A Wonderful Life
By: Nico and Paul
Chapter 22 - 1: University Days - Barrier
“Talaga?! Tapos anong nangyari?!” tanong ni Paul
“Ayun. Friends nga. Yun lang. Wala namang ibang nangyari.” Sabi naman ni Nico.
“Tol, I’m happy for you.”
“Yeah, pero parang naiilang pa rin siya. Na parang may harang. Kailangan kong maalis yung harang na yon.”
“Tama! Anyway, what about the band?”
“Hmmmm. Come to think of it, the reason you suggested that was because of me and Misa. Pero ngayon friends na kami. Pero may kulang pa. I think we have to push through. Sige, payag na ako.” Sabi ni Nico.
“Yes!” sigaw ni Paul.
“Teka, anong band name? At paano yung 2nd rhythm?” tanong ni Nico.
“Hmmmm. Since its about second chances, how about ‘One more Chance’ band?” sabi ni Paul.
“Yuck baduy! Mas maiksi pa yung ‘second chance’ band. Pero baduy pa din.” Sabi ni Nico.
“Paano kaya kung ang pangalan ng banda natin ay ‘Second Life’”?
“Second Life?”
“Maganda diba? Maganda pakinggan.” Sabi ni Paul.
“Hmmm. Second Life band. Pwede!” sabi ni Nico at parehong natawa ang dalawa.
“Anyway, about sa guitarist natin, magtatanong tanong muna ako. Pero kung wala talaga, try ko kahit ako na lang. Pero kailangan ng puspusang practice.
__
Tuesday ng hapon pagkatapos ng duty ay nakatambay sa Mcdonald’s si Nico kasama ang mga kaklase niya. Di pa sila nakakapag praktis formally dahil madalas silang kulang at di pa sila sigurado sa mga kantang itutugtog nila. Habang nakikipagusap ay napatingin si Nico sa entrance ng fastfood chain. Nagulat siya nang makita si Trish na pumasok at may dala dala ito sa kanyang likod. Agad namang tumayo ang binata at pinuntahan si Trish.
“Psst!’ napalingon naman ang dalaga at biglang napangiti.
“Nicks!” sigaw ng dalaga at agad lumapit kay Nico.
“Oh bakit parang ang saya mo diyan?”
“Eh kasi may manlilibre na sa akin. Tara dali order tayo.” Sabi ni Trish sabay hila kay Nico.
“Ha? Teka nga. Nagorder na kaya ako. Ayun yung mga kasama ko oh.” Sabi ni Nico.
“So? Eh di ako ang pangorder mo. Tara na pleeease?” lambing ni Trish. Wala nang nagawa ang binata. Nagbitaw na lamang siya ng buntong hininga at sinundan ang dalaga.
Habang busy sa kakaorder si Trish ay pinagmasdan naman ni Nico ang dala ng dalaga sa likod nito. Isang guitar case. Malamang marunong mag-gitara si Trish. Nagdalawang isip si Nico. Gusto niyang isali si Trish sa banda ngunit nahihiya siya.
“Oh, 230 pesos daw.” Sabi bigla ni Trish.
“Ha?”
“230 pesos yung order ko.” Sabi ng dalaga sabay ngisi.
“Ah okay.” Sabi ni Nico sabay bunot ng pera niya. Ilang sandali pa ay natigilan ang binata.
“What?! 230 pesos?! Bakit ang mahal?!” natawa naman si Trish sa kanya.
“Eh kasi gutom ako eh.”
“Ha?! Kahit ako gutom di aabot ng ganyan ang order ko!”
“Bayaran mo na kasi. Eto naman oh bihira lang.”
“Bihira?”
“Babayaran mo ba o hinde!?” sigaw ni Trish.
“Babayaran. Sinabi ko bang hindi ko babayaran?” maamong bigkas ni Nico sabay abot ng bayad. Natawa naman sa kanila ang cashier.
“Oh, babayaran naman pala eh. Teka ano bang nangyari sayo? Parang wala ka sa sarili?” tanong ng dalaga.
“Oo nga eh. Mamaya sabihin ko sayo, dalhin mo muna yang order mo.” Sabi ni Nico ngunit biglang naglakad palayo si Trish at naupo.
“Nicks dalhin mo dito daliii!” sabi ng dalaga. Napabuntong hininga muli si Nico at dinala ang order ni Trish sa table nila.
__
“Konti pa Aiks. Nakukuha mo na.” sabi ni Paul.
“Pwedeng break muna?” tanong ng dalaga at napangiti si Paul.
“Hmmm.”
“Please?” pakiusap ni Danica.
“Oo na sige na. Halka dito upo ka sa tabi ko.” Sabi ni Paul at sinunod naman siya ng dalaga.
“Pao, nagimprove na ba ako?”
“Oo naman. Ang galing mo nga eh. Pero konti pa.” sabi ng binata at napasimangot si Danica.
“Ano pa bang kulang?” tanong ng dalaga. Napansin naman ni Paul na medyo malungot ang itsura ng kaibigan niya.
“Hmmm. Medyo mabagal lang yung pagpapalit mo. Pero makukuha yan sa practice. Overall, your good.” Sabi ng binata at lumiwanag ang mata ni Danica.
“Talaga?”
“Yep. Talaga.” Sabi naman ni Paul sabay bitaw ng ngisi. Napangiti naman si Danica.
“Halika sa baba, gawa muna ako ng merienda.” Sabi ni Danica. Agad namang tumayo si Paul at bumaba ang dalawa.
__
“Okay, so tapos na akong kumain, care to tell me about your worries?” tanong ni Trish. Nanatili namang nakatingin sa kanya ang binata.
“Oh? Hello? May kausap ba ako?” tanong ni Trish ngunit di pa din sumagot si Nico.
“Huy!”
“Wow.” Bigkas ng binata.
“Ha?”
“Grabe ka. Ang takaw mo.”
“Masama? Gutom ako eh.” Depensa ng dalaga.
“Kahit na. Sinong magaakala na meron pang babae na napakaganda at sexy pa ha take note, na kayang kumain ng tatlong order mula sa isang fastfood chain, with desserts, nang magisa, na kahit may kasama siya ay di man lang siya nag alok kahit na isang fries, at kayang ubusin lahat yon in less then, uhm, ten minutes.” Hirit ni Nico at napasimangot naman si Trish.
“Ganon ba talaga ako katakaw?” tanong ng dalaga.
“Ay hindi joke lang. Di ka naman matakaw, actually normal lang yan sa mga babae.” Sabi ni Nico.
“Niloloko mo ako eh.”
“Buti alam mo.” Sabi ni Nico at binato siya ni Trish ng plastic cup.
“Oh easy. Pinapatawa lang kita.”
“Ganyan ka ba magpatawa ha?” tanong ng dalaga.
‘Joke lang ikaw naman. Pero seriously, matakaw ka talaga. Di mo ba isinusuka lahat yan ha?” tanong ng binata at nanlaki ang mata ni Trish.
“Yuck hindi noh! Di ako bulimic. Eew. Matakaw nga ako pero minsan lang to. Minsan lang ako kumain ng ganito karami ano. Kaya di ako tumataba. Baka akala mo araw araw gantito ako.”
“Hindi ba?”
“Hinde!” sigaw ni Trish at natawa naman si Nico.
“Easy ka lang. Anyway, about what’s bothering me, uhm.”
“Ano?”
“Marunong ka palang mag gitara?” tanong ng binata at nagtaas ng kilay si Trish.
“Related ba yan sa nag bobother sayo?”
“Oo. So ano marunong ka?” tanong muli ni Nico.
“Tingin mo?”
“Hmmm. Hinde?”
“Sira! Kitang may dala akong gitara eh. Eh di marunong ako! Hmp!” sabi ng dalaga at natawa si Nico.
“Joke lang. Magaling ka ba?”
“Oo naman!”
“Ganon? Alam mo kasi, di ba malapit na ang university days sa school ni Misa?”
“So?”
“Plano kasi naming tumugtog. Personally gusto ko rin talaga, gusto kong tumugtog para kay Misa. Kaya lang may problema.”
“Hmmm. Let me guess. Wala kayong guitarist noh?” tanong ng dalaga.
“Actually meron.”
“Meron naman pala eh.”
“Hindi, kasi ako yung guitarist, pero ako rin yung vocals at the same time. So kailangan pa namin ng second guitarist.” Paliwanag ni Nico.
“And you want me to be your second guitarist right?” tanong ni Trish.
“Heck no! Nageexplain lang ako.” Sabi ni Nico. AGad namang tumayo si Trish.
“Okay, di naman pala eh. Sige una nako. Bye.” Sabi ni Trish pero biglang hinawakan ni Nico ang kamay ng dalaga.
“Joke lang! Huy!” sabi ni Nico ngunit di sumagot si Trish.
“Trish sorry. Joke lang yon. Trish, please be our guitarist. Please. I really need you.”
“Eh ano ngayon? Ano namang mapapala ko?”
“Uhm, besides fame, which I think you already have, wala siguro. Yung enjoyment lang siguro sa pag tugtog. Trish, this is the first and last time that I will ask you a favor. Will you help me? Will you help us?” tanong ni Nco.
“First time? What about yung tulong ko sayo kay Misa?”
“Well, ikaw ang nag alok nun remember?”
“Ay oo nga pala.” Sabi ni Trish sabay upo ulit.
“This performance really is important to you is it?” tanong ni Trish.
“Yes. Very important.”
“Haaay! Ang free time na matagal ko nang inaasam, mukhang di ko pa magagamit.” Sabi ni Trish.
“You mean?”
“Yes! Sige I’ll be your guitarist. But only for this performance okay?” sabi ni Trish at biglang napatayo si Nico.
“Yes! Thanks Trish! Thank you as in!” sabi ni Nico. Napangiti naman ang dalaga habang pinagmamasdan si Nico na tumatawag at sinasabi nag magandang balita.
__
Wednesday ng hapon at nagtungo si Nico at Trish sa school nina Paul. Agad silang nagpunta sa auditorium, kung saan nakaayos ang mga instruments na gagamitin. Pagdating doon ay nakita nila si Paul, Danica, Chics at Kiko na naghihintay sa loob. Napatingin ang mga ito sa direksyon nina Nico.
“Tol! You’re freaking late!” sigaw ni Paul.
“Sorry. Medyo late kami nakapag endorse sa duty kanina eh. Anyway.” Sabi ni Nico sabay tingin kay Trish.
“Well, guys, meet Trish. Second Life’s rhythm guitarist. For this performance by the way.” Sabi ni Nico.
“Second Life?” tanong ni Trish kay Nico.
“Ah, yun yung band name namin. Okay naman diba?”
“Baduy!” sigaw ni Trish.
“Ouch! Grabe ka naman. Well bear with it. Dahil isa kang myembro ng Second Life hanggang next week.”
“Joke lang. Actually I think its pretty cool.” Sabi ng dalaga. Napangiti naman lahat ng nasa auditorium.
Isa isang pinakilala ni Nico ang lahat ng members ng kanilang banda. Pagkatapos nito ay nagusap ang banda tungkol sa mga kantang itutugtog nila. Matapos ang halos isang oras ay doon pa lang natapos ang diskusyon tungkol sa mga kanta, at mga gagawin nila.
“So tomorrow is our first official practice as a band. So praktisin niyo na yung mga parts niyo sa bahay for tomorrow okay? So we’re an alternative rock band. Dapat may dating tayo. And by the way dito tayo magpapraktis. I officially got a permit the other day sa tuloy na tuloy na tayo. At pumayag din sila na ipagamit ang auditorium for practice pero may time limit. So pag week days, practice time is from 4pm to 9pm, kasi may gagamit ng umaga. Sa week ends naman 8 am to 3 pm. Gets? Okay dismissed!” sabi ni Paul.
“Nicks una na kayo.” Sabi naman ni Danica.
“Ha? Bakit?”
“Magpapraktis muna kami ni Pao dito.” Bigkas ng dalaga.
“Ha? Akala ko kakain na tayo?” tanong ni Paul at tiningnan siya ng masama ni Danica.
“Ay! Oo nga pala magpapraktis pa kami. Well, Sige tol kitakits na lang mamaya. At Trish, thank you din. Ingat kayo.” Sabi ni Paul. Napangisi naman si Nico at Trish.
“Under talaga tong lalakeng to.” Bulong ni Kiko kay Chics.
“Bakit ikaw, di ka ba under kay Ysa?”
“Ako under? Ha? Ako? Buti alam mo.” Banat ni Kiko at natawa si Chics.
“Nico, sino yung babaeng yun?”
“Ah, si Danica? Best friend na Paul. At kaibigan din namin ni Misa. Bakit?”
“Bestfriend? Akala ko sila ni Paul.”
“Hmm. Long story. Pero hindi sila. And I don’t think magiging sila.” Sabi ni Nico.
“Bakit naman? She’s really pretty.”
“Oo alam ko. Pero, basta. Long story. I’ll tell you some other time okay?” sabi ni Nico at tumango lang si Trish.
__
Thursday ng hapon at muling nag kita-kita ang mga myembro ng Second Life para sa kanilang first official practice. Nagkita ang lahat sa may corridor ng school at nang makumpleto ay nagtungo ang lahat sa auditorium para umpisahan na ang practice. Pagkatapos mag pahinga sandali ay isa isa nang pumwesto ang lahat, dala dala ang mga instrumentong tutugtugin nila.
Nagumpisa nang tumugtog ang lahat. Itinugtog nila ang unang kanta sa kanilang listahan. Maraming beses silang humihinto pagkat may mga maling kailangang ayusin. Pero masaya ang practice nila. At bago pa natapos ang gabi, ay halos nakuha na nila ang unang kanta.
__
Friday ng gabi, nakatambay si Nico at Gela sa labas ng apartment. Ilang sandali pa ay lumabas si Aya, na may dalang juice. Naupo ito sa tabi nila, tila may gustong sabihin.
“Asan si Paul?” tanong ni Aya.
“Ayun, tumba. Napagod yata sa kaka practice. Pagod na siya doon? Eh ako galing pa nga akong duty eh.” Sabi ni Nico.
“Ah ganon ba?” malungkot na tugon ni Aya.
“Gusto mo gisingin ko?” tanong ni Nico.
“Ay, wag na. Tama lang na wala siya. May gusto kasi sana akong sabihin sa inyo eh.” Sabi ni Aya.
“Aya what’s wrong? Mukhang malungkot ka ah.” tanong ni Gela.
“Uhm, kasi, I feel like im a really bad person.” Sabi ng dalaga. Nagtinginan naman si Nico at Gela. Umusog si Gela papunta kay Aya at hinawakan ang kamay ng kaibigan.
“No you’re not. Pano mo naman nasabi yan?” tanong ni Gela.
“Its about my relationship with Marvin.” Sabi ni Aya.
“So may problema kayo?” tanong naman ni Nico.
“Actually. Wala. He’s really a good guy. He is loving at understanding.”
“So anong problema?” tanong ni Gela.
“I don’t know. I mean, he does everything for me. He is so kind and generous. He does nothing but make me happy. But recently I felt that something isn’t right. I mean, di ba dapat give and take ang isang relationship? But I feel as if siya lang ang nagbibigay. Pakiramdam ko wala akong kayang ibigay sa kanya.”
“Bakit naman? Aya, Don’t say that.” Sabi ni Gela.
“Kasi naman. After all that he has done for me. Still, I cant seem to return his feelings for me. pagdating sa actions, halos equal lang. Kasi parang nag cocompensate ako. I feel guilty, so I do everything to please him as well. Pero di pa din mawala ang guilt feelings ko. Maybe because after all he has done for me, after all his kindness and love, still I cant love him back.” Sabi ni Aya.
“then why don’t you break up with him?” tanong ni Gela.
“I can’t. Ang bait niya eh. Sobra. I don’t have the courage to hurt him. Di ko siya kayang saktan.”
Sabi ng dalaga. Napabuntong hininga naman si Nico.
“Aya, I know di mo siya kayang saktan. Pero di mo ba naisip, na baka mas masakit kung paasahin mo lang siya. Buong akala niya okay ang lahat. Na you both have a perfect relationship. Pero hindi pala. Aya niloloko mo lang ang sarili mo. He is like living in a dream world. Kaya mo bang i-take yon? The deeper you go down the harder it is to get out. So habang di pa complicated ang lahat, mag desisyon ka na. It will definitely hurt him. Pero pain on reality is better than pleasure on a dream-like fantasy. Remember that. “ paliwanag ni Nico.
“I guess you’re right. Thank you sa inyong dalawa. I know I could trust you.”
“Wala yon Aya. You’ve always been a good friend to us. Palagi kang nandyan. Anytime if you need us, andito lang kami.” Sabi ni Nico.
“Oo nga. Lalo na ako. Ako lang ang nakakaintindi sayo. I’m you’re bestfriend after all. Basta wag kang magalangang mag share sa akin okay?” sabi naman ni Gela.
“Thank you talaga. Pero about my decision, I need more time to think.”
__
Sunday ng umaga ay muling nagkita kita ang banda para mag ensayo. Di tulad dati, halos na perfect na nila ang first song nila. Muli nilang itinugtog ang first song. Pagkatapos nito, inumpisahan nilang praktisin ang pangalawang kanta.
“Mali! Kiko masyado kang mabilis!” sigaw ni Trish.
“Oh boy. Pati sila Kiko nabibiktima na ng pagiging bossy ni Trish.” Bulong ni Nico sa sarili.
“Ay, sorry ate Trish. Medyo pasmado kasi yung kamay ko eh.”
“Ayusin mo. Paul isa ka pa! Mabilis ang beat mo.”
“Ay, sorry po ma’am. Na excite lang ako.”
“At bakit ka naeexcite aber?”
“Kasi ako nag suggest ng kantang to eh. Kaya excited akong itugtog.”
“Well Mr. Drummer boy, sayo kami lahat umaasa kaya umayos ka.” Sabi ni Trish sabay tingin kay Nico.
“Okay I’m dead.” Bigkas ni Nico. Natawa naman si Kiko at Paul sa kanya.
“Nico!”
“Yes , ma’am!”
“Kung kailangan mong huminto sa pag strum para kumanta, ayusin mo naman. Dapat tama yung timing. Dapat sakto siya sa pag shift ng chord. Di maganda pakinggan eh!” sabi ni Trish.
“Ah, Opo sorry po.” Sabi ni Nico habang nag kakamot ng ulo.
“Di niyo gayahin yang kapatid mo. Sakto yung pluck niya. Pati si Danica. Tapos sinasabi niyo magaling kayo?”
“Ahm, at kailang ko sinabing magaling ako aber?” tanong ni Paul.
“Ewan ko! Basta narinig ko lang!”
“haha! Wala kang ebidensya!” sigaw ni Paul.
“Che! Di ko kailangan ng ebidensya. Tara ulitin nga natin.” Sabi ni Trish at nagumpisang tugtugin ang intro.
Maagang natapos ang lahat sa kanilang practice. 2pm pa lang ay nag handa nang umalis ang lahat. Sumabay sina Danica, Kiko at Chics kay Paul habang si Trish naman ay sumabay kay Nico sa sasakyan nito.
“Hay. Natapos din.” Sabi ni Nico.
“Sinabi mo pa. Teka, Nicks diba kararating lang ni Misa nung Thursday? Di mo ba siya kinausap?” tanong ni Trish. Di naman nakasagot si Nico.
“Huy! Narinig mo ba ako?” Huminga ng malalim ang binata.
“Hindi eh. Busy kasi.”
“Yun lang ba ang dahilan?”
“Hay. Di ko kasi alam ang sasabihin ko sa kanya. Mas naiilang pa ako sa kanya ngayon compared to the first time we met. Ewan ko ba. I really want to be with her. Pero, ah basta.”
“Eh bakit ka naman naiilang ha? Akala ko ba eto ang gusto mo. Bakit ano bang meron?”
“Parang its not the same as before. Alam mo yun? Parang may harang sa pagitan namin ni Misa.”
“Hay. Alam mo Nico, natural lang yan. Pagkatapos ba naman ng nangyari. At isa pa, ikaw ang may gusto na maging friends kayo remember? So ikaw dapat ang gumagawa ng paraan para maging close kayo ulit. So kung ako sayo, imbis na magmukmok ka diya, kausapin mo na siya. Lumabas kayo. I’m sure gusto niya yon.” Sabi ni Trish.
“You think?” tanong ng binata.
“Yup. Ano?”
“Okay. Sige. Tama ka. I’ll try.”
__
Thursday ng tanghali ay inabangan ni Nico si Misa sa may corridor. Balak niyang yayain ang dalaga para kumain ng lunch. Balisa si Nico at kinakabahan. Lalo pang bumilis ang pintig ng puso niya, na para bang bigla itong pumitik nang masilayan niya si Misa.
“Uhm, hi Misa.” Sabi ni Nico.
“Hello Nicks.” Sagot naman ng dalaga.
“Uhm, tapos na klase mo?”
“Katatapos lang. Una na ko ha?” sabi ng dalaga at muling naglakad.
“Ah, Misa sandali.” Sabi ni Nico. Huminti naman ang dalaga at napalingon.
“Gusto mong mag lunch? My treat.” Sabi ng binata. Napangiti naman si Misa.
“Sorry ha. Pero I can’t. My lakad kami ni Vince eh. Maybe next time okay?” sabi ni Misa. Para namang nabiyak ang puso ni Nico. Parang bigla na lang bumigat ang dibdib niya sa kanyang narinig. Pero dahil sa hari nga siya ng NR. Hindi niya pinahalata na naapektohan siya sa sinabi ni Misa.
“Ah ganon? Okay. Next time na lang. May praktis pa pala kami eh.”
“Practice saan?”
“Ah, tutugtog kasi kami sa university days eh ng school niyo eh. Manood ka ha?” sabi ng binata.
“Ah ganon? Okay, titingnan ko. Bye.” Sabi ng dalaga at nagmamadaling naglakad paalis habang pinagmasdan lang siya ng binata na lumabas ng gate.
__
Kinabukasan, break ng banda from practice kaya naisipan ni Nico na hintayin si Misa mula sa badminton practice nito. May dalang orange juice si Nico dahil alam niyang ito ang paboritong inumin ni Misa. Mga 5 pm na nang matapos ang practice ng dalaga. Paalis na ang dalaga kasama ang mga co-players nito nang makita nila si Nico na Inaabangan siya sa labasan ng court.
“Psst! Misa yung ex mo yon diba? Anong ginagawa nyia dito.” bulong ni Marriane.
“Wag kang maingay baka marinig nila.” Sabi ni Misa.
“uuuuy. Misa oh yung suitor mo.” Tukso ng kasama ni Misa. Namataan naman sila ni Nico kaya tumingin siya sa malayo a kunwari hindi sila napansin. Hinintay ng binata na dumaan sila sa harap niya.
“Nicks.” Sabi ng dalaga. Agad namang napatingin si Nico at kunwari ay nagulat.
“AY, Misa andyan kana pala.”
“Misa maiwan na namin kayo ha. Mauna na kami.” Sabi ng kasama ni Misa. Napangiti lang ang dalaga sa kanila.
Ilang segundong katahimikan ang sumunod. Pareho nilang di alam kung ano ang sasabihin sa isat isa. Ilang sandali pa ay nagsalita si Misa.
“Oh, Nicks, anong meron?” tanong ng dalaga. Tila natulala si Nico nang muling masilayan ang ngiti sa mga labi ni Misa.
“Ah, eh. Wala. Sinundo lang kita. Ay, eto oh, orange juice.” Sabi ni Nico sabay abot ng orange juice sa dalaga.
“Thanks.”
“Uwi ka na?”
“Yup.”
“Tara samahan na kita. Kung okay lang.” sabi ng binata. Ayaw sanang sumama ni Misa pero wala na siyang nagawa pa.
Naglakad ang dalawa patungo sa parking lot. Parehong tahimik ang dalawa. Di pa rin naalis ang sinasabi ni Nico na harang sa pagitan nilang dalawa.
“Uhm, gusto mong kumain?” tanong ng binata. Di naman nakasagot ang dalaga.
“Sige na?” tanong ni Nico.
“Okay.” Sagot ni Misa.
Nagtungo ang dalawa sa isang fast food chain malapit sa bahay ni Misa. Gusto kasi ni Nico na ilakad na lamang si Misa pauwi.
“So, uhm, kumusta ka naman?” tanong ni Nico.
“I’m okay.”
“Ah, buti naman. Eh si Tita kumusta naman?”
“Ayun, okay lang din.” Sagot ng dalaga.Napansin ni Nico na medyo malamig ang pakikitungo sa kanya ni Misa.
“Ahm, so lumabas pala kayo ni Vince kahapon? So okay na talaga kayo?”
“Yup. Oo naman. Were friends. Good friends actually.”
“Ah, I see.” Sagot ni Nico sabay kagat ng burger na inorder niya. Napansin ni Misa na naglagay si Nico ng fries sa pagitan ng burger. Natawa naman ang dalaga dito. Alam niyang palagi itong ginagawa ng binata.
“Ikaw kumusta ka naman?” tanong ng dalaga.
“Ako? Okay lang din.”
“Okay as in okay?”
“hmmm. Not really. Somehow I feel that I have to do something for a very important someone.”
“Sino?”
“Ah wala. Someone I know lang. Uy manood ka sa U-days niyo ha.” Sabi ni Nico na halatang iniiba ang usapan.
“Hmmm. I’ll see. Busy din kasi eh.”
“Siya nga pala kasama si Trish sa banda.” Sabi ni Nico.
“I know. She told me yesterday. Nagpunta kasi siya sa amin. Dala nya yung gitara niya.” paliwanag ni Misa.
“Ah. Ay good luck pala sa laban mo. I know you can do it.”
“Thanks. Anyway, kailangan ko nang umalis. Late na kasi eh.”
“Ay, sure. Teka balot ko lang tong burger.” Sabi ni Nico.
Muling naglakad ang dalawa. Hinatid ni Nico sa Misa papunta sa bahay nila. Dahil malapit lang ito, agad nakarating ang dalawa.
“Sige, pasok na ako.” Sabi ng dalaga.
“Okay.” Sagot naman ni Nico.
“Misa!” sigaw ni Nico at napalingon ang dalaga.
“Yes?”
“Thank you pala.”
“Para saan?”
“Kasi pumayag ka na ihatid kita.” Sabi ng binata at napangiti si Misa.
“Your welcome.” Sabi ng dalaga at tuluyan nang pumasok. Tiningnan ni Nico ang bahay ng dalaga sabay napabuntong hininga at naglakad palayo.
“So okay na kayo?” biglang tanong ni Mrs. Agoncillo pagkapasok ni Misa. Nagulat ang dalaga at napatingin sa direksyon ng mommy niya.
“We’re friends.” Sagot ng dalaga.
“Friends lang?” di agad sumagot ang dalaga at naglakad papunta sa hagdan. Bago umakyat ay muli itong lumingon sa mommy niya.
“Yup. And that’s all we’ll ever be.” Sabi ng dalaga at umakyat na sa hagdan.
__
Isang linggo na lang at University days na. Puspusan ang praktis ng Second Life. Seryoso ang lahat dahil bukod sa tutugtog sila para kay Misa, tutugtog din sila para sa first day ng University days. Madalas nagpupunta ang mga kaibigan nila para panuorin sila. Madalas ring nagdadala ng meryenda si Aya at Gela para sa kanila. Lahat ng practice sessions nila ay masaya pagkat kasama nila ang mga kaibigang sumusuporta sa kanila.
Dalawang araw na lang at Feb. 12 na. Ang unang araw ng university days. Nag meeting ang lahat sa auditorium para pagusapan ang magiging performance nila sa Wednesday.
“So okay na yung music natin. Polished na rin. Wala na tayong practice ngayon. Para makapagpahinga kayo. Pero sa wednesday mag papractice tayo before the actual performance. Di na rin practice yon, parang warm up na lang.” sabi ni Paul.
“Okay tol. Pero ano pala yung isusuot natin?”
“Susuot?” tanong ni Kiko.
“Oo, mas maganda kung may uniformity. Di naman yung parepareho na parang dancers ano. Yung parang may common thing lang.” paliwanang ni Nico.
“So anong suggestion mo?” tanong ni Trish.
“Uhm, I suggest a Black and White color theme. Magsusuot tayo ng black and white colors only.” Sabi ni Nico.
“Maganda yan tol. Since I like white and you like black. Pero okay lang bas a inyo yon?” tanong ni Paul.
“Okay lang sa akin. I also like the combination of those colors.” Sabi ni Trish.
“Aiks okay lang sayo?”
“No problem.” Masayang sagot ni Danica.
“Chics?”
“Oo naman okay lang.” sagot ni Chics.
“Then its settled. Black and White outfits on Wednesday.” Sabi ni Paul.
“Teka bakit di niyo ako tinanong?” kontra ni Kiko.
“Magisip ka nga. Kahit tumanggi ka wala ka nang magagawa dahil majority pumayag na.” sabi naman ni Paul.
“So okay na. We’re all set for wedesday!” sabi ni Nico at inextend ang kamay niya.
“Oh ano yan?” tanong ni Paul.
“Alam mo na. Patong niyo yung kamay niyo dito. Diba ito ung usually na ginagawa ng mga mag team mates?”
“Sus, anong kakornihan yan?” tanong ni Trish.
“Sumunod ka na lang. Part ka na ng Second life. Wala ka nang magagawa. Oh dito na dali!” sabi ni Nico. Lumapit naman ang lahat maliban kay Trish at ipinatong ang mga kamay nila sa kamay ni Nico. Napatingin ang lahat kay Trish.
“Oh bakit?” tanong ng dalaga ngunit di sila sumagot.
“Do I really have to?”
“Yes. You really have to.” Sabi ni Nico. Napabuntong hininga ang dalaga at lumapit sa kanila.
“Okay, ready! Tol game!” sabi ni Nico.
“Sige sige.” Sagot ni Paul.
“1! 2! 3! Second Life!” sigaw ng lahat.
No comments:
Post a Comment