Tuesday, November 30, 2010

A Wonderful Life
By: Nico and Paul

Chapter 17: In This Corner

Sabado, nagtungo si Nico at Paul sa gym kung saan nag nag wo-work out si Paul. Pagkapark ng kotse ay bumaba ang dalawa at nilakad ito.

“Tol, kailangan ba talaga nating gawin to?” tanong ni Paul.

“Ang alin?” tanong naman ni Nico.

“Hamunin si Vince. Tol sinasabi ko sayo, magaling siya.”

“Tol, we’ll just talk okay?” sabi ni Nico at di na nagsalita si Paul.

Nakarating ang dalawa sa Gym at agad hinanap ang pakay nila. Nalaman nilang hindi ito nagpunta sa gym. Tila nadismaya si Nico at umuwi na ang dalawa. Pagsapit ng lunes, nagpasama nanaman si Nico sa gym ngunit wala rin ang pakay nila doon. 

Nung hapong yon, nakaupo si Misa sa corridor at tahimik na nagbabasa nang tinabihan siya ni Vince. Napangiti ang dalaga dahil dinalhan siya ng pagkain ng binata.

“Thanks. Tamang tama gutom na ako.” Sabi ni Misa.

“No problem. So ano? Tara lets eat!” sabi ni Vince at sabay na pinagsaluhan ang pagkain.

“Amazing.” Sabi ni Vince habang pinagmamasdang kumain si Misa.

“Huh? Bakit?”

“Eh kasi, kahit kagagaling mo lang sa break up, yung apetite mo parang di naman naapektohan. So nakapag move on ka na ba?” tanong ng binata at napasimangot si Misa.

“Okay, sabi ko nga hindi pa. Wag mo na akong pansinin kain lang ng kain.” Sabi ni Vince at nagpatuloy sa pagkain.

“Vince?”

“Ow?”

“Bakit parang ang hirap para sa akin na patawarin siya? Alam ko, It was just a kiss, pero bakit-“

“Ano? Bakit kahit isang halik lang ang nakita mo di mo siya mapatawad? Samantalang ako niloko kita at iniwan pero napatawad mo ako? Ganon ba ang ibig mong sabihin?” sabat ni Vince at napayuko ang dalaga.

“Well, ewan ko. If you love someone so much, dalawa lang ang pwedeng mangyari. Una, you love him so much na isang hingi lang niya ng tawad ay mapapatawad mo na siya agad. Pangalawa, you love him so much na sobra kang nasaktan sa nakita mo at di mo siya makuhang mapatawad dahil sa takot na masaktan ulit.” Sabi ni Vince ngunit di nakasagot Misa.

“Eh kung ngayon? Pumunta siya dito at humingi ng tawad sayo? Patatawarin mo ba siya?” tanong ng binata.

“I really don’t know. I love him so much. Pero palagi kong iniisip, anong laban ko kay Gela? Na kasama niya eversince nagkamalay siya. Na kasama niyang lumaki. Na malamang unang minahal niya. Yes, I’m scared. Dahil baka kahit magkabalikan kami ay mangyari ulit yon. I can feel that Gela has feelings for him. At pati siya meron. Ano bang laban ko don?” sabi ni Misa.

“Maybe your right. But what if your wrong? What if he loves you so much that if ever magkabalikan kayo, hindi na siya gagawa ng kahit na ano na ikasasakit ng loob mo?” sabi ni Vince.

“Paano ko malalaman yon? Its better this way. Ayoko na.” sabi ng dalaga at unti unti nang tumutulo ang mga luha sa kanyang mga mata.

“Misa, I’m so sorry. Kung di dahil sa akin, di ka magkakaganito. Alam kong takot kang masaktan dahil sa nagawa ko sayo dati. Im so sorry.” Sabi ni Vince at pinunasan ni Misa ang kanyang mga luha.

“Tapos na yan. Tara kain na tayo. Lumalamig ang pagkain.” Sabi ni Misa. Napangiti silang dalawa at nagpatuloy sa pagkain.

Sumapit ang Thursday at halos araw araw ay pabalik balik si Paul at Nico sa Gym. Palagi nilang hindi naabutan si Vince doon kaya nagpasya si Nico na itigil na lang ang balak niya.

“Tol, bakit ba kasi gustong gusto mong makaharap yung Vince na yon?” tanong ni Paul.

“Anong makaharap? Tol gusto ko lang siyang makausap. Yun lang talaga. About don sa boxing thing, nagbibiro lang ako.” Sabi ni Nico at tila nakahinga nang maluwag si Paul.

Sabado ng hapon, nakahiga si Nico sa kama niya, nakatunganga. Matapos ang ilang sandali ay may kumatok sa pintuan, agad siyang tumayo at binuksan ito.

“Oh Gela, ikaw lang pala.” Sabi ni Nico.

“Ay, hihi. Nagulat ba kita? Asan ba kasi mga tao dito?”

“Umalis sila eh. Si Kiko umuwi sa kanila para kunin yung ibang gamit niya. Bakit ba kasi anong petsa na ngayon lang naisipang kunin. Si Chics naman as usual kasama si Claire. Tapos is Paul, ewan ko nagpunta yatang school.” Sabi ni Nico at natawa si Gela.

“Bakit?”

“Hay nako. Talagang inexplain mo noh?” sabi ni Gela at napakamot na lang si Nico.

“Ay, halika pasok.” Sabi ni Nico. Pumasok ang dalaga at naupo sa kama.

“Di na yata dumadalaw si Misa dito? Dati kasi halos every week nagpupunta siya eh.” Tanong ni Gela.

“Ah, kasi, eh ano, busy kasi siya eh.”

“Ah. Bakit daw siya lumipat?”

“Gusto daw ng parents niya eh. Okay lang naman di naman masyadong malayo yung school nila diba? Si Prince Charming mo nga doon nagaaral diba? Kumusta na nga pala siya? Lulubog lilitaw pa rin ba?” tanong ni Nico. Pilit niyang inaalis ang topic tungkol sa kanila ni Misa.

“Ah, medyo. Pero at least nabawasan na. Ewan ko dun. Badtrip lang ako. Wag na natin siyang pagusapan.” Sabi ni Gela at nagsalubong ang mga kilay niya.

“Ah, so galit ka kasi di tumatalab ang charm mo ganon?” tanong ni Nico.

“Iiiyh! Hindi kaya!”

“Aminin mo na.” tukso ni Nico at lalong nainis si Gela.

“Che! Tigilan mo nga ako! Pareho lang kasi kayo! Torpe!” sigaw ni Gela at natawa si Nico.

“Torpe siya? Nako mahihirapan ka. Kahit tumalab man ang charm mo di yan lalapit. Mas malaki pa ang pagasa pag bading siya.” Biro ni Nico at binato siya ni Gela ng unan.

“Shut up! At least mas gwapo siya sayo noh!” sabi ni Gela.

“Duh? Aanuhin ang kagwapuhan kung lalaki rin naman ang hanap niya diba?”

“Tama na nga! Wag na natin siyang pagusapan.” Sabi ni Gela at tumigil si Nico. Naupo siya sa tabi ng bestfriend niya.

“Hay nako. Mahal mo ba yung lalaking yon?”

“Not as much as I love you.” Pacute ni Gela at natawa si Nico.

“Gela.”

“I know. It was just a joke. Half meant nga lang.” biro ni Gela.

“Sus. Ikaw talaga. Oh siya! Alis na ako!” sabi ni Nico at tumayo sa kama.

“Saan ka pupunta?” tanong ni Gela.

“Kina Misa.”

Nagtungo si Nico sa mall at naglakad lakad. Naglibot siya doon hanggang gabi. Pagkatapos nito ay umalis na siya at naglakad lakad. Dinala siya ng mga paa niya sa bahay nina Misa. Tumingin siya sa bintana sa kwarto ng dalaga at naupo sa sidewalk. Halos isang oras na siyang nakaupo doon nang biglang nagbukas ang pinto. Nakita niya si Misa na lumabas at may dalang bag ng basura. Binuksan nito ang gate at itinapon ang basura. Agad tumayo si Nico at nakita siya ng dalaga. Agad tumakbo si Nico papunta sa kanya.

“Misa! Pwede ba tayong magusap?”

“Sige, magsalita ka.” Sabi ng dalaga. Napabuntong hininga si Nico at tiningnan ang dalaga sa mata.

“Misa, Wala na ba talaga?” tanong ni Nico ngunit di sumagot ang dalaga.

“Misa, I love you. Please. Give me one last chance. Just one chance. At papatunayan ko sayo na ikaw lang talaga ang mahal ko.” Sabi ni Nico.

“Umuwi ka na. Magsama kayo ni Gela.” Sagot ng dalaga.

“Misa, walang kasalanan si Gela. Ako ang may kasalanan at pinagsisisihan ko yon. Please, just give me one last chance.” Makaawa ni Nico.

“Pinagtatanggol mo pa siya. Nico, ayoko na. Anong laban ko sa pinagsamahan niyo ni Gela? Magkasama kayong lumaki. Kilalang kilala niyo ang isa’t isa. At alam kong mahal ka niya. Ayoko nang masaktan pa. Please umalis ka na.” sabi ni Misa.

“Misa, please.”

“Umalis ka na!” sabi ni Misa at tumakbo papunta sa gate.

“Please don’t come here again.” Sabi ng dalaga sabay sara ng gate. Nanatili namang nakatayo sa tapat ng gate si Nico. Matapos ang ilang sandali ay dahan dahang naglakad palayo ang bianta.

Lunes ng hapon, naisipan ni Nico na dumaan sa Gym. Pumasok siya sa loob at agad nagtungo sa ring. Nakita niya si Vince na nasa taas ng ring. Nakita naman siya ng binata at agad bumaba.

“Vince, magusap tayo.” Sabi ni Nico.

“Bakit anong problema?” tanong naman ni Vince.

“Anong habol mo kay Misa?” tanong ni Nico at natawa si Vince.

“Ano bang sinasabi mo ha?”

“Wag ka nang magmaang-maangan pa. Ano? Mahal mo pa ba siya?” tanong ni Nico.

“Eh kung sinabi kong oo?” sagot ni Vince at agad hinablot ni Nico ang damit niya.

“Ano ba talagang balak mo? Balak mo ba siyang lokohin ulit?” tanong ni Nico.

“Wala akong balak lokohin siya. Oo, I Loved her before and I still love her now.” Sabi ni Vince.

“Talaga!? Eh bakit mo siya niloko?” tanong ni Nico.

“Maybe the same reason kung bakit mo siya niloko.” Sagot naman ni Vince. Binitawan ni Nico ang damit ng binata at inayos naman nito ang sarili niya.

“Wag mo akong igaya sayo. Di ko siya niloko.” Sabi ni Nico at napangiti si Vince.

“I don’t believe you.”

“Why don’t we just settle this? Lalake sa lalake.” Sabi ni Nico.

“Ha? Are you telling me you want to fight me?” tanong ni Vince.

“Bakit? Takot ka?”

“Nope. Boxing?”

“Sure.” Sagot naman ni Nico.

“Sigurado ka? Di kita pinatulan noong una tayong magkita. Remember? Nung kayo pa ni Misa? Pero I assure you di ako magpipigil this time.”

“Sure. Para naman may fighting chance ka.” Sabi naman ni Nico.

“Wow. Pare kampante ka yata?”

“Di naman. Nagsasabi lang ng totoo. Game?” tanong ni Nico at napangisi si Vince.

“Dahil considerate ako, I’ll give you two days to practice. Come back here at Wednesday.”

“Bakit di pa ngayon? I’m ready.” Sabi ni Nico. Tiningnan siya ni Vince mula ulo hanggang paa habang nakangisi.

“Wednesday.” Sabi ni Vince at tinapik si Nico sa balikat.

Lumipas ang isang araw ad di pa naghahanda si Nico para sa laban niya. Tila wala siyang pakialaam. Kinagabihan, nakatambay sa terrace si Nico kasama si Paul habang nagkukwentuhan.

“Tol, sure ka ba bukas?” tanong ni Paul

“Kung ikaw ba nasa pwesto ko anong gagawin mo?”

“Sabi ko nga sure ka. Pero tol magaling siya. Nakasparring ko na siya dati wala man akong laban kahit di pa siya seryoso.” Sabi ni Paul at napangiti si Nico.

“Tol! Parang walang kang pakialam ah.”

“Di naman. Basta. Ako nang bahala.”

“Eh ano ba kasing mapapala mo diyan? Kung manalo ka? Tapos ano na?” tanong ni Paul.

“Ewan ko.” Sagot naman ni Nico at napabuntong hininga si Paul.

“Hay nako. Pasensya na, di kita masasamahan bukas. May lakad kasi kami ni Danica eh. Alangan naman isama ko siya doon? Baka mag collapse pa yon.” Sabi ni Paul at natawa si Nico.

“Okay lang. Thanks anyway.”

1 pm kinabukasan, agad nagpunta si Nico sa gym. Hindi na siya pumasok sa afternoon class niya. Pagpasok sa gym ay agad siyang nagtungo sa locker room para magbihis. Paglabas niya ay nakita niya si Vince na nasa taas na ng ring. Nilapitan siya ng isang lalake na may dalang gloves at boxing helmet.

“Oh pogi suot mo na tong gloves.” Sabi ng lalake at tinulungan siyang isuot ang gloves.

“Oh, suot mo din tong helmet.” Sabi ng lalake. Tiningnan niya si Vince at nakitang wala itong helmet.

“Bakit siya wala?” tanong ni Nico at narinig naman siya ni Vince.

“Di ko na kailangan yan. Pero ikaw kailangan mo yan. Trust me. Ikaw din sige.” Sabi ni Vince.

“Di ko susuot yan. Para patas.” Sabi ni Nico at natawa ang lalaki.

“Ikaw bahala.”

Umakyat na si Nico sa ring. Naupo ang dalawa sa magkabilang corner. Nagkatinginan sila. Umakyat ang lalake sa ring at nagsalita.

“Oh, sparring lang to ah. 4 rounds lang.” sabi ng lalaki. Bumaba na ito at agad tumayo si Vince. Tumayo rin si Nico at lumapit sila sa isa’t isa.

Nagpakiramdaman pa ang dalawa. Paikot ikot lang sila sa loob ng ring. Si Nico ang unang nagbitaw ng sunok ngunit naiwasan lang ito ni Vince. Nagbitaw ba siya ng ilang mga suntok ngunit maging ang mga ito ay naiwasan ng kalaban niya. Paikot ikot lang sa ring si Vince at tila naglalaro lang. Nakorner siya ni Nico kaya agad siyang nagbitaw ng straight. Ngunit bago pa tumama ang kamao niya ay naramdaman niyang may tumama sa baba niya. Sa lakas ng tama ay napaupo siya. Natamaan na pala siya ng uppercut.

“Kaya pa?” tanong ni Vince habang nakangisi. Di sumagot si Nico at agad tumayo para ipagpatuloy ang laban.

Nagpatuloy ang laban at natapos ang 2nd round. Nakaupo sa corner si Nico. Nakita niyang dumating si Paul at Danica kaya medyo nabuhayan siya.

“Tol okay ka lang?” tanong ni Paul.

“Oo. Teka akala ko may lakad kayo?”

“Eh kasi nung sinabi ko kay Danica nagpumilit siyang pumunta dito eh.” Sagot naman ni Paul at napangiti si Nico.

“Thank you Danica.” Sabi ni Nico at napangiti ang dalaga.

“Itumba mo yan.” Sabi ni Danica at natawa ang dalawang binata.

Napatuloy ang laban at halos bugbog na si Nico pagdating ng fourth round. Maga na ang kanang maya niya at may maliit siyang hiwa sa kaliwang pisngi. Magaling si Vince pagkat kada isang suntok na maitatama ni Nico ay pinapalitan naman ito ng lima ni Vince. Halos di na makatingin si Danica sa ring. Alalang alala naman si Paul para sa kaibigan niya. Pero alam niyang wala pa ito sa mga sugat na natamo niya noong huling nakipagaway si Nico. Paglingon niya ay nakita niya si Misa na nakatayo sa likod niya. Gulat na gulat ang expresyon nito. Nakita rin ni Nico ang dalaga kaya nawala siya sa focus. Di naman sinayang ni Vince ang pagkakataon at nagbitaw ng malakas na suntok. Sapol si Nico at halos mapaupo na ngunit sinubukan niyang tumayo. Susuntok pa sana si Vince pero biglang sumigaw si Misa. Napatingin si Vince sa direksyon ng dalaga. Agad namang nagbitaw si Nico ng suntok at napuruhan sa sikmura si Vince pagkat di niya ito napaghandaan. Napaupo ang dalawa sa ring at agad tumakbo si Misa papunta sa kanila.

“Ano bang pinag-gagawa niyo ha!?” tanong ng dalaga. Hindi nakasagot ang dalawang lalake. Tumayo si Nico at dahan dahang bumaba ng ring.

“Nico saan ka pupunta!? Bakit ba ang hilig mong makipag away ha!?” tanong ni Misa pero di sumagot ang binata. Hinubad niya ang gloves at kinuha ang kanyang bag sabay naglakad palabas ng Gym. Napatingin si Paul at Danica kay Misa at nakita nila ang pagaalala sa mukha nito. Tumayo rin sila at sinundan si Nico sa labas.

Pagdating sa labas ay agad kinuha ni Paul ang dalang bag ni Nico at tinulungan itong maglakad papunta sa kotse. Pagsakay sa loob ay tiningnan ni Danica ang mga sugat niya.

“Tol, okay ka lang?”

“Mukha ba akong okay?” tanong ni Nico.

“Sabi ko nga okay ka lang. Nakakapag joke ka pa eh.” Sabi ni Paul at natawa si Danica.

“Gusto mong dalhin kita sa ospital?” tanong ni Paul at di sumagot si Nico.

“So that’s a no.”

“Pao ako nang bahala sa kanya. Uwi na lang natin siya sa apartment.” Sabi ni Danica at pumayag si Paul.

“Tol bakit di mo pinansin si Misa kanina?”  tanong ni Paul.

“Kasi ayokong makita niya akong ganito.” Sagot ni Nico.

Sa gym naman, magkatabing nakaupo si Misa at Vince sa bench. Nagpupunas ng mukha ang binata habang malayo naman ang tingin ni Misa.

“Vince, bakit kayo nagaway ni Nico?” tanong ni Misa.

“Eh siya yung naghamon eh. Alangan nama tumanggi ako diba?”

“Kahit na. Bakit mo siya pinatulan? Kaya mo ba ako tinext? Kaya mo ba ako pinapunta dito? Para makita yung nakita ko kanina?” tanong ng dalaga.

“Uy hindi naman. Nagpunta kasi siya dito. Sabi niya gusto ka daw niyang makausap. Kaya kita tinext. Pero di ko naman alam na hahamunin niya ako eh. Biglaan yon.” Sabi ni Vince. Napayuko si Misa at natahimik.

“Nagaalala ka no?” tanong ni Vince.

“That’s not important.” Sagot ng dalaga.

Kinagabihan, nagpahinga si Nico sa sofa sa sala. Ilang sandali pa ay pumasok si Gela. Npaatingin si Nico sa pinto at agad nagtakip ng mukha ngunit nakita na ng bestfriend niya ang mukha niya.

“Anong nangyari sa mukha mo?” tanong ni Gela.

“Ah, nahulog kasi ako sa hagdan.” Palusot ni Nico. Naupo si Gela sa tabi niya at tiningnan mabuti ang mukha niya.

“Bakit ka nanaman nakipagaway?”

“Wala lang. At saka sa boxing ring naman eh.”

“Kahit na! maraming namamatay sa boxing! Paano na lang kung may nangyari sayo? Alam ba ni Misa to? Paano kung nalaman niya?”” sabi ni Gela. Hindi nakasagot si Nico. Unti unting tumulo ang mga luha niya at napansin ito ni Gela.

“Ma-may nasabi ba ako?” tanong ni Gela.

“Wala na kami. Misa, she broke up with me.” sabi ni Nico.

“Ha? Bakit?” tanong ni Gela ngunit di sumagot si Nico. Niyakap niya ang binata at hinimas ang likod nito.

“Tama na.”

“Its my fault.” Sabi ni Nico.

“Hush. Don’t worry I’m here.” Sabi ni Gela.

Linggo ng umaga at maagang nagising si Paul para magsimba. Paglabas niya ay nakita niya si Aya na nakaupo sa bench at nakabihis.

“Good morning.” Bati ni Paul.

“Magsisimba ka?”

“Oo eh.” Sabi ni Paul. Naiilang ang binata sa paguusap nila pero sinusubukan niyang makipagusap ng normal.

“Sabay ako. May pupuntahan ako eh.” Sabi ni Aya.

“Samahan na kita?”

“Wag na. Okay lang kaya ko naman.” Sabi ni Aya. Sumakay ang dalawa sa kotse. Tahimik lang ang dalawa. Diretso lang ang tingin ni Paul habang nakayuko naman si Aya.

“Nabalitaan ko yung nangyari kay Nico at Misa. Kawawa naman si Nico.” Sabi ni Aya.

“Oo nga eh.”

“How is he?” tanong ng dalaga.

“Okay naman. Somehow kaya naman niya.” sagot ni Paul.

“Uhm, okay lang ba kung ipagluto ko siya mamaya?” sabi ni Aya at natawa si Paul.

“Oo naman. Bakit ka pa nagpapaalam sa akin?”

“Eh kasi diba sabi mo wag ko na kayong ipagluto?”

“Di ko naman sinabing bawal. Paminsan minsan pwede naman.” Sabi ni Paul. Ilang sandalig natahimik muli ang dalawa.

“Ah, dito na lang ako.” Sabi bigla ni Aya. Agad namang inihinto ni Paul ang kotse at itinabi ito.

“Thank you.” Sabi ni Aya sabay bukas ng pinto at lumabas.

“Ah, Aya!” sabi ni Paul. Yumuko naman ang dalaga at sumilip sa pintuan.

“Yes?”

“Ahm, ingat ka ha.” Sabi ni Paul at napangiti si Aya.

“Okay. Thank you ulit.” Sabi ni Aya sabay sara ng pinto. Napabuntong hininga na lang si Paul at pinaandar ang kotse.

Sumapit ang exams week at busy nanaman ang lahat sa pagaaral. Sina Kiko at Ysa naman ay chill lang. Lumipas ang mga araw at natapos rin ang prelim exams. Masaya ang lahat pagkat Christmas vacation na. Naisipan ni Paul na magkaroon ng Christmas party sa December 26 at pumayag naman ang lahat. Naisipan rin nilang mag exchance gift at masaya naman ang lahat sa mga nabunot nila.

Thursday night, nagpunta si Nico kina Misa. Tinext niya ang dalaga at ilang sandali pa ay bumaba ito. Binuksan ng dalaga ang gate at pinapasok si Nico. Naglakad ang dalawa papasok sa may garden.

“Misa, wala na ba talaga?” tanong ni Nico ngunit di sumagot ang dalaga.

“Misa, this will be the last time na tatanungin kita. Whatever your decision may be, tatangapin ko. I just want you to know that I love you very much. And if you give me one last chance, I’ll prove it to you.” Sabi ni Nico.

“Nicks, ayoko na.” sabi ng dalaga. Bakas ang mga luhang unti unting lumalabas sa mga mata ng dalaga.

“Is that final?” tanong ni Nico. Hindi nakasagot ang dalaga at tuluyan nang umiyak. Lumapit si Nico at hahawakan sana ang kamay ng dalaga pero lumayo ito.

“Yes its final.” Sagot ng dalaga.

“Misa, think about it. Alam ko nasaktan kita. But please. I wont make you cry again I promise. You know I hate seing you cry.”

“Nico ayoko na. Please don’t ask me again.” Sabi ng dalaga at napabuntong hininga si Nico.

“Friends?” tanong bigla ni Nico. Umiiyak pa rin ang dalaga at di nakasagot.

“I’m sorry. Siguro nga malalim ang nadulot kong sugat sayo. Pero siguro someday, you’ll be able to accept me, as a friend.”

“So I guess this is goodbye.” Sabi ni Nico at dahan dahang naglakad palayo.

“Advance Merry Christmas.” Sabi ng binata at tuluyan nang umalis. Naupo naman si Misa sa upuan sa may garden at tuluyan nang umiyak.

Sa labas naman, dahan dahang naglalakad si Nico. Unti unting tumulo ang luha sa mga mata niya. Wala na ang babaeng pinakamamahal niya. Wala na sila. At hindi na sila magkakabalikan pa.

Thank you!

Thank you po sa lahat ng nagbabasa sa blog na to... your positive comments makes us more inspired to write.... pasensya na lang po kasi medyo mabagal ang updates kasi busy sa school.... pero i assure you pagdating ng x-mas vacation bibilis nanaman ang updates... 


Thank you po.. please keep supporting us and our future stories... god bless... ^^

Sunday, November 28, 2010

Chapter 16: Breakup

A Wonderful Life
By: Nico and Paul

Chapter 16: Breakup

Malamig ang gabi. Naglalakad si Nico patungo sa bahay ng babaeng mahal niya. Mabagal lang ang lakad ng binata. Dala dala niya ang malungkot ng expresyon sa kanyang mukha. Halos isang linggo na mula nang maghiwalay si Nico at Misa at ni minsan, walang araw na hindi nagtungo ang binata sa kanila para humingi ng tawad.

Huminto siya sa tapat ng bahay ng dalaga. May nakita siyang sumilip sa bintana. Agad itong lumabas at binuksan ang gate.

“Nico, I don’t think this is a good time. Pero halika, pasok ka. Subukan ko siyang pilitin na kausapin ka.” Sabi ng Mommy ni Misa.

“Ah, thanks tita. Pero its okay. If she’s not ready yet, then babalik na lang ako bukas.” Sagot naman ng binata.

“Sigurado ka ba?”

“Opo. Tita di po ba kayo galit sa akin?”

“Honestly? Noong una, oo. But I know that you love each other very much. I myself is a witness of that love. Yun yung tipo na di mawawala, na di masisira. Alam ko naman na nagsisisi ka diba? I just hope that my daughter realizes that she loves you at makapag getover siya sa galit niya.”

“Salamat talaga Tita. Una na po ako. Just tell her that I love her and I am really sorry. Sige po.” Sabi ni Nico at naglakad na palayo. Tumalikod ang Mama ni Misa at nakita niya ang anak niya na nakasilip sa may pintuan. Naglakad siya patungo kay Misa at napayuko lang ang dalaga.

“Mahal ka daw niya.” sabi ng Mommy ni Misa.

“I don’t believe him.” Mahinag sagot ng dalaga. Napabuntong hininga na lang si Mrs. Agoncillo at pumasok sa bahay.

Kinabukasan, lunes, ginising ni Paul si Nico para mag almusal. Noong una ayaw pa gumising ng binata pero napilit rin siya ni kaibigan. Pagdating sa dining table, nakatunganga lang si Nico habang nakatingin sa kanyang pagkain.

“Tol, anong problema? Ilang araw ka nang ganyan ah.” Sabi ni Paul at napatingin sa kanya si Nico at napangiti.

“Ano bang sinasabi mo? Wala kaya akong problema. Bagong gising lang ako.” Sagot naman ng binata.

“Bagong gising? Duh?! Eversince bumalik tayo galing sa outing ganyan ka na.”

“Wala talaga. Siguro stressed lang.” sagot ni Nico.

“Stressed? Tol sembreak ngayon ah. Si Misa ba?” tanong ni Paul at naging seryoso ang mukha ni Nico.

“Pano mo naman nasabing si Misa?”

“Tol, di ka naman magkakaganyan kung di dahil sa kanya. Nung isang araw, ininom mo yung mainit na kape na parang tubig. Di mo naman napansin agad. Tapos palagi kang tulala. Palagi mong pinagmamasdan yung gitara na bigay niya pero di mo naman tinutugtog.” Sabi ni Paul at napayuko si Nico.

“Tol, birthday mo nung 31st. Di natin na celebrate kasi akala ko lalabas kayo ni Misa. Pero hindi pala. So doon pa lang halatang may problema na. Alam ba niyang 19 ka na? Tingin ko hindi. Kasi kung alam niya kukulitin ka non. So malamang may nangyari nga diba.” Sabi ni Paul pero di sumagot si Nico.

“So meron nga. Di na kita tatanungin tungkol sa details. Pero sana magkaayos kayo. Anyway, tara tennis?” sabi ni Paul at napatingin sa kanya si Nico.

“Ayoko inaantok pa ako eh.” Sagot ni Nico.

“Gising ka na rin naman eh. Makaktulog ka pa ba ulit? Tara na. Bihira lang naman eh.” Sabi ni Paul. Pumayag rin ang kaibigan niya at pagkatapos mag almusal ay naghanda na ang dalawa at umalis.

Pagdating sa tennis court ay agad silang nagumpisa. Matagal silang naglaro at matapos ang halos isang oras ay nag scoran na sila. Bakas sa bawat serve ni Nico ang matinding damdaming nararamdaman niya. Binubuhos niya ang buong lakas niya sa bawat serve. Napansin naman yon ni Paul pero di nagsalita.

Matapos ang game ay nanalo si Nico. For the first time, sa lahat ng laban nila, ngayon lang nanalo si Nico. Pero hindi bakas sa mukha niya ang pagkapanalo. Parang wala lang sa kanya ang nangyari.

“Tol, nanalo ka!” sabi ni Paul.

“Oo nga.” Mahinang sagot ni Nico.

“Tol! Hello? Ngayon ka lang nanalo. I expect na magiging masaya ang reaction mo at magyayabang ka sa akin.” Sabi ni Paul pero di sumagot si Nico.

“Shet, mukhang malaki nga talaga ang problema niyo ni Misa.” Sabi ni Paul. Naupo si Nico sa gilid ng court at tumabi naman sa kanya si Paul.

Ilang sandaling tahimik ang dalawa. Pinapanood nila ang ibang naglalaro sa court. Ilang sandali pa ay nag salita si Nico.

“We broke up.” Biglang sabi ng binata. Di agad nakareact si Paul.

“Ha!? Totoo?!” tanong ni Paul pero delayed ang response niya.

“Oo.”

“Anong nangyari?” tanong ni Paul.

“Nung outing natin, sa last night, Gela ang I had a talk. Doon niya inamin sa akin na mahal daw niya ako, although alam ko na nga yon. Then she said na mag mo-move on daw siya. But before that she asked for a kiss at binigay ko yon. Since mahal ko rin naman siya. At parang tulong na rin, kung talagang makakapag move on siya after that kiss bakit ako tatangi diba? But Misa saw us that night. Damn it! I cant even explain to her what really happened.” Sabi ni Nico.

“Bakit di mo ma explain?” tanong ni Paul.

“Tol, Gela is my bestfriend. At alam mo, at ng diyos kung gaano ko siya pinrotektahan noon. Di baleng ako ang mapasama, basta wag lang siya. Di ko masabi kay Misa ang totoo kasi ayokong sisihin niya si Gela.” Sabi ni Nico at tinapik ni Paul ang balikat niya.

“Gusto mo kausapin ko siya?”

“Wag na tol. Okay lang.” sagot ni Nico.

Umuwi ang dalawa matapos maglaro. Tahimik lang sila sa kotse at di na nagtanong pa si Paul sa kanya. Pagdating sa apartment, nagulat si Nico pagkat andoon si Gela at maraming pagkain doon.

“Surprise! Happy birthday best! Kahit late na.” sabi ng Gela. Sinubukan namang umarteng masaya ni Nico.

“Tol pasensya na, kinonchaba ako ni Gela eh.” Sabi ni Paul.

Bukod sa mga boys, ang tanging babae lang doon ay si Gela. Umuwi kasi si Aya at Ysa sa kanila. Sa buong salo salo ay sinubukan ni Nico na maging masaya. Pero sadyang matindi ang nararamdaman niyang sakit at napapansin na rin to ng iba.

Natapos ang salo salo at balik sa dati ang lahat. Umalis si Paul habang si Gela naman ay umalis rin at umuwi sa kanila. Nagkulong si Nico sa kanilang kwarto at natulog na lang buong araw.

Nagumpisa na ang second semester at kanya kanya nanamang preparasyon ang lahat. Hapon ng first day of classes, nakatambay si Nico sa may corridor sa may gate ng school, tila may inaabangan. Ilang sandali pa ay nakita siya ni Gela.

“Huy! Sinong hinihintay mo? Si Misa ba?” tanong ni Gela at tumango lang si Nico.

“Di ko siya nakita eh. Di na kami magkaklase this sem.” Sabi ni Gela.

“Talaga? Baka di lang siya pumasok ngayon.” Sabi ni Nico.

“Di siguro, never pa nag absent yon eh. At isa pa, wala yung name niya sa contol list. Baka nalipat ng ibang section pero di ko pa siya nakikita.” Sabi ni Nico.

Pagdating sa apartment, naupo muna si Nico sa sofa. Ilang sandali pa ay bumaba si Paul galing sa kwarto niya. Agad itong tumabi kay Nico.

“Tol may sasabihin ako.”

“Ano?” tanong ni Nico.

“Ah, kasi nakita ko si Misa kanina. Nakauniform siya, pero yung suot niyang uniform ay para sa school namin.” Sabi ni Paul.

“Ah, kaya naman pala.”

“Sinubukan ko siyang kausapin pero di ko siya naabutan eh.” Sabi ni Paul.

“Okay lang tol.” Sagot ni Nico.

“So, anong plano mo?”

“Di ko alam eh. I mean, I tried. Pero she doesn’t want to talk to me. She wont even see me. Para sayo ba, napakalaki ba ng kasalanan ko?” tanong ni Nico.

“Uhm, para sa akin, hindi. Pero from her point of view, oo. Kasi may past experience na siya eh. So di mo siya masisisi kung itutulad ka niya sa ex niya. Di mo naman ma-explain sa kanya kung ano talaga ang nangyari. Pag sinabi mo malamang may chance na magkabati kayo.” Paliwanag ni Paul. Di na sumagot si Nico at napabuntong hininga na lang.

Naisipan ni Paul na tumambay sa terrace para para magpahangin. Naabutan niya si Kiko doon na nakaupo sa sahig ng terrace at pakanta-kanta pa.

“Uy, anong ginagawa mo diyan?” tanong ni Paul.

“Ah, kasi ano, nagpapraktis ako ng kanta. Manliligaw ako eh.” Sabi ni Kiko at natawa si Paul.

“Si Ysa ba?” tanong ni Paul.

“Basta. Secret. Patulong naman ako oh, tumugtog ka ng gitara tapos ako kakanta.” Sabi ni Kiko.

“Pero Kiks, honestly medyo sintunado ka. Para kang tone deaf.”

“Kaya nga nagpapraktis eh. At isa pa papaturo ako kay kuya Nick.” Sagot ni Kiko.

“I think di ito ang tamang oras para guluhin siya. Medyo, may problema kasi sila ni Misa eh.”  Sabi ni Paul at napabuntong hininga si Kiko.

“Sige akong bahala. Tingin ko naman medyo okay na boses mo eh. At isa pa di naman importante kung maganda boses mo, basta dapat, tama yung pagkakanta. Kelan mo ba balak manligaw?” tanong ni Paul.

“Ah, bukas na sana eh.” Sagot naman ni Kiko.

“Teka ang bilis ah. Ano ba yung kanta para mapraktis ko na?” tanong ni Paul. Sinabi ni Kiko ang kantang itutugtog ni Paul. Swerte naman pagkat alam na ni Paul ang kanta. Nagpraktis ang dalawa sa kwarto ni Paul. Narinig naman ni Nico ang tugtugan ng dalawa kaya pumasok siya sa kwarto ni Paul.

“Anong meron?” tanong ni Nico.

“Ah, manliligaw daw si Kiko bukas eh. Pinapraktis namin yung kanta niya.” sabi naman ni Paul.

“Talaga? Sige nga Kiks.” Sabi ni Nico.

“Wala na nahihiya na ako.” Sabi naman ni Kiko.

“Sus Kiks. Kung nahihiya ka na dahil andito ako, paano pa bukas? Sige parinig ng boses mo tapos turuan kita.” Sabi ni Nico. Napangiti naman si Kiko at agad  kumanta.

Kinabukasan, after class, nakaupo na si Kiko sa sala nila. Kabang kaba siya at tinatawanan lang siya ng mga boys.

“Kiks, tara na, sino ba kasi kakantahan mo? Saan tayo pupunta niyan?” tanong ni Paul.

“Di naman tayo aalis. Diyan lang tayo sa katapat na apartment.” Sabi ni Kiko at napangisi si Chics at Paul. Si Nico naman ay napangiti rin habang nakaupo sa dining table at kumakain.

“Sabi ko na si Ysa eh. Kanina ko pa siya nakitang umuwi ah. Tara na kaya.” Sabi ni Paul.

“Teka, deep breathing ka muna Kiks.” Sabi ni Nico. Sinunod naman ni Kiko ang payo ng pinsan niya. Kahit papaano ay nabawasan ang kaba niya. Agad siyang tumayo at lumabas ng apartment. Pero tila naduwag siya ng makita niya si Ysa na nakadungaw sa terrace. Agad siyang tumalikod at pumasok sa apartment.

“Oh Kiks? Bakit ka bumalik?” Tanong ni Chics.

“Grabe! Di ko kaya. Nandiyan siya sa terrace.” Sabi ni Kiko.

“Kiks, its now or never. Pag di natin to ginawa ngayon, di na kita tutulungan next time.” Sabi ni Paul. Muling huminga ng malalim si Kiko at tinapik ang mukha niya.

“Tara.” Sabi ni Kiko at lumabas silang dalawa ni Paul. Naupo naman sa sofa si Nico at Chics para sumilip sa bintana.

Paglabas ni Kiko ay agad siyang tinawag ni Ysa. Napatingala si Kiko sa direksyon ngdalaga. Nakangiti ito at lalo siyang kinabahan.


“Kiko, saan kayo pupunta?” tanong ni Ysa.

“Ah, manliligaw.” Sagot ni Kiko at agad nawala ang ngiti sa mga labi ng dalaga.

“Okay, goodluck.” Matamlay na bigkas ni Ysa. Humarap si Kiko kay Paul at napangiti silang dalawa.

“Paul, may papalitan ako sa lyrics. Di kasi realistic eh.” Sabi ni Kiko.

“Sure sure. Game na?” tanong ni Paul at tumango si Kiko.

Agad nag strum si Paul at nagulat si Ysa. Nakatingin si Kiko sa direksyon niya. Di niya maipaliwanag ang expresyon sa mga mata ng binata. Bumilis ang tibok ng kanyang puso.

“There are times
When I just want to look at your face
With the stars in the night
There are times
When i just want to feel your embrace
On a cold night

I just can't believe
that you are my FRIEND now

You were just a dream that i once knew
I never thought i would be right for you
I just can't compare you with anything in this world
You're all i need to be forevermore”

Di na napigilan ni Ysa ang ngumiti. Lalo na nang marinig niya ang pinalitan na lyrics ni Kiko. Namumula rin siya at nakahawak ang dalawa niyang kamay sa kanyang mga pisngi. Nagpatuloy lang si Kiko sa pagkanta hanggang sa matapos niya ang buong kanta. Tinapik ni Paul si Kiko sa balikat at tumalikod na para bumalik sa apartment. Nagkatinginan si Ysa at Kiko at napangiti ang binata pero piniglan ni Ysa ang sarili niyang ngumiti.

“Akala ko ba manliligaw kayo? Bakit pumasok na si Kuya Paul?” tanong ni Ysa.

“Oo nga. Nanliligaw na nga ako. Tapos na yung kanta kaya pumasok na siya.” Sabi ni Kiko at di na napigilan ni Ysa ang mapangiti.

“So sinong niligawan mo?” tanong ni Ysa.

“Baba ka dito sasabihin ko sayo.” Sabi ni Kiko.

“Ayoko. Nakakapagod.” Sabi ni Ysa at natawa si Kiko.

“Sige, akong aakyat diyan. Hintayin mo ako.” Sabi ni Kiko. Agad pumasok ang binata sa apartment. Nakita niya si Gela na nakupo sa sofa at nakangisi sa kanya. Napangiti lang si Kiko at napayuko habang umaakyat sa taas. Lumabas siya sa terrace at nakatayo lang doon si Ysa habang nakatingin sa kanya.

“So sinong nililigawan mo?” tanong ng dalaga. Lumapit si Kiko at hinawakan ang dalawang kamay ni Ysa.

“Ikaw.” Sagot niya. Kinilig si Ysa pero di niya pinahalata.

“Ako? Akala ko may iba kang gusto?”

“Ikaw nga. Ikaw lang ang babaeng gusto ko Ysa. At ikaw ang tinutukoy ko na liligawan ko. Wala nang iba.” Sabi ni Kiko.

“So ako talaga?”

“Yup!” sabi ni Kiko at natawa ang dalaga.

“Sabing wag kang sasagot ng ganyan eh.” Sabi ni Ysa at natawa si Kiko.

“Pero seryoso. Ysa, I’m very sorry sa mga nasabi ko dati. Sana hindi ko na lang sinabi. Ysa, may pagasa pa ba ako? I am willing to wait. Kahit gaano katagal. Please just tell me that I have a chance.” Sabi ni Kiko. Ilang sandaling tahimik ang dalawa at parehong nakikiramdam.

“Kiko, alam mo, nasaktan talaga ako sa mga sinabi mo noon.” Sabi ni Ysa at napayuko si Kiko.

“I’m sorry.”

“But. I am still glad na di ka sumuko. Kiko I missed you. The real you.” Sabi ni Ysa.

“So my chance ba ako?” tanong ni Kiko.

“Yup. Actually, sasagutin na kita.” Sabi ni Ysa at nanlaki ang mga mata ni Kiko.

“Seryoso?”

“Uhm, uhuh.” Sabi ni Ysa. Pero biglang naging seryoso nag mukha ni Kiko.

“Ysa, I know youre not yet ready. Handa akong maghintay. Kung napipilitan ka lang sa sagot mo okay lang, pwede mo namang palitan ang desisyon mo eh.” Sabi ni Kiko.

“Kasi natatakot ako. Baka kasi mawala ka ulit dahil sa paghihintay mo.” Sabi ni Ysa.

“Ysa, not this time. Maghihintay lang ako. Nandito lang talaga ako promise. Di kita iiwan. Maghihintay ako hanggang ready ka na.” sabi ni Kiko at napangiti si Ysa.

“I’m sorry for letting you wait. I really want it to be us. Pero kasi I think I’m not yet ready. But I assure you. You already own my heart.” Sabi ni Ysa at napangisi si Kiko.

“Talaga?” tanong ni Kiko at tumango ang dalaga. Sa sobrang saya at napayakap si Kiko kay Ysa. Natauhan siya at kakalas sana pero yumakap din sa kanya ang dalaga.

“I just cant believe that you’re my friend now? Sinong nakaisip non?” tanong ni Ysa.

“Ahm, ako. Eh kasi alangan you are mine now eh di pa naman tayo?” depensa ni Kiko.

“Korny naman. Sana iba na lang inisip mo.”

“Eh biglaan eh. Kanina ko lang na realize.” Sabi ni Kiko at natawa si Ysa.

“Sana di mo na lang pinalitan. Like I said, you already own my heart.” Sabi ng dalaga at napangiti si Kiko.

Sa sala naman, magkahalong tuwa at lungkot ang naramadaman ni Nico habang pinagmamasdan ang dalawa. Masaya siya para kay Kiko ngunit malungkot rin siya pagkat naaalala lang niya si Misa sa nakikita niya. Umakyat na lang siya sa kwarto niya at nagkulong doon.

Kinabukasan, maagang bumangon si Nico. Halos wala pang araw nang umalis siya sa apartment. Nagtungo siya sa bahay ni Misa at tumayo lang sa harapan ng bahay nila. Tago ang lugar ng kinakatayuan niya at di siya nakikita. Matapos ang ilang sandali ay nasilayan niya si Misa. Tama si Paul, iba na nga ang uniform ng dalaga. Sumakay ito sa kanilang SUV malamang para magpahatid sa school. Pinagmasdan na lamang ni Nico ang sasakyan nila hanggang sa makalayo ito.  Sa SUV naman, napalingon si Misa. Nagulat siya nang makita niya si Nico na nakatayo sa may side walk sa tabi ng isang puno habang nakatingin sa direksyon nila. Inalis niya ang tingin sa binata at dineretso ang tingin.

After classes, nagliligpit si Misa ng mga gamit niya. Paglabas ng dalaga sa room nila ay nagulat siya sa nakita niya.

“Vince!” bigkas ng dalaga.

“Ah, Misa, pwede ba tayong magusap?” tanong ni Vince.

“Bakit pa?” tanong ng dalaga.

“I just want to say something. Just give me five minutes.” Sabi ni Vince. Nagaalinlangan ang dalaga ngunit pumayag rin ito. Naupo ang dalawa sa isang bench sa may quadrangle.

“Misa, I just want to say sorry.” Sabi ni Vince.

“Its okay. Past Is past.” Sagot naman ni Misa.

“Don’t worry, wala akong balak guluhin kayo ng boyfriend mo.” Sabi ni Vince ngunit di sumagot si Misa.

“You see, im sorry pero kailangan kong sabihin to. The truth is I really loved you. Sobra. Pero I met this girl. Kumabaga, naakit ako sa kanya. I mean, physically, tapos the way she acts and treats me. So parang sa isang iglap, nawala ang feelings ko para sayo. Nabulag ako. At para akong aso na sumunod sa kanya.” Sabi ni Vince. Tahimik lang na nakikinig si Misa sa kanya.

“Alam ko, ilang beses kitang iniwasan. Kasi pag nakikita kita naguguluhan ako. That girl, parang siya na ang ideal girl ko. Pero mali pala ako. Panlabas lang niya yon. Oo, niloko niya ako. Pinagpalit niya ako sa ibang lalaki. At doon ko na realize ang pagkakamali ko. Lahat ng sakit bumalik. Pag nakikita kita noon parang wala lang sa akin. Pero parang sa isang iglap naramdaman ko lahat. Nagrebound lahat sa akin. Narealize ko na tong sakit na nararamdaman ko ay wala pa sa naramdaman mo. I left you without even explaining. Pinagsisihan ko talaga yung nagawa ko. Pero past is past nga, alam kong hindi ko na maibabalik ang dati. I just want to tell you na naiintindihan kita. And I will be here as your friend in case you need me. Nakikita ko naman na masaya ka sa boyfriend mo ngayon. Masaya ako kasi despite what happened, you still found true happiness.” Sabi ni Vince. Di na napigilan ni Misa at naiyak siya.

“Misa, bakit? May nasabi ba akong di mo nagustuhan?” tanong ni Vince.

“Vince, wala na kami.” Sabi ni Misa.

“What?”

“We broke up.” Dagdag ng dalaga. Hinawakan ni Vince ang kamay niya at pinunasan ang luha ng dalaga.

“Misa I’m so sorry. Kung may magagawa ako para mabawasan ang sakit. Tell me. Gagawin ko.” Sabi ni Vince. Tumayo naman si Misa at nagpunas ng mga luha niya.

“Salamat. Una na ako. Bye.” Sabi niya pero hinawakan ni Vince ang isa niyang kamay.

“Hatid na kita.”

“No need. May sundo ako.” Sabi ng dalaga.

“Misa, wag kang magalala. Kahit wala na kayo ng boyfriend mo, I don’t intend to cross the line. Para sa akin, masyadong malaki ang kasalan na nagawa ko sayo. And because of that I am no longer worthy to be with you. Kaya nandito ako as a friend. Tutulungan kita if ever kailangan mo ako. I’ll be here when you need me.” sabi ni Vince at napangiti si Misa.

“Thank you.” Bigkas ng dalaga at naglakad na paalis.

Dalawang araw ang lumipas, Friday na. Maagang umuwi si Nico sa apartment. Habang pauwi ay nadaanan siya ni Paul.

“Tol sakay!” sabi ni Paul kaya agad namang sumakay si Nico. 

“Tol, may tatanong ako.” Sabi ni Paul.

“Ano?”

“Ahm, alam mo ba yung last name ni Vince? Yung sinasabi mong Ex ni Misa?” tanong ni Paul.

“Hindi eh. Bakit?”

“Wag kang magagalit ah, kasi yesterday, at kanina, may nakita akong kasama ni Misa. Namukhaan ko yung lalaki. Vince ang pangalan niya. Kasama ko siya sa gym pero boxer siya.” Sabi ni Paul pero di sumagot si Nico.

“Tol? Narinig mo ba ako?”

“Oo narinig kita.” Sabi ni Nico.

“Eh bakit parang di ka nagreact?” tanong ni Paul at napabuntong hininga si Nico.

“If she’s happier with Vince. Then bahala siya.” Sabi ni Nico at nagulat si Paul.

“Tol, naririnig mo ba ang sarili mo? Are you telling me that you are giving up on her already? Sasayangin mo ang pinagsamahan niyo? Tol, wake up.”

“Alam mo tol, di mo ba naisip na ayaw niya akong patawarin, dahil siguro mas gusto niyang kasama si Vince? Na excuse lang ang away namin para magkabalikan sila?” tanong in Nico.

“Tingin mo ba ganong klaseng babae si Misa? Tol, sinasabi ko sayo, witness ako sa closeness niyong dalawa. As in para na nga kayong kasal eh. I know you love each other. So tingin mo magagawa niya yon?” tanong ni Paul at nakatingin lang sa malayo si Nico.

“Ewan ko. Right now di ko alam kung ano ba ang dapat isipin. Siguro nga malaki ang kasalanan ko sa kanya. Pero ang di ko kasi matanggap, mas pinili pa niyang patawarin ang lalaki na talagang nanloko sa kanya.”

“Tol, give her time. Pero di ko sinasabing sumuko ka. Ipaglaban mo siya sa Vince na yon. Wag nga lang away kasi boxer siya eh.” Sabi ni Paul. Di sumagot si Nico at tila nagiisip.

“Tol? Nakikinig ka ba?”

“Boxer ba siya kamo?” tanong ni Nico.

“No, wag pare. I tell you magaling siya.” Sabi ni Paul.

“I really don’t care kung magaling siya.” Sabi ni Nico.

“Tol, think about it. Anong magandang idudulot niyang iniisip mo?”

“Wala akong pakialam. Basta gusto ko siyang makalaban. Saan ba gym niyo? Tanong ni Nico pero ayaw sabihin ni Paul.

“Tol saan!?”

“Oo na, samahan kita doon bukas, or pag pwede tayo. Pero magpraktis ka.” Sabi ni Paul at napangisi si Nico.

“No need. Gugulpihin ko siya.”