Monday, February 21, 2011

Chapter 22 - 1: University Days - Barrier

A Wonderful Life
By: Nico and Paul


Chapter 22 - 1: University Days - Barrier


“Talaga?! Tapos anong nangyari?!” tanong ni Paul

“Ayun. Friends nga. Yun lang. Wala namang ibang nangyari.” Sabi naman ni Nico.

“Tol, I’m happy for you.”

“Yeah, pero parang naiilang pa rin siya. Na parang may harang. Kailangan kong maalis yung harang na yon.”

“Tama! Anyway, what about the band?”

“Hmmmm. Come to think of it, the reason you suggested that was because of me and Misa. Pero ngayon friends na kami. Pero may kulang pa. I think we have to push through. Sige, payag na ako.” Sabi ni Nico.

“Yes!” sigaw ni Paul.

“Teka, anong band name? At paano yung 2nd rhythm?” tanong ni Nico.

“Hmmmm. Since its about second chances, how about ‘One more Chance’ band?” sabi ni Paul.

“Yuck baduy! Mas maiksi pa yung  ‘second chance’ band. Pero baduy pa din.” Sabi ni Nico.

“Paano kaya kung ang pangalan ng banda natin ay ‘Second Life’”?

“Second Life?”

“Maganda  diba? Maganda pakinggan.” Sabi ni Paul.

“Hmmm. Second Life band. Pwede!” sabi ni Nico at parehong natawa ang dalawa.

“Anyway, about sa guitarist natin, magtatanong tanong muna ako.  Pero kung wala talaga, try ko kahit ako na lang. Pero kailangan ng puspusang practice.

__

Tuesday ng hapon pagkatapos ng duty ay nakatambay sa Mcdonald’s si Nico kasama ang mga kaklase niya. Di pa sila nakakapag praktis formally dahil madalas silang kulang at di pa sila sigurado sa mga kantang itutugtog nila.  Habang nakikipagusap ay napatingin si Nico sa entrance ng fastfood chain. Nagulat siya nang makita si Trish na pumasok at may dala dala ito sa kanyang likod. Agad namang tumayo ang binata at pinuntahan si Trish.

“Psst!’ napalingon naman ang dalaga at biglang napangiti.

“Nicks!” sigaw ng dalaga at agad lumapit kay Nico.

“Oh bakit parang ang saya mo diyan?”

“Eh kasi may manlilibre na sa akin. Tara dali order tayo.” Sabi ni Trish sabay hila kay Nico.

“Ha? Teka nga. Nagorder na kaya ako. Ayun yung mga kasama ko oh.” Sabi ni Nico.

“So? Eh di ako ang pangorder mo. Tara na pleeease?” lambing ni Trish. Wala nang nagawa ang binata. Nagbitaw na lamang siya ng buntong hininga at sinundan ang dalaga.

Habang busy sa kakaorder si Trish ay pinagmasdan naman ni Nico ang dala ng dalaga sa likod nito. Isang guitar case. Malamang marunong mag-gitara si Trish. Nagdalawang isip si Nico. Gusto niyang isali si Trish sa banda ngunit nahihiya siya.

“Oh, 230 pesos daw.” Sabi bigla ni Trish.

“Ha?”

“230 pesos yung order ko.” Sabi ng dalaga sabay ngisi.

“Ah okay.” Sabi ni Nico sabay bunot ng pera niya. Ilang sandali pa ay natigilan ang binata.

“What?! 230 pesos?! Bakit ang mahal?!” natawa naman si Trish sa kanya.

“Eh kasi gutom ako eh.”

“Ha?! Kahit ako gutom di aabot ng ganyan ang order ko!”

“Bayaran mo na kasi. Eto naman oh bihira lang.”

“Bihira?”

“Babayaran mo ba o hinde!?” sigaw ni Trish.

“Babayaran. Sinabi ko bang hindi ko babayaran?” maamong bigkas ni Nico sabay abot ng bayad. Natawa naman sa kanila ang cashier.

“Oh, babayaran naman pala eh. Teka ano bang nangyari sayo? Parang wala ka sa sarili?” tanong ng dalaga.

“Oo nga eh. Mamaya sabihin ko sayo, dalhin mo muna yang order mo.” Sabi ni Nico ngunit biglang naglakad palayo si Trish at naupo.

“Nicks dalhin mo dito daliii!” sabi ng dalaga. Napabuntong hininga muli si Nico at dinala ang order ni Trish sa table nila.

__

“Konti pa Aiks. Nakukuha mo na.” sabi ni Paul.

“Pwedeng break muna?” tanong ng dalaga at napangiti si Paul.

“Hmmm.”

“Please?” pakiusap ni Danica.

“Oo na sige na. Halka dito upo ka sa tabi ko.” Sabi ni Paul at sinunod naman siya ng dalaga.

“Pao, nagimprove na ba ako?”

“Oo naman. Ang galing mo nga eh.  Pero konti pa.” sabi ng binata at napasimangot si Danica.

“Ano pa bang kulang?” tanong ng dalaga. Napansin naman ni Paul na medyo malungot ang itsura ng kaibigan niya.

“Hmmm. Medyo mabagal lang yung pagpapalit mo. Pero makukuha yan sa practice. Overall, your good.” Sabi ng binata at lumiwanag ang mata ni Danica.

“Talaga?”

“Yep. Talaga.” Sabi naman ni Paul sabay bitaw ng ngisi. Napangiti naman si Danica.

“Halika sa baba, gawa muna ako ng merienda.” Sabi ni Danica. Agad namang tumayo si Paul at bumaba ang dalawa.

__

“Okay, so tapos na akong kumain, care to tell me about your worries?” tanong ni Trish. Nanatili namang nakatingin sa kanya ang binata.

“Oh? Hello? May kausap ba ako?” tanong ni Trish ngunit di pa din sumagot si Nico.

“Huy!”

“Wow.” Bigkas ng binata.

“Ha?”

“Grabe ka. Ang takaw mo.”

“Masama? Gutom ako eh.” Depensa ng dalaga.

“Kahit na. Sinong magaakala na meron pang babae na napakaganda at sexy pa ha take note, na kayang kumain ng tatlong order mula sa isang fastfood chain, with desserts,  nang magisa, na kahit may kasama siya ay di man lang siya nag alok kahit na isang fries, at kayang ubusin lahat yon in less then, uhm, ten minutes.” Hirit ni Nico at napasimangot naman si Trish.

“Ganon ba talaga ako katakaw?” tanong ng dalaga.

“Ay hindi joke lang. Di ka naman matakaw, actually normal lang yan sa mga babae.” Sabi ni Nico.

“Niloloko mo ako eh.”

“Buti alam mo.” Sabi ni Nico at binato siya ni Trish ng plastic cup.

“Oh easy. Pinapatawa lang kita.”

“Ganyan ka ba magpatawa ha?” tanong ng dalaga.

‘Joke lang ikaw naman. Pero seriously, matakaw ka talaga. Di mo ba isinusuka lahat yan ha?” tanong ng binata at nanlaki ang mata ni Trish.

“Yuck hindi noh! Di ako bulimic. Eew. Matakaw nga ako pero minsan lang to. Minsan lang ako kumain ng ganito karami ano. Kaya di ako tumataba. Baka akala mo araw araw gantito ako.”

“Hindi ba?”

“Hinde!” sigaw ni Trish at natawa naman si Nico.

“Easy ka lang. Anyway, about what’s bothering me, uhm.”

“Ano?”

“Marunong ka palang mag gitara?” tanong ng binata at nagtaas ng kilay si Trish.

“Related ba yan sa nag bobother sayo?”

“Oo. So ano marunong ka?” tanong muli ni Nico.

“Tingin mo?”

“Hmmm. Hinde?”

“Sira! Kitang may dala akong gitara eh. Eh di marunong ako! Hmp!” sabi ng dalaga at natawa si Nico.

“Joke lang. Magaling ka ba?”

“Oo naman!”

“Ganon? Alam mo kasi, di ba malapit na ang university days sa school ni Misa?”

“So?”

“Plano kasi naming tumugtog. Personally gusto ko rin talaga, gusto kong tumugtog para kay Misa. Kaya lang may problema.”

“Hmmm. Let me guess. Wala kayong guitarist noh?” tanong ng dalaga.

“Actually meron.”

“Meron naman pala eh.”

“Hindi, kasi ako yung guitarist, pero ako rin yung vocals at the same time. So kailangan pa namin ng second guitarist.” Paliwanag ni Nico.

“And you want me to be your second guitarist right?” tanong ni Trish.

“Heck no! Nageexplain lang ako.” Sabi ni Nico. AGad namang tumayo si Trish.

“Okay, di naman pala eh. Sige una nako. Bye.” Sabi ni Trish pero biglang hinawakan ni Nico ang kamay ng dalaga.

“Joke lang! Huy!” sabi ni Nico ngunit di sumagot si Trish.

“Trish sorry. Joke lang yon. Trish, please be our guitarist. Please. I really need you.”

“Eh ano ngayon? Ano namang mapapala ko?”

“Uhm, besides fame, which I think you already have, wala siguro. Yung enjoyment lang siguro sa pag tugtog. Trish, this is the first and last time that I will ask you a favor. Will you help me? Will you help us?” tanong ni Nco.

“First time? What about yung tulong ko sayo kay Misa?”

“Well, ikaw ang nag alok nun remember?”

“Ay oo nga pala.” Sabi ni Trish sabay upo ulit.

“This performance really is important to you is it?” tanong ni Trish.

“Yes. Very important.”

“Haaay! Ang free time na matagal ko nang inaasam, mukhang di ko pa magagamit.” Sabi ni Trish.

“You mean?”

“Yes! Sige I’ll be your guitarist. But only for this performance okay?” sabi ni Trish at biglang napatayo si Nico.

“Yes! Thanks Trish! Thank you as in!” sabi ni Nico. Napangiti naman ang dalaga habang pinagmamasdan si Nico na tumatawag at sinasabi nag magandang balita.

__

 Wednesday ng hapon at nagtungo si Nico at Trish sa school nina Paul. Agad silang nagpunta sa auditorium, kung saan nakaayos ang mga instruments na gagamitin. Pagdating doon ay nakita nila si Paul, Danica, Chics at Kiko na naghihintay sa loob. Napatingin ang mga ito sa direksyon nina Nico.

“Tol! You’re freaking late!” sigaw ni Paul.

“Sorry. Medyo late kami nakapag endorse sa duty kanina eh. Anyway.” Sabi ni Nico sabay tingin kay Trish.

“Well, guys, meet Trish. Second Life’s rhythm guitarist. For this performance by the way.” Sabi ni Nico.

“Second Life?” tanong ni Trish kay Nico.

“Ah, yun yung band name namin. Okay naman diba?”

“Baduy!” sigaw ni Trish.

“Ouch! Grabe ka naman. Well bear with it. Dahil isa kang myembro ng Second Life hanggang next week.”

“Joke lang. Actually I think its pretty cool.” Sabi ng dalaga. Napangiti naman lahat ng nasa auditorium.

Isa isang pinakilala ni Nico ang lahat ng members ng kanilang banda. Pagkatapos nito ay nagusap ang banda tungkol sa mga kantang itutugtog nila. Matapos ang halos isang oras ay doon pa lang natapos ang diskusyon tungkol sa mga kanta, at mga gagawin nila.

“So tomorrow is our first official practice as a band. So praktisin niyo na yung mga parts niyo sa bahay for tomorrow okay? So we’re an alternative rock band. Dapat may dating tayo.  And by the way dito tayo magpapraktis. I officially got a permit the other day sa tuloy na tuloy na tayo. At pumayag din sila na ipagamit ang auditorium for practice pero may time limit. So pag week days, practice time is from 4pm to 9pm, kasi may gagamit ng umaga. Sa week ends naman 8 am to 3 pm. Gets? Okay dismissed!” sabi ni Paul.

“Nicks una na kayo.” Sabi naman ni Danica.

“Ha? Bakit?”

“Magpapraktis muna kami ni Pao dito.” Bigkas ng dalaga.

“Ha? Akala ko kakain na tayo?” tanong ni Paul at tiningnan siya ng masama ni Danica.

“Ay! Oo nga pala magpapraktis pa kami. Well, Sige tol kitakits na lang mamaya. At Trish, thank you din. Ingat kayo.” Sabi ni Paul. Napangisi naman si Nico at Trish.

“Under talaga tong lalakeng to.” Bulong ni Kiko kay Chics.

“Bakit ikaw, di ka ba under kay Ysa?”

“Ako under? Ha? Ako? Buti alam mo.” Banat ni Kiko at natawa si Chics.

“Nico, sino yung babaeng yun?”

“Ah, si Danica? Best friend na Paul. At kaibigan din namin ni Misa. Bakit?”

“Bestfriend? Akala ko sila ni Paul.”

“Hmm. Long story. Pero hindi sila. And I don’t think magiging sila.” Sabi ni Nico.

“Bakit naman? She’s really pretty.”

“Oo alam ko. Pero, basta. Long story. I’ll tell you some other time okay?” sabi ni Nico at tumango lang si Trish.

__

Thursday ng hapon at muling nag kita-kita ang mga myembro ng Second Life para sa kanilang first official practice. Nagkita ang lahat sa may corridor ng school at nang makumpleto ay nagtungo ang lahat sa auditorium para umpisahan na ang practice. Pagkatapos mag pahinga sandali ay isa isa nang pumwesto ang lahat, dala dala ang mga instrumentong tutugtugin nila.

Nagumpisa nang tumugtog ang lahat. Itinugtog nila ang unang kanta sa kanilang listahan. Maraming beses silang humihinto pagkat may mga maling kailangang ayusin. Pero masaya ang practice nila. At bago pa natapos ang gabi, ay halos nakuha na nila ang unang kanta.

__

Friday ng gabi, nakatambay si Nico at Gela sa labas ng apartment. Ilang sandali pa ay lumabas si Aya, na may dalang juice. Naupo ito sa tabi nila, tila may gustong sabihin.

“Asan si Paul?” tanong ni Aya.

“Ayun, tumba. Napagod yata sa kaka practice. Pagod na siya doon? Eh ako galing pa nga akong duty eh.” Sabi ni Nico.

“Ah ganon ba?” malungkot na tugon ni Aya.

“Gusto mo gisingin ko?” tanong ni Nico.

“Ay, wag na. Tama lang na wala siya. May gusto kasi sana akong sabihin sa inyo eh.” Sabi ni Aya.

“Aya what’s wrong? Mukhang malungkot ka ah.” tanong ni Gela.

“Uhm, kasi, I feel like im a really bad person.” Sabi ng dalaga. Nagtinginan naman si Nico at Gela. Umusog si Gela papunta kay Aya at hinawakan ang kamay ng kaibigan.

“No you’re not. Pano mo naman nasabi yan?” tanong ni Gela.

“Its about my relationship with Marvin.” Sabi ni Aya.

“So may problema kayo?” tanong naman ni Nico.

“Actually. Wala. He’s really a good guy. He is loving at understanding.”

“So anong problema?” tanong ni Gela.

“I don’t know. I mean, he does everything for me.  He is so kind and generous. He does nothing but make me happy. But recently I felt that something isn’t right. I mean, di ba dapat give and take ang isang relationship? But I feel as if siya lang ang nagbibigay. Pakiramdam ko wala akong kayang ibigay sa kanya.”

“Bakit naman? Aya, Don’t say that.” Sabi ni Gela.

“Kasi naman. After all that he has done for me. Still, I cant seem to return his feelings for me. pagdating sa actions, halos equal lang. Kasi parang nag cocompensate ako. I feel guilty, so I do everything to please him as well. Pero di pa din mawala ang guilt feelings ko. Maybe because after all he has done for me, after all his kindness and love, still I cant love him back.” Sabi ni Aya.

“then why don’t you break up with him?” tanong ni Gela.

“I can’t. Ang bait niya eh. Sobra. I don’t have the courage to hurt him. Di ko siya kayang saktan.”
Sabi ng dalaga. Napabuntong hininga naman si Nico.

“Aya, I know di mo siya kayang saktan. Pero di mo ba naisip, na baka mas masakit kung paasahin mo lang siya. Buong akala niya okay ang lahat. Na you both have a perfect relationship. Pero hindi pala. Aya niloloko mo lang ang sarili mo. He is like living in a dream world. Kaya mo bang i-take yon? The deeper you go down the harder it is to get out. So habang di pa complicated ang lahat, mag desisyon ka na. It will definitely hurt him. Pero pain on reality is better than pleasure on a dream-like fantasy. Remember that. “ paliwanag ni Nico.

“I guess you’re right. Thank you sa inyong dalawa. I know I could trust you.”

“Wala yon Aya. You’ve always been a good friend to us. Palagi kang nandyan. Anytime if you need us, andito lang kami.” Sabi ni Nico.

“Oo nga. Lalo na ako. Ako lang ang nakakaintindi sayo. I’m you’re bestfriend after all. Basta wag kang magalangang mag share sa akin okay?” sabi naman ni Gela.

“Thank you talaga. Pero about my decision, I need more time to think.”

__

Sunday ng umaga ay muling nagkita kita ang banda para mag ensayo. Di tulad dati, halos na perfect na nila ang first song nila. Muli nilang itinugtog ang first song. Pagkatapos nito, inumpisahan nilang praktisin ang pangalawang kanta.

“Mali! Kiko masyado kang mabilis!” sigaw ni Trish.

“Oh boy. Pati sila Kiko nabibiktima na ng pagiging bossy ni Trish.” Bulong ni Nico sa sarili.

“Ay, sorry ate Trish. Medyo pasmado kasi yung kamay ko eh.”

“Ayusin mo. Paul isa ka pa! Mabilis ang beat mo.”

“Ay, sorry po ma’am. Na excite lang ako.”

“At bakit ka naeexcite aber?”

“Kasi ako nag suggest ng kantang to eh. Kaya excited akong itugtog.”

“Well Mr. Drummer boy, sayo kami lahat umaasa kaya umayos ka.” Sabi ni Trish sabay tingin kay Nico.

“Okay I’m dead.” Bigkas ni Nico. Natawa naman si Kiko at Paul sa kanya.

“Nico!”

“Yes , ma’am!”

“Kung kailangan mong huminto sa pag strum para kumanta, ayusin mo naman. Dapat tama yung timing. Dapat sakto siya sa pag shift ng chord. Di maganda pakinggan eh!” sabi ni Trish.

“Ah, Opo sorry po.” Sabi ni Nico habang nag kakamot ng ulo.

“Di niyo gayahin yang kapatid mo. Sakto yung pluck niya. Pati si Danica. Tapos sinasabi niyo magaling kayo?”

“Ahm, at kailang ko sinabing magaling ako aber?” tanong ni Paul.

“Ewan ko! Basta narinig ko lang!”

“haha! Wala kang ebidensya!” sigaw ni Paul.

“Che! Di ko kailangan ng ebidensya. Tara ulitin nga natin.” Sabi ni Trish at nagumpisang tugtugin ang intro.

Maagang natapos ang lahat sa kanilang practice. 2pm pa lang ay nag handa nang umalis ang lahat. Sumabay sina Danica, Kiko at Chics kay Paul habang si Trish naman ay sumabay kay Nico sa sasakyan nito.

“Hay. Natapos din.” Sabi ni Nico.

“Sinabi mo pa. Teka, Nicks diba kararating lang ni Misa nung Thursday? Di mo ba siya kinausap?” tanong ni Trish. Di naman nakasagot si Nico.

“Huy! Narinig mo ba ako?” Huminga ng malalim ang binata.

“Hindi eh. Busy kasi.”

“Yun lang ba ang dahilan?”

“Hay. Di ko kasi alam ang sasabihin ko sa kanya. Mas naiilang pa ako sa kanya ngayon compared to the first time we met. Ewan ko ba. I really want to be with her. Pero, ah basta.”

“Eh bakit ka naman naiilang ha? Akala ko ba eto ang gusto mo. Bakit ano bang meron?”

“Parang its not the same as before. Alam mo yun? Parang may harang sa pagitan namin ni Misa.”

“Hay. Alam mo Nico, natural lang yan. Pagkatapos ba naman ng nangyari. At isa pa, ikaw ang may gusto na maging friends kayo remember? So ikaw dapat ang gumagawa ng paraan para maging close kayo ulit. So kung ako sayo, imbis na magmukmok ka diya, kausapin mo na siya. Lumabas kayo. I’m sure gusto niya yon.” Sabi ni Trish.

“You think?” tanong ng binata.

“Yup. Ano?”

“Okay. Sige. Tama ka. I’ll try.”

__

Thursday ng tanghali ay inabangan ni Nico si Misa sa may corridor. Balak niyang yayain ang dalaga para kumain ng lunch. Balisa si Nico at kinakabahan. Lalo pang bumilis ang pintig ng puso niya, na para bang bigla itong pumitik nang masilayan niya si Misa.

“Uhm, hi Misa.” Sabi ni Nico.

“Hello Nicks.” Sagot naman ng dalaga.

“Uhm, tapos na klase mo?”

“Katatapos lang. Una na ko ha?” sabi ng dalaga at muling naglakad.

“Ah, Misa sandali.” Sabi ni Nico. Huminti naman ang dalaga at napalingon.

“Gusto mong mag lunch? My treat.” Sabi ng binata. Napangiti naman si Misa.

“Sorry ha. Pero I can’t. My lakad kami ni Vince eh. Maybe next time okay?” sabi ni Misa. Para namang nabiyak ang puso ni Nico. Parang bigla na lang bumigat ang dibdib niya sa kanyang narinig. Pero dahil sa hari nga siya ng NR. Hindi niya pinahalata na naapektohan siya sa sinabi ni Misa.

“Ah ganon? Okay. Next time na lang. May praktis pa pala kami eh.”

“Practice saan?”

“Ah, tutugtog kasi kami sa university days eh ng school niyo eh. Manood ka ha?” sabi ng binata.

“Ah ganon? Okay, titingnan ko. Bye.” Sabi ng dalaga at nagmamadaling naglakad paalis habang pinagmasdan lang siya ng binata na lumabas ng gate.

__

Kinabukasan, break ng banda from practice kaya naisipan ni Nico na hintayin si Misa mula sa badminton practice nito. May dalang orange juice si Nico dahil alam niyang ito ang paboritong inumin ni Misa. Mga 5 pm na nang matapos ang practice ng dalaga. Paalis na ang dalaga kasama ang mga co-players nito nang makita nila si Nico na Inaabangan siya sa labasan ng court.

“Psst! Misa yung  ex mo yon diba? Anong ginagawa nyia dito.” bulong ni Marriane.

“Wag kang maingay baka marinig nila.” Sabi ni Misa.

“uuuuy. Misa oh yung suitor mo.” Tukso ng kasama ni Misa. Namataan naman sila ni Nico kaya tumingin siya sa malayo a kunwari hindi sila napansin. Hinintay ng binata na dumaan sila sa harap niya.

