Sunday, December 26, 2010

Chapter 18: Christmas Break - Happy New Year!

A Wonderful Life
By: Nico and Paul


Chapter 18: Christmas Break – Happy New Year!


“Best? Huy! Gising!”  sigaw ni Gela. Agad napaupo si Nico at napakamot.

“Ay, sorry. Nakatulog ako.” Sabi ni Nico.

“Hmmp! Nagpatulong lang si Mama magluto sandali tinulugan mo na ako!”

“Eh ano kasing magagawa ko? Inaantok ako eh. Bakit ba kasi pinapunta mo ako dito sa inyo? Eh ang sarap na ng tulog ko kanina sa bahay.” Reklamo ni Nico.

“Eh bakit ba? Bawal na ba kitang papuntahin dito ngayon?” sabi ni Gela.

“Hay. Oo na sorry na. So anong kakainin natin?” tanong ni Nico at napangti si Gela.

“Malalaman mo rin. Oh mauna kana bumaba doon.”

“Mamaya na tinatamad ako eh.” Sabi ni Nico sabay higa sa kama.

“Baba na dali!”

“Hay, sabay na kaya tayo.” Sagot ng binata.

“Baba na maliligo ako!” sabi ni Gela.

“Ay, sorry naman. Sana sinabi mo agad.” Sabi ni Nico at agad lumabas sa kwarto ng dalaga. Bumaba siya at nakita ang Mama ni Gela na naghahanda sa hapag-kainan.

“Hi Tita. Anong ulam?”

“Ah,  yung paborito mo. Teka lang at di pa luto yung kanin. Maupo ka muna doon sa sala kasama ng tito mo.” Sabi ni Vivian at agad naman sumunod ang binata.

Agad nagtungo si Nico sa may sala at nakita ang Papa ni Gela na nagbabasa. Tinabihan niya ito at napatingin sa kanya ang tiyuhin.

“Oh! Bumaba ka na pala. Si Gela?” tanong ni Dan.

“Ah, maliligo daw po muna. Pasensya na po nakatulog po kasi ako sa kwarto niya eh.” Sabi ni Nico at napailing ang tiyuhin niya.

“Natulog ka sa kwarto ng anak ko?” tanong ni Dan. Kinabahan si Nico sa tanong ng tiyuhin dahil sa tono ng boses nito.

“Ah, eh, o-opo eh. Di ko naman po namalayan.” Sagot ni Nico.

“Hindi magandang tingnan na ang lalaki ay natutulog sa kwarto ng babae. Lalo na sa edad niyo.”

“So-sorry po.” Sabi ni Nico at napayuko siya. Tinapik naman ng tito niya ang kanyang balikat at natawa.

“Pero kung ikaw lang din naman. Okay lang. May tiwala naman ako sayo eh.” Sabi ni Dan at napangiti si Nico.

“Nico, kami ng Daddy mo magkaibigan na kami magmula mga bata pa kami. Kaming dalawa lang kasi yung magkaedad sa mga magpipinsan. Yung iba kaedad nga namin mga babae naman. Kaya noon pa man kami na talaga yung magkasama. Pangarap namin noon na sabay kaming mag-aasawa. At dapat yung mga anak namin ay halos magka-edad din. At magiging magkaibigan sila tulad namin.” Sabi ni Dan. Alam na niya ang kwentong ito pagkat nasabi na ito ng Daddy niya sa kanya.

“Pero nung ipinanganak si Gela, Inaamin ko medyo nadismaya kaming pareho. Pagkat lalaki talaga sana yung gusto ko. Para maging magkaibigan kayo. Pero medyo nadismaya man ako, masayang masaya pa rin ako at dumating si Gela. Alam mo ba yung kwentong yon?” tanong ni Dan. Tumango lamang si Nico bilang sagot.

“Ito sigurado ako di pa nakwento sayo. Noong mga bata kayo, talagang palagi namin kayong pinagsasama ni Gela. Na kahit lalaki ka at babae siya, pinilit namin na maging magkaibigan kayo. Pero palpak kami noon.” Sabi ni Dan at nagulat si Nico.

“Palagi kayong nagaaway. Hindi nga namin alam kung bakit. Oo maglalaro kayo sandali, pero maya maya lang bigla na lang may isa sa inyo na umiiyak. At madalas ikaw yon. Nasasabunot ka sa anak ko eh.” Sabi ni Dan at natawa si Nico.

“Minsan nga po tinatanong ko sa sarili ko kung babae po ba talaga yang anak niyo eh. Masyado po kasing bayolente.” Biro ni Nico at natawa ang tito niya.

“May pagkamaldita kasi yan dati. Actually kayong dalawa. Magulo kayong pareho. Walang pagkakataon na di kayo nagaway pag pinagsama namin kayo. Naalala mo ba yung mga yon?” tanong ni tito niya.

“Hindi na po yata. Huli ko pong naaalala yung sa ospital.” Sagot ng binata.

“Halos nawalan na nga kami ng pagasa ng Daddy mo na magkakasundo kayo ng Gelay ko eh. Kaya lang nung 5 years old kayo, nagkasakit si Gela. Sakitin kasi siya noon diba? Malas lang at medyo malala yung tumamang sakit sa kanya. Halos dalawang buwan siya sa ospital noon. Alam mo ba yon?” tanong ni Dan.

“Medyo po.”

“Sige nga, anong natatandaan mo?”

“Naalala ko lang po yung bumibisita kami palagi doon sa ospital. Tapos nakikitabi po yata ako kay Gela noon sa kama niya. Tapos po naglalaro kami.” Sagot ni Nico.

“Noong nagkasakit siya, halos ilang linggong taas baba yung lagnat niya. Natakot talaga kami ng tita mo noon. Di ko agad nasabi sa Daddy mo yung nangyari. Pero nung sinabi ko agad kayong nagpunta. Halos araw araw kayong dumadalaw kay Gela. Pag may trabaho ang Daddy mo ay kayo naman ng Mommy mo ang nagpupunta. Alalang alala ka noon kay Gela. Sabi mo pa nga noon sa kanya ikaw na lang ang magaalaga sa kanya. Noong mga panahong yon ay unti unting gumaling si Gela. Araw araw ay napapansin namin ng tita mo na masaya siya pag nandoon ka. Then right there and there I witnessed a special bond form between you two. Na unti unti nang namumuo yung friendship na hinihiling namin ng Daddy mo.”

“So, doon pa lang po talaga nagumpisa yung friendship namin?” tanog ni Nico.

