A Wonderful Life
By: Nico and Paul
Chapter 20: Another Chance
Linggo ng umaga at damang dama pa rin ang malamig na simoy ng hangin na dala ng nagdaan na pasko. Sa labas ay napakatahimik at halos di makita ang paligid na dulot ng “Fog”. Tahimik ang magkabilang bahay at tila wala pang nagigising.
Ilang minuto pa ang lumipas, sa kwarto ni Paul, bigla na lang dumilat ang mata ng binata. Kumurap kurap siya habang pinagmamasdan ang kisame. Ilang sandali pa ay napangiti siya at mabilis na umupo sa kama. Nag inat ang binata at tumayo na at lumabas ng kwarto. Nagtungo siya sa kwarto ni Nico at kumatok ngunit walang sumasagot.
“Tol papasok ako ha.” Sabi ng binata sabay bukas sa pintuan. Wala na siyang nadatnang tao sa loob at nakaayos na ang kama ng kaibigan. Napabuntong hininga na lang siya at bumaba sa kusina para magtimpla ng kape.
Dumiretso sa terrace ang binata at na-mangha dahil sa fog. Sumandal siya sa rails habang hinihigop ang kape. Ilang minuto pa ang lumipas ay nagbukas ang front door ng kabilang apartment. Hinintay ng binata na may lumabas dito. Ilang sandali pa ay lumabas si Aya. Halatang bagong gising pa ito. Napatingala siya at nakita si Paul sa terrace. Napangiti ang dalaga at ganon din naman ang binata. Ngunit ilang sandali pa ay nawala ang ngiti sa mga labi ni Aya. Sumenyas si Paul na bababa siya at tumango lang ang dalaga.
Pagbaba ni Paul ay nakita niya si Aya na nakaupo sa bench. Nilapitan niya ito at naupo sa tabi ng dalaga.
“Good morning.” Bati ni Aya.
“Good morning din.” Sagot naman ni Paul. Ilang sandaling natahimik ang dalawa. Matapos ang ilang sandali ay huminga ng malalim si Paul at tumingin sa dalaga.
“Uhm, Aya. About what happened last night. Sorry. Sorry talaga.”
“Paul, wala yon. Kasalanan ko din.”
“Hindi eh. Ako ang may kasalanan. Kasi di ko pinigilan ang sarili ko. No, I fact, di ko talaga mapigilan ang sarili ko. Kaya sorry.”
“Ikaw talaga. Okay lang yon.”
“Hindi eh. Kasalanan ko talaga eh.”
“Ano ka ba? Ang kulit mo talaga. Okay na nga eh.”
“Galit ka nyan?”
“Oo! Hmp!” sabi ni Aya sabay harap sa kabilang direksyon at nag kibit balikat.
“Ay? Aya ikaw ba yan? Anong meron?”
“Ikaw kasi eh! Ang kulit mo! Sinabing okay na eh.”
“Sorry na. Galit ka pa rin?” tanong ni Paul at humarap sa kanya si Aya.
“Binibiro lang kita. Sorry ka kasi ng sorry eh.”
“Ay, di ka galit? Sayang susuyuin pa naman sana kita.” Biro ni Paul.
“Ganon? Gusto mo magalit ako ulit?”
“Ay, hindi okay na yan. Basta nakangiti ka ayos na ako.” Sabi ni Paul at napangiti ang dalaga.
“Kitam? Smile ka lang okay?” sabi ng binata sabay tumayo.
“Uhm, Aya, may lakad ka ba ngayon?”
“Wala naman bakit?”
“Ah, kasi, ay wag na lang pala.”
“Hala? Bakit ano bang meron?”
“Wala, yayayain sana kitang magsimba, kaya lang wag na lang.” bigkas ng binata.
“Bakit? Sasama naman ako kung yayayain mo ako ah. Magsisimba lang naman diba?”
“Oo, pero di maganda tingnan. Specially after what happened las-, este, basta di maganda tingnan. Ipagluto ko na lang kayo mamaya para makabawi ako.” Sabi ni Paul at tumayo na rin si Aya.
“Okay. Aasahan ko yang luto mo ha? Oh, pasok na ko. Magluluto pa ko ng breakfast eh.” Sabi ni Aya.
“Sige, pasok na rin ako. Later.” Sabi ni Paul at pareho nang tumalikod ang dalawa.
“Ay, Aya!” sabi ni Paul at lumingon ang dalaga.
“I don’t know if I should say this, pero about last night, even though it wasn’t my first, it was my best.” Sabi ni Paul at napangiti ang dalaga.
“Shh! Wag kang maingay. Ikaw talaga. Pasok na ko ha?” sabi in Aya.
“Okay.”
“It was my first, therefore it was my best.” Sabi ni Aya sa sarili at tuluyan nang pumasok sa kanila.
Samantala, sa kabilang dako naman ng mundo, este, ng city pala, matamlay na naglalakad si Nico habang sinusundan ang dating kaaway na naging kaibigan na ngayon ay kaaway nanaman na si Trish. Nagtungo sila sa isang sikat na fastfood chain na itago na lang natin sa pangalang “Mcdonald’s” Dali daling pumasok si Trish habang napabuntong hininga na lang si Nico at sumunod sa dalaga. Pumila ang dalawa at namili si Trish ng kakainin.
“Oh, pinangorder na kita ha. Pasensya na kung di mo gusto, di ko naman alam kung ano ang kinakain mo eh.” Sabi ng dalaga.
“Thanks ha. Mabait ka naman pala.”
“Anong thanks? Ikaw kaya magbabayad!” sabi ni Trish at nanlaki ang mga mata ng binata.
“Ha? Anong ako! Ikaw nagyaya tapos ako ang magbabayad? Ang galing mo rin ano?” Tuluyang humarap si Trish kay Nico at nilapitan ito. Magkalapit na ang mga mukha nila at nagkatinginan mata sa mata.
“Eh kasi po lalaki ka!” sabi ni Trish. Napansin ng dalaga na natatawa ang mga tao sa paligid nila.
“Ha? So? Sa panahon ngayon pantay pantay na lang ang mga lalaki at babae. Kahit babae ang magbayad okay lang. Sa akin okay lang yon. At isa pa ikaw ang nagdala sa akin dito tapos ako pa ang manlilibre? Ang galing mo ah.” Sabi ni Nico.
“Ganon? Ako handa kong maghugas ng plato. Eh ikaw? Handa ka ba? Handa ka ba sa matinding kahihiyang dala non? Isa kang 4th year nursing student pero naghuhugas ka ng plato dahil lang sa di mo nabayaran ang mga order mo dito? Kaya mo yon?” tanong ni Trish at halos sumabog na sa sakit ang ulo ni Nico.
“Uh, uh, Oo! Kaya ko baket?!”
“Sure ka?” tanong ni Trish.
“Oo na! ako na ang magbabayad! Pero utang to ha. Bayaran mo ako!” sabi ni Nico at napangiti si Trish. Pati ang cashier ay napangiti rin.
“Hay nako. Ang kuripot mo talaga. Bakit sa pinsan ko galante ka? Mga lalaki talaga.” Sabi ni Trish at pinadaan si Nico para mag bayad.
“Wag kang magalala. Pag nagustuhan ko ang explanation mo, I might help you.”
Naghanap ng table ang dalawa at naupo. Buong akala ni Nico ay sakanya ang mas maraming order pero mali siya. Ang tanging sa kanya lang ay isang burger, fries at coke. Ang kay trish naman ay dalawang meal. Natawa na lang ang binata at binuksan ang burger niya at pinalamanan ito ng fries. Napatigil si Trish habang pinagmamasdan si Nico at tila natatawa ito.
“Oh bakit?” tanong ng binata.
“Bakit ganyan?”
“Masama? Eh ganito ko gustong kaininin eh. At isa pa pera ko naman to.”
“Sungit mo naman. Nagtatanong lang eh. Anyway, explain mo na.”
“Akong pang masungit? Eh ako nga yung sinuntok mo kanina eh. Anyway, anong explain ko?”
“Kung paano mo sinaktan yung pinsan ko.” Sabi ni Trish. Napayuko naman si Nico.
“Trish, di ko siya sinaktan. Mas magandang term siguro ay nasaktan ko siya. Di ko sinasadya.”
“Eh yan naman talaga yung palaging excuse ng mga lalaki eh.”
“Teka, bakit parang ang laki ng galit mo sa akin?”
“Kasi ayokong nakikitang umiiyak si Misa.” Sabi ni Trish at napangiti si Nico.
“Then we’ve got something in common.”
“Sus, sinungaling.”
“Sa maniwala ka o sa hindi, totoo yon. Anyway, tuloy ko na ba?”
“Oh sige. Explain explain.” Sabi ni Trish. Napabuntong hininga naman si Nico.
“Actually, di ko na kailangang mag explain. Kasi tanggap ko na, na hindi na kami magkakabalikan. I asked her before and she g ave me a straight answer na wala na talaga. Oo, guilty ako. I kissed my bestfriend, na isang babae by the way, pero biglaan yon. Wala akong masamang intensyon. So ang gusto ko lang ngayon, ay maging friends kami ni Misa. Kahit yun lang masaya na ako.” Sabi ni Nico sabay subo ng isang fries.
“I mean, alam kong may kasalanan ako, hindi, alam kong malaki ang kasalanan ko. Kasi dahil sa akin, tingin ko naapektohan siya. Na takot siyang magmahal ulit. Nasaktan na siya ng isang beses. Pero okay pa yon. She still loved me with all her heart. Pero sinaktan ko siya, which really affected her. Kaya ngayon na realize ko na parang mas malaki pa ang kasalanan ko compared sa Ex niya.”
“What’s you point?” tanong ng Trish.
“Gusto ko siyang tulungan. Gusto ko na matuto siya kung paano magmahal ulit ng buong buo. Yung hindi natatakot. Pero sa tamang lalake syempre. It’s the least I can do. I need to do it. Feeling ko responsibilidad ko yon.” Paliwanag ng binata.
“Eh paano kung hindi ikaw yung lalaknig yon?”
“Okay lang. Like I said, tutulungan ko siya. Ngayon kung nakahanap siya ng iba na mamahalin talaga niya. Then its okay. Tatangapin ko. But I still love her very much. I guess I’ll just watch her from the shadows pag nangyari yon.” Sabi ni Nico at napangiti si Trish.
“Madaling magsalita. Paano ko naman malalaman na wala kang balak saktan siya ulit?”
“Aba malay ko sayo.” Sagot ng binata.
“Tingnan mo namilosopo pa. Bahala ka.”
“Uy joke lang. Di ko alam. I don’t have to prove anything. Kung di ka man maniwala okay lang. Pero hindi ako yung klase ng lalake na iniisip mo. Pero kung sakaling matutulungan mo ako na maging kaibigan ulit ni Misa, I will really be thankful. Kahit araw araw pa kitang ilibre sa Mcdo.” Sabi ni Nico.
“Haha! Talaga? Suhol? Anyway pagiisipan ko.” Sabi ni Trish sabay kagat sa burger niya.
“Alam mo? You’re not that bad after all. Tingin ko magiging friends tayo.”
“Anong ibig mong sabihin bad ako?” pagalit na tanong ni Trish at natawa si Nico.
“Hindi sa ganon, like you said before sa resort, we started out at the wrong foot.”
“Asus, paalala ko lang may BF na ako. Kaya kung may balak ka wag mo nang ituloy.” Sabi ni Trish.
“Ha? Duh? Wala ano. Wag kang magalala harmless ako. Hindi ako smooth talker ano. At isa pa, I still love you’re cousin very much. Sasabihin ko ba sayo na mahal na mahal ko pa siya kung may balak ako sayo?” depensa ni Nico.
“Oo na.”
“Teka, alam mo magkamukha kayo ni Misa.” Sabi ni Nico at napatingin as kanya ang dalaga.
“Ha?”
“Oo kaya. Pag nakatalikod ka para kang si Misa. Kanina kasi nung sinusundan kita dito you remind me of her. Tapos kanina sa simbahan, akala ko si Misa yung nakita ko ikaw pala yon.” Sabi ni Nico at napangisi ang dalaga.
“Oh, what’s with that sarcastic smile?” tanong ni Nico.
“Paano kung sabihin ko sayo na si Misa talaga ang nakita mo kanina?” tanong ng dalaga at nanlaki ang mga mata ni Nico?
“Ha? Anong ibig mong sabihin?”
“Eh kasi po kasama ko siya kanina. Kaya lang nung patapos na yung mass nakita ka namin kaya agad kaming lumabas. Pinauna ko na siyang umuwi, ako naman inabangan kita para makausap.” Sabi ni Trish. Napayuko naman si Nico pero nakangiti ito.
“Oh bat nakangiti ka diyan?”
“Wala lang. I’m just glad to hear na she’s okay.”
“Wala naman akong sinabing okay siya eh.”
“Alam ko. Pero I know she’s okay, lalo na at nandyan ka naman para samahan siya.” Sabi ni Nico.
“Naks. Teka nga, maliban sa resort, nakita mo na ba ako somewhere before?”
“Bakit? Hmmm. Hindi yata. Sa resort yata yung una. Although you look familiar.” Sabi ni Nico.
“Nakita mo na ako, di mo lang maalala.”
“Sige nga? Saan?” tanong ng binata.
“Andon kaya ako sa debut ni Misa. Kasama ako sa 18 candles niya.” sabi ni Trish at nagulat si Nico.
“Weh? Di nga?”
“Oo nga. Pero masyado kang busy sa pinsan ko. Pansin ko nga di ka tumitingin sa ibang babae eh.”
“Akala mo lang yon. Nasa peripheral vision ko sila.” Sabi ni Nico at tumawa si Trish.
“Kita, napaghahalata ka.”
“Di kaya. Buti nga honest ako eh. DI naman ako santo. Pero hanggang tingin na lang yon. At isa pa di ko naman sila kilala. And that night, isa lang ang babaeng pinakamaganda para sa akin. At alam mo na kung sino yon.”
“Ako ba?” tanong ni Trish at natawa si Nico.
“Malamang hindi.” Sabi ni Nico.
“Joke lang. Anyway, una na ako.”
“Teka, so tutulungan mo ako?”
“Let me think about it. Lets meet again some other time. Eto number ko, text mo ako mamaya. Tapos tetext na lang kita kung kailan ako pwede. Okay na ba yon?” sabi ni Trish at nagabot ng card kay Nico.
“Okay, thanks.”
“Don’t thank me just yet.” Sabi ni Trish sabay naglakad palayo.”
Samantala, sa foodcourt naman ng isang mall, magisang nakaupo si Misa habang hinihintay ang pinsan niya. ilang minuto na siyang naghihintay at wala pa din si Trish. Inip na inip na ang dalaga. Ilang sandali pa ay may tumabi sa kanya at kinalbit siya.
“Huy!” sabi ng boses at napalingon si Misa.
“Danica! Kumusta ka na girl?!” tanong ni Misa.
“Okay naman ako. Eh ikaw?”
“Okay din. Kumusta pala kayo ni Paul?” tanong ng dalaga at nawala ang ngiti sa mga labi ni Danica.
“So I guess mahal pa rin niya yung other girl. Okay lang yan. Long time no see, na miss kita.”
“Ako rin. Badminton tayo ulit one time.” Sabi ni Danica.
“Sure sure. Uhm, Danica?”
“Yes?”
“Kumusta na si-“
“Si Nico? Okay naman siya. Buti natanong mo? Hmmm?” tukso ni Danica.
“Ah, wala lang. Anyway, schoolmates na tayo ngayon noh?”
“Ay oo nga. Kaya lang pang hapon kami ni Paul. Pang umaga ka yata eh?” tanong ni Danica.
“Yup. Okay lang. Lets get together sometime. I mean sa school.”
“Sure. Game ako diyan.” Sabi ni Danica at natawa si Misa.
“Anyway, Misa sorry pero I have to go. Naghihintay na si Lala at si Manang eh.”
“Ah, yung kapatid mong cute? Sige sige, Its nice seeing you. See you around.” Sabi ni Misa.
“See you din. Bye!” sabi ni Danica at tuluyan nang umalis. Napabuntong hininga na lang ang dalaga habang pinagmamasdang makalayo ang kaibigan. Ilang sandali pa ay dumating na rin si Trish at tumabi sa kanya.
“Hi couz, sorry I’m late.”
“Late? Super late siguro.” Sabi ni Misa.
“Sorry na nga eh. Yung boylet ko kasi. Hihi!”
“Lalake nanaman? Sabi ko na eh!”
“Joke lang. Sorry na nga eh.”
“Hmmp! Palagi na lang ako ang naghihintay. Kain na nga tayo.”
“Ay, sorry couz kumain na ako eh.” Sabi ni Trish sabay nag peace sign.
“Kainis. Uwi na nga lang tayo!”
“Sige na nga. Kakain na rin ako. Alam mo naman yung apetite ko diba?”
“Wag na couz. Jinojoke lang kita. Nagluto si Mama sa bahay. Doon na lang tayo kumain.”
“Talaga? Lets go giiirl!” sabi ni Trish at umalis na ang dalawa.
Isang linggo na ang lumipas at magkatabing nakaupo sa bench sa tapat ng apartment si Nico at Paul habang tumitira ng Pringles. Bakas ang pagkainis sa mukha ni Nico pagkat parang nagdadabog ito habang kumakain.
“Nakakainis! Sabi niya ite-text day niya ako pero hanggang ngayon wala pa.” sabi ni Nico.
“Relax tol. Bakit kasi di mo tanungin baka nakalimutan?”
“Ayoko nga. Baka isipin niya atat ako.”
“Bakit hindi ba?”
“Duh? Sabi ko baka isipin niya. Oo atat ako pero ayokong isipin niya yon.” Sabi ni Nico at natawa si Paul.
“Okay lang yan tol. Grabe pasalamat ka nga si Trish pa yung lumapit sayo. At least may chance ka na magkaayos kayo ni Misa.”
“Hay. Oo nga. Tingin na lang ako sa brighter side. Think positive! And dating 0% chance, 0.1% na!” biro ni Nico.
“Kala ko look at the brighter side? Tapos think positive? Eh pano naman naging positive and 0.1% aber?”
“At least. The fact na may chance, kahit gaano kakonti, kahit kasing laki lang ng utak ni Kiko, okay na at least meron diba? Na sa akin na lang yon kung mapapalaki ko yung chance na yon.” Sabi ni Nico.
“Hoy Kuya Nick narinig ko yon!” sigaw ni Kiko na nasa sala at nagtawanan ang dalawang magkaibigan.
“Aba kahit pala maliit ang utak malakas ang pandinig.” Sabi ni Paul.
“Paul isa ka pa!” sigaw ni Kiko at nagbungisngisan ang dalawa.
“Kitam? Grabe. Anyway, kung kailangan mo ng tulong ko, sabihin mo lang.” sabi in Paul.
“Teka, school mates kayo ni Misa pero ni minsan ba di pa kayo nagusap?”
“Hmmm. Panghapon kasi ako eh. So pagpasok ko wala na siya. Eh hindi naman siya yung tipo na mananatili pa sa school kung wala rin lang gagawin. Pero nakakasalubong ko siya minsan tapos simpleng hi, hello lang. Tsk! Pati friendship namin affected. Dapat magkaayos na kayo.” Sabi ni Paul at natawa si Nico.
“Sira. Try mo kayang kausapin?”
“Sige try ko. Dahil sinabi mo rin lang. Pero don’t expect a good result.” Sabi ni Paul.
“Okay lang. Thanks. Tara ubusin na natin tong Pringles baka manghingi pa si Kiko mahirap na.”
“Ahm tol, ubos na. Kanina ka pa lumalamon dahil sa inis mo kay Trish eh.” Sabi ni Paul. Sinilip ni Nico ang lalagyan at wala na nga itong laman.
“Ay, sorry. Hihi!”
“Sus. Hay nako. Anyway, about doon sa sinasabi mo na give up ka na sa inyo ni Misa. I mean na di na pwede pa kayong magkabalikan. Sure ka doon?” tanong ni Paul. Naging seryoso ang mukha ni Nico at tumingin sa malayo.
“Yep. Sa ngayon ang task ko ay ibalik ang dating Misa. Yon lang ang purpose ko for now. And if ever may chance pa ako, eh di maganda. Kung wala, okay lang. Ang importante she’ll learn how to love again.”
“Naks. Nakakatats ka naman. Alam mo tol, I know you love her. Pero what if, what if lang ha, just imagine, bumalik ang dating siya. Natuto siyang magmahal ng buo. Pero sa ibang lalaki. Diba masakit yon? I mean, ikaw ang naghirap na ibalik siya sa dati pero sa iba nabaling yung pinaghirapan mo?”
“Tol, di naman ako nangungwenta ng mga nagawa eh. Kahit ano gagawin ko para lang matulungan siya. Kahit ibigay ko lahat ng meron ako. Pero kung sakaling iba ang minahal niya, wala na akong magagawa diba?”
“Hay, you’re right. Kung ako nasa lugar mo ganyan din naman gagawin ko eh.”
“Tama. Anyway, tol, si Aya ba talaga ang mahal mo?” bulong ni Nico.
“Bakit?”
“Kasi kung sa iba rin lang mapupunta si Misa, gusto ko sa bestfriend ko na. At least alam ko na aalagaan mo siya.” Sabi ni Nico at binatukan siya ni Paul.
“Ulol! Anong pinagsasabi mo? Wag ka ngang magisip ng ganyan. Think positive! Although okay lang sayo na magmahal siya ng iba, still isipin mo na may chance na ikaw pa rin ang pipiliin niya sa huli. Hindi yung parang wala na talaga. Para kang mamamatay eh, naghahabilin ka na kasi.”
“Joke lang eto naman.” Sabi ni Nico. Ilang minuto pang nagkwentuhan ang dalawa nang biglang tumunog ang phone ni Nico. Agad niyang binasa ang text at napangisi nang makitang kay Trish galing ang mensahe.
“Mgkta tau bkas. Same place. 10am sharp. Sa2bhn ko na sau if tutulungan kta or hndi.” Sabi ni Trish sa text.
“Yes! This is it! Bukas na daw tol.”
“Nagsasaya ka na eh sure ka na ba na tutulungan ka niya?” tanong ni Paul.
“Hindi pa.” sabi ni Nico.
“Oh kita!”
“Tol! Positivity!” sabi ni Nico at napangiti si Paul.
Kinabukasan, 10:30 na nang makarating si Nico sa lugar na pinagusapan nila. Medyo napuyat kasi ang binata kaya late na nagising. Halos tumakbo na siya dahil sa pagmamadali. Pagdating sa Mcdo ay wala pa si Trish. Di niya alam kung di pa ba ito dumarating o umalis na. Naghanap na lang ng pwesto ang binata at doon naupo.
Mag a-alas onse na at wala pa ring Trish na dumarating. Inip na inip na ang binata. Sinabi niya sa sarili niya na aalis na siya pagsapit ng alas onse. Ilang sandali pa at aalis na sana siya nang bigla niyang nasilayan si Trish. Papunta na ito sa kanya at nakangiti pa. Nagkunot ang kanyang noo habang tinititigan ang dalaga na lumalapit sa kanya.
“Oops. Am I late?” tanong ni Trish.
“Ay hindi. Hindi ka late. Ikaw late? Hindi ka naman one hour late eh. Hindee.” Sabi ni Nico at napabungisngis ang dalaga.
“Hay. Tingin ko naman mawawala yang lukot mong mukha pag sinabi ko sayo ang desisyon ko eh.” Sabi ni Trish at nanliwanag ang mukha ng binata.
“So tutulungan mo ako?”
“Order muna tayo. Tara dali!”
As usual, marami nanaman ang inorder ng dalaga. Pero di na nagpatalo si Nico pagkat siya na ang namili ng order niya. Pagkatapos magorder ay naupo na ang dalawa at nagumpisa ng kumain.
“So tutulungan mo na nga ako?” tanong ng binata.
“Alam mo ang kulit mo. Pakainin mo muna kaya ako.” Sagot ng dalaga.
“Eh pwede mo namang sabihin habang kumakain diba?” sabi ni Nico. Dali daling inubos ni Trish ang burger niya bago nagsalita. Natawa naman ang binata dahil dito.
“Alam mo, iba ka pala, I mean compared sa first impression ko sayo.”
“Anong ibig mong sabihin?” tanong ng dalaga habang puno pa ang bibig.
“Eh isipin mo na lang kung ano yung first impression ko sayo after doon resort diba?” sabi ng binata. Umusog ang dalaga at inilapit ang mukha niya papunta sa binata.
“Bakit ano nga ba ang first impression mo sa akin?”
“Hmmm. Kailangan ko pang sabihin?”
“Oo! Sige na.”
“Ahm, na playgirl ka. Na maarte ka, matured, sosyal at higit sa lahat, may poise kumain. Eh mas mukha ka pang matakaw sa akin eh.” Sabi ni Nico at nagtaas ng kilay si Trish.
“Eh anong magagawa mo gutom ako eh.”
“Okay lang ano. At least nagpapakatotoo ka diba?” sabi ni Nico. “Anyway, ano? Tutulungan mo na ba ako?”
“Let me think about it.” Sagot ng dalaga.
“Ha? Akala ko ba nakapag desisyon ka na?”
“Hihi! Joke. Let’s see.” Sabi ni Trish at inayos ang upo niya.
“You have a 5% chance na maging kaibigan ulit si Misa. Yon ay base sa mga observations ko. Pero kung tutulungan kita, that 5% chance, tataas to to probably 20% to 25%. Malaki na yon. And kailangan ko lang siguraduhin ay worthy ka ba na tulungan.”
“And? What do you think?”
“Di pa ko sure.” Sagot ng dalaga. At napayuko naman ang binata, bakas ang lungkot sa mukha nito.
“It’s okay. Kung talagang di kami pwedeng maging friends ulit ni Misa, I’ll accept it. I already accepted that it could never be us anyway. Thanks for your help na lang. I really appreciate you help, for lending me your time.” Sabi ni Nico at tumayo na. Hinawakan naman ni Trish ang kamay ng binata.
“Huy! Eto naman nagdrama agad. Oo na, I’ll help you.” Sabi ng dalaga. Agad naupo si Nico at lumiwanag ang mukha.
“Talaga?!”
“Wow, ang bilis mo mag shift ha.” Sabi ng dalaga habang natatawa.
“Talagang talaga?!”
“Oo nga. Ayaw mo?”
“Gusto! Thank you so much Trish. I promise di kita bibiguin.” Sabi ni Nico.
“May mga kondisyon ako.” Bigkas ng dalaga.
“Name it!”
“Una, makikinig ka sa lahaaaat ng sasabihin ko. Pangalawa, ilibre mo ako kung kailan ko gusto, pangatlo, bibigyan kita ng 1 week at kung wala pang progress then babawiin ko na ang tulong ko.”
“Ha? Kung ganon eh ikaw din ang palpak. Kasi plano mo eh.”
“Oo nga. Pero 1 week lang. Dahil ayokong nahihirapan ang pinsan ko. 1 week lang at kung wala pa talaga, ibig sabihin di tayo successful.” Sabi ni Trish.
“Okay. Gets. So kailan tayo maguumpisa?”
“Ngayon na.”
“Ngayon? Ano pang hinihintay natin?” sabi ni Nico sabay tumayo. Hinawakan naman siya ng dalaga at naupo ulit ang binata.
“Teka. Wag kang magmadali. Alam mo na ba ang gagawin mo?”
“Di pa.”
“Oh kita mo na. Dito muna tayo. Kailangan planuhin to.” Sabi ni Trish.
“Yes Ma’am!” sigaw ni Nico at natawa si Trish.
“Magugustuhan mo ang plano ko. Promise!” sabi ng dalaga.
No comments:
Post a Comment