Tuesday, August 23, 2011

Chapter 23: Unforseen

Chapter 23: Unforseen

Naglalakad si Paul sa isang parking lot at tila may hinahanap. Ilang sandali pa ay nakarating na siya sa kanyang pakay. Isang naka-park na sasakyan ang kanyang nilapitan. Ilang sandali pa ay nagbukas ang pintuan nito. Lumabas si Marvin. Isinara niya ang pintuan ng kanyang sasakyan at sumandal dito. Sumandal naman si Paul sa kabilang sasakyan. Naglabas si Marvin ng yosi at inalok si Paul.

“Sorry I don’t smoke.” Sabi ng binata. Ngumiti si Marvin at sinindihan ang kanyang yosi.

“Pare, bakit mo ba ako pinapunta dito?”
Humigop si Marvin mula sa kanyang yosi at binuga ang usok.

“Pare kahit papaano kilala mo naman ako diba?” tanong ni Marvin.

“Bakit mo tinatanong?”

“Well. No hard feelings. Please wag kang gumanti. I just need to-“

“Ano?” tanong ni Paul. Bigla na lang siyang sinapak ni Marvin sa kanang parte ng kanyang mukha. Muntik na siyang mapatumba pero nakahawak siya sa kotse sa likod niya.  Agad inayos ni Paul ang posisyon para gumanti. Pero nakita niya ang mukha ni Marvin. Na para bang pinagbagsakan ito ng langit at lupa.

“Pare I’m sorry.” Sabi ni Marvin. Punanasan ni Paul ang konting dugo sa mukha niya.

“You’d better have a good reason for that.” Sabi ni Paul. Muling humigop si Marvin mula sa kanyang yosi at ibinuga ang usok.

“She still loves you.” Sabi ni Marvin.

“Anong ibig mong sabihin?”

“Pasensya ka na sa suntok. Pero kailangan kong gawin yon para makausap ka ng maayos. Kailangan kong ilabas ang sama ng loob ko.” Sabi ni Marvin sabay higop ulit sa yosi.

“I love Aya so much. Pero hindi ako tanga. Hindi ako manhid. I know she’s trying. Pero alam ko na niloloko na lang namin ang mga sarili namin.”
Nagkasalubong ang mga kilay ni Paul.

“Marvin, are you saying na,”

“I broke up with her. Don’t get mad. I did it for her.” Sabi ni Marvin. Pero napansin niyang nanginginig pa rin ang mga kamao ng binata.

“Paul, Aya loves you. Ikaw ang mahal niya at hindi ako. I did it for her. But I had to confirm it, so we had a talk last night. I know she doesn’t want to hurt me, pero sinabi niya parin. Despite that, she said that she’s sorry at she’ll try to love me. Pero alam kong that will never happen. That is why I have to set her free.” Sabi ni Marvin. Humakbang siya paabante at tinapik ang balikat ni Paul.

“Right now she needs someone to talk to. She is in pain. Kahit ano pa ang mga circumstances, kahit alam kong she never loved me, this is still her first break up. Mas maganda kung andon ka para sa kanya. Im really sorry.” Sabi ni Marvin at tumalikod na.

“Marvin, I don’t know what to say.” Sabi ni Paul. Lumingon si Marvin at napangiti.

“You don’t have to say anything. And you don’t owe me anything. I did it for her.”

“I know. Pero thanks pa rin. And I’m sorry.”

“Yeah, it will definitely hurt. I love her very much. Pero I’ll try my best para makapag move on.” Sabi ni Marvin at sumakay na sa kotse niya. Lumapit naman si Paul kaya ibinaba ng binata ang bintana.

“Even if you and Aya broke up, I would still like to say that part ka pa rin ng barkada. Welcome ka pa rin.” Sabi ni Paul at napangiti si Marvin.

“Thanks. Pero right now kailangan ko munang lumayo. But maybe I’ll see you guys soon. And please. Take care of her.” Sabi ni Marvin.

“I will. Pero hindi ko alam kung sa paraan na nasa isip mo. I don’t want to take advantage. I’ll just be here for her if she needs me. For now ganon muna.”  Napangisi naman si Marvin.

“Take care.”

“Yeah, ikaw din. And you still owe me a punch in the face.” Sabi ni Paul at natawa si Marvin. Ibinaba na ng binata ang bintana ng kotse niya at tuluyan nang umalis. Agad sumakay si Paul sa kotse niya para makabalik sa apartment.

__

“She said she needs some time alone.” Sabi ni Gela kay Nico.

“Ganon ba? Kumusta na siya?”

“Still crying I guess.” Sabi ni Gela. Naupo silang dalawa sa sofa.

“Anong sabi niya?” tanong ni Nico. Huminga naman ng malalim si Gela.

“She feels a lot of emotions. Guilt, pain, regret. Ewan ko. Last night nagusap sila ni Marvin. Hinatid kasi kami ni Marvin dito eh. Tapos nagusap sila sa loob ng kotse. Tapos narinig ko na lang na pumasok si Aya na parang umiiyak. Pinuntahan ko siya pero nakalock yung kwarto niya. Kaninang umaga di siya lumabas ng kwarto, kay nagalala na ako. Pumasok ako, di na naka lock eh. Tapos nakita ko siyang umiiyak.” Sabi ni Gela.

“Alam na kaya ni Paul to?” tanong ni Nico.

“I don’t know. We should tell him.” Sabi ni Gela. Nagtinginan silang dalawa.

“Asan ba kasi yung ungas na yon? I really think dapat niyang kausapin si Aya.” sabi ni Gela.
Bigla na lang nagiba ang timpla ng mukha ni Gela. Napahawak siya sa noo niya.

“Gela? Okay ka lang?”

“Oo. Pero madalas akong nahihilo lately. Pero okay lang ako.”

Lumapit si Nico para hawakan ang noon g dalaga. Nagulat si Gela at hinawakan ang kamay ng bestfriend niya.

“Wala ka namang lagnat. Pero magpahinga ka muna.”

“I’m okay.  Wala pang nagluluto ng lunch oh.” Sabi ni Gela.

“Gela.” Sabi ni Nico. “Rest okay? Ako nang bahala sa lunch niyo. Marunong rin naman ako magluto kahit papaano.” Sabi ni Nico. Napangiti si Gela.

“Okay sige. Pero gisingin mo ako if anything’s up okay?”

“Fine fine. Oh samahan na kita sa taas.”
Napangiti si Gela at tumayo. Inalalayan naman siya ng kaibigan niya at sinamahan ang dalaga paakyat sa taas.

__

Nakatayo si Paul sa tapat ng gate ng apartment. Nakasandal siya sa harap ng kotse niya. Nagiisip. Hindi niya alam kung paano niya kakausapin si Aya. Huminga siya ng malalim at pumasok sa gate. Pinagmasdan niya sandali ang apartment nina Aya, at naglakad papunta sa apartment nila.

“Tol!”
Napalingon si Paul sa apartment nina Aya. Nakita niya si Nico na nakasilip sa screen door. 

“Huh? Anong ginagawa mo diyan?”

“Nagluluto.” Sabi ni Nico habang nakangisi. Lumapit si Paul papalapit sa pintuan.

“At bakit?”

“Nahihilo daw si Gela eh. Tapos si Aya naman, eh, ganito kasi yan tol eh.”
Bakas ang pagaalinlangan sa mukha ni Nico. Napabuntong hininga naman si Paul.

“Tol, alam ko na. Marvin told me.” sabi ni Paul.

“Ha?”

“Basta. He explained everything. Asan siya?” tanong ni Paul. Halatang si Aya ang tinatanong niya.

“Halika pasok ka.” Sabi ni Nico. Pumasok si Paul at naupo ang dalawa sa sofa.

“Nasa taas siya. Sabi ni Gela umiiyak daw siya.” Sabi ni Nico. Napayuko naman si Paul.

“Tol, I really think you need to talk to her.”

“Alam ko. Pero iwan muna natin siya for now. She needs some time alone. At isa pa, di ko alam kung anong sasabihin ko.”
Tinapik ni Nico ang balikat niya.

“Okay. I hope she’s okay.” Sabi ni Nico. Tumayo siya para tingnan ang niluluto niya. Sumunod naman sa kanya si Paul.

“Ano ba yang niluluto mo?” tanong ni Paul habang nakaupo sa dining table.

“Hmm. Tiningnan ko yung ref nila at nung makita ko yung laman, zippo egg agad yung naisip ko. Yun nga lang itlog ng manok tong mga ginamit ko.” Sabi ni Nico at natawa si Paul.

“Masarap ba yan?” tanong ni Paul na parang nangiinis.

“Hell yeah! Hindi niyo lang ako nakikitang magluto pero it doesn’t mean di ako marunong. I know a handful of dishes you know.” Sabi ni Nico.

“ALam ko naman yon. Mahilig magluto ang mama mo eh. Syempre kanino ka pa nga ba nagmana? Nasa puso mo talaga ang maging house wife.” Biro ni Paul.

“Sira!” sabi ni Nico. Nagtawanan ang dalawang bata sa kusina. Tatalikod na sana si Nico para harapin ang niluluto niya nang mapatingin siya sa taas. Sa kwarto ni Aya. Napalingon din si Paul pero bigla na lang nagsara ang pinto. Ilang sandali pa ay nagtinginan ang dalawang binata. Napangiti si Paul at tumayo.

“Sige tol, punta muna ako sa kabila. Sure ako wala pa tayong lunch doon.”

“No need. Gela reminded me to make enough for all of us. I just hope nasa sarili siya nung sinabi niya yon. Medyo nahihilo kasi talaga siya eh.” Biro ni Nico.

“Ganon? Oh sige. Mag saing nalang ako ng bigas. Magdala ka na lang ng ulam doon.” Sabi ni Paul at tumalikod na.

“Tol.”
Napalingon si Paul.

“Please, talk to her.” Bulong ni Nico. Sinisiguradong hindi siya maririnig sa taas. Ngumiti lang si Paul at tuluyan nang lumabas. Napabuntong hininga na lang si Nico. Sumulyap siya saglit sa taas at muli nang humarap sa niluluto niya.

__


Alas dose na ng madaling araw. Dahan dahang bumuhos ang patak ng ulan. Nagising si Aya mula sa pagkatulog. Bumangon siya at tiningnan ang sarili sa salamin. Maga ang kanyang mga mata. Pinunasan niya ito at tumayo. Lumabas siya ng kwarto at nakitang wala nang tao sa baba. Marahil ay tulog na ang mga kasama niya. Bumaba siya at nagtimpla ng mainit na gatas. Wala pa siyang kain pero wala siyang gana. Umakyat siyang muli sa taas, papasok sana siya sa kwarto niya nang mapatingin siya sa pintuan palabas ng terrace. Naglakad siya papunta dito at lumabas. Naupo siya sa isang monoblock na nasa isang sulok at humigop ng mainit na gatas habang pinagmamasdan ang bigla na lang lumakas na buhos ng ulan. Huminga siya ng malalim. At kasabay ng pagbuhos ng ulan, unti unti ring tumulo ang luha sa kanyang mga mata.

Nagsusulat naman si Nico sa kwarto niya. Nakasindi lamang ang desk lamp ng binata. Ilang sandali pa ay may kumatok sa kwarto niya. Hindi pa man niya pinapapasok ito ay nagbukas na ang pinto.

“Tol.” Sabi ni Paul at tuluyan nang pumasok sa loob.

“Bakit?” tanong ni Nico. Naglakad si Paul papunta sa desk.

“Ano ba yang sinusulat mo?”

“Ah wala. Oh anong kailangan mo?” tanong ni Nico sabay tago ng papel sa drawer.

“Wala naman. Its about Aya.” Sabi ni Paul. Naglakad siya papunta sa dingding at sumandal dito.

“What about her?”

“Well” bigkas ni Paul. Tinabi niya ang kurtina para sumilip sa labas. Tiningnan niya ang kabilang apartment at nakapatay na ang ilaw. Ibabalik na sana niya ang kurtina nang mapasulyap siya sa terrace. Sa una ay di niya napansin pero parang may nakita siya. Tiningnan niya ito ng mabuti at nakita niya si Aya. Nagiisa at, di siya sigurado pero parang umiiyak.


“Huy tol!”

“Shhh!” sabi ni Paul.

“Bakit?”

“Si Aya. Patayin mo nga yang desk lamp mo.” Sabi ng binata. Sinunod naman ito ng kaibigan niya. Tumayo si Nico at sumilip rin sa bintana.

“Tol parang umiiyak siya.” Sabi ni Nico.

“Oo nga eh. Lakas kasi ng ulan di ko masyadong makita.”
Lumapit si Nico sa kaibigan at ipinatong ang kamay nito sa kanyang balikat.

“Tol, you should go talk to her.”
Napatingin si Paul sa kaibigan sabay tingin ulit kay Aya.

“Yeah, alam ko. Pero anong sasabihin ko?”

“Just tell her that you’re sorry about what happened. Na nandyan ka lang para sa kanya. Mahirap ba yon?” paliwanag ni Nico.

“Oo pero, baka isipin niya nag tetake advantage ako eh.”

“Hay nako tol. So? As long as your real intentions are true. Kahit ano pang isipin niya okay lang. Dapat mo lang patunayan na mali ang iniisip niya by showing that you really are sorry and that you care.”
Napabuntong hininga si Paul at pinagmasdan si Aya. Nakita niya itong dahan dahang tumayo at pumasok na sa loob.

“Tol, she’s really in pain. I don’t know pero tama ka. I have to help her somehow.” Sabi ni Paul. Napangiti naman si Nico.

“Good. Buti naman nagiisip ka na. Di na nga alam ni Gela kung ano ang gagawin niya eh. Kaya ayun, pati ba naman lunch ako pa inutusang magluto. Buti nung dinner dalawa na tayong boy.” Biro ni Nico. Natawa naman si Paul.


“Ay tol, speaking of Gela, kailan nga kasi yung birthday niya? Malapit na diba? Pagkakaalala ko kasi feb yun eh.” Sabi ni Paul.

“Oo nga pala. Malapit na nga. Sa Feb. 24 na. Hala wala pa kong gift.”

“Duh? Tagal pa. Makakabili pa tayo.” Sabi ni Paul.

___


Kinabukasan, Nagtungo si Nico sa bahay ni Misa. Hindi niya ito nakausap kahapon pagkat maraming nangyari. Nakatayo siya sa tapat ng gate nila. Nagaalangan pindutin ang doorbell. Ilang beses siyang palakad-lakad sa tapat ng bahay nila. Malamang nakita na siya pero hindi niya iniisip yon. Naupo siya sa side walk nang bigla niyang narinig nag bukas ang gate. Napalingon siya at agad tumayo.

“Good morning po Tita.” Bati ni Nico.

“Good morning din Nico. Oh pasok ka. Bakit di ka nag doorbell? Pansin ko kanina palakad lakad ka dito ah. Siguro kanina ka pa dito ano?”
Napakamot na lang si Nico at napangiti.

“Uhm, di naman po. Medyo lang.” Sabi ng binata. Natawa naman ang ginang.

“Halika pasok. Andon si Misa sa garden. Puntahan mo na lang. Igagawa ko kayo ng meryenda.”

Tahimik na lamang na sumunod ang binata. Nang lumiko si Mrs. Agoncillo papunta sa kusina. Binagalan niya ang lakad niya. Medyo matagal na nang huli siyang nakapunta sa bahay na kinatatayuan niya ngayon. Hindi siya nahirapang hanapin ang daan papunta sa garden. Naglakad siya patungo sa sliding door at nakita si Misa na nakaupo sa labas. Nakapambahay lang ito, suot ang pink na t-shirt na paboritong isuot ng dalaga. Tahimik lang siyang nagbabasa. Tumayo si Nico sa labas ng sliding door at sumandal dito. Nakangiti siya.

“Ehem.”
Agad namang napalingon si Misa patungo sa direksyon niya. Nanlaki ang mata nito at halatang di inaasahan ang bisita.

“Nicks?” gulat na tugon ni Misa.

“Uhm, Hello Misa.” Sagot ni Nico.

“Ay, ba’t napadalaw ka?”
Hindi maintindihan ni Misa ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon. Isang bahagi niya ang biglang sumama ang loob nang makita si Nico. Samantalang ang kalahati naman ay masaya nang makita ito.

“Pwede ba tayong mag usap?” tanong ni Nico. Di maintindihan ni Misa ang expresyon sa mukha ng binata.

“Tungkol saan?”
Naglakad si Nico papalapit sa dalaga.

“Pwede ba?” tanong ni Nico habang hawak ang isang upuan.

“Sige lang.”

Naupo si Nico sa upuan, nakatingin sa malayo. Nakayuko naman si Misa. Ilang segundong tahimik ang dalawa.

“Uhm, Misa, napanood mo ba yung last performance namin noong Friday?” tanong ni Nico. Napatingin naman si Misa sa kanya at tumango ng mahina. Napabuntong hininga si Nico.

“Misa, sa tingin mo anong ibig sabihin noon?”
Tumingin si Nico sa mga mata ni Misa. Bakas ang pagkalito sa mukha ng dalaga.

 “I-I don’t know.” Mahinang sagot ng dalaga.

“Misa, look.” Sabi ni Nico sabay yuko. “Alam kong malaki ang kasalanan ko sayo. Pero believe me, I still love you. Alam mo yon right?” tanong ni Nico. Di alam ng dalaga ang isasagot niya. Tiningnan siya ni Nico at siya naman ang napayuko. Hinawakan ng binata ang kanang kamay niya.

“Misa, please, di ko sasabihin kalimutan mo na yung mga nangyari dati. Dahil alam kong imposible na yon. Pero sana payagan mo naman akong maging parte ulit ng buhay mo”

“what do you mean?” tanong ni Misa.

“Let me be your friend. Alam kong pumayag ka na pero iba pa rin eh. Alam kong may gap pa rin in between us. Nagkaka-ilangan tayo. At alam kong iniiwasan mo ako.”
Hinawakan naman ni Nico ang kaliwang kamay ng dalaga.

“Misa, sana bumalik yung dating samahan natin. I mean, wala na yung romantic aspect. Pero yung frienship gusto ko andon pa rin. Ang totoo kasi, gusto kitang tulungan na makarecover sa mga sugat na nadulot ko sayo. Its the least i can do.” Sabi ni Nico. Ginalaw ni Misa ang mga kamay niya at agad inalis ni Nico ang pagkakahawak dito.

“sorry.” Sabi ni Nico.

“Makarecover?” tanong ni Misa.

