Sunday, December 26, 2010

Chapter 18: Christmas Break - Happy New Year!

A Wonderful Life
By: Nico and Paul


Chapter 18: Christmas Break – Happy New Year!


“Best? Huy! Gising!”  sigaw ni Gela. Agad napaupo si Nico at napakamot.

“Ay, sorry. Nakatulog ako.” Sabi ni Nico.

“Hmmp! Nagpatulong lang si Mama magluto sandali tinulugan mo na ako!”

“Eh ano kasing magagawa ko? Inaantok ako eh. Bakit ba kasi pinapunta mo ako dito sa inyo? Eh ang sarap na ng tulog ko kanina sa bahay.” Reklamo ni Nico.

“Eh bakit ba? Bawal na ba kitang papuntahin dito ngayon?” sabi ni Gela.

“Hay. Oo na sorry na. So anong kakainin natin?” tanong ni Nico at napangti si Gela.

“Malalaman mo rin. Oh mauna kana bumaba doon.”

“Mamaya na tinatamad ako eh.” Sabi ni Nico sabay higa sa kama.

“Baba na dali!”

“Hay, sabay na kaya tayo.” Sagot ng binata.

“Baba na maliligo ako!” sabi ni Gela.

“Ay, sorry naman. Sana sinabi mo agad.” Sabi ni Nico at agad lumabas sa kwarto ng dalaga. Bumaba siya at nakita ang Mama ni Gela na naghahanda sa hapag-kainan.

“Hi Tita. Anong ulam?”

“Ah,  yung paborito mo. Teka lang at di pa luto yung kanin. Maupo ka muna doon sa sala kasama ng tito mo.” Sabi ni Vivian at agad naman sumunod ang binata.

Agad nagtungo si Nico sa may sala at nakita ang Papa ni Gela na nagbabasa. Tinabihan niya ito at napatingin sa kanya ang tiyuhin.

“Oh! Bumaba ka na pala. Si Gela?” tanong ni Dan.

“Ah, maliligo daw po muna. Pasensya na po nakatulog po kasi ako sa kwarto niya eh.” Sabi ni Nico at napailing ang tiyuhin niya.

“Natulog ka sa kwarto ng anak ko?” tanong ni Dan. Kinabahan si Nico sa tanong ng tiyuhin dahil sa tono ng boses nito.

“Ah, eh, o-opo eh. Di ko naman po namalayan.” Sagot ni Nico.

“Hindi magandang tingnan na ang lalaki ay natutulog sa kwarto ng babae. Lalo na sa edad niyo.”

“So-sorry po.” Sabi ni Nico at napayuko siya. Tinapik naman ng tito niya ang kanyang balikat at natawa.

“Pero kung ikaw lang din naman. Okay lang. May tiwala naman ako sayo eh.” Sabi ni Dan at napangiti si Nico.

“Nico, kami ng Daddy mo magkaibigan na kami magmula mga bata pa kami. Kaming dalawa lang kasi yung magkaedad sa mga magpipinsan. Yung iba kaedad nga namin mga babae naman. Kaya noon pa man kami na talaga yung magkasama. Pangarap namin noon na sabay kaming mag-aasawa. At dapat yung mga anak namin ay halos magka-edad din. At magiging magkaibigan sila tulad namin.” Sabi ni Dan. Alam na niya ang kwentong ito pagkat nasabi na ito ng Daddy niya sa kanya.

“Pero nung ipinanganak si Gela, Inaamin ko medyo nadismaya kaming pareho. Pagkat lalaki talaga sana yung gusto ko. Para maging magkaibigan kayo. Pero medyo nadismaya man ako, masayang masaya pa rin ako at dumating si Gela. Alam mo ba yung kwentong yon?” tanong ni Dan. Tumango lamang si Nico bilang sagot.

“Ito sigurado ako di pa nakwento sayo. Noong mga bata kayo, talagang palagi namin kayong pinagsasama ni Gela. Na kahit lalaki ka at babae siya, pinilit namin na maging magkaibigan kayo. Pero palpak kami noon.” Sabi ni Dan at nagulat si Nico.

“Palagi kayong nagaaway. Hindi nga namin alam kung bakit. Oo maglalaro kayo sandali, pero maya maya lang bigla na lang may isa sa inyo na umiiyak. At madalas ikaw yon. Nasasabunot ka sa anak ko eh.” Sabi ni Dan at natawa si Nico.

“Minsan nga po tinatanong ko sa sarili ko kung babae po ba talaga yang anak niyo eh. Masyado po kasing bayolente.” Biro ni Nico at natawa ang tito niya.

“May pagkamaldita kasi yan dati. Actually kayong dalawa. Magulo kayong pareho. Walang pagkakataon na di kayo nagaway pag pinagsama namin kayo. Naalala mo ba yung mga yon?” tanong ni tito niya.

“Hindi na po yata. Huli ko pong naaalala yung sa ospital.” Sagot ng binata.

“Halos nawalan na nga kami ng pagasa ng Daddy mo na magkakasundo kayo ng Gelay ko eh. Kaya lang nung 5 years old kayo, nagkasakit si Gela. Sakitin kasi siya noon diba? Malas lang at medyo malala yung tumamang sakit sa kanya. Halos dalawang buwan siya sa ospital noon. Alam mo ba yon?” tanong ni Dan.

“Medyo po.”

“Sige nga, anong natatandaan mo?”

“Naalala ko lang po yung bumibisita kami palagi doon sa ospital. Tapos nakikitabi po yata ako kay Gela noon sa kama niya. Tapos po naglalaro kami.” Sagot ni Nico.

“Noong nagkasakit siya, halos ilang linggong taas baba yung lagnat niya. Natakot talaga kami ng tita mo noon. Di ko agad nasabi sa Daddy mo yung nangyari. Pero nung sinabi ko agad kayong nagpunta. Halos araw araw kayong dumadalaw kay Gela. Pag may trabaho ang Daddy mo ay kayo naman ng Mommy mo ang nagpupunta. Alalang alala ka noon kay Gela. Sabi mo pa nga noon sa kanya ikaw na lang ang magaalaga sa kanya. Noong mga panahong yon ay unti unting gumaling si Gela. Araw araw ay napapansin namin ng tita mo na masaya siya pag nandoon ka. Then right there and there I witnessed a special bond form between you two. Na unti unti nang namumuo yung friendship na hinihiling namin ng Daddy mo.”

“So, doon pa lang po talaga nagumpisa yung friendship namin?” tanog ni Nico.

“Paglabas ni Gela ng ospital, hindi na kayo nagaway ulit. Although siyempe may konting tampo pero yung tipong tampong kaibigan lang tapos magbabati rin. Di tulad dati para kayong tubig at mantika. Di pwedeng pagsamahin. Masaya ako sa kinalabasan ninyong dalawa.” Sabi ni Dan at napangiti si Nico.

Ilang minuto pang nagkwentuhan ang dalawa. Matapos ang ilang sandali ay bumaba na si Gela at kumain na sila.

Matapos kumain ay muling tumambay ang magkaibigan sa kwarto ng dalaga. Naupo si Nico sa sahig habang si Gela naman ay naupo sa kama.

“Best masarap ba?” tanong ni Nico.

“Bakit sino bang nagluto? Mama mo?” tanong ni Nico at tumango si Gela.

“Ay oo naman masarap! Sobra!” sabi ni Nico at napangiti si Gela.

“Talaga? Ako talaga nagluto non eh. Tinuruan ako ni Mama.”

“Ay, eew hindi pala masarap. Yuck kadiri hindi ako makapaniwalang kinain ko yon.” Sabi ni Nico. Inasahan niyang kukurutin siya ni Gela oh kaya ay babatukan ngunit mali siya. Nakita niyang napayuko si Gela at tila malungkot ang itsura.

“Mataas kasi yung standards ko sa pagkain eh. Dapat yung sosyal at pangmayaman talaga yung diet ko. Pero kahit ganon, yon na siguro ang pinakamasarap na adobong nakain ko.” Sabi ni Nico at napangiti si Gela.

“Talaga?”

“Talagang talaga. Magsisinungaling ba ang celebriting katulad ko?” sabi ni Nico at kinurot siya ni Gela.

“Yabang!”

“Eh totoo naman kasi.”

“Hmmp! Shut up!” sabi ni Gela at natawa si Nico. Umusog si Nico at sumandal sa paa ni Gela na nakaupo sa kama.

“Gela, alam mo bang magkaaway pala tayo dati?” tanong ni Nico.

“Ay? Dati lang ba?” biro ni Gela at natawa si Nico.

“Oo! Dati lang ano!” sagot ng binata.


“Talaga? Sinong nagsabi?”

“Yung Papa mo.”

“Ah. Kaya pala bigla na lang akong nagagalit sayo kahit na walang dahilan.” Sabi ng dalaga at napatingin sa kanya si Nico.

“Talaga?”

“Joke lang.” Sagot ni Gela.

“Alam mo Gela. Bakit kaya hindi na lang tayo?” biglang tanong ni Nico. Nagulat si Gela sa narinig niya. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya at tila hindi makapagsalita.

“Wa-wag ka ngang magbiro ng ganyan.”

“Ay, sorry. May macho papa ka na nga pala. Ano na kasing pangalan non?” tanong ni Nico.

“Bakit mo tinatanong?”

“Wala lang. Syempre I’m your bestfriend. May karapatan akong malaman ano.” Sabi ni Nico.

“Wag muna natin siyang pagusapan. Tayo lang ang nandito kaya lets focus on us.” Sabi ni Gela.

“You mean merong ‘us’?” tanong ni Nico at kinurot siya ni Gela.

“Aray! Joke lang ikaw naman.”

“Wag ka kasing magbibiro ng ganyan.” Sabi ni Gela.

“Pinapaasa mo lang ako eh.” Bulong niya. Hininaan niya ang boses niya para di marinig ng bestfriend niya.

“Sorry.” Sabi bigla ni Nico.

“Para saan?” tanong ni Gela.

“Di ko naman itensyon na paasahin ka.” Sabi ni Nico at nagulat si Gela.

“Narinig mo?” tanong ni Gela ngunit di sumagot ang binata.

“I am really confused. Di ko alam ang gagawin ko. Remember nung christmas eve? Nung may sasabihin sana ako pero may dumating na dakilang epal?” tanong ni Nico at natawa si Gela.

“The truth is, teka ewan ko kung dapat ko pang sabihin.” Sabi ni Nico at tiningnan siya ng masama ni Gela.

“Owkie sabi ko nga sasabihin ko. Kasi ganito yan. I still love you. Sabi ko dati i LOVED you pero di totoo yon. I still love you up to now. Kung gusto ko pwede kitang ligawan pero alam mo kung bakit ayoko? Kasi right now I don’t now what’s the right thing to do. I love you, totoo yon, but I also love her. At kung sakaling magiging tayo man, di ko rin alam kung magiging masaya ako, kasi una, I love Misa very much, at pangalawa, di ko maiiwasang makaramdam ng guilt.” Sabi ni Nico ngunit tahimik lang na nakikinig ang dalaga. Humawak si Gela sa balikat ng binata at hinawakan naman ni Nico ang kamay ng kaibigan.

“Gela, I am not telling you to wait for me untill I’m ready. Alam mo naman na I want you to be happy. Baka kasi maghintay ka sa wala. I love you and i will be happy kung may lalaki na magmamahal sayo tulad ng pagmamahal ko.” Sabi ni Nico.

“Best, alam mo. Masaya talaga ako sa mga sinabi mo sa akin ngayon. Honestly. Even if it couldn’t be us, masayang masaya parin ako knowing the fact that you love me.” Sabi ni Gela. Bumaba siya sa kama niya at tumabi kay Nico sa sahig.

“If we’re really meant to be just friends, then lets be just friends. We could still do things naman that normal friends cant do right?” tanong ni Gela.

“Uhm, like what?” tanong ni Nico ngunit bigla siyang hinalikan ni Gela. Nagulat ang binata ngunit di na pumalag pa. Matapos ang ilang segundo ay kumalas ang dalaga. Nanatiling nakadilat ang mga mata ni Nico at tila di makapagsalita.

“I’m sorry. I am just so happy di ko mapigilan ang sarili ko.” sabi ni Gela.

“O-okay lang. Next time naman magpaalam ka.” Biro ni Nico at natawa si Gela.

“Isa pa?” tanong ng binata.

“Abuso ha.” Sabi ni Gela at natawa si Nico.

“Please?” sabi ni Nico at bigla na lang siyang hinalikan ni Gela. Handa na ang binata sa pagkakataong ito. Pareho silang nakapikit. Parehong nilalasap ang sandaling yon.

Matapos ang ilang sandali ay parehong kumalas ang dalawa at napangiti.

“Friends forever.” Bulong ni Gela. Napangiti si Nico at hinawakan ang kamay ng dalaga.

“Friends with no limits.” Biro ni Nico.

“Che! Meron din ano.” Sabi ng dalaga at natawa si Nico.

Back in the city, sa apartment ng mga boys, nakaupo si Paul sa sofa. May hawak siyang mga papel at binabasa ang mga ito. Halos isang oras niyang pinagaaralan ang mga papel nang naisipan niyang magluto ng makakain. Pagtayo niya ay narinig niyang nagbukas ang pintuan ng katapat na apartment. Nagulat siya nang makita si Aya na lumabas at umalis. Gusto sana niyang kausapin ang dalaga ngunit nag alangan siya. Tumalikod na lang siya at naglakad papunta sa kusina.

Kinagabihan, naupo si Paul sa bench sa tapat ng apartment habang nag gigitara. Matapos ang ilang minuto ay nagbukas ang gate. Pilit niyang inaninag kung sino ito at nakita niya si Aya. Papasok sana siya para umiwas ngunit huli na ang lahat. Natawa na lang siya sa sarili niya at nagpatuloy sa pagtugtog. Nagkunwari siyang di napansin ang gate at nakatinign lang sa gitara niya.

“Uhm Paul?”

“Ah, Aya ikaw pala.” Sabi ng binata.

“Akala ko kung sino. Buti naisipan mong magpagupit? Bagay mo.” Sabi ni Aya.

“Ah, mainit kasi yung mahabang buhok.” Sabi ni Paul.

“Pwedeng makiupo?” tanong ni Aya at umusog si Paul. Naupo si Aya sa tabi ng binata.

“Buti andito ka?” tanong ng dalaga.

“Ah, kasi may meeting kami about sa thesis eh. Eh ikaw?”

“Same. Thesis din. Ako kasi yung leader eh.” Sabi ni Aya.

“Talaga? Ako di naman ako yung leader pero lets say parang assitant leader.”

“Ah, so may manuscript na kayo?” tanong ni Aya at napakamot si Paul.

“Wala pa nga eh. Bukas mag memeeting kami. E kayo?”

“Chapter 1 and 2 pa lang.” Sagot ni Aya.

“Wow. Teka bakit ba natin pinaguusapan to? Natotoxic lang tayo eh.” Sabi ng binata.

“Oo nga noh. Well, kumusta naman ang pasko mo?”

“Ako? Okay naman. Doon nga ako nagpasko kina Nico eh. Di ko kasi matiis yung sweetness nina Mama. Kaya umalis ako. Grabe parang ilang taon di nagkita eh 2 months lang namang wala si Daddy.” Paliwanag ni Paul at natawa si Aya.

“Grabe ka naman. Syempre they love each other.”

“Sabagay. I guess i just dont understant kaya ako umalis.” Sabi ni Paul.

“Or maybe I’m just jealous.” Habol ni Paul.

“Ha? Paano?” tanong ni Aya.

“Ah, wala. Di ko lang talaga sila maintindihan. Eh ikaw kumusta naman pasko  mo?”

“Okay lang din. Masaya. Marami kasi kami nag celebrate eh.” Sagot ni Aya.

“Di kayo magkasama ni Marvin?” tanong ni Paul.

“Hinatid lang niya kami. Nahiya nga ako kasi di yata siya umabot ng 12 am sa kanila. Medyo malayo kasi yung sa amin eh.”

“Ah, okay lang ano. Sure ako di naman siya nagsisi. Its his responsibility to keep you safe. Kung ako siya yun din ang gagawin ko sayo.” Sabi ni Paul. Nagulat ang binata sa nasabi niya kaya agad siyang nagpalusot.

“I mean, kung sakaling ako yung kasama mo. Ihahatid kita, as a friend kasi syempre iisipin ko naman na paano kung may nangyari sayo diba? Wala akong ibang ibig sabihin doon ha. Kahit naman sino siguro ihahatid ko basta niyaya kong lumabas. Hinatid ko nga sina Nico eh. I mean-“

“Oo na gets ko na.” Sabi ni Aya habang natatawa. Natawa rin si Paul sa dalaga. Matapos nito ay ilang sandaling natahimik ang dalawa.

“Paul, about what i said noon sa resort. I just want you to know na di ko sinasadya yon.” Sabi ni Aya.

“Aya, no need to bring up that topic. I understand. Tapos na yon.” Sabi ni Paul.

“No, alam kong di pa tapos yon. Feeling ko iniiwasan mo ako eh. And I myself feel akward pa rin.” Sabi ng dalaga.

“Ako, lahat ng sinabi ko doon, totoo yon.” Sabi ni Paul at napatingin sa kanya ang dalaga. Napansin niyang tila nagiisip ang binata. Ilang sandali pa ay napangiti ito.

“Aya, I’m sorry.”

“Sorry for what?” tanong ng dalaga.

“I just changed my mind.”

“Ha?” pagtataka ng dalaga.

“Diba sabi ko I always find positive things out of the negative?”

“Oo, so?” tanong ng dalaga.

“Aya, you know I love you right? I just don’t now if you feel the same.” Sabi ni Paul at hinawakan ang kamay ng dalaga. Nagulat si Aya at ramdam niya ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso.

“Aya, I love you. At di pa ako nawawalan ng pagasa.”

“Wha-what do you mean?” tanong ng dalaga.

“Look at your hand.” Sabi ni Paul at tumingin naman ang dalaga.

“See? No rings.” Sabi ni Paul.

“I won’t give up on you. Pero di ako masamang tao. Di ko kayo guguluhin. Pero magiingat siya. May gawin lang siyang konting mali sayo, saktan ka lang niya ng konti, paiyakin ka lang niya, kahit isang luha lang, aagawin kita sa kanya.” Sabi ni Paul at tumayo.

“I will be waiting for you.” Sabi ni Paul sabay naglakad papunta sa pintuan nila. Mabagal lang ang lakad niya at feeling niya para siyang bida sa isang pelikuka na gumagawa ng isang madramang exit.

“Paul!” sigaw ni Aya. Napalingon naman ang binata.

“Gitara mo naiwan mo.” Sabi ng dalaga.

“Ay, sorry.” Sabi ni Paul habang nagkakamot ng ulo. Bumalik siya kay Aya at inabot naman sa kanya ng dalaga ang gitara.

“Kainis nasira tuloy yung dramatic exit ko.” Sabi ni Paul at natawa si Aya.

“Sira.” Sabi ng dalaga. Tumalikod na si Paul at naglakad papunta sa pinto. Bago pumasok ay muli siyang lumingon sa dalaga.

“Late na. Pasok ka na rin. See you tomorrow.” Sabi ni Paul at tuluyan nang pumasok ng pintuan. Nanatili namang nakaupo doon si Aya. May kakaibang ngiti ang gumuguhit sa kanyang mga labi. Di niya maipaliwanag kung bakit masaya siya sa mga oras na yon.

Bisperas na ng bagong taon at naisipan ni Misa na magshopping. Nagtungo siya sa mall kasama ang Mama niya. Dahil sa gustong mamili ng mga damit ng dalaga, iniwan muna niya ang Mama niya sa supermarket.

Pagkatapos mamili ay pabalik na sana ang dalaga nang may biglang tumawag sa kanya.

“Melissa!” sigaw ng isang babae. Agad napalingon ang dalaga at napangiti.

“Patricia!” sigaw ni Misa at pareho silang natawa.

“Oh sige, Misa na lang. Long time no see couz!” sabi ni Trish.

“Ikaw naman. Mga two months pa lang naman.” Sagot naman ni Misa.

“I heard about what happened.” Sabi ni Trish at nabura ang ngiti sa mukha ni Misa.

“I thought matino siya. After what happened sa resort.” Dagdag ng dalaga.

“Yeah. Akala ko rin. Pero okay na tapos na eh.”

“So wala ka nang planong balikan siya?” tanong ni Trish at umiling si Misa.

“Okay. Para mabawasan ang sadness mo. Tara shopping tayo. My treat!” sabi ng pinsan ni Misa.


“Eh kasama ko si Mama eh.”
“Eh di magpaalam tayo. Akong bahala malakas ako kay tita.” Sabi ni Trish at pumayag naman si Misa.

Ilang oras na lang as sasapit na ang bagong taon. Nagsama sama ang pamilya nina Gela, Paul at Kiko sa bahay nina Nico para ipagdiwang ang nalalapit na bagong taon. Kumpleto na ang lahat maliban kay Paul na uuwi pa lang galing sa city.

8pm na nang makarating si Paul. Huminto ang sasakyan niya sa tapat ng bahay nina Nico. Agad namang tumakbo Sina Nico, Chics at Kiko para salubungin ang binata. Nagulat ang tatlo nang may kasamang bumaba si Paul sa sasakyan na isang batang babae.

“Tol? Anak mo?! Kailan pa?! Bakit di mo sinabi?! Sinong Nanay?!” sigaw ni Nico at natawa si Paul. Ilang sandali pa ay bumaba rin si Danica na medyo nahihiya pa.

“Danica? Anak niyo ni Paul?” sabi ni Nico at binatukan siya ng kaibigan.

“Sira! Kapatid to ni Danica. Si Lala.” Sabi ni Paul.

“Ah. Teka bakit andito sila?”

“Eh kasi may urgent business daw yung parents nila kaya umuwi na lang sila. Eh yung mga kuya niya, ayun nasa mga barkada nila. Alangan naman silang dalawa lang ang mag celebrate ng new year diba? Kaya sinama ko na.” Paliwanag ni Paul.

“Ah. Okay. Oh tara pasok. Danica kumain na ba kayo? Maraming pagkain sa loob tara.” Sabi ni Nico at pumasok na silang lahat.

Maingay sa loob ng bahay nina Nico. Pinagkakaguluhan ng lahat si Lala pagkat napaka cute at bibo nito. Nakipaglaro siya sa mga nakababatang kapatid nina Nico at Gela. Si Danica at Gela naman ay masayang tumutulong sa paghahanda ng mga pagkain habang ang mga boys ang nag gi-grill ng barbeque sa garden area.

Halos isang oras na lang bago sumapit ang bagong taon. Handa na ang lahat at ang hinihinay na lang nila ay ang pagsapit ng alas dose. Nakatambay ang magkakaibigan sa garden habang pinapanuod ang mga batang naglalaro.

“Kuya Nick, bakit walang leche flan?” tanong ni Kiko.

“Ah, talagang pinatago ko. Mahirap na, baka wala pa mang new year maubos na. Andito kasi si Paul eh.” Sabi ni Nico at natawa sila.

“Aha! Kaya pala wala akong makita! Akala ko inubos mo na. Makapasok nga sa loob at mahanap yung leche flan na yun.” Sabi ni Paul.

“Hoy tol! Matuto kang mag hintay!”

“Alam ko. Joke lang. Ako pa? Di ko naman talaga hahanapin yun eh. Never.” Sabi ni Paul at napalingon sa may pintuan palabas ng garden. Nakita niya si Danica na papunta kay Lala at may dala dalang leche flan.

“Shit! Meron na!” sabi ni Paul sabay takbo papasok sa bahay. Agad ring tumayo si Nico at Kiko at tumakbo rin papasok.

“Oh san pupunta yon?” tanong ni Gela na kararating lang.

“Ah, nagunahan sa leche flan.” Sagot ni Chics.

“Hay. Di na sila nagbago.”

Sumapit na ang alas dose at masayang nag tipon tipon ang lahat sa garden area. Tulad nong pasko, may mga paputok na rin na nakahanda ngayon pero mas marami ito. At tulad ng dati ay isa isa nilang sinindihan ang mga paputok. Naupo lang ang magkakaibigan habang pinagmamasdan ang magagarbong fireworks display.

Pagkatapos ng putukan ay masayang nagsalo salo ang lahat. Di na nahihiya si Danica dahil kasama rin naman niya ang mga kaibigan niya. Pagkatapos ng salo salo ay kanya kanyang kwentuhan ang lahat. Sa isang sulok sa bahay naupo si Paul at Danica. Nakatulog na si Lala sa sobrang pagod.

“Pao, kumusta si Nico?” tanong ni Danica.

“Ayun, kahit papano okay na rin. Ikaw kumusta ang pasko mo?” tanon naman ni Paul.

“Masaya. Para sa akin naman kasi basta kumpleto kami nasaya na ako eh.”

“Sayang hindi sila ang kasama mo sa new year ano?”

“Oo nga eh. Pero okay lang. Thanks to you, naging masaya pa rin ang new year ko.” Sabi ni Danica at napangiti si Paul.

“Mas masaya rin sana kung andito si Misa. Close kayo nun eh.” Sabi ni Paul.

“Oo nga. Pero okay lang. Mabait rin naman si Gela eh.”

“Ahm, Aiks, nagusap nga pala kami ni Aya.” Sabi ni Paul.

“Anong pinagusapan niyo?”

“Remeber yung sinabi ko sayo dati? Na hindi ko siya ipe-persue? Well, nagbago na ang isip ko at sinabi ko sa kanya yon.” Sabi ni Paul at unti unti nang naramdaman ng dalaga ang namumuong kirot sa kanyang dibdib.

“So, what’s your point?”

“I told her that i wont give up on her. That I will wait until she’s free.” Sabi ni Paul.

“Good for you.” Mahinang tugon ni Danica.

“Aiks okay ka lang?”

“Yup. Inaantok na ako eh. Pahinga na ako okay lang? Sundan ko na si Lala sa guest room.” Sabi ni Danica.

“Tara hatid na kita.”

“No I’m okay. Puntahan mo na lang sina Nico.” Sabi ni Danica sabay tayo.

“Goodnight Pao.”

“Goodnight Aiks.”

Samantala, si Gela naman ay abala sa paghahanap sa bestfriend niya. Pagkatapos kasi ng kainan at fireworks display ay bigla na lang itong nawala. Tiningnan na niya ito sa kwarto nito ngunit wala siya doon. Halos nalibot na niya ang buong bahay ngunit di pa rin niya makita si Nico.

Naisipan niyang umakyat sa attic at magbaka sakali. Ngunit nang makarating siya doon ay wala siyang nakitang tao. Pero nakita niyang nakabukas ang isang bintana na papunta sa bubungan. Sa mga oras na iyon ay halos sigurado na siya kung nasaan ang kaibigan. Lumabas siya sa bintana at nagtungo sa bubungan. Doon, nakita niya si Nico na nakaupo at nakatingin sa langit. Lalapitan sana niya ito ngunit may napansin niya umiiyak ito. Gusto niyang damayan ang kaibigan ngunit naisip niyang mas mabuti na lang kung iiwan niya muna ito. Dahan dahan siyang bumaba at bumalik.


No comments: