Saturday, November 20, 2010

Chapter 15: Sembreak! - Issues

A Wonderful Life
By: Nico and Paul

Chapter 15: Sembreak! - Issues

Isang buwan ang lumipas at final exams na. Busy nanaman ang linggo. Pati ang mga boys sa apartment ay halos di na naguusap dahil sa kakaaral. Dahil sa busy ang mga girls, tinupad ni Paul ang sinabi niya at paminsan minsan ay dinadalhan ng ulam ang mga girls sa kabilang apartment. Madalas ring nagtutungo si Paul kina Danica para may kasama siya sa pagaaral.

Natapos ang exams week at nakahinga na ng maluwag ang mga nasa college. Sina Kiko at Ysa naman ang busy para sa kanilang 2nd grading.

Lunes ng umaga at naghahanda sina Paul at Nico. Aalis kasi sila, parang double date, kasama ni Nico si Misa habang si Paul naman ay kasama si Danica. Excited ang dalawa dahil first time nilang lumabas apat. At isa pa, gusto rin nilang magkakilala ng husto sina Misa at Danica. Dahil si Danica ang pinakamalayo, umalis muna si Paul para sunduin ang dalaga habang si Nico naman ay nagluluto ng almusal. Matapos ang 30 minutes ay dumating na si Paul at Danica. Naka sports attire ang dalaga at may dalang badminton racket at isang bag.

Matapos mag almusal ng tatlo, umalis sila para naman sunduin si Misa. Si Nico ang nagdrive at naupo sa back seat sina Paul at Danica. Pagdating sa bahay ng dalaga ay naghintay pa sila sa may garden area pagkat nagbibihis pa si Misa. Ilang sandali pa ay lumabas rin ang dalaga at agad tumakbo at niyakap si Nico. Naka sports attire din si Misa at may dalang raketa.

Iba ang trip ng dalawang magkaibigan para sa date nila. Badminton ang first stop sa plano nila. Ilang minuto ang lumipas ay dumating na sila sa isang badminton court. Naupo muna ang tatlo sa bench habang si Paul ay umuupa ng court na paglalaruan. Ilang sandali pa ay dumating na si Paul at nakangisi.

“Oh, doubles tayo ha.” Sabi ni Paul at sinenyasan si Nico.

“Oo, tol sangga tayo, tapos sangga si Misa at Danica.” Sabi ni Nico. Balak nilang pagbigyan ang mga dalaga. Sinadya nila ito para mas magkakilala ang dalawang babaeng kasama nila.

“Ha? Parang unfair? Di ba dapat kami ni Nicks tapos kayo ni Danica?” sabi ni Misa kay Paul.

“Change of plans. Don’t worry, pagbibigyan namin kayo.” Pagyayabang ni Paul. Napangisi naman si Danica at ganon din si Misa.

“Okay, sabi niyo yan ha. Walang sisihan.” Sabi ni Danica at tumayo.

Nagumpisa na ang laban. First to score 21 points ang mananalo. Ang laki ng ngiti ng dalawang binata.

“Tol easy lang ha, madali lang naman siguro tong badminton since marunong naman tayong mag tennis.” Sabi ni Paul.

“Oo naman. Pero kailangan natin silang pagbigyan. Goal lang natin ay maging close sila.” Sabi naman ni Nico at tumango si Paul.

“Aiks, kayo na mag serve.” Sabi ni Paul kay Danica.

“Okay.” Sagot ni Danica habang nakangisi.

Nagserve na si Danica at agad tinira ni Paul ang shuttle. Medyo mataas ang pagbalik ng shuttle sa kabila. Agad tumalon si Misa at tinira ito. Smash!

Sobrang bilis ng balik ng shuttle sa court nina Paul at Nico. Nakatunganga ang dalawang binata at tila hindi napansin ang pagbalik ng shuttle. Ni hindi sila nakagalaw sa pwesto nila. Nagappear ang dalawang dalaga habang nagtatawanan. Natawa rin ang dalawang binata.

“Pinascore lang namin kayo ng isa para at least may advantage kayo.” Sabi ni Paul.

“Oo nga, nagkunwari lang kaming di nakagalaw kanina. Oh eto na talaga game na!” sabi ni Nico at napabungisngis ang dalawang dalaga.

Si Misa naman ang nagserve at nakuha nanaman ni Paul. Ibinalik niya ang shuttle sa kabila pero agad din itong naibalik ni Danica. Kay Nico papunta ang shuttle kaya agad siyang pumorma para sa isang smash. Na smash niya ang shuttle at ang bilis ng takbo nito papunta sa court ng dalawang dalaga. Sa di inaasahang pagkakataon ay natira ito ni Danica. Mabilis nanaman ang balik ng shuttle papunta kina Nico at Paul. Halos di namalayan ng mga binata na tumama na sa sahig ang shuttle.

Nagtawanan nanaman ang dalawang dalaga. Di makapaniwala ang dalawa na sa pangalawang pagkakataon ay nakatayo lang sila doon at walang nagawa.

“Tol di na pwede to! Nakakahiya!” sabi ni Nico.

“Oo nga! Bawi na tayo. Shit marunong pala tong mga to.” Sabi ni Paul at nagseryoso na ang dalawa.

Walang nagawa ang dalawa. 15 na ang score ng mga babae at 3 points pa lang sila. Pero di sila sumuko. Pag nagsmash si Misa o si Danica ay wala nang nagagawa ang dalawa. Kahit na medyo bumilis ang reflexes nila at kahit papaano ay nakakapagreact na sila sa smash di tulad kanina, ay di pa rin nila ito matamaan. Nakatama ng isang smash si Paul ngunit lumipad naman ang shuttle sa labas ng court.

Natapos ang laban sa score na 21 to 5.  Tawa ng tawa ang dalawang babae habang tinititigan lang sila nina Nico at Paul. Pakiramdam ng mga binata ay sila lang ang pinagbigyan at kung nagseryoso ang mga dalaga ay hindi sila nakascore kahit isa.

“Tol naman! Di mo naman sinabi na magaling yang girlfriend mo. Langya naman.” Sabi ni Paul.

“Ikaw nga eh! Di mo sinabing magaling pala yang girlfriend mo.” Sumbat ni Nico.

“Correction, bestfriend.” Sabi ni Paul.

“Synonymous lang yon para sa akin.” Sabi ni Nico sabay ngisi.

“Eh di parang ikaw at si Gela?” tanong ni Paul.

“Hindi applicable sa akin yon sayo lang.” sabi ni Nico at natawa si Paul. Ilang sandali pa ay lumapit sina Misa at Danica sa kanila. Pawis na ang dalawang dalaga pero sina Nico at Paul naman ay halos naligo na sa sobrang pawis.

“Kapagod niyo yata?” sabi ni Danica.

“Ah, hindi naman. Pinagpawisan lang ng husto.” Sagot ni Paul.

“Coco okay ka lang? Pahinga ka muna.” Sabi ni Misa at pinunasan ang pawis ng boyfriend niya. Ginaya naman ni Danica si Misa at pinunasan din ang pawis ni Paul.

“Oo Mimi okay lang ako. Shet bakit ang galing niyo?” sabi ni Nico at nagtinginan ang dalawang babae at natawa.

“Player ako nung Highschool.” Sabi ni Misa at nagulat ang dalawang boys.

“Wow! Di mo naman sinabing player ka.” Sabi ni Paul.

“Eh kaya nga tinanong ko kayo kanina kung talagang kami ni Danica ang magkasangga eh. Sabi niyo oo kaya wala na akong nagawa.” Sabi ni Misa.

“Ikaw Aiks? Bakit ang galing mo? Wag mong sabihing-” tanong ni Paul.

“Yup. Player din ako nung highschool.” Sabi ni Danica at napakamot na lang ang dalawang binata.

Sunod na naglaban si Nico at Paul. Nagpahinga sina Misa at Danica sa bench at masayang nakukwentuhan habang pinapanood ang dalawang binata.
Up to 15 lang ang scoring ng dalawa. Tawa ng tawa ang dalawang dalaga dahil sa mali maling tira ng dalawa. Sanay kasi sila sa tennis kaya feeling nila ay tennis ang nilalaro nila. Sinubukan ni Paul mag serve tennis style at na out ang shuttle. Tawa ng tawa ang dalawang babae. 9- 6 ang score pabor kay Nico pagkat kahit papaano ay may experience siya sa paglalaro ng badminton. Naisipan ng dalawa patawanin sina Misa at Danica kaya itinali nila ang t-shirt nila at ipinakita ang tiyan nila. Nagbaklabaklahan ang dalawa. Pati mga tira nila ay pambakla at ang mga sigaw nila pag tumitira ay parang ungol. Dahil sa nagsama ang dalawang babaeng mabababaw ang kaligayahan sa bench, halos mapahiga na sila sa kakatawa. Pati ang ibang naglalaro sa court ay huminto para panoorin ang dalawa.

“Jumping backhand strike with matching arced body!” sigaw ni Nico at tumalon at tinira ang shuttle with poise. Mistulang nakasplit ang binata sa ere at naka-arko pa ang likod. Tawa ng tawa ang dalawang babae lalo na ng lumipad ang shuttle sa malayo.

12-11 na ang score at pinapanood pa rin ng mga tao ang dalawa. Tinira ni Nico ang shuttle at tumakbo si Paul para matamaan ito.

“Splitting backhand strike with matching slide!” sigaw ni Paul at naluluha na talaga ang dalawang dalaga sa kakatawa. Tinamaan ni Paul ang shuttle habang nakasplit. Hindi umabot ang shuttle sa kabila dahil nasabat ito ng net.

“Tol teka lang di ako makatayo.” Sabi ni Paul at natawa si Nico.

Nagpatuloy ang laban at ang tilian ng dalawang binata habang tumitira ang naririnig sa buong court. Naririnig din ang tawanan ng mga tao pero ang pinakamalakas ay ang tawa nina Misa at Danica.

“Pakita ko sayo ang aking special serve. Butterfly serve!” sigaw ni Nico. Sobrang lakas ng pagserve niya dahil tennis serve din ito ngunit tumama ito sa net.

“Fault! Wala pang score.” Sigaw ni Nico.

“Bruha ka sa tennis lang yon. Okay tie na tayo!” sigaw ni Paul at napasimangot si Nico at kunwaring nagdabog.

13 all na ang score at masaya paring pinapanood ng mga tao ang dalawang binata.  Pulang pula na ang dalawang dalaga sa kakatawa.

“Jumping Underleg Forehand!” sigaw ni Paul at tinira ang shuttle sa ilalim ng dalawang legs niya. hindi niya natamaan ang shuttle kaya tumama ito sa kanyang private part at tawa ng tawa ang mga babae.

“Oh shet may peanuts!” sigaw ni Paul.

“Shokla ka balls yan. Ambisyosa!” sabi naman ni Nico.

Nagpatuloy ang laban nila at isang puntos na lang ay panalo na si Nico. Nagserve si Paul at agad hinabol ni Nico ang shuttle.

“Jumping spinning backhand!” sigaw ni Nico. Natamaan niya ang shuttle pero lumipad lang ito ng sobrang layo. Tawa ng tawa si Misa at Danica. Pati si Paul tinawanan ang kaibigan niya.

“Tie na tayo sis!” sigaw ni Paul.

Si Paul ulit ang nag serve at natamaan ni Nico. Seryoso na nag dalawa pagkat pareho na sila ng score. Tinira ni Paul ang shuttle at sobrang taas nito. Nagabang si Nico sa kabilang court.

“Jumping butterfly serve with two hands!” sigaw ni Nico at pumorma na. Naghanda si Paul para sa isang malakas na balik ng shuttle. Pagtama ni Nico, sobrang hina ay sakto lang itong lumagpas sa net. Nakatayo lang si Paul sa dulo ng court.

“Fotekations ka! Na fake ako ah.” Sigaw ni Paul at napabungisngis si Nico.

“Wala pa! Advantage mo pa! Deuce kanina eh! Isa pa para manalo ka.” Sigaw ni Paul.

“Sis di uso ang deuce sa bhadmeenthown. Sorry you lost.” Sabi ni Nico at pakembot kembot pa habang palabas ng court.

“Iyyyh! Nakakainis ka talagang bruha ka!” sigaw ni Paul at tawa ng tawa ang dalawang babae.

Lumapit ang dalawang binata sa bench nina Danica at Misa at pawis na pawis ang mga ito at pulang pula sa kakatawa. Nagkatinginan sina Nico at Paul. Matagal na nilang gustong magsama si Misa at Danica pagkat pareho silang madaling patawanin.

“Oh, okay lang kayo?” tanong ni Paul ngunit tila di pa nahimasmasan ang dalawa.

“Grabe nakakahiya kayo. Gusto na nga namin kayong iwan eh. Pero okay lang. Nakakatawa kayo grabe pati yung ibang tao pinanood kayo.” Sabi ni Danica at napatingin ang dalawang binata sa paligid. Nakatingin pa rin ang ilan sa mga tao sa direksyon nila.

“Tol parang wala na tayong mukhang ihaharap dito. Ito na ang huli nating pagtapak sa lugar na to.” Sabi ni Nico at napabungisngis ang mga dalaga.

“Its okay Coco. Na-entertain naman sila eh.” Sabi ni Misa.

Matapos magpahinga, muli nanamang naglaro ng doubles ang apat. Magkasanga sina Misa at Nico habang sina Danica at Paul naman ang magkasanga. Walang iskoran at for fun lang ang paglalaro nila.

Pagkatapos maglaro ay naupo sila sa bench. Pawis na pawis sila at hinihingal pa.

“Coco magpalit ka muna pawis na pawis ka na.” sabi ni Misa at inabutan ang boyfriend niya ng nestea.

“Ikaw rin naman pawis ah. Magpalit ka rin.” Sabi ni Nico.

“Magshower pa kami ni Danica eh.” Sabi ni Misa at kinuha ng dalawang dalaga ang bag nila.

“May shower room pala dito?” tanong ni Paul at tumango naman sina Misa at Danica. Lumapit naman si Paul kay Nico.

“Tol sabay na tayo magshower, popolbohan pa kita pagkatapos.” Landi ni Paul at natawa ang dalawang dalaga.

“Sige tol, popolbohan din kita ha. Titingnan ko na din si Junjun kasi natamaan siya kanina eh.” Landi naman ni Nico at tuluyan nang natawa sina Misa at Danica.

Nagtungo na ang apat sa shower room. Naunang natapos ang dalawang binata kaya hinintay muna nila ang mga kasama nila. Pinanood nila ang mga naglalaro habang nagkukwentuhan.

“Tol tingnan mo yung dalawang yon, pansin ko kanina pa nagpapacute.” Sabi ni Paul.

“Alam ko. Alam mo naman mga mata ko diba? Mabilis.” Sabi ni Nico at natawa sila.

“Pero hanggang pacute na lang sila.” Dagdag ni Nico.

Ilang minuto pa ang lumipas at dumating na ang dalawang kasama nila. Sadyang matagal talagang magayos ang mga babae. Pareho nang nakajeans sina Misa at Danica pagkat picnic grounds ang next stop nila.

Inilagay nila ang mga gamit nila sa compartment ng kotse. Si Paul naman ang nagmaneho. Si Danica ay nakaupo sa passenger seat habang nakaupo naman sa backseat ang dalawang lovebirds. Nakahiga sa lap ni Misa si Nico at hinihimas ng dalaga ang buhok niya.

“Mimi, anong niluto mo para sa akin?” tanong ni Nico.

“Tol! Bakit para sayo lang? Pano ako? Di mo ba ako bibigyan?” sabat ni Paul.

“Hmmm. Mga bagay na ganyan pinagiisipan eh. Teka. Ahm… Hindi!” sabi ni Nico at natawa ang dalawang dalaga.

“Tol naman. Pagisipan daw eh ang bilis mo naman nakapagdesisyon.” Sabi ni Paul.

“Coco, madami naman akong hinanda eh. Gumawa ako para sa ating lahat. Kaya lang may isa akong ginawa kaso para sayo lang.” sabi ni Misa.

“Misa ano yon? Di mo ba ako pwedeng bigyan ng kung ano man ang ibibigay mo kay Nico?” tanong ni Paul.

“Eh kasi paborito niya yon eh. Leche flan. At isa pa pang isang tao lang nagawa ko. Pinagaralan ko pa kasi eh. Kaya medyo na short na sa ingredients.” Sabi ni Misa.

“Noooooooo! Paborito ko rin yon eh!” sabi ni Paul at natawa si Nico.

“Sorry tol. Only for ME daw eh. Ahaha! Maglaway ka na lang.” sabi ni Nico.

“Pao, may ginawa rin naman akong leche flan para sayo.” Sabi bigla ni Danica at nagliwanag ang mukha ni Paul.

“Really? Talaga? Yes! You’re the best Aiks! Pero wag mo akong sanayin baka ma-fall ako sayo ah.” Sabi ni Paul at namula si Danica.

“Danica ilan ba ginawa mo?” tanong ni Nico.

“Three servings.” Sabi ni Danica.

“Yes tatlo! Parang may meaning ah. Ibig sabihin-“ bitin ni Paul.

“Ibig sabihin?” tanong ni Misa habang nakangisi.

“Ibig sabihn akin lahat yon! Kung may matitira, kung lang ha dahil tingin ko wala na, pero kung meron man iuuwi ko lahat yon. Di ko bibigyan yung isa diyan!” sumbat ni Paul at parang nadismaya si Danica.

“Tingin mo yun lang ang ibig sabihin non?” tanong ni Danica. Napansin ni Nico at Misa ang expression sa muha ni Danica. Tiningnan lang siya saglit ni Paul at muling tumingin sa side mirror pagkat nag pa-park siya.

“Tol, okay na dito no?” tanong ni Paul at napatingin kay Danica.

“Ano yon Aiks? May tinatanong ka diba? Sorry nagpark kasi ako eh.” Sabi ni Paul.

“Ah, wala.” Matamlay na sagot ni Danica at napayuko.

“Pasensya ka na Danica. Bingi kasi yung isa diyan eh. Pero bukod doon manhid din at napakatanga.” Sabi ni Nico at lumingon si Paul.

“Ano tol?”

“Oh kita! Tama ako!” sabi ni Nico at natawa si Misa. Pinilit rin ni Danica na ngumiti.

“Narinig ko kaya. Sinong manhid at tanga?” tanong ni Paul.

“Wala!” sabay na bigkas ni Nico at Misa at napakamot na lang si Paul.

Naghanap ng magandang spot ang apat. May nakita silang magandang lugar. May isang maliit na bench sa ilalim ng puno. Tanaw dito ang malawak na kapatagan na puno ng mga bulaklak. Natatanaw rin nila ang iba pang mga tao na nagpipicnic. Ginawa nilang mesa ang bench at doon nilagay ang mga pagkain. Naglatag sila ng malaking tela sa lupa at nagkagay ng apart na unan. Isa isang inilabas ng mga girls ang mga pagkain na iniluto nila. Ang mga boys naman ay naglalaway at parang mga asong naghihintay na pakainin.

Agad nakakuha sa atensyon ni Nico ang isang Tupperware na may carbonara. Nagliliyab na ang mata niya sa nakikita niya at gutom na gutom na. Si Paul naman ay di mapakali nang ilabas ni Danica ang mga sandwich na ginawa niya. Napatingin sa kanila ang dalawang girls at natawa sila sa itsura ng dalawa.

“Ay, Pao-pao, yung drinks naiwan natin sa kotse. Pakikuha.” Sabi ni Danica.

“Coco tulungan mo siya marami yon.” Sabi bigla ni Misa at umalis ang dalawang boys.

“Danica, gusto mo si Paul noh?” tanong ni Misa at namula si Danica pero di agad nakasagot.

“Ano? Meron ba?” tanong ulit ni Misa.

“Sino ba namang babae ang di magkakagusto sa kanya?” mahinang bigkas ni Danica at kinilig si Misa.

“Talaga? Kaya lang parang manhid siya eh.”

“Oo nga. May iba kasi siyang gusto eh.” Sabi naman ni Danica.

“Oo nga, nakwento nga sa akin ni Nico. Pero sabi rin niya masungit ka daw kay Paul dati. Bakit?” tanong ni Misa pero di sumagot si Danica.

“Ay sorry.” Sabi ni Misa at napangiti si Danica.

“Kasi he reminds me of my ex.” Sabi ni Danica at nagulat si Misa.

“Ayoko nang masaktan kasi talagang iniyakan ko yung ex ko eh. Kaya sinabi ko sa sarili ko na di ko na iisipi ang mga lalaki at magfocus na lang sa studies. Kaya di ako mahilig makipagusap sa mga lalaki. Pero nung naging classmate ko si Paul, agad kong naalala yung ex ko. Habang tumatagal ay parang nagkakagusto na ako sa kanya. Kaya inunahan ko na ang sarili ko at talagang di ko siya kinakausap. Pero friendly kasi siya sa class eh kaa sinungitan ko siya agad para di siya lumapit lapit sa akin.” Paliwanag ni Danica.

“Pero nung nakilala ko siya, at naging close kami, na-realize ko na he is nothing like him. Di siya katulad ng ex ko. Kaya lalo ko siyang nagustuhan.” Sabi ni Danica at sakto namang nakita nilang parating na ang mga boys.

“Mukhang nagkakasundo sila ah.” Bulong ni Nico kay Paul.

“Oo nga eh.” Sagot naman ni Paul.

“Pero bakit ba kasi gusto mong magkasundo sila? Maiintindihan ko kung girlfriend mo si Danica. Kasi diba pangarap natin noon na dapat yung maging girlfriend nating dalawa ay close friends din para masaya. Eh di ba bestfriend mo si Danica?” tanong ni Nico.

“Bakit kailangan ba girlfriend  ko si Danica para ipakilala siya kay Misa? At gagawin ko rin naman to kay Gela at kay alam mo na eh. Sa outing natin sa sembreak.” Sabi ni Paul.

“Hay. Oo na. Pero kung ako sayo ligawan mo na siya. Andyan na siya oh. Mabait si Danica tol. Oo unique si Aya pero si Danica rin naman eh.”

“Whatever.” Sabi ni Paul at binilisan ang lakad niya papunta sa dalawang girls.

Masayang kumain ang apat. Sinusubuan ni Misa si Nico ng paborito niyang carbonara at ganon din si Nico. Si Paul naman ay masayang kinakain ang paborito niyang sandwich habang pinapanood siya ni Danica kumain. Pinatikim rin ni Danica ang sandwich niya kay Nico at Misa at nagustuhan naman yon ng dalawa.

Pagkatapos kumain ay nagpahinga ang apat. Nakahiga ulit si Nico sa lap ni Misa habang si Danica naman ay nakasandal sa balikat ni Paul. Pinanood nila ang mga batang naghahabulan at natawa sila. Biglang tumayo si Nico at tumingin kay Paul.

“Tol!” seryosong bigkas ni Nico at napatayo si Paul.

“Oh bakit?”

“Habulin moooo kooooh!” landi ni Nico at pabaklang tumakbo sa field. Natawa si Paul at hinabol ang bestfriend niya. Nagtawanan ang dalawang babae habang pinapanood ang dalawa na nakikipaglaro sa mga bata.

“Alam mo, bagay kayo ni Paul.” Sabi ni Misa at napatingin sa kanya si Danica.

“Ta-talaga?”

“Yup! As in. Parang nagtutugma yung mga personalities niyo. At isa pa nakikita ko naman na masaya siya pag kasama ka eh.”

“Pero may Aya na siya eh.” Sabi ni Danica.

“Eventually makakapag move on rin siya. And if he does, nandiyan ka pa rin naman para sa kanya diba?” sabi ni Misa at napangiti si Danica.

“Oo naman. Kahit di man maging kami. I will always be here as his bestfriend.” Sabi ni Danica.

“Swerte naman talaga ni Paul. I hope marealize niya kung gaano ka ka-importante sa kanya.” Sabi ni Misa.

“Ha? Ako? Pano mo nasabi?” tanong ni Danica.

“Basta. Maraming sinasabi si Nico eh. Pag may problema ka isang tawag lang at andon na siya. Palagi siyang nanyan para sayo diba? At siya rin ang nagplano ng araw na to. Malamang gusto ka niyang ipakilala sa akin.” Sabi ni Misa at napangiti si Danica.

“Sana nga.” Sabi ni Danica at napalingon ang dalawa sa mga boys pagkat nagsisigawan ang mga ito. Natawa na lang ang dalawa habang pinapanood ang mga lalaking mahal nila.

Pagkatapos ng picnic ay umuwi na ang apat. Hinatid muna nila si Danica pagkatapos ay si Misa. Nagbaon si Nico ng carbonara habang inuwi naman ni Paul ang natirang leche flan. Pagkarating nila ay nadatnan nila si Gela na nakaupo sa bench at nakatingin sa langit. Tumabi ang dalawa sa kanya at gumitna si Gela.

“Hi, how was it?” tanong ni Gela.

“Okay naman. Parang close na sila.” Sabi ni Paul at napangiti si Gela.

“Good. Oh Paul next time sa akin mo naman ipakilala yang Danica mo ah.” Sabi ni Gela at natawa si Paul.

“Gela may pakiusap sana ako sa inyo ni Nico eh.” Sabi ni Paul.

“Ano?”

“Ah kasi may promise ako kina Nico na ako yung manlilibre para sa outing sa sembreak. Kasama kayo lahat. As in lahat. Kaya lang kung ako yung magsasabi, baka may mga di sumama. Alam mo na. At isa pa pag nalaman ni Kiko na kasama kayo baka di sumama yon kasi diba may issue sila ni Ysa?” sabi ni Paul.

“So whats your point?” tanong ni Gela.

“Ah, kasi gusto ni Paul na tayo ang magsabi. Kunwari tayo ang manlilibre. Pero ako sasabihin ko kay Kiko na boys lang ang kasama. Tapos ikaw naman, sasabihin mo sa kanila na girls lang ang sasama. Isama mo si Marvin. Sabihin mo sa kanya ang totoo, na kasama kami para sumama rin siya pero wag mong sasabihn kay Aya at Ysa. Si Claire din sabihan mo. Tapos magkita na lang tayo lahat doon sa resort.” Paliwanag ni Nico.

“Yun lang ba? Sure! Basta sagot mo talaga Paul ha.” Sabi ni Gela.

“Ofcourse! Lahat sagot ko. Pero magdala kayo ng foods ha.” Sabi ni Paul at pumayag si Gela.

Tagumpay ang plano nila at gustong sumama ng lahat. Muling nagusap si Nico, Gela at Paul para planuhin ang oras at kung saan sila magkikita. Pareho pang may pasok si Kiko at Ysa pero half day lang sila pagkat last day na ng 2nd grading nila. Pagdating ni Ysa ay agad na silang naghanda para umalis. Tinawagan naman ni Paul si Kiko para maghanda. Susunduin na lang nila ito sa bahay nila.

Para di mapansin ng mga girls, sinabi ni Gela na mauuna silang umalis. Mga 2 pm umalis na ang mga girls. Ginamit nila ang kotse ni Marvin. At dahil kasama nila si Claire, nakisabay na rin si Chics sa kanila. Matapos ang 30 minutes ay umalis na rin si Nico at Paul. Una nilang sinundo si Misa. Pagkatapos ay dumaan sila kina Kiko. Dahil kina Danica ang pinakamalayo, siya ang huling sinundo. Nang makumpleto na sila ay nagpunta na sila sa resort.            

3:30 pm na nang makarating sila. Nakita ni Nico sina Gela na nakaupo sa waiting shed ng resort. Nagulat si Ysa at Aya nang makita ang mga boys. Pati si Kiko ay nagulat.

“Shet! Uwi na nga ako!” sabi ni Kiko.

“Sige Kiks uwi ka na. Di ka namin pipigilan.” Sabi ni Paul at kinapa ni Kiko ang bulsa niya.

“Shet asan wallet ko?” tanong ni Kiko at napangisi si Nico at Paul.

“Bahala na nga. May pera naman ako sa bag.” Sabi ni Kiko at nagtungo sa compartment ng sasakyan.

“Shet pati ba naman bag ko?” sabi ni Kiko.

“Geh Kiks uwi ka na. Di ka naman namin pipigilan eh.” Sabi ni Nico. Napabuntong hininga na lang si Kiko.

“Di mo kailangan yung wallet mo kaya itatago muna namin yon. Sagot ko naman lahat eh. Pero yung bag mo bibigay namin mamaya.” Sabi ni Paul.

Nagtungo si Paul sa reception para mag check in. Kumuha siya ng dalawang cottage. Pagkatapos ay binigay ni Paul kay Gela ang susi ng cottage nila at naglakad na sila patungo sa kanilang mga cottage.

“Gela bakit andito sila?” tanong ni Aya.

“Ayaw mo yon? The more the merrier.” Sabi ni Gela.

“Pero di mo na kailangang itago sa akin. Okay lang naman sa akin eh.” Sabi ni Aya.

“Malamang sayo oo. Pero tingnan mo yung kapatid mo.” Sabi ni Gela at napatingin si Aya kay Ysa. Matamlay itong naglalakad at nakayuko lang. Pasulyap sulyap rin ito kay Kiko ngunit di siya pinapansin ng binata. Napabuntong hininga na lang si Aya at tinabihan nila si Ysa.

Pagkarating sa cottage ay nagpahinga muna sila. May tatlong kama sa bawat cottage. Nagtabi si Chics at Kiko sa isang kama. Si Paul at Nico naman sa isa habang solo namin ni Marvin ang isang kama.

“Paul, sagot mo talaga lahat?” tanong ni Marvin at napatingin sa kanya ang lahat ng lalake sa cottage.

“Yup. Don’t worry pare.” Sabi ni Paul.

“Nakakahiya naman. Solo ko pa tong kama. Okay lang naman sa akin may katabi eh.” Sabi ni Marvin.

“Okay lang ano. Gusto ko rin naman katabi si Nico eh.” Sabi ni Paul at niyakap ang bestfriend niya. Natawa naman si Chics at Kiko.

“Yuck tol kadiri!” reklamo ni Nico.

“Nakakatawa naman kayo. Pero gusto mo tulungan kita sa mga gastos?” tanong ni Marvin.

“Pare okay lang talaga. Isipin mo na lang na kaibigan ka na rin namin and your very much welcome here. Para rin sa inyo ni Aya to para mas magkalapit kayo.” Paliwanag ni Paul at napangiti si Marvin.

“Salamat pare. Wag kang magalala babawi ako sa susunod. Ako naman ang manlilibre.” Sabi ni Marvin at napangiti lang ang mga boys.

Alas sais na ng hapon ng lumabas ang mga boys at nagulat sila pagkat nasa labas na ang mga girls and nage-enjoy. Nasa pool sina Ysa, Gela at Claire habang sina Aya, Misa at Danica naman ay naghahanda ng pagkain sa maliit na waiting cottage nila. Agad tumakbo ang mga boys at isa isang nagsitalunan sa pool. Nagulat ang mga girls at nagtawanan na lang.

Nagsasaya ang lahat sa swimming nila. Kapansin-pansin ang pagiwas ni Kiko at Ysa sa isat-isa. Nakisama si Kiko kay Chics at Claire habang si Ysa naman ay nakisama sa iba pang mga babae. Umahon si Marvin at tinabihan si Aya. Si Nico at Paul naman ay nasa isang sulok ng pool at nagre-relax.

“Tol, mukhang okay tong outing ah.” Sabi ni Nico.

“Natural! At isa pa kasama natin si Gela eh. Ang dakilang taga-plano. Wala namang palpak sa mga plano nyang babaeng yan eh.” Sabi ni Paul at natawa si Nico.

