A Wonderful Life
By: Nico and Paul
Chapter 14: Kiko and Chics – Another side of the story
Another side of the story – 13th monthsary
(August 15, 2009)
Sabado ng hapon at katatapos lang ng klase nina Chics. Nagtungo ang binata sa classroom ni Claire at sakto namang palabas ang siya. Ngumiti ito at lumapit kay Chics.
“Hi Chics, Tara?” tanong ni Claire.
“Tara. Date ba to?” tanong ng binata.
“Of course! We’re officially a couple kaya. Tara na.” sabi ng dalaga at umalis ang dalawa. Pagdating sa mall ay naglakad lakad ang dalawa. Nagutom ang dalawa at naisipang kumain.
“Saan tayo kakain?” tanong ni Chics.
“Ikaw. Saan mo gusto?”
“Hmmm. Wala akong maisip eh. Saan ba yung sa tingin mo maganda? Yung sobrang mura kahit di masarap basta busog.” Sabi ni Chics at nagtaas ng kilay ang dalaga.
“First date natin binabarat mo ako!”
“Joke lang. Ikaw pa.” sagot ni Chics.
“Teka, merong bagong bukas na fastfood restaurant dito ah. Nakainan ko na lahat dito eh. Try kaya natin doon?” tanong ni Claire at pumayag naman si Chics. Nagtungo ang dalawa sa fastfood restaurant. Maraming tao sa loob at isang pwesto na lang ang natira. Nasa sulok ng lugar ang mesa, agad pumasok ang dalawa para makuha ang pwesto. Ilang sandali pa ay nagorder ang dalawa ng makakain. Hindi naman sila nagsisi dahil masarap ang pagkain doon. Kahit maraming tao ay nagsusubuan ang dalawa. Wala silang pakialam kahit pinagtitinginan sila ng mga tao.
“Hay! Sarap pala dito? Akalain mo. Kailan ba to nagbukas?” tanong ni Chics. Natawa naman si Claire dahil mukhang busog na busog ang boyfriend niya.
“Kahapon yata? O Kanina? Di ko alam eh.” Sagot ni Claire.
“Talaga? So lets say ngayon. Eh di parang pareho lang yung date ng opening nito sa pagsagot mo sa akin.”
“Bakit? Sinabi ko bang sinagot na kita?” tanong ni Claire at napangisi si Chics.
“Claire, hindi mo man ako sinagot directly, nadulas ka na kanina. Sabi mo diba we’re officially a couple?” sagot ni Chics at natawa si Claire.
“Bakit ka tumatawa?” tanong niya ngunit di pa rin tumigil ang dalaga.
“Wala. Para ka kasing bata. May dumi ka sa bibig.” Sabi ni Claire at hinawakan ng binata ang bibig niya.
“Saan? Wala naman eh.”
“Ayan oh nahawakan mo na.” sagot ng dalaga.
“San? Wala naman. Niloloko mo ako eh. Ikaw kaya kumuha.”
“Eh sinasadya mo eh.”
“Promise wala talaga.” Sabi ni Chics. Tumayo naman si Claire at tumabi kay Chics. Nagkatinginan ang dalawa at natawa si Claire.
“Gusto mong ako ang kumuha?” tanong ni Claire at tumango ang binata.
“Pikit ka muna.” Sabi ni Claire na parang bata. Sumunod naman ang boyfriend niya at pinikit ang mga mata nito. Ilang sandali pa ay may naramdamang malambot na bagay si Chics na dumapo sa labi niya. Dumilat siya at nakita si Claire na medyo namumula at nakangiti sa kanya.
“Ano yon?” tanong ni Chics.
“Wala, kinuha ko yung dumi.” Painosenteng sagot ni Claire. Hinawakan ni Chics ang labi niya at nanlaki ang mga mata niya.
“Oh my god you kissed me!?” sabi ni Chics na halos napatayo na sa kinauupuan.
Di napigilan ni Claire at natawa siya.
“Oo. So?”
“What? Ninakaw mo first kiss ko! Unfair di ko alam. Dapat alam ko para fair.” Sabi ni Chics at napabungisngis si Claire.
“You want to kiss me back?” tanong ng dalaga.
“Oo. Kung okay lang.” sabi ni Chics. Di sumagot ang dalaga at pumikit lang. Napangiti si Chics at biglang hinalikan ang dalaga sa labi. Dumilat ito at tila nagulat.
“Shet ang bilis. Nagulat ako di pa ko ready.” Sabi ng dalaga.
“Okay lang yan. Ako rin naman kanina eh.” Sabi ni Chics at nagtawanan sila.
Matapos ang kainan ay hinatid na ng binata si Claire sa kanila. Gabi na nang makauwi si Chics sa bahay nila. Dumiretso siya sa kwarto niya at hindi man lang napansin ang mama niya na kinakausap siya.
Kinabukasan, nagtungo si Chics sa bahay nina Kiko. Pagdating doon ay nagulat siya pagkat andoon din ang Kuya niya. Nakadorm kasi ito kaya di sila nagkikita masyado. Naupo ang tatlo sa garden area habang masayang naguusap.
“Kuya, Kiks, may gusto sana akong sabihin eh.” Sabi ni Chics at napatingin sa kanya ang dalawa.
“Kilala mo si Claire diba Kiks? Yung sinasabi ko na crush ko since first year.”
“Natural, school mate kaya kita.” Sabi naman ni Kiko.
“Alam ko, well, gusto ko lang sabihin na naging kami na kahapon.” Sabi ng binata at nanlaki ang mata ng dalawang lalaki.
“Talaga? Kwento mo nga!” sabi ni Nico. Ikinuwento naman ng binata ang nangyari kahapon.
“Eh, Kuya, balak ko sanang manghingi ng advise kasi di ko alam kung ano mga gagawin pag date eh. Kahapon kumain lang kami. Kahit mukha namang nag enjoy siya syempre gusto ko yung kakaiba.” Sabi ni Chics at napakamot si Nico.
“Well, Chics, single since birth pa rin ang kuya mo hanggang ngayon.” Sabi naman ni Kiks habang nakangisi.
“Ha? Eh diba sabi ni Paul may gusto ka na? Akala ko niligawan mo na.” sabi ni Chics.
“Complicated eh.” Sabi ni Nico.
“Sino ba siya? Anong pangalan?” tanong ni Chics.
“Tin-tin name niya.” Sabi ni Nico at natawa si Kiko.
“Haha! Anong klaseng pangalan yon?” tanong ni Kiko.
“Wala ka na doon. Kilala mo na Chics?” sabi ni Nico. Nagets naman agad ni Chics ang tinutukoy ng Kuya niya.
“Complicated nga. Mahirap yan.” Sabi ni Chics.
“Oo nga. Hayaan mo na. Anyway, about sa dates, alam mo mas maganda kung wag na kayong mag mall. Bonding na lang kayo sa ibang lugar.”
“Eh Kuya kasi may kainan don na memorable sa amin eh. Don nangyari yung first kiss namin.” Sabi ni Chics at napatayo si Kiko.
“Shet! Nagkiss na nga kayo!?”
“Oo. Umupo ka nga.” Sabi ni Chics at naupo si Kiko.
“Well, kung ganon. Eh di gawin nyong ritwal na doon kumain tuwing dates niyo. Then ikaw na ang bahala kung saan kayo pagkatapos. Basta advise ko sayo, doon kayo sa konti lang ang tao. Para makapag interact kayo ng maayos with one another. But the again, dahil nga sa sabi mo nag kiss kayo in a super public place at walang pakialam sa iba, tingin ko di ka mahihirapan.” Sabi ni Nico at napangiti ang kapatid niya.
Kinabukasan, maagang pumasok si Chics para abangan si Claire. Pagpasok pa lang ng dalaga sa gate ay sinalubong na ito ni Chics.
“Good Morning!” bati ni Claire.
“Nagbreakfast ka na?” tanong ni Chics.
“Yup! Ikaw?”
“Hmmm. Oo tapos na. Tara hatid na kita sa classroom niyo.” Sabi ni Chics at naglakad ang dalawa. Pagdating sa classroom ay pumasok na si Claire.
“Sige mamaya na lang.” sabi ng Dalaga.
“Okay, puntahan kita ng lunch.” Sabi ni Chics.
“Teka, pasok ka muna kaya? Wala pa namang tao. Ang aga pa eh.” Sabi ni Claire.
“Nakakahiya eh. Pano kung dumating sila?”
“Wala ka namang dapat ikahiya diba? Maliban na lang kung kinakahiya mo ako.” Drama ni Claire.
“Uy hindi kaya. Isusuggest ko na nga sana eh, inunahan mo lang ako.” Sabi ni Chics at napangiti si Claire. Tumambay muna ang dalawa sa loob ng classroom. Magkahawak ang kamay ng dalawa habang magkatabing nagkukwentuhan. Ilang sandali pa ay may dumating na grupo ng mga kababaihan. Tili agad ang narinig ng dalawa nang makapasok ang mga babae.
“Yeeheee! Claire ha di ka nagsasabi kayo na pala ni Chics ha.” Tukso ng isang babae.
Naupo na ang mga girls habang nagtitilian. Napangiti na lang sina Chics at Claire.
Araw araw ay palaging sabay kumakain ang dalawa. Masaya sila pag sila ay magkasama. Tuwing matatapos ang klase ay hinahatid ni Chics si Claire sa kanila.
Thursday dismissal at naglalakad ang dalawa palabas ng gate. May grupo ng mga kalalakihan ang biglang lumapit at binati si Claire.
“Hi Claire. Musta?” tanong ng isang lalaki.
“Okay lang.” sagot ng dalaga. Napatingin ang mga lalaki kay Chics.
“Kailan mo ba ako sasagutin?” tanong ng lalaki na parang nagpaparinig kay Chics.
“May boyfriend na ako eh. So di na pwede.” Sabi ng dalaga at nanlaki ang mata ng mga lalaki.
“Sino? Ito?” tanong ng lalaki sabay tingin kay Chics.
“Oo siya nga. Kaya pwede ba tigilan mo na ako?” sabi ni Claire.
“Ganon na lang yon? Ang tagal kong nanligaw sayo ah.” Sabi ng lalaki at humakbang papunta kay Claire. Agad namang humarang si Chics at sinakmal ang braso ng lalaki.
“Pare sabi tigilan eh.” Sabi ni Chics. Pumorma na ang mga kasamahan ng lalaki. Sakto namang nakita ng mga barkada ni Chics ang nangyari at agad tumakbo papunta sa kanila. Napalingon si Chics sa mga kasama niya sabay lingon ulit sa lalaki habang nakangisi. Lamang na pagdating sa bilang sina Chics. Aalis na sana ang mga lalaki ngunit hindi pa din inaalis ni Chics ang kanyang kapit sa braso ng lalaki.
“Ayoko nang makikita kitang ginugulo si Claire. Shoo! Alis na!” sabi ni Chics sabay bitaw sa braso ng lalaki. Umalis ang grupo ng kalalakihan at palingon lingon pa ang iba.
“Pare salamat. Grabe muntik na akong matae.” Biro ni Chics at natawa si Claire.
“Arte lang pala yon? Sa totoo takot ka?” tanong ng dalaga at napangiti si Chics.
“Acting? Hindi totoo yon no! Natatae lang talaga ako.” Palusot ng binata at napabungisngis si Claire.
“Pare, basta pag ginulo nila kayo tawagin mo kami. Kaming bahala pare. Anyway, congrats sa inyo.” Sabi ng barkada ni Chics at naghiwalay na ang dalawang grupo.
Saturday ng gabi, naisipang yayain ni Chics si Kiko na kumain sa labas. Agad namang pumayag si Kiko at nagtungo ang dalawa sa mall. Pagkatapos kumain ay tumambay ang dalawa sa food court para magpahinga.
“Chics, musta kayo ni Claire?” tanong ni Kiko.
“Okay naman kami. Although may mga nangugulo. Pero bukod doon, masaya naman kami.” Sagot ng binata.
“Teka, sino ba yung sinasabi ni Kuya Nick na babaeng gusto niya? Sino yung Tin-tin? Bakit kilala mo?” tanong ni Kiko.
“Di pwedeng sabihin magagalit si Kuya eh.”
“Sus! Satin lang. Promise di ko pagsasabi.” Sabi ni Kiko at napabuntong hininga si Chics.
“Wag na wag mong ipagsasabi ha. Bale secret nating apat to. Pero wag mong sabihin kay Kuya na alam mo.” Sabi ni Chics at tumango si Kiko.
“Full name niya ay Christina Angela.” Sabi ni Chics at nakatingin lang si Kiko sa kanya.
“Ha? Christina Angela? Sino yon?”
“Sus Kiks magisip ka nga. Kilala mo yon.” Sabi ni Chics. Nagisip si Kiko at ilang sandali pa ay nanlaki ang mata niya.
“Shet! Si Ate Gela!?” tanong ni Kiko at tumango lang si Chics.
“Wag kang maingay gago ka. Wag mong pagsasabi lalo na kay Ate Gela.” Sabi ni Chics.
“Oo naman di ko naman ilalaglag si Kuya Nick eh. Anyway, any plans para sa next date niyo?”
“Wala pa nga eh. Go with the flow na lang siguro ako. Di naman maselan si Claire, kahit saan keri niya.” Sabi ni Chics at natawa so Kiko.
Habang naguusap ang dalawa ay biglang nag ring ang phone ni Chics. Agad niyang kinuha ang phone niya sa bulsa at nakita niyang tumatawag si Claire. Agad niya itong sinagot.
“Hello? Claire?”
“Chics! Help naman. Pauwi na ako kanina kaya lang sumusunod sa akin yung mga lalaki sa school nung Thursday. Bumalik ako sa mall natatakot kasi ako eh.” Sabi ni Claire.
“Doon ka lang sa kinainan natin dati. Wag kang aalis, hanggat maari iligaw mo sila bago ka pumunta doon okay? Papunta na ako.” Sabi ni Chics.
“Okay, bilisan mo ha?” sabi ni Claire at binaba na ang phone.
“Kiks, samahan mo ako. Puntahan natin si Claire.” Sabi ni Chics. Agad namang sumama si Kiko. Tinawagan ng dalawa sina Paul at Nico kung sakaling may away na magaganap. Dahil nasa malapit lang sila kumain, agad silang nakarating sa mall. Halos tumakbo na ang dalawa patungo sa restaurant. Pagpasok doon ay wala si Claire at kinabahan si Chics. Tatawagan sana niya ang dalaga pero pagbunot niya ng phone niya ay may text siya galing kay Claire.
“Nsa CR ako. DuMaan kc sLa eh.”
Nagtungo ang dalawa sa CR at kumatok. Binuksan ni Claire ang pinto at niyakap si Chics. Naupo sina Chics at Claire habang si Kiko naman ay nagorder para kunwari ay kumakain sila. Pagdating ng order ay kumain ang tatlo. Napansin ni Chics na umaaligid ang mga lalaki sa labas ng fastfood restaurant.
“Ano kayang gusto ng mga yan?” tanong ni Kiko.
“Tagal naman nina Kuya. Sa mga ganitong sitwasyon silang dalawa ang magaling umayos eh.”
“Asan na ba sila? Tanong ni Kiko.”
“Nasa dorm lang daw sila. Pero kanina pa sila umalis so mga 10 minutes pa siguro darating na sila.” Sabi ni Chics. Nakayuko lang si Claire at tahimik na kumakain. Napansin naman yon ni Chics at hinawakan ang kamay ng dalaga.
“Claire, everything will be okay. Wag kang magalala.” Sabi ni Chics.
“Eh paano kung mapaaway kayo? Ang dami nila oh.” Sabi ni Claire.
“Don’t worry, kahit kami lang ni Chics kaya na namin sila. Paano pa kaya pag dumating yung dalawa.” Sabi ni Kiko at natawa si Chics.
Di nagtagal ay pumasok ang mga lalaki. Naupo sila sa malapit na table at nakatingin sa direksyon nina Chics. Nainis si Chics at tumingin kay Kiko. Tumango si Kiko at biglang tumayo.
“Claire dito ka lang.” sabi ni Chics at tumayo na rin. Nagtungo ang dalawa sa table ng mga lalaki at nagkatinginan ang dalawang grupo.
“Pre ano bang gusto niyo?” tanong ni Chics.
“Yung syota mo.” Sabi ng isang lalaki.
“Gago ka pala eh. May Boyfriend na nga yung tao eh.” Sabi ni Kiko. At tumayo ang lalaki at nagkatinginan sila ni Kiko.
“Sinong Gago ha?” sabi ng lalaki. Marami nang nakatingin sa direksyon nila.
“Pare maupo ka. Magusap tayo.” Sabi ni Chics. Nagmatigas ang lalaki at si Chics naman ang tinitigan.
“May ibubuga ka ba pare?” tanong ng lalaki at natawa si Chics.
“Dapat ako ang magtanong sa inyo niyan.” Sagot ni Chics. At nagtawanan ang mga lalaki sa sinabi niya.
“Seryoso ako. Pagbibigyan ko kayong umalis at wag na kaming guluhin pa. Pero kung ayaw niyo, sa labas na lang.” sabi ni Chics.
“Sure, lead the way.” Sabi ng isang lalaki.
“Kampante kayo ah. Akala niyo siguro kaming dalawa lang kalaban niyo no?” tanong ni Kiko at siya naman ang tiningnan ng mga lalaki.
“Bakit meron pa ba? Sure, kahit ilan pa sila.” Sabi ng isang lalaki at napangisi si Chics at Kiko. Nagtungo si Chics kay Claire at bumulong sa dalaga.
“Dito ka lang okay? Kaming bahala dito. Wag kang aalis dito. We’ll be back.” Sabi ni Chics sabay halik sa noo ng dalaga. Bago pa makasagot si Claire ay tumakbo na si Chics papunta sa mga lalaki.
“Tara na.” sabi ni Chics at umalis sila. Lumingon siya kay Claire at bakas ang pagaalala sa mukha ng dalaga. Sinenyasan siya ni Chics na wag aalis sa fastfood resto at tuluyan nang umalis. Naiwan naman ang dalaga doon, punong puno ng kaba.
Nagtungo sila sa parking lot ng mall. Nakatanggap si Chics ng text at pinabasa kay Kiko. Napangisi ang dalawa. Kanina pa tumatawa ang limang kalalakihan habang si Kiko at Chics ay nakangisi lang.
“Chics, countdown.” Sabi ni Kiko.
“Mga 60 seconds. Magbilang ka sa isip mo.” Sagot ni Chics. Napatingin ang binata sa mga kalalakihan. Nagpakiramdaman ang mga lalaki.
“Ano game na?” tanong ng isang lalaki at natawa si Chics.
“Sigurado ba kayo dito? Di niyo talaga alam ang makakasakit sa inyo no?” sabi ni Chics at pumorma ang mga lalaki.
“Dami pang satsat. Game na!” sabi ng lalaki.
“30 seconds.” Bulong ni Kiko.
“Anong 30 seconds? 30 seconds na lang tatakbo na kayo? Tingin niyo hahayaan namin kayo?” sabi ng lalaki at natawa sila.
“Hindi, 30 seconds na lang at kayo ang tatakbo.” Sabi ni Kiko at tiningnan siya ni Chics.
“Ano ka ba, pinapatagal nga natin eh tapos pipikunin mo naman sila.” Sabi ni Chics at napangisi si Kiko at tumingin sa entrance ng parking lot. Tinawanan lang sila ng mga kalalakihan.
“Oh ano lalaban ba kayo o tatakbo?” tanong ng isang lalaki.
“10 seconds.” Bulong ni Kiko.
“10, 9 , 8 7, 5.” Bilang ni Kiko at tawa ng tawa ang mga lalaki.
“Nasiraan na yata ng bait ang mga to. Tara upakan na natin para lalong matuluyan.” Sabi ng mga lalaki at umabante na sila.
“1!” sabi ni Kiko. Pero walang nangyari.
“Ano yon? Sus! Nagbibilang kayo kung kalian kayo mamamatay?” tanong ng isang lalaki.
“Palpak bilang mo Kiks. Kumukupas ka na.” sabi ni Chics.
“Tara, mauna natayo.” Sabi ni Kiko at tumango si Chics. Umabante na ang dalawa sa grupo ng mga kalalakihan. Ilang sandali pa ay may dumating na kotse at nagpark sa harap nila. Bumaba si Nico at Paul. May suot na knuckles si Paul at si Nico naman ay may dalang tubo. Lumapit dalawa kina Chics at Kiko. Astig ang dating ng dalawa, talagang sinadya nilang magbihis at magkunwaring gangster. Tumayo sila sa harapan ng mga lalaki. Pareho pa silang ngumunguya ng chewing gum at tiningnan ang mga lalaki na para bang minamaliit ang mga ito.
“Ito ba?” tanong ni Nico kay Chics.
“Sila nga. Uupakan na sana namin kaya lang bigla kayong dumating.” Sabi ni Chics.
“1, 2, 3, 4, 5. Sila lang? Lima lang? Hindi na namin kailangang kumurap dito eh . Kahit kayo lang kaya niyo na to. Di ba dati sampu yung kalaban niyo? Tapos ito lang di niyo kaya?” sabi ni Paul.
“Paul, di namin sila pwedeng patulan, schoolmates namin sila baka magsumbong yang mga baklang yan eh di mapapahamak kami. Kahit si Kiko lang kaya sila pero di talaga pwede dahil school mates nga namin sila.” Depensa ni Chics at napangisi si Paul at dinura ang chewing gum niya sa harap ng mga lalaki.
“Ganon ba? Sige kami na ang bahala sa mga to. Oh kaya tol gusto mo ikaw na lang? Napaaway kasi ako kanina eh, pito yung kalaban ko. Ikaw na muna para makapag warm up ka para sa rumble mamaya.” Sabi ni Paul at napangisi rin si Nico at dinura ang gum niya.
“Sure. Titirisin ko lang tong mga to. Manood na lang kayo diyan.” Sabi ni Nico at humakbang papunta sa mga kalalakihan. Habang umaabante ay umaatras naman ang mga lalaki.
“Te-teka. Nagbibiro lang naman kami eh. Wala naman kaming balak makipag away.” Sabi ng isang lalaki at huminto si Nico at lumingon kina Chics.
“Totoo ba yon Chics?”
“Hindi. May binalak pa ngang masama yang mga yan sa girlfriend ko eh.” Sabi ni Chics at tumayo na rin si Paul.
“Ibang usapan na pag tinalo ang syota ng kasama namin. Sorry to say kailangan kong makisama dito para siguradong durog kayo. Kulang pa nga yang parusa sa nagawa niyo eh. Mortal sin para sa amin ang nanunulot ng syota ng iba.” Sabi ni Paul at bakas na bakas na ang takot at panginginig ng mga lalaki.
“Ano tol? Game?” tanong ni Nico.
“Lets rip them apart.” Sagot ni Paul at lumuhod ang isang lalaki. Sumunod naman sa kanya ang mga kasama niya.
“Boss! Sorry! Di na kami magpapakita sa kanila pramis! Boss! Maawa kayo!” sabi ng lalaki na humahabol kay Claire.
“Di pwede, whats done is done. So either lalaban kayo or luluhod lang kayo diyan habang pinapatay naming kayo.” Sabi ni Nico. Naiyak na ang ilan sa mga lalaki sa sobrang takot.
“Boss! Please naman oh! Maawa na kayo sa amin mga bata pa kami.” Makaawa ng isang lalaki.
“Bata? Matanda na kayo eh. Naalala ko nakapatay na kami ng trese anyos eh. Diba tol?”
“Hindi, yung otso anyos yung pinakabata. Yung inihian yung kotse mo, remember?” sabi ni Nico.
“Ay oo, sorry naman. Ano? Tara na!” sabi ni Paul at nagsigawan ang mga lalaki habang umiiyak at nagmamakaawa. Tawa ng tawa sina Chics at Kiko sa likod.
“Gusto niyo talagang makaligtas?” tanong ni Paul.
“Opo Opo Opo!” sigaw ng mga lalaki.
“Sige, pagbibigyan namin kayo. Ganito na lang. Dilaan niyo yung gulong ng kotse ko habang gumagapang. Tapos pwede na kayong umalis. Pero pag ginulo niyo pa yung mga kasamahan namin at mga syota nila tandaan niyo matatagpuan na lang kayo ng mga magulang niyo na lumulutang sa ilalim ng tulay.” Banta ni Paul.
“Ano pang hinihintay niyo? Dila na!” sigaw ni Nico at parang maamong tupang gumapang ang mga lalaki at dinilaan ang gulong ng kotse ni Paul.
“Oh, Alis na! Bago magbago ang isip ko!” sigaw ni Paul at agad tumayo ang mga lalaki at nagtakbuhan. Tawa ng tawa si Chics at Kiko, pati si Paul at Nico nakisali na rin.
“Haha! Grabe! Kung nakita niyo lang kung gaano sila katapang kaninang wala pa kayo, matatawa talaga kayo sobra!” sabi ni Chics.
“Kahit nga di namin nakita natatawa pa rin kami eh.” Sabi ni Nico at nagtawanan lalo ang apat. Paglingon ni Chics nakita niya si Claire na maluha luha pero tawa ng tawa. Agad tumakbo ang dalaga at niyakap si Chics.
“Sabi ko doon ka lang eh.” Sabi ni Chics.
“Eh nagalala ako eh. Pero grabe nakakatawa sila.” Sabi ni Claire habang tumatawa. Lumapit si Nico kay Claire at natakot ang dalaga.
“Claire, Kuya ko yan. Di yan talaga gangster nakunwari lang yan.” Sabi ni Chics at napangisi si Claire.
“Ikaw pala si Claire. Ingatan mo kapatid ko ah?” sabi ni Nico.
“Yes Kuya!” sagot ni Claire at nagtawanan sila.
“Ikaw pala ang girlfriend ni Chics.” Sabi ni Paul.
“Paul? Ikaw yan? Di kita nakilala ah.” Sabi ni Claire at inalis ni Paul ang salamin niya.
“Hi Claire, Musta?” tanong ni Paul.
“Okay naman, tumutugtog ka pa?”
“Di na eh. Busy sa college. Ikaw?” tanong ni Paul.
“Nag quit na ko. Busy rin kasi graduating na.” sagot naman ni Claire. Nalilito naman ang tatlo sa kanila.
“Magkakilala kayo?” tanong ni Kiko.
“Oo, pareho kaming taga music club noong nasa highschool pa siya.” Sagot ni Claire.
“Talaga? So magkakilala pala kayo?” tanong ni Chics.
“Oo nga eh! bingi ka ba?” sabi ni Paul at natagtawanan sila.
(Present)
Maagang nagising si Chics at nakita niya ang Kuya niya nag nagluluto ng itlog para almusal. Bumaba ang binata at naupo sa mesa.
“Oh Chics. Teka sandali nalang to.” Sabi ni Nico habang naghuhum pa habang nagluluto.
“Bakit parang masaya ka ngayon?” tanong ni Chics.
“Eh 1st monthsary namin ni Misa mamaya eh. Excited lang ako.” Sagot ng kuya niya.
“Ahh. Good for you.” Mahinang sagot ni Chics at napabuntong hininga na lang ang kuya niya.
Pagkatapos kumain ay muling bumalik ang binata sa kwarto niya at nagmukmok. Di pa rin niya maalis sa isip niya si Claire. Malaki pa rin ang hinanakit niya sa dalaga. Pero mahal niya ito. Nalilito siya kung ano ba ang dapat gawin.
Lumipas ang ilang linggo at bumalik na rin ang dating sigla ni Chics. Hindi pa rin siya nakakapag move on pero hindi niya ito pinapahlata. Araw araw pinipilit niyang alisin sa isip niya si Claire pero di niya magawa.
Friday dismissal, tumambay si Claire sa quadrangle sa school nila. Sumuko na siya sa pagpapadala ng text messages kay Chics pero hindi pa rin siya nawawalan ng pagasa na magkakabalikan sila. Ilang sandali pa ay dumating si Paul at nakitabi sa kanya. Tiningnan niya si Paul ngunit diretso lang ang tingin ng binata.
“Kumusta siya?” tanong ni Claire.
“Okay naman. Ayun, balik na sa dati. Di na masyadong nagmumukmok. Pero sigurado ako di pa siya nakakapagmove on. Kilala ko yon eh. Tinatago lang niya yung nararamdaman niya.”
“I hope I could make things right. I really miss him. Sobra.” Sabi ni Claire at unti unti nang napapaluha.
“Don’t worry, alam ko magkakabalikan kayo. Maybe you both just need some time off. Wala pa namang one month pero I really hope na bago ang monthsary niyo magkaayos na kayo.” Sabi ni Paul pero tahimik lang si Claire.
“Why don’t you prepare something special for you monthsary? Kaming bahala tutulungan ka namin.” Sabi ni Paul at lumiwanag ang mata ni Claire.
“Ano namang gagawin ko?”
“Prepare a romantic dinner date. Sisiguraduhin naming pupunta siya.” Sabi ni Paul.
“Eh saan ko naman gagawin yon?” tanong ni Claire at napaisip si Paul.
“Hmmm. Teka, anong araw ba ang 15?” sabi ni Paul at tiningnan ang phone niya. “Tamang tama, Wednesday. Pangabi siya diba? So ano kaya kung doon ka sa apartment namin? Patulong tayo sa mga pinsan mo maghanda. Tapos pagdating niya iiwan namin kayo. Ano?” tanong ni Paul at napaisip si Claire pero di niya maitago ang ngiti niya.
“Okay. Thank you talaga!” sabi ni Claire at natawa si Paul.
“Kausapin ko na sina Gela para makatulong sila. So sa Wednesday ha. I know kaya mo yan.” Sabi ni Paul.
“I hope maging maayos ang lahat.” Sabi ng dalaga.
Wednesday ng hapon, agad nag handa sina Claire para sa dinner date. Kasama niya si Gela at Aya sa pagluluto. Tumulong din ang mga boys sa pag setup ng apartment. Tinabi nila lahat ng sofa at pati ang mga appliances sa sulok at naglagay ng maliit na mesa sa gitna. Pinatungan nila ito ng pulang tela. 6:30 pm na at 30 minutes na lang ay darating na si Chics. Hinanda na ng lahat ang mga kailangan at tinulungan ng mga girls magbihis si Claire. Nagkalat naman ng rose petals ang mga boys sa sahig sa paligid ng table. Ilang minuto pa at dumating si Chics. Natawa agad siya sa nakita niya.
“Ano to? Anong meron? Darating ba si Ate Misa?” tanong ni Chics. Hindi sumagot ang tatlong binata. Ilang sandali pa ay nagbukas ang kwarto ni Nico at napatingin ang apat na lalaki sa taas. Lumabas si Claire kasama sina Gela at Aya. Agad inalis ni Chics ang kanyang tingin at tumingin na lang sa malayo. Unti unting bumaba ang tatlo sa hagdan.
“Uhm, maiwan muna namin kayo ah. Guys tara.” Sabi ni Gela at lumabas lahat sila. Nanatiling hindi nagkikibuan ang dalawa. Naglakas loob si Claire at lumapit kay Chics.
“Happy 13th monthsary.” Mahinang bigkas ni Claire ngunit di sumagot si Chics.
“Halika maupo tayo.” Sabi ng dalaga. Hindi sumagot si Chics pero naupo sa mesa. Umupo rin si Claire.
“Ano bang balak mo?” tanong ni Chics.
“I just want to celebrate this special day with you. Oh kain na, niluto ko ang paborito mo.” Sabi ni Claire at pinangkuha ng pagkain si Chics.
“Meron pa bang dapat i-celebrate? Matagal na tayong wala.” Sabi ni Chics. Bigla na lang bumigat ang dibdib ni Claire sa sinabi ng binata. Naiiyak siya ngunit pilit niyang pinigilan.
“Ah, eto oh tikman mo. Ako gumawa niyan.” Sabi ni Claire akmang susubuan ang binata. Hindi natinag si Chics at ibinaba na lang ni Claire ang kutsara at napayuko.
“Claire, walang patutunguhan to. Mabuti pa umuwi ka na.” sabi ni Chics at hindi na napigilan ni Claire ang maluha.
“Chics, wag ka namang ganyan. Mahal kita. Please. Don’t do this.” Sabi ng dalaga tuluyan ang bumuhos ang luha sa kanyang mga mata.
“Claire pwede ba? Tigilan mo nga ako!” sabi ni Chics at tumayo sa kinauupuan niya. “Makakaalis ka na.” dagdag ng binata lumabas ng apartment.. Naiwan naman ang dalaga sa mesa na umiiyak. Dumaan si Paul para tingnan kung anong nangyayari nakita niyang lumabas si Chics ng gate. Nakita niya ang dalaga na walang tigil sa kakaiyak.
Nagsipasukan ang mga girls sa apartment nina Nico at pilit dinadamayan si Claire.
“Wala na, wala na talaga.” Sabi ni Claire habang yakap yakap ni Aya.
“Shhh. Tama na. Baka kailangan lang niyang magpalamig. Maayos din ang lahat.” Sabi ni Aya. Lumabas na lang ang mga boys para hanapin si Chics. Iyak pa rin ng iyak si Claire.
“Claire, tama na. Kakausapin ko si Chics don’t worry.” Sabi ni Gela.
“Kasalanan ko to. This is all my fault.”
“Don’t blame you self. Its not your fault.” Sab ni Aya.
“Wala na. He wont be coming back. He doesn’t love me anymore.” Sabi ni Claire.
“Don’t say that. I know he still feels the same way you feel for him. Ma pride lang talaga si Chics but eventually he will overcome that pride at magkakaayos kayo. Time will come and the wounds will eventually heal. Kung mahal niyo pa rin ang isa’t isa sa mga oras na yon, sigurado ako magkakabalikan kayo” Sabi ni Aya pero di pa rin tumigil si Claire sa kakaiyak. Dumating sina Nico at hindi nila nahanap si Chics. Inihatid ni Nico si Claire at sumama sina Gela at Aya sa kanya.
Saturday morning, nagising si Chics ng isang miss call. Nakita niyang si Claire ang tumawag. Meron din isang text message galing sa dalaga.
“Chics, lets fix this. I will will w8 at tHe usuaL pLace. 11 am. pLs come. mghihinTay ako hnggang dumating ka.” Sabi ng dalaga. Walang balak pumunta si Chics at bumalik sa pagtulog.
Dumating si Claire sa lugar ng pinagusapan. Inaasahan niya talagang darating si Chics para makipagusap. At kung sakaling sabihin ng binata na wala na talaga, tatangapin niya ito.
Isang oras ang lumipas at wala pa ring dumarating. Ngunit di pa rin nasisiraan ng loob ang dalaga. Wala siyang balak umalis. Maghihintay siya hanggang dumating ang lalaking mahal niya.
Nagising si Chics ng 1 pm. Naisipan niyang lumabas kaya agad siyang naligo at nagbihis. Mga 1:30 na ng hapon ng makarating siya sa mall. Naisip niya si Claire pero agad niyang sinabi sa sarili na imposibleng nandoon pa ang dalaga. Pero hindi niya mapigilan ang sarili niya na dumaan sa fast food resto. Natigilan siya sa nakita niya. Nandoon pa at naghihintay si Claire sa kanya. Sa lugar kung saan sila palaging umuupo. Napansin din niyang may mga lalaking lumapit kay Claire. Pero hindi siya umalis sa kinatatayuan niya.
Sa tagal ng paghihintay ni Claire, maraming lalaki ang nakakita sa kanya. Kabilang na dito ang isang grupo ng kalalakihan na naupo sa table malapit sa kanya. Kanina pa siya pinagmamasdan ng mga lalaki. Natapos na lang silang kumain at wala pa ring dumarating na kasama ang dalaga. Tumayo sila at nilapitan ito.
“Ah, miss, may kasama ka?” tanong ng isang lalaki. Tumingin si Claire sa kanila at ngumit.
“Oo, hinihintay ko lang dumating.” Sagot ng dalaga.
“Eh, miss. Tingin ko di na darating yung kasama mo. Halos isang oras na kaming kumakain dito at kanina ka pa namin napapansin.”
“No, he’ll come.” Sagot ng dalaga.
“Gusto mo sumama ka na lang sa amin. Para naman hindi masayang ang paghihintay mo.” Sabi ng isang lalaki.
“No thank you.” Sagot ng dalaga.
“Sige na miss. Sandali lang naman eh. Promise mageenjoy ka.”
“Ayoko. Please umalis na kayo.” Sabi ni Claire ngunit nagtawanan lang ang mga lalaki.
“Wala ka pala pare eh, kumukupas ka na.” sabi ng isang lalaki.
“Haha, umalis kasi si Tony eh. Siya ang magaling sa mga babae.” Sabi ng isang lalaki.
“San ba kasi nagpunta yon?” tanong ng isa.
“May binili lang sandali pero pabalik na siguro yon. Tol hintayin mo na lang si Tony tsaka ka dumiskarte. Palpak ka eh.” Sabi ng isang lalaki at nagtawanan sila.
“Tang ina ka wag kang magulo.” Sagot ng lalaki at muling humarap kay Claire. “Miss, tara na. May koste ako libot tayo.” Sabi niya at hinawakan ang kamay ng dalaga.
“Please umalis na kayo. May hinihintay pa ako dito.” Sabi ni Claire ngunit lalo pang hinigpitan ng lalaki ang kapit niya kay Claire.
“Wala ka namang hinihintay miss eh. Aminin mo na lang nagpapacute ka rin sa amin. Sumama ka na. Wag kang pakipot.” Sabi ng lalaki at nagmatigas si Claire.
“Ano ba?! Bitawan mo nga ako!” sabi ni Claire. Hindi na nakatiis si Chics at agad pinuntahan ang dalaga. Pagdating sa table ay inalis niya ang kamay ng lalaki at tiningnan ito ng masama. Sabay lingon ulit kay Claire at hinalikan ito sa pisngi. Nagulat naman ang dalaga at agad namula.
“Sorry I’m late. I know wala akong dahilan. Tara na?” sabi ni Chics ngunit di pa rin makasagot si Claire.
“Pare sino ka ba?” tanong ng isang lalaki.
“Boyfriend niya bakit? Ikaw sino ka?” tanong ni Chics. Di naman maitago ni Claire ang ngiti niya sa narinig niya.
“Talaga? Sorry pare pero trip namin yang chick mo eh.” Sabi ng isang lalaki at nanigas ang kamao ni Chics.
“Pare umalis na kayo kung ayaw niyo ng gulo.” Sabi ni Chics at nagtawanan ang mga lalaki.
“Bakit pare kakasa ka?” tanong ng isang lalaki. Merong biglang humawak sa balikat niya at napalingon sila sa likuran nila. Nakatayo doon sina Paul, Nico at Kiko at pawang nakangisi ang mga ito.
“Kayo pare kakasa kayo?” tanong ni Paul. Nasindak ang mga lalaki sa laki ng katawan ni Paul pero nagmatigas pa rin sila.
“Sino ba kayo ha?” tanong nila.
“Di niyo na kailangang malaman, umalis na kayo kung ayaw niyong maospital.” Sagot ni Nico.
“Sa labas na lang oh.” Sabi ng isang lalaki at natawa sina Nico.
“Sure.” Sagot ni Nico. Bago sila lumabas ay dumating si Tony, ang taong hinihintay ng mga kalalakihan. Palingon niya pa lang sa lugar nina Nico ay bakas na ang takot sa mukha niya. Nagalangan siyang lumapit pero nakalapit rin siya.
“Oh, Tony andito kana pala. Tamang tama we need extra numbers.” Sabi ng kasama niya at nagtawanan sila.
Tiningnan siya nina Nico at Paul at namukhaan nila si Tony.
“Kilala kita ah.” Sabi ni Nico at di na mapakali si Tony at napatingin kay Claire.
“Pare anong ginawa niyo? Wag niyong sabihing nilapitan niyo si Claire?” tanong ni Tony at nagtaka ang mga lalaki.
“Bakit ba pare?” tanong ng lalaki.
“Pare untouchable nung highschool si Claire. Shet we’re in trouble.” Bulong ni Tony.
“Ano bang pinagsasabi mo ha!?” sigaw ng lalaki at humarap si Tony kina Nico.
“Boss sorry talaga. Di nila alam. Di naman nila alam na kayo yon. Please boss sorry talaga.” Sabi ni Tony at napangisi sina Nico.
“Naalala na kita.” Sabi ni Nico at talagang bakas na ang takot sa mukha ni Tony.
“Sige. Umalis na kayo. Ngayon na habang maganda ang mood ko.” Sabi ni Nico.
“Pare tara na dali!” sabi ni Tony pero di pa rin umalis ang mga lalaki.
“Pare sino ba ang mga to?”
“The incident last year, yung kinukwento namin sa inyo. Sila yon.” Bulong ni Tony at nagbago ang mukha ng mga lalaki. Biglang naging maamo.
“Oh shet. So siya yung babae na sinasabi niyo?” tanong ng isa at tumango lang si Tony. Di kalaunan ay umalis din ang mga lalaki habang humihingi ng tawad.
“Mga tol! Tara na! Chics maiwan na namin kayo dito.” Sabi ni Paul at ngumit si Chics.
“Just like last year.” Sabi ni Chics.
“1 year and 1 month ago.”dagdag ni Nico at napangiti sila.
“Bakit kayo andito?” tanong ni Chics.
“Oh we just happen to pass by.” Sabi ni Kiko.
“Bakit niyo ako sinundan?” tanong ni Chics.
“Hay. Oo na sinundan ka namin. Nagalala lang kami eh. Bigla kang umalis nang di nagpapasabi. At isa pa balak rin naman naming malibot eh.” Paliwanang ni Paul at napangisit si Claire at Chics.
“Oh siya! Una na kami.” Sabi ni Nico. Umalis na sina Nico at naupo si Chics at Claire sa table. Ilang sandaling tahimik ang dalawa.
“Okay ka lang?” tanong bigla ni Chics. Tumango lang si Claire at ngumiti.
“Order na tayo?” tanong ulit ng binata.
“Uhm, Chics?”
“Bakit?”
“Totoo ba yung sinabi mo kanina? Na boyfriend kita?” tanong ni Claire at ngumit si Chics.
“Oo naman. Bakit hindi na ba?”
“Eh diba sabi mo dati-“ sabi ni Claire ngunit pinutol ni Chics ang sasabihin niya.
“Wala yon. Magulo lang ang isip ko. Claire, im really really sorry. Alam kong nasaktan kita ng sobra. Mas grabe pa ang sakit na naramdaman mo kaysa sa akin at napakatanga ko dahil ngayon ko lang narealize yon.” Sabi ni Chics at hinawakan ang mga kamay ng dalaga.
“I promise to never doubt you again. I will trust you with all my life. Promise di na kita papaiyakin.” Sabi ni Chics at naluluha na si Claire.
“Claire, matatanggap mo ba ako ulit? Sa kabila ng mga nagawa ko sayo?” tanong ni Chics at napangiti si Claire at nagpunas ng luha niya.
“Di na mahalaga ang nangyari noon. Whats important is tayo na ulit. Chics I love you.” Sabi ni Claire at napangiti na rin si Chics.
“I Love you too Claire.” Sabi ni Chics at natawa ang dalawa. Ilang sandali pa ay may kinuha si Claire sa bag niya. Naglabas siya ng isang maliit na box at binuksan ito. Laman nito ang mga singsing na binili niya para sa 1st anniversary nila.
“Sorry, this was meant for our first year together. Pero medyo na delay. Happy 13th monthsary. I hope these rings will bind us forever.” Sabi ng dalaga at isinuot ang singsing sa binata. Speechless si Chics habang binabasa ang naka engrave sa singsing.
“Thank you. Thank you talaga.” Sabi ni Chics at siya naman ang nagsuot ng singsing ni Claire.
“Sorry di ko nadala yung anniversary gift ko.” Sabi ni Chics.
“Okay lang. uhm, gutom na ako.” Sabi ni Claire at natawa si Chics.
“You never changed. Na miss kita sobra.” Sabi ni Chics.
“I missed you too.” Sagot ni Claire.
“Order na tayo?” tanong ni Chics.
“Sure! Same order as usual.” Sabi ni Claire at napangiti si Chics at tumayo na. Lumingon siya ulit kay Claire at tinawag ito.
“Claire!” sabi ni Chics at lumingon ang dalaga.
“Happy 13th monthsary!” sabi ni Chics at gumuhit ang ngiti sa mga labi ni Claire.
2 comments:
What a nice post. I really love reading these types or articles. I can?t wait to see what others have to say.
thanks amigo! great post!.
Post a Comment