang simple ng tanong ko ah. Grabe ka naman sumagot. Tingnan mo nga namumula ka na sa galit.” Sabi ni Paul.
“Hmmp! Eh Ikaw kasi eh!”sabi ni Danica at humarap sa kisame.
“Eh bakit ba kasi? Related ba to sa pagsusungit mo sa school? Sabihin mo makikinig naman ako eh. Para saan pa at mag best buds tayo diba?” tanong ni Paul. Napatingin saglit sa kanya ang dalaga sabay tingin ulit sa kisame.
“Basta. Lets say naloko na ako dati. Kaya wala na akong tiwala sa mga lalaking yan. Lalo na pag gwapo! Hay nako!” sabi ni Danica at napasimangot si Paul.
“Oh bakit ka nag asim ng mukha diyan?”
“So pangit pala ako. At di lang ako, pati si Nico, Kiko at pati rin si Chics?”
“Ha? Wala naman akong sinabing ganon ah.”
“Eh pano kaya sabi mo Galit ka sa mga lalaki lalo na sa mga gwapo. Eh di ka naman galit sa amin. Ang bait mo nga eh. So that means either bakla kami which is half true or dahil sa pangit kami which is not true. Pero syempre iba iba naman ng perception ng mga tao, so di kita masisisi kung para sayo pangit kami. Nasa mata naman ng tao yan eh. Kaya wal-“ sabi ni Paul ngunit biglang tinakpan ni Danica ang bibig niya.
“Shut up ka nga! Alam mo ang daldal mo. Di ba msaungit ako sayo dati? Di pa ba enough yon para sayo? So that means…”
“That means?” tanong ni Paul.
“Alam mo na, kahit papaano ay gwapo ka.” Sabi ni Danica at napangisi si Paul.
“Kahit papaano?”
“Tigilan mo na nga ako! Change topic!” sabi ni Danica at natawa si Paul.
“Na-adapt mo na ang linya ko ha. Pero at least, ako gwapo sina Nico pangit. Kasi di ka naman masungit sa kanila eh.” Sabi ni Paul.
“Wala akong sinabing pangit sila ha. Syempre friends mo sila so dapat mabait ako sa kanila. At isa pa taken na rin naman sila eh.”
“Ay, akala ko pa naman lamang na ako sa kanila.” Tampo ni Paul at natawa si Danica.
“Okay lang yan Pao. Ikaw naman best bud ko eh.” Sabi ni Danica at napangisi si Paul.
Halos isa at kalahating oras nagusap ang dalawa. Nakaramdam ang dalawa. Nakatulog si Paul habang pinagmamasdan naman siya ni Danica.
“Pao?” sabi ni Danica ngunit di sumagot ang binata. Inilapit ng dalaga ang mukha niya sa mukha ni Paul at tiningnan ito. Naramdaman niya ang paghinga ng binata sa mukha niya. Mistulang may kumontrol sa dalaga at uconsiously ay hinalikan si Paul sa labi. Mabilis lang ang halik niya ngunit namumula talaga siya at di makapaniwala sa nagawa niya. Pinagmasdan niyang mabuti si Paul at tulog na tulog ito.
“I Love you.” Sabi ni Dancia. Napangiti na lang siya at ilang sandali pa ay nakatulog na rin.
Sa labas naman, tinawag ni Aya ang mga kasama niya para pagsaluhan ang ginawa niyang chocolate cake. Hindi niya ito nailabas kahapon pagkat marami pang pagkain kaya itinago niya muna ito sa ref sa cottage nila.
Agad namang nagsitakbuhan papunta sa table ang mga boys. Nakita nilang masayang pinapepyestahan ng mga girls ang cake. Agad sumingit si Kiko at Chics para makakuha. Si Nico naman ay pinangkuha na ni Misa at sinubuan pa ang boyfriend niya. Pinangkuha na rin ni Aya si Marvin.
Nagtabi ng cake si Aya para kay Paul at Danica. Nagsibalikan na ang iba sa mga ginagawa nila kanina at di pa rin niya nakita si Paul at Danica. Pinuntahan niya si Nico at Misa para tanungin sila.
“Uy, Nicks, san sina Paul? Sayang kasi yung cake eh.” Sabi ni Aya at napangiti ang dalawa.
“Ah, Nasa cottage yata namin. Check mo doon.” Sabi ni Nico. Ngumit si Aya at agad kinuha ang tinabing cake para dalhin sa cottage ng mga boys.
Bago pumasok sa cottage, medyo nagdalawang isip pa si Aya. Bumilis ang tibok ng puso niya. Gusto niyang umatras pero andon na siya kaya kumatok siya pero walang sumagot. Naisipan niyang buksan ang pinto para tingnan kung may tao sa loob. Kahit kinakabahan, inikot niya ang door knob at binuksan ang pinto. Pumasok siya sa loob at nagulat siya sa nakita niya. Magkatabing natutulog si Paul at Danica. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya. Pero alam niyang kahit may boyfriend siya ay di na niya maitatago sa kanyang sarili na may feelings siya para kay Paul. Ngunit alam niyang wala siyang karapatang masaktan. Na wala siyang karapatang magalit. Pero hindi niya napigilan. Nagkunot ang noo niya at nagsalubong ang mga kilay. Iniwan niya ang cake sa mesa at agad tumakbo palabas. May mga luhang tumutulo sa mga mata niya pero pilit niya itong pinipigilan. Bumalik siya sa mga kasama niya at matamlay ang itsura nito. Hindi siya napansin ng iba pagkat busy sila sa kanikanilang ginagawa.
“Huy!” sabi ni Marvin at nagulat si Aya.
“Ano ka ba? Ginulat mo naman ako.” Sabi ng dalaga.
“Bakit parang nakatulala ka diyan? Okay ka lang?” tanong ni Marvin.
“Yup. I’m okay. Pagod lang siguro.” Sabi ni Aya at napabuntong hininga si Marvin.
“Hay. Ikaw kasi eh. Di ka nagpapahinga. Para kaming mga bata at ikaw ang Nanay. Paghinga ka naman babe.” Sabi ni Marvin at napangiti si Aya.
“I’m okay. Really. Upo lang muna ako dito.”
“Sige. Samahan muna kita. Akin na kamay mo masahiin ko para kahit papaano mabawasan naman yung pagod mo.” Sabi ni Marvin at kinuha ang kamaya ng dalaga. Nakatingin lang sa kanya si Aya habang minamasahe nito ang kanyang kamay.
Sa pool naman, magkatabing nakaupo si Nico at Misa sa isang sulok. Naka-akbay si Nico sa dalaga at masayang nagkukwentuhan ang dalawa.
“Uy Coco, asan ba sina Danica?” tanong ni Misa.
“Ewan, nasa cottage siguro. Tinanong ako kanina ni Danica eh hinahanap si Paul. Pinuntahan niya siguro.” Sagot ng binata.
“Napapansin mo bang may gusto si Danica kay Paul? Uy wag mong sasabihing sinabi ko ha.” Sabi ng dalaga.
“Oo naman. Pero tama ka. Actually matagal ko nang napapansin. Ewan ko ba, sadyang manhid lang talaga si Paul eh. Pero I hope mapansin niya si Danica balang araw.”
“Coco, kanino ka ba boto? Kay Aya or kay Danica? Tanong ni Misa.
“Hmmm. Dati, kay Aya. Pero dahil may boyfriend na siya, syempre kay Danica.” Sagot ni Nico at napangiti si Misa.
“Coco, do you love me?” tanong ni Misa at nagtaas ng kilay si Nico.
“Mimi, is that a question or general knowledge? Tinatanong pa ba yan? Natural mahal kita. Mahal na mahal.” Sabi ni Nico at kinilig si Misa.
“I know. Uy, may aaminin sana ako sayo kaya lang wag kang magagalit ha.” Sabi ni Misa.
“Anything. Kahit sabihin mo pang buntis ka papakasalan talaga kita.” Sabi bigla ni Nico. Nanlaki ang mata ni Misa at namula at tila nahirapang huminga.
“Uy Mimi! Okay ka lang? Nagbibiro lang ako ha! Uy!” sabi ni Nico na parang natataranta.
“Okay lang ako. Grabe ka! Nagulat talaga ako doon. Wala pa man tayong quality time eh.” Sabi ni Mimi at natawa si Nico at nakahinga ng maluwang.
“Biro lang kasi. Yang quality time na yan wag mo munang isipin yan. Masaya tayo sa relasyon natin ngayon and that’s what matters. So, ano na ulit yung sasabihin mo?” tanong ni Nico at napabungisngis si Misa.
“I’m pregnant.” Mahinang sagot ni Misa at napatayo si Nico sa pool.
“Ha?! Shet? Pano nangyari yon? Nakakabuntis pala ang kiss!? Hala paano to? Mimi sure ka ba talaga!?” Tanong ni Nico.
“Oo. Bakit ayaw mo?” tanong ni Misa habang nagpapacute.
“Ha!? Gu-gusto. Pero paano? Don’t worry. I’ll be a good father. Promise. Aalagaan ko kayo. Papangalan natin syang Mico! Pinagsamang pangalan nating dalawa.” Sabi ni Nico at siniko siya ni Misa sa sikmura.
“Gaga! Nagbibiro lang ako. Masyadong advance ang utak mo. Pangalan na agad. Seryoso naniwala ka?” tanong ni Misa at umupo na si Nico sa tabi niya.
“Eh pano ba naman kasi nabigla ako. Sino bang di mabibigla sa sinabi mo ha?”
“Ikaw naman. Ikaw ha ka level mo na si Kiko.” Sabi ni Misa at napangisi si Nico.
“Hala! Mimi bad ka na ha.” Sabi ni Nico at pinigilan ni Misa ang tumawa.
“Bakit bawal na ba akong mag joke?”
“Ahm, sige lang. ipagpatuloy!” sigaw ni Nico at pinalo siya ng dalaga sa braso.
“Joke lang kasi.” Sabi ni Misa. Muli siyang inakbayan ni Nico sa pool.
“Coco, gusto mo ba talaga si Gela?” tanong bigla ni Misa.
“Uhm, honestly? Sige, since ayokong magsinungaling sayo. Ang totoo, oo gusto ko siya. Actually, I love her. Pero nung nakilala kita, the love I feel for her gradually decreased. Hanggang sa point na to, mahal ko pa rin siya pero not as much as I love you. Gela will always be my bestfriend. Walang makakapalit sa kanya. Pero wala rin makakapalit sayo dito.” Sabi ni Nico sabay turo sa dibdib niya. Kinilig naman si Misa at natawa si Nico sa kanya.
“Pero, what if, what if lang ha, hindi pala tayo sa huli. Kung mag break tayo. Will you consider dating Gela?” tanong ni Misa.
“Mimi, don’t even open that topic. Meron akong Mimibreakophobia. In short, takot akong mawala ka sa akin. Kahit sabihn mo pang joke lang, di magandang biro yon.” Sabi ni Nico.
“Di naman ako nagjo-joke eh. I’m serious. What if lang.” pilit ni Misa at tiningnan siya ni Nico at napayuko na lang ang dalaga.
“Sorry.” Mahinang bigkas ni Misa. Lalo pang hinigpitan ni Nico ang yakap niya sa dalaga.
“Hay nako! Ikaw talaga! Basta don’t say that again okay? Halika ka nga dito kiss mo ako.” Sabi ni Nico.
“Ayaw ko baka mabuntis ako.” Pa cute ni Misa at natawa si Nico.
“Joke.” Sabi ng dalaga at hinalikan ang binata sa labi.
Mga 6:30 pm na nang magising si Paul. Nakita niyang wala na sa tabi niya si Danica kaya bumangon na rin siya. Nakita rin niya na may chocolate cake sa table. Naupo siya at binanatan ang cake.
Pagkatapos kainin ang cake, lumabas siya at naglibot libot. Dinala siya ng mga paa niya sa cottage ng mga girls. Nakita niya si Aya na nakaupo sa tapat ng cottage nila. Tumalikod agad siya at naglakad ngunit tinawag siya bigla ng dalaga.
“Paul!” sigaw ni Aya at lumingon siya at ngumiti.
“Ah, Aya. Andiyan ka pala.” Sabi ni Paul.
“Saan ka pupunta?” tanong ng dalaga.
“Ah, wala. Naglilibot lang ako. Eh ikaw? Bakit nagiisa ka diyan?”
“Wala naman. Feel ko lang.” sagot ng dalaga.
“Samahan kita?” tanong ni Paul at ngumiti si Aya at tumango. Naupo si Paul sa tabi ni Aya. Sa unang dalawang minuto ay tahimik lang ang dalawa. Tahimik nilang pinagmamasdan ang dagat na tanaw na tanaw mula sa cottage ng mga girls.
“Alam mo, di pa pala tayo naguusap mula ng nagumpisa tong outing noh?” sabi ni Aya.
“Ah, oo nga eh. Pasensya na.”
“Paul? Iniiwasan mo ba ako?” tanong ni Aya.
“Ha? Paano mo naman nasabing iniiwasan kita?”
“Kailangan ko pa bang sabihin?” tanong ng dalaga.
“Eh nakita kita kanina nung papunta ka dito. Tapos nung nakita mo ako bigla kang tumalikod. Kung di pa kita tinawag di mo naman ako kakausapin eh.”
“Nagkataon lang yon. Di talaga kita napansin promise. Eh dead end na kasi to kaya tumalikod na ako. Gusto mo from now on palagi kitang tabihan para lang sabihn mong di kita iniiwasan eh. Kaya lang di naman pwedeng palagi kasi may boyfriend ka.” Sabi ni Paul. Nakayuko lang si Aya at nilalaro ang tsinelas niya gamit ang mga paa niya.
“Nagbago na ang pakikitungo mo sa akin.” Sabi bigla ni Aya at humarap sa kanya si Paul.
“Busy lang ako recently. Sobrang busy.” Sabi niya at tumayo.
“Ano? Tara na? Puntahan na natin sila.” Alok ni Paul.
“Sige mauna ka na. Kukunin ko pa mga pagkain sa ref.” sabi ng dalaga.
“Ha? Di mo naman sinabi agad. Tara tulungan na kita.” Sabi ni Paul at pumayag naman si Aya.
Tinulungan ni Paul si Aya dalhin ang mga pagkain sa mini cottage nila. Pagkatapos ay nagpasama si Paul kay Danica at Kiko para bumili ng dagdag na pagkain para sa lahat. Matapos maihain ang mga pagkain, tinawag na nila ang iba at nagumpisang magsalo-salo.
Pagkatapos kumain, tinulungan ni Misa at Gela si Aya na linisin at iligpit ang mga pinagkainan. At dahil tumulong ang girlfriend nila, nakisali na rin si Nico at Marvin sa pagliligpit.
Sa di may bench naman na nakaharap sa dagat, nakatambay sina Paul, Danica, at Chics habang pinagmamasdan si Claire na naglalakad sa dalampasigan.
“Oh Chics, Naka glue na yata yang mga mata mo kay Claire. Ikaw ha.” Tukso ni Paul at napangiti si Chics.
“Ang cute ni Claire oh. Para syang bata na naglalakad sa beach.” Sabi ni Danica.
“Chics, kumusta naman kayo niyang GF mo?” tanong ni Paul.
“Eto, masaya kami. Going strong.” Sagot ni Chics.
“May natutunan ka naman ba sa past experience niyo?”
“Oo. Ang tagal naming nag-away pero sa totoo lang ang babaw ng dahilan. Kung nakinig lang sana ako eh di na celebrate namin ang 1st anniversary namin.” Sabi ni Chics.
“Hayaan mo na. Ang importante, you both grew. Nag mature kayo sa paghandle ng mga bagay. Uy teka tingnan mo nga girlfriend mo doon at kinakawayan ka niya.” sabi ni Paul. Tumingin naman si Chics at kumaway din kay Claire. Tumakbo ang dalaga papunta sa kanila at naupo sa tabi ni Chics.
“Ako ba pinaguusapan niyo?” tanong ni Claire.
“Ha? Assuming ka ha. Pano mo naman nasabing ikaw?” tanong ni Chics.
“Wala lang. Hihi! Tara samahan mo ako lakad lakad tayo sa beach.” Sabi ni Claire at pumayag naman si Chics. Tumayo ang dalawa at naglakad.
“They’re one cute couple aren’t they?” sabi ni Danica.
“Oo nga eh. Bakit inggit ka?” tanong ni Paul at nagtaas ng kilay si Danica.
“Okay, so I guess that’s a no.” sabi ni Paul.
“Pero alam mo, tingin ko mas magiging cute couple si Kiko at Ysa. Kung magiging sila. Anyway, nagusap na nga pala kami ni Aya kanina.”
“Alam ko. Tinulungan mo kaya siyang ihanda yung mga pagkain. Alangan naman di kayo nagkibuan diba?”
“Hindi, I mean yung seryosong usap.” Sabi ni Paul.
“Talaga?”
“Oo. Sabi niya iniiwasan ko daw siya. Ganon na ba ako kahalata?” tanong ni Paul at natawa si Danica.
“Oo kaya. Hello? Di mo siya kinakausap. At hula ko siya ang nag initiate ng conversation noh?” tanong ni Danica.
“Ha? Pano mo nalaman?”
“Hello!? Kilala kaya kita. Pero ano bang sinabi mo nung sinabi niyang iniiwasan mo siya?”
“Sabi ko nagkakamali siya. Na busy lang talaga ako.” Sagot naman ng binata.
“Hay nako! Busy? Eh bakit nung andito na tayo para magbakasyon di mo pa rin siya kinakausap. Natural mapapansin niya yon. Obvious ka masyado.” Sabi ng dalaga.
“Aiks, hayaan mo na. Bahala siya kung anong gusto niyang isipin.” Sabi ni Paul. Natahimik sandali ang dalawa habang pinagmamasdan si Claire at Chics na masayang nagkukulitan habang naglalakad sa dalampasigan. Natawa silang dalawa nang buhatin ni Chics si Claire at pareho silang natumba.
“Yan, ang payat ba naman kasi.” Sabi ni Paul. At tawa pa rin ng tawa si Danica.
“Oa na Aiks tama na.” biro ni Paul at kinurot siya ni Danica.
“Aray! Kailangan pa bang mangurot? Gusto mong kilitiin ulit kita?” tanong ni Paul at pilit pinigilan ni Danica ang tawa niya.
“Hay! Kaya bagay kayong magsama ni Misa. Napakababaw ng kaligayahan niyo.” Sabi ni Paul at nagtaas ng kilay si Danica.
“Joke.” Sabi ni Paul sabay peace sign sa kamay niya.
“Eh bakit mo ako pinakilala kay Misa? Anong goal mo? Alam ko isasagot mo dahil pareho kaming madaling tumawa. Pero aside from that reason? Imposible naman sigurong yun lang ang reason diba?” tanong ni Danica.
“Acutally, yun lang talaga ang reason.” Biro ni Paul at nagcross arms si Danica.
“Jowk! Eh kasi, wala lang. Feel ko lang kasi na magkakasundo kayo ni Misa eh. At isa pa, at least pag may lakad sila makakasama tayo diba. Kasi close kami ni Nico at close kayo ni Misa. So walang ilangan diba?” paliwanag ni Paul.
“Yun lang?”
“Oo naman. Yun lang bakit meron pa ba dapat?” tanong ni Paul pero di sumagot si Danica.
“Alam mo Aiks, may panaginip ako kanina. Sobrang ganda ng panaginip ko.” Sabi ni Paul at nacurious si Danica.
“Kwento naman diyan.” Sabi ni Dancia at napangiti si Paul.
“Ahm, di ko alam kung dapat ko bang sabihin sayo to eh.”
“Sige na. Sabihin mo na kasi.” Sabi ni Dancia at huminga ng malalim si Paul.
“Kasi sa panaginip ko, nakahiga ako sa ulap. Natutulog daw ako. Tapos bigla akong nagising kasi may anghel na nakatayo sa harap ko. Pinikit ko ang mata ko at dumilat ako ulit pero nagulat ako pagkat face to face na kami agad. Tapos bigla niya akong hinalikan. Grabe! Ang lambot ng labi niya parang totoo. Pagkatapos niya akong halikan may binulong siya pero di ko naintindihan.” Paliwanag ni Paul at namula si Danica. Pulang pula siya at di makatingin sa mga mata ni Paul.
“Panaginip talaga yon?” tanong ni Danica.
“Oo. Pero parang totoo. Grabe sana totoo na lang.” sabi ni Paul.
“So what does this angel look like?” tanong ni Danica at natigilan si Paul.
“The strange thing is, wag kang magagalit ha, pero kamukha mo yung angel eh. Ewan ko nga paano nangyari yon. Siguro dahil ikaw yung katabi ko that time. Thank god hindi si Nico ang katabi ko dahil kung hindi baka mukha niya yung nakalagay doon sa angel. My god di ko maimagine. Kaderderations grabe!” sabi ni Paul at nag inarteng parang bakla ngunit di kumibo si Danica at namumula pa rin.
Sumapit ang alas nuebe at nag tipon tipon ulit ang grupo para sa game. Spin the bottle ulit ang trip nila at game na game naman ang lahat.
“Teka, baguhin kaya natin ang rules?” tanong ni Paul.
“Panong babaguhin?” tanong ni Nico.
“Ganito. 2 times iikot ang bote. Parang question and answer. Unang ikot siya ang magtatanong. Tapos iikutin ulit ang bote at kung kanino tumapat siya naman ang tatanungin.” Paliwanag ng binata.
“Tapos? Yung tinanong siya yung magtatanong sa next round?” tanong ni Misa.
“Pwede. Pero mas maganda kung iikutin ulit ng natanong yung bote tapos mamimili nanaman ng bagong magtatanong at tatanungin. Gets niyo ba? Parang nalilito kayo.”
“Oo nga nakakalito.” Sabi ni Kiko.
“Hindi naman. Okay lang. So example, first spin kay Paul tumapat, so siya yung magtatanong. Tapos yung second spin kay Danica naman tumapat yung bote, eh di siya yung tatanungin. Pagkatapos sumagot, iikutin ulit ni Danica ang bote ng dalawang beses. Ang unang tatapatan ang magtatanong, lets say si kay Aya tumapat, tapos iikutin ulit ni Danica tapos tumapat naman kay Misa, eh di si Danica ang magtatanong tapos si Misa ang sasagot.” Paliwanag ni Nico.
Nag agree ang lahat sa mungkahi ni Paul at nagsimula na sila. Dahil si Paul ang pasimuno, siya ang nagikot ng bote. Tumapat ang first spin kay Claire. Inikot ulit ni Paul ang bote at tumapat naman ito kay Nico.
“Ako nanaman?” tanong ng binata at natawa sila.
“Okay, magtatanong na ba ako?” tanong ni Claire at tumango si Paul.
“Hihi! Kuya who’s you first love?” tanong in Claire at nanlaki ang mata ni Nico.
