Saturday, January 8, 2011

Chapter 19 – Intimacy vs Isolation

A Wonderful Life
By: Nico and Paul


Chapter  19 – Intimacy vs Isolation

“Kuya Nick! Gising na huy!” sigaw ni Kiko habang niyuyugyog ang pinsan niya. Napaupo si Nico sa kama at nagkamot ng ulo. Pagkatapos nito ay nag-inat ang binata at napatingin kay Kiko.

“Oh, Kiks, ay, happy birthday pala!” sabi ni Nico.

“Tara baba na, bumili ako ng pagkain.” Sabi ng binata. Tumayo na si Nico at sumabay na sa pinsan sa pagbaba.

Pagbaba niya, nakita niya sina Paul at Chics na nagsasalo na sa lamesa. Nagmadaling bumaba si Kiko at tumakbo papunta sa dalawa.

“Langya kayo sabi ko maghintay eh.” Sabi ni Kiko. Napangisi na lang si Paul at Chics.

“Eh, ganon din naman, maghintay oh hindi sa tiyan din ang tuloy nito. Oh tol kain na, habang mainit!” sabi ni Paul. Naupo si Nico sa tabi ng kaibigan at tiningnan ang mga pagkain.

“Sus, puro naman to galing sa fast food. Wala bang lutong ulam?” tanong ni Nico.

“Duh? Diba sabi ko binili ko?” sagot naman ni Kiko.

“Duh din? Bakit di ka ba makakabili ng lutong ulam ha?”

“Eh kahit na. Birthday ko tapos ulam karenderia lang yung handa? Eeew?” sabi ni Kiko at natawa ang tatlo.

“Hay nako Kiks. 16 kana, tanda mo na.” Sabi ni Paul.

“Oo nga, pero yung pagiisip mas masahol pa kay Ysa. Grabe. Teka, kailan nga pala birthday ni Ysa?” tanong ni Chics.

“Matagal pa. Sa June pa.” Sagot ni Kiko.

“Mas matanda pala sayo si Ysa? Wow!”

“Tama na kwento kain na!” sabi ni Nico at nagpatuloy sa pagkain ang apat.

“Teka, ahm, guys, lalabas kasi kami ni Ysa ngayon. Any ideas kung anong magandang gawin?” tanong ni Kiko at nagtinginan ang tatlo.

“Ako sayo, sa playground kayo magpunta.” Sabi ni Paul. Natawa naman si Nico at Chics habang nairita si Kiko.

“Grabe naman. Anong akala mo sa amin bata?”

“Bakit hindi ba?”

“Duh? Ako siguro dahil baby face ako. Pero si Ysa? Eh lalo nga siyang gumanda ngayon eh. Mas nagmukha siyang matured after christmas break.” Paliwanang ni Kiko.

“Baby face your pwet! Pero sabagay gumanda nga si Ysa ngayon. Siguro may bago na yan. Lagot ka!” Biro ni Paul at sinuntok siya ni Kiko.

“Tol, bakit pwet? Diba dapat your face?” tanong ni Nico.

“Eh di ko kasi ma-distinguish kung alin yung mukha niya at kung alin yung pwet niya eh. Halos pareho lang kasi ng itsura.” Biro na Paul at pinagsusuntok siya ni Kiko sa braso. Napahalakhak naman ang dalawa pang binata.

Matapos ang masarap na breakfast ng apat. Balik sila sa kani-kanilang mga gawain. Si Nico at umakyat sa kwarto niya habang si Paul naman ay umalis. Sumabay na rin si Chics sa kanya pagkat nagtungo siya kina Claire. Si Kiko naman ay nasa kabilang apartment.

Pagsapit ng tanghali ay dumating na si Paul at may dalang pagkain. Si Kiko at Ysa naman ay saktong paalis na para sa kanilang date. Iniwan ni Paul ang pagkain sa apartment nina Gela at inakyat si Nico sa kwarto nito. Kumatok siya sa pintuan ng kaibigan.

“Pasok.” Sabi lang ni Nico. Agad namang pumasok si Paul.

“Tol, tara punta tayo sa kabila. Doon tayo mag lunch.”

“Ha? Anong meron?”

“Wala, nagtanong kapa eh madalas naman tong nangyayari. Teka ano ba yang sinusulat mo?”

“Ah wala.” Sagot ni Nico sabay tinago sa drawer ang papel. “Oo nga pala no, nagusap na nga pala kayo ni Aya. Kaya pala, okay na kayo. Yihee!” sabi ni Nico at natawa si Paul.

“Sira. Di ko naman siya aagawin kay Marvin basta magpakatino lang yung lalaking yon. Kung hindi ay nako magsisisi siya.”

“Weh? Tara na nga. Sinong tao sa kabila?”

“Ah, si Gela at Aya lang. Wala si Ysa umalis sila diba? Tara na.”
Nagtungo si Paul sa kabilang apartment. Matapos ang ilang minuto ay sumunod din si Nico.

Buong maghapon nag kwentuhan ang mga boys at girls. Maraming pagkain kaya hindi sila naubusan. Dumating rin si Chics pagsapit ng hapon at nakisali sa kanila. Nag movie marathon rin sila at nakatapos sila ng dalawang palabas. Pagkatapos nito ay nagkwentuhan na lamang sila sa sala. Pagsapit ng gabi ay nagtungo na si Nico sa kwarto niya. Matapos ang ilang minuto ay sinundan siya ni Gela. Naiwan naman sa kabilang apartment sina Paul, Aya at Chics.

Umakyat si Gela at nakitang nakabukas ang pinto sa kwarto ng binata. Nakita niya itong nagsusulat.

“Ehem!” Agad napatingin si Nico sa pintuan at nakita doon ang dalaga. Pasimpleng inipit ng binata ang sinusulat sa kanyang notebook .

“Oh, bakit?” tanong ng binata.

“Ah, wala naman. Busy?”

“Nope. Pasok.” Pumasok ang dalaga at naupo sa kama ni Nico. Tumayo naman si Nico at nahiga sa tabi ni Gela. Nahiga na rin ang dalaga sa tabi ng  kaibigan.

“Best? Anong sinusulat mo?”

“Secret.” Sagot ni Nico at napansin niyang parang nairita si Gela. Natawa na lang siya sa dalaga.

“Hay, oo na di ko na tatanungin. Ganyan ka naman eh. Pag may secret ka di mo sinasabi sa akin. Naturingan pa man din akong bestfriend pero eto ako at walang ka-alam alam. Eh samantalang ako sinasabi ko lahat sayo.”

“Grabe ka naman. Malalaman mo din naman eh.  Bakit ka umalis doon?”

“Para sana mapagisa si Aya at Paul. Kaya lang mukhang di na gets ni Chics yung senyas ko kaya andun pa din siya.” Sabi ng dalaga at natawa si Nico.

“Haha! Slow na din pala si Chics. Nahahawa na yata kay Kiko.” Biro ni Nico at natawa si Gela.

“Kayo palaging niyong pinagtitripan si Kiko noh? Tigilan niyo kaya kawawa naman.”

“Bakit asan ba siya? Wala naman siya dito. At okay lang yon. Kahit naman pinagtitripan namin yon okay lang ano. Bunso namin yon kaya ganyan talaga.” Sabi ni Nico.

“Yun na nga eh.”

“Teka pano ba napunta kay Kiko ang usapan ha? Sigurado ako kanina pa yon bumabahing dahil pinaguusapan siya. Sayang naman yung date nila ni Ysa.”

“Hihi! Oo nga. Tayo kailan tayo mag dedate?” tanong ni Gela at napangisi si Nico.

“Duh? Nagdedate na pala ang magkumare ngayon. Grabe ka naman sis.”

“Joke lang! Palagi naman kitang kasama kaya okay lang.” Sabi ni Gela. Inangat ni Nico ang katawan niya at sumandal sa headboard ng kama. Pinatong ni Gela ang kamay niya sa binata. Alam ni Nico na gusto ng kaibigan niya na magpamasahe ng kamay. Kaya agad niyang kinuha ang kamay nito at minasahe.

“Gela, alam mo pa nung Highschool tayo, nung akala nila mag on tayo kasi palagi tayong magkasama?” tanong ni Nico.

“Oo naman. Bakit mo natanong?”

“Wala. Pero nung naging boyfriend mo yung ungas na yon at least nalaman nila na hindi diba?”

“Oo, pero bakit mo sinasabi yan?”

“Wala.”

“Wala ka ng wala eh. Di pwedeng wala.” Sabi ni Gela. Napangiti naman ang binata.

“Eh kasi po, pano kaya kung naging tayo dati. Hanggang ngayon kaya tayo pa rin?”

“Who knows. Bakit ba naman kasi nung nagpaulan ng katorpehan si God di ka nagtago. Sinalo mo lahat. Ayan tuloy.” Sabi ni Gela at tumawa si Nico.

“Grabe ka ha. Di naman ako ganon ka torpe. Diba kay Misa?”

“Oo, pero sabi mo nga magaan talaga ang loob mo sa kanya diba?  Kaya di ka tinablan ng pagkatorpe mo.”

“Oo. Pero at least. Pero kung liligawan ba kita noong highschool sasagutin mo ako?” tanong ni Nico at napatingin sa kanya si Gela saglit.

“Di mo na kailangang manligaw non. Tayo na agad.” Sabi ni Gela.

“Yiihee!”

“Haha! Grabe ka naman kiligin. Pero best, anong plano may Mimi?” tanong ni Gela at napabuntong hininga si Nico.

“Mimi naman? Hay. Wala.”

“Wala?”

“Oo. Diba nung last kami nagusap sabi ko yun na ung last time na guguluhin ko siya.  I’m a man of my word kaya tutuparin ko yon.”

“Ako sayo talk to her one more time. Maybe she just needs time noon. Talk to her again pag medyo okay na siya.”

“Its okay. Pero pagisipan ko.”

“Best, I can help. Its my fault after all.” Sabi ni Gela at napadiin ang pagpindot ni Nico sa kamay ng dalaga.

“Aray!”

“Ay sorry. Kaw kasi eh. May sinasabi ka?”

“Sabi ko-“

“Shit ipis!” sigaw ni Nico at agad napaupo si Gela at napasigaw.

“Joke.” Sabi ni Nico. Nagsalubong ang kilay ng dalaga at piningot sa tenga si Nico.

“Ikaw! Bakit mo ginawa yon!”

“Aray! Wala lang! Sorry na!” sabi n i Nico at huminto na rin ang dalaga.

“Wag mo nga akong tatakutin ng ganon. Alam mo namang takot ako sa ipis eh.” Sabi ni Gela at muling bumalik sa dating posisyon. Napatuloy naman sa pagmasahe si Nico.

“Gela, ayokong sinisisi mo ang sarili mo. Sinabi ko na yon diba?” sabi ni Nico.

“Sorry.” Mahinang sagot ni Gela.

“Oh yan ka nanaman. Sorry ka ng sorry mukha ka nang sorry. Hay nako.” Sabi ni Nico. Natawa naman si Gela sa sinabi ng kaibigan.

Matapos mag kwentuhan ay bumalik na si Gela sa kabila. Sinamahan siya ni Nico. Pagdating sa kabila nakita nila ang tatlo na masayang nagkukwentuhan sa may sala. Sinamahan ni Nico si Gela hanggang sa paanan ng hagdan.

“Oh, tulog muna ako. Wala pa kong tulog eh.” Sabi ni Gela.

“Ayan, sinabi kasing wag magpupuyat. Oh sige tulog ka na.” Sabi ni Nico. Humakbang ang dalaga paakyat ngunit bigla na lang siyang nahulog paatras. Agad naman siyang nasalo ni Nico.

“Oh! Okay ka lang!” sabi ni Nico at tinulungang tumayo ng maayos si Gela.

“Oo, medyo nahihilo lang ako. Pero I’m okay.” Sagot ng dalaga.

“Wag ka kasing magpupuyat. Tara hatid na kita hanggang sa taas.” Sabi ni Nico. Inalalayan niya ang dalaga paakyat ng hagdan hanggang sa kwarto nito.

“Oh, pasok na ako. Thanks best.” Sabi ni Gela.

“Okay, pahinga ka ha. Goodnight Gela.”

“Goodnight naman. Aga pa.”

“7 pm na. Gabi na ano! Yan ang hirap sayo. Mapagpuyat ka kasi kaya feeling mo maaga pa ang 7pm. Oh siya! Pasok ka na nga!” sabi ni Nico.

“Okay. Love you best. Goodnight!” sabi ni Gela. Pumasok siya sa kwarto at isinara ang pinto. Nanatili namang nakatayo si Nico sa tapat ng pintuan ng dalaga at bakas ang pagaalala sa kanyang mukha.

Muling bumaba si Nico sa sala at nakisali sa iba. 9 pm na nang makabalik si Ysa at Kiko. Bakas sa mukha ng dalawa ang kasiyahan dahil sa kakaibang ngiti ng dalawa. Nakiupo ang dalawa sa sala at tahimik lang. Tumingin si Kiko kay Chics sabay bigay ng thumbs up sign. Napansin naman ito ni Nico at Paul at natawa ang dalawa.

“So Kiko, kayo na ba ni Ysa?” tanong ni Paul. Hindi nakasagot si Kiko at tila natahimik.

“So kayo na?” tanong ni Nico. Parehong namula ang dalawa. Hinawakan ni Kiko ang kamay ni Ysa. Tumango ng mahina ang dalaga at agad nagsi-tayo ang mga boys.

“What? Talaga?! Ysa sigurado ka?!” tanong ni Paul.

“Oo naman Kuya.”

“Teka, bakit mo sinagot yan?” tanong ni Nico.

“Simply because-“

“Because?” sabay na tanong ng mga boys. Natawa naman si Aya sa kanila.

“I Love him.”

(Earlier)
Tanghali pa lang nang umalis si Kiko at Ysa para sa kanilang date. Sa mall nagtungo ang dalawa. Naglalakad lakad ang dalawa sa mall. Nakakapit si Ysa sa braso ng Binata habang nagkukwento ng kung ano ano. Natatawa na lang ang binata sa kanya dahil di na ito tumugil sa kakasalita.

“Kiko.”

“Yep?”

“Gutom na kooo.” Lambing ni Ysa. Natawa naman si Kiko sa kanya.

“So?” pangiinis ni Kiko.

“Yiiih!”

“Haha! Opo tara na po kumain na po tayo.”

Pagkatapos kumain ay naisipang manood ng horror movie ng dalawa. Sigaw ng sigaw si Ysa sa pinapanood nila ngunit parang nagcocontest pa sila ni Kiko kung sino ang pinakamalakas sumigaw. Naisipan ni Kiko na magpakalalaki. May isang nakakatakot na scene at halos napatalon si Ysa at napakapit kay Kiko. Nagulat ang dalaga pagkat di nag react ang katabi niya. Napangiti siya dahil dito. Pero tiningnan niya ng maayos ang mukha ng binata at nakitang nakapikit ito. Natawa na lang si Ysa sa kanyang nakita at hinigpitan ang kapit sa binata.

Pagkatapos manood ng movie ay nag dinner na ang dalawa. Pagkatapos mag dinner ay sa arcade ang tuloy ng dalawa. Bumili si Kiko ng sankatutak na tokens para magamit nila.

“Tara Kiko Tekken tayo!” yaya ni Ysa. Agad namang pumayag si Kiko.

“Ysa, pag ba tinalo kita magagalit ka sa akin?” tanong ng binata.

“Hmmm. Hindi naman. Sport ako noh. Teka pano ba to di ako marunong.”

“Basta pindot ka lang diyan. Oh game na.” Sabi ni Kiko. Nagumpisa ang laro at kampanteng kampante ang binata.

“KO!” sigaw ni Ysa. Walang nagawa si Kiko kundi mapanganga.

“Tsamba” bulong ni Kiko.

“Hihi! Oh round 2 na.”

At katulad kanina. Natalo nanaman si Kiko. Tawa ng tawa si Ysa at walang nagawa ang binata kundi panoorin na lang ang dalaga.

Maraming nilaro ang dalawa at halos lahat ay talo si Kiko. Tuwang tuwa naman si Ysa at wala nang ginawa kundi magyabang sa kasama niya.

Pagkatapos sa mall ay nagtungo ang dalawa sa park. Bumili si Kiko ng cotton candy para sa kanilang dalawa. Naupo sila sa isang bench sa ilalim ng isang malaking puno. Sa tabi nito ay may isang poste ng ilaw at kitang kita ang anino ng malaking puno sa tapat nila.

“Kiko, thanks ha. I really enjoyed.”

“Pansin ko nga eh. Eh tinalo mo ako sa lahat eh.” Tampo ni Kiko.

“Ito naman. Siguro wala ka lang talent sa arcade.” Sabi ng dalaga.

“Wow. Thanks ha. Lalo mo akong pinapasayaaa!”

“Uy, eto naman. Sige ka di ko bibigay gift ko.”

“Ay, may gift ka? San?”

“Mamaya na.” Sabi ng dalaga habang  nakatingin sa malayo.

“Okay.”
Ilang sandaling tahimik ang dalawa. May parehong may gustong sabihin ngunit di sila makahanap ng tamang tyempo.

“Uhm,” sabay nilang sinabi at pareho silang natawa.

“Sige una ka na. Ladies first.” Sabi ni Kiko.

“Ay, ikaw na. Pleaaase?” lambing ni Ysa. Nagbitiw naman ng isang malalim na buntong hininga si Kiko.

“Okay, Uhm, Ysa, gusto ko lang sabihin na masayang masaya ako. Hindi lang ngayong araw na to. Everyday masaya ako pag magkasama tayo. You always make my day. Alam mo yon? Parang part ka na ng system ko na di na pwedeng mawala. Pag wala ka hinahanap hanap kita. Pag naman andyan ka gusto ko palagi kitang kasama.”

“Yaya ba ako?” tanong ni Ysa.

“Oo, at isang napaka cute na yaya.” Sagot naman ni Kiko at kinurot siya ng dalaga.

“Oh, serious na! Tuloy ko na ba?” tanong ni Kiko at tumango lang ang dalaga.

“Ayun nga, I always want to be with you. Kasi nga, ano, uhm.”

“Kase?” pacute ni Ysa.

“Kasi mahal kita. Ayun. Alam mo naman yon diba?”

“Oo.” Mahinang sagot ni Ysa. Halata na ang pamumula ng mga pisngi ni Ysa. Inangat ni Kiko ang kanang kamay niya at hinaplos ito.

“Ysa, I Love You.” Sabi ni Kiko.

“Kiko, uhm, yung birthday gift ko.” Paalala ni Ysa.

“Ay oo nga pala. Asan na?” tanong ni Kiko. Umusog si Ysa papunta kay Kiko at magkatapat na ang mga mukha ng dalawa. Unti unting naglapit ang kanilang mga mukha. Pumikit si Kiko na tila alam na kung ano ang paparating. Ilang sandali pa ay nakaramdam siya na hinalikan siya sa pisngi. Dahan dahan siyang dumilat at nakita si Ysa na nakangiti sa kanya.

“Wow.” Bulong ni Kiko.

“Di pa yun yung gift ko.” Sabi ng dalaga.

“Ha? Meron pa? Saan namang part yan?” sabi ni Kiko sabay nguso. Agad naman siyang kinurot ni Ysa.

“Aray!” sigaw ni Kiko.

“Bad ka!”

“Sorry joke lang.” Sagot ng binata at natawa si Ysa.

“Okay here I go. Uhm Kiks. I just want to say that,”

“That?” sabi ni Kiko habang nanlalaki ang mga mata.

“That-“

“THAT?” sabi ni Kiko at lumapit kay Ysa. Tinulak siya ni Ysa palayo at nahulog si Kiko sa upuan. Natawa naman ang dalaga.

“Aray ko naman.” Reklamo ni Kiko.

“I Love you Kiko.” Biglang bitaw ni Ysa. Tila huminto ang puso ni Kiko sa narinig niya. Di niya mapigilan ang pag-guhit ng ngiti sa kanyang mga labi. Dahan dahan siyang tumayo at naupo sa tabi ng dalaga. Nakatingin naman si Ysa sa malayo.

“Anong sabi mo?”

“Wala, nasabi ko na eh. No need to repeat.” Sabi ni Ysa.

“Sige na please?”

“Eh kasi naman narinig mo na eh.”

“Di naman eh. Malabo.”

“Yiiiih! Sige ka pag sinabi ko ulit babawiin ko rin. Ano?” hamon ni Ysa.

“Sige nga. Sabihin mo.”

“Hinahamon mo ako? Magsisisi ka.” Banta ni Ysa.

“Ako? I dont think so. Ano sabihin mo na.” Sabi ni Kiko.

“Uhm, te-teka. Uhm, sabi ko, I, I Love you! Per-“ sabi ni Ysa ngunit biglang tinakpan ni Kiko ang bibig ng dalaga.

“Okay na. Wag mo nang bawiin narinig ko na.” Sabi ni Kiko.

“Hmmp! Narinig mo na pala eh!” sabi ni Ysa at humarap sa kabilang direksyon. Lumapit naman si Kiko at hinawakan ang kamay ng dalaga.

“So tapos na ang paghihintay ko?” tanong ni Kiko ngunit di sumagot ang dalaga.

“Uy, Ysa?”

“Oo, sinasagot na kita.” Pagalit na bigkas ni Ysa.

“Napipilitan ka lang eh.” Sabi naman ni Kiko. Humarap si Ysa at ngumiti.

“Sinasagot na kita. I Love you Kiko.” Sabi ni Ysa. Ang ngiti ni Kiko ay napalitan ng ngisi. Kita na ang gilagid niya sa laki ng ngiti niya.

“Oh ano? Tayo na.” Sabi ni Ysa.

“Yes!” sigaw ni Kiko sabay tayo.

“Yes! Kami na! Whoohoo! Narinig niyo yon?! Sinagot na ko ni Ysa! Yeeees!!” sigaw ni Kiko.

“Huuy!” sigaw ng guard sa park. Agad naupo si Kiko na parang batang napagalitan.

“Hihi! Ayan kase.” Sabi ni Ysa.

“Sorry naman eh. Di ko ma contain ang kaligayahan ko eh. So yun na yung gift mo?” tanong ni Kiko.

“Yup! Gusto mo bawiin ko?”

“Ay wag! Pero sure ka ready ka na?”

“I’ve never been this sure.” Sagot ng dalaga. Natawa si Kiko at inakbayan ang katabi.

“Akala ko pa naman yung gift mo yung ano.” Bulong ni Kiko.

“Yung alin?” tanong naman ni Ysa.

“Yung ano, yung kiss.” Sabi ni Kiko sabay nguso. Binatukan naman siya ni Ysa.

“Sira ka talaga! Darating din tayo diyan.” Sabi ng dalaga.

“Alam ko. Bata pa naman tayo. Pero kahit walang kiss. I think I am the happiest man alive. The kiss can wait naman eh.” Sabi ni Kiko.

“So happy ka?”

“Suuuper.” Sagot ng binata.

“Me too.” Sabi ni Ysa.


(Present)
Pagkatapos ng chit-chat ng mga boys sa apartment, isa isa na silang nagsibalikan. 10 pm at naiwan na lang ay si Paul at Aya. Naisipan nilang umakyat sa terrace para ituloy ang kwentuhan nila. Pagdating sa terrace ay pareho silang naupo sa sahig. Dala dala ang mga snacks na dinala nila.

“Paul, I’m really happy for my sister. Kitang kita ko talaga kanina masayang masaya siya.” Sabi ni Aya.

“Ako rin eh. Pati din si Kiko. Siguro kahit tulog na yon nakangisi pa rin.” Banat ni Paul at natawa si Aya.

“Ikaw talaga. I’m glad at naging sila na. Bagay sila.”

“Oo nga. Pero ngayon di na yata. Kasi si Ysa medyo nag mature na eh. Si Kiko utak talanka pa din.” Biro ni Paul muli nanamang natawa si Aya.

“Ikaw talaga, kaya di ako inantok eh. Kanina pa sumasakit ang tiyan ko sa kakatawa sa inyo ni Nico.” Sabi ni Aya.

“Ay, ikaw naman di ka na nasanay sa amin. Kumusta naman kayo ni Marvin?” tanong ni Paul.

“We’re okay.”

“Sabihin mo pag niloko ka non ha. Lagot sakin yon tingnan mo man.”

“Ang bait nga niya eh.” Sabi ni Aya. Di sumagot si Paul ngunit nakatingin lang siya ng diretso kay Aya.

“Oh, bakit?” tanong ng dalaga.

“Ah wala. Masaya lang ako. Kasi kahit matapos yung sinabi ko sayo nung christmas vacation, di pa rin nagbago ang pakikitungo mo sa akin. Akala ko kasi maiilang ka eh. Pero eto, nagtatawanan pa tayo dito.” Paliwanag ni Paul.

“Oo naman, di naman ako ganon. For me you are a very good friend of mine.”

“Friend lang?” tanong ni Paul at namula si Aya.

“Ay sorry. Joke lang yon ha.”

“Okay lang. Teka kuha lang ako ng  juice.” Sabi ni Aya sabay tayo.

“Ay tulungan na kita.” Sabi ni Paul at tumayo rin. Sabay nila binuksan ang pinto at nauntog si Aya sa pagbukas nito.

“Aw!” sabi ng dalaga.

“Ay, shet sorry. Masakit?” sabi ni Paul at hinaplos ang noo ng dalaga.

“Di naman. Okay lang ako.” Sabi ni Aya. Inangat ng dalaga ang ulo niya at napatingin sa mga mata ng binata. Nakita niya ang pagaalala sa mga mata nito.

“ Sorry talaga Aya ha. Akin na blow ko para di sumakit.”

“Exage ka ha. Ano to puwing?” banat ng dalaga.

“Ay oo nga pala bukol pala yan. Himasin ko na lang.” Sabi ng binata. Nakatingin pa rin ang dalaga sa mga mata ni Paul. Napaptingin din ang binata sa mga mata ng dalaga pero umiiwas ito. Di na niya matiis kaya tiningnan na rin niya ito ng diretso. Nagkatinginan ang dalawa pero matapos ang ilang segundo ay umiwas si Aya. Dahan dahang hinawakan ni Paul ang pisngi ng dalaga at inangat ito. Muli nanaman silang nagkatinginan at di nila napapansin na unti unti nang naglalapit ang kanilang mga mukha.  Kinakabahan si Paul pero naglakas loob na siya. Nilapit niya ang kanyang labi sa labi ni Aya. Ilang sandali pa ay  tuluyan nang nag halikan ang dalawa.

Napasandal si Aya sa dingding. Nakahawak ang mga kamay niya sa balikat ni Paul. Ang mga kamay naman ng binata ay nakabitin lang. Ayaw niyang hawakan si Aya dahil baka anong isipin nito. Pareho silang nakapikit ang nilalasap ang bawat segundo ng sandaling yon.

Kinabukasan, maagang umalis si Nico para magsimba. Alam niyang gustong sumama ng mga boys ngunit naisipan niya nag magsimba muna mag isa.

Pagkatapos ng mass ay isa isang nagsilabasan ang mga tao. Nagpaiwan muna siya sa loob dahil ayaw niyang makipagsabayan. Napalingon siya sa may pintuhan ng simbahan at may nakitang isang pamilyar na babae. Nakatalikod ito ngunit siguradong sigurado siya sa nakita niya. Agad siyang tumayo at tumakbo papunta sa pintuan ng simbahan. Paglabas niya ay wala na ang babae. Lingon siya ng lingon ngunit di niya ito mahanap. Napayuko na lang siya at dahan dahang naglakad.

“Pssst!” narinig niya mula sa likod niya. Agad siyang lumingon para tingnan kung sino ito ngunit bigla siyang sinikmuraan ng babae.

“Aray!” sigaw ni Nico sabay hawak sa tiyan niya. Napatingin siya sa salarin at nakilala niya ang babae.

“Bakit mo ginawa yon!?” sigaw niya.

“Sige, sigawan mo ako. Diyan ka naman magaling diba? Sa pananakit sa ng mga babae?”

“Hay.” Sabi ni Nico habang inaayos ang sarili.

“Trish, wala akong kasalanan.”

“Talaga? Masakatan ba si Misa ng ganon kung wala kang kasalanan?” sagot ng dalaga.

“Hay, bahala ka kung ayaw mong maniwala. Diyan ka na nga!” sabi ni Nico at naglakad palayo.

“Nico!” sigaw ni Trish. Huminto si Nico at napalingon.

“Magusap tayo. Mcdo, now na!” sigaw ni Trish at naglakad. Napabuntong hininga na lang si Nico at naglakad papunta sa dalaga.


No comments: