A Wonderful Life
By: Nico and Paul
Chapter 13: Unwinding Temptations
Maagang umalis si Paul sa bahay nila para bumalik na sa apartment. Nagcommute lang ang binata kaya halos isang oras bago siya nakarating sa city. Pagkababa niya, nagdalawang isip siya. Hindi niya alam kung kaya na ba niyang bumalik. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya kay Aya pag nagkita sila. Huminga na lang siya ng malalim at sumakay sa isang jeep.
Ilang sandali pa ay bumaba siya sa isang subdivision. Naglakad ang binata at matapos ang ilang minuto ay nakatayo na siya sa harap ng bahay ni Danica. Madodoorbell sana siya nang may narinig siyang pamilyar na boses na isinisigaw ang pangalan niya.
“Pao!” sigaw ni Danica at tumakbo papunta kay Paul.
“Aiks, san ka galing?”
“Ah, nag jogging lang. Anong ginagawa mo dito? Ano yan bakit may bag ka?” tanong ng dalaga habang hinihingal pa.
“Eh babalik na sana ako sa apartment eh. Kaya lang naduwag ako bigla. Pwede bang makitambay muna sandali?” tanong ni Paul habang nakahawak sa tiyan niya.
“Oo na igagawa na kita ng sandwich! Tara pasok. Tulog pa si Lala.” Sabi ni Danica at pumasok na nag dalawa sa loob.
Naupo si Paul sa sala habang umakyat naman sandali si Danica para mag shower. Nahiga lang ang binata sa sofa habang hinihintay si Danica. Iniisip niya ang mga maari niyang sabihin kung sakaling makikita niya si Aya paguwi niya.
Matapos ang halos 30 minutes, bumaba na si Danica at agad dumiretso sa kusina. Akala kasi niya ay natutulog si Paul sa sofa. Ilang sandali pa ay nakalanghap ang binata ng pamilyar na amoy.
Agad bumangon si Paul at nagtungo sa kitchen. Nakita niya si Danica na naghahanda pa lang ng almusal. Nakasuot ng apron ang dalaga at nakatali ang buhok. Si manang naman ay nagtitimpla ng juice as usual.
“Good morning. Smells familiar.” Sabi ni Paul at napalingon sa kanya si Danica.
“Oh Pao. Teka di pa tapos. Upo ka muna diyan kwentuhan kayo ni Manang.” Sabi ni Danica.
“Manang oh tinatapon na niya ako. Pinamimigay na lang ako ng basta basta.” Biro ni Paul at natawa si Manang.
“Duh? Tinatapon? Shut up ka nga!” sabi ni Danica at lalong natawa si Manang.
“Manang oh, shut up daw ako. Di na niya ako love.” Banat naman ni Paul at binato siya ni Danica ng slice bread.
“Manang oh playing with the food.” Sabi ni Paul. Humarap sa kanya ang dalaga at nagtaas ng kilay at nagcross arms habang may hawak pang spatula.
“Ah manang upo ka dito usap muna tayo.” Painosenteng bigkas ni Paul at tawa na ng tawa si Manang.
Matapos kumain, nagtungo ang dalawa sa living room sa second floor. Sinindi ni Danica ang stereo at nagsound trip ang dalawa at naupo sa sofa. Napansin ni Paul na minamasahe ni Danica ang kamay niya kaya agad niya itong kinuha at siya ang nagmasahe.
“Uy wag na. Ano ka ba?”
“Okay lang. Pinagluto mo ako kaya this is the least I can do.” Sabi ni Paul at nagpatuloy sa pagmasahe.
“So, anong nakapagdecide sayo na bumalik? Akala ko 1 week kang lalayo?” tanong ni Danica.
“Mag e-extend pa nga sana ako eh. Kaya lang, basta. I thought ready na ako, di pa pala. Pero andito na ako eh. Kaya go go go na.”
“Sure ka kaya mo na? Pano kung mag breakdown ka sa harap niya?” tanong ng dalaga huminto si Paul sa pagmasahe at napatingin kay Danica.
“OA ka ha. Breakdown ka diyan. Hindi naman. Di ko lang alam ang sasabihin ko. At isa pa feeling ko wala na akong mukhang ihaharap sa kanya eh.” Sabi ng binata at muling ipinagpatuloy ang pagmasahe sa kamay ni Danica.
“Pao sorry. It’s all my fault.”
“Uy hindi kaya. Wag mong sisihin ang sarili mo. Pareho naman nating hindi inexpect to eh. Gusto mo lang akong tulungan kaya I’m very thankful sayo.”
“Hindi eh. Kasalanan ko talaga. Sana hindi ko na lang sinuggest.”
“Aiks. Ayoko nang marinig na sinisisi mo ang sarili mo okay? You only wanted to help. Yun ang importante. Hindi man maganda ang kinalabasan, at least we tried. Change topic na!” sabi ni Paul. Napangiti na lang si Danica at napatingin sa malayo.
“Aiks, sasabihin mo na ba sa akin kung bakit ka masungit sa school?” tanong ni Paul. Natahimik naman si Danica. Nagpakiramdaman ang dalawa. Ilang sandali pa ay huminga ng malalim ang dalaga.
“Kasi iniiwasan kong mainlove.” Sabi ni Danica.
“Bakit?”
“Let’s just say its my least priority now. Kasi ayoko nang masaktan.” Sabi ng dalaga. Inabot naman ni Paul ang kabilang kamay ni Danica at minasahe ito.
“Okay. Hindi na kita tatanungin tungkol doon. Pero bakit ngayon di ka na masungit?”
“Kasi andyan ka na.” sabi ni Danica at nanlaki ang mga mata ni Paul.
“Ha? Ako? Ano namang ginawa ko?”
“Wala, kasi palagi kitang kasama sa school kaya for sure walang lalapit sa akin.” Sabi ng dalaga at natawa si Paul.
“So ano ako? Bodyguard ganon?” tanong ni Paul at tiningnan siya ni Danica.
“Nope. You’re my bestfriend.” Sagot ng dalaga. Napangiti naman si Paul at nagpatuloy sa pagmamasahe.
Tanghali na nang umalis si Paul. Nakipaglaro pa kasi ang dalawa kay Lala. Pinabaunan pa siya ni Danica ng paborito niyang sandwich para daw madagdagan ang lakas ng loob niya. Tinahak na niya ang daan patungo sa apartment. Hindi niya alintana ang init dahil malalim ang iniisip niya.
Ilang sandali pa ay nakatayo na si Paul sa tapat ng gate ng apartment. Kinuha niya ang pinabaong sandwich sa kanya. Huminga siya ng malalim at kumagat sa sandwich. Binuksan niya ang gate at di niya nakita si Aya. Napangiti siya at naglakad na papunta sa apartment nila.
Pagbukas niya ng pinto ay napanganga siya sa nakita niya. Lahat ng girls sa kabilang apartment ay nasa kanila at masayang nagsasalosalo. And mas malala pa ay pati si Marvin ay kasama.
“Tol you’re back!” sigaw ni Nico at agad pinuntahan si Paul at hinila papunta sa kwarto sa taas.
“Akyat lang kami may pinabili kasi ako sa kanyang importante eh. Sige kain lang kayo diyan.” Sabi ni Nico. Pumasok ang dalawa sa kwarto ni Paul at naupo ang binata sa Kama niya habang nakatayo lang si Nico.
“Tol, di mo naman sinabing uuwi ka.”
“Oo nga eh. Ano bang meron diyan?” tanong ni Paul.
“Sinabi ko kasi kay Aya na gusto naming makilala si Marvin eh. Okay lang naman sayo diba?” tanong ni Nico at napabuntong hininga si Paul.
“Oo naman. Wala naman akong karapatang kumontra eh. I know you’re only trying to protect her for me. Okay lang talaga. Bakit mo ba kasi ako biglang hinila dito? I have to go down there and act normal.”
“Eh malay ko ba? Parang kailan lang eh wala ka sa sarili mo eh. Sana kasi nagpasabi ka. Oh ano tara na?” sabi ni Nico sabay bukas ng pinto.
“Teka! Ahm, teka sandali lang. 5 minutes!” sabi ni Paul at natawa ang kaibigan niya.
“Eh akala ko ba ready ka na? Tara na, walang mapapala ang paghihintay mo. Sige dun ka sa upuan ko para malayo ka kina Aya. Ako na lang ang tatabi sa kanya.” Sabi ni Nico. Nagisip pa sandali si Paul pero tumayo na rin siya at bumaba ang dalawa.
“Guys pasensya na ha, kailangan ko lang talaga makita yung laman nung bag niya eh. Pero kami lang dapat makakita. Oh siya! Kainan na ulit!” sabi ni Nico at kinuha ang plato niya at naupo sa tabi ni Aya. Si Paul naman ay naupo sa dating pwesto ni Nico.
“Marvin, kilala mo na si Paul diba?” tanong ni Nico.
“Ah, oo. Musta pre?” sabi ni Marvin.
“Okay lang pare. Pagod lang. Kumusta kayo ni Aya? Tandaan mo yung sinabi ko sayo dati ha.” Sabi ni Paul at napatingin si Aya sa kanya. Natawa naman si Marvin.
“Oo naman, don’t worry. Kami ni Aya okay naman kami. We’re happy.” Sabi ni Marvin. Napangiti lang si Paul sa kanya.
“Tol, balita sa monthsary niyo?” tanong ni Paul. Napansin ni Nico na sinusubukan niya talaga umakto ng normal. Naisipan niyang alalayan na lang ang bestfriend niya.
“Okay naman tol. Binigyan niya ako ng gitara. Try natin mamaya.”
“Oo ba! Tamang tama matagal na akong di tumutugtog.” Sabi ni Paul.
“Tara join ako diyan.” Sabi naman ni Kiko.
“Shut up sisirain mo lang! ikaw Chics sali ka?” tanong ni Paul.
“Wag niyo akong isali diyan” matamlay na sagot ni Chics. Natahimik naman ang mga boys.
Natapos na ang salo salo. Si Nico at Gela ay nagligpit ng pinagkainan nila habang si Paul ay nagtungo sa kwarto ni Nico para tingnan ang gitara. Pagpasok sa kwarto, kinuha niya ang gitara at naupo sa may bintana. Nakita naman niyang magkatabing nakaupo sa bench sa labas sina Aya at Marvin. Inalis niya ang tingin niya at tinugtog na lang ang gitara.
Pagsapit ng hapon, naisipan ni Paul na lumabas. Nakita niya si Aya na nakaupo sa bench sa labas. Kanina pa ang dalaga doon kaya pakiramdam niya ay hinihintay siya nito. Huminga siya ng malalim at lumabas na ng pinto nila. Napatingin sa kanya ang dalaga at ngumiti ito. Nanlambot si Paul nang makita ang ngiti ng dalaga. Nilapitan niya ito at tinabihan sa bench.
“Musta?” tanong ni Paul.
“Okay lang. Ikaw?”
“Okay lang din.” Sabi ni Paul.
“Uhm, Aya. Ano, ah, gusto ko lang humingi ng sorry sa nagawa ko. Alam mo na.”
“Wag mo nang isipin yon. Past is past. Basta wag mo nang uulitin.” Sabi ng dalaga.
“Hindi na promise.”
“So okay na tayo? Friends?” sabi ni Aya habang nakatingin sa binata. Tumingin rin si Paul sa dalaga at ngumiti.
“Of course. Friends.” Sabi ni Paul.
Umalis si Paul para magpahangin pagkatapos ng paguusap nila. Alam niyang yun na ang huling paguusap nila bilang close friends. Dahil pagkatapos niyang humingi ng tawad, magiging ordinaryong kaibigan na lang ang ituturing niya kay Aya. Dahil kailangan niyang igalang na may iba nang mahal ang babaeng mahal niya.
Kinabukasan, agad natulog si Paul pagkauwi galing school. Pagkagising niya ay malapit nang mag gabi. Bumaba siya sa sala at nakita si Nico doon. Naupo siya sa tabi ng kaibigan niya. Ilang sandali pa ay may kumatok sa pintuan nila. Agad tumayo si Paul at nakita si Aya na may dala ng ulam.
“Uy, Aya.” Sabi ni Paul.
“Ah, Paul. May dala akong ulam.”
“Ah thanks.” Sabi ni Paul at inabot sa kanya ng dalaga ang plato.
“Alam mo, actually marunong akong magluto. Tamad lang ako eh. Pero from now on magluluto na ako. Nakakahiya na kasi sayo eh. Don’t worry dadalhan ko rin kayo.” Sabi ni Paul.
“So I guess this will be the last time then.” Sabi ni Aya.
“Siguro. Pero pwede pa rin naman kung kunyari birthday mo. Nakakahiya na kasi eh. Lagay ko lang to sa mesa sandali.” Sabi ni Paul at inilagay sa mesa ang plato. Pagkalapag ng ulam sa mesa ay tumakbo ang binata paakyat.
“Aya thank you ha! Akyat lang ako sandali may gagawin lang ako.” Sabi ni Paul.
Tumingin si Aya kay Nico na nakaupo sa sala na para bang nagtatanong kung anong meron. Napangiti lang ang binata at itinaas ang balikat niya at umiling. Malungkot na lumabas ang dalaga at bumalik sa apartment. Sa may pintuan naman ng terrace, pinagmasdan siya ni Paul.
“Aya I’m sorry pero kailangan.” Bulong niya sa sarili.
Lumipas ang halos tatlong linggo at sumapit na ang midterm exams week. Maraming pagbabago ang naganap. Mas naging close si Aya at si Marvin. Magmula naman nung 13th monthsary nila, nagkabalikan na ulit sina Chics at Claire. Si Kiko naman ay bigla na lang nagimpake at umuwi sa kanila 3 days ago. Hindi sinabi ng binata ang dahilan ngunit base sa kilos ni Ysa, hindi na nila kailangan pang tanungin ang dahilan.
Exams week at naunang nagexam sina Misa, Aya, Gela at Chics. Wednesday to Friday kasi ang sched nila samantalang si Nico naman ay Friday at Saturday. Sina Paul at Claire naman ay Thursday to Saturday ang exams. Busy ang linggong yon kaya hindi masyadong nagkikita sina Misa at Nico.
Sumapit ang sabado at tapos na nag lahat sa mga exam nila. Bumalik na ang dating samahan nina Chics at Paul. Half day lang si Nico at Paul dahil examination day nila. Naguusap ang tatlo sa sala. Kulang sila ng isa pagkat umuwi si Kiko.
“Tol, beach tayo okay lang ba sa inyo?” tanong ni Paul.
“Okay lang. Yan na ba yung libre mo?” sagot ni Nico.
“Di pa no. Diba yung libre ko yung kasama mga girls?” sabi ni Paul.
“Seryoso ka? Kasama si Aya?”
“Oo naman. Kahit isama pa niya si Marvin eh. Pero sa sem break na natin yon. Yung next week, tayong apat lang. Parang dati. Just to unwind. And celebrate dahil okay na ulit si Chics at Claire. At para na rin kay Kiko. Ano, what do you say?” tanong ni Paul.
“Sure, game kami. Tayo lang talagang apat?” tanong ni Chics.
“Oo! Sa sembreak mo na isama si Claire. Basta next week tayo lang apat.” Sabi ni Paul.
Sumapit ang Friday at after class ay naghanda ang tatlo. Hindi na nagsabi si Nico sa mga girls dahil alam niyang pag nawala silang apat, alam na ni Gela kung saan sila pumunta. Wala silang sinabihan kundi si Misa.
Umalis ang tatlo at nagpunta sa bahay nina Kiko. Lumabas ang binata at halatang malungkot ang itsura. Pero wala siyang nagawa nang pinagimpake siya ng gamit ng mga kaibigan niya. No choice siya kundi sumama.
Si Nico ang nakatokang magdrive. Sa bawat lakad kasi ng apat ay may naka assign sa pagdrive. Sa buong biyahe ay tahimik lamang si Kiko. Nagtagal ng isa at kalahating oras ang biyahe nila at nakarating sila sa isang resort.
Dahil sa gabi na, nagpahinga muna ang apat sa cottage nila. Mga 9 pm na nang nagising sila at nagdinner ang apat. Matapos ang dinner ay tumambay muna sila sa pool. Kahit gabi na ay marami pa ring tao pero konti na lang ang lumalangoy sa pool.
“Kuya Nick may napapansin ako sayo.” Sabi ni Kiko at napatingin ang tatlo sa kanya.
“Shet! Nagsalita siya! Tol oh nagsalita siya!” biro ni Nico at nagtawanan ang tatlo.
“Ano bang napansin mo?” tanong ni Paul.
“Eh kasi ang daming magagandang babaeng dumadaan, pero ni minsan di tumingin si Kuya Nick sa kanila. Ganyan ka ba talaga ka loyal kay Misa? Na kahit tumingin ka lang di na pwede?” tanong ni Kiko at napangisi si Nico.
“Kiks, di porket di mo ako nakikitang nakatingin ay di na talaga ako nakatingin. What you see is not always what you get.” Sabi ni Nico at nagkamot ng ulo si Kiko.
“Ha? Anong ibig mong sabihin?”
“Bigyan kita ng example base sa past experience ko.” Sabi ni Nico at lumapit ang tatlo sa kanya.
“Naalala ko pa nung 2nd year college ako, palabas kaming magbarkada ng gate ng school, tapos may dalawang magandang babae sa gilid. As usual lahat sila napatingin at ako diretso lang ang tingin ko. Pero biglang humangin at nagliparan ang palda nung dalawa. Pinilit nilang takpan pero malakas yung hangin kaya hiyang hiya yung dalawang babae. Tiningnan ako ng mga kasama ko pero nakita nila na diretso lang yung tingin ko. Nang makalayo kami, nagtanungan sila kung anong kulay nung underwear nung isang babae. Hindi nila nakita. Nagulat sila nung binulong kong ‘kulay green’. Napatingin lahat sa akin at inulit ko yung sinabi ko. Siyempre nagulat sila kasi di nila ako nakitang tumingin pero yun ang akala nila.” Sabi ni Nico.
“Ha? Paano mo nakita?” tanong ni Kiko.
“Kiko, mata ang ginagamit para makakita. So mata lang ang ginagalaw ko at di ulo. At dahil sadyang matalas ang memorya ko, kahit glance lang ay matatandaan ko na yung itsura. Kaya di halata.” Sabi ni Nico at napangisi ang tatlo.
Kinabukasan ay maagang nagising ang mga boys. Pagkatapos mag breakfast, agad sinugod ng apat ang beach. Sa buong araw nilang paglangoy, walang ginawa si Kiko kundi magpraktis. Si Paul naman, kahit nagimprove na ang kanyang paglangoy, ay tila nalulunod pa rin ang dating niya pag nag freestyle siya.
“Oh teka, ayaw niyong mag race sa pool?” tanong ni Kiko.
“Bakit Kiks, feeling mo may panama ka?” tanong naman ni Chics.
“Ako pa! wala na nga akong ginawa kundi magpraktis eh.” Sabi ni Kiko. Napansin niyang lumalangoy papunta sa kanya si Nico kaya agad siyang natarantang lumangoy papunta sa mababaw. Natawa naman ang tatlo sa kanya.
“Oh bakit takot ka pa pag lumalapit ako? Wala naman akong gagawin eh.” Sabi ni Nico.
“Eh lulunurin mo nanaman ako eh.”
“Sus, eh akala ko marunong ka na? bakit natatakot ka pang malunod?” tanong ni Nico at nakangisi sina Chics at Paul.
Lumipat ang apat sa pool area para mag race. As usual huli si Kiko sa takbuhan papuntang pool.
“Oh, 2 laps ha. Pagdating sa dulo balik agad dito. Ang mahuhuli manlilibre ng lunch!” sabi ni Nico at nag agree ang lahat. Pumwesto na ang apat sa kanilang mga lane. Bago mag start ay nagtinginan sina Paul at Nico at natawa sila. Tiningnan naman ni Nico si Chics at natawa rin ang binata habang may sinesenyas ang kuya niya.
“Ready ka na Kiks? Handa mo na ang pera mo ha.” Biro ni Nico.
“Ako pa! Sure ako si Paul mahuhuli. Oo wala akong pagasa talunin kayo ni Chics pero si Paul matatalo ko sigurado.” Pagmamayabang ni Kiko.
“Hay Kiks. Lumangoy langoy ka lang ng buong umaga sa dagat feeling mo magaling ka na? Ang bagal mo nga lumangoy eh.” sabi ni Paul at nagtawanan ang mga boys.
“At least di parang nalulunod pag lumangoy!” banat ni Kiko.
“Kiks, actually, mas malala ka pa kay Paul.” Sabi naman ni Chics at tumawa ng malakas si Paul.
“Okay game! 1! 2! 3!.... GO!” sigaw ni Nico. Halatang seryoso si Kiko at agad ng glide sa ilalim ng pool. Pagahon niya ay agad siyang nag freestyle papunta sa dulo. Nagtawanan ang tatlo dahil hindi man lang napansin ni Kiko na siya lang magisa ang lumalangoy. Nagusap sila habang pinapanood si Kiko.
“Oh ganito yan ha, pagdating ni Kiko sa kabila kunyari natapos na natin ang lap at nakabalik na tayo dito. So kulelat talaga siya. Dahil si Nico ang pinakamabilis dapat nakaupo na siya sa recliner. Ako naman ay saktong aahon ng pool habang si Chics naman ay kunyari kararating lang sa finish line.” Sabi ni Paul.
“Teka! Parang baliktad. Dapat yata ako yung aahon tapos ikaw yung kararating pa lang.” reklamo ni Chics.
“Sino ka ba? Ako ang nagpaplano dito ah.” Kontra ni Paul.
“Tol tama siya. Mas realistic yon.” Sabi ni Nico.
“Oo na! ako na ang third!” sabi ni Paul at natawa ang tatlo. Dahil sa mabagal lumangoy si Kiko. Pinanood muna siya ng tatlo. Alam nilang nakapikit ito kung lumangoy kaya hindi niya alam na wala siyang kasabay. Nang malapit na siya sa dulo, pumwesto na ang tatlo. Umahon na si Nico at kinuha ang towel niya at naupo sa recliner. Si Chics naman ay nasa hagdan na ng pool habang si Paul at nakahanda na para lumangoy. Pagdating ni Kiko, umahon siya at nakitang wala siyang kasabay. Laking tuwa niya at akala niya siya ang nauna. Ngunit ng aktong babalik na siya ay nagulat siya sa nakita niya sa kabilang dulo.
Nakaupo na si Nico sa recliner at nagpupunas na ng buhok. Si Chics naman at paakyat na ng hagdan habang si Paul ay saktong kararating pa lang sa finish line sabay ng fist pump sa ere. Nanlumo siya sa nakita niya at nawalan na ng ganang bumalik kaya umahon na lang siya sa kabilang dulo at naglakad papunta sa kanila. Tawa ng tawa ang tatlo dahil paniwalang paniwala si Kiko sa kalokohang naisip nila.
“Shet ang bilis niyo! Potek!” sabi ni Kiko at pinigilan ng tatlo ang tawa nila.
“Praktis pa Kiks. Marami ka pang kakaining bigas.” Sabi ni Nico.
“Speaking of bigas, tara lunch na tayo!” sabi ni Paul at sumangayon naman si Nico at Chics.
Nagtungo ang tatlo sa isang restaurant at doon nag lunch. Pagkatapos mag lunch ay tumambay muna sila sa may beach para magpahangin. Nakaupo lang ang mga boys at pinagmasdan ang mga taong dumadaan.
“Oh, daming magagandang dumadaan ah.” Sabi ni Paul.
“San? Wala naman eh.” Sabi ni Nico.
“Asus! Kunyari ka pa.” sabi ni Paul.
“Tol, marami ngang magaganda. Pero hahanap pa ba ako ng iba? Titingin pa ba ako sa iba? Eh the perfect girl for me is already with me. Kumbaga, wala na akong hahanapin pa. Naiintindihan kita tol. Gusto mo tulungan kita makipagkilala tayo sa kanila para naman makalimutan mo si Aya.”
“Wag na tol. Najojoke lang ako. Alam mo kahit ganon nag nangyari, para sa akin si Aya pa rin talaga. Although tanggap ko na. Pero di pa ko nakakapagmove on. Kaya yang mga dumadaan na yan? Wala yang binatbat sa kanila.” Sabi ni Paul.
“Kanila? Ilan ba babae mo?” tanong ni Kiko.
“Shongek! I’m not speaking for myself here. Lahat tayo. I mean, di ba? Hahanap pa ba kayo? Eh lahat ng mga girls sa buhay natin, as in lahat sila merong beauty, brains and attitude which is very rare. Si Misa bukod sa tatlong qualities na yon, eh yung pacuteness niya na palaging tumatalab kay Nico.” Sabi ni Paul at nagtawanan ang tatlo.
“Oo nga, brainwashed ako palagi pag nagpapacute yon. Para akong zombie na susunod-sunod.” Banat ni Nico at lalo silang nagtawanan.
“Mahilig siyang tumawa. Ang sarap pa pakinggan ng tawa niya. Nageffort magluto para mapasaya si Nico. Di materialistic dahil kahit bato lang ibigay ni Nico dahil kuripot siya ay tatangapin ni Misa. Iyakin sobra base sa mga kwento ni Nico pero madaling patawanin.” Sabi ni Paul at napabungisngis si Nico.
“Pero kahit iyakin yon tol, matapang yon. Kahit anong ibato mo sa kanya kaya niya. Kaya nga I love her eh.” Sabi ni Nico.
“Oh, si Claire naman, bukod nga don sa three qualities, ay napakasocial pa. Lahat kaya niyang pakisamahan, tapos sweet pa siya. Si Ysa, isip bata, kaya bagay silang magsama ni Kiko.” Banat ni Paul at napangiti lang si Kiko at di na nagreact pa.
“Pero she always makes us smile when she bakes.” Dagdag ni Paul at napangiti silang apat.
“Si Aya?” tanong ni Chics. Hindi sumagot si Paul at tumingin sa malayo.
“Si Aya, beauty, brains and attitude. Pero bukod doon siya yung pinaka matured sa kanila. Nabubuhayan tayo sa mga luto niya. She’s always there to listen to you. She’s a good friend to everyone, always showing her concern. She’s the kindest among all the girls.” Sabi ni Nico at tinapik si Paul sa balikat.
“Si Danica naman, di lang basta brains, super brains. Di ko siya masyadong kilala pero one thing is for sure, anytime handa siyang tumulong sa mga kaibigan niya. On par siya kay Aya sa pagluluto. Ano tol may idadagdag ka pa?” tukso ni Nico at napangiti lang si Paul.
“Hmmm. She’s very sweet. Caring. Secretive nga lang. Mababaw ang kaligayahan tulad ng isang babaeng kilala ko diyan, makulit at mataray paminsan minsan. And she’s very reliable.” Sabi ni Paul.
“Tapos si GELA (with emphasis) hindi mo aakalaing may brains pero matalino pala. Bar hopper ba naman kasi. Takbuhan ni Nico noong highschool pag di maintindihan ang lesson nila. Sobrang kulit pag kasama si Nico. Bossy sobra, pag gusto niya gusto niya. Pero kahit ganon siya, deep inside she’s fragile, madali siyang masaktan. She’s very open to the ones she trusts. Palagi niyang takbuhan si Nico pag may problema siya at yung isa naman dito di naman siya matiis. She’s very creative sa lahat ng bagay, palagi siyang may magagandang ideas. At higit sa lahat, second place siya kay Ysa pagdating sa katakawan.” Sabi ni Paul at natawa si Nico.
“Kuhang kuha mo.” Sabi ni Nico.
“Ako pa, eh palagi din akong nabibiktima niyan eh.” Sabi naman ni Paul at nagtawanan ang dalawa.
“Teka, nagpapaturo si Kuya Nick kay Ate Gela? Parang ako at si Ysa? Eh diba ahead si Kuya Nick ng one year? Ganon ka ba ka bobo? Nagpapaturo ka sa lower year?” sabi ni Kiko at binatukan siya ni Nico.
“Shongek! Magkabatch lang kami ni Gela no. Di mo ba alam na nagkasakit siya noong third year highschool kami? Kaya kinailangan niyang huminto ng one year. Kaya doon niya naging classmate si Misa.” Sabi ni Nico at na-amaze naman si Kiko.
“Sa totoo lang kuha ko naman talaga yung mga lessons namin eh. Kahit minsan nadidistract ako sa kakabantay sa kanya dahil sa dami ng mga manliligaw niya. Pero kahit ganon, nagpapaturo pa rin ako sa kanya, to spend time with her. Kaya nga sabi niya fast learner daw ako pero ang totoo alam ko na talaga yung mga tinuruto niya. Pero siyempre nung naging ahead ako ng 1 year, di na ako nagpaturo.” paliwanag ni Nico.
“So school mates pala kayo ni Misa noong highschool?” tanong ni Chics.
“Oo, pero graduating na ako noon. Kaya siguro di kami nagkita.” Sabi ni Nico.
“Oh, wala na ba tayong nakalimutan?” tanong ni Paul.
“Si Diyesabel pa, yung other side mo pag gabi.” Biro ni Nico.
“Sus, maiksi lang ang description non, siya ang pinakamaganda sa kanilang lahat.” Banat ni Paul at nagtawanan sila.
“So ano? Titingin pa ba kayo sa iba? Yang mga dumadaan na yan, wala yan. Hanggang mukha at katawan lang yan. Hindi naman sa nanghuhusga ako ha. Oh tingnan mo yon nakikipaglampungan in public. Hay!” sabi ni Nico at napatingin naman yung tatlo.
“Oh tingin naman! Sus! Utu-uto!” sabi ni Nico at napangisi.
Matapos mag pahinga ay muli nanamang nagswimming ang apat. Naghahamon nanaman ang walang kadala dalang si Kiko ng swimming pero tumanggi ang tatlo at natawa na lang. Walang ginawa ang apat kundi mag enjoy at nang sumapit ang hapon ay lumipat sila sa pool at doon nagbabad at nagpahinga.
Habang nagpapahinga ay may lumapit na grupo ng kababaihan sa kanila. Kinikilig-kilig ang mga ito habang papunta sa direksyon nila.
“Tol, danger!” sabi ni Paul.
“Shet mahina ako sa ganyan, pag nagkataon di ako makakatangi.” Sabi ni Nico at nagtawanan sila.” Ilang sandali pa ay isa isang nagdive sa pool ang mga babae at lumangoy papunta sa kanila. Limang magagandang babae ang umahon sa harap nila at kinakabahan ang apat.
“Tol, mukhang may class tong mga to eh, pag dive pa lang nakataas na yung pinky finger nila.” Sabi ni Nico at natawa sila. Pati yung mga babae natawa.
“Dito matetest ang ating control. Oh tol puntahan ko lang sila ah.” Sabi ni Paul at binatukan siya ni Nico.
“Control mo mukha mo!” sumbat ng binata at nagtawanan si Chics at Kiko. Tuluyan nang lumapit ang mga babae sa kanila.
“Hi, nakakatawa naman kayo.” Sabi nung isang babae.
“Tol nagsasalita pala sila.” Bulong ni Paul kay Nico.
“Natural nagsasalita sila. Ang hindi ko lang maintindihan ay bakit naiintindihan natin sila.” Sagot ni Nico.
“Ha? Bakit?”
“Eh kasi high class sila eh, salitang mayaman tayo salitang jejemon.” Bulong ni Nico at lalo pang natawa yung mga babae.
“Uy hindi naman kami ganon. By the way I’m Trish. And this is Anne, Liz, Nicole and Carla. And you are?” tanong ni Trish kay Nico.
“Ah, eh...”
“Ah, Im Paul, this is Nico. These two naman are Never and Mind.” Sabi ni Paul at natawa ang mga girls.
“Nakaktawa talaga kayo. Kanina pa namin kayo tinitingnan eh. Pinanood namin yung RACE niyo at tawa kami ng tawa.” Sabi ni Nicole.
“Ha? Nakakatawa dahil mabagal ako? By the way I’m Franz and this is Christian” sabi ni Kiko. Di na nakasagot ang mga girls at nagpipigil lang ng tawa.
“Wag kayong maniwala, Ito si Kiko at ito naman si Chics.” Sabi ni Paul at napabungisngis ang mga babae.
“Anyway, okay lang ba sa inyo kung samahan muna namin kayo dito? Wala kasi kaming magawa eh, okay lang ba?” tanong ni Carla.
“Sure, make yourselves comfortable. Wag niyo kaming pansinin.” Sabi ni Paul.
“Eh gusto namin kayong pansinin eh. Okay lang?” landi ni Trish at kinakabahan na talaga si Nico.
“Okay lang. Pero okay lang din ba sa inyo kung di ko kayo pansinin?” sabi ni Nico at nagulat ang mga girls.
“Bakit? Sungit mo naman.” Sabi ni Trish.
“Di naman, hindi lang ako makatingin sa inyo dahil sa mga suot niyo.” Biro ni Nico at napahalakhak yung mga babae.
“Wow, we have a gentleman here.” Sabi ni Liz.
“Pero bago ang lahat, gusto ko lang sabihin na taken na kaming lahat.” Sabi ni Nico at lalo pang nagtawanan ang mga girls.
“Ows? Eh di dapat sila ang mga kasama niyo dito?” sabi ni Trish.
“Kasama namin sila, nasa cottage sila nagpapahinga.” Palusot ni Nico.
“Don’t lie. Kagabi pa namin kayo nakita at wala kayong kasama.”
“Wala ba? Shoot! Oo nga pala darating palang pala sila mamaya.” Sabi ni Nico at natawa si Trish.
“You know what, I like you. Nakakatawa ka.” Sabi ni Trish.
Nakitambay ang mga girls kasama ang mga boys. Di pa rin mapakali si Nico at bumubulong bulong.
“Mimi Mimi Mimi Mimi Mimi!” bulong ni Nico at natawa si Paul sa kanya.
“Tol relax. They mean no harm. Nakikipagkaibigan lang sila.” Sabi ni Paul.
“Anong Mimi?” tanong ni Trish.
“Actually, sino. Girlfriend niya si Mimi. Pero Melissa name niya.” sabi ni Paul at napangiti si Trish.
“So totoo nga palang may girlfriend ka na. Don’t worry, wala naman tayong gagawing masama eh. And kung meron man, she won’t know.” Landi ni Trish at pinilit na lang ni Nico na ngumiti.
“Tol, magkakasala tayo dito.” Bulong ni Nico kay Paul.
“Ikaw lang. Kami ni Kiko hindi. But don’t worry I’ve got your back.” Sabi ni Paul. Nakita niya si Kiko at Chics na masayang nakikipagkwentuhan sa mga girls at napabuntong hininga lang si Nico
“So, anong ginagawa niyo dito?” tanong ni Carla kay Paul.
“Wala naman. Para mag relax lang. Katatapos lang ng midterms eh.” Sabi n I Paul.
“Ah, same pala tayo. So bakit di niyo kasama nga girlfriends niyo?” tanong ni Carla.
“Ah, si Nico at Chics lang ang may girlfriend.” Sabi ni Paul.
“Really? So free ka?”
“Free as a bird.” Biro ni Paul at natawa si Carla.
Sa gilid naman ng pool, tahimik na pinagmamasdan ni Nico ang mga kaibigan niya nang biglang lumapit si Trish.
“Hi, nagsosolo ka yata diyan?” tanong ni Trish.
“Ah, ganito lang talaga ako. Di ako magaling sa mga ganito eh.”
“So mahiyain ka?”
“Parang ganon.” Sagot ni Nico.
“Hihi! Gusto kita. I find you interesting.” Sabi ni Trish.
“Ha? Ano namang interesting sa akin?”
“Ewan. Para kasing mysterious ka eh. And I like mysterious guys.”
“Ah, maraming mysterious diyan. Di lang ako.”
“Pero ikaw ang gusto ko eh.” Sabi ni Trish at tumabi kay Nico. Dinikit niya ang braso niya sa braso ng binata.
“Ah, Trish, kasi, totoong may girlfriend na ako.” Sabi ni Nico.
“I know. Wala naman tayong ginagawa diba? Nakikipagkaibigan lang ako. Bakit meron ka bang ibang iniisip?” landi ni Trish.
“Wala ano.” Sabi ni Nico at lalo pang dinikit ni Trish ang katawan niyasa binata.
Agad namang lumayo si Nico sa kanya.
“Oh bakit lumayo ka?” tanong ng dalaga.
“Uhm, Trish, maganda ka, pero mas maganda ang girlfriend k-, este, mahal ko ang girlfriend ko.” Sabi ni Nico at napasimangot si Trish.
“Alam mo, kung may gagawin man tayo, hindi naman niya malalaman eh.” Sabi ni Trish at lumapit kay Nico. Lumayo naman lalo si Nico sa dalaga.
“Kahit na. Di ko siya kayang lokohin eh.” Sabi ni Nico habang lumalayo pa sa dalaga.
“She wont know I promise.” Sabi ni Trish.
“I don’t care. Basta ayoko.” Sabi ni Nico at nagalit si Trish.
“Bakit ba?! Bakla ka ba? Ha?!” sigaw ni Trish at napatingin ang lahat sa kanila.
“Siguro! Ewan ko! Pero frankly speaking, I’m not attracted to you at all!. Kaya pwede tigilan mo ako?” sabi ni Nico at umahon na sa pool. Tiningnan niya ang mga kasama niyang lalaki.
“Tara na alis na tayo.” Sabi ni Nico.
“Tol mauna ka na, dito muna ako.” Sabi ni Paul.
“Bahala ka! Chics tara na! Kiko sasama ka ba oh gusto mong isumbong kita kay Ysa?” sabi ni Nico at napayuko si Paul. Umahon ang dalawang binata sa pool at umalis. Naiwan naman si Paul na pinagmamasdan sila. Natauhan siya at agad umahon ng pool.
“Sorry! Diyan na kayo.” Sabi ni Paul at hinabol ang mga kaibigan niya. Naiwan naman sa pool ang mga dalaga habang tinitingnan ang mga binatang paalis.
Pagdating sa cottage, agad nagtungo sa shower si Nico. Pagkatapos niya ay sumunod ang iba. Nahiga sa kama si Nico. Ilang sandali pa ay lumabas is Paul ng shower room at umupo sa gilid ng kama.
“Tol grabe, muntik na akong magkasala.” Sabi ni Nico.
“Alam ko. Pasensya na kanina ah.” Sabi ni Paul.
“Wala yon. Naiintindihan naman kita eh. Wala namang masama kung magstay ka. Kami lang ni Chics ang di pwede. Si Kiko rin siguro dahil may something na sila ni Ysa. Pero ikaw okay lang.” sabi ni Nico.
“Pwede ba akong bumalik?” hirit ni Paul.
“Sus, bakit ka pa nagpapaalam?”
“Joke lang. Naguguluhan lang talaga siguro ako. Muntik na nga kaming maghalikan ni Carla eh. Pero biglang sumigaw si Trish. Pero thank god hindi natuloy. Kasi kung natuloy yon baka ano pang ibang mangyari.”
“Tol, sabihn mo nga sa akin, kung naging kayo ba ni Aya papansinin mo yung mga yon?” tanong ni Nico. Napaisip ng malalim si Paul.
“Hindi siguro. Siguro heartbroken lang talaga ako kaya ko nagawa yon.” Sabi ni Paul at napangiti si Nico.
“Pero tol, ang ganda nila no?” sabi bigla ni Nico at natawa si Paul.
“Ulol! Isa ka pa pala!” sabi ni Paul at nagtawanan ang dalawa.
Kinabukasan, linggo, maagang nagimpake ang mga boys para umuwi. May pasok pa kasi sila sa lunes at marami pa silang gagawin. Nang handa na ang lahat, lumabas na ang tatlo sa cottage para mag check out sa resort. Nadaanan nila ang coffee shop at nakita nila ang grupo nina Trish doon. Hindi sila pinansin ni Nico pero tumayo ang lima at pinuntahan sila.
“Aalis na kayo?” tanong ni Trish.
“Di ba halata?” sabi naman ni Nico.
“Aalis ba kayo dahil sa amin?”
“Hindi. Ewan ko sa inyo pero may pasok pa kasi kami sa lunes.” Sabi ni Nico.
“Ang sungit mo naman. Look, I know we started at the wrong foot. Kaya gusto kong humingi ng sorry. Hindi kami ang klase ng babae na tulad ng iniisp mo.” Sabi ni Trish.
“Wala naman akong galit sa inyo eh. Kaya okay lang. Sorry din sa nasabi ko.” Sabi ni Nico.
“So ibig sabihin di totoo yung sinabi mo?”
“Na alin?” tanong ni Nico.
“Na hindi ka attracted sa akin?”
“Slight.” Sabi ni Nico at natawa angdalaga.
“Friends?” sabi ni Trish at itinaas ang kanang kamay niya para makipagkamay.
“Okay friends.” Sabi ni Nico at nakipagkamay sa dalaga. Nagpaalam na ang apat sa mga girls at nagpatuloy sa paglalakad papuntang parking lot.
“Tol, bakit nakangisi ka diyan?” tanong ni Paul.
“Wala. Mabait naman pala sila eh.” Sagot ng binata.
“Wushu. May pa walkout walkout ka pang nalalaman kahapon tapos ngayon nakangisi ka.”
“Eh kasi nga I gained a new friend. Friends actually. Alam mo namang konti lang friends ko diba?” sabi ni Nico at natawa si Paul.
Sumakay na ang tatlo sa kotse at si Paul naman ang nakatokang mag drive.
“Grabe I missed my car!” sabi ni Paul.
"Sus, ang dami kasing arte. May kotse di ginagamit. Hay." sabi ni Nico.
"Eh kasi this car has alot of memories with her eh. So the fact na handa na akong idrive to is a stepping stone towards moving on." paliwanag ni Paul.
"Whatever. Tara na."
"Sus, ang dami kasing arte. May kotse di ginagamit. Hay." sabi ni Nico.
"Eh kasi this car has alot of memories with her eh. So the fact na handa na akong idrive to is a stepping stone towards moving on." paliwanag ni Paul.
"Whatever. Tara na."
Pinaandar na ng binata ang kotse at nagdrive pabalik sa apartment.
1 comment:
ang kuleeeeeeet!!at ang cute!:)))
Post a Comment