“Secret.” Sabi ng binata.
“Iyyyyh! Dapat sagutin mo kaya. Ano na?”
“Oo na! Uhm, si Christina.” Sabi ni Nico at naguluhan si Claire. Ang mga boys naman, pati si Aya at Misa ay di na nagulat. Namula naman si Gela pero pilit itinago ito.
“Ha? Sino yon?”
“Ewan ko sayo. Di mo siya kilala kaya wag mo nang itanong.” Sabi ni Nico at napa cross arms si Claire.
“Akala ko naman..”
“Oh siya! Game na! Ikot ko na no?” sabi ni Nico at inikot ang bote. First spin ay kay Kiko at second spin naman ay kay Chics.
“Oh sige, Chics, torpe ka ba?” tanong ni Kiko habang nakangisi.
“Hay nako Kiks, kailangan pa bang itanong yan? Ano ngayon kung torpe ako eh may girlfriend na ako.” Sabi ni Chics.
“Sagutin mo na lang.”
“Oo! Torpe ako! Masaya ka na?” sabi ni Chics at nagtawanan sila.
Nagpatuloy ang kanilang laro ng halos isa at kalahating oras. Si Marvin naman ay nag CR sa cottage pagkat sumakit daw ang tiyan niya. Si Ysa at Claire naman ay umalis rin para mag libot. Si Kiko at Chics naman ay bumalik sa pool. Si Nico ang nagikot ng bote. Sakto namang tumapat kay Aya at Paul ang bote. Nakaramdam ng tension ang grupo. Nagka-ilangan pa sina Paul at Aya.
“Uhm, ano.”
“Go sis, kaya mo yan.” Sabi ni Gela.
“Uhm, Paul, marunong ka palang magluto, bakit di mo sinabi agad?” tanong ni Aya at napangiti si Paul.
“Kasi nung unang beses kong natikman ang luto mo, talagang nagustuhan ko. At gusto kong araw araw matikman ang mga luto mo. Kaya di ko sinabi.” Sabi ni Paul. Pasulyap-sulyap lang ang binata sa mga mata ni Aya at tila sinusubukan niyang tumingin ng diretso.
“Eh bakit ngayon ayaw mo na?”
“Hindi naman sa ganon. Some things just have to stop. Kasi kung magpapatuloy pa ay di na magandang tingnan.” Paliwanag ni Paul. Tahimik lang ang mga kasama nila habang nakikinig sa kanila.
“Kaya ba nagbago na rin ang pakikitungo mo sa akin?” tanong bigla ng dalaga at tahimik lang na nakikinig sina Nico.
“Aya, hindi yon. Busy lang ako lately. Alam mo yon? Hindi naman sa lahat ng oras dapat magusap tayo diba? At isa pa may borfriend ka. So you have to spend more time with him.” Sagot ni Paul.
“Talaga? Bakit parang di ko maiwasang isipin na iniiwasan mo ako? Kung di pa nagbago ang pakikitungo mo sa akin bakit di ka makatingin sa mga mata ko?” tanong ni Aya at tiningnan siya ng diretso ni Paul.
“Anong hindi? Eto nga oh nakatingin na ako. Aya bakit mo ba tinatanong yan? Ano ba ako sayo? Aya magkaibigan lang tayo. Wala akong obligasyong samahan ka sa lahat ng oras at ganon ka din sa akin. Wala kang obligasyong ipagluto kami araw araw. Dapat kay Marvin mo yan ginagawa. Bakit ba? Kung nagbago ang pakikitungo ko sayo, eh ano ngayon? Ano mo ba ako? Ano ba tayo? Were just friends Aya. At yun lang ang meron tayo.” Sabi ni Paul. Speechless na sila Nico. Gusto man nilang pigilan ang dalawa, tila di sila makapag react. Unti unti namang lumabas ang mga luha sa mga mata ni Aya. Maging si Paul ay di makapaniwala sa mga binitawan niyang salita.
“Ganon na lang yon? You’ll forget everything we’ve been through? Yung pinagsamahan natin? Dahil lang sa may boyfriend na ako? My god Paul! Kung yun lang ang foundation ng friendship natin, then mali pala ako, we’re not friends at all. In fact, we’ve never been friends. Dahil lang sa simpleng dahilan ay nasisira ang friendship natin, matatawag pa bang friendship yon? Ewan ko sayo, kung ano ba ako sayo. Oo nga naman, ilang buwan pa lang mula nang naging close tayo diba? Pero in that short period of time, for me, naging kaibigan kita. Magkatapat lang ang apartment natin at almost everyday magkasama tayo. Doon kita nakilala ng husto. Pero mali ako. Feeling ko di kita kilala at all. May nangyari lang nagbago ka na agad. Ano ba talaga ako sayo?” tanong ni Aya. Tumindi ang tension sa pagitan ng dalawa. Napabuntong hininga si Paul at napayuko.
“Aya, what I’m doing, you call it respect. Nirerespeto ko lang ang fact na may boyfriend ka na. Do you understand? Hindi na pwedeng bumalik ang dati nating samahan. Dahil hindi natin maiiwasan ang sasabihin ng ibang tao. Isa sa atin ang kailangang umiwas at ako na yon. Sa friendship natin, walang nagbago. You are still Aya, and I am still Paul. Kung paano mo ako nakilala noon, ganon pa rin ako. Pero some things just don’t last forever. Under certain circumstances, changes occur. Kailangang may mag adjust para makasabay sa circumstance na yon. I’m sorry kung feeling mo iniiwasan kita, na nagbago ako, pero kailangan lang talaga.” Paliwang ni Paul.
“Kailangan? Bakit? I don’t get it. Bakit si Nico at si Gela? You don’t need to reason out. You could just say it in my face na ayaw mo na akong makita at makasama. I’ll understand. And in turn, kakalimutan rin kita at ang pinagsamahan natin. Bakit mo pa kailangang umiwas? Pwede mo namang sabihin sa akin. Jus tell me.”
“Aya, its rare for you to act like that. You’re not thinking straight. Please, wag mong isipin na gusto kong kalimutan ang friendship natin.” Sabi ni Paul.
“Why!? I don’t need reasons. Bakit mo pa ako sinama dito? Para ipagdikdikan sa akin na ayaw mo na akong makita? Para iparamdam sa akin na kinalimutan mo na ang friendship natin? If that’s the case then aalis na ako. I thought you were my friend. Mali pala ako.” Sabi ni Aya. Bakas na ang luha sa pisngi ng dalaga. Biglang tumayo si Paul at naglakad paalis. Huminto siya sandali ngunit di lumingon.
“Walang patutunguhan tong usapan na to. Aya, akala ko maiintindihan mo, dahil matured ka na magisip.” Sabi ni Paul. Humarap siya kay Aya at nakita niyang nakayuko lang ito at nagpupunas ng luha.
“Then make me understand.” Mahinang bigkas ni Aya.
“You want to know my reason? Fine. I still freakingly love you. Kaya kailangan kong umiwas. I tried my best to act normal, kaya nga inimbita ko kayo dito, pero di ko kaya. Deep down my heart is being torn apart. Ang sakit. Seeing the girl you love happy with another guy. Akala mo madali? Akala mo hindi masakit? Well for once magpalit tayo ng lugar para malaman mo ang pinagdadaanan ko.” Sabi ni Paul at muling tumalikod.
“I want all of you na kalimutan ang nangyari ngayon. Na parang walang nangyari. Balik sa dati para masaya. Okay ba yon?” sabi ni Paul at naglakad na paalis. Bigla namang tumayo si Danica at sinundan ang binata. Lumapit si Misa at Gela kay Aya at pinapakalma ito. Ilang sandali pa ay nakita nilang parating si Marvin. Agad siyang pinuntahan ni Nico. Ilang sandali pa ay lumayo ang dalawang binata. Naiwan ang tatlong dalaga sa mini cottage.
Tumambay si Paul sa may dalampasigan. Ilang sandali pa ay nahabol siya ni Danica. Magkatabing naupo ang dalawa sa tabing dagat habang pinagmamasdan ang buwan.
“Okay lang you?” tanong ni Danica at natawa si Paul.
“Yup. Okay lang me. Ano to text?” sabi ni Paul at nagtawanan sila.
“I cant believe nasabi mo ang mga nasabi mo kanina.”
“Oo nga eh. Ewan ko ba. Pinagsisihan ko lahat ng sinabi ko kanina. Every word.” Sabi ni Paul.
“Bakit? Eh totoo naman eh.”
“Because I just caused her more pain.” Sabi ni Paul at natahimik ang dalawa.
“She has turned into a full moon already. Akalain mo nailabas niya ang feelings niya. Pero grabe, unexpected talaga yung kanina. Sana di ko na lang siya sinagot.” Sabi ni Paul at tinapik ni Danica ang balikat ng binata.
“Pao, di mo na mababago ang nangyari. Malamang nagbago na ang pakikitungo mo sa kanya pero ganyan talaga.. Things change and they’re never the same again. That’s life. Life moves on. And so should we.” Sabi ni Danica at napangiti si Paul.
“Hay nako Aiks. Nabasa ko na yata sa isang libro yang quote na yan. Pero anyway, thanks for reminding me. Buti na lang nandito ka. Dahil sayo, may mukha pa akong ihaharap sa kanila.”
“Talaga? Bakit?”
“Wala lang. Feeling ko kasi pag kasama kita di ako ma-iilang sa kanila after what happened. Feeling ko lang. You really are my best bud.” Sabi ni Paul at inakbayan si Danica.
“Pao? Have you given up on her?” tanong ni Danica at napatingin sa kanya si Paul.
“Ha? Bakit mo tinatanong?”
“Wala lang. Gusto ko lang malaman.” Sabi ni Danica at huminga ng malalim si Paul.
“Nope. Di pa naman sila kasal ah. Pero I wont persue her.”
“Ha? Ang gulo. Di ka pa give up pero ayaw mo na siyang i-persue?” tanong ng dalaga.
“What I mean is, I haven’t given up on the fact na posible pang maging kami. Pero di ko siya ipe-persue. Kumbaga di ko priority yon. I will just sit back and let fate do the job. Kung may makilala akong iba, okay lang. I wont deprive myself of love. Syempre gusto ko ring may magmahal sa akin noh. Kung mag break sila ni Marvin, okay lang din. Di ko gagamitin ang chance na yon to be with her. Pero I will comfort her in case she needs me pero hanggang doon lang yon. Naintindihan mo? Kumbaga, wala akong gagawin para maging kami.” Paliwanag ni Paul.
“Eh paano kung may nagmamahal na sayo pero di mo lang alam?” tanong ni Danica.
“Ha? Sino? Sabihin mo at liligawan ko siya.” Sabi ni Paul at nanlaki ang mga mata ni Danica.
“Ha? Really?”
“Joke lang. Syempre kailangan ko muna siyang makita, kung nagustuhan ko rin siya, eh di go. Syempre alangan ligawan ko pero di ko gusto, eh di parang pinaglalaruan ko lang siya diba?”
“Yup. You’re right. Pero anyway, what if lang naman. Wala akong sinasabing meron. Pero kung sakali mang meron, dadaan muna sila sa akin.” Sabi ni Danica at natawa si Paul.
“Mas masahol ka pa sa mommy ko. Ikaw talaga.” Sabi ni Paul at si Danica naman ang natawa.
“Aba dapat lang. Eh ayoko naman na iiyak iyak ka nanaman sa kwarto ko noh!” sabi ni Danica at natawa silang dalawa.
Maagang natulog ang ibang boys. Tulog na si Marvin pagkat mag mamaneho pa siya bukas. Si Chics at Kiko ay tulog na rin. Si Paul ay kasama pa si Danica na naglilibot. Si Nico naman ay nakatayo sa labas ng boy’s cottage at nagpapahangin. Wala siyang magawa kaya naisipan niyang kumanta. Habang kumakanta ay biglang sumulpot si Gela.
“Ehem!” sabi ni Gela at agad huminto si Nico.
“Uy, di ka pa pala tulog?” tanong ni Nico at natawa si Gela.
“Uy, sige kanta lang.” sabi ni Gela.
“Next time na lang. Halika nga dito tabi tayo.” Sabi ni Nico at tumabi naman sa kanya si Gela.
“Si Misa?” tanong ni Nico.
“Andon, kasama si Aya at Ysa. Malungkot pa rin siya eh. Teka, bakit ba di mo na lang sabihing ‘Mimi’? bakit pag kami Misa ang tawag mo sa kanya?” tanong ni Gela.
“Eh kasi napagkasunduan namin na tatawagin ko siyang Mimi pag siya ang kausap ko. Meaning when I’m talking about her sa iba, hindi na Mimi ang tawag ko sa kanya. Ganon din siya sa akin.” Paliwanag ni Nico.
“I see. Pero ang cute ng tawagan niyo noh? Teka bakit gising ka pa?”
“Eh alam mo namang nocturnal ako. Eto ang peak hours ko, gising na gising ako sa mga oras na to. Eh ikaw? Bakit gising ka pa?”
“Eh di ako makatulog eh.”
“Weh? Iniisip mo lang niyan prince charming mo eh. Pakilala mo siya sa akin ha.”
“Hindi ko kaya siya iniisip. Duh!?” pagalit na bigkas ni Gela.
“Ba? Anong meron? May nangyari?”
“Ewan! Bigla na lang siyang di nagpakita. Hay nako! Lulubog lilitaw! Kainis!” sabi ni Gela at natawa si Nico.
“Okay lang yan. Baka torpe lang like me. Give him a chance para makapgipon ng lakas ng loob.” Sabi ni Nico.
“Oh ano? Smile na.” dagdag ng binata at ngumiti si Gela. Sumandal siya sa balikat ni Nico.
“Best? Totoo ba yung sinabi mo?” tanong ni Gela.
“Alin?”
“Alam mo na. Yung sa spin the bottle?”
“Alin? Di ko maalala.” Palusot ni Nico at binatukan siya ni Gela.
“Oh, naalala mo na?” tanong ni Gela at napabuntong hininga si Nico.
“Hay, oo na. Totoo yon.” Sabi ni Nico at namula si Gela.
“Bakit di mo sinabi dati?”
“Kasi kuntento na ako sa relasyon natin dati. At isa pa alam kong bawal.”
“But you love Misa don’t you?
“Oo naman. I love her very much. Honestly, I love her more.” Sabi ni Nico. Hindi nakasagot si Gela at natahimik.
“Gela?”
“Best, uhm, may gusto akong sabihin sayo.” Sabi ni Gela. Tiningnan naman siya ni Nico.
“Okay, tell me.”
“Uhm, kasi, the truth is, ano. Uhm, the way you felt for me before, ganon din ang nararamdaman ko para sayo.” Sabi ni Gela. Nagkunwari namang nagulat si Nico.
“Di nga?” tanong ni Nico.
“Oh sige hindi na.” sabi ni Gela at natawa si Nico. Inakbayan ng binata si Gela at yumakap rin si Gela kay Nico.
“So I love you and you love me. Ano tayo?” tanong ni Nico.
“Bestfriends.” Sagot naman ni Gela.
“Maybe we we’re meant to be just bestfriends.”
“Maybe.” Mahinang sagot ng dalaga.
“Best?”
“Yep?”
“What if di mo nakilala si Misa, tapos sinabi ko sayo na mahal kita, will you court me?” tanong ni Gela.
“Oo naman.”
“Really? Parang nagsisi tuloy ako bigla. Pero its okay. As long as happy ka.” Sabi ni Gela at kumalas si Nico sa pagakbay sa dalaga at tiningnan ito sa mata.
“Okay ka lang?” tanong ni Nico.
“What are you talking about? Of course I’m okay.” Sabi ni Gela.
“Gela, kilala kita. Alam ko ang tono ng boses mo. Kanina biglang nag iba kaya alam ko di ka okay. Lets just change the topic.” Sabi ni Nico. Napansin ni Nico ang namumuong luha sa mga mata ng bestfriend niya.
“No, I’m okay. Really.”
“No you’re not. Gusto mo ilabas mo and I will listen. Pero kung ayaw mo sige change topic.” Sabi ni Nico. Tumingin sa malayo si Gela.
“Best? May request sana ako eh.” Sabi ni Gela.
“Anything.” Sagot naman ng binata.
“Wag na.”
“Gela naman. Okay lang talaga.” Sabi ni Nico at biglang tumayo si Gela.
“Its late. Tulog na ko. Goodnight best.” Sabi ni Gela. Aalis na sana siya pero tumayo rin si Nico at hinawakan ang braso ng dalaga.
“Gela, kung ano man yon, ngayon mo na sabihin.” Sabi ni Nico. Humarap ang dalaga sa kanya ngunit nakayuko ito.
“Baka kasi, wag na lang.”
“Gela.” Sabi ni Nico at huminga ng malalim si Gela.
“Uhm, kasi, this feeling. The pain that I’m feeling. The regret that I’m feeling. Parang di ko na kaya. Parang sasabog na ako. Pero I know that you love someone else. So I just want to let it all out bago ako tuluyang makapag move on.” Sabi ni Gela. Tumulo na ang luha sa pisngi ng dalaga at pinunasan naman ito ni Nico.
“My heart feels like its bursting. Hindi mo lang alam na halos gabi gabi akong umiiyak sa kwarto. Pero, kasi, uhm,”
“Gela, sabihin mo lang. Paano kita matutulungan?” tanong ni Nico ngunit di sumagot si ang dalaga.
“Gela.” Sabi ni Nico at napabuntong hininga ang dalaga.
“A kiss. Just one kiss.” Sabi bigla ng dalaga at nagulat si Nico.
“Teka lang, kasi ano-“
“Sige okay lang. Sige alis na ako.” Sabi ni Gela pero pinigilan siya ni Nico.
“Okay, payag ako. Para lang mabawasan ang sakit na nararamdaman mo.”
“Best, just let me be the one to kiss you. So you don’t have to take the blame just in case. I just need you to close your eyes at stand in front of me.” sabi ni Gela.
“Okay.” Sabi ni Nico at pinikit ang mata niya. Tinitigan lang siya ni Gela.
“Bakit ang tagal?” tanong ni Nico at natawa ang dalaga. Lumapit siya at hinalikan ang labi ni bestfriend niya.
Naisipan ni Misa na makipagkwentuhan pa sa boyfriend niya kaya naisipan niyang puntahan ito. Alam ng dalaga na nasa cottage lang si Nico kaya agad siyang nagtungo sa cottage ng boys. Pagdating doon ay nakita niyang naguusap si Nico at Gela. Lalapit sana siya ngunit nagulat siya sa sumunod na nangyari. Bigla na lang hinalikan ni Gela si Nico. Hindi naman pumalag ang boyfriend niya. Parehong nakapikit ang mata ng dalawa. Magkahalong galit at sakit ang naramdaman niya sa mga oras na yon. Hindi niya napigilan ang pagtulo ng luha sa kanang mga mata. Tinakpan niya ang bibig niya para hindi siya marinig umiyak. Matapos ang ilang sandali ay di na niya nakayanan at tumakbo palayo.
Tumakbo siya papunta sa girl’s cottage at walang tao doon. Agad siyang nagpunta sa banyo at binuksan ang shower para hindi siya marinig sa labas. Inilabas niya ang lahat ng sama ng loob niya doon. Sumisigaw pa siya habang umiiyak. Binasa ng dalaga ang sarili kahit suot pa ang mga damit niya habang umiiyak. Hindi siya makapaniwala sa nakita niya. Para sa kanya, niloko siya ng lalaking pinakamamahal niya.
Kinabukasan, naghanda na nag lahat para umuwi. Humirit pa ng swimming ang ilan. Before lunch ay handa na ang lahat. Kapansin pansin ang pagiwas ni Aya at Paul sa isa’t isa. Naglakad sila paalis at dinala ni Nico ang bagahe ni Misa. Napansin niyang matamlay ito at di nagsasalita.
“Mimi okay ka lang?” tanong ni Nico at pinilit ngumit ng dalaga.
“Oo. Okay lang ako Nicks.” Sabi ni Misa. Nagulat naman si Nico sa tinawag sa kanya ng dalaga ngunit di na siya nagtanong.
“Bakit parang malungkot ka? May nangyari ba?”
“Wala.” Sagot ng dalaga.
“Its okay. You can tell me naman. Whats bothering you?”
“Wala nga. Bilisan mo at gusto ko nang umuwi.” Sabi ni Misa at binilisan ang lakad niya.
Nakasakay na ang lahat at handa nang umalis. Nakasakay sa kotse ni Paul sina Danica, Nico, Misa at Kiko habang ang iba ay sa sasakyan na ni Marvin sumakay. Tahimik ang lahat sa kotse kaya naging tahimik ang biyahe. Unang ibinaba si Danica. Sunod naman si Misa. Bumaba rin si Nico at tinulungang ibaba ang mga gamit ng dalaga. Pinauna na niya sina Paul at nagpaiwan. Hinatid ni Nico si Misa hanggang sa sala nila. Naglakad ang dalawa sa garden. Tahimik pa rin si Misa at nababahala na si Nico.
“Mimi whats wrong?”
“Nicks, I don’t want to see you again.” Sabi bigla ni Misa at nagulat si Nico.
“Ha? Ba-bakit? Anong nangyari? May nagawa ba ako?” tanong ni Nico at naiyak na si Misa.
“Nicks, please. Umalis ka na.” sabi ni Misa at tinakpan ang mukha niya. Agad naman siyang niyakap ni Nico pero umalis ang dalaga.
“Please, just leave!” sabi ni Misa at tumakbo papasok. Piniglan naman siya ni Nico.
“I’m not leaving until you tell me the problem.” Sabi ni Nico.
“Kayong mga lalake. Pare-pareho kayo! Leave me alone! Umalis ka na!”
“Misa, what are you talking about?” tanong ni Nico.
“Remember nung nasa pool tayo? Sabi ko sayo may gusto akong sabihin. Di ko nasabi noon pero I will tell you now. Si Trish, remember her? She’s my cousin. At oo alam ko ang nangyari sa resort. Ang galing mo nga eh. Grabe akala ko loyal ka sa akin. Pero after I saw what happened last night, na prove ko lang na pare-pareho kayo. Umalis ka na! ngayon na.” sabi ni Misa at iyak ito ng iyak. Niyakap siya ni Nico nang mahigpit.
“Mimi. Please. About last night, I’m sorry. It just happened. Hindi ko gustong saktan ka. Please don’t do this. I love you. Please.” Sabi ni Nico. Kumalas si Misa at itinulak ang binata palayo sa kanya.
“I don’t want to hear you alibies. Umalis ka na! I don’t want to see you ever again!” sigaw ni Misa at tumakbo papasok sa bahay nila. Naiwan naman si Nico sa may garden nila. Tumingin siya sa langit.
“Damn it!” bulong niya habang tumulo ang luha sa kanyang mga mata at dahan dahang naglakad palayo.
No comments:
Post a Comment