Sunday, November 28, 2010

Chapter 16: Breakup

A Wonderful Life
By: Nico and Paul

Chapter 16: Breakup

Malamig ang gabi. Naglalakad si Nico patungo sa bahay ng babaeng mahal niya. Mabagal lang ang lakad ng binata. Dala dala niya ang malungkot ng expresyon sa kanyang mukha. Halos isang linggo na mula nang maghiwalay si Nico at Misa at ni minsan, walang araw na hindi nagtungo ang binata sa kanila para humingi ng tawad.

Huminto siya sa tapat ng bahay ng dalaga. May nakita siyang sumilip sa bintana. Agad itong lumabas at binuksan ang gate.

“Nico, I don’t think this is a good time. Pero halika, pasok ka. Subukan ko siyang pilitin na kausapin ka.” Sabi ng Mommy ni Misa.

“Ah, thanks tita. Pero its okay. If she’s not ready yet, then babalik na lang ako bukas.” Sagot naman ng binata.

“Sigurado ka ba?”

“Opo. Tita di po ba kayo galit sa akin?”

“Honestly? Noong una, oo. But I know that you love each other very much. I myself is a witness of that love. Yun yung tipo na di mawawala, na di masisira. Alam ko naman na nagsisisi ka diba? I just hope that my daughter realizes that she loves you at makapag getover siya sa galit niya.”

“Salamat talaga Tita. Una na po ako. Just tell her that I love her and I am really sorry. Sige po.” Sabi ni Nico at naglakad na palayo. Tumalikod ang Mama ni Misa at nakita niya ang anak niya na nakasilip sa may pintuan. Naglakad siya patungo kay Misa at napayuko lang ang dalaga.

“Mahal ka daw niya.” sabi ng Mommy ni Misa.

“I don’t believe him.” Mahinag sagot ng dalaga. Napabuntong hininga na lang si Mrs. Agoncillo at pumasok sa bahay.

Kinabukasan, lunes, ginising ni Paul si Nico para mag almusal. Noong una ayaw pa gumising ng binata pero napilit rin siya ni kaibigan. Pagdating sa dining table, nakatunganga lang si Nico habang nakatingin sa kanyang pagkain.

“Tol, anong problema? Ilang araw ka nang ganyan ah.” Sabi ni Paul at napatingin sa kanya si Nico at napangiti.

“Ano bang sinasabi mo? Wala kaya akong problema. Bagong gising lang ako.” Sagot naman ng binata.

“Bagong gising? Duh?! Eversince bumalik tayo galing sa outing ganyan ka na.”

“Wala talaga. Siguro stressed lang.” sagot ni Nico.

“Stressed? Tol sembreak ngayon ah. Si Misa ba?” tanong ni Paul at naging seryoso ang mukha ni Nico.

“Pano mo naman nasabing si Misa?”

“Tol, di ka naman magkakaganyan kung di dahil sa kanya. Nung isang araw, ininom mo yung mainit na kape na parang tubig. Di mo naman napansin agad. Tapos palagi kang tulala. Palagi mong pinagmamasdan yung gitara na bigay niya pero di mo naman tinutugtog.” Sabi ni Paul at napayuko si Nico.

“Tol, birthday mo nung 31st. Di natin na celebrate kasi akala ko lalabas kayo ni Misa. Pero hindi pala. So doon pa lang halatang may problema na. Alam ba niyang 19 ka na? Tingin ko hindi. Kasi kung alam niya kukulitin ka non. So malamang may nangyari nga diba.” Sabi ni Paul pero di sumagot si Nico.

“So meron nga. Di na kita tatanungin tungkol sa details. Pero sana magkaayos kayo. Anyway, tara tennis?” sabi ni Paul at napatingin sa kanya si Nico.

“Ayoko inaantok pa ako eh.” Sagot ni Nico.

“Gising ka na rin naman eh. Makaktulog ka pa ba ulit? Tara na. Bihira lang naman eh.” Sabi ni Paul. Pumayag rin ang kaibigan niya at pagkatapos mag almusal ay naghanda na ang dalawa at umalis.

Pagdating sa tennis court ay agad silang nagumpisa. Matagal silang naglaro at matapos ang halos isang oras ay nag scoran na sila. Bakas sa bawat serve ni Nico ang matinding damdaming nararamdaman niya. Binubuhos niya ang buong lakas niya sa bawat serve. Napansin naman yon ni Paul pero di nagsalita.

Matapos ang game ay nanalo si Nico. For the first time, sa lahat ng laban nila, ngayon lang nanalo si Nico. Pero hindi bakas sa mukha niya ang pagkapanalo. Parang wala lang sa kanya ang nangyari.

“Tol, nanalo ka!” sabi ni Paul.

“Oo nga.” Mahinang sagot ni Nico.

“Tol! Hello? Ngayon ka lang nanalo. I expect na magiging masaya ang reaction mo at magyayabang ka sa akin.” Sabi ni Paul pero di sumagot si Nico.

“Shet, mukhang malaki nga talaga ang problema niyo ni Misa.” Sabi ni Paul. Naupo si Nico sa gilid ng court at tumabi naman sa kanya si Paul.

Ilang sandaling tahimik ang dalawa. Pinapanood nila ang ibang naglalaro sa court. Ilang sandali pa ay nag salita si Nico.

“We broke up.” Biglang sabi ng binata. Di agad nakareact si Paul.

“Ha!? Totoo?!” tanong ni Paul pero delayed ang response niya.

“Oo.”

“Anong nangyari?” tanong ni Paul.

“Nung outing natin, sa last night, Gela ang I had a talk. Doon niya inamin sa akin na mahal daw niya ako, although alam ko na nga yon. Then she said na mag mo-move on daw siya. But before that she asked for a kiss at binigay ko yon. Since mahal ko rin naman siya. At parang tulong na rin, kung talagang makakapag move on siya after that kiss bakit ako tatangi diba? But Misa saw us that night. Damn it! I cant even explain to her what really happened.” Sabi ni Nico.

“Bakit di mo ma explain?” tanong ni Paul.

“Tol, Gela is my bestfriend. At alam mo, at ng diyos kung gaano ko siya pinrotektahan noon. Di baleng ako ang mapasama, basta wag lang siya. Di ko masabi kay Misa ang totoo kasi ayokong sisihin niya si Gela.” Sabi ni Nico at tinapik ni Paul ang balikat niya.

“Gusto mo kausapin ko siya?”

“Wag na tol. Okay lang.” sagot ni Nico.

Umuwi ang dalawa matapos maglaro. Tahimik lang sila sa kotse at di na nagtanong pa si Paul sa kanya. Pagdating sa apartment, nagulat si Nico pagkat andoon si Gela at maraming pagkain doon.

“Surprise! Happy birthday best! Kahit late na.” sabi ng Gela. Sinubukan namang umarteng masaya ni Nico.

“Tol pasensya na, kinonchaba ako ni Gela eh.” Sabi ni Paul.

Bukod sa mga boys, ang tanging babae lang doon ay si Gela. Umuwi kasi si Aya at Ysa sa kanila. Sa buong salo salo ay sinubukan ni Nico na maging masaya. Pero sadyang matindi ang nararamdaman niyang sakit at napapansin na rin to ng iba.

Natapos ang salo salo at balik sa dati ang lahat. Umalis si Paul habang si Gela naman ay umalis rin at umuwi sa kanila. Nagkulong si Nico sa kanilang kwarto at natulog na lang buong araw.

Nagumpisa na ang second semester at kanya kanya nanamang preparasyon ang lahat. Hapon ng first day of classes, nakatambay si Nico sa may corridor sa may gate ng school, tila may inaabangan. Ilang sandali pa ay nakita siya ni Gela.

“Huy! Sinong hinihintay mo? Si Misa ba?” tanong ni Gela at tumango lang si Nico.

“Di ko siya nakita eh. Di na kami magkaklase this sem.” Sabi ni Gela.

“Talaga? Baka di lang siya pumasok ngayon.” Sabi ni Nico.

“Di siguro, never pa nag absent yon eh. At isa pa, wala yung name niya sa contol list. Baka nalipat ng ibang section pero di ko pa siya nakikita.” Sabi ni Nico.

Pagdating sa apartment, naupo muna si Nico sa sofa. Ilang sandali pa ay bumaba si Paul galing sa kwarto niya. Agad itong tumabi kay Nico.

“Tol may sasabihin ako.”

“Ano?” tanong ni Nico.

“Ah, kasi nakita ko si Misa kanina. Nakauniform siya, pero yung suot niyang uniform ay para sa school namin.” Sabi ni Paul.

“Ah, kaya naman pala.”

“Sinubukan ko siyang kausapin pero di ko siya naabutan eh.” Sabi ni Paul.

“Okay lang tol.” Sagot ni Nico.

“So, anong plano mo?”

“Di ko alam eh. I mean, I tried. Pero she doesn’t want to talk to me. She wont even see me. Para sayo ba, napakalaki ba ng kasalanan ko?” tanong ni Nico.

“Uhm, para sa akin, hindi. Pero from her point of view, oo. Kasi may past experience na siya eh. So di mo siya masisisi kung itutulad ka niya sa ex niya. Di mo naman ma-explain sa kanya kung ano talaga ang nangyari. Pag sinabi mo malamang may chance na magkabati kayo.” Paliwanag ni Paul. Di na sumagot si Nico at napabuntong hininga na lang.

Naisipan ni Paul na tumambay sa terrace para para magpahangin. Naabutan niya si Kiko doon na nakaupo sa sahig ng terrace at pakanta-kanta pa.

“Uy, anong ginagawa mo diyan?” tanong ni Paul.

“Ah, kasi ano, nagpapraktis ako ng kanta. Manliligaw ako eh.” Sabi ni Kiko at natawa si Paul.

“Si Ysa ba?” tanong ni Paul.

“Basta. Secret. Patulong naman ako oh, tumugtog ka ng gitara tapos ako kakanta.” Sabi ni Kiko.

“Pero Kiks, honestly medyo sintunado ka. Para kang tone deaf.”

“Kaya nga nagpapraktis eh. At isa pa papaturo ako kay kuya Nick.” Sagot ni Kiko.

“I think di ito ang tamang oras para guluhin siya. Medyo, may problema kasi sila ni Misa eh.”  Sabi ni Paul at napabuntong hininga si Kiko.

“Sige akong bahala. Tingin ko naman medyo okay na boses mo eh. At isa pa di naman importante kung maganda boses mo, basta dapat, tama yung pagkakanta. Kelan mo ba balak manligaw?” tanong ni Paul.

“Ah, bukas na sana eh.” Sagot naman ni Kiko.

“Teka ang bilis ah. Ano ba yung kanta para mapraktis ko na?” tanong ni Paul. Sinabi ni Kiko ang kantang itutugtog ni Paul. Swerte naman pagkat alam na ni Paul ang kanta. Nagpraktis ang dalawa sa kwarto ni Paul. Narinig naman ni Nico ang tugtugan ng dalawa kaya pumasok siya sa kwarto ni Paul.

“Anong meron?” tanong ni Nico.

“Ah, manliligaw daw si Kiko bukas eh. Pinapraktis namin yung kanta niya.” sabi naman ni Paul.

“Talaga? Sige nga Kiks.” Sabi ni Nico.

“Wala na nahihiya na ako.” Sabi naman ni Kiko.

“Sus Kiks. Kung nahihiya ka na dahil andito ako, paano pa bukas? Sige parinig ng boses mo tapos turuan kita.” Sabi ni Nico. Napangiti naman si Kiko at agad  kumanta.

Kinabukasan, after class, nakaupo na si Kiko sa sala nila. Kabang kaba siya at tinatawanan lang siya ng mga boys.

“Kiks, tara na, sino ba kasi kakantahan mo? Saan tayo pupunta niyan?” tanong ni Paul.

“Di naman tayo aalis. Diyan lang tayo sa katapat na apartment.” Sabi ni Kiko at napangisi si Chics at Paul. Si Nico naman ay napangiti rin habang nakaupo sa dining table at kumakain.

“Sabi ko na si Ysa eh. Kanina ko pa siya nakitang umuwi ah. Tara na kaya.” Sabi ni Paul.

“Teka, deep breathing ka muna Kiks.” Sabi ni Nico. Sinunod naman ni Kiko ang payo ng pinsan niya. Kahit papaano ay nabawasan ang kaba niya. Agad siyang tumayo at lumabas ng apartment. Pero tila naduwag siya ng makita niya si Ysa na nakadungaw sa terrace. Agad siyang tumalikod at pumasok sa apartment.

“Oh Kiks? Bakit ka bumalik?” Tanong ni Chics.

“Grabe! Di ko kaya. Nandiyan siya sa terrace.” Sabi ni Kiko.

“Kiks, its now or never. Pag di natin to ginawa ngayon, di na kita tutulungan next time.” Sabi ni Paul. Muling huminga ng malalim si Kiko at tinapik ang mukha niya.

“Tara.” Sabi ni Kiko at lumabas silang dalawa ni Paul. Naupo naman sa sofa si Nico at Chics para sumilip sa bintana.

Paglabas ni Kiko ay agad siyang tinawag ni Ysa. Napatingala si Kiko sa direksyon ngdalaga. Nakangiti ito at lalo siyang kinabahan.


“Kiko, saan kayo pupunta?” tanong ni Ysa.

“Ah, manliligaw.” Sagot ni Kiko at agad nawala ang ngiti sa mga labi ng dalaga.

“Okay, goodluck.” Matamlay na bigkas ni Ysa. Humarap si Kiko kay Paul at napangiti silang dalawa.

“Paul, may papalitan ako sa lyrics. Di kasi realistic eh.” Sabi ni Kiko.

“Sure sure. Game na?” tanong ni Paul at tumango si Kiko.

Agad nag strum si Paul at nagulat si Ysa. Nakatingin si Kiko sa direksyon niya. Di niya maipaliwanag ang expresyon sa mga mata ng binata. Bumilis ang tibok ng kanyang puso.

“There are times
When I just want to look at your face
With the stars in the night
There are times
When i just want to feel your embrace
On a cold night

I just can't believe
that you are my FRIEND now

You were just a dream that i once knew
I never thought i would be right for you
I just can't compare you with anything in this world
You're all i need to be forevermore”

Di na napigilan ni Ysa ang ngumiti. Lalo na nang marinig niya ang pinalitan na lyrics ni Kiko. Namumula rin siya at nakahawak ang dalawa niyang kamay sa kanyang mga pisngi. Nagpatuloy lang si Kiko sa pagkanta hanggang sa matapos niya ang buong kanta. Tinapik ni Paul si Kiko sa balikat at tumalikod na para bumalik sa apartment. Nagkatinginan si Ysa at Kiko at napangiti ang binata pero piniglan ni Ysa ang sarili niyang ngumiti.

“Akala ko ba manliligaw kayo? Bakit pumasok na si Kuya Paul?” tanong ni Ysa.

“Oo nga. Nanliligaw na nga ako. Tapos na yung kanta kaya pumasok na siya.” Sabi ni Kiko at di na napigilan ni Ysa ang mapangiti.

“So sinong niligawan mo?” tanong ni Ysa.

“Baba ka dito sasabihin ko sayo.” Sabi ni Kiko.

“Ayoko. Nakakapagod.” Sabi ni Ysa at natawa si Kiko.

“Sige, akong aakyat diyan. Hintayin mo ako.” Sabi ni Kiko. Agad pumasok ang binata sa apartment. Nakita niya si Gela na nakupo sa sofa at nakangisi sa kanya. Napangiti lang si Kiko at napayuko habang umaakyat sa taas. Lumabas siya sa terrace at nakatayo lang doon si Ysa habang nakatingin sa kanya.

“So sinong nililigawan mo?” tanong ng dalaga. Lumapit si Kiko at hinawakan ang dalawang kamay ni Ysa.

“Ikaw.” Sagot niya. Kinilig si Ysa pero di niya pinahalata.

“Ako? Akala ko may iba kang gusto?”

“Ikaw nga. Ikaw lang ang babaeng gusto ko Ysa. At ikaw ang tinutukoy ko na liligawan ko. Wala nang iba.” Sabi ni Kiko.

“So ako talaga?”

“Yup!” sabi ni Kiko at natawa ang dalaga.

“Sabing wag kang sasagot ng ganyan eh.” Sabi ni Ysa at natawa si Kiko.

“Pero seryoso. Ysa, I’m very sorry sa mga nasabi ko dati. Sana hindi ko na lang sinabi. Ysa, may pagasa pa ba ako? I am willing to wait. Kahit gaano katagal. Please just tell me that I have a chance.” Sabi ni Kiko. Ilang sandaling tahimik ang dalawa at parehong nakikiramdam.

“Kiko, alam mo, nasaktan talaga ako sa mga sinabi mo noon.” Sabi ni Ysa at napayuko si Kiko.

“I’m sorry.”

“But. I am still glad na di ka sumuko. Kiko I missed you. The real you.” Sabi ni Ysa.

“So my chance ba ako?” tanong ni Kiko.

“Yup. Actually, sasagutin na kita.” Sabi ni Ysa at nanlaki ang mga mata ni Kiko.

“Seryoso?”

“Uhm, uhuh.” Sabi ni Ysa. Pero biglang naging seryoso nag mukha ni Kiko.

“Ysa, I know youre not yet ready. Handa akong maghintay. Kung napipilitan ka lang sa sagot mo okay lang, pwede mo namang palitan ang desisyon mo eh.” Sabi ni Kiko.

“Kasi natatakot ako. Baka kasi mawala ka ulit dahil sa paghihintay mo.” Sabi ni Ysa.

“Ysa, not this time. Maghihintay lang ako. Nandito lang talaga ako promise. Di kita iiwan. Maghihintay ako hanggang ready ka na.” sabi ni Kiko at napangiti si Ysa.

“I’m sorry for letting you wait. I really want it to be us. Pero kasi I think I’m not yet ready. But I assure you. You already own my heart.” Sabi ni Ysa at napangisi si Kiko.

“Talaga?” tanong ni Kiko at tumango ang dalaga. Sa sobrang saya at napayakap si Kiko kay Ysa. Natauhan siya at kakalas sana pero yumakap din sa kanya ang dalaga.

“I just cant believe that you’re my friend now? Sinong nakaisip non?” tanong ni Ysa.

“Ahm, ako. Eh kasi alangan you are mine now eh di pa naman tayo?” depensa ni Kiko.

“Korny naman. Sana iba na lang inisip mo.”

“Eh biglaan eh. Kanina ko lang na realize.” Sabi ni Kiko at natawa si Ysa.

“Sana di mo na lang pinalitan. Like I said, you already own my heart.” Sabi ng dalaga at napangiti si Kiko.

Sa sala naman, magkahalong tuwa at lungkot ang naramadaman ni Nico habang pinagmamasdan ang dalawa. Masaya siya para kay Kiko ngunit malungkot rin siya pagkat naaalala lang niya si Misa sa nakikita niya. Umakyat na lang siya sa kwarto niya at nagkulong doon.

Kinabukasan, maagang bumangon si Nico. Halos wala pang araw nang umalis siya sa apartment. Nagtungo siya sa bahay ni Misa at tumayo lang sa harapan ng bahay nila. Tago ang lugar ng kinakatayuan niya at di siya nakikita. Matapos ang ilang sandali ay nasilayan niya si Misa. Tama si Paul, iba na nga ang uniform ng dalaga. Sumakay ito sa kanilang SUV malamang para magpahatid sa school. Pinagmasdan na lamang ni Nico ang sasakyan nila hanggang sa makalayo ito.  Sa SUV naman, napalingon si Misa. Nagulat siya nang makita niya si Nico na nakatayo sa may side walk sa tabi ng isang puno habang nakatingin sa direksyon nila. Inalis niya ang tingin sa binata at dineretso ang tingin.

After classes, nagliligpit si Misa ng mga gamit niya. Paglabas ng dalaga sa room nila ay nagulat siya sa nakita niya.

“Vince!” bigkas ng dalaga.

“Ah, Misa, pwede ba tayong magusap?” tanong ni Vince.

“Bakit pa?” tanong ng dalaga.

“I just want to say something. Just give me five minutes.” Sabi ni Vince. Nagaalinlangan ang dalaga ngunit pumayag rin ito. Naupo ang dalawa sa isang bench sa may quadrangle.

“Misa, I just want to say sorry.” Sabi ni Vince.

“Its okay. Past Is past.” Sagot naman ni Misa.

“Don’t worry, wala akong balak guluhin kayo ng boyfriend mo.” Sabi ni Vince ngunit di sumagot si Misa.

“You see, im sorry pero kailangan kong sabihin to. The truth is I really loved you. Sobra. Pero I met this girl. Kumabaga, naakit ako sa kanya. I mean, physically, tapos the way she acts and treats me. So parang sa isang iglap, nawala ang feelings ko para sayo. Nabulag ako. At para akong aso na sumunod sa kanya.” Sabi ni Vince. Tahimik lang na nakikinig si Misa sa kanya.

“Alam ko, ilang beses kitang iniwasan. Kasi pag nakikita kita naguguluhan ako. That girl, parang siya na ang ideal girl ko. Pero mali pala ako. Panlabas lang niya yon. Oo, niloko niya ako. Pinagpalit niya ako sa ibang lalaki. At doon ko na realize ang pagkakamali ko. Lahat ng sakit bumalik. Pag nakikita kita noon parang wala lang sa akin. Pero parang sa isang iglap naramdaman ko lahat. Nagrebound lahat sa akin. Narealize ko na tong sakit na nararamdaman ko ay wala pa sa naramdaman mo. I left you without even explaining. Pinagsisihan ko talaga yung nagawa ko. Pero past is past nga, alam kong hindi ko na maibabalik ang dati. I just want to tell you na naiintindihan kita. And I will be here as your friend in case you need me. Nakikita ko naman na masaya ka sa boyfriend mo ngayon. Masaya ako kasi despite what happened, you still found true happiness.” Sabi ni Vince. Di na napigilan ni Misa at naiyak siya.

“Misa, bakit? May nasabi ba akong di mo nagustuhan?” tanong ni Vince.

“Vince, wala na kami.” Sabi ni Misa.

“What?”

“We broke up.” Dagdag ng dalaga. Hinawakan ni Vince ang kamay niya at pinunasan ang luha ng dalaga.

“Misa I’m so sorry. Kung may magagawa ako para mabawasan ang sakit. Tell me. Gagawin ko.” Sabi ni Vince. Tumayo naman si Misa at nagpunas ng mga luha niya.

“Salamat. Una na ako. Bye.” Sabi niya pero hinawakan ni Vince ang isa niyang kamay.

“Hatid na kita.”

“No need. May sundo ako.” Sabi ng dalaga.

“Misa, wag kang magalala. Kahit wala na kayo ng boyfriend mo, I don’t intend to cross the line. Para sa akin, masyadong malaki ang kasalan na nagawa ko sayo. And because of that I am no longer worthy to be with you. Kaya nandito ako as a friend. Tutulungan kita if ever kailangan mo ako. I’ll be here when you need me.” sabi ni Vince at napangiti si Misa.

“Thank you.” Bigkas ng dalaga at naglakad na paalis.

Dalawang araw ang lumipas, Friday na. Maagang umuwi si Nico sa apartment. Habang pauwi ay nadaanan siya ni Paul.

“Tol sakay!” sabi ni Paul kaya agad namang sumakay si Nico. 

“Tol, may tatanong ako.” Sabi ni Paul.

“Ano?”

“Ahm, alam mo ba yung last name ni Vince? Yung sinasabi mong Ex ni Misa?” tanong ni Paul.

“Hindi eh. Bakit?”

“Wag kang magagalit ah, kasi yesterday, at kanina, may nakita akong kasama ni Misa. Namukhaan ko yung lalaki. Vince ang pangalan niya. Kasama ko siya sa gym pero boxer siya.” Sabi ni Paul pero di sumagot si Nico.

“Tol? Narinig mo ba ako?”

“Oo narinig kita.” Sabi ni Nico.

“Eh bakit parang di ka nagreact?” tanong ni Paul at napabuntong hininga si Nico.

“If she’s happier with Vince. Then bahala siya.” Sabi ni Nico at nagulat si Paul.

“Tol, naririnig mo ba ang sarili mo? Are you telling me that you are giving up on her already? Sasayangin mo ang pinagsamahan niyo? Tol, wake up.”

“Alam mo tol, di mo ba naisip na ayaw niya akong patawarin, dahil siguro mas gusto niyang kasama si Vince? Na excuse lang ang away namin para magkabalikan sila?” tanong in Nico.

“Tingin mo ba ganong klaseng babae si Misa? Tol, sinasabi ko sayo, witness ako sa closeness niyong dalawa. As in para na nga kayong kasal eh. I know you love each other. So tingin mo magagawa niya yon?” tanong ni Paul at nakatingin lang sa malayo si Nico.

“Ewan ko. Right now di ko alam kung ano ba ang dapat isipin. Siguro nga malaki ang kasalanan ko sa kanya. Pero ang di ko kasi matanggap, mas pinili pa niyang patawarin ang lalaki na talagang nanloko sa kanya.”

“Tol, give her time. Pero di ko sinasabing sumuko ka. Ipaglaban mo siya sa Vince na yon. Wag nga lang away kasi boxer siya eh.” Sabi ni Paul. Di sumagot si Nico at tila nagiisip.

“Tol? Nakikinig ka ba?”

“Boxer ba siya kamo?” tanong ni Nico.

“No, wag pare. I tell you magaling siya.” Sabi ni Paul.

“I really don’t care kung magaling siya.” Sabi ni Nico.

“Tol, think about it. Anong magandang idudulot niyang iniisip mo?”

“Wala akong pakialam. Basta gusto ko siyang makalaban. Saan ba gym niyo? Tanong ni Nico pero ayaw sabihin ni Paul.

“Tol saan!?”

“Oo na, samahan kita doon bukas, or pag pwede tayo. Pero magpraktis ka.” Sabi ni Paul at napangisi si Nico.

“No need. Gugulpihin ko siya.”



No comments: