By: Nico and Paul
Chapter 12: Separate Ways
Wednesday ng umaga, nagising si Nico dahil sa ingay sa labas. Naalala niyang wala silang pasok sa araw na yon dahil holiday. Tumingin siya sa desk clock at nakitang 5 am pa lang. Agad siyang tumayo para tingnan ang ingay. Lumabas siya at nakitang nakabukas ang ilaw sa sala. Dahan dahan siyang bumaba at nakita niya si Paul na nakabihis at nakaupo lang sa sofa. Sa tabi nito ay isang maliit na bag pack. Linapitan niya ito at tinapik sa balikat.
“So aalis ka?” tanong ni Nico. Tumingala si Paul at tiningnan si Nico. Ngumiti lang siya at tumayo.
“Hay. Oo. Uwi muna ako sa amin. Para makapag isip isip lang. Alam mo na.” sagot ng binata.
“Bakit ang liit ng bag mo?”
“Eh marami naman akong damit doon eh. Mga importanteng gamit lang dinala ko.”
“So gaano katagal?”
“Pinakamahaba na ang 1 week. Alam mo namang di ko kayo maiiwan dito ng matagal eh. Kailangan ko lang talagang lumayo sandali.” Sagot ni Paul. Naupo uli sa sofa ang binata at tumabi naman sa kanya si Nico.
“Alam ba niya?” tanong ni Nico.
“Si Danica? Sabihin ko na lang mamaya.” Sagot ni Paul.
“Hindi yon. SIYA. Alam ba niya?”
“Hindi. At wag mo na lang sabihin. Kung nagtanong siya sabihin niyo pero kung hindi wag na. Hindi ko lang talaga kaya sa ngayon na makita siya na kasama si Marvin.” sagot ni Paul.
“Oh siya! See you next week then.” Sabi ni Nico. May inabot naman sa kanya si Paul.
“Oh, bakit mo binibigay yan?” tanong ng binata.
“Di ko dadalhin yung kotse. Dito muna yan. Gamitin mo kung gusto mo. Ingatan mo lang ah.” Sabi naman ni Paul.
“Pano ka?”
“Sus. Marunong akong mag commute no. At andon naman yung sasakyan ni Dad kaya yun na lang gagamitin ko kung kailangan.” Sabi in Paul at dinampot na ang kanyang bag.
“Una na ko tol.”
“Hatid na kita.” Sagot naman ni Nico. Ngumiti lang ang binata at lumabas na ng bahay ang dalawa.
Pagsapit ng tanghali, magkasamang kumakain ang tatlo sa sala. Dahil halos kagigising pa lang ng dalawa, doon pa lang nila napansin na wala si Paul.
“Kuya Nick, si Paul?” tanong ni Kiko.
“Ah, wag kayong maingay ha. Umuwi muna siya sa kanila. Alam niyo naman siguro kung bakit.” Sabi ni Nico.
“Si Aya?” tanong ni Kiko at tumango lang si Nico.
“Talaga lang ha?” sabi naman ni Chics. Hindi na lang siya pinansin ng dalawa dahil alam nilang mainit pa ang ulo nito.
“Wag niyo sanang sabihin kay Aya ang tungkol dito. Kung magtatanong siya sabihin niyo na umuwi lang siya sa kanila dahil may aasikasuhin siya. Pero kung hindi tatanong wag niyo nang sabihin.” Paliwanag ni Nico.
Hindi sigurado si Chics kung ano ang ibig sabihin ng nakita niya. Magkasama si Paul at Claire sa kanilang favorite resto. Ayaw niyang pagbintangan ang kaibigan dahil matagal na niya itong kilala. Pero hindi niya pa rin maiwasang maisip na inaahas siya ni Paul. Balak niya sanang kausapin ng masinsinan si Paul ngunit mukhang matagal pa niya itong magagawa.
Dalawang araw na ang lumipas mula nang umalis si Paul. Magmula Monday, palagi nang nagpupunta si Marvin kina Aya. Alam ni Nico na sila na ngunit hindi na lang siya nagtanong. Madalas tumawag at mag text si Paul pero ni minsan hindi siya nagtanong tungkol kay Aya.
Bukod kay Aya, kapansinpansin din ang pagiging malapit ni Kiko at Ysa sa isat isa. Natuwa naman si Nico dito dahil kahit papaano ay may magandang nangyari sa kabila ng mga problema.
Friday ng hapon, na tyempohan ni Nico si Kiko sa terrace. Tinabihan niya ito at nagusap ang dalawa.
“Kiks, kayo na ni Ysa?” tanong ni Nico. Napangiti naman si Kiko sa kanya.
“So kayo na nga?” tanong ulit ng binata.
“Hindi. Ewan ko. Magulo eh.” Sagot ni Kiko.
“Magulo?”
“Kuya Nick, alam mo naman si Ysa diba? She knows that I love her, and she told me na she likes me naman. Pero hanggang doon na lang yon. Ewan ko, although we’re closer than before, hindi ako sure kung anong meron kami.” Sagot ni Kiko.
“Hindi mo siya tanungin?”
“Eh, baka isipin niya nagmamadali ako eh. Alam kong hindi pa siya handa and I respect that. So tingin ko we’ll just take it slow. Masaya na ako sa ganito ano. Sobra.” Sabi ni Kiko. Matapos ang ilang sandali, nakita ng dalawa na lumabas si Aya sa papunta sa apartment nila na may dalang tupperware. Napatingin ang dalaga sa kanila at ngumiti.
“Nicks!” sabi ni Aya habang nakangiti.
“Oh sige teka lang baba ako.” Sabi naman ni Nico. Agad siyang bumalik sa loob at bumaba. Nakita niya si Aya na nakatayo sa may sala.
“Thank you, wow palabok! Anong meron?” sabi ni Nico.
“Wala naman. Feel ko lang gumawa niyan.” Sagot ng dalaga.
“Okay, teka lagay ko lang sa mesa.” Sabi ni Nico at nagpunta ng kusina. Patingin tingin naman si Aya sa loob na tila may hinahanap. Bumalik si Nico at hinatid si Aya sa apartment nila.
“Nicks, si Paul?” tanong ni Aya. Halatang na-ilang ang dalaga sa tanong niya.
“Ah, si Paul? Eh kasi umuwi siya sa kanila eh.” Sagot ni Nico.
“Ah, kailan ang balik niya?”
“Ewan ko eh, after a week siguro.” Sagot ng binata.
“Ah, I see.” Sabi na lang ni Aya sa matamlay na tono.
“Congrats pala.” Sabi ni Nico at napatingin sa kanya ang dalaga.
“Saan?”
“Sa inyo ni Marvin.” Sabi ni Nico at namula si Aya.
“Ha? Pano mo nalaman?”
“Ah, sinabi ni Gela.” Palusot ni Nico.
“Ganon? Si Gela talaga. Anyway, thank you.”
“Uy, minsan mag salo salo ulit tayo isama mo boyfriend mo ha. Para makilala namin. Tingin ko naman mabait siya pero siyempre kailangan pa namin siya mas makilala. Kaibigan na rin kita at bestfriend ka ni Gela. Kaya please understand.” Banat ni Nico pero seryoso ang mukha niya. Natawa naman si Aya at pinalo siya sa braso.
“Okay sure. Thank you ha. Swerte naman namin ni Gela kasi protective ang mga friends namin.” Sabi ni Aya. At tumalikod na para bumalik sa apartment. Bigla na lang siyang huminto at humarap kay Nico.
“Nicks, sabihin mo kay Paul ingat siya ah. Thanks.” Sabi ng dalaga.
“Don’t worry, makakarating.” Sabi ni Nico at pumasok na sa loob ang dalaga.
Sa Dela Cruz residence naman, nakahiga si Paul sa kama niya. Ilang sandali pa ay may kumatok sa pinutan niya.
“Paul anak, di ka pa kakain?” tanong ng Mama ni Paul.
“Hindi na, matutulog na lang ako.”
“Kahapon hindi ka rin nag hapunan. Nag tatanghalian ka ba sa school ha?”
“Oo kumakain ako sa school. Wala lang talaga akong gana. Sige na Ma matutulog na ako.” Sabi ni Paul.
“Oh sige, kung magutom ka initin mo na lang yung pagkain. Wag mo siyang masyadong isipin anak. Maraming babae sa mundo.” Sabi ng Mrs. Dela Cruz at umalis na.
“Hoy Ma anong pinagsasabi mo?” sigaw ni Paul ngunit wala na ang mommy niya. Napabuntong hininga na lang ang binata at pinikit ang kanyang mata.
Sabado ng umaga, busy si Nico sa kwarto niya habang nagaaral. Bigla na lang tumunog ang phone niya kaya agad siyang tumayo at kinuha ito sa kama niya.
“Hello?” sabi ni Nico.
“Hello tol, kumusta diyan?” tanong na Paul.
“Okay naman, ginamit ko yung kotse nung isang araw ha, umalis kasi kami ni Misa.”
“Okay lang ikaw naman. Anong balita diyan?” tanong ni Paul.
“Tol, hinahanap ka niya.” sagot ni Nico.
“Sina Kiko kumusta?” tanong ni Paul. Halatang umiiwas siya sa sinabi ni Nico.
“Tol kinukumusta ka niya. Ingat ka daw diyan.” Sabi ni Nico. Narinig niyang napabuntong hininga ang binata sa kabilang linya.
“Hay. Kumusta na siya?” tanong ni Paul.
“Mukha siyang masaya. Pero parang may kulang.” Sagot ni Nico.
“Ha? Anong ibig mong sabihin?”
“Kasi there are times na masaya siya tapos bigla siyang mag i-ispace out. Parang wala sa sarili. Tingin mo may kinalaman ka doon?”
“Wag mo nang itanong. Wag na muna natin siyang pagusapan okay.” Sabi ni Paul.
“Okay fine. Pero kailan balik mo? Friday na ah.”
“Not sure. Baka nga mag extend pa ako dito eh.” Sagot ni Paul. Dinig na dinig sa boses niya ang kalungkutan na nararamdaman nito.
“Okay sige, mag aaral pa ako eh, balitaan na lang kita bukas.” Sabi ni Nico.
“Sige.” Sagot lang ni Paul at tuluyan nang ibinaba ang phone. Tumayo si Paul at inayos ang kanyang kama. Huminga siya ng malalim at ilang sandali pa ay bumaba na siya para mag almusal.
Sa dining table nila, nakita niya ang mama niya na inilalapag ang mga pagkain sa mesa. Dahan dahan siyang lumapit at naupo sa kanyang usual na pwesto.
“Good morning Ma.” Matamlay na bati ni Paul.
“Oh, kain ka na. Teka lang at hinahanda pa lang ni manang yung juice.” Sabi ng mama niya at naupo sa tapat ni Paul. Nagulat si Paul pagkat hindi yon ang usual na pwesto ng Mama niya. Mahaba ang kanilang dining table at madalas nakaupo ang mama niya sa dulo.
“Ma, bakit andyan ka?” tanong ni Paul.
“Wala lang. Marami nang nagbago dito anak. Mula nang umalis ka dito na ako sa pwesto mo kumakain.” Sabi ng Mama niya. Hindi sumagot si Paul at kumuha na ng pagkain. Tahimik lang na kumain ang mag-ina.
Nang matapos kumain, tatayo na sana ang binata ngunit pinigilan siya ng Mama niya.
“Anak maupo ka sandali.” Sabi ni Mrs. Dela Cruz. Sumunod naman ang binata at muling naupo sa tabi ng Mama niya.
“Alam ko may problema ka, sabihin mo. Makikinig ako.”
“Ma, okay lang ako.” Sagot ng binata.
“Paul, alam kong marami akong pagkukulang sayo. Alam mo ba, nung umalis ka sinisi ko ang sarili ko.” Sabi ng mama niya at inilapag ang mga palad niya sa balikat ng binata.
“Anak, sabihin mo lang, makikinig ako. Hayaan mo naman akong maging Mama mo.”
Nagbitaw si Paul ng isang malalim na buntong hininga at tumingin sa mama niya.
“Wala naman talaga Ma eh. I just loved the right girl at the wrong time. At may mga nagawa akong mga bagay na hindi ko dapat ginawa. Kaya ako umuwi dito para lumayo. Dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko pag nagkaharap kami eh.” Sabi ng binata.
“So suko ka na?”
“She is happy with another guy and I have to respect that. I already accepted na hindi talaga pwedeng maging kami. Di ko pa talaga kayang harapin siya ngayon.
“Mahal na mahal ko siya Ma. Hindi ko pa talaga kayang makita siya na masaya sa iba. Oo tinanggap ko na. Ah basta.” Sabi ni Paul.
“Bakit? Ano bang kinakatakot mo pag nagkita kayo? Na hindi mo mapigilan ang nararamdaman mo?” tanong ni Mrs. Dela Cruz.
“I can hold myself back naman eh.”
“Oh yun naman pala eh, what’s stopping you from seeing her?”
“Ma, baka masaktan lang ako lalo pag nakita ko siya na may ibang kasama.”
“Akala ko ba tinanggap mo na? Tingnan mo nga sarili mo, tsaka mo sabihin na hindi ka miserable sa lagay na yan. Tingnan mo oh nangayayat ka na. At least doon kasama mo mga kaibigan mo. They will be your support kung hindi mo na kaya. You need to face your problems, be man enough. Nung ako nga niloko ako ng Papa mo nung studyante pa kami eh. Pero anong ginawa ko? Hindi ako umiwas, hinarap ko sila na para bang walang nangyari, na parang walang namagitan sa amin ng papa mo.” Sabi ni Mrs. Dela Cruz. Bakas naman ang pagkagulat sa mukha ng binata.
“Talaga? Ginawa ni Dad yon? Eh paano kayo nagkatuluyan?”
“Alam mo, hindi lang yon ang unang beses, marami pa. Pero siguro para kami talaga sa isa’t isa. Basta matagal na yon, nagbago siya at tinanggap ko siya ng buong buo. Mahal ko siya eh. Kaya in the end kami ang nagkatuluyan.” Sabi ng ginang sabay higop ng juice.
“What I’m trying to say is, kahit nagkaroon kayo ng maraming problema, kung pareho naman kayong handang mag move on, maaayos din naman yon. Basta dapat down to earth ang pride niyong dalawa. In your case anak, wala ka namang obligasyon sa kanya. Oo mahal mo siya, pero iba ang pinili niya. Kung ako sayo, bumalik ka, harapin mo siya. Humingi ka ng tawad sa nagawa mo, dapat sincere ha. Tapos pag tapos na lahat yon, act as if nothing happened between you. Act normal. Yung parang kaibigan lang ang turing mo sa kanya. Oo malamang close kayo dati tama ba ako? Pero she has someone else and you have to respect that. Hindi na pwedeng bumalik ang dati niyong closeness kasi may matatapakan kayo. Kaya dapat, treat her as an ordinary friend.” Paliwanag ng ginang.
“Eh Ma, pano yon? Parang ang hirap naman.”
“Basta, if you feel like doing something for her, ask yourself first kung willing ka din bang gawin yon sa mga kaibigan mong babae. Kung hindi wag mo nalang gawin. Just treat her like your classmates na babae. Yung parang hi, hello, anong balita, ung parang ganon lang. If nagusap kayo make it short. If nagkasalubong kayo and wala ka naman sasabihn just say Hi and thats it. No need for ‘tara treat kitang lunch’ or something.”
Bigla na lang nagliwanag ang mga mata ni Paul. Pero hindi pa rin siya sigurado kung babalik na siya. Bakas pa rin ang pag aalinlangan sa mga mata niya.
“Ma, parang hindi ko yata kaya yon. Para kasing hindi ko siya matitiis eh.”
“You have to. You have to respect the fact na may iba na siya. Since you both had a more than friend relationship before, malamang hindi na babalik ang dati niyong closeness dahil hindi maiiwasang may ibang isipin ang mga nakapaligid sa inyo kahit sa totoo ay wala namang kayong ginagawa. So dapat yung turing mo sa kanya ay parang ordinary friend na lang. Hindi naman yung cold. Treat her just like how you treat your classmates and friends na hindi mo pa kaclose. I know its hard but dont worry mana ka sa Mama mo kaya sure ako kaya mo yan.” Sabi ni Mrs. Dela Cruz. Bigla na lang tumayo si Paul at tumalikod na para bumalik sa kwarto. Huminto siya sa may hagdan at lumingon sa mama niya.
“Ma, thanks ha.” Sabi ni Paul at ngumiti ang mama niya.
“Babalik na ako bukas.” Sabi ng binata at muling humarap at umakyat.
Samantala sa apartment, pagsapit ng hapon ay busy si Nico sa paghahanda para sa first monthsary nila ni Misa. Matapos magayos, kinuha niya ang isang frame na nakasilid sa isang brown envelope at may pink ribbon na nakabalot. Bumaba siya sa sala at nakita si Kiko doon.
“Kiks, how do I look?” tanong ni Nico. Tumingin si Kiko sa pinsan niya mula ulo hanggang paa at nagtaas ng kilay. Tiningnan siya ng masama ni Nico at bigla na lang siyang ngumisi.
“Joke. Okay na Kuya Nick. Mukha ka nang tao,” sabi ni Nico. Ngumiti si Nico at tinapik si Kiko ng malakas sa likod. Namilipit sa sakit si Kiko habang si Nico ay tumatawang lumabas ng pinto.
Ilang sandali pa ay nakarating na si Nico sa bahay nina Misa. Nakabukas ang gate kaya nagawang ipasok ng binata ang kotse. Bumaba siya at kumatok sa pintuan nila. Napansin niyang may isang note na nakadikit sa pinto.
“Hi Coco! Sa likod ka dumaan. Sa may garden.” Nasulat sa note. Kinuha ng binata ang note at itinago at nagtungo sa garden. Pagdating doon ay pumasok siya sa glassdoor at nakitang madilim ang paligid. Sa may glassdor may nakita nanaman siyang isang note.
“Dining area.” Nakasaad sa papel kaya agad nagtungo doon ang binata. Nasa isang malaking kwarto na airconditioned ang dining area sa bahay ng dalaga. Pagdating sa sliding door, may nakita nanamang sulat ang binata at agad itong binasa.
“Happy first monthsary!” ang nakalagay sa note kaya napangiti ang binata. Dahan dahan niyang binuksan ang sliding door ngunit wala siyang maktia pagkat napakadilim sa loob. Humakbang ang binata papasok at bigla na lang may suminding lighter. Nakita niya ang girlfriend niya na nakangiti sa kanya at dahan dahang lumapit sa dining table at sinindi ang dalawang kulay pulang kandila. Nang mabuksan na ay napanganga ang binata sa kanyang nakita. Ang dining table ay may pulang tela na nakapatong at may ibat ibang pagkain na katakip ang nakahain.
“Kaya pala gusto mo dito tayo.” Sabi ng binata.
“Candle light dinner.” Bulong ng dalaga at napangiti ang dalawa. Ibinaba ng binata ang dalang regalo sa may stool chair at lumapit sa dalaga. Agad namang yumakap ang dalaga sa binata.
“I missed you.” Sabi ng dalaga.
“I missed you too. Kahit 3 days pa lang tayong hindi nagkikita.” Sagot ng binata. Hinatid ng binata ang dalaga sa kanyang upuan. Hinila niya ang upuan ni Misa at naupo naman ang dalaga. Lumipat sa kabila si Nico at naupo na rin.
“Ako nagluto niyan.” Sabi ng dalaga.
“Weh? Marunong ka?” tanong ni Nico.
“Ano ka ba? Eversince naging tayo nagpapaturo na ako kay Mommy noh. Para namang hindi mo alam.” Sabi ni Misa at nagtampong parang bata.
“Alam ko naman. Kaya lang unsuccessful lahat ng attempts mo.” Biro ng binata at lalong napasimangot ang dalaga.
“Tikman mo yan at kakainin mo ang sinabi mo.” Sabi ng dalaga at napangiti lang si Nico. Inalis niya ang takip ng mga plato nila at agad tumunog ang tiyan niya pagkakita sa mga pagkain.
Carbonara pasta ang main dish at napakaganda ng presentation nito. Parang isang professional chef ang gumawa. Sa tabi ng carbonara ay beef steak na nakahiwa na. Napasimangot nag binata at tumingin kay Misa.
“Bakit? Hiniwa ko na yung steak kasi alam ko naman panghihiwa mo ako eh.” Sabi ng dalaga.
“Kahit na, ikaw pa rin ang naghiwa. Ang mas malala pa pati yung sa akin ikaw naghiwa. Paano kung nasugat ka? Eh di wala nang magluluto para sa akin?” biro ng binata at nagtaas ng kilay ang dalaga.
“Ah ganon? Tagaluto nalang ako sayo ngayon?”
“Joke lang eto naman. Hindi ka lang tagaluto para sa akin. Dahil ikaw ang lahat sa akin.” Sabi ng binata at napangiti ang dalaga.
“Don’t worry, si Manang ang naghiwa niyan.”
“Phew! Thank goodnes. Teka asan pala sila?” tanong ni Nico.
“Ah, namasyal sila. Umalis sila kaninang hapon. Actually, pinilit ko silang umalis. Hihi!” sabi ng talaga at napangisi ang binata.
Nagumpisa nang kumain si Nico at hindi siya makapaniwala sa lasa ng kinakain niya.
“Sure ka ikaw nagluto nito? Kailan pa sumarap ng ganito ang luto mo ha?” tanong ng binata.
“Pinaghirapan ko yan. Alam ko namang carbonara ang hilig mo eh. Kaya nagpractice talaga ako.” Sabi ng dalaga.
“Yey! Mapapadalas na ang kain ko ng carbonara.” Biro ng binata at natawa si Misa. Matapos kumain ng dalawa, inilabas ni Misa ang iced cream mula sa freezer. Masayang kinain ng dalawa ang iced cream. Ilang sandali pa ay nakaupo na ang dalawa sa sala habang nagkukulitan. Biglang may naalala si Nico at tumakbo papuntang dining room. Bumalik ito at dala dala niya ang kanyang regalo para kay Misa. Napangiti si Misa at parang batang nagiing excited na nakatingin kay Nico. Natawa ang binata at naupo satabi ng dalaga.
“Ehem! Uhm, Mimi, pasensya ka na sa regalo ko ha, wala na kasi akong maisip.” Sabi ng binata.
“Okay lang ano. Kahit ano basta galing sayo.”
“Talaga? Kasi diba tinapon muna yung brown envelope na pinaglagyan nung frame na regalo ko? Kaya ayan. Bumili ako ng bagong envelope. Binalot ko pa yan ng ribbon ha. Actually mas mahal pa yata yung ribbon sa mismong regalo.” Biro ng binata at nagtaas ng kilay ang talaga.
“Joke! Ikaw talaga hindi na mabiro. Go ahead buksan mo.” Sabi ng binata at parang batang inagaw ni Misa ang regalo at agad binuksan. Inilabas ng dalaga ang laman ng envelope. Isang frame ang nailabas niya at nang tiningnan ito ay muli nanaman siyang naiyak.
“Yiiiiyh! Ikaw talaga. Bakit parang masayang masaya ka pag umiiyak ako?” tanong ng dalaga.
“Basta tears of joy kahit ilang beses pa kitang paiyakin.” Sagot ng binata. Pinagmasdan ng maayos ng dalaga ang frame. Nakalagay doon ang sketch ng dalawa. Magkatabi silang nakaupo at magkahawak ang kanilang kamay. Umiiyak pa rin ang dalaga habang pinagmamasdan ang regalo niya. Nang mahimasmasan, tumayo bigla ang dalaga at hinila ang kamay ni Nico.
“San tayo pupunta?” tanong ni Nico.
“Sa kwarto ko. Tara.” Sabi bigla ni Misa at nagulat ang binata.
“Ha? Wag na dito na lang magusap tayo dito.”
“Ano ka ba? Andon kaya ung monthsary gift ko para sayo. Tara na.” sabi ni Misa at tuluyan nang sumama sa kanya ang binata. Pagdating sa may pintuan ay huminto ang dalawa.
“Dito ka muna. Talikod ka okay?” sabi ni Misa at pinatalikod ang binata.
“Mimi, ano bang regalo mo?”
“Basta. Secret.” Sagot ng dalaga at pumasok na sa kwarto. Ilang sandali pa ay tinawag siya ni Misa.
“Coco! Pasok ka! Pero humakbang ka patalikod. Wag kang sisilip nakikita kita.” Sabi ng dalaga at nagalinlangan si Nico.
“Ah, Mimi, dito na lang ako. Hintayin na lang kita dito.”
“Ano ka ba? Eh ilang beses ka nang pumasok sa kwarto ko.”
“Oo nga pero kasi. Ah basta! Pwede dito na lang ako?”
“No! Pasok! Ngayon na!” sigaw ni Misa at parang maamong batang sumunod si Nico. Dahan dahan siyang naglalakad patalikod. Nang makapasok na ay huminto siya at akmang lilingon pero binato siya ng unan ng dalaga.
“Sinabing wag lilingon eh.” Sabi ng dalaga at natawa si Nico.
“Sorry naman. Asan ka ba?” tanong ng binata.
“Dito sa kama, saan pa ba?” Sabi ng dalaga at kinabahan na si Nico.
“Ah, Mimi, I think this is not a good idea.” Sabi ni Nico at narinig niyang tumayo si Misa at naglakad papalapit sa kanya.
“Why? Masama na bang magbigay ng gift ngayon?” tanong ni Misa.
“Ah, hindi naman. Wag mo na kasing isipin yon. Kahit next time na lang. Okay lang sa akin” sabi ni Nico at nagulat siya nang maramdaman ang mga kamay ng dalaga sa balikat niya.
“Bakit ka pa maghihintay eh andito na tayo?” tanong ng dalaga.
“Mimi you’re being bad.” Sabi ni Nico at napahalakhak ang dalaga.
“Okay lang naman eh. I can wait naman.”Dagdag ni Nico at talagang pinagpapawisan na siya.
“No. I want to give it now.” Sabi ng dalaga at inikot na paharap ang binata. Nagkatinginan ang dalawa ng matagal. Ilang sandali pa ay napangiti si Misa at umalis sa harapan ni Nico. Laking gulat ni Nico sa nakita niya. Isang black and white na gitara na may white and pink ribbon na nakatali nag nakalapag sa kama ng dalaga. Unti unti siyang lumapit sa kama at kinuha ang gitara. Abot tenga ang ngiti ng binata. Napatingin siya kay Misa at kunwari ay napapaiyak.
“Yiiiyh! Pinapaiyak mo naman ako eh.” Sabi ni Nico at pinalo siya ng dalaga sa balikat.
“You like it?” tanong ng dalaga habang nagpapacute.
“Nope. Dalawa na gitara ko eh.” Sabi ng binata at napasimangot si Misa.
“I don’t just like this. I love this! I will certainly treasure this. Thank you talaga Mimi.” Sabi ng binata at niyakap ang dalaga.
“Sing for me.” bulong ng dalaga.
“Ha?”
“Sabi ko, sing for me. Hindi pa kita nakikitang tumugtog eh. Buti na lang sinabi sa akin ni Gela.” Sabi ni Misa.
“Ahm okay. Ano bang gusto mo?”
“Kahit ano.” Sabi ng dalaga. Napangiti si Nico at umupo sa kama. Tumabi naman sa kanya si Misa.
“Ehem! I dedicate this song for the one and only love of my life na pinakaba ako ng sobra kanina.” Sabi ng binata at napabungisngis si Misa.
Nagumpisa nang magstrum ang binata. Agad naantig ang dalaga sa tugtog ni Nico. Hindi niya maalis ang tingin niya sa mga mata ng binata.
“When I see your smile. Tears run down my face
I can't replace. And now that I'm strong
I have figured out, How this world turns cold
and it breaks through my soul
And I know I'll find deep inside me
I can be the one
I can't replace. And now that I'm strong
I have figured out, How this world turns cold
and it breaks through my soul
And I know I'll find deep inside me
I can be the one
I will never let you fall, I’ll stand up with you forever
I’ll be there for you through it all, even if saving you sends me to heaven.”
Hindi maitago ng dalaga ang saya na nararamdaman niya. Bumilis ang tibok ng puso niya habang nakikinig sa harana ng binata. Si Nico naman ay pasulyap sulyap sa dalaga habang tumutugtog.
“Seasons are changing and waves are crashing
And stars are falling all for us. Days grow longer
And nights grow shorter, I can show you I’ll be the one.
I will never let you fall, I’ll stand up with you forever
I’ll be there for you through it all, even if saving you sends me to heaven.
Casue you’re my…. You’re my.. my, my true love, my whole heart,
Please don’t throw that away. Coz I’m here… For you…
Please don’t walk away and, please tell me youll stay.”
-You’re my Guardian Angel
Natapos na ang pagtugtog ni Nico at hindi maalis ni Misa ang ngiti sa kanyang mga labi. Ibinaba ng binata ang gitara at hinawakan ang kamay ng dalaga.
“Ano, okay ba?”
“Yup. Galing. Lalo tuloy akong nainlove sayo.” Sabi ng dalaga.
“Ah, so hindi pa pala to the highest level ang love mo para sa akin?”
“Hindi ha, highest level na. 100% nga eh, kaya lang nadagdagan, ngayon 150% na.”
“Talaga?” tanong ni Nico. Ngumiti si Misa at biglang hinalikan sa labi ang binata.
“Talagang talaga.” Sagot ng dalaga at nagtawanan ang dalawa. Inakbayan ng binata si Misa at nagtinginan ang dalawa. Unti unting naglapit ang mga labi ng dalawa hanggang sa nagtagpo ang mga ito. Yumakap na rin si Misa kay Nico. Halos tatlong minutong magkatagpo ang mga labi ng dalawa nang narinig nilang nagbukas ang gate. Kumalas ang dalawa at nagtawanan.
“Yiiyh si mommy talaga. Sabi ko mamaya nang 10 pm umuwi eh.” Sabi ni Misa at nagkunot ng noo.
“Ha? Bakit 10 pm pa?”
“Para may quality time tayo.” Sabi ng dalaga sabay bungisngis.
“Quality time? Ikaw ha bad ka.” Sabi ng binata at lalo pang napahalakhak ang dalaga at pinagpapalo si Nico sa balikat.
“Ano namang masama sa quality time? Hmmm?”
“Depende sa klase ng quality time.” Banat ng binata at kinurot siya ng dalaga.
“Aray!”
“Ikaw ang bad eh.” Sabi ng dalaga. Natawa si Nico at inakbayan si Misa at hinalikan ito sa noo.
“Tara, andyan na si mommy. Late na rin eh. I really enjoyed this night. Salamat talaga sa gift. Hindi ko tatangalin ang ribbon niyan promise.” Sabi ni Nico at napaakbay sa kanya si Misa.
Di nagtagal ay bumaba na ang dalawa. Nagpaalam na si Nico sa mommy ni Misa. Bago umalis ay pinadalhan ni Misa si Nico ng carbonara. Marami kasing ginawa ang dalaga dahil alam niyang paborito ito ni Nico.
Pagdating ni Nico sa apartment, nakita niya si Gela na nakupo sa bench sa tapat ng apartment nila habang nakikinig ng music. Pinuntahan niya ang bestfriend niya at naupo sa tabi nito.
“Uy!” sabi ni Nico at halos napatalon si Gela sa gulat. Nainis ang dalaga at kinurot ang tenga ng binata.
“Aray aray aray!” daing ni Nico.
“Ikaw hindiiii ka nagbago! Palagi mo na lang akong ginugulat!” sabi ng dalaga.
“Aray! Sorry na nga eh! Aray!” sigaw ni Nico at binitawan na siyan ng dalaga at naupong muli sa tabi ni Nico.
“Sige gulatin mo pa ako ulit. Makakatikim ka talaga.”
“Haha! Alam mo masaya ako, kasi ngayon mo lang ulit piningot tong tenga ko eh. Matagal ko nang hindi natikman ang pingot mo ah.” Biro ng binata. Bigla namang natauhan si Gela. Mula kasi nang sinagot ni Misa ang bestfriend niya, tila nabawasan na ang closeness nila. Natawa na lang din ang dalaga dahil nanunumbalik na ang dating samahan nilang dalawa.
“Oh, kumusta ang date?” tanong ni Gela.
“Masaya. Doon lang kami sa bahay nila. Candle light dinner. Nagulat nga ako eh. Tapos siya pa yung nagluto nung carbonara. Grabe. Eto may dala ako tara kainin natin.” Sabi ni Nico at binuksan ang dalang styro.
“Ay isa lang yung tinidor. Akin na lang yan kumain ka na rin kanina eh.” Sabi ni Gela sabay dampot sa tinidor.
“Uy hindi pwede! Alam mo namang paborito ko to. Subuan mo na lang ako. Aaah!” sabi ni Nico. Agad namang humakot si Gela ng pasta at isunubo lahat sa bibig ng bestfriend niya. Nagulat si Nico at halos mabilaukan na. Tawa naman ng tawa si Gela. Nang maitulak na ng binata ang lahat ng nakain niya, tiningnan niya ng masama si Gela. Tumigil sa pagtawa ang dalaga at nagkatinginan ang dalawa.
“Ikaw, akala mo ha.” Sabi ni Nico at pinagsusundot ang leeg ng dalaga. Tawa ng tawa ang dalawa at halos hindi na makahinga ang dalaga sa kakatawa.
“Lalaban ka pa? Ha? Lalaban ka pa?” tanong ni Nico habang pinaulanan ng kiliti ang dalaga.
“Hindi na! Ayoko na!” sigaw ng dalaga at huminto na ang kaibigan niya. Inayos ng dalaga ang sarili niya at muli nanamang nagtawanan ang dalawa.
“Oh, kainin na kasi natin to.” Sabi ni Nico. Ngumiti si Gela at sumubo ng pasta. Nagpalitan ng tinidor ang dalawa hanggang maubos na ang kinakain nila. Napasandal ang dalawa sa bench dahil sa kabusugan. Natahimik ang dalawa dahil sa sobrang busog. Magkatabi lamang silang pinagmamasdan ang langit. Ilang sandali pa ay nagsalita si Gela.
“Sarap. Si Misa talaga nagluto niyan?” tanong ni Gela.
“Nagulat din nga ako eh. Pero oo, siya talaga.” Sabi ni Nico. Umusog si Gela at isinandal ang likod sa braso ni Nico.
“Best, alam mo, may nanliligaw sa akin ngayon.” Sabi ni Gela at napatingin sa kanya si Nico.
“Heh, what’s new?” biro ni Nico.
“Ito naman.”
“Siyempre. Eversince highschool pa marami nang nanliligaw sayo. Di na bago sa pandinig ko yan Gela.”
“Eh ano kasing magagawa ko kung maganda ako ha?” sabi ng dalaga at natawa si Nico.
“Oo na, alam ko naman yon eh. So sino siya?” tanong ni Nico.
“Ha? Sino sa kanila? Ang dami nila eh.” Pagmamayabang ng dalaga.
“Sus, kilala kita. Pag sinabi mo na ‘best may nanliligaw sa akin’, ibig sabihin non meron ka nang napili sa mga manliligaw mo. Kasi yung iba hindi mo naman kinokonsider na manliligaw eh, parang aso lang na sunod ng sunod. Pero pag may nagustuhan ka sa kanila, doon mo palang sila mare-recognize na manliligaw. So I’ll ask again, sino siya?”
Sabi ni Nico. Napangiti naman si Gela pagkat kilalang kilala talaga siya ng bestfriend niya.
“Schoolmate ni Paul.” Sagot ng dalaga.
“Ahhh. Hmmm. Gusto mo rin siya?”
“Hindi ko alam. Mabait kasi siya eh. Masarap kasama. Basta he reminds me of you.”
“Ehem! So gwapo siya?” bigkas ni Nico.
“Mas gwapo siya.” Bawi naman ni Gela at natawa si Nico.
“Talo pala ako. So sasagutin mo na siya?”
“Hindi pa no, ewan ko nga ba doon. Actually hindi siya formally nanliligaw eh. Basta nakilala ko lang siya then we started hanging out with each other. I enjoy his company. Feeling ko nga torpe yon like you eh.”
“Ako torpe? San banda?”
“Che! Tigilan mo nga ako! Pano ko ba kasi malalaman na may gusto siya sa akin?” tanong ni Gela.
“Palagi ka ba niyang pinupuntahan? Like everyday?”
“Oo.”
“Hmm. So dalawa lang ibig sabihin niyan. Either gusto ka niya, or gusto ka niyang kunin na model para sa designs niya.” banat ni Nico at napahalkhak si Gela.
“Uy hindi naman yata siya ganon.”
“Joke lang. Pero malay mo. Basta pag nanligaw na sabihan mo ako. Para makilala ko. Pero kung gusto mo magusap kami para magkaalaman na diba?” sabi ni Nico at nanlaki ang mga mata ni Gela. Kilala niya kasi ang bestfriend niya. Pag sinabi ng binata kakausapin nito ang manliligaw niya ay talagang gagawin niya ito.
“Okay lang. Pero wag kang gagawa ng masama ha.” Sabi ni Gela at natawa ang binata.
“Joke lang. Tingin ko naman your matured enough to decide. Hindi ako makikialam pero pakilala mo siya sa akin, tapos sasabihin ko sayo yung perception ko. Ikaw na bahalang magdecide. Halos 2 years na yata since you had your last boyfriend at tingin ko naman you’ve grown na. Ayoko na ulit manuntok ng boyfriend mo eh. Kaya choose wisely.” Sabi ni Nico at nagulat si Gela sa mga sinabi niya.
“So hindi mo na babantayan ang bestfriend mo ganon?”
“Wala naman akong sinabing ganon. Ayokong makialam. Tutulungan kitang magdecide oo pero hindi ako makikialam. Wag kang magalala, pag tingin ko masama yung ugali niya, uulit ulitin kong sabihin sayo yon para hindi mo siya sagutin. Basta this time, hands off na ako.”
“Bakit dati ba hands on ka sa mga manliligaw ko?” sabi ni Gela at natameme si Nico. Hindi kasi niya alam na ilang beses nang napaaway ang bestfriend niya sa mga manliligaw nito.
“Ah, Eh, medyo. Pero ngayon hindi na. Pero I promise you pag sinaktan ka niya ibibigti ko siya.” Sabi ni Nico.
“Hala! Ang morbid mo naman.” Sabi ni Gela at nagtawanan ang dalawa.
“Alam mo best, gusto ko yung magiging boyfriend ko parang ikaw.”
“Ha? Gela, don’t compare. Bad yon.” Biro ni Nico at natawa ang dalaga.
“Hindi naman. Ang sinasabi ko lang na sana, yung magiging boyfriend ko will take care of me. Like the way you took care of me.” sabi ng dalaga.
“Took? Bakit past tense? Hindi naman ibig sabihin na may girlfriend na ako eh di na kita aalagaan. Bestfriend pa din kita. Mahal kita at ayokong may mangyari sayo.” Sabi ng binata at nanlaki ang mga mata ni Gela.
“Mahal?” tanong niya.
“Oo, as a friend. A very precious friend.” Sabi ni Nico. Kung noon niya sinabi ang mga salitang yon ay maiilang talaga siya. Pero ngayon parang napakadali na lang sa binata na sabihin ang mga salitang yon.
“Ikaw rin naman eh. Kayan nga I’m happy for you eh.”
“Hay nako. Ikaw talaga. Sige pasok na ako.” Sabi ni Nico ngunit ayaw umalis ni Gela sa pagkasandal sa kanya.
“Mamaya na best.” Sabi ni Gela.
“Eh pagod na ako eh. Papasok ko pa tong gitara.”
“Yiiiyh! Mamaya na. Samahan mo muna ako dito. Soundtrip tayo. Ito suot mo tong isang ear phone.” Sabi ni Gela at isinuot sa tenga ng binata.
“Gela, ikaw pala nagsabi kay Misa na mahilig akong mag gitara?”
“Oo, ilang beses ka nang tumugtog para sa akin. But you never sang.”
“Ganon? Sige next time, promise kakantahan kita.”
“Talaga? Why not now?” tanong ng dalaga.
“Next time na. Nabinat na vocal chords ko eh.” Biro ni Nico at natawa si Gela. Muling gumilid si Gela at isinandal ang ulo sa balikat ng bestfriend niya.
“Best?”
“Yep?”
“Dito muna tayo ha?”
“Sige.” Sagot ni Nico. Nakaupo lang ang dalawa habang nakikinig ng mellow music. Ilang sandali pa ay nakatulog ang dalaga. Napangiti na lang si Nico at inihiga ang ulo ni Gela sa hita niya. Ilang sandali pa ay lumabas si Aya.
“Oh Nicks!”
“Shhh! Natutulog tong mantikang to eh.” Bulong ni Nico at napangiti si Aya.
“Teka kuha akong kumot.” Sabi ni Aya at agad pumasok sa loob. Ilang sandali pa ay lumabas ito na may dalang dalawang kumot. Tinulungan ni Aya si Nico na kumutan si Gela. Pagkatapos nito ay iniabot ng dalaga ang isa pang kumot sa binata. Napangiti si Aya at tumayo sa harap ni Nico.
“Wag mong sabihing diyan kayo matutulog?” tanong ni Aya.
“Ah, wag naman sana. Ito kasing si Gela eh. Alangan buhatin ko pa siya? Eh ang bigat bigat nito.”
“Okay lang kaya mo naman diba?”
“Wag na. baka magising. At saka baka ano pang mahawakan ko.” Biro ni Nico at natawa silang dalawa.
“Sige pasok na ako. Nakalock na ba yung gate?”
“Ah oo nilock ko na. Sige thanks ha.” Sabi ni Nico.
“Okay. Text mo ako pag may kailangan ka pa. Sige pasok na ako. Good luck kay Gela. Hihi!” sabi ni Aya at pumasok na sa apartment nila.
Pinagmasdan ni Nico ang mukha ng bestfriend niya. Hinimas nito ang buhok ng dalaga. Napangiti siya ng marinig ang munting hilik nito.
“Hay, you never change. You always sleep on my lap. Ang bigat bigat mo pa naman.” Bulong ni Nico.
“Good night Gela.”
No comments:
Post a Comment