“Nicks.” Sabi ng dalaga. Agad namang napatingin si Nico at kunwari ay nagulat.

“AY, Misa andyan kana pala.”

“Misa maiwan na namin kayo ha. Mauna na kami.” Sabi ng kasama ni Misa. Napangiti lang ang dalaga sa kanila.

Ilang segundong katahimikan ang sumunod. Pareho nilang di alam kung ano ang sasabihin sa isat isa. Ilang sandali pa ay nagsalita si Misa.

“Oh, Nicks, anong meron?” tanong ng dalaga. Tila natulala si Nico nang muling masilayan ang ngiti sa mga labi ni Misa.

“Ah, eh. Wala. Sinundo lang kita. Ay, eto oh, orange juice.” Sabi ni Nico sabay abot ng orange juice sa dalaga.

“Thanks.”

“Uwi ka na?”

“Yup.”

“Tara samahan na kita. Kung okay lang.” sabi ng binata. Ayaw sanang sumama ni Misa pero wala na siyang nagawa pa.

Naglakad ang dalawa patungo sa parking lot. Parehong tahimik ang dalawa. Di pa rin naalis ang sinasabi ni Nico na harang sa pagitan nilang dalawa.

“Uhm, gusto mong kumain?” tanong ng binata. Di naman nakasagot ang dalaga.

“Sige na?” tanong ni Nico.

“Okay.” Sagot ni Misa.

Nagtungo ang dalawa sa isang fast food chain malapit sa bahay ni Misa. Gusto kasi ni Nico na ilakad na lamang si Misa pauwi.

“So, uhm, kumusta ka naman?” tanong ni Nico.

“I’m okay.”

“Ah, buti naman. Eh si Tita kumusta naman?”

“Ayun, okay lang din.” Sagot ng dalaga.Napansin ni Nico na medyo malamig ang pakikitungo sa kanya ni Misa.

“Ahm, so lumabas pala kayo ni Vince kahapon? So okay na talaga kayo?”

“Yup. Oo naman. Were friends. Good friends actually.”

“Ah, I see.” Sagot ni Nico sabay kagat ng burger na inorder niya. Napansin ni Misa na naglagay si Nico ng fries sa pagitan ng burger. Natawa naman ang dalaga dito. Alam niyang palagi itong ginagawa ng binata.

“Ikaw kumusta ka naman?” tanong ng dalaga.

“Ako? Okay lang din.”

“Okay as in okay?”

“hmmm. Not really. Somehow I feel that I have to do something for a very important someone.”

“Sino?”

“Ah wala. Someone I know lang. Uy manood ka sa U-days niyo ha.” Sabi ni Nico na halatang iniiba ang usapan.

“Hmmm. I’ll see. Busy din kasi eh.”

“Siya nga pala kasama si Trish sa banda.” Sabi ni Nico.

“I know. She told me yesterday. Nagpunta kasi siya sa amin. Dala nya yung gitara niya.” paliwanag ni Misa.

“Ah. Ay good luck pala sa laban mo. I know you can do it.”

“Thanks. Anyway, kailangan ko nang umalis. Late na kasi eh.”

“Ay, sure. Teka balot ko lang tong burger.” Sabi ni Nico.

Muling naglakad ang dalawa. Hinatid ni Nico sa Misa papunta sa bahay nila. Dahil malapit lang ito, agad nakarating ang dalawa.

“Sige, pasok na ako.” Sabi ng dalaga.

“Okay.” Sagot naman ni Nico.

“Misa!” sigaw ni Nico at napalingon ang dalaga.

“Yes?”

“Thank you pala.”

“Para saan?”

“Kasi pumayag ka na ihatid kita.” Sabi ng binata at napangiti si Misa.

“Your welcome.” Sabi ng dalaga at tuluyan nang pumasok. Tiningnan ni Nico ang bahay ng dalaga sabay napabuntong hininga at naglakad palayo.

“So okay na kayo?” biglang tanong ni Mrs. Agoncillo pagkapasok ni Misa. Nagulat ang dalaga at napatingin sa direksyon ng mommy niya.

“We’re friends.” Sagot ng dalaga.

“Friends lang?” di agad sumagot ang dalaga at naglakad papunta sa hagdan. Bago umakyat ay muli itong lumingon sa mommy niya.

“Yup. And that’s all we’ll ever be.” Sabi ng dalaga at umakyat na sa hagdan.

__

Isang linggo na lang at University days na. Puspusan ang praktis ng Second Life. Seryoso ang lahat dahil bukod sa tutugtog sila para kay Misa, tutugtog din sila para sa first day ng University days. Madalas nagpupunta ang mga kaibigan nila para panuorin sila. Madalas ring nagdadala ng meryenda si Aya at Gela para sa kanila. Lahat ng practice sessions nila ay masaya pagkat kasama nila ang mga kaibigang sumusuporta sa kanila.

Dalawang araw na lang at Feb. 12 na. Ang unang araw ng university days. Nag meeting ang lahat sa auditorium para pagusapan ang magiging performance nila sa Wednesday.

“So okay na yung music natin. Polished na rin. Wala na tayong practice ngayon. Para makapagpahinga kayo. Pero sa wednesday mag papractice tayo before the actual performance. Di na rin practice yon, parang warm up na lang.” sabi ni Paul.

“Okay tol. Pero ano pala yung isusuot natin?”

“Susuot?” tanong ni Kiko.

“Oo, mas maganda kung may uniformity. Di naman yung parepareho na parang dancers ano. Yung parang may common thing lang.” paliwanang ni Nico.

“So anong suggestion mo?” tanong ni Trish.

“Uhm, I suggest a Black and White color theme. Magsusuot tayo ng black and white colors only.” Sabi ni Nico.

“Maganda yan tol. Since I like white and you like black. Pero okay lang bas a inyo yon?” tanong ni Paul.

“Okay lang sa akin. I also like the combination of those colors.” Sabi ni Trish.

“Aiks okay lang sayo?”

“No problem.” Masayang sagot ni Danica.

“Chics?”

“Oo naman okay lang.” sagot ni Chics.

“Then its settled. Black and White outfits on Wednesday.” Sabi ni Paul.

“Teka bakit di niyo ako tinanong?” kontra ni Kiko.

“Magisip ka nga. Kahit tumanggi ka wala ka nang magagawa dahil majority pumayag na.” sabi naman ni Paul.

“So okay na. We’re all set for wedesday!” sabi ni Nico at inextend ang kamay niya.

“Oh ano yan?” tanong ni Paul.

“Alam mo na. Patong niyo yung kamay niyo dito. Diba ito ung usually na ginagawa ng mga mag team mates?”

“Sus, anong kakornihan yan?” tanong ni Trish.

“Sumunod ka na lang. Part ka na ng Second life. Wala ka nang magagawa. Oh dito na dali!” sabi ni Nico. Lumapit naman ang lahat maliban kay Trish at ipinatong ang mga kamay nila sa kamay ni Nico. Napatingin ang lahat kay Trish.

“Oh bakit?” tanong ng dalaga ngunit di sila sumagot.

“Do I really have to?”

“Yes. You really have to.” Sabi ni Nico. Napabuntong hininga ang dalaga at lumapit sa kanila.

“Okay, ready! Tol game!” sabi ni Nico.

“Sige sige.” Sagot ni Paul.

“1! 2! 3! Second Life!” sigaw ng lahat.

Thursday, February 10, 2011

Chapter 21: Reunited

Hello! I would just like to say that this story, "A Wonderful Life" is coming to an end.. maybe about 5 more chapters.. I would like to thank all the readers for supporting this blog.. please keep in touch... More stories to come! ^^




A Wonderful Life
By: Nico and Paul



Chapter 21: Reunited


Saturday morning at sama samang nakatambay sa apartment sina Paul at Danica, kasama si Kiko, Chics at Ysa. Busy na naglalaro ang tatlo habang tahimik na naguusap sa may sofa si Paul at Danica. Bigla na lang napatayo si Paul nang mabanggit ni Danica ang salitang “U-days”

“Shet!” sigaw ni Paul sabay tayo. Napatingin naman sa kanya si Danica, pati ang tatlo na naglalaro ng baraha sa isang sulok ng sala.

“Paul napano ka?” tanong ni Chics.

“U-days!” bigkas ni Paul.

“Oh? Ano ngayon?” tanong ni Kiko.

“Kiks, U-Days na 2 weeks from now.”

“Tapos?” Naupo muli si Paul at biglang nag seryoso ang mukha.

“May naisip kasi ako.”

“Ano naman yon?” tanong ni Danica.

“Gusto niyo bang tulungan si Nico?” tanong ni Paul sa kanila. Hindi na niya sila hinintay na sumagot at tinuloy ang sasabihin niya.

“Sa University days ng school namin, tutugtog tayo.” Seryosong bigkas ni Paul.

“Go. Kaya niyo yan.” Sabi naman ni Kiko at tiningnan siya ni Paul.

“Shongek! Kasama kayo!”

“Ha?! Nagbibiro ka ba?”

“Mukha ba akong nagbibiro? Sabihin mo nga kung saang parte ng napakagwapo kong mukha ang nagbibiro ha Kiko?” banat ni Paul at kinurot siya ni Danica. Natawa naman ang tatlo na kaninang naglalaro ng baraha.

“Pero Paul, never pa tayong tumugtog dati as a band. I don’t think kakayanin. Hindi feasible ang two weaks para makapag praktis.” Katwiran ni Chics.

“At isa pa, di naman pwedeng isang kanta lang ang itutugtog natin.” Dagdag ni Kiko.

“Alam niyo, wag nga kayong nega. Kung gusto niyong tulungan si Nico, papayag kayo.”

“Teka, ano ba kasing purpose niyang plano mo Pao? Oo tutulungan mo si Nico, pero paano?” tanong ni Danica.

“Aiks ganito yan. Di ba di pinapansin ni Misa si Nico. Just think about what will happen if Misa sees Nico performing sa University days. Oo alam ko mababaw, and it might not work. But I think it’s worth a shot.”

“And lets say pumayag kami, paano ang composition ng Band? At yung pangalan?” tanong ni Chics.

“Hmmm. Dahil ako lang ang marunong mag Drums, then I’ll be the drummer. Chics ikaw ang lead guitarist natin. Si Nico ang rhythm guitarist at vocals. Kiko, keyboardist ka since kulang pa ang bass guitar skills mo. The problem is wala tayong bassist. At kung pwede we need another rhythm guitarist to back Nico up.” Paliwanag ni Paul. Nakayuko naman si Danica at tila nagiisip. Ilang sandali pa ay tiningnan niya si Paul at hinawakan ang kamay nito.

“Pao, I’ll be your bassist.” Sabi ng dalaga na ikinagulat naman ni Paul.

“Aiks? Sure ka?”

“Hindi. Pero dahil kailangan niyo ng tao sa bass guitar, then ako na lang. At tingin ko kaya ko.”

“Aiks, do you have any background on playing?”

“I was also part of the music club before. I excelled on the violin pero I also tried playing the piano and also the bass guitar one time. Pero matagal na yon at di ko alam kung makakatugtog pa ako. But I’ve got to try.” Paliwanang ng dalaga at napangiti si Paul.

“Thank you Aiks. Really. Don’t worry, tutulungan kita.” Sabi ni Paul at hinawakan din ang kamay ni Danica.

“Uyyy. Cheezy.” Tukso ni Kiko.

“Shaddap!” sabi ni Paul at inalis ang hawak sa kamay ng dalaga.

“Now problema natin ngayon ang isa pang rhythm.”

“Bakit pa? Eh di pa ba kaya ni Kuya Nick yon?” tanong ni Kiko.

“Mahirap po kasi i-maintain ang strumming habang kumakanta, lalo na sa klase ng kanta. So dapat may 2nd guitarist tayo. Sabay silang tutugtog ni Nico with the same tuning ng guitar para in case kailangang huminto ni Nico while singing, magagawa niya kasi nga may isa pang nagstu-strum. Gets mo na? Pumasok na ba diyan sa utak mong kasing laki ng piso?” sabi ni Paul at natawa ang lahat maliban kay Kiko.

“At isa pa, di naman ganon kagaling si Nico sa guitar. So talagang mahihirapan siya.”

“Eh bakit kailangan niya pang tumugtog?” tanong ni Ysa.

“May impact kasi yon, lalo na at ginagawa natin to para mapansin siya ni Misa. Anyway, we have two and a half weeks to practice. Kailangang mag start as soon as possible. Pero wala tayong 2nd rhythm. May kilala ba kayo?” tanong ni Paul.

“Wala eh.” Sabi ni Kiko.

“I could play pero noob ako.” Sabi ni Ysa.

“Nevermind. Kahit naman marunong ka di pa rin kita isasali.” Sabi ni Paul at binato siya ni Ysa ng unan.

“Sama mo talaga kuya! Hmmp!”

“Sorry Pao pero wala rin akong alam eh.” Sabi ni Danica.

“Tanungin ko si Claire, baka may alam siya. Music club siya dati eh.” Sabi ni Chics.

“Oo nga. Tsk! Bakit ba naman kasi piano pa ang gustong tugtugin ng babaeng yon. Kung pumayag lang siya dati na magpaturo sa akin ng gitara, eh di wala tayong problema. Yung kasing mga kilala ko from the music club may mga sariling banda eh.”

“Sige magtatanong na lang din ako.” Sabi ni Kiko.

“Pagusapan na lang natin ulit bukas pag sinabi ko na kay Nico. For now, isip muna tayo ng kanta. We need at least three songs. Magisip kayo ng dalawa. Pero yung third song dapat si Nico ang magiisp. Okay? Dismissed!” sabi ni Paul.

“Dismissed ka diyan. Magluto ka na nga at gutom na ako.” Sabi ni Danica.

“Yes ma’am!” sabi ni Paul at agad tumayo.

“Wala pa man under the saya na siya.” Bulong ni Kiko kay Chics at natawa naman ang binata.

___

“Ha? Teka parang mahirap naman yata yang plano mo.” Tanong ni Nico.

“Ayaw mo?”

“Gusto.”

“Gusto naman pala eh. Wag ka nang magreklamo. Pasalamat ka nga tinutulungan kita eh.” Sabi ni Trish.

“So Plan A at Plan B lang? Walang Plan C?”

“Pag pumalpak yung dalawang plano then doon pa lang may Plan C” sagot ni Trish.

“Ano ba yung Plan C?”

“Suicide.” Sabi ni Trish at nanlaki ang mga mata ni Nico.

“Suicide?!!”

“Joke lang. Naniwala ka? Iniisip ko pa ang plan C. For now. Sundan mo muna ang first two plans.” Sabi ni Trish at natahimik si Nico at tila nag iisip. Ilang sandali pa ay tumayo si Trish.

“Lets go?”

“Ha? Now na?”

“Oo! Tara. Sa mga oras na to nasa school si Misa. Nag try outs siya para sa badminton for U-days at natanggap siya. So nag papraktis yon ngayon.”

“Kailan ba U-days ng school nila?”

“Hmmm. Exactly two and a half weeks from now.” Sabi ni Trish.

“So Saturday ngayon, eh di mga Wednesday next next week?”

“Sus talagang inisip pa. Halika na. Para sa U-days bati na kayo. Dali.” Sabi ni Trish at umalis na ang dalawa.

Ilang sandali pa ay nasa school na sila nina Misa. Naupo ang dalawa sa may corridor. Balisa naman si Nico at halatang di mapalagay.

“Maupo ka nga.” Sabi ni Trish. Sumunod naman ang binata.

“Relax okay? Tandaan mo lang ang plano.”

“Okay okay.” Sabi ni Nico.

“Oh sibat na.” sabi ni Trish.

“5 minutes?”

“Ano ka ba?! Para kang manliligaw eh. Para kang natotorpe. Ano bang kinakatakot mo ha?” tanong ni Trish.

“Natatakot lang ako na baka despite my attempts, di pa rin niya ako mapapatawad.” Sabi ni Nico.

“At least its better than doing nothing. Go na.” sabi ni Trish.

“You’re right.” Sabi ni Nico at tumayo na.

“I’ll be back.” Sabi ni Nico at naglakad palayo. Naiwan naman si Trish sa bench at nakangiting pinagmasdan ang binata.

___

“Okay kaya ko to.” Sabi ni Nico sa sarili habang naglalakad. Sinubukan niyang sariwain ang plano nila ni Trish.

So sa planong to, just watch her while she’s practicing. Alam ko wala akong direct participation dito, pero at least alam mo na nag babadminton siya pag Saturday diba? Don’t worry, pag di gumana to, sa plan B ako mismo tutulong sayo.”

Dumiretso si Nico sa badminton court at nakitang maraming tao doon. May ilang ang papraktis. Pero di pa rin niya makita si Misa. Tumayo siya sa may bleachers at naghintay habang sinasariwa ang sinabi sa kanya ni Trish.

Okay, so tatayo ka lang doon at maghihintay. Tapos pagkatapos ng practice nila, wag mo muna siyang lapitan. Maghintay ka muna. Malamang ineexpect niya na lalapit ka pero di mo dapat binibigay lahat ng expectations ng isang tao. So right after, pag di siya nakatingin, umalis ka. Dapat di ka niya mapansing umalis. Yung tipong pagtingin niya sa lugar mo kanina, wala ka na doon.”

Naupo si Nico habang pinagmamasdan ang mga nag papraktis. Di pa rin niya makita si Misa kaya naghintay siya. Muli ay inalala niya sa isip niya ang susunod na gagawin.

Sa pagkakakilala ko doon, hahanapin ka non, pero di halata. Yung tipong pasimpleng lilingon lingon. Abangan mo siya sa sa corridor kung saan siya palaging dumadaan. Magdala ka ng orange juice, alam mo namang paborito niya yon diba? Lapitan mo siya tapos ioffer mo yung juice. And then ikaw na bahala makiramdam. Kung tipong pwede mong dalhin yung gamit niya para sa kanya then go. Pero pag nagpakita siya ng pagkairita, back off ka na okay?”

Napangiti si Nico nang maalala ang huling linyang yon mula sa plano nila ni trish. “Huh, like I’m gonna back off.” Sabi nito sa sarili.

Halos 15 minutes na naghihintay si Nico pero wala pa rin si Misa. Naisipan niyang puntahan ang isa sa mga manlalaro para tanungin.

“Uhm excuse me.” sabi ni Nico. Agad namang napalingon ang mga babae.

“Yes?” tanong ng isa.

“Uhm, kilala niyo ba si Misa?”

“Misa? As in si Melissa?”

“Oo siya nga.”

“Oo bakit? Kasama namin siya na player.” Sabi ng isang babae.

“Andyan pa siya? Parang di ko yata siya nakita?” sabi ni Nico at napangisi ang mga babae.

“Uuuy. Crush mo siya ano?”

“Well, oo, este, kaibigan ko siya. Asan siya?”

“Yihii! Sorry pero wala na siya eh. Maagang umalis. Sumama kasi pakiramdam niya eh.”

“Ah ganon ba?” sabi ni Nico.

“Sige thanks na lang.” dagdag ng binata sabay tumalikod. Naglakad siya sa paalis mula sa corridor at tinitigan ang dala niyang orange juice.

“Well, palpak ang plan A. its up to Plan B then. Kawawa ka naman orange juice. Mukhang ako ang iinom sayo.” Sabi ni Nico at binuksan ang juice at ininom ito.

Sa 2nd floor ng gym, pinagmamasdan ni Misa si Nico habang papalayo ito. Bakas ang kalungkutan sa mukha ng dalaga.

“Oh, wala na siya.” Sabi ng babae sa likod niya na kakaakyat lang. Agad namang napalingon ang dalaga.

“Thanks sa inyo ha.”

“No problem. Buti na lang pala nakita natin siya kanina papunta dito nung nag CR tayo. Bakit ba ayaw mo sa manliligaw mong yon? Gwapo naman siya ah. At mukhang mabait.”

“Di ko siya manliligaw.” Mahinang sagot ng dalaga.

“Ha? Eh un yung sabi ng mga girls ah.” Napabuntong hininga si Misa at lumapit sa kasama.

“Marianne, sayo ko lang to sasabihin okay? Ex ko siya.” Sabi ni Misa at medyo nagulat si Marianne.

“Ah, kaya naman pala. Now I understand.” Sabi ng dalaga at napangiti si Misa.

“Thanks.”

“Oh tara, praktis na tayo.” Sabi ni Marianne.

“Una ka na. Dito muna ako. Sure ako andito pa siya sa campus.” Sabi ni Misa at naupo.

“Okay, samahan na lang muna kita dito.” Sabi ng dalaga at naupo.

“Thanks.”

___

“WHAT?! UMUWI NA SIYA?! EH SABI NI TITA WALA PA RAW SIYA DOON AH!” Sabi ni Trish sabay dampot sa phone niya.

“Text ko nga!” Sabi ng dalaga. Naaliw naman sa kanya si Nico.

“Bakit ka natatawa diyan?”

“You hate losing do you?” tanong ni Nico.

“Talaga! So if you don’t mind, tetext ko muna siya para ma-confirm natin.” Sabi ni Trish sabay text. Ilang sandali pa ay nakatanggap ng reply ang dalaga.

“Huh! Sabi ko na nandito pa siya eh. Ikaw kasi ang tanga tanga mo nagpakita ka. Sabi ko sayo pakita ka lang doon mismo sa court. Eh nakita ka yatang papunta doon eh. Ayan tuloy.” Inis na bigkas ng dalaga.

“Eh malay ko ba. Magulo ang isip ko kanina eh.”

“Sabi ko naman kasi sayo. CONCENTRATE. Hay nako. Oh, Plan B na. At dahil may direct participation ako dito, dapat successful to. Pag hindi naku malilintikan ka sa akin.” Sabi ni Trish.

“Easy ka lang Trish. Pero ngayon na ba ang Plan B?”

“Oo kaya! Talagang plinano ko ng mabuti yung plan B para in case pumalpak ang plan A. Saktong sakto. Ako ang susundo sa kanya pauwi niyan.”

“Ha? May sasakyan ka?”

“Oo kaya.”

“Bakit wala kanina?”

“Eh matalino ako eh. Dito ko na agad pinark kasi alam ko naman na dito magaganap yung plano. Anyway, mag ready ka na non. Gets mo naman yung plano diba? Maghintay ka doon sa pinagusapan natin. Pupuntahan ko siya. Di na pwede yung Plan A dito dahil una, di na yon magpapraktis kasi nakita ka niya, pangalawa, sigurado ako kilala ka na ng mga kasama niya, at pangatlo, ininom mo na yung orange juice!”

“Teka, bakit parang alam na alam mo ang takbo ng isip niya?”

“Eh kasi po, una pinsan ko siya, pangalawa, psych student kaya ako. Trust me. Di na gagana ang Plan A. wala na rin ang element of surprise.”

“Eh pano mo naman nasabi na nakita nga niya ako aber?”

“Helloow? Nagiisip ka ba? Gamitin mo nga yang utak mo! Sabi sayo kanina wala na siya diba? Sabi naman sa akin ni Misa andon pa siya. Pumayag ngang magpasundo eh. So the bottom line is-“

“Nakita niya ako, nagtago siya, at pinagtakpan siya ng mga kasama niya.” dugtong ni Nico.

“Korek! Gets mo na? Marunong ka naman pala mag isip eh. Oh siya, alis na dali! Tatawagan kita mamaya .” sabi ni Trish.

“Okay. Una na ako.” Sabi ni Nico at naglakad palayo.

“Uhm Trish! Thank you ulit. Sige!” sabi ni Nico at tumakbo palayo.

“Sira. Wag ka munang magpasalamat.” Bulong ni Trish sa sarili.

___

Sa  7/11 naupo si Nico at naghintay. At tulad sa Plan A, sinariwa din ng binata ang pangalawang plano nila ni Trish. Ang Plan B.

So ganito yan. Sasamahan ko siya pauwi. Tapos tatawagan kita. Sasabihin ko sa kanya na samahan muna ako sandali bago umuwi. Kunwari may bibilhin ako sa mall. Basta pag tinawagan kita, punta ka na agad sa mall okay? Sundan mo rin ang instructions ko pag tumawag ako.”

Halos 45 minutes ding naghintay ang binata sa 7/11 bago siya nakatanggap ng tawag galing kay Trish.

Nico: Hello?

Trish: Hello hon.

Nico:  Bakit “Hon?”

Trish: Wag ka nang umangal hon. Ito naman bihira na nga lang ako tumawag sayo eh. Anyway, mamaya na lang tayo magkita okay? Kasama ko tong kyut kong pinsan eh. Mamimili lang kami sandali.

Nico: Okay Hon ( sa medyo nangiinis na tono)

Trish: Papunta kami niyan sa mall. Mamimili kami sa DEPARTMENT STORE na katabi ng FOOD COURT. Pag nagkita tayo ibili mo ako ng paborito kong JAPANESE SIOMAI okay? Gusto rin kasi ng pinsan ko yon eh. At lagot ka sa akin mamaya okay HON?

Nico: Ba-bakit?

Trish: Bye hon. See you later! (sabay baba ng phone)

“Hay nako. Kung titingnan mo, puro naman suhol ang mga plano nitong si Trish,” sabi ni Nico sa sarili.


___

Ibinaba na ni Trish ang phone saba bigay ng isang malaking ngisi kay Misa. Nasa kotse pa ang dalawa at tinatahak ang landas papunta sa mall.

“Trish, talaga bang darating ang boyfriend mo mamaya?” tanong ni Misa.

“Nah. Di ko boyfriend yon.”

“Ha? Eh sino yon?”

“Hmmm. Isa sa mga lalaking naakit ko. Ayan oh may free merienda tayo mamaya.” Sabi ni Trish at nanlaki ang mga mata ni Misa.

“Seryoso ka? Sira ka talaga!”

“Hihi! Its okay couz. Akong bahala. Ako pa.”

“Hay nako. Ewan ko sayo. Anyway, ano ba kasing bibilhin natin?”

“Ah basta. Samahan mo lang ako okay? Don’t worry lilibre kita.”

“No need. Ikaw talaga.”

Matapos ang ilang minuto ay nakarating na ang dalawa sa mall. Diretso ang dalawa sa department store. Habang naglalakad ay pasimpleng tinext ni Trish si Nico.

“Oh andito na tayo, so anong bibilhin mo?”

“Hmmmm. Just some clothes. Halika doon tayo oh.” Sabi ni Trish sabay hila sa kamay ng pinsan.

Pili ng pili si Trish ng mga damit habang pinapanuod lang siya ni Misa. Halatang naiinip na ang dalaga at natawa naman si Trish.

“Couz nagugutom na ako.” Sabi ni Misa.

“Hay nako. Yang tiyan mo talaga. 15 minutes pa okay? Susukat ko lang sandali to sa dressing room.”

“Oh sige. Hintayin na lang kita dito upo muna ako.” Sabi ni Misa.

“Okay. Diyan ka lang ha.” Sabi ni Trish at agad nagtungo sa dressing room.

Pagdating sa loob ay agad niyang inilabas ang phone niya at tinawagan si Nico.

Trish: Hello Nicks!

Nico: Oh? Game?

Trish: Wag kang excited. Mamaya na. Iniwan ko muna siya. Bibigyan kita ng chance Makita siya pero wag mong lalapitan okay?

Nico: Ha? A-asan ba kayo?

Trish: Nakaupo siya sa may bench sa tapat ng dressing room. Dalian mo. Meron kang 10 minutes.

Nico: Okay okay thanks.

Dali daling nagpunta si Nico sa department store. Dala dala pa niya ang siomai na binili niya kanina. Hinanap niya si Misa. Nakita niya ito. Mula sa di kalayuan. Side view lang ang nakikita niya pero sapat na yon. Matagal na rin niyang di nakikita si Misa. Ang babaeng pinakamamahal niya.

Dahan dahan siyang naglalakad habang nakatitig sa dalaga. Wala pa ring pinagbago ang itsura niya. Medyo nag iba lang ang style buhok.  Maganda pa rin ito. Dahan dahan siyang naglakad. Sobrang bilis ng tibok ng puso niya. Gusting gusto niyang lapitan ang dalaga. Pero alam niyang di pa pwede. Kailangan niyang maghintay.

Sa sobrang titig niya kay Misa ay di niya namalayan na diretso na siya sa isang manikin. Nabunggo niya ito at natumba. Pati ang dala niyang siomai ay nalaglag.

Napatingin naman si Misa sa direksyong ng ingay. At nagulat siya sa nakita niya. For the first time ay nagkatinginan ulit sila. Mata sa mata. Natigilan silang pareho. Ngumiti si Nico pero ganon pa din ang mukha ni Misa. Gulat na gulat ito.

“Sir okay lang kayo?” tanong ng sales man. Napatingin naman sa kanya si Nico.

“Ah, opo. Sorry.” Sabi ng binata sabay itinayo ang manikin. Pinulot din niya ang nalaglag na box ng siomai. Humingi siya ng despensa sa sales man at muling lumingon sa direksyon ni Misa. Agad namang nabura ang ngiti sa kanyang mukha. Nagbago bilgla ang kaninang maliwanag na mukha niya. Wala na si Misa sa kinauupuan nito. Isa nanamang pagkakataon ang sinayang niya. Lumingon lingon siya para hanapin ang dalaga pero wala na ito.

“Ang tanga ko.” Sabi niya sa sarili. Dahan dahan siyang naglakad at umupo sa kanina’y inuupuan ni Misa. Bakas ang kalungkutan sa mukha nito.

“Malilintikan ako kay Trish nito.” Sabi niya sa sarili.

“Oh Misa naging lalaki ka na?!” tanong ni Trish na kalalabas pa lang ng dressing room. Inangat naman ni Nico ang ulo niya.

“Hi Trish. Ako pala si Nico at hindi si Misa. At oo. Ang tanga ko.”

“A-anong nangyari? Asan ba si Misa?”

“Umalis na.”

“Ha?! Bakit?”

“Nakita niya ako. Ang tanga ko kasi.” Sabi ni Nico. Napabuntong hininga naman si Trish at naupo sa tabi ng binata.

“Alam mo ba kung bakit ko sinabing may one week ka para kaibganin si Misa?” tanong ni Trish.

“Bakit?”

“Di ka ba nagtaka? Sa tingin mo bibigyan kita ng ganong katagal na oras?”

“Bakit nga?”

“Aalis siya in two days. May tour sila out of town for 4 days. In short, meron ka na lang hanggang bukas. Itutuloy mo pa ba?”  tanong ni Trish. Napayuko naman si Nico at binuksan ang kahon ng siomai na dala niya.

“Ewan ko. Bakit iniiwasan pa niya ako? Ganon na ba talaga ako kasama? Ganon ba kalaki ang galit niya sa akin? Ganon ba ako ka-walang kwentang tao?” sabi ni Nico sabay subo ng isang siomai.

“Nicks, don’t give up. Ang sumuko may balat sa pwet.” Sabi ni Trish sabay kuha rin ng siomai at kinagat ito.

“Sarap.” Bigkas ng dalaga. Tiningnan namn siya ni Nico at tila natatawa.

“Bakit?”

“Wala. Ganda ng motto mo ah.”

“Well, ganyan talaga. May balat din kasi talaga ako sa pwet eh.”

“Ha? Di nga?”

“Oo, gusto mong Makita?”

“Papakita mo ba?” tanong ng binata.

“Tara sa dressing room oh.”

“Huy joke lang ano! Papakita mo talaga?”

“Haha! In your dreams!” sabi ni Trish sabay tayo.

“Tara na. Wag kang mag sulk diyan. Di mo bagay.” Sabi ni Trish at tumayo na rin si Nico.

“Remember Plan C?” tanong ng dalaga.

“What about it?”

“Plan C is called your on you own.”

“Ha?”

“Ibig sabihin, diskarte mo na. Di effective yung mga plano ko eh.”

“You won’t help me?” tanong ni Nico. Nilapitan naman siya ni Trish.

“Baka kaya hindi epektibo yung plano ko dahil gusto ng destiny na ikaw mismo ang gumawa ng paraan.” Sabi ni Trish at hinawakan ang kamay ng binata.

“Gamitin mo diskarte mo Nicks. Pero before you make any decisions, feel first. You need to feel her.” Sabi ni Trish sabay dampot sa box ng siomay na nasa kamay ni Nico.

“Thanks for this.”

“Lang ya ka, pahingi pa ng konti.”

“A-YO-KO.” Landi ni Trish sabay naglakad paalis. Sinundan naman siya ng binata at naglakad sa tabi nito. Nakalabas na ang dalawa ng department store at mabagal na naglakad palabas ng mall.

“So wala bang tips?”

“Anong tips?” tanong ng dalaga.

“You know.”

“Wala! Walang tips. Baka pumalpak ka nanaman eh. Do it on your own. Pero you only have today, which is already too late kasi nag walkout na siya, and tomorrow. So ako sayo, umuwi ka muna at magisip. Tapos bukas, try mo ulit.” Sabi ni Trish.

Nakarating na ang dalawa sa parking lot at nagpaalam na si Trish. Si Nico naman ay naglakad lakad pa. Naisipan niyang magtungo sa park kung saan una silang nagtungo ni Misa noong nagkakilala sila.

Naglakad lakad ang binata at sinasariwa ang unang araw na nagkakilala sila ng babaeng pinakamamahal niya. Napatingin siya sa paligid at marami siyang nakikitang “Couples”. Napangiti na lang siya at nagpatuloy sa paglalakad. Ang hindi niya alam, sa kabilang bahagi ng park, nakaupo si Misa.

Nakarmdam ang binata ng kakaibang pagihip ng hangin, na naging dahilan ng pagpalit niya ng direksyon sa paglalakad. Nagtungo siya sa kabilang bahagi ng park, kung saan nakaupo si Misa.

Tamang tama naman na naubos na ni Misa ang kinakain niyang cotton candy. Tumayo ito at naglakad paalis. Napahinto ito sandali at napalingon sa kabilang bahagi ng park. Pero muli itong nagpatuloy sa paglalakad at tuluyan nang nakaalis.

Nakarating si Nico sa kaninang kinauupuan ni Misa at doon naupo. Pinikit niya sandali ang mga mata niya at sinariwa ang mga pangyayari kanina.

“Bakit?” tanong niya sa sarili. Ilang sandali pa ay tumayo na siya at nag desisyong umuwi.

___

Kinabukasan, pauwi na si Nico galing sa pagsisimba nang maisipan niyang muling dalawin ang park. Naglakad lakad siya dito. Kahit malapit nang sumapit ang dilim ay marami pa ring tao doon. Iniisip din niya ang sinabi sa kanya ni Paul pagkauwi niya kahapon. Tungkol sa banda. Sinabi niya sa kaibigan na pagiisipan niya muna ito. Naguguluhan pa ang isip niya kaya di siya makapag desisyon ng maayos.

Sa di kalayuan, may nakita siyang pamilyar na babae na kumakain ng cotton candy. Dahil sa nagdidilim na, di siya sigurado sa nakikita niya. Nilapitan niya ito at pilit na inaaninag. Tama siya, sa style pa lang ng pagkain nito ng cotton candy. Parang huminto ang mundo. Di niya alam kung anong gagawin niya. Lalapit ba siya? O pagmamasdan na lang ito mula sa malayo.

“Misa I love you.” Bulong niya sa sarili. Huminga siya ng malalim at kinabog ang dibdib niya.

“Kaya ko to.” Sabi niya sa sarili at naglakad papunta sa dalaga. Di pa siya nakakalapit ay napatingin na sa kanya si Misa. Tila natigilan ito. Nakatingin lang ito habang lumalapit ang binata. Nakalapit na si Nico at nagkatinginan nanamang ang dalawa. Di maipaliwanag ng binata ang nararamdaman niya sa mga oras na yon. Magkahalong saya, kaba, pagsisi and naramdaman niya.

“Hi Misa.” Bigkas ng binata. Pinunasan ng dalaga ang labi niya at napangiti.

“Hi Nicks.” Sagot nito.

“Kumusta ka na?”

“Okay lang. Upo ka oh.” Sabi ng dalaga. Di maipaliwanag na kasiyahan ang naramdaman ni Nico sa mga oras na yon. Sinunod niya si Misa at naupo sa tabi nito.

“Nakita kita sa mall kahapon ah.” Sabi ng dalaga.

“Oo nga eh. At nagkalat ako.” Sabi ni Nico at natawa si Misa.

“You never fail to make me laugh.” Sabi ni Misa at napangiti si Nico.

“I love to make you laugh. And smile. I miss you Misa. So much.” Sabi ni Nico at medyo nabura ang ngiti ni Misa.

“Misa, gusto ko sana na maging mag kaibigan tayo ulit. Kung okay lang.” sabi ni Nico. Muling napatingin sa kanya ang dalaga at napangiti.

“Sure.” Bigkas ng dalaga. Tila tumalon naman ang puso ni Nico sa narinig niya.

“Talaga?”

“Bakit? Ayaw mo?”

“Gu-gusto. So pinapatawad mo na ako?”

“Okay na Nicks. Wala yon.” Sabi ni Misa sabay kinagat ang huling bahagi ng cotton candy sa stick.

“Sige, una na ako.” Sabi ng dalaga sabay tayo. Napatayo rin ang binata.

“Tara samahan na kita.”

“Wag na. Malapit lang ako dito remember?”

“Oo nga pero I insist.” Sabi ng binata.

“Wag na okay? Kaya ko na.” sabi ni Misa sabay naglakad palayo.

“Misa!” sigaw ni Nico at napalingon ang dalaga.

“Thanks.” Napangiti naman si Misa.

“Bye Nicks!” sabi ng dalaga at tuluyan nang umalis. Nang mawala na si Misa sa paningin ni Nico, naupo naman ito habang nakangisi. Sa sobrang saya ay napasigaw siya.

“YES!”