“Oo nga. Kahit may mga issue parang walang awkwardness akong nararamdaman. Sa ngayon ha. Ewan ko lang mamaya.” Sabi ni Nico at humingan ng malalim si Paul.

  “Eh ikaw kumusta ka na?” dagdag ni Nico.

“Ha? Anong ibig mong sabihin?” tanong ng binata. At pasimpleng tinuro ni Nico si Aya at Marvin na magkatabing nakaupo sa mini cottage kung saan nakahain ang pagkain nila.

“Ah. Okay naman. Don’t worry tol tanggap ko na. Di na ako masyadong affected. Although I still love her very much. Very much.” Sabi ni Paul at tinapik siya ni Nico sa balikat.

“Hay. Tama na nga yan. Tara yayain natin si Kiko mag race.” Sabi ni Nico at napangisi si Paul. Nagtungo ang dalawa sa direksyon ni Kiko.

Samantala, sa mini cottage naman, magkatabing nakukwentuhan si Aya at Marvin.

“Babe bakit di ka nagswimming?” tanong ni Marvin kay Aya.

“Tapos na kaya. Umahon lang ako agad kasi hinanda ko pa mga foods eh. Ikaw bakit ka umahon agad? Kung gusto mo pa mag swimming sige lang.” Sagot ng dalaga.

“Mamaya na lang samahan muna kita dito.” Sabi ni Marvin at inakbayan si Aya. Umusog naman ang dalaga at dumikit kay Marvin. Saktong nagumpisa ang race ng mga boys kaya pinanood nila ito.

Inulit nila Nico, Paul at Chics  ang panlolokong ginawa nila kay Kiko dati. Pero iniba nila ng konti pagkat kunwari naman ay nasa gitna na sila at pabalik na habang si Kiko ay parating pa lang. Tawa ng tawa ang mga girls pati si Aya at Marvin ay natawa. Lalo silang napahalakhak ng paniwalang paniwala si Kiko na talagang natalo siya. Pero masaya parin ito pagkat feeling niya nagimprove siya kumpara dati.

“Nakaktawa talaga barkada mo no? Okay silang kasama.” Sabi ni Marvin.

“Oo nga eh. Grabe. Pag nagsama yang apat na yan end of the world.” Biro ni Aya at natawa si Marvin.

“Grabe ka naman. Pero concerned yang mga yan sa inyo no? Lalo na si Paul.” Sabi ni Marvin pero di sumagot si Aya habang pinagmamasdan si Paul.

“Sana maging magkaibigan kami bago matapos tong outing.” Sabi ni Marvin at napatingin sa kanya si Aya.

“Bakit?” tanong ng dalaga.

“Eh kasi masaya silang kasama eh. At para sayo rin. Para atleast di ako outcast sa barkada mo diba?” sagot ng binata at napangiti si Aya.

Sa pool naman, di rin napigilan ni Ysa ang tumawa. Napatingin sa kanya si Kiko at nginitian siya ni Ysa pero agad inalis ng binata ang tingin niya. Napasimangot ang dalaga at nagtungo sa sulok ng pool. Napansin naman yon ni Gela at Claire kaya nilapitan nila ito.

“Okay ka ka lang couz?” tanong ni Claire.

“Yup. I’m okay.” Matamlay na sagot ni Ysa. Nagkatinginan si Claire at Gela at parang naawa sila sa lagay ng dalaga.

“Ysa, okay lang yan. Palipasin mo muna ang init ng ulo ni Kiko. Ganyan talaga ang mga lalaki. Tingnan mo si Chics at si Claire. Pero ngayon oh kita mo naman okay na sila. Parang walang nangyari.” Paliwanag ni Gela.

“Oo nga naman couz. Tama na ang pagmumukmok diyan. Inorganize to ni Ate Gela at Kuya Nico para makapagenjoy tayong lahat.” Sabi ni Claire.

“Kasi naman eh. Di niya ako pinansin. Sana man lang ngumiti rin siya. Kahit tumango lang siya masaya na ako eh. Pero hindi. As if I don’t exist para sa kanya. Namiss ko na talaga ang kalokohan namin dati. Kahit ganyan yang si Kiko masaya namang kasama yan. Ewan ko ba. Paano ba to humantong sa ganito.” Malungkot na paliwanag ni Ysa habang nakayuko at nilalaro ang tubig sa pool.

“Couz, don’t worry, we’ll make sure na magkakaroon kayo ng pagkakataong makapagusap dalawa. Promise. Hahanap lang kami ng tamang pagkakataon. Right ate Gela?” sabi ni Claire at tumango si Gela.

“Oh, kasabwat natin si Ate Gela. Sigurado pag siya ang nagisip ng plano magiging successful.” Sabi ni Claire at napangiti si Ysa.

“Thanks ha, pero no need. If he doesn’t want to talk to me or even look at me, ayoko na rin siyang kausapin.” Sabi ni Ysa.

“Ysa, you’re sixteen. Be matured naman. Kahit sa mga ganitong pagkakataon lang. Hindi ko alam kung sino talaga sa inyo ni Kiko ang may kasalanan. Pero kung ganyan ang attitude mo, di talaga kayo magkakaayos.” Sabi ni Gela.

“Pero ate, I tried. Ilang beses na nga eh. Palagi na lang akong nagmumukhan tanga in the end. Sigurado ako iniisp ni Kiko na desperado ako. Kaya gusto kong ipakita sa kanya na mali siya. Na kahit wala siya kaya ko.” Sabi ni Ysa at nagkatinginan nanaman sina Claire at Gela.

“Kanina lang sabi mo namiss mo ang kalokohan niyong dalawa tapos ngayon ganyan?” tanong ni Claire.

“Its true. Namiss ko naman talaga yon eh. Pero I had enough. Di ko na kaya. Ginawa ko naman ang lahat pero siya ang umiiwas eh.”

“Ysa, put your self in his shoes nga. Example, you knew that there was something special between the both of you. Akala mo MU na kayo. Tapos bigla may ibang babaeng dumating. Palagi silang magkasama nung girl. Ang sweet nila sa isat isa. Na para bang kinalimutan na niyang may something na between you and him. Anong mararamdaman mo?” tanong ni Gela.

“I didn’t know na ganon na ang nararamdaman niya. Pero nag sorry naman sana ako eh. Kaya lang umalis  siya.” Sabi ni Ysa at napabuntong hininga si Gela.

“Ysa, sagutin mo muna tanong ko.”

“Of course masasaktan ako.” Sagot ng dalaga.

“And?” tanong ni Claire.

“Di ko siya papansinin.” Sagot ni Ysa.

“Oh kita. Pareho kasi kayong isip bata. You both need to work on that aspect. Pero I agree with you ha. You both need space. Pero wag mo namang kalimutan ang pinagsamahan niyo.” Paliwanag ni Gela.

“Kailangan pa ba ng space? Eh ilang weeks na kaming di naguusap eh. Parang di ko na kaya tumagal pa ang tampuhan namin.”

“So you miss him?” tanong ni Claire. Tumango ng mahina si Ysa at napaluha. Agad naman siyang niyakap ni Gela.

“Hi nako baby girl. Kanina sabi mo lalayo ka tapos ngayon iiyak ka dahil miss mo siya. Tama na. Magkakaayos rin kayo. Don’t show him that youre crying. Tama na.” sabi ni Gela at agad lumayo si Ysa at nagpunas ng luha.

“Good girl” sabi ni Gela at napangiti si Ysa.

“Tara, tayo naman ang mag race.” Alok ni Claire at pumayag naman ang dalawa.

Pagsapit ng 7 pm ay nakaramdam na sila ng gutom kaya nagsi-ahon na sila para mag dinner. Pumwesto ang lahat sa mini cottage kung saan nakaupo si Aya at Marvin. Hinanda ni Misa at Danica ang mga plato at mga drinks habang naupo na ang lahat.

Nagumpisa nang magdinner ang lahat. Masaya naman. Although medyo mabigat ang athmosphere. Natapos ang dinner at kanya kanyang tambay ang lahat habang nagliligpit si Gela, Claire at Ysa ng pinagkainan.

Sa isang di kalayuan at bakanteng mini cottage a nakatambay si Nico, Misa, Paul at Danica. Nagpapahinga ang apat dahil nabusog sila sa kinain nila. As usual, tawa ng tawa ang dalawang dalaga sa mga jokes ng dalawang boys.

“Teka, pansin ko lang ha. Pao bakit di mo pa kinakausap si Aya?” tanong ni Danica.

“Ha? Eh wala naman kaming dapat pagusapan ah. At isa pa magagalit ka.” Sabi ni Paul at namula si Danica.

“Ba-bakit naman ako magagalit?” mahinang tanong ni Danica.

“Kasi wala kang kausap.”

“Uy ito naman. May friends na rin naman ako maliban sayo noh. Right Misa?” tanong ni Danica at napangiti si Misa.

“Bakit ba naman kasi di pa kausapin?” parinig ni Nico at napatingin sa kanya si Paul.

“Wala naman ngang dapat pagusapan eh. Kung may sasabihin ako sige kakausapin ko siya. Eh sa wala sa ngayon eh. Shh! Okay na. Don’t speak. Next topic please!” sabi ni Paul at natawa sila.

“Anyway. Ikaw Mimi? Enjoy ka naman ba?” tanong ni Nico.

“Yup. Kahit saan naman basta kasama kita eh.” Lambing ni Misa at yumakap sa braso ni Nico.

“Sabi sayo tol eh. Di mapili si Misa. Di ba, kahit nga bato lang iregalo mo sa kanya okay lang basta sayo nang-galing.” Biro ni Paul at natawa si Misa.

“Shaddap!” bigkas ni Nico at nagtawanan sila.

“Uy, isip kayo ng magandang game para mamaya. Parang kasiyahan lang. Para wala ring drinking. Di ako umiinom eh. Kaya games na lang.” sabi ni Danica.

“Aiks, hindi mawawala ang inom. Pero don’t worry di ako papayag na uminom ka.” Sabi ni Paul at tinukso sila ni Nico at Misa.

“Anyway, about sa games, traditional style. Spin the bottle. Hep! Wag ka munag kumontra tol. Oo nga luma na yon. Kaya lang maganda rin yon para makilala ng grupo ang isat-isa. Tulad ni Marvin. Si Danica rin. Diba?” sabi ni Nico.

“Pa hep hep ka pa diyan di naman ako kokontra eh. Actually nasa isip ko na yan. Hmmm. Ano naman kayang kalokohan ang ipapagawa ko kay Kiko ngayon?” sabi ni Paul at kunwaring nagiisip. Pinalo naman siya ni Danica sa balikat.

“Ang sama mo talaga. Palagi niyo na lang pinagtitripan si Kiko. Kita niyong malungkot yung tao eh. Tapos kaninang swimming pa.” sabi ni Danica.

“Sus. Mild pa nga lang yung sa swimming eh. Sana nakita mo yung ginawa namin last month. Pero para rin naman sa kanya yon eh. Para at least nakakalimot siya. Masyado kasing maliit ang space ng utak niya eh. Pag kalokohan ang ginagawa, puro kalokohan lang ang laman ng utak niya kasi walang space. Kaya kahit papaano nakakalimot siya. Gets mo ba Aiks?” paliwanag ni Paul at napabungisngis ang dalawang girls. Napansin naman ni Misa na naglalakad lakad si Marvin at Aya.

“Coco oh, look at Aya. Ang sweet nila noh? Magka-holding hands pa.” sabi ni Misa habang nakatingin kay Nico.

“Oo nga no. Sweet nga.” Sabi ni Nico. Natawa si Paul dahil sinusubukang pigilan ni Nico ang epekto ng pacute powers ni Misa. Di natiis ni Nico at napatingin siya sa girlfriend niya. Nakatingin pa rin sa kanya si Misa with same eyes with matching pursed lips.

“Hay, oo na! Tara! Style mo talaga oo.” Sabi ni Nico pero di tumayo si Misa.

“Napipilitan ka lang yata eh.” Sabi ni Misa at nagtampong parang bata. Natawa naman si Paul at Danica.

“Uy hindi no. Gusto ko nga ring maglakad lakad. Buti sinuggest mo. Tara Mimi.” Sabi ni Nico ngunit tumalikod lang ang dalaga sa kanya. Naupo ulit si Nico at tinabihan si Misa.

“Uy, Mimi. Tara na. Mimi?”

“Hala tol! Ayan kase!” sabi ni Paul at nagpipigil ng tawa si Danica.

“Uuuy. Mimi. Tatawa na yan. Uuuy.” Sabi ni Nico habang hinihipan ang leeg ng dalaga. Nagpigil si Misa at di pa rin humarap kay Nico.

“Sige. Pag di ka pa humarap, susundutin ko batok mo.” Banta ni Nico. Di pa rin humarap ang dalaga kaya unti unti niyang inilapit ang daliri niya sa batok ng dalaga.

“Uuuy, konti na lang oh. Konting konti na laaang.” Lambing ni Nico. Agad tinakpan ni Misa ang batok niya at tumawa.

“Wala pa man eh.” Sabi ni Nico.

“Iiiiyh! Nakakainis ka talaga. Alam mo namang malakas kiliti ko diyan eh!” sabi ni Misa at natawa si Nico.

“So tara na?” sabi ni Nico at inalay ang kamay niya.

“Hmmp!” sabi ni Misa at nag cross arms.

“Uy, open yung side mo oh. Ang sarap yatang kilitiin niyan.” Sabi ni Nico at natawa si Misa.

“Iiiiyh! Wag kasi!”

“Oh ano? Tara na kasi.” Sabi ni Nico. Napangiti si Misa at kumapit sa braso ni Nico.

“Akala mo ha. Di kita bibitawan hanggang mamaya.” Sabi ni Misa.

“Sure, no problem.” Sabi ni Nico at naglakad na ang dalawa. Naiwan naman si Paul at Danica sa cottage.

“Ang sweet nila noh?” tanong ni Danica.

“Oo nga eh.” Sagot naman ni Paul.

“Akalain mo, nakontra na ni Nico ang pacute powers ni Misa. Kiliti lang pala ang katapat ng loka.” Sabi ni Paul at natawa si Danica.

“Pareho kami, malakas ang kiliti.” Sabi ng dalaga. Agad pumorma si Paul at itinaas ang dalawa niyang hintuturo at ginalaw galaw ito.

“Iyyyh! Wag kang ganyan!” sabi ni Danica at napasandal sa bench.

“Aiks, dito na kooo.” Landi ni Paul at di mapakali si Danica sa kakatawa.

“Wala pa man. Pero malapit naaa.” Sabi ni Paul at tawa ng tawa si Danica.

“Pao wag! Shet!” sabi ni Danica ng dumikit ang isang daliri ni Paul sa tagiliran niya. Agad siyang tumayo at tumakbo. Hinabol naman siya ni Paul. Naghabulan ang dalawa na parang mga bata. Tawa ng tawa si Danica habang tumatakbo habang si Paul naman ay parang batang hinahabol si Danica.

Nagsama sama ang grupo sa isang mini cottage. Pinalibutan nila ang mesa at naghanda ng mga inumin. Dahil sa walang malakas uminom sa kanila, mga mahinang hard drinks lang ang kanilang hinanda.

“Oh may suggestion si Nico. Spin the bottle daw.” Sabi ni Paul. Natuwa naman ang lahat sa sinabi ng binata at pumayag. Pumwesto na ang lahat at nag-lagay ng bote sa gitna ng table.

“Oh sinong magiikot?” tanong ni Paul.

“Alam ko na. Shot tayo. Ang huling makaubos ang magiikot. Siyempre di kasama ang minors.” Sabi ni Nico.

“Minors? And daming minors dito.” Sabi ni Paul.

“Ah basta si Ysa, Kiko, Chics at Claire di kasali. Pero sa spin the bottle kasama sila siyempre.”

“Tol, di iinom si Danica. Siya na lang ang magiikot.” Sabi ni Paul at pumayag sila.

“Pano ba to?” mahinang tanong ni Danica. Inikot niya ang bote at ilang sigundo pa ay huminto ito.

“Shet!” sigaw ni Gela at nagtawanan sila.

“Iiiyyyh! Yung madali lang ha.” Dagdag ng dalaga.

“Oh sige, truth or consequence?” tanong ni Paul.

“Truth!”

“Sige, Aiks tanungin mo na. Kahit ano.” Sabi ni Paul.

“Ha? Bakit ako?”


“Eh kasi po ikaw yung nag-spin. Go Aiks! Kaya mo yan!” sabi ni Paul at talagang nagiisip si Danica.

“Uhm, Gela sorry sa question ko ha. Uhm, who was the reason of your greatest heartbreak?” tanong ni Danica at napangisi ang iba. Napangiti si Gela at tumingin sa bestfriend niya.

“Si Nico.” Sagot niya at natameme sila. Napayuko lang si Nico at walang masabi.

“Si Nico?” tanong ni Paul.

“Oo kasi nung napaaway siya. Grabe iyak ako ng iyak non.” Sabi ni Gela at parang nakahinga ng maluwag si Paul at si Nico.

Si Gela naman ang nagikot ng bote. Pinagmasdan ng lahat ito pagkat mabilis at matagal huminto. Nang huminto ito, tumapat ito kay Paul. Napangisi naman si Gela.

“Truth?” tanong ni Gela at tumango ang binata na parang bata.

“Sige. First love mo?” tanong ni Gela at nanlaki ang mata ni Paul.

“Consequence!” sigaw ni Paul at natawa sila.

“Di pwedeng mag-palit.” Sabi ni Gela at napabuntong hininga si Paul.

“Si Nico. Iiiyh bistado na ako! Wala na!” sabi ni Paul at natawa sila lahat maliban kay Gela at Aya.

“Yung totoo?” tanong ni Gela at nagseryoso si Paul.

“Sige. There’s no point in lying.” Sabi ni Paul pero sumabat si Nico.

“Teka, gawa tayo ng rule. Pag truth, dapat yung tanong lang ang sasagutin. Wala nang explanation.” Sabi ni Nico at napatingin sa kanya si Paul.

“Hay. Sige. Ang first love ko. Ahm, si Aya.” Sabi ni Paul. Hindi na nagulat ang karamihan sa kanila. Namula bigla si Aya at si Marvin naman ay halatang nagulat.

“Seryoso pare?” tanong ni Marvin.

“Oh, tol nagtanong siya. Pwede kong sagutin?” tanong ni Paul at tumango si Nico.

“First love ko siya oo. Pero it doesn’t mean na hanggang ngayon ganon pa rin. Hindi totoo ang sinasabi nila, dahil first love does die. In time that is.” Paliwanag ni Paul.

“So dead na?” tanong ni Claire at napangisi lang si Paul.

“Sorry, masyado nang maraming follow-up questions.” Sabi ni Paul. Nakayuko lang si Aya at pilit itinatago ang pamumula ng mukha niya.

Sunod ay inikot ni Paul ang bote at akmang hihinto kay Nico. Bago pa tuluyang huminto ay ginalaw ito ni Nico at natutok kay Kiko.

“Yes!” sigaw ni Nico.

“Madaya! Sayo tumapat eh.” Reklamo ni Kiko.

“Anong sa akin? Ang linaw oh tingnan mo kaya!” sabi ni Nico pero kumontra ang lahat.

“Tol, sus walang madaya. Ano truth or consequence?” tanong ni Paul.

“Truth!”

“Sa lahat ng girls dito, maliban kay Misa sino pa ang gusto mo?” tanong ni Paul habang nakangisi. Ngumiti lang si Nico.

“Si Gela sino pa ba?” mahinahon niyang sagot. Di naman maitago ni Gela ang ngiti niya. Si Misa naman ay napangiti lang sa sagot ng boyfriend niya.

Inikot nanaman ni Nico ang bote at huminto ito kay Kiko. Conseuquence ang pinili ng binata pagkat alam niyang mahirap ang itatanong ni Nico kung truth ang pinili niya.

“Sige, uhm, kiss mo si Ysa sa cheeks.” Sabi bigla ni Nico at nanlaki ang mata ni Kiko.

“Iba na lang.” sabi ni Kiko.

“Kiks, akala ko ba may isang salita ka? Pag consequence dapat sundin. Walang magpapalit.” Sabi ni Nico.

Agad tumayo si Kiko at nagpunta kay Ysa pero di niya tiningnan ito. Si Ysa naman at nakatingin sa malayo at napakabilis ng tibok ng puso niya. Agad siyang hinalikan ng binata sa pisngi. Pero parang di naman halik yon dahil parang dinikit lang ni Kiko ang labi niya sa pisngi ni Ysa. Naupo na si Kiko at ni minsan ay di man lang tiningnan ang dalaga. Napayuko na lang si Ysa at napasimangot.

Inikot ni Kiko ang bote at kay Paul naman tumama.

“Truth!” sigaw agad ni Paul.

“Sige, ah, may balak ka bang ligawan si Ate Danica in the future?” tanong ni Kiko at talagang napaisip si Paul.

“Walang showbiz answer. Yes or No lang.” sabi ni Kiko.

“We’re friends. So, sa ngayon, wala.” Sagot ng binata. Dumikit naman si Misa kay Danica at tiningnan ito. Ngumiti lang si Danica kay Misa pero halatang pilit lang ang ngiti ng dalaga.

Sunod na tinamaan ng bote ay si Misa.  “Hala!” bigkas ni Misa at natawa si Nico sa kanya.

“Truth or consequence?” tanong ni Paul.

“Truth.” Pacute ni Misa.

“Hmmm. Bago si Nico ilang na naging BF mo?” tanong ni Paul.

“One.” Mahinang sagot ng dalaga.

“Sa tingin mo, ano ang meron siya na wala si Nico?”

“Teka bakit dalawang tanong?” reklamo ni Misa.

“Eh di naman talaga tanong yung una eh. Kumbaga I just need to know para maitanong ko yung talagang question ko.” Paliwanag ni Paul. Nagcross arms si Misa at nagisip.

“Uhm, car?” sagot ni Misa at napangisi si Paul.

“Sabi ko naman kasi sayo tol pabili ka na ng kotse eh. Sus!” sabi ni Paul.

“Uy Coco, okay lang naman kahit wala eh. Sinabi ko lang ang meron siya na wala ka pero it doesn’t mean na mas nagustuhan ko siya. Ikaw pa rin ang love ko.” Depensa ni Misa at natawa si Nico.

“Uy Mimi diba no explanations? Okay lang naman alam ko naman talaga na ako lang love mo eh.” Sabi ni Nico at pinisil ang ilong ng dalaga.

Umikot muli ang bote at huminto kay Danica. Nagulat ang dalaga at napangiti na lang.

“Truth.” Sagot agad ni Danica.

“Okay. Wait. Isip ako.” Sabi ni Misa.

“Ah I know! Do you think na posibleng ligawan ka ng lalaking mahal mo? Para sayo lang?” tanong ni Misa.

“Sa tingin ko? Hmm. Oo.” Sagot ni Danica.

“Hep! Teka, sino yang lalaking yan? Bakit di mo sinasabi sa akin yan ha? Akala ko ba bestfriend mo ako?” tanong ni Paul.

“Oh diba Danica? Sabi ko naman sayo. Di lang manhid yan. Tanga pa!” banat ni Nico at natawa si Misa.

“Ha? Bakit ikaw kilala mo? Tanong ni Paul.


“Danica, spin the bottle.” Sabi ni Nico at inikot naman ng dalaga ang bote.

“Huy! Tol kilala mo yung lalake?”

“Shhh! The game is in progress. Mamaya mo na itanong.” Sabi ni Nico. Umikot ang bote at huminto kay Aya.

“Consequence.” Sabi bigla ni Aya.

“May ayaw aminin.” Tukso ni Gela at napangiti lang si Aya.

“Oh sige, uhm kiss mo sa cheeks lahat ng boys dito.” Sabi ni Danica. Agad namang tumayo si Aya at unang hinalikan ay si Kiko, sunod si Nico tapos si Chics. Nagkatinginan sila sandali ni Paul pero kunyari ay pinikit ng binata ang mata niya at naghihintay ng kiss. Natawa naman si Aya at hinalikan ang binata sa cheeks. Huling hinalikan ni Aya si  Marvin at sa binata ang pinakamatagal na halik.

“Yehee!” tukso ni Nico at natawa si Aya at Marvin.

Inikot ni Aya ang bote at kay Nico huminto.

“Damn.” Sabi ni Nico.

“Consequence na lang.” sabi ni Nico.

“Sige,uhm.” Sabi Aya at patingin tingin sa paligid.

“Nakikita mo yung mga babaeng yon? Kunin mo yung number ng isa sa kanila.” Sabi ni Aya at nanlaki ang mga mata ni Nico.

“Aya ikaw ba yan? Seryoso ka?” tanong ni Nico.

“Oo naman. Wala namang malisya eh. Dare lang naman.” Sabi ni Aya.

“Mimi, I’m sorry. Pero kung sakaling type ko ang isa sa kanila baka di ko mapigilan ang sarili ko.” Sabi ni Nico at kinurot siya ni Misa sa tagiliran.

“Aray! Joke lang. Di naman kita pagpapalit eh.” Sabi ni Nico at tumayo na.

“Watch and learn.” Sabi ni Nico at kinabog ang dibdib niya at umalis na.

“Hula ko mabubulol yan. Torpe yan eh.” Sabi ni Gela at natawa ang lahat. Nakita nilang nilapitan ni Nico ang tatlong babae at kinausap. Matapos ang ilang sandali ay naglabasan sila ng phone at mistulang masayang binigay ang mga number nila kay Nico. Nagtaka lahat ng nasa cottage dahil di nila akalaing magagawa ni Nico yon. Bumalik si Nico na nakangisi.


“Oh, pano ba yan? Tatlo pa nakuha ko.” Pagmamayabang ni Nico.

“Pano mo nagawa yon?” tanong ni Gela.

“Tinatanong pa ba yon?” sabi ni Nico at hinimas ang mukha niya.

“Che! Pano mo nga kasi ginawa?” tanong ni Gela.

“Madali lang. Sabi ko kukunin ko silang respondents sa thesis namin. Kasi topic tungkol sa mga magagandang babae at sa mga boyfriends nila. Naniwala naman ang mga shongek. Game na game naman sila at kunwari nagtatanong ako sa kanila. Feeling kasi nila magaganda sila eh. Tapos sabi ko kukunin ko numbers nila para itext ko sila pag may additional questions. Ewan ko ba bakit sila naniwala sa akin. Siguro nakatulong ang looks ko.” Pagmamayabang ni Nico at binato siya ni Gela ng plastic na baso.

“Magaganda naman sila ah.” Sabi ni Misa.

“Maganda? Mimi, may deperensya na ba ang mata mo? Nakikita ko lang maganda ay ang mga babae sa cottage na to. Lalo ka na.” sabi ni Nico at kinilig si Misa at kinurot si binata sa tagiliran.

Nagpatuloy ang paglalaro nila ng spin the botte. Pumasok na si Ysa, Aya, Chics at Kiko dahil inantok na sila. Huminto na ang grupo sa laro nila at nagkuwentuhan na lang. mag a-alas dose na ng medaling araw ng naisipan nilang pumasok. Naghiwalay na ang boys at girls at nagtungo sa kani-kanilang mga cottage.

Madaling araw na nakatulog ang mga boys pagkat nagkuwentuhan pa sila. Binulabog pa nila si Chics at Kiko nanatutulog na. Mga 2 am na nang marinig ni Nico na nagbukas ang pinto. Pagtingin niya ay nakita niyang lumabas si Kiko.

So cottage naman ng mga girls, di makatulog si Ysa. Kanina pa siya pumasok pero di talaga siya makatulog. Naisip niyang maglakad lakad kaya lumabas siya ng kwarto. Naglakad siya sa may pool area. Pagkataposay nagtungo siya sa tabing dagat at doon naglakad. Sa di kalayuan ay may nakita siyang tao na nakaupo sa may shed at nakatingin sa dagat. Nilapitan niya ito at nakita si Kiko. Lumapit ang dalaga. Di siya napansin ni Kiko dahil nakatalikod ito. Nakatayo si Ysa sa likod ng binata ngunit nagdadalawang isip siyang mag-salita. Biglang luminon si Kiko at nagulat ang dalaga. Ibinalik ni Kiko ang tingin niya sa dagat na para bang walang nakita. Nainis si Ysa at aalis n asana pero nagdalawang isip siya. Dahan dahan siyang lumapit at naupo. Hindi siya tumabi kay Kiko.

“Bakit gising ka pa?” tanong ni Ysa pero di sumagot si Kiko.

“Uy Kiko, ganito na lang ba tayo?” tanong ng dalaga at napabuntong hininga si Kiko.

“Ysa, bakit nandito ka?”

“Kasi di ako makatulog eh.”

“Pano kung wala ak dito? Tapos may nangyari sayo?” Sabi ni Kiko at napangiti si Ysa.

“Concerned?” tukso ni Ysa pero di sumagot si Kiko.

“Sorry.” Mahinang bigkas ng dalaga.

“Ysa, pumasok ka na doon. Anong oras na.”

“Ayoko.”

“Ysa.”

“Di ako papasok hanggat di natin naaayos to.” Sabi ng dalaga at tiningnan siya ni Kiko.

“Ano bang dapat ayusin?” tanong ni kiko.

“Matagal na tayong di naguusap. Kiko, I’m sorry. Di ko inisip ang feelings mo. Pinagsisihan ko talaga ang mga nagawa ko. Really. I miss you Kiko.” Sabi ng dalaga habang nakayuko at nilalaro ang mga buhangin sa sahig.

“Ysa, okay na ako. Really. Wala sa akin yon. Kung gusto mo si Jay then go. I’m not stopping you. Kung saan ka Masaya doon rin ako.” Sabi ni Kiko.

“Pero Kiko, Jay and I are just friends.” Sabi ni Ysa.

“Pero gusto ka ni Jay. So you better give him a chance.”

“Kiko naman. Pano ka?” sabi ni Ysa. Ngumiti si Kiko at tumayo.

“Ako? Wag mo akong aalaanin. May gusto akong babae. At balak ko siyang ligawan after sembreak.” Sabi ni Kiko habang nakatingin sa langit. Nabigla si Ysa sa narinig niya. Talagang wala na si Kiko sa kanya. Gusto niyang umiyak pero ayaw niyang ipakita kay Kiko.

“Ano? Tara na. Late na. Actually umaga na.” sabi ni Kiko at inabot ang kamay niya kay Ysa.

“So this girl, is she pretty?” tanong ni Ysa.

“Of course.” Sagot ni Kiko at lalong tumindi ang naramdaman ni Ysa.

“Do you really like her?” tanong ni Ysa.

“Sobra.” Sagot ni Kiko at di na napigilan ni Ysa ang maluha.

“Ouch.” Sabi ng dalaga at nagkuwaring may buhangin na pumasok sa mata niya.


“Okay ka lang?”

“Yup, may pumasok lang na buhangin sa mata ko. But I’m okay.” Sabi ni Ysa habang tinatakpan ang mata niya. Lumuhod si Kiko at inalis ang kamay ng dalaga. Hinipan niya ang mata nito. Namula si Ysa at pinigilang umiyak pa.

“Tara na.” sabi ni Kiko at tumayo. Tumayo na rin si Ysa. Naglakad na sila at nasa likod si Ysa at pinagmamasdan si Kiko. Hinatid siya ni Kiko sa cottage nila pagkatapos ay nagtungo na ang binata sa cottage nila.

“Sorry Ysa.” Bulong ni Kiko habang naglalakad pabalik sa cottage.

Sa girl’s cottage naman. Agad nagtungo si Ysa sa kama niya at nahiga na sa tabi ni Aya. Di na niya napigilan at umiyak na ng tuluyan.














No comments: