A Wonderful Life
By: Nico and Paul
Chapter 14: Kiko and Chics – Another side of the story
Another side of the story – Distance
Magmula nung araw na umamin si Kiko kay Ysa ay hindi na mapaghiwalay ang dalawa. Palagi silang magkasama pati sa school na naging dahilan ng paglayo ng ibang manliligaw ni Ysa. Pero meron pa ring iba na sadyang makulit.
Tuesday ng tanghali, sabay na naglunch ang dalawa. Nagpunta sila sa school canteen at humanap ng pwesto. Nakita si Kiko ng mga kaibigan niya at agad nagtungo papunta sa kanila.
“Franz, kakain kayo?” tanong ni Joey.
“Ay hindi man magha-hikng kami.” Sab ni Kiko at napahalkhak si Ysa.
“Eto naman. Pwede makiupo?”
“Pare ano ka ba? Give us privacy please. Bukas na lang.” bulong ni Kiko kay Joey.
“Ano ka ba walang pasok bukas. Holiday.” Sagot ng binata.
“Talaga? Yes!” sabi ni Kiko at natawa si Joey.
“May balak ka bang gawin bukas?”
“Wala ka na doon. Oh siya. Please leave us.” Sabi ni Kiko at umalis ang dalawa.
Nakaorder na sila ng makakain nila. Pareho silang matakaw at tila naguunahan matapos. Napatingin sa kanila ang ibang tao sa canteen at napapangiti. Halos sandali pa lang na katahimikan nang may lumapit nanaman sa kanila.
“Hi, pwedeng makiupo?” tanong ni Jay.
“Ang daming upuan bakit dito ka pa uupo?” tanong ni Kiko.
“Uy Kiko! Sama mo naman. Oh Jay upo ka oh.” Sabi ni Ysa. Uupo na sana si Jay sa tabi ng dalaga pero hinarangan siya ni Kiko.
“Kung gusto mong maupo dito ka sa tabi ko.” Utos ni Kiko at sumunod naman ang binata at nagpigil naman ng tawa si Ysa.
Wednesday at walang pasok. Magtatanghali na nang magising si Kiko at napansin niyang wala si Paul. Tinanong niya ito kay Nico at sinabi naman ng pinsan niya na umuwi muna si Paul sa kanila.
Pagsapit ng hapon ay niyaya niya si Ysa lumabas. Agad naman pumayag ang dalaga basta treat daw ni Kiko ang lahat. Nagtungo sila sa mall at naglibot libot. Ilang sandali pa ay tumigil sila sa tapat ng posters ng mga movies.
“Gusto mong manuod?” tanong ni Kiko. Tumingin sa kanya ang dalaga at tumango na parang bata.
“Ano gusto mo?” tanong ni Kiko. Tumingin ang dalaga sa posters at may tinuro.
“Bakit yan? Eh mga vampires yan eh.” Sabi ni Kiko.
“Eh gusto ko eh.” Sagot ni Ysa.
“Okay. Tara bili tayo ng ticket tapos bili tayo ng foods.” Sabi ni Kiko.
“Pwede wag munag heavy? Snacks lang. Gusto ko kasi bili tayo ng ice cream eh. Yung malaki.”
“Oh sige. The usual flavor?”
“Yup.” Sabi ng dalaga. Pagkatapos bumili ng ticket, nagtungo ang dalawa sa hypermarket para bumili ng Iced cream, snacks at drinks. Pagkatapos ay pumasok na sila sa loob ng sinehan.
Nagumpisa na ang palabas at agad pinabuksan ni Ysa ang ice cream. Hindi makapag concentrate si Kiko sa kapapanood kay Ysa kumain. Natawa rin siya pagkat talagang nakafocus ito sa pinapanood niya. Kalagitnaan ng palabas ay naubos na ng dalawa ang ice cream. Nakita ni Kiko na may dumi pa sa bibig ni Ysa kaya pinunasan niya ito. Natawa lang ang dalaga sa kanya.
Nang matapos ang palabas ay naglakad lakad muna ang dalawa. Matapos ang halos 30 minutes na paglalakad ay kumain na ng dinner ang dalawa. As usual marami nanaman ang inorder nila. Matapos kumain at magpahinga ay naglakad ang dalawa pauwi.
“Kiko, thanks. Sarap nung ice cream noh?” sabi ni Ysa.
“Oo nga eh. Akalain mong naubos natin yon? Pero medyo sumakit yung tiyan ko eh.” Sabi ni Kiko.
“Hihi. Ang takaw mo kasi eh.”
“Ako lang ba matakaw?” sabi ni Kiko sabay ngiti kay Ysa.
“Oo! Diet ako noh! Kailangan kong magbawas ng pagkain.”
“Ha?! Diet ka na sa lagay na yon?”
“Oo bakit may problema?” sabi ni Ysa at nagtaas ng kilay.
“Ah, wala naman. Sabi ko nga diet ka.” Sagot ni Kiko at napangisi.
Friday ng hapon at sabay naglakad pauwi ang dalawa. Nagpabili nanaman si Ysa ng shake kay Kiko kaya tuwang tuwa ito. Habang naglalakad napansin ni Kiko na may sumusunod sa kanilang mga lalaki, tila binabantayan sila.
“Ysa, kilala mo ba yung mga yon?” tanong ni Kiko.
“Sino?” tanong ng dalaga.
“Ayun oh, yung mga bumubuntot sa atin.” Sabi ni Kiko at napalingon si Ysa.
“Hindi eh. Pero familiar yung mga mukha nila.” Sagot ng dalaga.
“Natural, kamukha nila yung aso ni Ate Gela dati eh.” Banat ni Kiko at nagtawanan sila.
Lumingon si Kiko at nakitang nakabuntot pa rin ang mga lalaki.
“Wag mo na silang pansinin. Tara na bilisan natin. Gusto ko na umuwi eh.” Sabi ni Ysa at yumakap sa braso ni Kiko. Napangiti ang binata sabay lumingon at nakita niya ang mga lalaki na malungkot ang itsura habang tumatalikod at naglakad palayo.
“Hay, mga manliligaw mo lang pala.” Sabi ni Kiko.
“Ha? Saan? Sino?” sabi ng dalaga habang palingon lingon sa paligid.
“Yung mga sumusunod kanina. Pero umalis na sila. Sumuko na.”
“Ha? Bakit?”
“Teka, parang ayaw mo pa yatang umalis sila ah.”
“Hindi naman. Nagtaka lang ako.” Depensa ng dalaga.
“Eh kasi nakahawak ka sa akin, akala siguro nila boyfriend mo ako.” Sabi ni Kiko. Nagulat si Ysa pero hindi niya inalis ang pagyakap niya sa braso ng binata.
“Mamatay sila sa inggit.” Sabi ni Ysa sabay bungisngis.
Sumapit ang linggo at nagising si Kiko sa ingay sa baba. Lumabas siya ng kwarto at nakita sina Aya at Gela na tinutulungan si Nico maghanda sa kusina. Bumaba siya sa hagdan at naupo sa dining table.
“Anong meron?” tanong ni Kiko.
“Ah, wala, konting salo salo lang. Tapos ipapakilala na ni Aya formally si Marvin.” Sabi ni Nico.
“Ah, buti wala si-.” Hindi na natuloy ni Kiko ang sasabihin pagkat tiningnan siya ng masama ni Nico.
Nagpunta si Kiko sa kabila para tingnan si Ysa. Nakita niya itong nakaupo sa sofa at nanonood ng T.V.
“Bakit wala ka doon?” tanong ni Kiko.
“Eh kasi tulog ka pa eh. Wala akong kausap.” Sabi ng dalaga at napangiti si Kiko.
“Ganon? Sorry naman. Bakit di ka tumulong?”
“Kiko, magaling ako mag bake pero hindi ako marunong magluto. Wala akong maitutulong doon. Baka makagulo pa ako.” Sabi ng dalaga na parang nagtatampo.
“Oh bakit parang nakasimangot ka?”
“Nakakainis kasi si Ate eh. Gusto ko naman talaga tumulong kaya lang wag na daw. Nakakainis!” sabi ni Ysa habang pinang-gigigilan ang unan na hawak niya. Lumapit si Kiko at naupo sa tabi ng dalaga.
“Hay. Mabuti pa samahan na lang kita dito. Ayaw rin naman akong patulungin doon eh.” Sabi ni Kiko at napangiti si Ysa. Magkatabing nanood ng TV and dalawa. Makalipas ang isa at kalahating oras ay tinawag na sila ni Nico para magpunta sa kabila. Tumayo ang dalawa at lumabas ng apartment.
“Kiks, panoorin natin mamaya yung part one at two nung pinanood natin sa sine. Part three na pala yon eh.” Sabi ng dalaga.
“Ah, okay. Saan?”
“May DVD ako. Panoorin na lang natin sa laptop ko.” Sabi ng dalaga at pumayag si Kiko.
Makalipas ang ilang minuto ay dumating na si Marvin at may dalang dessert. Nagumpisa nang magsalo salo ang lahat. Sa kalagitnaan ng kainan, napalingon si Kiko sa may pinto pagkat narinig niya itong nagbukas. Nakita niya si Paul na nakatayo doon at parang nagulat. Agad naman siyang pinuntahan ni Nico at umakyat ang dalawa sa taas.
Hapon na at nagpunta si Kiko sa kabilang apartment. Nakita niya si Aya na nakupo sa bench sa harap ng apartment nila at nginitian siya.
“Si Ysa?” tanong ni Kiko.
“Nasa loob. Pasok ka.” Sabi ng dalaga at pumasok naman si Kiko. Pagpasok ni Kiko ay walang tao sa sala. Ilang sandali pa ay nagbukas ang kwarto ni Ysa.
“Kiko! Game na? Tara dito.” Sabi ni Ysa. Agad namang umakyat si Kiko. Pagdating sa taas ay napatigil siya.
“Teka, diyan sa kwarto mo?” tanong ni Kiko.
“Oo, manonood kasi si Ate Gela mamaya sa TV eh. Dito na lang sa laptop ko.”
“Eh bakit sa kwarto mo pa?” tanong ni Kiko at nagtaas ng kilay ang dalaga.
“Papasok ka ba o hindi?” tanong niya.
“Opo papasok na po.” Painosenteng sagot ni Kiko at pumasok na sa loob.
Inumpisahan ng dalawa ang part one. Nakapatong sa kama ang laptop at nakapwesto naman sa sahig ang dalawa. Maraming nakakalat na pagkain sa sahig. Tiningnan ni Kiko si Ysa at nakitang nakafocus talaga ito sa pinapanood niya.
Halos apat at kalahating oras ang lumipas at natapos na ng dalawa ang pinapanood nila. Napasandal ang dalawa sa baba ng kama ni Ysa habang kumakain pa ng natirang chips.
“Ano okay ba?” tanong ni Kiko.
“Yup. Nakakakilig. At ang gwapo ni Edward noh?” sabi ni Ysa.
“Huh! Si Edward? Oo naman kaya nga kamukha ko siya eh.” Banat ni Kiko at natawa ang dalaga. Naubos na ang kinakain nilang chips at sandaling natahimik ang dalawa.
“Ysa?” sabi ni Kiko.
“Hmmm?”
“Do you really like me?” tanong bigla ni Kiko. Napatingin ang dalaga sa kanya pero seryoso ang mukha nito.
“What do you think?” tanong ng dalaga. Tumingin sa malayo si Kiko at tila nag iisip.
“Siguro oo. Pero hindi ko alam kung anong klaseng like eh.”
“Bakit ano bang klase ng like ang gusto mo?” tanong ni Ysa.
“Hmmm. Ganito na lang. Masaya ka ba pag kasama ako?” tanong ni Kiko at napangiti ang dalaga.
“Yup!” sagot niya.
“Para sayo ba magiging mas masaya ka pa pag ibang lalaki ang kasama mo? Kaibigan ang tinutukoy ko ha.” Sabi ni Kiko.
“Nope.” Sagot ni Ysa.
“Pinapasama ko ba ang loob mo?”
“Minsan.” Sabi ng dalaga.
“Talaga?”
“Joke lang.”
“Tingin mo ba pag di mo ako nakita malulungkot ka?”
“Of course. Pero don’t tell me aalis ka?”
“Hindi no. Nagtatanong lang ako. So base sa mga sinabi mo, importante ba ako sayo?” tanong ni Kiko. Napayuko ang dalaga at tila nagiisip. Huminga siya ng malalim at humarap muli kay Kiko at napangiti.
“Oo naman.” Sagot ni Ysa. Napangiti naman si Kiko.
“Talaga?” tanong ng binata.
“Yup!”
“Ikaw din eh.” Sabi ni Kiko.
“Alam ko.” Pacute ng dalaga at natawa si Kiko.
“Pero Kiko, masaya na naman tayo sa ganito diba?” sabi ni Ysa.
“Yup!” sagot ni Kiko na parang ginagaya si Ysa.
“Iiiyh! Wag kang ganyan sumagot nakakadiri.”
“Owkee.” Sabi ni kiko.
“So okay lang naman sayo na ganito muna diba?” sabi ng dalaga.
“Oo naman. Bakit meron pa ba tayong ibang pwedeng kalabasan maliban sa pagiging friends?” tanong ni Kiko at napasimangot ang dalaga.
“Ewan.” Sagot ni Ysa. Huminga ng malalim si Kiko at tumingin sa malayo habang nakayuko naman ang dalaga.
“Ysa, masaya na ako sa ganito Don’t worry. Isipin mo yung ngayon at wala nang iba. Masaya tayo sa sitwasyon natin kaya hayaan na natin ang ganito.” Sabi ni Kiko.
“Kiko, will you wait till I’m ready?” tanong ni Ysa.
“Ready for what?”
“Iiiiyh! Alam mo na yon.” Sabi ni Ysa at natawa si Kiko.
“Of course. I’ll wait.” Sabi ni Kiko at napangiti si Ysa at yumakap sa braso niya.
Kinabukasan, as usual naman ang lahat. Sabay pumasok at umuwi galing school sina Kiko at Ysa. Tuesday morning, sabay pumasok ang dalawa papasok ng school. Pagdating sa gate ay naghiwalay na ang dalawa. Sumapit ang break at nagmadaling lumabas si Kiko para puntahan si Ysa. Nakita niya si Ysa sa labas ng room nila na may kausap na lalaki.
“Lang yang Jay to ang kulit!” bulong ni Kiko sa sarili at agad lumapit kina Ysa. Habang papalapit ay napansin niya ang matamis na ngiti ng dalaga habang nakikipagusap kay Jay. Lalong nainis si Kiko. Napalingon naman sa kanya si Ysa at kinawayan siya.
“Kiko!” sabi ni Ysa sabay naglakad papunta sa binata.
“Tara kain na tayo?” sabi ni Kiko sabay tingin kay Jay.
“Tara, Jay sama ka.” Sabi ni Ysa.
“Ha? Bakit?” bulong ni Kiko kay Ysa.
“Eh magkapartner nanaman kami sa project namin eh kaya kailangan namin pagusapan mamaya yon.” Sagot ng dalaga. Hindi na kumontra pa si Kiko.
Pagdating sa canteen ay nagorder ang tatlo. Wala nang nagawa si Kiko nang paupuin ni Ysa si Jay sa tabi niya. Busy naguusap ang dalawa habang kumakain at parang na OP naman si Kiko.
“Ah, Ysa, sabay ba tayong uuwi mamaya?” tanong ni Kiko at napatingin saglit sa kanya si Ysa.
“Kiko mamaya na. Jay ano kasi ulit yon?” sabi ni Ysa at muli nanaman silang nagusap ni Jay. Napayuko na lang si Kiko at pilit inalis ang tingin sa dalawa.
Sumapit nag dismissal at naghintay si Kiko sa front gate. Ilang sandali pa ay dumating si Ysa kasama si Jay.
“Hi Kiko! Tara?” sabi ng dalaga. Ngumit lang ang binata at kumapit sa braso niya si Ysa.
“Jay, bukas ha. Alis na kami.” Sabi ni Ysa at naglakad na ang dalawa pauwi. Tahimik lang si Kiko habang naglalakad at napansin naman yon ni Ysa.
“Uy bakit ang tahimik mo?” tanong ng dalaga.
“Wala naman.” Sagot ni Kiko.
“Uy, sabihin mo na. Ano bang meron?”
“Wala nga. Pagod lang ako.”
“Eh dati naman kahit pagod ka madaldal ka parin eh. Sabihin mo na kasi.”
“Okay lang talaga ako. Masama lang pakiramdam ko.” Sagot ni Kiko.
“Okay. Tara uwi na tayo para makapagpahinga ka.” Malungkot na sagot ng dalaga.
Lumipas ang mga araw at lalo pang napapadalas ang pagdikit ni Jay kay Ysa. Hindi na rin nagkakasabay umuwi ang dalawa pagkat nagpapaiwan pa ang dalaga para gumawa ng project nila ni Jay.
Thursday ng gabi, nakatunganga si Kiko sa kwarto. Ilang sandali pa ay dumating si Chics galing school. Hindi niya ito tiningnan at nakatingin lang sa kisame.
“Problemado?” tanong ni Chics at tumango lang si Kiko.
“Ysa?” tanong ni Chics at muli nanamang tumango si Kiko.
“Anong problema?” tanong ulit ni Chics. Umupo si Kiko sa kama at napabuntong hininga.
“Bakit ba feeling ko anytime pwedeng mawala si Ysa sa akin?” sabi ni Kiko at natawa si Chics.
“Eh kasi di pa kayo.” Sabi ni Kiko.
“Kahit naman kayo pwede pa rin siyang mawala.” Sabi ni Kiko at nabura ang ngiti ni Chics.
“Sorry.”
“Okay lang.” sabi naman ni Chics. “Pano mo ba kasi nasabi yon?” dagdag niya.
“Eh kasi recently naglevel up nanaman ang relasyon namin eh. I mean hindi pa kami pero one step closer na. Kasi sinabi na talaga sa akin na hintayin ko siya pag ready na siya. Okay lang naman sa akin dahil masaya na ako sa ganito. Pero kasi pag may ibang lumalapit sa kanya, wala akong magawa kasi wala naman akong karapatan na makialam eh.” Paliwanag ni Kiko.
“Bakit meron nga ba?” tanong ni Chics.
“Oo, yung Jay na yun. Kahit kailan talaga epal. Oo, alam niyang hindi kami ni Ysa pero sinasamantala naman ng gago.” Sabi ni Kiko at natawa si Chics sa kanya.
“Laki ng galit mo don ah.”
“Talaga. Hay! Ewan ko, hindi ko na alam ang gagawin ko. Alam mo yun? Para akong naghihintay lang na masaktan. Di ba katangahan yon?”
“Alam mo, trust her na lang sa sinabi niya na hintayin mo siya. Hindi naman porket ineentertain niya yung lalaking yon eh gusto na niya. Eh friendly naman talaga si Ysa eh.”
“Hay, tama ka. I’ll trust her na lang.” sabi ni Kiko at tinapik ni Chics ang balikat niya.
“Trust her pero wag masyado.” Sabi ni Chics at nagtungo na siya sa banyo para maligo. Naiwan namang nakatunganga si Kiko sa kama.
Sumapit nanaman ang lunes. Hindi sabay pumasok si Kiko at Ysa dahil maagang pumasok ang dalaga. Kinabukasan ay ganon din ang nangyari. Sumapit ang gabi at nakatambay si Kiko sa sala. Narinig niyang bumukas ang gate at nakita niyang pumasok si Ysa. Pupuntahan sana niya pero nakita niyang kasama pala niya si Jay at hinatid siya. Napasimangot si Kiko at pinanood ang dalawa habang naguusap. Tumalikod na si Ysa para magtungo sa apartment nila. Napalingon siya sa apartment nina Kiko pero nagtago ang binata. Nang makapasok na ang dalaga ay napabuntong hininga na lang si Kiko.
Miyerkules at pareho nanaman ang nangyari. Hinanap ni Kiko si Ysa pagdating ng lunch pero hindi niya ito makita. Pinuntahan niya ang classroom nila at nakita niya doon si Ysa na masayang kumakain kasama si Jay. Nanigas ang kamao ng binata at naglakad na lang palayo.
Dumating ang Friday at dismissal nanaman. Pagdaan ni Kiko sa classroom ni Ysa ay nakita niya ang dalaga doon at nakatayo. Agad siyang pinuntahan nito at humawak sa braso niya.
“Kanina pa kita hinihintay. Uwi ka na?” tanong ni Ysa.
“Ah, oo.”
“Lets go?” sabi ni Ysa at naglakad ang dalawa. Masaya naman si Kiko dahil sabay nanaman silang uuwi ni Ysa.
“Hay nako. Sa wakas natapos rin ang project namin. Grabe nakakaloka. Mahirap talagang maging matalino palaging sayo naka-asign yung mga trabaho.” Sabi ni Ysa. Dumaldal ng dumaldal si Ysa at si Kiko nakatingin lang sa dalaga. Halos hindi niya maintindihan ang kwento ng dalaga pero okay lang sa kanya dahil masaya siya at muli nanaman silang nagkasama.
“Alam mo, binigyan ako ni Jay ng stufftoy at isang rose kanina. Ang bait niya noh?” sabi ni Ysa at tila natameme si Kiko.
“Ha? Bakit?” tanong ni Kiko.
“Ewan ko.” Masayang sagot ng dalaga.
“Eh akala ko ba ayaw mo ng mga yon?”
“Oo nga. Eh kay Jay naman galing eh. Close friend ko siya. Masaya nga ako binigyan niya ako eh. Sarap ng feeling. Di ko maintindihan. Parang I see him differently now.” Sabi ng dalaga at tumingin na lang sa malayo si Kiko. Nasaktan siya sa mga sinabi ng dalaga ngunit hindi na lang siya kumibo. Nagpatuloy sa pakukwento ang dalaga pero bukang bibig niya palagi ay si Jay.
Pagdating sa apartment ay hinatid ni Kiko si Ysa sa apartment nila at agad siyang tumalikod pabalik sa kanila.
“Kiko!” sigaw ng dalaga. Di siya matiis ni Kiko kaya dahan dahan siyang humarap kay Ysa.
“Oh?”
“Thank you!” sabi ng dalaga at napangiti si Kiko.
“Alam ko ayaw mo kay Jay pero sana maging friends kayo.” Sabi ng dalaga at pumasok na sa loob. Nanatiling nakatayo si Kiko doon at nakatingin lang sa pintuan ni Ysa. Ilang sandali pa ay dahan dahan siyang tumalikod at pumasok na sa apartment nila at binagsak ang pinto. Napatingin naman si Ysa sa direksyon ng apartment nila habang paakyat siya ng hagdan.
“Ano kayang nangyari don?” tanong niya sa sarili.
Sa kwarto ni Ysa, agad niyang nilabas ang stuff toy na bigay ni Jay sa bag niya. Nakita din niya ang rose na bigay ni Jay na napisa sa loob ng bag niya. Napasimangot naman ang dalaga.
“Ay, kainis talaga. Pero pwede pa to.” Sabi niya sa sarili at inilagay sa vase ang rosas.”
Kinabukasan, nagising si Kiko at lumabas ng kwarto. Naalala niya ang nangyari kahapon kaya nalungkot nanaman siya. Tatambay sana siya sa terrace pero nakita niya si Ysa na palabas sa kanila at papunta sa apartment nila. Agad siyang tumakbo at sumilip sa baba. Nakita niya si Nico na nagbabasa sa dining table.
“Pssst! Kuya Nick!” sabi ni Kiko at napatingin ang pinsan niya.
“Napano ka?”
“Pagnagtanong si Ysa sabihin mo wala ako.” Sabi ni Kiko.
“Bakit?”
“Basta. Wala ako okay?” sabi ni Kiko at tumango si Nico. Ilang sandali pa ay may kumatok sa pinto nila. Agad namang tumayo si Nico habang si Kiko ay nagtago sa may hagdan.
“Hi Kuya. Si Kiko?” tanong ni Ysa.
“Ah, umalis eh. Kanina pa.” sagot ni Nico.
“Ah. San daw nagpunta?”
“Di ko alam eh. Text mo na lang.” sabi ni Nico.
“Okay, thanks.” Sabi ng dalaga at bumalik sa kanila. Napalingon si Nico sa direksyon ni Kiko pero nakabalik na ito sa kwarto niya.
Magumpisang lunes ay iniwasan ni Kiko si Ysa. Maaga siyang umaalis papuntang school at maaga ring umuuwi. Pag naman late sila na dismiss ay sa side gate siya dumadaan para di makita ni Ysa. Dahil sa pagiwas niya ay lalo pang naka-epal si Jay kay Ysa. Araw araw ay sabay kumakain ang dalawa. At si Jay na rin ang kasabay ni Ysa pauwi. Ininda na lang ito ni Kiko at di na nakialam pa.
Friday at dismissal nanaman. Nahuling nadismiss si Kiko at sa front gate siya dumaan dahil alam naman niyang si hindi na siya hinihintay ni Ysa dahil kasabay nito si Jay. Lumabas siya ng gate at palingon lingon. Agad nakaramdam ng kirot sa dibdib ang binta sa nakita niya. Nakayakap si Ysa sa braso ni Jay habang naglalakad ang dalawa palayo. Nanigas at nanginginig ang mga kamao ni Kiko. Susugod sana siya pero bigla niyang naalala ang lugar niya.
Pagsapit ng gabi, naisipang lumabas sandali ni Kiko para bumili. Lumabas siya ng pinto at naglakad papuntang gate.
“PsssT!” Agad napalingon si Kiko at nakita si Ysa na nakatayo sa terrace.
“Diyan ka lang wag kang aalis!” sabi ni Ysa at tumakbo papunta sa labas. Naupo si Kiko sa bench at hinintay ang dalaga. Matapos ang ilang Segundo ay lumabas na si Ysa at tumayo sa harap niya.
“Hoy Kiko! Iniiwasan mo ba ako?” sabi bigla ni Ysa at ang mga kamay niya ay nasa bewang niya.
“Ha? Hindi naman. Busy lang. May PROJECT kasi kami.” Bigkas ni Kiko.
“Oh bakit di mo sinabi sa akin? Para alam ko? Para hindi na kita hinihintay palagi after school.”
“Bakit pa? Eh may kasabay ka naman palagi ah.” Sabi ni Kiko.
“Si Jay? Siyempre wala ka.” Sabi ni Ysa.
“Di ka ba makakauwi magisa?” tanong ni Kiko.
“Kiko anong problema mo?”
“Wala. Wala ka na don.” Sabi ni Kiko.
“Ang sama mo ah! Nagtatanong naman ako ng maayos ah!” sabi ni Ysa at napapaluha na. Tumayo si Kiko at tiningnan ang dalaga.
“Gusto mong malaman ang problema ko ha? Sige. Alam mo ba ang pakiramdam ng naghihintay kahit alam mong masasaktan ka sa huli? Alam mo ba? Hindi mo alam no? Well for you information yun mismo ang nararamdaman ko! Ang tanga ko no? Naghihintay ako pero alam ko naman an ako lang ang masasaktan? Ang tanga ko!” sigaw ni Kiko at tumalikod na para bumalik sa apartment. Tuluyan nang naiyak si Ysa.
“Hindi ka na maghihintay?” tanong ni Ysa habang umiiyak.
“Meron pa ba akong hinihintay?” tanong ni Kiko at di sumagot si Ysa.
“So wala na pala akong dapat hintayin. Ikaw na mismo ang sumagot sa tanong mo.” Sabi ni Kiko at tuluyan nang pumasok.
Sabado ng umaga, tumambay si Kiko sa kwarto ni Nico para mag gitara. Nakaupo siya sa bintana ng kwarto habang tumutugtog. Ilang sandali pa ay nakita niya si Ysa lumabas ng apartment nila at nakabihis. Nakita niyang lumabas ito ng gate at may kotseng naghihintay sa labas. Lumabas ang driver at nagulat siya ng makita si Jay. Pinagbukas niya ng pinto si Ysa. Ngumiti naman ang dalaga at pumasok sa loob. Parang nabiyak ang puso ni Kiko. Tumulo ang luha niya habang tumutugtog ng gitara.
Kinabukasan, naisipan ni Kiko na humingi ng tawad kay Ysa. Alam niyang nasaktan niya ang dalaga at nagsisi siya sa mga sinabi niya dito. Nagtungo siya sa kabilang apartment at kumatok. Ilang sandali pa ay nagbukas ang pinto at nakita niya si Aya.
“Uy, Kiko.” Bati ni Aya.
“Hi Ate. Andyan ba si Ysa?” tanong ni Kiko.
“Ah, Oo, andon sa mesa kumakain kasama si Jay. May lakad yata sila. Halika pasok ka.” Sabi ni Aya.
“Ay Ate wag na. Pakisabi na lang ingat siya.” Sabi ni Kiko at agad tumakbo papunta sa apartment nila. Nagmukmok si Kiko sa kwarto. Narinig niyang nagbukas ang gate. Hindi na niya tiningnan ito dahil alam niyang si Ysa at Jay yon na paalis na.
Matapos ang ilang oras na pagmukmok, agad bumangon si Kiko at kinuha ang bag niya sa cabinet. Isa isa niyang inilagay ang mga damit at gamit na dadalhin niya. Bumaba siya at agad napatingin si Nico at Paul sa kanya.
“Kiks san ka pupunta?” tanong ni Nico.
“Uuwi na ako sa amin.” Sabi ni Kiko habang nakakunot ang noo at nagtungo sa pintuan.
“Kailan ka babalik?” tanong ni Paul.
“Di na ako babalik!” sabi ni Kiko.
“Kiks seryoso ka?” tanong ni Paul.
“Oo. Naiintindihan ko na ang dahilan mo kung bakit ka umalis.” Sabi na lang Kiko.
“Teka , si Ysa ba?” tanong ni Nico pero di sumagot si Kiko.
“Tol hatid mo.” Sabi ni Nico.
“Duh? Maglalakad kami? Alam mo namang ayaw kong gamitin yung kotse eh.”
“Sus, ako na nga.” Sabi ni Nico at pumayag naman si Paul.
Kinagabihan, nagpapahinga si Paul at Nico nang may kumatok sa pinto nila. Pagbukas nila ay nakita nila si Ysa.
“Hi Kuya. Si Kiko? Gusto ko sana siyang makausap.” Sabi ng dalaga.
“Ah, wala na siya eh. Umuwi na sa kanila.” Sabi ni Paul at siniko siya ni Nico. Napayuko naman ang dalaga.
“Ah ganon ba? Pakisabi na lang ingat siya.” Sabi ni Ysa at tumalikod na.
“Ysa, don’t worry babalik yon for sure.” Sabi ni Nico. Lumingon lang si Ysa at nagbigay ng pilit na ngiti at muli nang naglakad pabalik sa kanila. Pinagmasdan lang siya ng dalawang binata.
No comments:
Post a Comment