“What I mean is-“

“I know what you mean. Pero sinasabi mo na ikaw? Tutulong sa akin? How?” tanong ng dalaga. Medyo tinaasan niya ang boses niya.

“I, honestly, I don’t know.” Sabi ni Nico.

“Nicks, sabihin mo nga sa akin? Paano ako makakarecover kung yung nagdulot ng sugat na to ang kasama ko? Nico hindi to gagaling. Lalo lang lalaki. I know you want to help, pero hindi ka nakakatulong. Hindi ka makakatulong.”

“Tama na muna yan, kain na muna kayo.” Sabi ni Mrs. Agoncillo. Dama niya ang tension sa pagitan ng dalawa. Inilapag niya ang pagkain sa lamesa. Parehong nakatingin sa malayo ang dalawa. Tumayo lang siya doon at pinagmasdan sila.

“Kung hindi kayo kakain, magagalit ako.” Sabi ng ginang. Napatingin ang dalawa sa kanya. Kinuha ni Nico ang Juice at sandwich at kinagat ito. Tumingin naman ang ginag kay Misa. Agad namang kinuha ng dalaga ang sandwich at kumagat dito. Napangiti si Mrs. Agoncillo at pinanood kumain ang dalawa.

___

Samantala, nakahiga naman si Paul sa isang malambot na sofa, habang nakiking ng music sa kanyang earphones. Pinapakinggan niya ang beat ng drums at sinasabayan ito habang nakapikit ang mata. Ilang sandali pa ay nakaramdam siyang may malambot na bagay na tumama ng malakas sa mukha niya. Agad siyang dumilat at nakita si Danica na may hawak na unan, at nakatayo sa harap niya. Agad naman siyang bumangon at inalis ang earphones.

“Masakit yon ah.” Reklamo ni Paul.

“Kanina pa po kaya kita tinatawag. Ayaw mo pang kumain?” tanong ng dalaga.

“Gusto, sinabi ko bang ayaw ko?” sabi ni Paul. Napangiti si Danica at bumaba na ang dalawa.

Pagkatapos kumain ay agad nilang iniwasan si Lala na gustong makipaglaro sa kanila. Nagtago sila sa kwarto sa second floor para hindi sila masundan ni Lala. Tawa sila ng tawa habang tinatakpan ang mga bibig nila para hindi sila marinig. Nang huminto na sa katatawag si Lala, umalis na sila sa tapat ng pinto at naupo sa sofa.

“Pao, I heard about Aya.”

“Talaga? Kanino?”

“Kay Nico.” Sagot ni Danica. Natawa naman si Paul.

“Yeah I know. Sigurado ako sinabi na rin niya sayo na di ko pa kinakausap si Aya. Alam ko dapat ko siyang kausapin. Pero di ko kasi alam ang sasabihin ko eh.”

“Just tell her what you really feel.” Sabi ni Danica. Nagtaas ng kilay si Paul kaya natawa ang dalaga.

“So sasabihin ko na, ‘Uy Aya break na pala kayo ni Marvin no? Good. Tayo na lang. Mahal naman kita eh. Di kita sasaktan pramis. Buti nga nag break kayo nung lalaknig yon eh.’ Ganon? Gusto mo sabihin ko yon?” tanong ni Paul.

“Hay nako. Yun ba talaga ang nasa isip mo? Yun ba ang nararamdaman mo?” tanong ni
Danica. Napaisip si Paul at napahawak sa baba niya.

“Uhm, slight?”

“Sira!” sabi ni Danica at kinurot si Paul.

“Aray ko naman. Nagbibiro lang eh.”

“Sira ka kasi. Alam mo Pao, gamitin mo yang kokote mo. Tell her what you really feel, pero of course based sa current situation. She just came from a recent break-up, so anong dapat sabihin? Syempre dapat yung comforting words. Pero yung talagang nararamdaman mo.” Paliwanag ni Danica at tila nanliwanag ang mukha ni Paul.

“Alam mo, tama ka. Di ko na dapat isipin masyado ang dapat sabihin. Basta sasabihin ko lang ang alam kong maitutulong ko sa kanya sa sitwasyon niya.” Sabi ni Paul habang nakangisi.

“Oh, eh di kakausapin mo na siya?” tanong ni Danica. Bigla namang napasimangot si Paul.

“I still dont know.”

“Pao! Think about it. You need to talk to her.”
Napabuntong hininga si Paul at tumingala.

“I’ll try. You know what, Sobra akong nahihirapan, seeing her cry, yet I cant do anything to comfort her. Sobrang galit ako sa sarili ko, pero di ko alam knug bakit hindi ko kaya.”

“Alam mo, kung mahal mo talaga siya, dapat automatic na yon. Whenever she cries, dapat automatic nasa tabi ka niya. When she’s hurt, andon ka agad para tulungan siya. Thats what people who truly cares do. Naiintindihan mo ba?” tanong ni Danica.

“You’re right.” Sabi ni Paul sabay tayo. “I will talk to her. Tomorrow.” Sabi ni Paul habang dahan dahang naglalakad papunta sa pinto.

“Saan ka pupunta?”

“Shhh. Ginagawa ko ang dramatic exit ko. Yan tuloy nasira. Ulit ulit.” Sabi ni Paul at muling bumalik sa sofa.


“I will talk to her tomorrow.” Sabi ulit ng binata at dahan dahang naglakad papunta sa pinto.

“Tonight!” sumbat ni Danica. Huminto saglit si Paul at lumingin kay Danica sabay ngiti. Humaram siya ulit at naglakad.

“Tonight, i will talk to her.” Sabi ni Paul habang naglalakad. Hahawakan na sana niya ang door knob nang bigla itong bumukas ng malakas. Sapol sa ilong si Paul at napaupo siya sa sobrang sakit.

“Aha! Sabi ko na nga ba dito lang kayo eh!” sigaw ni Lala. Napanganga naman si Danica at napatingin kay Paul. Agad siyang tumayo at pinuntahan ang binata. Nakita naman ni Lala si Paul kaya agad tumayo ang binata na parang walang nangyari. Pero bakas pa rin ang pulang marka sa noo at ilong nito.

“Haha! Wala ito! Tara baba na tayo! Haha!” sabi ni Paul.

“Wag na kayong magtatago!” sigaw ni Lala.

“Hindi na pramis.” Sabi ni Paul. Naunang lumabas si Lala. Napatingin si Danica kay Paul at nakitang napapaluha na ito sa sakit. Nang makababa si Lala ay agad siyang naupo at dinaing ang sakit.

“Ow! My nose! My freaking piolo-like nose!” sabi ni Paul. Natawa naman si Danica.

“Patingin. Masakit?”

“Di ba halata? Sabihin mo nga, flat na ba?” sabi ni Paul at ipinakita ang ilong niya.

“OA ka ha. Matagal nang flat yan.” Biro ni Danica.

“Ouch! My feelings. My feelings!”

“Sira! Joke lang!” sabi ni Danica habang tumatawa. Natawa rin si Paul.

“Pero seriously masakit ha. Bakit kasi di mo ni-lock? Aray magkakabukol ak sigurado nito.” Sabi ni Paul at natatawa pa rin si Danica.

“ Nasira ang dramatic exit mo noh?”

“Isa pa yon! Nako Aiks itago mo yang  si Lala pag nakita ko yan ay nako!”

“Ano? Hmmm?” tanong ni Danica habang nakataas ang kilay.

“Makikipaglaro ako. Bakit ano pa nga ba?” Maamong sagot ni Paul. Natawa naman si Danica at hinila ang kamay ng binata.

“Tara na sa baba. Lagyan natin ng yelo yan.”

___


“Oh, maiwan ko muna kayong dalawa diyan. Ipapasok ko muna tong pinagkainan niyo.” Sabi ni Mrs. Agoncillo pagkatapos iligpit ang mga baso at platito sa mesa. Tumalikod ang ginang at naglakad palayo.
Bumalik nanaman ang akward atmosphere sa pagitan nina Nico at Misa. Parehong hindi alam ang sasabihin nila. Parehong nakatingin sa malayo. Tiningnan ni Nico ang mukha ng dalaga sa harap niya. Napansin niyang hindi mapalagay si Misa. Inilayo niya ang kanyang tingin para itago ang ngiti niya at huminga ng malalim.

“I get it.” Sabi ni Nico. Napatingin naman si Misa sa kanya.

“Ha?” tanong ng dalaga. Ngumiti si Nico at tumayo.

“Aalis na ako. Let’s have this talk some other time.” Sabi ni Nico sabay naglakad palayo.

“Teka.” Halos pabulong na bigkas ni Misa. Di ito narinig ni Nico na nagpagtuloy sa paglalakad palayo. Tiningnan na lang ng ni Misa ang likod ng binata.

Palabas na si Nico ng gate nang bigla itong nagbukas. Pumasok si Trish at nagkatinginan ang dalawa. Napangiti ang dalaga kaya napangiti na rin si Nico.

“Oh Nico andito ka pala.” Sabi ni Trish at naglakad papunta sa binata.

“Paalis na nga ako eh. Nasa garden si Misa.” Sabi ni Nico.

“So nagusap kayo?” tanong ni Trish. Napabuntong hininga naman si Nico.

“Well, you could say that.”

“How did it go?”
Lumingon ang binata at tumingin sa likod niya.

“Ano ka ba wag nating pagusapan yan dito.” Sabi ni Nico.

“Ay sorry.” Bigkas ni Trish.

“Hay. Ikaw talaga. Oh mauna na ako.” Sabi ni Nico at naglakad palabas ng gate. Pinagmasdan lang siya ni Trish hanggang sa makaalis siya.

___

Kinagabihan, naisipan ni Aya na magpahangin sa terrace. Agad siyang bumangon sa kama at naglakad palabas ng kwarto. Naupo siya sa sahig ng terrace, sa parehong lugar kung saan sila nakaupo ni Paul noon. Tumingala siya para pagmasdan ang langit.

“Pwede bang makiupo?”
Napalingon si Aya sa direksyong bg boses.

“Paul?”
Napangiti si Paul at naupo sa tabi ni Aya.

“Nakita kasi kita dito kaya umakyat ako. Dont worry di naman ako basta pumasok dito. Nagpaalam ako kay Gela.” Sabi ng binata. Napangiti naman si Aya at muling pinagmasdan ang langit.

“Aya, Uhm, i heard about what happened. Are you-?”

“I don’t know.” Biglang bigkas ng dalaga.

“Aya.”

“Somehow, gumagaan ang pakiramdam ko tuwing umuupo ako at this exact spot while looking at the night sky. I dont know, but it helps me alot. Looking at the stars, the movement of the clouds, the moon, it calms me down.” Sabi ni Aya. Di nakapagsalita si Paul na nakatingin lang sa dalaga.

“Thank you Paul.” Sabi ni Aya. Nagulat naman si Paul.

“Ha? Saan?” nalilitong tanong ng binata.

“Ikaw ang nagturo sa akin na titigan ang buwan, ang langit. It really helps, lalo na pag may dinadala ka. Noong nakita kita na nakatingin sa buwan, alam ko may dinadala ka sa loob mo noon. Di ko lang natanong kasi nahihiya ako sayo. Naalala mo ba yung gabing yon?” tanong ni Aya. Napangiti naman si Paul at tumingala.

“Yup. We looked at the night sky together.” Sabi ni Paul.

“Alam mo, Di ko man nasabi kay Marvin, pero I really cared about him. Maybe I even developed some degree of affection para sa kanya. Pero di ko nasabi. Dahil na realize ko lang yon noong huli na ang lahat. Anyway, kasalanan ko rin naman.” Pangiting bigkas ni Aya. Nagulat si Paul sa sinabi ng  dalaga. At parang may kirot siyang naramdaman sa dibidib niya.

“Alam mo ba na si Marvin mismo ang nagsabi sa akin na wala na kayo?”
Agad napatingin sa kanya si Aya at halatang nagulat ito.

“Sinabi niya sa akin. And he also told me to be here for you. Since he knows na kahit papaano nasaktan ka. Kahit papaano daw. Ang hindi niya alam, talagang nasaktan ka sa nangyari.”
Napayuko naman si Aya.

“Kahit na sinabi niya yon, di pa rin kita magawang kausapin, o lumapit man lang noong una. Di ko rin naman kasi alam ang sasabihin ko. Pero narealize ko mali ako. You’re in pain, and i cant just sit and watch. So heto ako, trying to be as much help as possible..” sabi ni Paul. Inangat niya ang kamay niya at dahan dahang pinatong sa ulo ng dalaga. Nagulat naman si Aya at agad napatingin kay Paul.

“Aya, I’ll always be here. From now on, kung asan ka doon rin ako. Kaya you can tell me anything, your feelings, your pain. Makikinig ako. I’m actually a good listener.” Sabi ni Paul habang nakangiti. Napangiti si Aya at hinawakan ang kamay ni Paul na nakapatong sa ulo niya. Inalis niya ang kamay ng binata at hinawakan ito gamit ang dalawa niyang kamay.

“Thank you Paul.”

__


Kababalik pa lang ni Nico. Bumaba sa sa kanyan sasakyan para buksan ang gate. Ilang sandali pa ay may nakita siyang isa pang sasakyan na huminto sa tapat ng gate. Napatingin siya dito, at pinagmasdan ito. Bumaba ang isang lalaki.


“Pwede ba tayong magusap?”


“Vince? Paano mo nalaman tong lugar na to?” tanong ni Nico.


“Sinundan ko kayo noon ni Misa.”


“Stalker ka na rin pala ngayon.” Sabi ni Nico. Napangiti si Vince.


“Look who’s talking.” Sagot ni Vince.


“Anong sabi mo?” tanong ni Nico. Itinaas ni Vince ang dalawang kamay niya.


“Look, di ako pumunta dito para makipag-away. Mag-usap tayo.” Sabi ni Vince. Sumilip sandali si Nico sa apartment nila, tapos isinara ang gate. Nakatayo lang ang dalawa sa labas ng gate.


“Tungkol saan?” tanong ni Nico. Napabuntong hininga si Vince, tapos naupo sa may sidewalk.


“About Misa.” Sabi ni Vince. Naglakad si Nico papunta sa harap ng binata.


“What about her?”

“Mahal mo siya diba?”


“Eh ano naman sayo?” sagot ni Nico.


“Sagutin mo na lang pwede?”


“Oo.”
Napa-iling si Vince.


“I knew this wont be easy.” Bulong ni Vince.


“Anong sabi mo?”


“Alam mo.” Sabi ni Vince, at di pinansin ang tanong ni Nico. “I love her too. Alam kong nagkamali ako noon, pero gusto kong itama lahat yon.”


“Bakit mo sinasabi sa akin yan?” tanong ni Nico.


“Misa, she loves you. Alam ko naman yon. Pero masyado na, to the point na napanghihinaan na ako ng loob. Whenever she talks, she talks about you. Unconciously nga lang. Dati palagi nyang sinasasabi na si Nico ganyan, si Nico ganito. Pero nung mapansin niyang medyo sumasama ang loob ko pag binabanggit ka niya, inalis na niya ung pangalan mo. Pero she I know she still talks about you, saying that ‘my friend likes this too’ pero di naman ako tanga, alam kong ikaw nag tinutukoy niya.” sabi ni Vince. Nakatingin lang sa kanya si Nico nang ilang segundo, di sigurado kung ano ang sasabihin. Naupo siya sa tabi ni Vince.


“Sinasabi mo ba na sumusuko ka na?” tanong ni Nico. Natawa si Vince.


“Heck no!’ sabi ng binata. Tumayo si Vince.


“I love her, I wont give up that easily.” Sabi ni Vince. “Pumunta ako dito para sabihing this is sa competition now. Dati sabi ko I wont persue her, pero binabara kita sa kanya. Hindi na ngayon. I’ll let you do your stuff, and you must let me do mine. Kung sino man ang pilittn ni Misa, no hard feelings, at mag ba-back off na.” dagdag ni Vince at inabot ang kanang kamay kay Nico. Napatingin si Nico sa kamay ng binata, tapos tiningnan si Vince. Napangiti siya at tumayo.

“Seryoso ka?” tanong ni Nico. Di sumagot si Vince, at nakangiti lang habang nakaangat pa ang kanang kamay. Inangat na rin ni Nico ang kanan niya, at nakipagkamay kay Vince.


“May the best man win.”


__


“Paul, thank you ulit. For being here for me.” sabi ni Aya. Napakamot naman si Paul.


“Wala yon. Anytime, basta ikaw. Sige una na ako. Pahinga ka na.” sabi ni Paul.


“Okay sige. Good night. Pahinga ka na rin.”


Nang makabalik na si Paul, naisipan ni Aya na puntahan si Gela sa kwarto niya. Di pa kasi ito gumigising, at di pa rin nakakakain ng hapunan. Kinatok niya ang pintuan ng kwarto ng kaibigan.


“Gela?”


“Pasok.” Mahinang bigkas ni Gela. Dahan dahang binuksan ni Aya ang pinto.


“Gela, kain ka na.”


“Mamaya na, sama ng pakiramdam ko.” Sagot ni Gela.


“Ha?” sabi ni Aya, at lumapit sa kama ni Gela. Binuksan ni Aya ang desk lamp, at nakita ang namumutlang kaibigan.


“Gela?”
Hinawakan ni Aya ang noo ni Gela.


“Ang taas ng lagnat mo! Gela anong nangyari?”

“Wala ‘to. Uy Aya mukhang okay ka na ah, narinig ko kayo ni Paul kanina na papunta sa terrace.”


“Ano ka ba? Isipin mo muna ang sarili mo. Diyan ka lang okay? Tawagin ko si Nico.” Sabi ni Aya. Tumalikod siya pero hinawakan ni Gela ang kamay niya.


“Aya, wag na. Okay lang ako.”


“Ano bang sinasabi mo? Paano ka naging okay? Ang taas nga ng lagnat mo oh.” Sabi in Aya.


“Please, ayoko nang maka-abala kay Nico.” Sabi ni Gela. Tiningnan lang siya ng kaibigan.


“Aya?”


“I’m sorry Gela. You really need help.” Sabi ni Aya, at naglakad palabas ng kwarto.


Paglabas ni Aya, dahan dahang tumayo si Gela. Ayaw niyang makita siya ng best friend niya na nakaratay sa kama. Nakaupo pa lang siya pero parang umiikot na ang paligid niya. Pero pinilit pa rin niyang tumayo. Nang makatayo na, napahawak siya sa ulo niya. Umiikot ang paningin niya, pero dahan dahan siyang naglakad papunta sa pinto. Pero bago pa siya makaabot dito, tuluyan nang nag blanko ang paningin niya.


No comments: