Monday, November 1, 2010

Chapter 11 - 2: Kiko and Chics – The other side of the story (Cookies and Cream)

A Wonderful Life
By: Nico and Paul


Chapter 11: Kiko and Chics – The other side of the story


“Ah, Ysa? Ysa right? mabigat yata yang mga dala mo, tara tulungan kitang magbuhat.” sabay abot ng kamay kay Ysa.

“Ok, ikaw si Francis diba? ung cousin ni ate Gela? bait mo pala, hindi tulad ng iba dyan!” sabay tingin ng masama kay Nico. Napangiti lang si Nico at tumawa naman si Gela. Pumasok si Kiko at Ysa sa bahay at ibinaba nila ang dala sa may kusina.

“Thanks, hayaan mo bibigyan kita ng mga iba-bake ko.”

“Ah, wala yun, hehe” sabi ni Kiko na medyo namumula. “Ah, Franz na lng tawag mo sakin.”

“Franz? eh ‘di ba Kiko tawag sayo nina Kuya Nico? Yun na lng mas cute pakinggan. Ok lng?”

“Ah, sure. Basta ikaw. Oh sige una na ko.”

“Ok, thank you ulit” sabi ni Ysa

Iyon ang unang beses na nagkausap si Kiko at Ysa. Masayang masaya si Kiko sa mga sandaling yon. Matagal nang may gusto ang binata kay Ysa.  Unang araw pa lang ng highschool life ng binata, nasilayan na niya ang kakaibang ganda ng dalaga. 1 year later, nalaman ni Kiko na sa isang apartment lang nakatira si Ysa at ang pinsan niyang si Gela. Laking tuwa ng binata. Subalit kahit ganon ang sitwasyon, hindi pa rin siya nagkaroon ng lakas ng loob na kausapin ang dalaga. Kahit na isip bata si Ysa, hindi nabawasan ang pagtingin ni Kiko sa kanya, lalo pa niyang nagustuhan ito.





The other side of the story – Cookies and Cream

Kinabukasan, masayang masaya si Kiko. Agad itong tumalon patayo mula sa kama at tumakbong palabas. Nakita niya si Nico na kumakain ng pansit kanton sa sala. Todo ngisi ito at masayang binati ang pinsan niya.

“Good Morning!” bati ni Kiko.

“Wow, ganda yata ng gising mo ah?” sagot ni Nico.

“Aba natural Kuya Nick. First time kong nakausap ang aking love of my life kagabi. Hay! So happy!” sabi ni Kiko habang nakapikit at nakangisi.

“Hay nako! Kumain ka na nga diyan! May pancit kanton diyan. Ubusin mo na, wala si Paul nagsimba.” Sabi ni Nico. Agad namang kinuha ni Kiko ang kanyang plato at nilaklak ang pancit kanton.

Tatlong araw ang lumipas, at oras na ng uwian. Palabas na si Kiko ng gate ng may tumawag sa kanya.

“Kiko!” sigaw ni Ysa. Agad namang napalingon ang binata. Agad gumuhit ang ngiti sa kanyang labi sa nakita niya.

“Uy, uwi ka na? sabay na tayo.” Sabi ni Ysa habang medyo hinihingal pa.

“Ah, owkay. Tara.” Sabi ni Kiko at naglakad ang dalawa pauwi.

Dinner time at nilalasap ng mga boys ang ulam na bigay ni Aya. Napansin ni Paul na nakangiti si Kiko habang kumakain kaya agad niya itong binato ng tissue.

“Ano ka ba? Kumakain ang tao eh.” Sabi ni Kiko.

“Nakangisi ka kasi diyan. Ano bang meron?” tanong naman ni Paul.

“Wala naman. Sabay lang kami umuwi ni Ysa kanina.” Sagot naman ni Kiko at talagang todo ngisi na ito.

“Sus! Yun lang! Akala ko pa naman kung ano na.” banat naman ni Paul at napatingin sa kanya si Kiko.

“At least!” sumbat ng binata at nagkulitan ang dalawa habang kumakain.

Matapos kumain ay ginawa ng binata ang mga assignments niya. Natapos na niya lahat maliban sa isa. Hindi niya makuha ang assignment niya sa trigonometry at inis na inis siya. Naisipan niya munang mag pahangin sa labas.

Nakaupo si Kiko sa bench at nagpapahinga. Nakatingin siya sa pintuan nina Ysa. Iniisip niya ang dalaga at muli nanamang napangiti. Ilang sandali lang ay lumabas ang dalaga at may dalang isang jar na may cookies. Nakangiti ito at nakiupo sa tabi niya.

“Hi! Gusto mo?” tanong ni Ysa at inalok ang jar sa binata. Nahiya pa si Kiko pero kumuha din ito ng isa at agad kumagat.

“Sarap ah.” Sabi ng binata at muling kumagat ng isa.

“Akong gumawa niyan.” Sabi ng dalaga at parang pinagmamalaki ang sarili.

“Talaga? Kaya pala masarap eh.” Sagot naman ni Kiko.

Halos kalahating oras din nagkuwentuhan ang dalawa at naubos na ang kinakain nilang cookies maliban sa isa. Pareho silang nakatingin sa garapon. Ilang sandali pa ay nagkatinginan sila. Mistulang nagpapaawa ang itsura ng dalaga at natawa na lang si Kiko.

“Sige sayo na.” sabi ni Kiko. Napangisi ang dalaga at agad kinuha ang natirang cookie. Ilang sandali pa ay hinati niya ito sa dalawa.

“Oh, hati tayo.” Sabi ng dalaga. Napangiti naman si Kiko at binuka ang bibig niya. Napatingin siya kay Ysa at nagtaas ito ng kilay.

“Joke lang. Akin na.” sabi ni Kiko sabay dampot sa kalahating cookie.

“Bakit ka nga pala tumambay dito?” tanong ng dalaga.

“Ako? Wala lang. Nagpapahangin lang. Di ko kasi masagot yung homework ko sa trigo eh.” Sagot naman ni Kiko. Napangisi naman si Ysa.

“Alam mo favorite subject ko yan. Gusto mo turuan kita?” alok ng dalaga. Agad namang nagliwanag ang mata ni Kiko.

“Oo ba. Ang hirap kasi eh.”

“Sa isang kondisyon.”

“Okay, name it” sabi naman ni Kiko.

“Ilibre mo ako ng cookies and cream shake bukas.”

“Oo ba. Teka kunin ko notes ko.” Sabi ni Kiko sabay tayo. Hinawakan naman ng dalaga ang kamay niya.

“Wag na, samahan na lang kita.” Sabi naman ng dalaga.

“Ay wag na nakakahiya. Ganito na lang. puntahan na lang kita. Kunin ko lang notebook ko.” Sabi ni Kiko. Pumayag naman ang dalaga at pumasok na.

Kinabukasan, oras nanaman ng dismissal at nagkatagpo nanaman ang dalawa sa gate. Agad pinaalala ni Ysa ang deal nila. Natawa naman si Kiko. Ilang sandali pa ay nagpunta sila sa tindahan.

“Ah, ate, yun pong shake tapos na?” tanong ni Kiko.

“Ah, oo eto oh.” Sabi ng nagtitinda at inabot ang dalawang shake sa kanya.

“Nagorder ka na pala.” Sabi ni Ysa.

“Ah, oo. Kasi pareho lang naman tayo ng dismissal kaya pagkalabas ko nagorder na ako tapos hinintay na lang kita sa gate.” Paliwanag ng binata. Ngumiti lang ang dalaga at naglakad pauwi ang dalawa habang ine-enjoy ang inumin nila.

Kinagabihan, muli nanamang tumambay si Kiko sa harap ng apartment dahil sumakit ang ulo nito sa kakasubok isolve ang assignment niya. Matapos ang ilang minuto, lumabas si Ysa at naupo sa tabi niya.

“Hi.” Bati ng dalaga.

“Hello.” Sagot naman ni Kiko.

“Let me guess, uhm, homework?” tanong ng dalaga at napakamot na lang ng ulo si Kiko.

“Hihi! Sabi ko na eh. Alam ko na, gusto mo ba turuan kita sa trigo everyday?” alok ng dalaga. Nagliwanag muli ang mga mata ni Kiko.

“Ah, wag na. Nakakahiya naman sayo.” Sagot ni Kiko.

“Ano ka ba okay lang. We’re friends na rin naman diba?” sabi ng dalaga at napangiti si Kiko. Gusto niya ang mga narinig niya.

“Owkay.” Sabi ni kiko.

“In one condition.” Biglang bitaw ni Ysa.

“I knew it.” Bulong ni Kiko at nagtaas ng kilay si Ysa.

“Ano yon?” tanong ng dalaga.

“Ah, wala. Ano ba yon?”

“From now one. Ililibre mo na ako ng cookies and cream shake everday.”

“Everyday? Baka magkadiabetes ka.” Biro ni Kiko at napasimangot si Ysa.

“Oh kasi hindi na everyday. Basta madalas. At every week end cookies and cream na ice cream naman. Ano? Deal?” tanong ng dalaga.

“Hmmm.” Sabi ni Kiko at napatingin ka Ysa. Nakita niyang nakatingin lang ito sa kanya at kumikinang ang mga mata. Natawa na lang siya at napakamot.

“Okay, deal!” sabi ni Kiko at nagkamayan ang dalawa. Agad nanlambot ang binata pagkat naramdaman niya ng malambot na kamay ni Ysa. Pero agad niya itong inalis para hindi mahalata.

Ilang linggo na ang lumipas at halos araw araw nagpupunta si Kiko kina Ysa para magpaturo. Nage-enjoy siya sa pagtuturo ng dalaga pagkat napaka masayahin nito. Dahil dito ay naging close ang dalawa. Madalas ay sa apartment na nina Ysa nakikikain si Kiko. At dahil sa sadyang matakaw siya, hindi siya nakaramdam ng hiya sa pagkain ng hapunan sa ibang bahay. Lalo pang lumalim ang nararamdaman ni Kiko para kay Ysa. Ngunit mas pinili na lang niyang kimkimin ito. May pagka isip bata si Ysa at naisip niya na mas maganda na maging magkaibigan na lang sila. Masaya na ang binata sa kung ano mang meron sila ni Ysa at ayaw niyang mawala pa ito.

Pero nagbago ang lahat nang sumapit ang araw na propose si Nico kay Misa. Magmula nang makita niya si Jay, hindi siya mapakali. Agad siyang nakaramdam ng banta sa kanyang relasyon sa dalaga. Naispan niyang kailangan niyang aminin ang totoo niyang nararamdaman para kay Ysa. Ilang beses siyang nagkaroon ngpagkakataon pero nasayang lang ang lahat ng ito. Hindi niya kayang aminin kay Ysa ang tunay niyang nararamdaman.

Lumipas ang ilang linggo at halos araw araw ay sabay na umuuwi si Ysa at Kiko. Lunes ng hapon, umuwi ang dalawa habang masayang iniinom ni Ysa ang kanyang shake.

“Ysa?”

“Yes?” sagot ng dalaga.

“Ah, kasi, napansin ko lang ano, bakit ang daming lalaking umaaligid sayo? Lalo nag yung Jay na yon.” Sabi ni Kiko at napasimangot ang dalaga.

“Hay nako. Ewan ko ba. Gusto daw nila ako pero wala pa sa isip ko yan. Although Jay always gives me sweets kaya sa kanilang lahat siya ang paborito ko.” Masayang sagot ni Ysa.

“Paborito? Ano siya pagkain?” sabi ni Kiko at natawa ang dalaga.

“Hihi. Hindo noh. Kasi yung iba flowers ang binibigay. Eh di ko naman makakain yon eh. Si Jay naman sweets. At least makakain yon.” Sagot ng dalaga at natawa na lang si Kiko pagkat napaka inosente ng sagot niya.

“So you like Jay?” tanong ni Kiko.

“Hala! Wala pa sa isip ko yan noh!” depensa ng dalaga pero napansin ni Kiko na namumula ang pisngi nito. Napabuntong hininga na lang siya at napasimangot.

“Pero alam mo, kung isasali kita sa kanila, ikaw favorite ko.” Sabi bigla ng dalaga at napatingin sa kanya si Kiko.

“Ha? Bakit ako?”

“Eh kasi palagi mo akong nililibre eh.” Sabi ng dalaga at napangisi si Kiko.

“Nge. Yun lang pala. Eh bakit sabi mo ‘kung isasali kita’? bakit di ba ko kasali?” tanong ng binata.

“Bakit may gusto ka rin ba sa akin?” sabi naman ni Ysa at natameme ang binata. Sapol na sapol siya. Gusto na niyang umamin sa mga oras na yon pero merong pumipigil sa kanya. Pero ayaw niyang sayangin ito pagkat ito na ang tamang pagkakataon. Magsasalita na sana siya ngunit biglang nagsalita ang dalaga.

“Uy joke lang eto naman. Tara bilisan natin dali! Gusto ko nang itry yung bago kong recipe.” Sabi ng dalaga at hinila ang braso ni Kiko. Napayuko na lang ang binata.

“Kung alam mo lang.” bulong niya.

Dalawang araw ang lumipas, nakatunganga si Kiko sa kama niya habang iniisip si Ysa nang biglang pumasok si Chics. Kauuwi lang nito galing school at agad naupo sa study table.

“Kiks, balita?” tanong ni Chics.

“Wala naman. Okay lang.” sagot ng binata. “Ah, Chics, may tatanong ako.” Dagdag niya.

“Okay, ano?”

“Ah, kasi. Ahm, pano mo inamin kay Claire na may gusto ka sa kanya?” tanong ng binata. Natawa si Chics at naupo sa tabi ni Kiko.

“Tinext ko lang siya. Sabi ko I like her. Tapos nag text back siya sabi niya she likes me too. Ganon lang.” sabi ni Chics.

“Ows? Hindi naman yun ung sinabi mo dati.” Sabi naman ni Kiko.

“Totoo yung sinabi ko sayo dati. Siyempre hindi naman pwedeng sa text lang diba? So the next day nagdala ako ng rose tapos sinabi ko sa kanya personally na I like her.”

“Ganon? Ganon lang kadali yon?”

“Hindi siyempre. Nangatog nga tuhod ko eh. Pero bakit ka ba nagtatanong? Aamin ka na kay Ysa?”

“Hindi ko nga alam eh. Pero ang dami niyang manliligaw eh. At first sabi ko sa sarili ko na masaya na ako sa ganito. Pero nung nakita ko yung mga manliligaw niya, parang na threaten ako eh. I mean, I don’t wanna lose her. Oo isip bata siya at wala pa sa isip niya yon. Pero pano kung ma-fall siya sa isa sa kanila diba?” paliwanag ni Kiko at tinapik siya sa balikat ni Chics.

“Alam mo Kiks, umamin ka man o hindi, pag may iba nang gusto si Ysa wala kang magagawa. Oo na threaten ka sa mga manliligaw niya, kaya you decided to make your move diba? Para hindi siya mawala. Pero kahit na umamin ka, pag may iba na siyang gusto, mawawala talaga siya. So magdasal ka na wala siyang gustong lalaki. Or kung meron man ikaw dapat.” Sabi ni Chics at napasimangot si Kiko.

Pagkatapos ng dinner ay tumambay si Kiko sa terrace. Hawak hawak niya ang phone niya. Gustong gusto niyang mag text pero nag dadalawang isip siya. Hindi niya talaga kaya. Ilang sandali pa ay nagliwanag ang mata niya at agad bumaba. Nagpunta siya sa pinakamalapit na loading station para bumili ng bagong sim card. Agad niyang ininsert ang sim sa phone niya at nagtext habang naglalakad.

“Hi. Is dis Ysa? Uhm, I would jusT likE to teLL you that I LIKE you very mucH.  I donT expecT an answer. Gus2 ko lng tlga sabihin. That’s all thx!” sulat ng binata. Nagdadalawang isip siyang pindutin ang send. Pero ilang sandali pay ay pinindot din niya at napabuntong hininga na lang.

Nakarating siya na siya sa apartment. Tiningnan niya ang phone niya ngunit wala pa ring reply. Umakyat siya sa kwarto at nakitang tulog na si Chics sa kabilang kama. Nahiga na lang siya sa kama niya at tinitingnan pa rin ang phone. Ilang sandali pa ay nakatanggap siya ng message. Binuksan niya ito at pinikit ang mata niya para hindi agad mabasa ang reply. Pero unti unti rin niya itong binuksan at binasa na nang tuluyan ang message.

“Hi. Tnx ha. Pero cno to?” sagot ni Ysa. Napangiti ang binata pagkat nag reply si Ysa. Alam niyang sanay na ito na may umaamin sa kanya at nagreply lang dahil sa pure curiosity. Mataas kasi talaga ang curiosity level ng dalaga. Agad siyang nagtype ng reply.

“ndi na mahaLaga yon. Gus2 ko lnG naman ipaalam sayo eh.” Reply ni Kiko. Agad namang siyang nakatanggap ng text reply.

“sabihin mo na sakin or eLse magagalit ako.” Banta ni Ysa at natawa si Kiko dahil nai-imagine niya ang itsura ng dalaga pag naiinis at di makuha ang gusto niya.

“nDi na. donT worry kiLaLa mo ako. Pro promis ko, from now on, ipaparamdam ko syo how much I like you. Ikaw na bhaLa magdetermine kung cno ako.” Reply ng binata.

“buT aLot of guys say that they like me. how am I suppose to know?! Tell me na kc!” reply ng dalaga. Napabuntong hininga si Kiko at nagreply.

“yeS I know. They like you but I loVe u.” sagot ni Kiko at tuluyan nang pinatay ang phone niya.

Samantala, nakaramdam naman ng kakaibang kilig si Ysa sa text na nabasa niya. Hindi siya nakaramdam ng ganong kilig sa mga manliligaw niya. Lalo tuloy siyang na curious kung sino ang nagtext sa kanya pagkat hindi nakasave ang number nito sa phonebook niya.

“I wonder who you are?” tanong niya sa sarili habang nakangiti.

Kinabukasan, agad bumangon si Kiko at halatang excited. Naghanda siya agad papuntang school. Matapos kumain ng almusal, hinintay niya si Ysa sa labas ng apartment nila. Ilang sandali pa ay lumabas na ang dalaga at sabay na naglakad ang dalawa.

“Kiko, alam mo, may nagtext sa akin kagabi.” Sabi ni Ysa at napangiti si Kiko.

“Talaga? Sino naman?” tanong ng binata.

“Ewan ko. Pero he loves me daw. Kinilig talaga ako don grabe. Sino kaya yon?” sabi ng dalaga habang nakahawak sa baba niya na parang nagiisip.

“Gusto mo naman?” tukso ni Kiko at kinurot siya ng dalaga.

“Iiiyh! Syempre masarap sa pakiramdam pag may nagsabi sayo na mahal ka nila diba?”

“Oo nga. Pero if you don’t love than person back, wala rin diba?” sabi ni Kiko at napasimangot si Ysa. Nakakita nanaman siya ng pagkakataon para umamin. Huminga siya ng malalim at nilakasan ang loob niya. Lumingon siya kay Ysa at nakitang nakasimangot pa ito at natawa siya. Pumikit siya saglit at hinanda ang sarili niya. Magsasalita na sana siya pero may tumawag sa dalaga.

“Ysa!” sigaw ng binata at tumakbo papunta sa kanila.

“Jay!” sabi naman ni Ysa at bigla itong napangiti.

“Papunta kayong school?” tanong ni Jay.

“Hindi mag be-beach kami.” Sabi naman ni Kiko.

“Talaga?”

“Natural papunta kaming school! Hay!” banat ni Kiko at natawa si Ysa. Napasimangot naman si Jay pero nakitawa na rin.

“Mapagbiro pala tong kaibigan mo.” tanong ng binata kay Ysa.

“Hay nako! Sa aming apat ako ang palaging pinagtitripan kasi slow daw ako. Hindi ko akalaing may mas malala pa sa akin. Kawawa yang Jay na yan pag sumama siya sa aming apat.” Bulong ni Kiko kay Ysa at tuluyan nang tumawa ang dalaga.

“Ano daw? Uh. Anyway. Tara Ysa sabay na tayo pumunta ng school.” Alok ni Jay.

“Okay!” Sagot naman ng dalaga at naglakad na ang dalawa. Sumunod naman si Kiko at naglakad sa likod ng dalawa habang pinagmamasdan lang sila. Pagdating sa gate ng school, agad humiwalay si Kiko nang hindi man lang nagpapaalam. Lumingon si Ysa ay nakitang wala na ang binata kaya napasimangot siya.

Habang nasa klase ay naisip ni Kiko ang nagawa niya kanina. Nangako siya sa dalaga na ipaparamdam niya ang tunay na damdamin niya. Sumapit ang lunch time at naisipan niyang bumawi. Agad siyang bumuli ng dalawang ham and cheese sandwich at isang cookies and cream na shake. Masaya niyang hinanap si Ysa. Nakita niya itong nakaupo sa bench sa may garden at nagbabasa. Nagmadali siyang lumapit nang may napansin siyang lalaki na lumalapit sa dalaga na may dalang supot galing sa jowebee..

“Oh, eto na lunch natin. Sorry natagalan, mahaba yung pila eh.” Sabi ni Jay at naupo sa tabi ni Ysa. Agad niyang inilabas ang chicken burger at binigay ito sa dalaga. Sa di kalayuan ay nakatayo lang si Kiko habang nakikitang masayang kumakain ang dalawa. Sa sobrang sama ng loob ay kinagat niya ang sandwich niya at nakalahati agad ito. Natawa na lang siya sa sarili niya. Tumalikod siya at tinapon ang shake sa basurahan.

Sumapit ang dismissal at agad lumabas si Kiko para hintayin si Ysa sa gate. Nagorder siya ng dalawang shake at muling bumalik sa gate. Ilang sandali pa ay nasilayan niya si Ysa pero may kasama ito. Sa pangalawang pagkakataon ay nasapawan nanaman siya ni Jay. Pinuntahan niya ang inorder na shake at inabangan ang dalawa sa gate. Agad siyang nakita ni Ysa at tinapik ito sa braso.

“Uy. Kanina ka pa?” tanong ni Ysa.

“Hindi naman.” Sagot ni Kiko.

“Ah, sorry ha. Naglinis pa ako ng classroom eh. Ihahatid daw ako ni Jay. Tara sabay tayong maglakad.” Sabi ng dalaga at nakaramdam ng kirot ang binata.

“Ah, hindi na. May bibilhin pa pala ako. Nakalimutan ko. Ah pano ba to? Ah eto yung shake oh. Jay pare sayo na to.” Sabi ni Kiko sabay abot ng shake sa dalawa.

“Sige, una na ako baka gabihin pa ako eh.”

“San ka pupunta? Sama ako!” sabi ni Ysa.

“Ah hindi na. Magpahatid ka na lang kay Jay. Okay lang ako. Una na ako bye!” sabi ng binata at tumakbo na palayo. Naiwan naman si Ysa na nakatingin sa kanya at nakasimangot. Humigop na lang siya ng shake at agad napangiti.

Halos isang linggo nang hindi sumasabay si Kiko kay Ysa. Kapag una siyang nadismiss, agad siyang umaalis at umuuwi. Lalo namang nagkalapit si Ysa at Jay. Isang dismissal at nauna siyang umuwi kay Ysa as usual. Nakaupo siya sa sala nang makitang dumating na si Ysa. As usual kasama nanaman niya si Jay. Pero nagulat ang binata nang makitang niya pumasok sa gate si Jay. Ang mas malala pa ay pinapasok siya ni Ysa sa apartment nila. Sa mga sandaling yon, tuluyan nang nawalan ng pagasa si Kiko.

Sumapit ang gabi at nakita niyang hindi pa lumalabas si Jay. Nagtaka siya at agad lumabas ng apartment ay naupo sa tapat ng bahay nina Ysa. Narinig niyang nagkukulitan nag dalawa sa sala na lalo pang bumiyak sa puso niya.

“Jay, aminin mo nga sa akin. Wag kang magsisinungaling ha.” Sabi ni Ysa at umoo naman so Jay.

“Uhm, Ikaw ba yung nag text sa akin?” tanong ni Ysa. Nagulat si Kiko sa narinig niya.

“Nagtext? Palagi kitang tinetext diba?”

“Hindi yon. Yung last week. Yung text.” Sabi ni Ysa.

“Ako siguro. Bakit?” sabi ni Jay at di na napigilan ni Kiko ang sarili niya. Gusto niyang sumugod pero lumugar siya. Tumakbo na lang siya papunta sa apartment.

“Talaga? They like you but I love you.” Sabi ng dalaga at natulala si Jay.

“Talaga? You mean that?!” sabi ni Jay at agad nadismaya si Ysa.

“Ano ka ba. Linya lang yon sa sa book na binabasa ko.” Sabi ni Ysa. Pero sa mga oras na yon alam niyang hindi si Jay ang lalaki sa text.

Isang linggo na mula nang natapos ang debut ni Misa. Hindi pa rin sumasabay si Kiko kay Ysa. Hindi na rin siya nagpapaturo sa dalaga. Nagumpisa nang magalala at magtaka si Ysa. Inisip niyang may problema ito kaya naisipan niyang magbake at puntahan ito mamaya.

Sabado ng umaga at nakaupo si Kiko magisa sa sala. Magisa lang siya dahil malamang si Nico ay kasama si Misa ngayon. May kailangan namang asikasuhin sa school sina Paul at Chics. Ilang sandali pa ay pumasok si Ysa na may dalang cookies. Nagkatinginan ang dalawa at napangiti si Ysa.

“Hi. Gusto mo?” tanong ng dalaga. Agad namang tumayo si Kiko at kinuha ang dala ni Ysa at nilagay ito sa mesa. Magkatabing naupo ang dalawa sa sofa.

“Uhm, Kiks. May problema ka ba?” tanong ng dalaga.

“Ako? Haha. Bakit mo naman natanong yan” sagot naman ni Kiko.

“Wala lang. Kasi hindi na tayo masyadong nagkakausap kaya naisip ko may problema ka.”

“Wala ano. Ako pa.!” sabi ni Kiko sabay dampot ng cookie.

“Ah, okay!”sabi ni Ysa at kumuha rin ng Cookie.

“Kiko, papaturo sana ako sayo eh. Di ba magaling ka sa history?” tanong ng dalaga at napatingin si Kiko sa kanya.

“Medyo. Bakit ano bang hindi mo makuha?”  

“Ah, di naman sa di ko makuha. Di ko lang maintindihan yung pagkakasunod-sunod ng events sa American civil war.” Paliwanag ng dalaga.

“Ah, yun lang ba? Teka lang kunin ko notes ko.” Sabi ni Kiko at tumakbo paakyat. Natuwa naman ang dalaga pagkat epektibo ang plano niya. Alam naman niya ang lesson nila at nagdahilan lang siya kay Kiko. Nakita niyang naiwan ng binata ang phone niya sa mesa. Likas ang curiosity ni Ysa. Meron siyang hinala pero hindi siya sigurado. Sabi kasi ng lalaki sa text na ipaparamdam daw nito na mahal niya si Ysa. Pero kabaliktaran ang ginagawa ni Kiko magmula nang natanggap niya ang text. Lumalayo ito sa kanya. Hindi niya alam kung anong dahilan.

Nainip ang dalaga pagkat wala pa si Kiko. Ilang sandali pa ay nag vibrate ang phone ng binata. Tatawagin niya sana si Kiko pero naisipan niyang wag nalang. Sumilip siya sa phone at nakita na pangalan ng babae ang nagtext. Napasimangot agad siya at dinampot ang phone. Nagdadalawang isip siya nabasahin ang text. Ngunit talagang curious siya kaya pinindot niya ang read. Natuwa naman siya dahil group message lang ang text. Naisipan niyang kalkalin ang phone ng binata at tiningnan ang saved messages nito. Nakita niyang tatlong messages lang nag nakasave dito. Binasa niya ang mga ito at nagulat sa nakita niya.

Ilang sandali pa ay bumaba na si Kiko at agad tinago ni Ysa ang phone niya sa ilalim ng unan. Lumapit ang binata at nakangiti sa kanya. Di man lang niya napansing wala ang phone niya sa mesa.

“Game na?” tanong ni Kiko at napangiti lang si Ysa. Naupo naman si Kiko sa tabi ng dalaga at nagumpisa nang magsalita.

Habang ikinikwento ang American civil war, nakatingin lang si Ysa kay Kiko. Hindi maalis ng dalaga ang ngiti sa kanyang mga labi. Hindi siya nakikinig sa mga sinasabi ng binata at pinagmamasdan lang niya ito. Di nagtagal ay napansin ito ni Kiko at nagumpisa na siyang ma-ilang. Ilang sandali pa ay hindi na niya nakayanan.

“Uy, may dumi ba sa mukha ko?” tanong ni Kiko.

“I don’t know. You tell me.” sagot naman ng dalaga. Hinawakan naman ng binata ang mukha niya.

“Wala naman eh.”

“Wala nga.” Sagot naman ng dalaga.

“Oh bakit ka nakatingin? May problema ba? May mali ba sa nasabi ko?” tanong ni Kiko. Kinakabahan na siya sa ikinikilos ng dalaga.

“They like me but you love me.” sabi ng dalaga at hindi na talaga mapakali si Kiko. Lumapit naman sa kanya ang dalaga at nagdikit ang dalawa.

“A-ano bang pinagsasabi mo?” tanong naman ni Kiko at napaatras at lumayo kay Ysa.

“I said, they like me but you love me.” bigkas muli ng dalaga. Sobrang bilis ng tibok ng puso ni Kiko. Alam niyang nangungulit nanaman ang dalaga pero iba ang nararamdaman niya.

“What about it?” tanong ni Kiko at kinurot siya ng dalaga.

“Aray!” sigaw ni Kiko.

“Wag ka nang magpalusot. Alam ko ikaw yon!” sabi ni Ysa.

“Ako yung alin? Ano bang sinasabi mo?” palusot ni Kiko ngunit lalo pa siyang kinulit ng spoiled na dalaga.

“Ikaw yon eh. Ikaw. Ikaw ikaw ikaw!”

“Hindi ako! Hinde hinde hinde!” sabi naman ni Kiko at pinaulanan siya ni Ysa ng kurot sa tagiliran.

“Ikaw yon! Aminin mo! Isa!” sabi ni Ysa.

“Ano ba kasing aaminin ko?”

“Dalawa!” sabi ng dalaga at nagtaas na ng kilay. Nasa bewang na niya ang dalawang kamay niya.

“Ano ba yon? Sabihin mo muna kung anong aaminin ko?” tanong ni Kiko at talagang pinagpapawisan na siya.

“Tatlo! Hanggang lima lang to!” sabi ng dalaga.

“Uh, Oo na inaamin ko na.” sabi ni Kiko at napayuko.

“Talaga?”

“Oo. Bakla ako. Matagal na. I’m sorry.” Biro ni Kiko at muli nanamang nagtaas ng kilay ang dalaga at nilagay ang mga kamay sa bewang nito.

“Apat!” bigkas ng dalaga.

“Isa na lang. Pagkabilang ko ng lima lalabas ako dito at hinding hindi na kita kakausapin!” sabi ng dalaga. Nakatingin pa rin sa kanya si Kiko at kinakabahan. Huminga ng malalim ang dalaga at magsasalita na sana pero biglang nagsalita si Kiko.

“Oo na! Ako yung nagtext sayo.” Sabi ni Kiko at napayuko.

“Really? Anong sabi mo sa text?” tanong ng dalaga. Nagulat si Kiko at napatingin sa kanya.

“Bakit ko pa sasabihin eh nabasa mo na?”

“Eh gusto kong marinig mula sayo.” Sagot ng dalaga.

“Wag na. Nakakhiya.”

“Isa!” muling bilang ng dalaga. Nataranta ang binata at natawa naman si Ysa.

“Oo na! Uhm, sabi ko I like you.” Sabi ni Kiko at napangisi ang dalaga.

“And?” tanong ng dalaga.

“And I want to show you how much I Like you.” Sagot naman ni Kiko at halos mapatalon na ang dalaga sa kilig ngunit nagpasimple ito.

“And?” tanong ulit ng dalaga.

“And? Wala na. Yun lang sinabi ko diba?” sagot ng binata. Muli nanamang nagtaas ang kilay ng dalaga.

“Isa!” bilang nito at talagang nataranta si Kiko.

“And I love you!” sigaw ng binata. Halos hindi na maipinta ang mukha niya. Si Ysa naman na makulit kanina ay natigilan rin. Alam niya ang isasagot ng binata ngunit nang marinig niya mismo ang mga salitang yon mula sa bibig ni Kiko, iba ang pakiramdam niya. Naramdamang niyang uminit ang pisngi niya at bumilis ang tibok ng puso niya. Nagkatinginan ang dalawa at parehong hindi makapag salita. Ilang sandali pa ay inayos ng dalaga ang upo niya at yumuko. Ang kaninang makulit ay naging mahiyain naman ngayon.

“You mean it?” tanong ng dalaga. Nagpasimple si Kiko na tumingin sa malayo at pasipol sipol pa. Nagtaas nanaman ng kilay ng dalaga. Nang mapansin ni Kiko yon, agad siyang nagsalita.

“Oo! I mean it!” sabi ni Kiko at di na maitago ng dalaga ang kanyang ngiti.

“And you said you will show how much you love me right?” tanong ng dalaga. Titingin sana sa malayo ang binata ngunit napansin niyang nagtaas nanaman ng kilay si Ysa.

“Oo.” Sagot niya. Napabungisngis ang dalaga at tumayo.

“Okay. So to show how much you like me, tara labas tayo. Treat mo ako.” Sabi ni Ysa at napakamot na lang si Kiko. Tumayo ang na rin ang binata at agad siyang hinila palabas ni Ysa. Naglakad na ang dalawa at nakakapit si Ysa sa braso ni Kiko.

“I Like you too.” Bigkas ng dalaga. Napatingin sa kanya si Kiko at nanlaki ang mga mata nito.

“Ano?” tanong ng binata ngunit tumingin lang siya sa malayo .

“Isa!” bilang ni Kiko at nagtaas ng kilay ang dalaga.

“Binibilangan mo ako?” tanong ng dalaga.

“Ah, hindi. Sabi ko isa, isang araw na lang linggo na.” palusot ng binata at napangiti ang dalaga.

Hindi na nagtanong ulit si Kiko. Dinig na dinig naman niya ang sinabi ni Ysa. Masayang masaya siya sa araw na yon. Habang naglalakad ang dalawa ay napadaan sila sa nagtitinda ng shake. Huminto ang dalawa at nagkatinginan.

“Shake?” tanong ni Kiko.

“Yup!”  sagot ng dalaga.

“Cookies and Cream?”

“Of course!” masayang sagot ng dalaga. 

No comments: