Tuesday, November 30, 2010

A Wonderful Life
By: Nico and Paul

Chapter 17: In This Corner

Sabado, nagtungo si Nico at Paul sa gym kung saan nag nag wo-work out si Paul. Pagkapark ng kotse ay bumaba ang dalawa at nilakad ito.

“Tol, kailangan ba talaga nating gawin to?” tanong ni Paul.

“Ang alin?” tanong naman ni Nico.

“Hamunin si Vince. Tol sinasabi ko sayo, magaling siya.”

“Tol, we’ll just talk okay?” sabi ni Nico at di na nagsalita si Paul.

Nakarating ang dalawa sa Gym at agad hinanap ang pakay nila. Nalaman nilang hindi ito nagpunta sa gym. Tila nadismaya si Nico at umuwi na ang dalawa. Pagsapit ng lunes, nagpasama nanaman si Nico sa gym ngunit wala rin ang pakay nila doon. 

Nung hapong yon, nakaupo si Misa sa corridor at tahimik na nagbabasa nang tinabihan siya ni Vince. Napangiti ang dalaga dahil dinalhan siya ng pagkain ng binata.

“Thanks. Tamang tama gutom na ako.” Sabi ni Misa.

“No problem. So ano? Tara lets eat!” sabi ni Vince at sabay na pinagsaluhan ang pagkain.

“Amazing.” Sabi ni Vince habang pinagmamasdang kumain si Misa.

“Huh? Bakit?”

“Eh kasi, kahit kagagaling mo lang sa break up, yung apetite mo parang di naman naapektohan. So nakapag move on ka na ba?” tanong ng binata at napasimangot si Misa.

“Okay, sabi ko nga hindi pa. Wag mo na akong pansinin kain lang ng kain.” Sabi ni Vince at nagpatuloy sa pagkain.

“Vince?”

“Ow?”

“Bakit parang ang hirap para sa akin na patawarin siya? Alam ko, It was just a kiss, pero bakit-“

“Ano? Bakit kahit isang halik lang ang nakita mo di mo siya mapatawad? Samantalang ako niloko kita at iniwan pero napatawad mo ako? Ganon ba ang ibig mong sabihin?” sabat ni Vince at napayuko ang dalaga.

“Well, ewan ko. If you love someone so much, dalawa lang ang pwedeng mangyari. Una, you love him so much na isang hingi lang niya ng tawad ay mapapatawad mo na siya agad. Pangalawa, you love him so much na sobra kang nasaktan sa nakita mo at di mo siya makuhang mapatawad dahil sa takot na masaktan ulit.” Sabi ni Vince ngunit di nakasagot Misa.

“Eh kung ngayon? Pumunta siya dito at humingi ng tawad sayo? Patatawarin mo ba siya?” tanong ng binata.

“I really don’t know. I love him so much. Pero palagi kong iniisip, anong laban ko kay Gela? Na kasama niya eversince nagkamalay siya. Na kasama niyang lumaki. Na malamang unang minahal niya. Yes, I’m scared. Dahil baka kahit magkabalikan kami ay mangyari ulit yon. I can feel that Gela has feelings for him. At pati siya meron. Ano bang laban ko don?” sabi ni Misa.

“Maybe your right. But what if your wrong? What if he loves you so much that if ever magkabalikan kayo, hindi na siya gagawa ng kahit na ano na ikasasakit ng loob mo?” sabi ni Vince.

“Paano ko malalaman yon? Its better this way. Ayoko na.” sabi ng dalaga at unti unti nang tumutulo ang mga luha sa kanyang mga mata.

“Misa, I’m so sorry. Kung di dahil sa akin, di ka magkakaganito. Alam kong takot kang masaktan dahil sa nagawa ko sayo dati. Im so sorry.” Sabi ni Vince at pinunasan ni Misa ang kanyang mga luha.

“Tapos na yan. Tara kain na tayo. Lumalamig ang pagkain.” Sabi ni Misa. Napangiti silang dalawa at nagpatuloy sa pagkain.

Sumapit ang Thursday at halos araw araw ay pabalik balik si Paul at Nico sa Gym. Palagi nilang hindi naabutan si Vince doon kaya nagpasya si Nico na itigil na lang ang balak niya.

“Tol, bakit ba kasi gustong gusto mong makaharap yung Vince na yon?” tanong ni Paul.

“Anong makaharap? Tol gusto ko lang siyang makausap. Yun lang talaga. About don sa boxing thing, nagbibiro lang ako.” Sabi ni Nico at tila nakahinga nang maluwag si Paul.

Sabado ng hapon, nakahiga si Nico sa kama niya, nakatunganga. Matapos ang ilang sandali ay may kumatok sa pintuan, agad siyang tumayo at binuksan ito.

“Oh Gela, ikaw lang pala.” Sabi ni Nico.

“Ay, hihi. Nagulat ba kita? Asan ba kasi mga tao dito?”

“Umalis sila eh. Si Kiko umuwi sa kanila para kunin yung ibang gamit niya. Bakit ba kasi anong petsa na ngayon lang naisipang kunin. Si Chics naman as usual kasama si Claire. Tapos is Paul, ewan ko nagpunta yatang school.” Sabi ni Nico at natawa si Gela.

“Bakit?”

“Hay nako. Talagang inexplain mo noh?” sabi ni Gela at napakamot na lang si Nico.

“Ay, halika pasok.” Sabi ni Nico. Pumasok ang dalaga at naupo sa kama.

“Di na yata dumadalaw si Misa dito? Dati kasi halos every week nagpupunta siya eh.” Tanong ni Gela.

“Ah, kasi, eh ano, busy kasi siya eh.”

“Ah. Bakit daw siya lumipat?”

“Gusto daw ng parents niya eh. Okay lang naman di naman masyadong malayo yung school nila diba? Si Prince Charming mo nga doon nagaaral diba? Kumusta na nga pala siya? Lulubog lilitaw pa rin ba?” tanong ni Nico. Pilit niyang inaalis ang topic tungkol sa kanila ni Misa.

“Ah, medyo. Pero at least nabawasan na. Ewan ko dun. Badtrip lang ako. Wag na natin siyang pagusapan.” Sabi ni Gela at nagsalubong ang mga kilay niya.

“Ah, so galit ka kasi di tumatalab ang charm mo ganon?” tanong ni Nico.

“Iiiyh! Hindi kaya!”

“Aminin mo na.” tukso ni Nico at lalong nainis si Gela.

“Che! Tigilan mo nga ako! Pareho lang kasi kayo! Torpe!” sigaw ni Gela at natawa si Nico.

“Torpe siya? Nako mahihirapan ka. Kahit tumalab man ang charm mo di yan lalapit. Mas malaki pa ang pagasa pag bading siya.” Biro ni Nico at binato siya ni Gela ng unan.

“Shut up! At least mas gwapo siya sayo noh!” sabi ni Gela.

“Duh? Aanuhin ang kagwapuhan kung lalaki rin naman ang hanap niya diba?”

“Tama na nga! Wag na natin siyang pagusapan.” Sabi ni Gela at tumigil si Nico. Naupo siya sa tabi ng bestfriend niya.

“Hay nako. Mahal mo ba yung lalaking yon?”

“Not as much as I love you.” Pacute ni Gela at natawa si Nico.

“Gela.”

“I know. It was just a joke. Half meant nga lang.” biro ni Gela.

“Sus. Ikaw talaga. Oh siya! Alis na ako!” sabi ni Nico at tumayo sa kama.

“Saan ka pupunta?” tanong ni Gela.

“Kina Misa.”

Nagtungo si Nico sa mall at naglakad lakad. Naglibot siya doon hanggang gabi. Pagkatapos nito ay umalis na siya at naglakad lakad. Dinala siya ng mga paa niya sa bahay nina Misa. Tumingin siya sa bintana sa kwarto ng dalaga at naupo sa sidewalk. Halos isang oras na siyang nakaupo doon nang biglang nagbukas ang pinto. Nakita niya si Misa na lumabas at may dalang bag ng basura. Binuksan nito ang gate at itinapon ang basura. Agad tumayo si Nico at nakita siya ng dalaga. Agad tumakbo si Nico papunta sa kanya.

“Misa! Pwede ba tayong magusap?”

“Sige, magsalita ka.” Sabi ng dalaga. Napabuntong hininga si Nico at tiningnan ang dalaga sa mata.

“Misa, Wala na ba talaga?” tanong ni Nico ngunit di sumagot ang dalaga.

“Misa, I love you. Please. Give me one last chance. Just one chance. At papatunayan ko sayo na ikaw lang talaga ang mahal ko.” Sabi ni Nico.

“Umuwi ka na. Magsama kayo ni Gela.” Sagot ng dalaga.

“Misa, walang kasalanan si Gela. Ako ang may kasalanan at pinagsisisihan ko yon. Please, just give me one last chance.” Makaawa ni Nico.

“Pinagtatanggol mo pa siya. Nico, ayoko na. Anong laban ko sa pinagsamahan niyo ni Gela? Magkasama kayong lumaki. Kilalang kilala niyo ang isa’t isa. At alam kong mahal ka niya. Ayoko nang masaktan pa. Please umalis ka na.” sabi ni Misa.

“Misa, please.”

“Umalis ka na!” sabi ni Misa at tumakbo papunta sa gate.

“Please don’t come here again.” Sabi ng dalaga sabay sara ng gate. Nanatili namang nakatayo sa tapat ng gate si Nico. Matapos ang ilang sandali ay dahan dahang naglakad palayo ang bianta.

Lunes ng hapon, naisipan ni Nico na dumaan sa Gym. Pumasok siya sa loob at agad nagtungo sa ring. Nakita niya si Vince na nasa taas ng ring. Nakita naman siya ng binata at agad bumaba.

“Vince, magusap tayo.” Sabi ni Nico.

“Bakit anong problema?” tanong naman ni Vince.

“Anong habol mo kay Misa?” tanong ni Nico at natawa si Vince.

“Ano bang sinasabi mo ha?”

“Wag ka nang magmaang-maangan pa. Ano? Mahal mo pa ba siya?” tanong ni Nico.

“Eh kung sinabi kong oo?” sagot ni Vince at agad hinablot ni Nico ang damit niya.

“Ano ba talagang balak mo? Balak mo ba siyang lokohin ulit?” tanong ni Nico.

“Wala akong balak lokohin siya. Oo, I Loved her before and I still love her now.” Sabi ni Vince.

“Talaga!? Eh bakit mo siya niloko?” tanong ni Nico.

“Maybe the same reason kung bakit mo siya niloko.” Sagot naman ni Vince. Binitawan ni Nico ang damit ng binata at inayos naman nito ang sarili niya.

“Wag mo akong igaya sayo. Di ko siya niloko.” Sabi ni Nico at napangiti si Vince.

“I don’t believe you.”

“Why don’t we just settle this? Lalake sa lalake.” Sabi ni Nico.

“Ha? Are you telling me you want to fight me?” tanong ni Vince.

“Bakit? Takot ka?”

“Nope. Boxing?”

“Sure.” Sagot naman ni Nico.

“Sigurado ka? Di kita pinatulan noong una tayong magkita. Remember? Nung kayo pa ni Misa? Pero I assure you di ako magpipigil this time.”

“Sure. Para naman may fighting chance ka.” Sabi naman ni Nico.

“Wow. Pare kampante ka yata?”

“Di naman. Nagsasabi lang ng totoo. Game?” tanong ni Nico at napangisi si Vince.

“Dahil considerate ako, I’ll give you two days to practice. Come back here at Wednesday.”

“Bakit di pa ngayon? I’m ready.” Sabi ni Nico. Tiningnan siya ni Vince mula ulo hanggang paa habang nakangisi.

“Wednesday.” Sabi ni Vince at tinapik si Nico sa balikat.

Lumipas ang isang araw ad di pa naghahanda si Nico para sa laban niya. Tila wala siyang pakialaam. Kinagabihan, nakatambay sa terrace si Nico kasama si Paul habang nagkukwentuhan.

“Tol, sure ka ba bukas?” tanong ni Paul

“Kung ikaw ba nasa pwesto ko anong gagawin mo?”

“Sabi ko nga sure ka. Pero tol magaling siya. Nakasparring ko na siya dati wala man akong laban kahit di pa siya seryoso.” Sabi ni Paul at napangiti si Nico.

“Tol! Parang walang kang pakialam ah.”

“Di naman. Basta. Ako nang bahala.”

“Eh ano ba kasing mapapala mo diyan? Kung manalo ka? Tapos ano na?” tanong ni Paul.

“Ewan ko.” Sagot naman ni Nico at napabuntong hininga si Paul.

“Hay nako. Pasensya na, di kita masasamahan bukas. May lakad kasi kami ni Danica eh. Alangan naman isama ko siya doon? Baka mag collapse pa yon.” Sabi ni Paul at natawa si Nico.

“Okay lang. Thanks anyway.”

1 pm kinabukasan, agad nagpunta si Nico sa gym. Hindi na siya pumasok sa afternoon class niya. Pagpasok sa gym ay agad siyang nagtungo sa locker room para magbihis. Paglabas niya ay nakita niya si Vince na nasa taas na ng ring. Nilapitan siya ng isang lalake na may dalang gloves at boxing helmet.

“Oh pogi suot mo na tong gloves.” Sabi ng lalake at tinulungan siyang isuot ang gloves.

“Oh, suot mo din tong helmet.” Sabi ng lalake. Tiningnan niya si Vince at nakitang wala itong helmet.

“Bakit siya wala?” tanong ni Nico at narinig naman siya ni Vince.

“Di ko na kailangan yan. Pero ikaw kailangan mo yan. Trust me. Ikaw din sige.” Sabi ni Vince.

“Di ko susuot yan. Para patas.” Sabi ni Nico at natawa ang lalaki.

“Ikaw bahala.”

Umakyat na si Nico sa ring. Naupo ang dalawa sa magkabilang corner. Nagkatinginan sila. Umakyat ang lalake sa ring at nagsalita.

“Oh, sparring lang to ah. 4 rounds lang.” sabi ng lalaki. Bumaba na ito at agad tumayo si Vince. Tumayo rin si Nico at lumapit sila sa isa’t isa.

Nagpakiramdaman pa ang dalawa. Paikot ikot lang sila sa loob ng ring. Si Nico ang unang nagbitaw ng sunok ngunit naiwasan lang ito ni Vince. Nagbitaw ba siya ng ilang mga suntok ngunit maging ang mga ito ay naiwasan ng kalaban niya. Paikot ikot lang sa ring si Vince at tila naglalaro lang. Nakorner siya ni Nico kaya agad siyang nagbitaw ng straight. Ngunit bago pa tumama ang kamao niya ay naramdaman niyang may tumama sa baba niya. Sa lakas ng tama ay napaupo siya. Natamaan na pala siya ng uppercut.

“Kaya pa?” tanong ni Vince habang nakangisi. Di sumagot si Nico at agad tumayo para ipagpatuloy ang laban.

Nagpatuloy ang laban at natapos ang 2nd round. Nakaupo sa corner si Nico. Nakita niyang dumating si Paul at Danica kaya medyo nabuhayan siya.

“Tol okay ka lang?” tanong ni Paul.

“Oo. Teka akala ko may lakad kayo?”

“Eh kasi nung sinabi ko kay Danica nagpumilit siyang pumunta dito eh.” Sagot naman ni Paul at napangiti si Nico.

“Thank you Danica.” Sabi ni Nico at napangiti ang dalaga.

“Itumba mo yan.” Sabi ni Danica at natawa ang dalawang binata.

Napatuloy ang laban at halos bugbog na si Nico pagdating ng fourth round. Maga na ang kanang maya niya at may maliit siyang hiwa sa kaliwang pisngi. Magaling si Vince pagkat kada isang suntok na maitatama ni Nico ay pinapalitan naman ito ng lima ni Vince. Halos di na makatingin si Danica sa ring. Alalang alala naman si Paul para sa kaibigan niya. Pero alam niyang wala pa ito sa mga sugat na natamo niya noong huling nakipagaway si Nico. Paglingon niya ay nakita niya si Misa na nakatayo sa likod niya. Gulat na gulat ang expresyon nito. Nakita rin ni Nico ang dalaga kaya nawala siya sa focus. Di naman sinayang ni Vince ang pagkakataon at nagbitaw ng malakas na suntok. Sapol si Nico at halos mapaupo na ngunit sinubukan niyang tumayo. Susuntok pa sana si Vince pero biglang sumigaw si Misa. Napatingin si Vince sa direksyon ng dalaga. Agad namang nagbitaw si Nico ng suntok at napuruhan sa sikmura si Vince pagkat di niya ito napaghandaan. Napaupo ang dalawa sa ring at agad tumakbo si Misa papunta sa kanila.

“Ano bang pinag-gagawa niyo ha!?” tanong ng dalaga. Hindi nakasagot ang dalawang lalake. Tumayo si Nico at dahan dahang bumaba ng ring.

“Nico saan ka pupunta!? Bakit ba ang hilig mong makipag away ha!?” tanong ni Misa pero di sumagot ang binata. Hinubad niya ang gloves at kinuha ang kanyang bag sabay naglakad palabas ng Gym. Napatingin si Paul at Danica kay Misa at nakita nila ang pagaalala sa mukha nito. Tumayo rin sila at sinundan si Nico sa labas.

Pagdating sa labas ay agad kinuha ni Paul ang dalang bag ni Nico at tinulungan itong maglakad papunta sa kotse. Pagsakay sa loob ay tiningnan ni Danica ang mga sugat niya.

“Tol, okay ka lang?”

“Mukha ba akong okay?” tanong ni Nico.

“Sabi ko nga okay ka lang. Nakakapag joke ka pa eh.” Sabi ni Paul at natawa si Danica.

“Gusto mong dalhin kita sa ospital?” tanong ni Paul at di sumagot si Nico.

“So that’s a no.”

“Pao ako nang bahala sa kanya. Uwi na lang natin siya sa apartment.” Sabi ni Danica at pumayag si Paul.

“Tol bakit di mo pinansin si Misa kanina?”  tanong ni Paul.

“Kasi ayokong makita niya akong ganito.” Sagot ni Nico.

Sa gym naman, magkatabing nakaupo si Misa at Vince sa bench. Nagpupunas ng mukha ang binata habang malayo naman ang tingin ni Misa.

“Vince, bakit kayo nagaway ni Nico?” tanong ni Misa.

“Eh siya yung naghamon eh. Alangan nama tumanggi ako diba?”

“Kahit na. Bakit mo siya pinatulan? Kaya mo ba ako tinext? Kaya mo ba ako pinapunta dito? Para makita yung nakita ko kanina?” tanong ng dalaga.

“Uy hindi naman. Nagpunta kasi siya dito. Sabi niya gusto ka daw niyang makausap. Kaya kita tinext. Pero di ko naman alam na hahamunin niya ako eh. Biglaan yon.” Sabi ni Vince. Napayuko si Misa at natahimik.

“Nagaalala ka no?” tanong ni Vince.

“That’s not important.” Sagot ng dalaga.

Kinagabihan, nagpahinga si Nico sa sofa sa sala. Ilang sandali pa ay pumasok si Gela. Npaatingin si Nico sa pinto at agad nagtakip ng mukha ngunit nakita na ng bestfriend niya ang mukha niya.

“Anong nangyari sa mukha mo?” tanong ni Gela.

“Ah, nahulog kasi ako sa hagdan.” Palusot ni Nico. Naupo si Gela sa tabi niya at tiningnan mabuti ang mukha niya.

“Bakit ka nanaman nakipagaway?”

“Wala lang. At saka sa boxing ring naman eh.”

“Kahit na! maraming namamatay sa boxing! Paano na lang kung may nangyari sayo? Alam ba ni Misa to? Paano kung nalaman niya?”” sabi ni Gela. Hindi nakasagot si Nico. Unti unting tumulo ang mga luha niya at napansin ito ni Gela.

“Ma-may nasabi ba ako?” tanong ni Gela.

“Wala na kami. Misa, she broke up with me.” sabi ni Nico.

“Ha? Bakit?” tanong ni Gela ngunit di sumagot si Nico. Niyakap niya ang binata at hinimas ang likod nito.

“Tama na.”

“Its my fault.” Sabi ni Nico.

“Hush. Don’t worry I’m here.” Sabi ni Gela.

Linggo ng umaga at maagang nagising si Paul para magsimba. Paglabas niya ay nakita niya si Aya na nakaupo sa bench at nakabihis.

“Good morning.” Bati ni Paul.

“Magsisimba ka?”

“Oo eh.” Sabi ni Paul. Naiilang ang binata sa paguusap nila pero sinusubukan niyang makipagusap ng normal.

“Sabay ako. May pupuntahan ako eh.” Sabi ni Aya.

“Samahan na kita?”

“Wag na. Okay lang kaya ko naman.” Sabi ni Aya. Sumakay ang dalawa sa kotse. Tahimik lang ang dalawa. Diretso lang ang tingin ni Paul habang nakayuko naman si Aya.

“Nabalitaan ko yung nangyari kay Nico at Misa. Kawawa naman si Nico.” Sabi ni Aya.

“Oo nga eh.”

“How is he?” tanong ng dalaga.

“Okay naman. Somehow kaya naman niya.” sagot ni Paul.

“Uhm, okay lang ba kung ipagluto ko siya mamaya?” sabi ni Aya at natawa si Paul.

“Oo naman. Bakit ka pa nagpapaalam sa akin?”

“Eh kasi diba sabi mo wag ko na kayong ipagluto?”

“Di ko naman sinabing bawal. Paminsan minsan pwede naman.” Sabi ni Paul. Ilang sandalig natahimik muli ang dalawa.

“Ah, dito na lang ako.” Sabi bigla ni Aya. Agad namang inihinto ni Paul ang kotse at itinabi ito.

“Thank you.” Sabi ni Aya sabay bukas ng pinto at lumabas.

“Ah, Aya!” sabi ni Paul. Yumuko naman ang dalaga at sumilip sa pintuan.

“Yes?”

“Ahm, ingat ka ha.” Sabi ni Paul at napangiti si Aya.

“Okay. Thank you ulit.” Sabi ni Aya sabay sara ng pinto. Napabuntong hininga na lang si Paul at pinaandar ang kotse.

Sumapit ang exams week at busy nanaman ang lahat sa pagaaral. Sina Kiko at Ysa naman ay chill lang. Lumipas ang mga araw at natapos rin ang prelim exams. Masaya ang lahat pagkat Christmas vacation na. Naisipan ni Paul na magkaroon ng Christmas party sa December 26 at pumayag naman ang lahat. Naisipan rin nilang mag exchance gift at masaya naman ang lahat sa mga nabunot nila.

Thursday night, nagpunta si Nico kina Misa. Tinext niya ang dalaga at ilang sandali pa ay bumaba ito. Binuksan ng dalaga ang gate at pinapasok si Nico. Naglakad ang dalawa papasok sa may garden.

“Misa, wala na ba talaga?” tanong ni Nico ngunit di sumagot ang dalaga.

“Misa, this will be the last time na tatanungin kita. Whatever your decision may be, tatangapin ko. I just want you to know that I love you very much. And if you give me one last chance, I’ll prove it to you.” Sabi ni Nico.

“Nicks, ayoko na.” sabi ng dalaga. Bakas ang mga luhang unti unting lumalabas sa mga mata ng dalaga.

“Is that final?” tanong ni Nico. Hindi nakasagot ang dalaga at tuluyan nang umiyak. Lumapit si Nico at hahawakan sana ang kamay ng dalaga pero lumayo ito.

“Yes its final.” Sagot ng dalaga.

“Misa, think about it. Alam ko nasaktan kita. But please. I wont make you cry again I promise. You know I hate seing you cry.”

“Nico ayoko na. Please don’t ask me again.” Sabi ng dalaga at napabuntong hininga si Nico.

“Friends?” tanong bigla ni Nico. Umiiyak pa rin ang dalaga at di nakasagot.

“I’m sorry. Siguro nga malalim ang nadulot kong sugat sayo. Pero siguro someday, you’ll be able to accept me, as a friend.”

“So I guess this is goodbye.” Sabi ni Nico at dahan dahang naglakad palayo.

“Advance Merry Christmas.” Sabi ng binata at tuluyan nang umalis. Naupo naman si Misa sa upuan sa may garden at tuluyan nang umiyak.

Sa labas naman, dahan dahang naglalakad si Nico. Unti unting tumulo ang luha sa mga mata niya. Wala na ang babaeng pinakamamahal niya. Wala na sila. At hindi na sila magkakabalikan pa.

No comments: