Tuesday, March 22, 2011

Chapter 22 - 2: University Days - Second Life

A Wonderful Life
By: Nico and Paul


Chapter 22 – 2: University Days – Second Life

Wednesday na at Nagumpisa na ang university days. Gabi pa naka sched ang performance ng banda kaya sina Paul at Danica lang ang nakanood sa mga games ng U-days habang pumasok naman sa kanilang mga klase ang iba. Pinanood din nila ang eliminations ng Badminton. Pasok si Misa sa semi-finals at masayang ibinalita ito ni Paul kay Nico.

5 pm nang magkita kita ang buong Second Life sa school. Kasama ni Nico sina Gela, Aya at Ysa na nagpunta para panuorin sila. Nasa auditorium ang lahat at muling itinugtog ng tuloy tuloy ang tatlong kanta. Pagkatapos nito ay nagtipon tipon lahat, kasama sina Gela. Dahil sa unang performance yon ng banda, naisipan nilang mag dasal.

Pagkatapos nito ay nagbihis na ang lahat, at isinuot ang kanilang Black and White attires. Handa na sila para sa kanilang performance.

“Trish, ready ka na?” tanong ni Nico.

“Of course. Malamang first time niyo pero this isn’t my first time playing on stage you know.” Sabi ng dalaga at napangiti si Nico.

“Phew. Tingin mo manunuod siya?”

“Don’t worry. Tinext ko siya at sinabi ko na pag di niya ako pinanuod magagalit ako sa kanya.” Sabi ni Trish at natawa si Nico.

6:30 na at 30 minutes na lang bago ang nakatakdang oras. Tila nakalimutan na nila ang kaba habang nag kukwentuhan sa auditorium. Ilang sandali pa ay pumasok ang student council at kinuha ang atensyon nila.

“Excuse me guys, pero its time. Please proceed sa covered court.”  Muling nakaramdam ng kaba ang banda nang marinig yon. Nagtinginan sila at tumayo na para pagtungo sa covered court.

“Good luck sa inyo.” Sabi ni Gela.

“Kaya niyo yan. Magagaling kayong lahat.” Sabi naman ni Aya.

“Go! Pag checheer ko kayo! Kiko ayusin mo ha!” sabi naman ni Ysa.

“Goodluck guys. Make the crowd go wild.” Sabi naman ni Claire. Napangiti naman ang lahat ng myembro ng banda at nagtungo na sa likod ng stage. Kanya kanya silang pwesto doon habang hinihintay na tawagin ang pangalan ng banda nila.

“So guys, this is it. This is really is it! Okay pa ba kayo?” tanong ni Paul.

“Yup, we’re good.” Sabi ni Nico.

“Di halata.” Sabi ni Trish.

“Ganon ba ko ka obvious?” tanong ni Nico at natawa sila.

“Anyway, kaya natin to. We practiced hard, so sure ako walang magkakamali.” Sabi ni Danica.

“Tama! The more you practice the less anxiety you will have.” Sabi ni Kiko.

“Pero ang daming tao. Grabe first time ko to, nangangatog ako.” Sabi ni Chics.

“You’ll be alright. Tandaan mo nanonod si Claire.” Sabi ni Paul at napangiti si Chics.

“LADIES AND GENTLEMEN!” biglang sabi ng MC. Nagtinginan naman sila at natawa.

“Eto na guys!” sabi ni Paul.

“WELCOME TO THE 36TH UNIVERSITY DAYS OF HOLY ANGEL UNIVERSITY FOUNDATION! EXCITING ANG MGA GAMES NGAYON HINDI BA? UMPISA PA LANG PERO MAINIT NA ANG MGA GAMES NATIN. AND SIYEMPRE, MASAYA DIN ANG MGA BOOTHS NA ITINAYO DITO SA UNIVERSITY. AND ALL THOSE FUN GAMES COULD SURE MAKE US TIRED. WE NEED TO UNWIND RIGHT? SO HOW ABOUT A LITTLE MUSIC?” sabi ng MC. Sigawan naman ang mga crowd.

“YOU WANT IT RIGHT? SO ETO. WEVE GOT A NEW BAND HERE, AND MIND YOU THEY ARE ALL GOOD LOOKING, SPECIALLY THE FEMALE MEMBERS. OH YOU HEARD THAT RIGHT, SO GUYS, GET READY!” sabi ng MC at lalong nag hiyawan ang mga tao.

“Maganda daw? Alam ko si Danica lang ang maganda dito ah.” Biro ni Nico. Agad naman siyang binatukan ni Trish.

"Excuse me! At sino ring nagsabi na gwapo ka?” sabi ng dalaga. Natawa naman ang lahat sa dalawa.

“ANYWAY, LET ME INTRODUCE THEM TO YOU. TWO MEMBERS OF THE BAND ARE FROM THIS UNIVERSITY. AND THEY ARE BOTH GENIUSES ALRIGHT. I TELL YOU THEY ARE JUST NEW BUT THEY CAN PRODUCE GOOD MUSIC. HANDA NA BA KAYO? YOU BETTER BE, DAHIL ETO NA SILA, EVERYONE, LETS WELCOME, SECOND LIFE!”

“Second Life daw Huy!” sabi ni Paul.

“Huy Kiks! Second Life daw!” sabi naman ni Nico.

“Ano ako lang lalabas?” tanong ni Kiko.

“Ano ba kayo, para kayong mga bata! Halina nga kayo!” sabi ni Trish. Lumabas si Trish kasama si Danica.

“OH, SO THESE ARE THE GIRL MEMBERS OF THE BAND. IM RIGHT AREN’T  I? THEY ARE REALLY GORGEOUS! ANYWAY, MUKHANG NA DELAY ANG MGA GUYS. SO LET ME INTRODUCE THEM AGAIN. GET READY FOR, SECOND LIFE!” sigaw ulit ng MC. Isa isang nagsilabasan ang mga boys say kumaway kaway pa.

“WE LOVE YOU PAPA PIOLO!” sigaw ng mga kaibgan ni Paul. Napangisi naman si Paul at todo kaway sa mga tao.

__

“Misa halika na dali! Maguumpisa na!” sabi ni Marrianne.

“Oo andyan na. Bakit ka ba nagmamadali? Parang excited ka ah.”

“Tara na kasi! Ang ingay na sa covered court oh! Baka maupuan na yung mga pinareserve natin kina Jane.”

“Oo na eto oh sapatos na lang kulang.” Sabi ni Misa.

Pagkatapos magayos ay nagtungo na ang dalawa sa covered court. Nagtungo sila sa mga upuan nila na nireserve ng mga kasama nila at naupo. Nakita ni Misa si Trish at Danica na nasa stage. Napangiti ang dalaga pero di niya alam kung bakit wala pa sina Nico.

“OH, SO THESE ARE THE GIRL MEMBERS OF THE BAND. IM RIGHT AREN’T  I? THEY ARE REALLY GORGEOUS! ANYWAY, MUKHANG NA DELAY ANG MGA GUYS. SO LET ME INTRODUCE THEM AGAIN. GET READY FOR, SECOND LIFE!”

Isa isang nagsilabasan ang mga boys. Namangha naman sina Misa sa suot nilang mga black and white attires.

“Ay shet sila yan? Ang poporma nila!” sigaw ng isang kasama ni Misa.

Sigawan ang crowd sa paglabas ng banda. Tila malakas ang charisma nila, dahil di pa sila tumutugtog ay maingay na ang mga tao. Isa isang pumwesto ang lahat at naghanda nang tumugtog.

“Good evening HAUF!” bati ni Paul.

“As you all know, taga dito ako sa school na to. Most of you may know me already, for those who doesn’t, Ill introduce myself. I am Paul, but you can call me piolo.” Sabi ni Paul at nagsigawan ang mga tao.

“Piolo lumayas ka diyan! Shoo!” sigaw ng mga kabarkada ni Paul.

“Ang kumontra di ko papakopyahin. So makisama okay?” sabi ni Paul.

“Anyway, Im the drummer, as you can see nakaupo ako dito ano. Si Nico naman over there is The vocalist. Trish and Chics on the guitars. And another famous personality dito sa school, si Danica, the bassist.” Sabi ni Paul.

“Psst! Paul! Ako!” sabi ni Kiko.

“Ay oo nga pala. And Kiko, the waterboy, este, keyboardist pala.” Sabi ni Paul at nagtawanan ang mga tao. Tiningnan naman ni Paul si Nico at sinenyasan ito. Humarap si Nico sa mga tao.

“Are you ready for some good music?!” sigaw ni Nico at nagsigawan ang mga tao.

“Then just sit back and enjoy.” Sabi ni Nico. Nagdilim ang buong covered court at ang tanging ilaw lang ay ang ilaw sa stage. Nagumpisa nang itugtog ng banda ang una nilang kanta.

 Natapos ng Second Life ang una at pangalawang kanta nila. Sigawan ang mga tao dahil sa performance ng banda. Todo palakpak ang lahat. Walang salisalit ay agad inumpisahan ng Second Life ang final song.

Si Kiko ang nagumpisa sa keyboard niya dahil ito ang intro. Nagumpisa nang ikanta ni Nico ang mga unang linya.

Some things we don't talk about
better do without
just hold a smile
we're falling in and out of love
the same damn problem

together all the while
you can never say never
why we don't know when
time and time again
younger now then we were before”

Nanahimik ang mga tao habang pinapakinggan ang kanta ni Nico. Tahimik rin si Misa habang pinapakinggan ang binata. Pakiramdam niya ay siya ang kinakantahan ng binata. Chorus na at nagumpisa nang mag beat si Paul.

“don't let me go,
don't let me go,
don't let me go-oh-oh-oh,
don't let me go,
don't let me go,
don't let me go-oh-oh-oh

picture, you're the queen of everything
as far as the eye can see
under your command
i will be your guardian
when all is crumbling
steady your hand

you can never say never
why we don't know when
time and time again
younger now then we were before
don't let me go,
don't let me go,
don't let me go-oh-oh-oh,
don't let me go,
don't let me go,
don't let me go-oh-oh-oh

we're falling apart
and coming together again and again
we're coming apart
but we pull it together
pull it together, together again

don't let me go,
don't let me go,
don't let me go-oh-oh-oh,
don't let me go,
don't let me go,
don't let me go-oh-oh-oh”



Never say Never by: The Fray

Nang matapos ang performance ay nagpaalam na ang Second Life at bumaba na nag stage. Todo sigawan at palakpakan naman ang mga tao sa covered court.

Si Misa naman ay tila napaluha matapos ang performance. Tahimik lang siya habang nagsisigawan ang mga kasama niya. Napatingin sa kanya si Marianne.

“Okay ka lang?” tanong nito.

“Yup. I’m okay.” Sagot agad ng dalaga. Napabuntong hininga naman si Marianne.

“Uhm, girls, una na kami ni Misa ha. Maaga pa laban namin bukas eh. See you tomorrow.” Sabi ni Marianne. Nagpaalam rin ang mga kasama nila sa kanila.

“Tara Misa. Lets go.” Alok ni Marianne. Napangiti lang si Misa at tumayo.

__

Hapon kinabukasan, kararating lang ni Paul galing sa university nila. May maganda siyang balitang dala para sa Second Life. Una niyang hinanap ang best friend niyang si Nico. Inakyat niya ito sa kwarto. Di na ito kumatok at agad pumasok.

“Tol! May Good news ako!” sabi ni Paul. Nakita niyang tumutugtog ng gitara si Nico. Napangiti naman si Paul, dahil ngayon lang niya ulit nakita si Nico na itinutugtog ang gitara na ibinigay sa kanya ni Misa.

“Ano ba yan?” naiiritang tanong ni Nico.

“Tol.” Sabi ni Paul at naupo sa kama ng kaibigan. “Nag request ang organizers ng U-days. Gusto nilang tumugtog tayo sa 14. Sa last day ng U-days.”

“Talaga?”

“Oo!”

“Ganon ba tayo kagaling?” tanong ng binata.

“Ahm, kasi kailangan nila ng performers para sa closing eh. Puro daw kasi sayaw. So dapat may banda.”

“So kailangan lang ganon?”

“At syempre kasi magaling tayo.” Pagmamayabang ni Paul.

“Ano pang hinihintay natin. Tara, ikalat ang good news sa Second Life.” Sabi ni Nico. Napangiti naman si Paul at parehong lumabas ng kwarto ang dalawa.

__

“Ayoko!” sigaw ni Trish.

“Ba-bakit naman? Para namang wala tayong pinagsamahan eh.”

“Ah basta! Sabi ko magiging member lang ako ng Second Life for the performance last Wednesday diba? Yun ang deal.”

“Trish naman. We need you. Please? Last na to promise.” Pagmamakaawa ni Nico.

“Last nanaman! Tapos pag may next performance tatawagin mo nanaman ako!”

“Eh part pa rin to ng U-days eh. Pag may next performances pa, which I think is least likely gonna happen, ako na ang bahalang mamroblema don. Pero ngayon, kailangan ka namin.”

“Ah basta! Ayoko!” pagmamatigas ng dalaga.

“Hindi na ba talaga kita mapipilit?”

“Hinde!” sigaw ng dalaga. Tumalikod naman si Nico at akmang aalis na. Pasimpleng lumingon ang dalaga sa kanya. Lumingon si Nico sa direksyon niya at agad tumingin ng diretso si Trish.

“Sayang.”

“Bakit naman?” tanong ni Trish.

“Lilibre sana kita. My treat, sky is the limit. Kaya lang wag na. Ayaw mo naman diba?”

“Saan mo ba ako itetreat?” tanong ng dalaga.

“Hindi na, ayaw mo eh.” sabi ni Nico at naglakad palayo.

“Huy! Saan sabi eh?”

“Yellow cab.” Mahinang bigkas ng binata habang naglalakad. Agad naman tumakbo si Trish papunta sa binata.

“Tara. Hihi!” sabi ng dalaga. Huminto si Nico at tiningnan ng masama si Trish.

“Ano to?” tanong ng binata.

“Sumasama sayo sa yellow cab.”

“Bakit?”

“Kasi I like pizza!”

“So?” tanong ng binata.

“Yih! Tara na!” natawa si Nico. Naisipan niyang paglaruan muna ang dalaga.

“Eh kung ayoko?”

“Wala ka nang magagawa!”

“Meron. Hindi lang ako gagalaw dito. Di mo naman ako mahihila.” Sabi ni Nico. Halatang naiirita na ang dalaga.

“Nicks tara na.”

“Nope. I’ll stay here. Mag yellow cab ka magisa.” Sabi ni Nico.

“Sige na. Fine sasali na ako sa Second Life.” Sabi ni Trish at natawa si Nico.

“Talaga?”

“Oo nga! Tara na dali!” sabi ni Trish sabay hila sa braso ng binata.

“Walang bawian ha?”

“Wala, I’m a woman of my word.” Sabi ng dalaga.

“Talagang talaga? Pinky swear.” Sabi ni Nico. Agad namang nakipag pinky swear ang dalaga.

“Okay. It’s settled. Trish, you are now an official member of Second Life.” Sabi ni Nico at nagtaas ng kilay si Trish.

“Hep! Sabi ko for this performance only.”

“Wala yata akong naaalala. Ang deal natin is you’ll be a part of second life. Wala kang sinabing for this performance lang. Maybe your mind is failing you. Pero yun talaga ang naalala ko eh.”

“Madaya! Niloko mo ako!” sabi ni Trish at sinuntok sa braso si Nico.

“Well, basta yun ang deal. Don’t worry, dahil sa deal na to, marami pang Yellow cab pizzas ang darating. So ano?” Sabi ni Nico.

“Bahala na! Ayokong magisip. Gutom na ko. Pwede mamaya na natin pagusapan yan?” pakiusap ng dalaga. Natawa naman sa kanya ang binata.




“Well okay. Isipin mo na lang na ililibre kita ngayon bilang pasasalamat sa pagsali mo OFFICIALLY sa Second Life.” Sabi ni Nico ngunit naglakad na palayo ang dalaga.

“Bagal maglakad! Tara na!” sabi ni Trish. Natawa na lang ang binata at sinundan ang dalaga.
__

Feb 14, last day ng University days. Hapon na at magpeperform ang banda sa gabi. Dumiretso si Nico sa school nina Paul para makapaghanda. Kumpleto na ang lahat at siya na lang ang kulang.

Nakatambay naman ang buong banda sa food court habang hinihintay si Nico. Habang busy ang lahat sa pagkain, busy naman si Chics at Kiko sa pagandahan ng date.

“Ako dadalhin ko si Ysa sa mall, at kakain kami ng ice cream habang nanonood ng sine.” Pabida ni Kiko.

“Hay Kiks. Amateur ka pa. Ako, doon lang kami sa bahay nina Claire, magmomovie marathon. Habang kumakain ng Ice cream, fries at popcorn. At least kaming dalawa lang doon. Pwede kaming magingay hanggat gusto namin.” Sabi ni Chics.

“Mag didinner date kami ni Ysa, sa pinakamahal na restaurant.” Sabi ni Kiko.

“Posible kaya yan? At tingin mo gusto ni Ysa yan? Ako, magdidinner date kami sa bahay lang ulit. Lalagyan ko ng red cloth ang table, at ako rin ang magluluto, well at least with the help of mum. Tapos sasabihin ko kina mama na umalis muna sila para solo namin ang lugar. Then I would cut the steak for her, tapos may mellow background music.” Sabi ni Chics at talagang napipikon na si Kiko.

“Ah talaga ha? Yun lang? Ako dadalhin ko siya sa carnival, para makapag enjoy kami doon. And then we will look over the entire city pagsakay namin ng fairy’s wheel.” Sabi ni Kiko.

“Nice idea, yan na yata ang pinakamagandang na suggest mo, pero pangit pa din. Carnival? Masyadong maraming tao. Kung ako, I’ll take her to the beach. Feb pa lang wala pang tao. Then we will eat by the shore, while watching the city lights on the other side of the sea.” Sabi ni Chics.

“Ah talaga? Ako ano, uhm.”

“Haha! Talo ka na! wala ka nang maisip!” tukso ni Chics.

“Tol!” biglang sigaw ni Paul. Napalingon ang dalawa at nakitang dumating na ang Kuya nila.

“Sorry medyo na late. Teka bihis lang ako, kain muna kayo diyan.” Sabi ni Nico.

“Tol teka, may good news ako.” Sabi ni Paul.

“Ano?” tanong ni Nico.

“Si Misa, first runner up sa badminton.” Sabi ni Paul. Bigla na lang gumuhit ang ngiti sa mukha ni Nico.

“Talaga? I have to congratulate her. Asan siya?”

“Umuwi muna yata sandali. Pero babalik yon.”

“Ah okay. Sige bihis lang ako.”

__
Sumapit na ang gabi at nalalapit na ang pagtatapos ng University Days. Nag enjoy ang lahat sa mga games at events na meron doon. Halos di na nila napansin ang oras. Habang nagsasaya ang lahat ng myembro ng banda, nakaupo naman si Nico sa auditorium. Maraming tumatakbo sa isip niya. isa na dito si Misa.

“Ehem!”
Napalingon si Nico sa tunog. Nakita niya si Trish na nakatayo sa may entrance.

“Ay, pasok.” Sabi ni Nico. Tumingintingin sa paligit si Trish at natawa.

“Bakit?”

“Wala. Kanina ka pa dito? Di ka natatakot? Ang dilim oh. Sabi pa naman nila may multo daw dito.” Sabi ng dalaga habang naglalakad palapit kay Nico.

“Alam ko. Upo ka.”
Naupo si Trish sa tabi ni Nico.

“In fact, kanina pa kami nag uusap dito.” Biro ni Nico. Agad bumakas ang takot sa mukha ng dalaga.

“Wag kang magbibiro ng ganyan.”

“Totoo. Di mo ba siya nararamdaman?”

“Yih! Nico naman eh!” reklamo ni Trish.

“Shhh. Pakinggan mo.” Sabi ni Nico. Tahimik ang dalawa, parehong nakatingin sa isat-isa. Walang naririnig ang dalawa. Sobrang tahimik sa auditorium.  Ilang sandali pa ay parang humangin galing sa nakabukas na pinto at may narinig silang parang may bumagsak sa stage. Tumayo ang balahibo ng dalawa at parehong di agad nakapag react. Ilang sandali pa ay halos sabay silang tumayo at nagtatakbo palabas.

Tawa ng tawa si Nico nang makalabas na sila. Pinaghahampas naman ni Trish ang braso niya.

“Sira ka talaga! Ano yon!?” tanong ng dalaga.

“Ewan ko. Katakot no?”

“Hmp! Grabe ngayon lang ako natakot ng ganon sa buong buhay ko.”

“Tara balik tayo?” biro ni Nico.

“Che!”
Tawa pa rin ng tawa ang binata.

“Tama na nga yan. Dumaan lang ako dito para i-check ka. Buti andito ka. Its almost time. Sigurado naman akong gusto mong makausap ang pinsan ko bago yung performance diba?” sabi ni Trish. Biglang nagbago ang timpla ng mukha ng binata.

“Andyan an siya? Asan?”

“Tara sumunod ka na lang.” sabi ng dalaga at nagumpisa nang maglakad. Tahimik naman na sumunod si Nico sa kanya.

__

Nag-abang sa front gate ang dalawa, parehong hinihintay ang pagdating ni Misa. Tahimik lang si Nico habang kumakain naman si Trish. Ilang sandali pa ay nakita na nila ang hinihintay nila. Papasok ito ng gate, nakasuot ng pink blouse at denim pants. Nakapony-tail ang buhok ni Misa at may suot na head band. Ito an gusto ni Nico na ayo ng buhok ng dalaga.

“Misa!” sigaw ni Trish. Agad itong tumayo at pinuntahan ang pinsan. Pinagmasdan lang sila ni Nico habang naguusap. Ilang sandali pa ay lumingon si Trish.

“Huy tara na. Malelate tayo.”
Tumayo si Nico at pinuntahan ang dalawa. Naglakad na ang tatlo papunta sa covered court.

“Ah, Misa.” Sabi ni Nico. Hanggang ngayon ay damang dama parin niya ang harang sa pagitan nila ni Misa.

“Yes?” mahinhin na tugon ng dalaga.

“Uh, congrats pala.” Sabi ni Nico. Napangiti naman si Misa.

“Thanks.”

“Sorry pala di ako nakapanood. Duty kasi ako eh.”

“Okay lang. I understand.”
At tahimik nananman ang dalawa. Lingid sa kaalaman nila ay tahimik na nakikinig sa kanila si Trish. Pinauna niya ang dalawa para pagmasdan ang mga reaksyon nila sa isa’t-isa. Natatawa na lang siya pero pilit niya itong itinatago.
Malapit na sila sa covered court pero di pa rin nagkikibuan ang dalawa. Napabuntong hininga si Trish at naglakad papunta sa gilid ni Misa.

“Tara tulungan kitang hanapin yung mga kasama mo. Nicks una ka na sa backstage. Susunod ako.” Sabi ni Trish. Hinila niya ang pinsan niya papasok sa entrance. Napalingon saglit si Misa sa direksyon ni Nico at ngumiti.

“Galingan niyo. Go secondlife.” Pangiting bigkas ng dalaga sabay bigay ng mahinhin at hanggang leeg na fis pump. Natawa naman si Nico sa sinabi ng dalaga. Tila nabuhayan siya. Nangangati na siyang tumugtog.

“Gagalingan namin.” Sagot ni Nico. Tumingin na ng diretso si Misa at tuluyan nang nakapasok.

“This is for  you after all.” Sabi ni Nico. Huminga siya ng malalim at naglakad na papunta sa back stage.

__

Naghanda na ang lahat para sa pinakamalaki nilang performance. Halos buong population ng school ay panonoorin sila. Di tulad dati na may mga games pa na nagaganap habang tumutugtog sila, ngayon, wala ng iba pang events sa school maliban sa performance nila. Although hindi lang sila ang mag pe-perform, sila naman ang huli. Parang main event ng gabi.

Kinakabahan, excited, halo halo ang nararamdaman ng lahat. Nang dumating na si Trish sa backstage, nakapagpraktis pa sandali ang banda. Nagumpisa na ang unang performance at nanood sila mula sa backstage.

Natapos na ang lahat ng mga performance na nakatakda sa gabing yon maliban sa kanila. May mga kumanta, may mga sumayaw. Pero sila lang ang nagiisang banda para sa gabing yon. Sila na ang susunod kaya agad nilang inayos ang mga sarili at naghintay na tawagin ang pangalan ng banda nila.

“This is it guys. Our biggest performance.” Sabi ni Nico.

“Shit. Maiihi yata ako. Buong school nandito.” Sabi ni Kiko.

“Relax. They love us.” Sabi naman ni Paul.

“Kaya natin to guys. We have Piolo ang Aga with us.” Sabi ni Danica na parang natatawa.

“Aga? Ako ba yan?” tanong ni Nico.

“Oo. Akala ko Daddy mo si Aga? Pinagkalat palang ni Paul na siya daw si Piolo tapos ikaw si Aga.” Paliwanag ni Danica.

“Well, at least dalawa na ang celebreties ngayon.” Biro ni Nico at natawa silang lahat. Sa sobrang tense, at biruan, di nila napansing tinawag na ang pangalan nila, maliban ka Trish. Agad niyang hinili ang kamay ni Nico palabas ng stage.

“Aga tara na.” sabi ni Trish. Sumunod naman ang iba sa kanila. Paglabas nila ay hiyawan na ang mga crowd. Kumaway kaway si Paul na parang beauty queen at lalong sumigla ang mga tao.

“Piolo! Piolo!” sigaw ng crowd.

“Told you. They love me.” biro ni Paul.

Pumwesto na ang mga myembro ng Second Life. Di sila umalis sa tema nilang Black and White. Nakasuot si Nico ng striped black and white long sleeves, vest at black denim pants na may kulay white na fade. Si Paul naman ay nakasuot ng White fitted polo shirt at vest. Naka white pants ito at white gloves. Halos kambal naman si Trish at Danica sa suot nila. Naka white blouse si Danica habang black naman ang kay Trish. Parehong nakasuot ng striped jacket ang dalawa. Nakataas ang sleeves nito hanggang sa mga braso nila. Pareho silang nakasupot ng black mini skirt, striped high cut socks at black and white na sapatos. Naka black scarf si Danica habang white naman ang kay Trish. Alternating colors di ang suot ni Kiko at ni Chics. White sport shirt ang suot ni Kiko habang black naman ang kay Chics. Black pants ang suot ni Kiko at white ang kay Chics. Parehong may chain na nakasabi sa gilid ang dalawa at parehong naka black denim jacket. 

Nagmistulang colorless ang buong stage dahil sa mga suot ng SecondLife.

Wala nang sabi sabi at agad tumugtong ang banda. Tumindi ang hiyawan ng mga tao habang itinutugtog nila ang intro ng una nilang kanta.

Sumapit ang unag dalawang kanta at down to one last song na sila. Nag settle down ang crowd at nagsalita si Nico.

“The third song will be different.” Sabi ng binata. “I mean, iba kaysa doon sa song na tinugtog namin last time.” Ibinaba ni Nico ang gitara niya. Ilang sandali pa ay lumapit sa kanya si Kiko, dala ang acoustic guitar niya; ang gitarang ibinigay sa kanya ni Misa noon.

“Actually, this song will be like a message. Para ito sa isang babae na nanonood din ngayon.” Sabi ni Nico habang isinuot ang strap ng gitara.

“Mimi, this is for you.”
Parang nakaramdam ng kuryente si Misa na biglang dumaloy sa katawa niya. Syempre, walang ibang nakakalam sa mga audience na siya ang tinutukoy ng vocalist ng SecondLife. Ang tanging nakakaalam lang ay ang mga kaibigan nila. Napansin niyang napatingin sa direksyon niya sina Gela, Aya, Claire at Ysa. Di sila magkakatabing nakaupo pagkat kasama niya ang mga ka-team niya sa badminton.  Pinagmasdan niya si Nico sa stage at napansing nakatingin ito sa kanya. Nagumpisang tumugtog ang binata; bumilis ng husto ang tibok ng puso niya.

When I see your smile,
 tears run down my face I cant replace.
And now that im stroner I fiured out
How this world turns cold
And it breaks through my soul
And I know I’ll find deep inside me
I can be the one

I will never let you fall
I’ll stand out with you forever
I’ll be there for you through it all
Even if saving you send me to heaven”

Di na mapigilan ni Misa. Unti unti nang tumulo ang mga luha niya. Napansin naman yon ni Marianne, ang katabi niya.

“Gusto mong lumabas?” tanong ni Marianne. Di sumagot si Misa at umiling lang. Kinuha ni Marianne ang kanyang panyo at ibinigay sa kabigan.

Its okay. Its okay. Its okay.

Seasons are changing and waves are crashing
And stars are falling all for us.
Days grow longer and nights grow shorter
I can show you I’ll be the one

I will never let you fall
I’ stand out with you forever
I’ll be there for you through it all
Even if saving you sends me to heaven

Cause you’re my, you’re my, my
My true love, my whole heart
Please don’t throw that away

Cause I’m here for you
Please don’t walk away and
Please tell me you’ll stay”

Kung kanina ay nakatingin si Nico sa babaeng mahal niya, ngayon ay ipinikit na ng binata ang mga mata niya habang kumakanta, dinadama ang bawat linya. Ganon din ang ginawa ni Misa, ipinikit niya ang mga mata niya habang nakatakip ito ng panyo. Dinadama ang bawat linyang bitawan ni Nico, habang sinasariwa ang mga masasayang sandali kasama ang binata. Sa mga oras na yon, may invisible connection ang dalawa, na parehong sila lang ang nakakadama.

Use me as you will
Pull my strings just for a thrill
And I know I’ll be okay
Though my skies are turning gray

I will never let you fall
I’ll stand out with you forever
I’ll be there for you through it all
Even if saving you sends me to heaven


I will never let you fall
I’ll stand out with you forever
I’ll be there for you through it all
Even if saving you sends me to heaven”

Tahimik ang lahat pagkatapos ng kanta. Parang nadala sila sa pagtugtog ng banda. Unang pumalakpak ang grupo nina Gela, at matapos ang ilang sandali, ay pumapalakpak na ang lahat ng tao sa covered court.

“Misa okay ka lang?” tanong ni Marianne. Tumango lang ang dalaga. Ilang sandali pa ay ngumiti ito. Pero halatang pilit lang.

“Tara, I need some air.” Sabi ni Misa at tumayo at naglakad palabas.

“Girls, samahan ko lang ha.” Sabi ni Marianne sa mga kasama sabay turo kay Misa. Agad siyang tumayo at sinundan ang dalaga sa labas.

___

Kinabukasan, Nagising si Nico. Agad niyang naalala ang mga nangyari kagabi. Di niya nakausap si Misa. Una dahil naduwag siya bigla, hindi niya maintindihan ang sarili niya. Pangalawa, dahil di nila mahanap si Misa. Dahan dahan siyang tumayo, plano niyang puntahan si Misa sa kanila. Lumabas siya ng kwarto at bumaba sa sala. Nakita niyang nanonood ng TV si Ysa at Kiko.

“Asan yung iba?” tanong ni Nico.

“Ah, Kuya Nick, gising kana pala. Wala sila umalis.” Sabi ni Kiko.

“Ah. Kumain na kayo?” tanong ni Nico habang naglalakad papunta sa kusina.


“Kanina pa.” sagot ni Kiko. Napalingon siya at nakitang nagbubulungan si Ysa at Kiko, parang may pinagtatalunan.

“May problema ba?” tanong ni Nico.

“Ah Kuya, kasi.”

“Ano yon Ysa?” tanong ni Nico sa mas malakas na boses.

“Si Ate Aya.” Bigkas ni Ysa.

“Anong nangyari?”

“Kanina pa siya umiiyak sa bahay. Kino-comfort siya ni Ate Gela.” Malungot na sagot ni Ysa.

“Ha? Bakit anong nangyari sa kanya?”

“Kuya Marvin-“
Bakas ang pagaalinlangan sa boses ng dalaga.

“Ano?”

“Kuya Marvin broke-up with her.”



Thursday, March 10, 2011

Updates....

Sorry for suuuper slow updates... Kasagsagan po kasi ng final exam ngayon... kaya medyo busy....
Please keep on supporting... thanks!!

Sunday, March 6, 2011

When an inspiration is gone

When an inspiration is gone


There was a time where I could write poems for her,
that I could write stories that came from our precious memories,
There was a time when the smile on my face is never withered,
that my smiling face reflected hers.
And there was a time I could laugh so hard,
even when she's not saying anything.


What ever happened?
I am here all alone, carrying the memories that we shared.
Are you happy?
Coz I maybe contented, that you're now happy.
Your happiest days were once my happiest days,
but now, they are my worst days.


Sometimes I wished that I have never loved you,
that I met you and treated you as my friend.
But I know that could never happen,
and these feelings of mine would haunt me forever.


But I promise to keep on moving
So that someday I could find my own happiness.
So that someday I could put a real smile,
the one that does not fade,
the one that does not wither.


-Nico

Monday, February 21, 2011

Chapter 22 - 1: University Days - Barrier

A Wonderful Life
By: Nico and Paul


Chapter 22 - 1: University Days - Barrier


“Talaga?! Tapos anong nangyari?!” tanong ni Paul

“Ayun. Friends nga. Yun lang. Wala namang ibang nangyari.” Sabi naman ni Nico.

“Tol, I’m happy for you.”

“Yeah, pero parang naiilang pa rin siya. Na parang may harang. Kailangan kong maalis yung harang na yon.”

“Tama! Anyway, what about the band?”

“Hmmmm. Come to think of it, the reason you suggested that was because of me and Misa. Pero ngayon friends na kami. Pero may kulang pa. I think we have to push through. Sige, payag na ako.” Sabi ni Nico.

“Yes!” sigaw ni Paul.

“Teka, anong band name? At paano yung 2nd rhythm?” tanong ni Nico.

“Hmmmm. Since its about second chances, how about ‘One more Chance’ band?” sabi ni Paul.

“Yuck baduy! Mas maiksi pa yung  ‘second chance’ band. Pero baduy pa din.” Sabi ni Nico.

“Paano kaya kung ang pangalan ng banda natin ay ‘Second Life’”?

“Second Life?”

“Maganda  diba? Maganda pakinggan.” Sabi ni Paul.

“Hmmm. Second Life band. Pwede!” sabi ni Nico at parehong natawa ang dalawa.

“Anyway, about sa guitarist natin, magtatanong tanong muna ako.  Pero kung wala talaga, try ko kahit ako na lang. Pero kailangan ng puspusang practice.

__

Tuesday ng hapon pagkatapos ng duty ay nakatambay sa Mcdonald’s si Nico kasama ang mga kaklase niya. Di pa sila nakakapag praktis formally dahil madalas silang kulang at di pa sila sigurado sa mga kantang itutugtog nila.  Habang nakikipagusap ay napatingin si Nico sa entrance ng fastfood chain. Nagulat siya nang makita si Trish na pumasok at may dala dala ito sa kanyang likod. Agad namang tumayo ang binata at pinuntahan si Trish.

“Psst!’ napalingon naman ang dalaga at biglang napangiti.

“Nicks!” sigaw ng dalaga at agad lumapit kay Nico.

“Oh bakit parang ang saya mo diyan?”

“Eh kasi may manlilibre na sa akin. Tara dali order tayo.” Sabi ni Trish sabay hila kay Nico.

“Ha? Teka nga. Nagorder na kaya ako. Ayun yung mga kasama ko oh.” Sabi ni Nico.

“So? Eh di ako ang pangorder mo. Tara na pleeease?” lambing ni Trish. Wala nang nagawa ang binata. Nagbitaw na lamang siya ng buntong hininga at sinundan ang dalaga.

Habang busy sa kakaorder si Trish ay pinagmasdan naman ni Nico ang dala ng dalaga sa likod nito. Isang guitar case. Malamang marunong mag-gitara si Trish. Nagdalawang isip si Nico. Gusto niyang isali si Trish sa banda ngunit nahihiya siya.

“Oh, 230 pesos daw.” Sabi bigla ni Trish.

“Ha?”

“230 pesos yung order ko.” Sabi ng dalaga sabay ngisi.

“Ah okay.” Sabi ni Nico sabay bunot ng pera niya. Ilang sandali pa ay natigilan ang binata.

“What?! 230 pesos?! Bakit ang mahal?!” natawa naman si Trish sa kanya.

“Eh kasi gutom ako eh.”

“Ha?! Kahit ako gutom di aabot ng ganyan ang order ko!”

“Bayaran mo na kasi. Eto naman oh bihira lang.”

“Bihira?”

“Babayaran mo ba o hinde!?” sigaw ni Trish.

“Babayaran. Sinabi ko bang hindi ko babayaran?” maamong bigkas ni Nico sabay abot ng bayad. Natawa naman sa kanila ang cashier.

“Oh, babayaran naman pala eh. Teka ano bang nangyari sayo? Parang wala ka sa sarili?” tanong ng dalaga.

“Oo nga eh. Mamaya sabihin ko sayo, dalhin mo muna yang order mo.” Sabi ni Nico ngunit biglang naglakad palayo si Trish at naupo.

“Nicks dalhin mo dito daliii!” sabi ng dalaga. Napabuntong hininga muli si Nico at dinala ang order ni Trish sa table nila.

__

“Konti pa Aiks. Nakukuha mo na.” sabi ni Paul.

“Pwedeng break muna?” tanong ng dalaga at napangiti si Paul.

“Hmmm.”

“Please?” pakiusap ni Danica.

“Oo na sige na. Halka dito upo ka sa tabi ko.” Sabi ni Paul at sinunod naman siya ng dalaga.

“Pao, nagimprove na ba ako?”

“Oo naman. Ang galing mo nga eh.  Pero konti pa.” sabi ng binata at napasimangot si Danica.

“Ano pa bang kulang?” tanong ng dalaga. Napansin naman ni Paul na medyo malungot ang itsura ng kaibigan niya.

“Hmmm. Medyo mabagal lang yung pagpapalit mo. Pero makukuha yan sa practice. Overall, your good.” Sabi ng binata at lumiwanag ang mata ni Danica.

“Talaga?”

“Yep. Talaga.” Sabi naman ni Paul sabay bitaw ng ngisi. Napangiti naman si Danica.

“Halika sa baba, gawa muna ako ng merienda.” Sabi ni Danica. Agad namang tumayo si Paul at bumaba ang dalawa.

__

“Okay, so tapos na akong kumain, care to tell me about your worries?” tanong ni Trish. Nanatili namang nakatingin sa kanya ang binata.

“Oh? Hello? May kausap ba ako?” tanong ni Trish ngunit di pa din sumagot si Nico.

“Huy!”

“Wow.” Bigkas ng binata.

“Ha?”

“Grabe ka. Ang takaw mo.”

“Masama? Gutom ako eh.” Depensa ng dalaga.

“Kahit na. Sinong magaakala na meron pang babae na napakaganda at sexy pa ha take note, na kayang kumain ng tatlong order mula sa isang fastfood chain, with desserts,  nang magisa, na kahit may kasama siya ay di man lang siya nag alok kahit na isang fries, at kayang ubusin lahat yon in less then, uhm, ten minutes.” Hirit ni Nico at napasimangot naman si Trish.

“Ganon ba talaga ako katakaw?” tanong ng dalaga.

“Ay hindi joke lang. Di ka naman matakaw, actually normal lang yan sa mga babae.” Sabi ni Nico.

“Niloloko mo ako eh.”

“Buti alam mo.” Sabi ni Nico at binato siya ni Trish ng plastic cup.

“Oh easy. Pinapatawa lang kita.”

“Ganyan ka ba magpatawa ha?” tanong ng dalaga.

‘Joke lang ikaw naman. Pero seriously, matakaw ka talaga. Di mo ba isinusuka lahat yan ha?” tanong ng binata at nanlaki ang mata ni Trish.

“Yuck hindi noh! Di ako bulimic. Eew. Matakaw nga ako pero minsan lang to. Minsan lang ako kumain ng ganito karami ano. Kaya di ako tumataba. Baka akala mo araw araw gantito ako.”

“Hindi ba?”

“Hinde!” sigaw ni Trish at natawa naman si Nico.

“Easy ka lang. Anyway, about what’s bothering me, uhm.”

“Ano?”

“Marunong ka palang mag gitara?” tanong ng binata at nagtaas ng kilay si Trish.

“Related ba yan sa nag bobother sayo?”

“Oo. So ano marunong ka?” tanong muli ni Nico.

“Tingin mo?”

“Hmmm. Hinde?”

“Sira! Kitang may dala akong gitara eh. Eh di marunong ako! Hmp!” sabi ng dalaga at natawa si Nico.

“Joke lang. Magaling ka ba?”

“Oo naman!”

“Ganon? Alam mo kasi, di ba malapit na ang university days sa school ni Misa?”

“So?”

“Plano kasi naming tumugtog. Personally gusto ko rin talaga, gusto kong tumugtog para kay Misa. Kaya lang may problema.”

“Hmmm. Let me guess. Wala kayong guitarist noh?” tanong ng dalaga.

“Actually meron.”

“Meron naman pala eh.”

“Hindi, kasi ako yung guitarist, pero ako rin yung vocals at the same time. So kailangan pa namin ng second guitarist.” Paliwanag ni Nico.

“And you want me to be your second guitarist right?” tanong ni Trish.

“Heck no! Nageexplain lang ako.” Sabi ni Nico. AGad namang tumayo si Trish.

“Okay, di naman pala eh. Sige una nako. Bye.” Sabi ni Trish pero biglang hinawakan ni Nico ang kamay ng dalaga.

“Joke lang! Huy!” sabi ni Nico ngunit di sumagot si Trish.

“Trish sorry. Joke lang yon. Trish, please be our guitarist. Please. I really need you.”

“Eh ano ngayon? Ano namang mapapala ko?”

“Uhm, besides fame, which I think you already have, wala siguro. Yung enjoyment lang siguro sa pag tugtog. Trish, this is the first and last time that I will ask you a favor. Will you help me? Will you help us?” tanong ni Nco.

“First time? What about yung tulong ko sayo kay Misa?”

“Well, ikaw ang nag alok nun remember?”

“Ay oo nga pala.” Sabi ni Trish sabay upo ulit.

“This performance really is important to you is it?” tanong ni Trish.

“Yes. Very important.”

“Haaay! Ang free time na matagal ko nang inaasam, mukhang di ko pa magagamit.” Sabi ni Trish.

“You mean?”

“Yes! Sige I’ll be your guitarist. But only for this performance okay?” sabi ni Trish at biglang napatayo si Nico.

“Yes! Thanks Trish! Thank you as in!” sabi ni Nico. Napangiti naman ang dalaga habang pinagmamasdan si Nico na tumatawag at sinasabi nag magandang balita.

__

 Wednesday ng hapon at nagtungo si Nico at Trish sa school nina Paul. Agad silang nagpunta sa auditorium, kung saan nakaayos ang mga instruments na gagamitin. Pagdating doon ay nakita nila si Paul, Danica, Chics at Kiko na naghihintay sa loob. Napatingin ang mga ito sa direksyon nina Nico.

“Tol! You’re freaking late!” sigaw ni Paul.

“Sorry. Medyo late kami nakapag endorse sa duty kanina eh. Anyway.” Sabi ni Nico sabay tingin kay Trish.

“Well, guys, meet Trish. Second Life’s rhythm guitarist. For this performance by the way.” Sabi ni Nico.

“Second Life?” tanong ni Trish kay Nico.

“Ah, yun yung band name namin. Okay naman diba?”

“Baduy!” sigaw ni Trish.

“Ouch! Grabe ka naman. Well bear with it. Dahil isa kang myembro ng Second Life hanggang next week.”

“Joke lang. Actually I think its pretty cool.” Sabi ng dalaga. Napangiti naman lahat ng nasa auditorium.

Isa isang pinakilala ni Nico ang lahat ng members ng kanilang banda. Pagkatapos nito ay nagusap ang banda tungkol sa mga kantang itutugtog nila. Matapos ang halos isang oras ay doon pa lang natapos ang diskusyon tungkol sa mga kanta, at mga gagawin nila.

“So tomorrow is our first official practice as a band. So praktisin niyo na yung mga parts niyo sa bahay for tomorrow okay? So we’re an alternative rock band. Dapat may dating tayo.  And by the way dito tayo magpapraktis. I officially got a permit the other day sa tuloy na tuloy na tayo. At pumayag din sila na ipagamit ang auditorium for practice pero may time limit. So pag week days, practice time is from 4pm to 9pm, kasi may gagamit ng umaga. Sa week ends naman 8 am to 3 pm. Gets? Okay dismissed!” sabi ni Paul.

“Nicks una na kayo.” Sabi naman ni Danica.

“Ha? Bakit?”

“Magpapraktis muna kami ni Pao dito.” Bigkas ng dalaga.

“Ha? Akala ko kakain na tayo?” tanong ni Paul at tiningnan siya ng masama ni Danica.

“Ay! Oo nga pala magpapraktis pa kami. Well, Sige tol kitakits na lang mamaya. At Trish, thank you din. Ingat kayo.” Sabi ni Paul. Napangisi naman si Nico at Trish.

“Under talaga tong lalakeng to.” Bulong ni Kiko kay Chics.

“Bakit ikaw, di ka ba under kay Ysa?”

“Ako under? Ha? Ako? Buti alam mo.” Banat ni Kiko at natawa si Chics.

“Nico, sino yung babaeng yun?”

“Ah, si Danica? Best friend na Paul. At kaibigan din namin ni Misa. Bakit?”

“Bestfriend? Akala ko sila ni Paul.”

“Hmm. Long story. Pero hindi sila. And I don’t think magiging sila.” Sabi ni Nico.

“Bakit naman? She’s really pretty.”

“Oo alam ko. Pero, basta. Long story. I’ll tell you some other time okay?” sabi ni Nico at tumango lang si Trish.

__

Thursday ng hapon at muling nag kita-kita ang mga myembro ng Second Life para sa kanilang first official practice. Nagkita ang lahat sa may corridor ng school at nang makumpleto ay nagtungo ang lahat sa auditorium para umpisahan na ang practice. Pagkatapos mag pahinga sandali ay isa isa nang pumwesto ang lahat, dala dala ang mga instrumentong tutugtugin nila.

Nagumpisa nang tumugtog ang lahat. Itinugtog nila ang unang kanta sa kanilang listahan. Maraming beses silang humihinto pagkat may mga maling kailangang ayusin. Pero masaya ang practice nila. At bago pa natapos ang gabi, ay halos nakuha na nila ang unang kanta.

__

Friday ng gabi, nakatambay si Nico at Gela sa labas ng apartment. Ilang sandali pa ay lumabas si Aya, na may dalang juice. Naupo ito sa tabi nila, tila may gustong sabihin.

“Asan si Paul?” tanong ni Aya.

“Ayun, tumba. Napagod yata sa kaka practice. Pagod na siya doon? Eh ako galing pa nga akong duty eh.” Sabi ni Nico.

“Ah ganon ba?” malungkot na tugon ni Aya.

“Gusto mo gisingin ko?” tanong ni Nico.

“Ay, wag na. Tama lang na wala siya. May gusto kasi sana akong sabihin sa inyo eh.” Sabi ni Aya.

“Aya what’s wrong? Mukhang malungkot ka ah.” tanong ni Gela.

“Uhm, kasi, I feel like im a really bad person.” Sabi ng dalaga. Nagtinginan naman si Nico at Gela. Umusog si Gela papunta kay Aya at hinawakan ang kamay ng kaibigan.

“No you’re not. Pano mo naman nasabi yan?” tanong ni Gela.

“Its about my relationship with Marvin.” Sabi ni Aya.

“So may problema kayo?” tanong naman ni Nico.

“Actually. Wala. He’s really a good guy. He is loving at understanding.”

“So anong problema?” tanong ni Gela.

“I don’t know. I mean, he does everything for me.  He is so kind and generous. He does nothing but make me happy. But recently I felt that something isn’t right. I mean, di ba dapat give and take ang isang relationship? But I feel as if siya lang ang nagbibigay. Pakiramdam ko wala akong kayang ibigay sa kanya.”

“Bakit naman? Aya, Don’t say that.” Sabi ni Gela.

“Kasi naman. After all that he has done for me. Still, I cant seem to return his feelings for me. pagdating sa actions, halos equal lang. Kasi parang nag cocompensate ako. I feel guilty, so I do everything to please him as well. Pero di pa din mawala ang guilt feelings ko. Maybe because after all he has done for me, after all his kindness and love, still I cant love him back.” Sabi ni Aya.

“then why don’t you break up with him?” tanong ni Gela.

“I can’t. Ang bait niya eh. Sobra. I don’t have the courage to hurt him. Di ko siya kayang saktan.”
Sabi ng dalaga. Napabuntong hininga naman si Nico.

“Aya, I know di mo siya kayang saktan. Pero di mo ba naisip, na baka mas masakit kung paasahin mo lang siya. Buong akala niya okay ang lahat. Na you both have a perfect relationship. Pero hindi pala. Aya niloloko mo lang ang sarili mo. He is like living in a dream world. Kaya mo bang i-take yon? The deeper you go down the harder it is to get out. So habang di pa complicated ang lahat, mag desisyon ka na. It will definitely hurt him. Pero pain on reality is better than pleasure on a dream-like fantasy. Remember that. “ paliwanag ni Nico.

“I guess you’re right. Thank you sa inyong dalawa. I know I could trust you.”

“Wala yon Aya. You’ve always been a good friend to us. Palagi kang nandyan. Anytime if you need us, andito lang kami.” Sabi ni Nico.

“Oo nga. Lalo na ako. Ako lang ang nakakaintindi sayo. I’m you’re bestfriend after all. Basta wag kang magalangang mag share sa akin okay?” sabi naman ni Gela.

“Thank you talaga. Pero about my decision, I need more time to think.”

__

Sunday ng umaga ay muling nagkita kita ang banda para mag ensayo. Di tulad dati, halos na perfect na nila ang first song nila. Muli nilang itinugtog ang first song. Pagkatapos nito, inumpisahan nilang praktisin ang pangalawang kanta.

“Mali! Kiko masyado kang mabilis!” sigaw ni Trish.

“Oh boy. Pati sila Kiko nabibiktima na ng pagiging bossy ni Trish.” Bulong ni Nico sa sarili.

“Ay, sorry ate Trish. Medyo pasmado kasi yung kamay ko eh.”

“Ayusin mo. Paul isa ka pa! Mabilis ang beat mo.”

“Ay, sorry po ma’am. Na excite lang ako.”

“At bakit ka naeexcite aber?”

“Kasi ako nag suggest ng kantang to eh. Kaya excited akong itugtog.”

“Well Mr. Drummer boy, sayo kami lahat umaasa kaya umayos ka.” Sabi ni Trish sabay tingin kay Nico.

“Okay I’m dead.” Bigkas ni Nico. Natawa naman si Kiko at Paul sa kanya.

“Nico!”

“Yes , ma’am!”

“Kung kailangan mong huminto sa pag strum para kumanta, ayusin mo naman. Dapat tama yung timing. Dapat sakto siya sa pag shift ng chord. Di maganda pakinggan eh!” sabi ni Trish.

“Ah, Opo sorry po.” Sabi ni Nico habang nag kakamot ng ulo.

“Di niyo gayahin yang kapatid mo. Sakto yung pluck niya. Pati si Danica. Tapos sinasabi niyo magaling kayo?”

“Ahm, at kailang ko sinabing magaling ako aber?” tanong ni Paul.

“Ewan ko! Basta narinig ko lang!”

“haha! Wala kang ebidensya!” sigaw ni Paul.

“Che! Di ko kailangan ng ebidensya. Tara ulitin nga natin.” Sabi ni Trish at nagumpisang tugtugin ang intro.

Maagang natapos ang lahat sa kanilang practice. 2pm pa lang ay nag handa nang umalis ang lahat. Sumabay sina Danica, Kiko at Chics kay Paul habang si Trish naman ay sumabay kay Nico sa sasakyan nito.

“Hay. Natapos din.” Sabi ni Nico.

“Sinabi mo pa. Teka, Nicks diba kararating lang ni Misa nung Thursday? Di mo ba siya kinausap?” tanong ni Trish. Di naman nakasagot si Nico.

“Huy! Narinig mo ba ako?” Huminga ng malalim ang binata.

“Hindi eh. Busy kasi.”

“Yun lang ba ang dahilan?”

“Hay. Di ko kasi alam ang sasabihin ko sa kanya. Mas naiilang pa ako sa kanya ngayon compared to the first time we met. Ewan ko ba. I really want to be with her. Pero, ah basta.”

“Eh bakit ka naman naiilang ha? Akala ko ba eto ang gusto mo. Bakit ano bang meron?”

“Parang its not the same as before. Alam mo yun? Parang may harang sa pagitan namin ni Misa.”

“Hay. Alam mo Nico, natural lang yan. Pagkatapos ba naman ng nangyari. At isa pa, ikaw ang may gusto na maging friends kayo remember? So ikaw dapat ang gumagawa ng paraan para maging close kayo ulit. So kung ako sayo, imbis na magmukmok ka diya, kausapin mo na siya. Lumabas kayo. I’m sure gusto niya yon.” Sabi ni Trish.

“You think?” tanong ng binata.

“Yup. Ano?”

“Okay. Sige. Tama ka. I’ll try.”

__

Thursday ng tanghali ay inabangan ni Nico si Misa sa may corridor. Balak niyang yayain ang dalaga para kumain ng lunch. Balisa si Nico at kinakabahan. Lalo pang bumilis ang pintig ng puso niya, na para bang bigla itong pumitik nang masilayan niya si Misa.

“Uhm, hi Misa.” Sabi ni Nico.

“Hello Nicks.” Sagot naman ng dalaga.

“Uhm, tapos na klase mo?”

“Katatapos lang. Una na ko ha?” sabi ng dalaga at muling naglakad.

“Ah, Misa sandali.” Sabi ni Nico. Huminti naman ang dalaga at napalingon.

“Gusto mong mag lunch? My treat.” Sabi ng binata. Napangiti naman si Misa.

“Sorry ha. Pero I can’t. My lakad kami ni Vince eh. Maybe next time okay?” sabi ni Misa. Para namang nabiyak ang puso ni Nico. Parang bigla na lang bumigat ang dibdib niya sa kanyang narinig. Pero dahil sa hari nga siya ng NR. Hindi niya pinahalata na naapektohan siya sa sinabi ni Misa.

“Ah ganon? Okay. Next time na lang. May praktis pa pala kami eh.”

“Practice saan?”

“Ah, tutugtog kasi kami sa university days eh ng school niyo eh. Manood ka ha?” sabi ng binata.

“Ah ganon? Okay, titingnan ko. Bye.” Sabi ng dalaga at nagmamadaling naglakad paalis habang pinagmasdan lang siya ng binata na lumabas ng gate.

__

Kinabukasan, break ng banda from practice kaya naisipan ni Nico na hintayin si Misa mula sa badminton practice nito. May dalang orange juice si Nico dahil alam niyang ito ang paboritong inumin ni Misa. Mga 5 pm na nang matapos ang practice ng dalaga. Paalis na ang dalaga kasama ang mga co-players nito nang makita nila si Nico na Inaabangan siya sa labasan ng court.

“Psst! Misa yung  ex mo yon diba? Anong ginagawa nyia dito.” bulong ni Marriane.

“Wag kang maingay baka marinig nila.” Sabi ni Misa.

“uuuuy. Misa oh yung suitor mo.” Tukso ng kasama ni Misa. Namataan naman sila ni Nico kaya tumingin siya sa malayo a kunwari hindi sila napansin. Hinintay ng binata na dumaan sila sa harap niya.

“Nicks.” Sabi ng dalaga. Agad namang napatingin si Nico at kunwari ay nagulat.

“AY, Misa andyan kana pala.”

“Misa maiwan na namin kayo ha. Mauna na kami.” Sabi ng kasama ni Misa. Napangiti lang ang dalaga sa kanila.

Ilang segundong katahimikan ang sumunod. Pareho nilang di alam kung ano ang sasabihin sa isat isa. Ilang sandali pa ay nagsalita si Misa.

“Oh, Nicks, anong meron?” tanong ng dalaga. Tila natulala si Nico nang muling masilayan ang ngiti sa mga labi ni Misa.

“Ah, eh. Wala. Sinundo lang kita. Ay, eto oh, orange juice.” Sabi ni Nico sabay abot ng orange juice sa dalaga.

“Thanks.”

“Uwi ka na?”

“Yup.”

“Tara samahan na kita. Kung okay lang.” sabi ng binata. Ayaw sanang sumama ni Misa pero wala na siyang nagawa pa.

Naglakad ang dalawa patungo sa parking lot. Parehong tahimik ang dalawa. Di pa rin naalis ang sinasabi ni Nico na harang sa pagitan nilang dalawa.

“Uhm, gusto mong kumain?” tanong ng binata. Di naman nakasagot ang dalaga.

“Sige na?” tanong ni Nico.

“Okay.” Sagot ni Misa.

Nagtungo ang dalawa sa isang fast food chain malapit sa bahay ni Misa. Gusto kasi ni Nico na ilakad na lamang si Misa pauwi.

“So, uhm, kumusta ka naman?” tanong ni Nico.

“I’m okay.”

“Ah, buti naman. Eh si Tita kumusta naman?”

“Ayun, okay lang din.” Sagot ng dalaga.Napansin ni Nico na medyo malamig ang pakikitungo sa kanya ni Misa.

“Ahm, so lumabas pala kayo ni Vince kahapon? So okay na talaga kayo?”

“Yup. Oo naman. Were friends. Good friends actually.”

“Ah, I see.” Sagot ni Nico sabay kagat ng burger na inorder niya. Napansin ni Misa na naglagay si Nico ng fries sa pagitan ng burger. Natawa naman ang dalaga dito. Alam niyang palagi itong ginagawa ng binata.

“Ikaw kumusta ka naman?” tanong ng dalaga.

“Ako? Okay lang din.”

“Okay as in okay?”

“hmmm. Not really. Somehow I feel that I have to do something for a very important someone.”

“Sino?”

“Ah wala. Someone I know lang. Uy manood ka sa U-days niyo ha.” Sabi ni Nico na halatang iniiba ang usapan.

“Hmmm. I’ll see. Busy din kasi eh.”

“Siya nga pala kasama si Trish sa banda.” Sabi ni Nico.

“I know. She told me yesterday. Nagpunta kasi siya sa amin. Dala nya yung gitara niya.” paliwanag ni Misa.

“Ah. Ay good luck pala sa laban mo. I know you can do it.”

“Thanks. Anyway, kailangan ko nang umalis. Late na kasi eh.”

“Ay, sure. Teka balot ko lang tong burger.” Sabi ni Nico.

Muling naglakad ang dalawa. Hinatid ni Nico sa Misa papunta sa bahay nila. Dahil malapit lang ito, agad nakarating ang dalawa.

“Sige, pasok na ako.” Sabi ng dalaga.

“Okay.” Sagot naman ni Nico.

“Misa!” sigaw ni Nico at napalingon ang dalaga.

“Yes?”

“Thank you pala.”

“Para saan?”

“Kasi pumayag ka na ihatid kita.” Sabi ng binata at napangiti si Misa.

“Your welcome.” Sabi ng dalaga at tuluyan nang pumasok. Tiningnan ni Nico ang bahay ng dalaga sabay napabuntong hininga at naglakad palayo.

“So okay na kayo?” biglang tanong ni Mrs. Agoncillo pagkapasok ni Misa. Nagulat ang dalaga at napatingin sa direksyon ng mommy niya.

“We’re friends.” Sagot ng dalaga.

“Friends lang?” di agad sumagot ang dalaga at naglakad papunta sa hagdan. Bago umakyat ay muli itong lumingon sa mommy niya.

“Yup. And that’s all we’ll ever be.” Sabi ng dalaga at umakyat na sa hagdan.

__

Isang linggo na lang at University days na. Puspusan ang praktis ng Second Life. Seryoso ang lahat dahil bukod sa tutugtog sila para kay Misa, tutugtog din sila para sa first day ng University days. Madalas nagpupunta ang mga kaibigan nila para panuorin sila. Madalas ring nagdadala ng meryenda si Aya at Gela para sa kanila. Lahat ng practice sessions nila ay masaya pagkat kasama nila ang mga kaibigang sumusuporta sa kanila.

Dalawang araw na lang at Feb. 12 na. Ang unang araw ng university days. Nag meeting ang lahat sa auditorium para pagusapan ang magiging performance nila sa Wednesday.

“So okay na yung music natin. Polished na rin. Wala na tayong practice ngayon. Para makapagpahinga kayo. Pero sa wednesday mag papractice tayo before the actual performance. Di na rin practice yon, parang warm up na lang.” sabi ni Paul.

“Okay tol. Pero ano pala yung isusuot natin?”

“Susuot?” tanong ni Kiko.

“Oo, mas maganda kung may uniformity. Di naman yung parepareho na parang dancers ano. Yung parang may common thing lang.” paliwanang ni Nico.

“So anong suggestion mo?” tanong ni Trish.

“Uhm, I suggest a Black and White color theme. Magsusuot tayo ng black and white colors only.” Sabi ni Nico.

“Maganda yan tol. Since I like white and you like black. Pero okay lang bas a inyo yon?” tanong ni Paul.

“Okay lang sa akin. I also like the combination of those colors.” Sabi ni Trish.

“Aiks okay lang sayo?”

“No problem.” Masayang sagot ni Danica.

“Chics?”

“Oo naman okay lang.” sagot ni Chics.

“Then its settled. Black and White outfits on Wednesday.” Sabi ni Paul.

“Teka bakit di niyo ako tinanong?” kontra ni Kiko.

“Magisip ka nga. Kahit tumanggi ka wala ka nang magagawa dahil majority pumayag na.” sabi naman ni Paul.

“So okay na. We’re all set for wedesday!” sabi ni Nico at inextend ang kamay niya.

“Oh ano yan?” tanong ni Paul.

“Alam mo na. Patong niyo yung kamay niyo dito. Diba ito ung usually na ginagawa ng mga mag team mates?”

“Sus, anong kakornihan yan?” tanong ni Trish.

“Sumunod ka na lang. Part ka na ng Second life. Wala ka nang magagawa. Oh dito na dali!” sabi ni Nico. Lumapit naman ang lahat maliban kay Trish at ipinatong ang mga kamay nila sa kamay ni Nico. Napatingin ang lahat kay Trish.

“Oh bakit?” tanong ng dalaga ngunit di sila sumagot.

“Do I really have to?”

“Yes. You really have to.” Sabi ni Nico. Napabuntong hininga ang dalaga at lumapit sa kanila.

“Okay, ready! Tol game!” sabi ni Nico.

“Sige sige.” Sagot ni Paul.

“1! 2! 3! Second Life!” sigaw ng lahat.