“Paglabas ni Gela ng ospital, hindi na kayo nagaway ulit. Although siyempe may konting tampo pero yung tipong tampong kaibigan lang tapos magbabati rin. Di tulad dati para kayong tubig at mantika. Di pwedeng pagsamahin. Masaya ako sa kinalabasan ninyong dalawa.” Sabi ni Dan at napangiti si Nico.

Ilang minuto pang nagkwentuhan ang dalawa. Matapos ang ilang sandali ay bumaba na si Gela at kumain na sila.

Matapos kumain ay muling tumambay ang magkaibigan sa kwarto ng dalaga. Naupo si Nico sa sahig habang si Gela naman ay naupo sa kama.

“Best masarap ba?” tanong ni Nico.

“Bakit sino bang nagluto? Mama mo?” tanong ni Nico at tumango si Gela.

“Ay oo naman masarap! Sobra!” sabi ni Nico at napangiti si Gela.

“Talaga? Ako talaga nagluto non eh. Tinuruan ako ni Mama.”

“Ay, eew hindi pala masarap. Yuck kadiri hindi ako makapaniwalang kinain ko yon.” Sabi ni Nico. Inasahan niyang kukurutin siya ni Gela oh kaya ay babatukan ngunit mali siya. Nakita niyang napayuko si Gela at tila malungkot ang itsura.

“Mataas kasi yung standards ko sa pagkain eh. Dapat yung sosyal at pangmayaman talaga yung diet ko. Pero kahit ganon, yon na siguro ang pinakamasarap na adobong nakain ko.” Sabi ni Nico at napangiti si Gela.

“Talaga?”

“Talagang talaga. Magsisinungaling ba ang celebriting katulad ko?” sabi ni Nico at kinurot siya ni Gela.

“Yabang!”

“Eh totoo naman kasi.”

“Hmmp! Shut up!” sabi ni Gela at natawa si Nico. Umusog si Nico at sumandal sa paa ni Gela na nakaupo sa kama.

“Gela, alam mo bang magkaaway pala tayo dati?” tanong ni Nico.

“Ay? Dati lang ba?” biro ni Gela at natawa si Nico.

“Oo! Dati lang ano!” sagot ng binata.


“Talaga? Sinong nagsabi?”

“Yung Papa mo.”

“Ah. Kaya pala bigla na lang akong nagagalit sayo kahit na walang dahilan.” Sabi ng dalaga at napatingin sa kanya si Nico.

“Talaga?”

“Joke lang.” Sagot ni Gela.

“Alam mo Gela. Bakit kaya hindi na lang tayo?” biglang tanong ni Nico. Nagulat si Gela sa narinig niya. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya at tila hindi makapagsalita.

“Wa-wag ka ngang magbiro ng ganyan.”

“Ay, sorry. May macho papa ka na nga pala. Ano na kasing pangalan non?” tanong ni Nico.

“Bakit mo tinatanong?”

“Wala lang. Syempre I’m your bestfriend. May karapatan akong malaman ano.” Sabi ni Nico.

“Wag muna natin siyang pagusapan. Tayo lang ang nandito kaya lets focus on us.” Sabi ni Gela.

“You mean merong ‘us’?” tanong ni Nico at kinurot siya ni Gela.

“Aray! Joke lang ikaw naman.”

“Wag ka kasing magbibiro ng ganyan.” Sabi ni Gela.

“Pinapaasa mo lang ako eh.” Bulong niya. Hininaan niya ang boses niya para di marinig ng bestfriend niya.

“Sorry.” Sabi bigla ni Nico.

“Para saan?” tanong ni Gela.

“Di ko naman itensyon na paasahin ka.” Sabi ni Nico at nagulat si Gela.

“Narinig mo?” tanong ni Gela ngunit di sumagot ang binata.

“I am really confused. Di ko alam ang gagawin ko. Remember nung christmas eve? Nung may sasabihin sana ako pero may dumating na dakilang epal?” tanong ni Nico at natawa si Gela.

“The truth is, teka ewan ko kung dapat ko pang sabihin.” Sabi ni Nico at tiningnan siya ng masama ni Gela.

“Owkie sabi ko nga sasabihin ko. Kasi ganito yan. I still love you. Sabi ko dati i LOVED you pero di totoo yon. I still love you up to now. Kung gusto ko pwede kitang ligawan pero alam mo kung bakit ayoko? Kasi right now I don’t now what’s the right thing to do. I love you, totoo yon, but I also love her. At kung sakaling magiging tayo man, di ko rin alam kung magiging masaya ako, kasi una, I love Misa very much, at pangalawa, di ko maiiwasang makaramdam ng guilt.” Sabi ni Nico ngunit tahimik lang na nakikinig ang dalaga. Humawak si Gela sa balikat ng binata at hinawakan naman ni Nico ang kamay ng kaibigan.

“Gela, I am not telling you to wait for me untill I’m ready. Alam mo naman na I want you to be happy. Baka kasi maghintay ka sa wala. I love you and i will be happy kung may lalaki na magmamahal sayo tulad ng pagmamahal ko.” Sabi ni Nico.

“Best, alam mo. Masaya talaga ako sa mga sinabi mo sa akin ngayon. Honestly. Even if it couldn’t be us, masayang masaya parin ako knowing the fact that you love me.” Sabi ni Gela. Bumaba siya sa kama niya at tumabi kay Nico sa sahig.

“If we’re really meant to be just friends, then lets be just friends. We could still do things naman that normal friends cant do right?” tanong ni Gela.

“Uhm, like what?” tanong ni Nico ngunit bigla siyang hinalikan ni Gela. Nagulat ang binata ngunit di na pumalag pa. Matapos ang ilang segundo ay kumalas ang dalaga. Nanatiling nakadilat ang mga mata ni Nico at tila di makapagsalita.

“I’m sorry. I am just so happy di ko mapigilan ang sarili ko.” sabi ni Gela.

“O-okay lang. Next time naman magpaalam ka.” Biro ni Nico at natawa si Gela.

“Isa pa?” tanong ng binata.

“Abuso ha.” Sabi ni Gela at natawa si Nico.

“Please?” sabi ni Nico at bigla na lang siyang hinalikan ni Gela. Handa na ang binata sa pagkakataong ito. Pareho silang nakapikit. Parehong nilalasap ang sandaling yon.

Matapos ang ilang sandali ay parehong kumalas ang dalawa at napangiti.

“Friends forever.” Bulong ni Gela. Napangiti si Nico at hinawakan ang kamay ng dalaga.

“Friends with no limits.” Biro ni Nico.

“Che! Meron din ano.” Sabi ng dalaga at natawa si Nico.

Back in the city, sa apartment ng mga boys, nakaupo si Paul sa sofa. May hawak siyang mga papel at binabasa ang mga ito. Halos isang oras niyang pinagaaralan ang mga papel nang naisipan niyang magluto ng makakain. Pagtayo niya ay narinig niyang nagbukas ang pintuan ng katapat na apartment. Nagulat siya nang makita si Aya na lumabas at umalis. Gusto sana niyang kausapin ang dalaga ngunit nag alangan siya. Tumalikod na lang siya at naglakad papunta sa kusina.

Kinagabihan, naupo si Paul sa bench sa tapat ng apartment habang nag gigitara. Matapos ang ilang minuto ay nagbukas ang gate. Pilit niyang inaninag kung sino ito at nakita niya si Aya. Papasok sana siya para umiwas ngunit huli na ang lahat. Natawa na lang siya sa sarili niya at nagpatuloy sa pagtugtog. Nagkunwari siyang di napansin ang gate at nakatinign lang sa gitara niya.

“Uhm Paul?”

“Ah, Aya ikaw pala.” Sabi ng binata.

“Akala ko kung sino. Buti naisipan mong magpagupit? Bagay mo.” Sabi ni Aya.

“Ah, mainit kasi yung mahabang buhok.” Sabi ni Paul.

“Pwedeng makiupo?” tanong ni Aya at umusog si Paul. Naupo si Aya sa tabi ng binata.

“Buti andito ka?” tanong ng dalaga.

“Ah, kasi may meeting kami about sa thesis eh. Eh ikaw?”

“Same. Thesis din. Ako kasi yung leader eh.” Sabi ni Aya.

“Talaga? Ako di naman ako yung leader pero lets say parang assitant leader.”

“Ah, so may manuscript na kayo?” tanong ni Aya at napakamot si Paul.

“Wala pa nga eh. Bukas mag memeeting kami. E kayo?”

“Chapter 1 and 2 pa lang.” Sagot ni Aya.

“Wow. Teka bakit ba natin pinaguusapan to? Natotoxic lang tayo eh.” Sabi ng binata.

“Oo nga noh. Well, kumusta naman ang pasko mo?”

“Ako? Okay naman. Doon nga ako nagpasko kina Nico eh. Di ko kasi matiis yung sweetness nina Mama. Kaya umalis ako. Grabe parang ilang taon di nagkita eh 2 months lang namang wala si Daddy.” Paliwanag ni Paul at natawa si Aya.

“Grabe ka naman. Syempre they love each other.”

“Sabagay. I guess i just dont understant kaya ako umalis.” Sabi ni Paul.

“Or maybe I’m just jealous.” Habol ni Paul.

“Ha? Paano?” tanong ni Aya.

“Ah, wala. Di ko lang talaga sila maintindihan. Eh ikaw kumusta naman pasko  mo?”

“Okay lang din. Masaya. Marami kasi kami nag celebrate eh.” Sagot ni Aya.

“Di kayo magkasama ni Marvin?” tanong ni Paul.

“Hinatid lang niya kami. Nahiya nga ako kasi di yata siya umabot ng 12 am sa kanila. Medyo malayo kasi yung sa amin eh.”

“Ah, okay lang ano. Sure ako di naman siya nagsisi. Its his responsibility to keep you safe. Kung ako siya yun din ang gagawin ko sayo.” Sabi ni Paul. Nagulat ang binata sa nasabi niya kaya agad siyang nagpalusot.

“I mean, kung sakaling ako yung kasama mo. Ihahatid kita, as a friend kasi syempre iisipin ko naman na paano kung may nangyari sayo diba? Wala akong ibang ibig sabihin doon ha. Kahit naman sino siguro ihahatid ko basta niyaya kong lumabas. Hinatid ko nga sina Nico eh. I mean-“

“Oo na gets ko na.” Sabi ni Aya habang natatawa. Natawa rin si Paul sa dalaga. Matapos nito ay ilang sandaling natahimik ang dalawa.

“Paul, about what i said noon sa resort. I just want you to know na di ko sinasadya yon.” Sabi ni Aya.

“Aya, no need to bring up that topic. I understand. Tapos na yon.” Sabi ni Paul.

“No, alam kong di pa tapos yon. Feeling ko iniiwasan mo ako eh. And I myself feel akward pa rin.” Sabi ng dalaga.

“Ako, lahat ng sinabi ko doon, totoo yon.” Sabi ni Paul at napatingin sa kanya ang dalaga. Napansin niyang tila nagiisip ang binata. Ilang sandali pa ay napangiti ito.

“Aya, I’m sorry.”

“Sorry for what?” tanong ng dalaga.

“I just changed my mind.”

“Ha?” pagtataka ng dalaga.

“Diba sabi ko I always find positive things out of the negative?”

“Oo, so?” tanong ng dalaga.

“Aya, you know I love you right? I just don’t now if you feel the same.” Sabi ni Paul at hinawakan ang kamay ng dalaga. Nagulat si Aya at ramdam niya ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso.

“Aya, I love you. At di pa ako nawawalan ng pagasa.”

“Wha-what do you mean?” tanong ng dalaga.

“Look at your hand.” Sabi ni Paul at tumingin naman ang dalaga.

“See? No rings.” Sabi ni Paul.

“I won’t give up on you. Pero di ako masamang tao. Di ko kayo guguluhin. Pero magiingat siya. May gawin lang siyang konting mali sayo, saktan ka lang niya ng konti, paiyakin ka lang niya, kahit isang luha lang, aagawin kita sa kanya.” Sabi ni Paul at tumayo.

“I will be waiting for you.” Sabi ni Paul sabay naglakad papunta sa pintuan nila. Mabagal lang ang lakad niya at feeling niya para siyang bida sa isang pelikuka na gumagawa ng isang madramang exit.

“Paul!” sigaw ni Aya. Napalingon naman ang binata.

“Gitara mo naiwan mo.” Sabi ng dalaga.

“Ay, sorry.” Sabi ni Paul habang nagkakamot ng ulo. Bumalik siya kay Aya at inabot naman sa kanya ng dalaga ang gitara.

“Kainis nasira tuloy yung dramatic exit ko.” Sabi ni Paul at natawa si Aya.

“Sira.” Sabi ng dalaga. Tumalikod na si Paul at naglakad papunta sa pinto. Bago pumasok ay muli siyang lumingon sa dalaga.

“Late na. Pasok ka na rin. See you tomorrow.” Sabi ni Paul at tuluyan nang pumasok ng pintuan. Nanatili namang nakaupo doon si Aya. May kakaibang ngiti ang gumuguhit sa kanyang mga labi. Di niya maipaliwanag kung bakit masaya siya sa mga oras na yon.

Bisperas na ng bagong taon at naisipan ni Misa na magshopping. Nagtungo siya sa mall kasama ang Mama niya. Dahil sa gustong mamili ng mga damit ng dalaga, iniwan muna niya ang Mama niya sa supermarket.

Pagkatapos mamili ay pabalik na sana ang dalaga nang may biglang tumawag sa kanya.

“Melissa!” sigaw ng isang babae. Agad napalingon ang dalaga at napangiti.

“Patricia!” sigaw ni Misa at pareho silang natawa.

“Oh sige, Misa na lang. Long time no see couz!” sabi ni Trish.

“Ikaw naman. Mga two months pa lang naman.” Sagot naman ni Misa.

“I heard about what happened.” Sabi ni Trish at nabura ang ngiti sa mukha ni Misa.

“I thought matino siya. After what happened sa resort.” Dagdag ng dalaga.

“Yeah. Akala ko rin. Pero okay na tapos na eh.”

“So wala ka nang planong balikan siya?” tanong ni Trish at umiling si Misa.

“Okay. Para mabawasan ang sadness mo. Tara shopping tayo. My treat!” sabi ng pinsan ni Misa.


“Eh kasama ko si Mama eh.”
“Eh di magpaalam tayo. Akong bahala malakas ako kay tita.” Sabi ni Trish at pumayag naman si Misa.

Ilang oras na lang as sasapit na ang bagong taon. Nagsama sama ang pamilya nina Gela, Paul at Kiko sa bahay nina Nico para ipagdiwang ang nalalapit na bagong taon. Kumpleto na ang lahat maliban kay Paul na uuwi pa lang galing sa city.

8pm na nang makarating si Paul. Huminto ang sasakyan niya sa tapat ng bahay nina Nico. Agad namang tumakbo Sina Nico, Chics at Kiko para salubungin ang binata. Nagulat ang tatlo nang may kasamang bumaba si Paul sa sasakyan na isang batang babae.

“Tol? Anak mo?! Kailan pa?! Bakit di mo sinabi?! Sinong Nanay?!” sigaw ni Nico at natawa si Paul. Ilang sandali pa ay bumaba rin si Danica na medyo nahihiya pa.

“Danica? Anak niyo ni Paul?” sabi ni Nico at binatukan siya ng kaibigan.

“Sira! Kapatid to ni Danica. Si Lala.” Sabi ni Paul.

“Ah. Teka bakit andito sila?”

“Eh kasi may urgent business daw yung parents nila kaya umuwi na lang sila. Eh yung mga kuya niya, ayun nasa mga barkada nila. Alangan naman silang dalawa lang ang mag celebrate ng new year diba? Kaya sinama ko na.” Paliwanag ni Paul.

“Ah. Okay. Oh tara pasok. Danica kumain na ba kayo? Maraming pagkain sa loob tara.” Sabi ni Nico at pumasok na silang lahat.

Maingay sa loob ng bahay nina Nico. Pinagkakaguluhan ng lahat si Lala pagkat napaka cute at bibo nito. Nakipaglaro siya sa mga nakababatang kapatid nina Nico at Gela. Si Danica at Gela naman ay masayang tumutulong sa paghahanda ng mga pagkain habang ang mga boys ang nag gi-grill ng barbeque sa garden area.

Halos isang oras na lang bago sumapit ang bagong taon. Handa na ang lahat at ang hinihinay na lang nila ay ang pagsapit ng alas dose. Nakatambay ang magkakaibigan sa garden habang pinapanuod ang mga batang naglalaro.

“Kuya Nick, bakit walang leche flan?” tanong ni Kiko.

“Ah, talagang pinatago ko. Mahirap na, baka wala pa mang new year maubos na. Andito kasi si Paul eh.” Sabi ni Nico at natawa sila.

“Aha! Kaya pala wala akong makita! Akala ko inubos mo na. Makapasok nga sa loob at mahanap yung leche flan na yun.” Sabi ni Paul.

“Hoy tol! Matuto kang mag hintay!”

“Alam ko. Joke lang. Ako pa? Di ko naman talaga hahanapin yun eh. Never.” Sabi ni Paul at napalingon sa may pintuan palabas ng garden. Nakita niya si Danica na papunta kay Lala at may dala dalang leche flan.

“Shit! Meron na!” sabi ni Paul sabay takbo papasok sa bahay. Agad ring tumayo si Nico at Kiko at tumakbo rin papasok.

“Oh san pupunta yon?” tanong ni Gela na kararating lang.

“Ah, nagunahan sa leche flan.” Sagot ni Chics.

“Hay. Di na sila nagbago.”

Sumapit na ang alas dose at masayang nag tipon tipon ang lahat sa garden area. Tulad nong pasko, may mga paputok na rin na nakahanda ngayon pero mas marami ito. At tulad ng dati ay isa isa nilang sinindihan ang mga paputok. Naupo lang ang magkakaibigan habang pinagmamasdan ang magagarbong fireworks display.

Pagkatapos ng putukan ay masayang nagsalo salo ang lahat. Di na nahihiya si Danica dahil kasama rin naman niya ang mga kaibigan niya. Pagkatapos ng salo salo ay kanya kanyang kwentuhan ang lahat. Sa isang sulok sa bahay naupo si Paul at Danica. Nakatulog na si Lala sa sobrang pagod.

“Pao, kumusta si Nico?” tanong ni Danica.

“Ayun, kahit papano okay na rin. Ikaw kumusta ang pasko mo?” tanon naman ni Paul.

“Masaya. Para sa akin naman kasi basta kumpleto kami nasaya na ako eh.”

“Sayang hindi sila ang kasama mo sa new year ano?”

“Oo nga eh. Pero okay lang. Thanks to you, naging masaya pa rin ang new year ko.” Sabi ni Danica at napangiti si Paul.

“Mas masaya rin sana kung andito si Misa. Close kayo nun eh.” Sabi ni Paul.

“Oo nga. Pero okay lang. Mabait rin naman si Gela eh.”

“Ahm, Aiks, nagusap nga pala kami ni Aya.” Sabi ni Paul.

“Anong pinagusapan niyo?”

“Remeber yung sinabi ko sayo dati? Na hindi ko siya ipe-persue? Well, nagbago na ang isip ko at sinabi ko sa kanya yon.” Sabi ni Paul at unti unti nang naramdaman ng dalaga ang namumuong kirot sa kanyang dibdib.

“So, what’s your point?”

“I told her that i wont give up on her. That I will wait until she’s free.” Sabi ni Paul.

“Good for you.” Mahinang tugon ni Danica.

“Aiks okay ka lang?”

“Yup. Inaantok na ako eh. Pahinga na ako okay lang? Sundan ko na si Lala sa guest room.” Sabi ni Danica.

“Tara hatid na kita.”

“No I’m okay. Puntahan mo na lang sina Nico.” Sabi ni Danica sabay tayo.

“Goodnight Pao.”

“Goodnight Aiks.”

Samantala, si Gela naman ay abala sa paghahanap sa bestfriend niya. Pagkatapos kasi ng kainan at fireworks display ay bigla na lang itong nawala. Tiningnan na niya ito sa kwarto nito ngunit wala siya doon. Halos nalibot na niya ang buong bahay ngunit di pa rin niya makita si Nico.

Naisipan niyang umakyat sa attic at magbaka sakali. Ngunit nang makarating siya doon ay wala siyang nakitang tao. Pero nakita niyang nakabukas ang isang bintana na papunta sa bubungan. Sa mga oras na iyon ay halos sigurado na siya kung nasaan ang kaibigan. Lumabas siya sa bintana at nagtungo sa bubungan. Doon, nakita niya si Nico na nakaupo at nakatingin sa langit. Lalapitan sana niya ito ngunit may napansin niya umiiyak ito. Gusto niyang damayan ang kaibigan ngunit naisip niyang mas mabuti na lang kung iiwan niya muna ito. Dahan dahan siyang bumaba at bumalik.


Tuesday, December 21, 2010

Chapter 18: Christmas Break - Coping

Sorry sa delay. Mahirap po kasi magsulat at magreview for prelims at the same time. Dagdag pa ang requirements. And unfortunately hanggang sa christmas break ay binabangungot ako ng mga requirements na to.... Pero I will still post updates as fast as i can. Thanks at pasensya na sa paghihintay... ^^

A Wonderful Life
By: Nico and Paul


Chapter 18: Christmas Break - Coping

Isang malamig na gabi ay nakatambay si Nico at Paul sa taas ng terrace. Damang dama na ang nalalapit na pagsapit ng pasko dahil sa malamig simoy ng hangin.

“Tol, di pwede yung christmas party sa 26. Maraming may lakad sa kanila with the family. Sa 22 na lang. kasi aalis si Danica sa 23 eh. Okay lang?” tanong ni Paul ngunit parang walang narinig si Nico.

“Tol! Nakikinig ka ba?”  sigaw ni Paul at napatingin sa kanya si Nico.

“Oo nakikinig ako. Pasensya na. Sige kayong bahala.” Sagot ng binata at napabuntong hininga na lang si Paul.

“Sino ba nabunot mo?” tanong ni Paul.

“Si Danica. Ano bang gusto niya?” tanong ni Nico.

“Stuff toy.” Sagot ni Paul at natawa si Nico.

“Stuff toy? Ilang taon na ulit siya? Baka gusto din niya ng Barbie.” Banat ni Nico at natawa si Paul.

“Aba, bumabanat ka na ah. Parang walang nangyari ah.” Biro ni Paul at natahimik ang kaibigan niya.

“Ay, sorry.”

“Sus wala yon. Totoo stuff toy? Sino pala nabunot mo?” tanong ni Nico na halatang umiiwas sa topic. Agad naman itong na gets ni Paul.

“Oo naman. Mahilig talaga siya doon. Pwera na lang sa Barbie baka ihampas niya sayo yon.” Sabi ni Paul at natawa si Nico.

“Ang totoo kong nabunot si Aya. Akalain mo. Pero nakipagpalit ako kay Danica kaya si Ysa yung sa akin.” Paliwanag ni Paul.

“Bakit ka nakipagpalit? Akala ko okay na kayo after that resort incident?”

“Duh? Oo naguusap kami pero akward pa din. At isa pa nakakahiya naman kay Marvin.”

“Nakakahiya?”

“Ah basta! Oh sa 22 na ah? Text ko na sila. Bili na tayo ng gift bukas.” Sabi ni Paul at tumango lang si Nico.

Sa bahay ng mga agoncillo, nakahiga si Misa sa kama. Excited siya pagkat darating ang papa niya sa sa pasko. Ilang pasko na rin kasi ang lumipas mula nang huli niyang nakasama ang papa niya para sa pasko. Nakahiga lang ang dalaga at nakikinig ng music nang biglang nag ring ang phone niya.

“Hello Vince?”

“Misa, musta?” tanong ni Vince.

“Okay lang. Napatawag ka?”

“Wala naman. Kinukumusta ka lang. How are you doing?” tanong ng binata.

“Tinranslate mo lang yung kumusta eh.” Sagot ng dalaga at natawa si Vince.

“Hindi kaya. Iba kaya sila.”

“Oo nga pero parang pareho lang yung thought.” Paliwanag ng dalaga.

“Hindi kasi ang ibig kong sabihin, how are you doing pagkatapos nung gabing yon?”

“Anong gabi?”

“Hay nako. Alam mo na.” sabi ni Vince at natahimik si Misa.

“Misa?” tanong in Vince ngunit di sumagot ang dalaga.

“Don’t tell me you’re crying again.” Sabi ni Vince.

“I’m okay. Let’s just not talk about it.” Sagot ng dalaga.

Magdamag nagusap ang dalawa sa phone hanggang inantok ang dalaga. Binaba na ni Vicne ang phone. Naupo si Misa sa kama niya at pinagmasdan ang picture frame kung saan nakalagay ang mga pictures niya. Mga pictures na kinuha ng lalaking minahal niya.

Sumapit ang December 22 at masayang nagtipon tipon ang barkada sa apartment nina Gela. Maraming pagkain ang nakahanda at maingay sa loob. Nagsasaya ang lahat maliban kay Nico na pinapanood lamang sila. Napansin naman ng iba ito ngunit di na nila pinansin.

Pagkatapos ng kainan ay nag exchange gift na sila. Masaya ang lahat at halatang excited buksan ang mga regalong natanggap.  Nang natanggap na ng lahat ang mga regalo nila ay sabay sabay nila itong binuksan.

Nakatanggap si Nico ng bagong relo galing kay Claire. Nagustuhan naman ni Danica ang regalong stufftoy ni Nico. Si Paul naman ay nakatanggap ng underwear galing kay Kiko. Tiningnan niya ng masama si Kiko ngunit nagtago ang binata sa likod ni Aya. Nagustuhan ng lahat ang mga regalo nila, maliban syempre kay Paul. Pagkatapos mag palitan ng regalo ay nag tuloy ang kanilang kasiyahan.

Sumapit ang gabi at isa isang na silang nagsi-uwian. Nag impake na rin ang mga boys at girls sa apartment pagkat uuwi sila sa kani-kanilang mga bahay. Kinabukasan, Isa isang umuwi ang mga girls. Sa mga boys naman ay nauna si Kiko. Sabay nang umuwi sina Nico, Chics at Paul pagkat magkalapit lang ang mga bahay nila.

Bisperas ng pasko at nakita kita nanaman ang apat. Tradisyon kasi nila na magpunta sa huling araw ng simbang gabi sa isang malawak na grandstand sa isang park. Nakarating na sila sa isang malawak na park kung saan gaganapin ang huling araw ng simbang gabi.

Noong mga bata pa sila ay di sila nakikinig sa misa at walang inatupag kundi mag libot at magkulitan. Ngunit ib ang sitwasyon ngayon, tahimik na nakikinig ang apat sa bawat sinasabi ng pari.

Pagkatapos ng simbang gabi ay naisipan nilang tumambay muna pagkat maaga pa naman. Naupo sila sa isang bench at tahimik na pinagmamasdan ang mga taong naglalakad.

“Tol tingnan mo sila. Ang sasaya nila ano?” sabi ni Nico.

“Oo nga.” Sagot ni Paul at napatingin kina Kiko.

“Saya nila grabeee!” Sabi ni Kiko habang nakangisi.

“Oh sige kayo na lang masaya!” sabi ni Paul at natawa si Nico.

“Di naman. Oo nga masaya kami pero syempre hindi masayang masaya. Somehow naapektohan din kami ng mga problema niyo ano.” Sagot ni Kiko.

“Oo nga. Feeling ko may kulang. Eh masaya naman kami ni Claire. Pero ngayon alam ko na. Kasi parang may kulang. I mean sa inyong dalawa. Unlike dati puro tayo kalokohan.” Sabi naman ni Chics.

“Bakit? Sinong nagsabing wala na tayong kalokohan ngayon?” tanong ni Paul at napatingin sa kanya si Kiko at Chics habang nagpipigil naman ng tawa si Nico.

“Bakit? Ano nanamang ginawa niyo?” tanong ni Chics. Sinenyasan siya ni Paul na pasimpleng tingnan ang likod ni Kiko. Sumunod naman ang binata at pilit pinigilan ang sariling matawa dahil sa nakita niya.

“Paul ano nanamang ginawa niyo?” tanong ni Kiko.

“Wala Kiks. Nagbibiro lang siya. Walang kalokohan this time. Tara na para umabot tayo ng 12 am sa mga bahay natin.” Sabi ni Nico at tumayo ang apat.

“Duda ako sa dalawang to eh.” Bulong ni Kiko kay Chics at natawa na lang ang binata.
Napansin ni Kiko na tumatawa ang ilang nadadaanan nila kaya talagang nabahala na siya.

“Bakla!” sigaw ng ilang mga babae na nadaanan nila. Napalingon si Kiko ngunit diretso lang ang tingin ng mga kasama niya habang naglalakad.

“Huh! Bakla  daw.” Sabi ni Kiko kay Chics at nag astang siga habang naglalakad. Lalong natawa si Chics sa inasta ng pinsan.

Habang naglalakad ay lalo lang napapnsin ni Kiko ang mga taong tumawa sa tuwing madadanan niya sila. Pinasok niya ang dalawa niyang kamay sa kanyang bulsa at itinaas ang kanyang noo at lalo pang nag astang siga.

“Lintik. Ano kayang tinatawanan nila?” tanong ni Kiko.

“Aba, malay namin. Palibhasa kasi mukha mo palang nakakatawa na.” sabi ni Paul.

“Shaddap! Sa gwapo kong to?”

“Hay! Kung gwapo ka then bakla na lang kami.” Sabi ni Nico.

“Kuya Nick para namang di tayo mag pinsan niyan eh. Kampihan mo naman ako.”

“Yun na nga eh. Kampi ako sayo kaya ayaw kong lokohin mo ang sarili mo. So as early as now you have to face the truth and it is about your face. Kailangang harapin ang katotohanan Kiko. Oo, nasa denial stage ka pa pero kaya nga kami andito eh. Para suportahan ka. Alam kong masakit na mapabilang sa grupo ng mga gwapo. Kaya minsan feeling mo ikaw din ganon pero bawat isa sa atin ay unique. Ano ngayon kung PANGIT ka? Kung PANGIT ka tanggapin mo! Kung PANGIT ka okay lang! At least minahal ka ni Ysa. Kung PANGIT ka, PANGIT ka at wala ka nang magagawa pa doon.” Banat ni Nico at natawa si Paul at Chics. Biglang huminto sa kakatawa si Paul at Chics at nagtaka si Nico.

“Oh anong meron?” tanong niya.

“Aray! Aray!” daing ng binata at tawa naman ng tawa ang tatlo niyang kasama.

“Ikaw ha! Palagi mo na lang pinag titripan si Kiko!” sabi ni Gela.

“Aray! Gela ikaw pala! Aray masakit!” sigaw ni Nico ngunit di tumigil ang dalaga.

“Kayo! Tawa tawa kayo diyan, isa pa kayo!” sabi ni Gela at natahimik si Paul at Chics.
Si Kiko naman ang natawa pero nakaramdam siya bigla ng hapdi sa likod niya.

“Aray!” sigaw ni Kiko. Lumingon siya at nakita niya si Claire at si Ysa naman na may hawak na papel.

“Bakit nasa likod mo to?” tanong ng Ysa.

“Malay ko! Bakit mo ako tinapik sa likod? Ang sakit ah!”

“Kinuha ko lang kaya to. Ano ba to? ‘BAKLA AKO! Ako Ako Ako…’” basa ni Ysa sa sulat. Nanlumo si Kiko sa nakita niya at napatingin kay Paul. 

“Shet! Kaya pala! Kailan pa?” tanong ni Kiko.

“Pagbaba natin sa sasakyan.” Sabi ni Paul habang nakangisi.

“Shet! Kaya pala nakangisi yung mga tao. Akala ko masaya lang pasko nila lintik ako pala yung tinatawanan. Padrama drama pa kayo ni Kuya Nick. Shet!” sabi ni Kiko.

“Ikaw talaga Best! Wala kang patawad!” sigaw ni Gela.

“Ba-bakit ako? Si Chics kaya!” sabi ni Nico at nanlaki ang mga mata ni Chics nang tiningnan siya ng masama ni Gela.

“A-anong ako? Si Paul!” tanggi ni Chics.

“Ha? Ano bang pinagsasabi niyo? Si Kiko kaya!.” Sabi ni Paul at binatukan siya ni Gela.

“Kiko ka diyan!” sabi ng dalaga at natawa ang lahat.

“Hoy Chics wag kang mag deny. Nakita mo na yung papel pero di mo inalis!” sabi ni Paul.

“Eh, nakakatawa kaya.” Sagot naman ng binata.

“Traydor!” sigaw ni Kiko at nagtawanan ang mga babae maliban kay Gela.

“Hay nako! Kayo talaga! At anong pangit pinagsasabi niyo ha? Walang pangit sa lahi natin.” Sabi ni Gela.

“So, hindi natin kamaganak si Kiko?” Biro ni Nico at kinurot siya ni Gela sa braso.

“Aray joke lang!”

“Tumigil nga kayo!” sigaw ni Gela.

“Kuya talaga. Eh ang gwapo kaya nitong baklang to.” Lambing ni Ysa kay Kiko at natawa ang mga boys.

“Bakla!” sigaw ni Paul at nagtawanan ang lahat.

“Guys, Since maaga pa, ayaw niyong kumain muna sa bahay?” tanong ni Claire at agad namang pumayag ang lahat.

Nagtungo sila sa bahay nina Claire. Naglakad lang sila pagkat malapit lang ito. Walang masyadong tao sa bahay ng dalaga ngunit napakaraming pagkain.

“Oh wag masyadong kumain baka di na tayo makakain mamaya.” Sabi ni Gela.

“Ako? Di makakakain mamaya? Gela kilala mo ba kung sinong kausap mo ha?” tanong ni Nico.

“Che! Tigilan mo ako!” sabi ni Gela at natawa si Nico.

Matapos ang salo salo ay umalis na sila. Nagpaalam na rin si Chics kay Claire. Hinatid muna nila si Kiko sa bahay nila pagkat malapit lang ito. Nagpaiwan naman si Ysa pagkat nagpasundo siya kay Aya at Marvin.

“Gela, san kayo magpapasko?” tanong ni Nico.

“Sa inyo.” Sabi ng dalaga.

“Ha?”

“Sabi ni Papa doon daw kami sa inyo. Matagal na daw niyang di nakakausap ang Daddy mo eh. Alam mo na busy.” Sagot ng dalaga.

“Hay nako. Maingay nanaman sa bahay. Sigurado andon yung kapatid mong makulit. Tapos si yung kapatid ko pa.”

“Okay lang yan. Its been 5 years since Papa and Tito spent Christmas together. Alam mo naman ang mag bespren na yon.” Sabi ni Gela.

“Oo nga. Magiinuman yung mga yon sigurado.” Sabi naman ni Nico.

“5 years? Eh diba walking distance lang yung mga bahay natin? Bakit ganon katagal?” tanong ni Paul.

“Busy kasi. Nagpapasko lang si Papa sa bahay sandali tapos aalis na.” sabi ni Gela.

“Ay tol, umuwi ba Daddy mo?” tanong ni Nico.

“Oo eh. Kaya baka di ako makapunta sa inyo. Shet di ako makakakain ng Leche Flan! Si Mama kasi ayaw gumawa. Tataas daw sugar nila.”

“Okay lang yan. Punta ka ng madaling araw siguro naman tulog na sila non.” Sabi ni Nico.

“Oo nga yun nga yung plano ko. At isa pa yung cake ng mommy mo gusto ko ring matikman.” Sabi in Paul.

“Oo, pero yun ay kung may matitira pa. Alam mo namang favorite ko rin yung Leche Flan.” Sabi ni Nico.

“Ahm, tol, ibangga ko na ba tong kotse?” biro ni Paul.

“Lalo kang di makakakakain.” Sagot naman ni Nico at natawa si Gela.

Wala pang isang oras ay nakarating na sila sa bahay nina Nico. Bumaba ang dalawa habang si Paul naman ay dumiretso sa kanila.

Pumasok ang dalawa sa bahay at nadatnan ang kasiyahan sa loob. Maraming pagkain at nagtatakbuhan ang mga kapatid nila sa bahay. Masaya ring nag kukwentuhan ang mga magulang ng dalawa. Agad nilang pinuntahan ang mga ito at binati sila.

“Oh! Nandito na pala tong dalawang to. Kumain na ba kayo?” Tanong ng Daddy ni Nico.

“Di pa. Sige Dad kain lang kami. Tito maiwan muna namin kayo.”

“Anong di pa kumain?” bulong ni Gela.

“Di pa naman talaga. Snack lang yung kina Claire.” Sabi ni Nico at natawa ang dalaga.

“Aba teka. Gela di mo man lang ba yayakapin ang papa mo?” sabi ng Papa ni Gela.

“Yiih Papa nakakahiya.” Reklamo ni Gela.

“Hay nako Joel tingnan mo nga naman ang mga anak natin pag lumaki na kinakahiya na tayo.” Sabi ng Papa ni Gela.

“Alam mo Dan, ganyan talaga ang mga kabataan. Hayaan mo na at pagod ang mga yan. Mamaya na ang kwentuhan at kumain muna kayo doon. Nico samahan mo si Gela puntahan niyo mommy mo nasa kusina.” Sabi ni Joel.

“Sige Dad. Tito Dan mamaya na lang po.”

“Sige po Tito.” Sabi ni Gela at naglakad paalis.

“Tsk! Iniisnab na lang ako ng anak ko. Di man lang nagpaalam sa akin! Hmmp!” biro ni Dan at natawa naman ang kumpare niya.

Nagtungo ang dalawa sa kusina. Nakita nila ang Mommy ni Nico na gumagawa ng dessert.

“Oh Nico. Andito na pala kayo. Si Intsik?” sabi ng Mommy ni Nico at natawa si Gela.

“Ah, si Chics? Dumiretso sa taas maliligo daw muna siya.”sabi ni Nico.

“Hi Tita Rose. Asan si Mama?” tanong ni Gela.

“Ay, nagpunta sa bahay niyo sandali kinuha yung mango float. Kain na kayo. Nico samahan mo si Gela kain na kayo diyan habang hinihintay yung dala ni Tita Vivian mo.” Sabi ni Rose at nagtungo na ang dalawa sa dining area.

Pagkatapos kumain ay tumambay muna ang dalawa sa sala at nakipaglaro sa mga kapatid nila. Bukod kay Chics, may dalawa pang nakababatang kapatid si Nico habang si Gela naman ay may isang nakababatang kapatid na babae.

Hinanap si Gela ng Papa niya kaya hinila niya si Nico at nagtungo ang dalawa sa kwarto ng binata.

“Hay nako Gela. Tawag ka ni Tito, bakit andito tayo?”

“Yiih! Ayoko.” Reklamo ni Gela.

“Bakit ba kasi?”

“Eh binababy kasi ako nun eh nakakahiya kaya.” Sabi ng dalaga.

“Hay. Ikaw talaga. Na miss ka lang ng Papa mo. Anyway, tara baba na tayo.”

“Mamaya na. Dito muna tayo ang ingay sa baba eh.” Sabi ni Gela at tumingin tingin sa kwarto ng pinsan.

“Wala ka namang binago sa kwarto mo.”

“Bakit ko babaguhin eh ikaw ang nag ayos nito?” sabi ni Nico at napangiti si Gela. Nagkalad ang dalaga papunta sa kama ng binata at nahiga. Naupo naman si Nico sa sahig.

“Best, okay naman ba ang Christmas mo ngayon?”

“Ha? Bakit mo natanong?”

“Alam mo na. I mean, without her.” Sabi ni Gela at napabuntong hininga si Nico.

“Honestly, I feel incomplete. Pero okay na rin. Andyan ka naman eh.”

“Ano ako panakip butas ganon?” tanong ni Gela at natawa si Nico.

“Hindi kaya. What I mean is, kung wala ka siguro I’m totally shattered into pieces. Pero dahil kasama kita, Incomplete lang ako pero buo pa rin.” Paliwanag ni Nico at napangiti si Gela.

“Ang drama mo.” Sabi ng dalaga.

“Eh ikaw kasi inopen mo yung topic eh.” Sabi ni Nico. Ilang sandaling natahimik ang dalawa at parehong nakikiramdam.

“Best?”

“Hmm?”

“You still love her right?” tanong ni Gela at huminga ng malalim si Nico.

“Silence means yes.” Biro ng dalaga.

“Of course I still love her.”

“I see. So di mo ako i-coconsider?”

“Gela naman.”

“Joke lang.” sabi ni Gela at natahimik nanaman ang dalawa.

“Alam mo Gela, the truth is, I still,-“

“Still? Still what?”

“Alam mo na.” sabi ni Nico.

“Di ko alam sabihin mo na.” sabi ni Gela at napabuntong hininga si Nico. Magsasalita na sana siya ngunit biglang nagubukas ang pinto. Nagulat ang dalawa at napatingin sa pintuan.

“Tooool! May Leche Flan pa?!” sabi ni Paul. Nagkatinginan si Nico at Gela at parehong natawa.

“Anong ginagawa mo dito? Akala ko di ka makakapunta agad?”

“Eh kasi lovy dovey si Mama at Daddy. Ang sweet nila di ko matiis kaya umalis na lang ako.”

“Si Paul inggit lang.” tukso ni Gela.

“Ako? Duh?!” sabi ni Paul at binato siya ni Gela ng unan.

“Nag deny ka pa! Tara baba na tayo malapit na magpasko!” sabi ni Gela at bumaba na ang tatlo.

Nadatnan nila ang mga magulang sa may hardin nila na naghahanda ng mga paputok. Agad namang tumulong si Nico at Paul habang si Gela naman ay tumulong ilabas ang mga pagkain sa hardin.

Malapit nang sumapit ang pasko at handa na ang lahat. Isa isang sinindihan ng Daddy ni Nico at Papa ni Gela ang mga paputok habang nanonood ang iba. Magkatabing nakaupo si Nico at Gela habang katabi naman ni Paul si Chics. Nag enjoy ang lahat at nang maubos na ang paputok ay nagpatugtog naman sila. Halos 2 am na nang matapos ang kasiyahan. Umuwi na ang pamilya ni Gela habang naiwan naman si Paul para makipag kwentuhan kay Nico.

Kinabukasan, tanghali na nagising si Nico. Bumaba siya ng kwarto at nakitang nagbubukas ng regalo ang mga kapatid niya.

“Oh Nico kain na.” sabi ni Joel.

“Sige Dad mamaya na. Teka asan regalo ko?” tanong ni Nico at nagkatinginan ang Mama at Papa niya. Inabutan siya ng isang maliit na kahon. Binuksan niya ito at nakitang susi ang laman  nito.

“Wow susi. Pwede tong panlinis ng tenga.” Sabi ni Nico at natawa ang Mommy niya habang nagtaas naman ng kilay ang Daddy niya.

“Tara try natin yan.” Sabi ng Joel at lumabas sila. Nakita ni Nico na may SUV na nakapark sa labas ng bahay nila.

“Oh, Nico, yan ang regalo mo.” Sabi ni Rose.

“Wow Honda CR-V” matamlay na tugon ni Nico. Napatingin sa kanya ang mga magulang niya at nagtaas ng kilay. Napangisi si Nico at napakamot sa kanyang ulo.

“Ganyan ba ang tamang reaksyon anak?” tanong ni Rose.

“Wow!!! Shet! Honda CR-V!!!!!” sabi ni Nico at natawa ang magulang niya.

“That’s more like it. Yan ang gift namin pero di ibig sabihin niyan sayo yan.” Sabi ni Joel.

“Ha? Nagbigay pa kayo?”

“Pag graduate mo, sayong sayo na yan. Pero ngayon, gamitin mo muna.” Paliwanang ng Daddy niya.

“Dad di ba parang ganon na rin yon? Parang akin na rin?” tanong ni Nico.

“Oo nga noh? Basta! Sa graduation mo doon pa lang officially magiging sayo yan. For now use it as much as you want.”

Agad sumakay si Nico at ini-start ang sasakyan. Noong una ay balak lamang niya itong itest drive pero bigla na lang siyang bumiyahe pabalik sa city. Dahil nakapambahay lang at walang dalang gamit, nagtungo muna siya sa apartment. Walang tao doon kaya agad siyang nagtungo sa kwarto niya. Naupo siya sa kama at nakaramdam ng antok kaya naisipan muna niyang magpahinga.

Lumipas ang ilang oras at di niya namalayang nakatulog siya. Gabi na at tiningnan niya ang phone niya. Puno ito ng missed calls at text galing sa magulang niya, pati kay Gela at Paul. Di niya pala sila nasabihan at alam nila ay neg test drive lang siya. Agad niyang tinawagan ang Mama niya at nagpaliwanag.

Sumakay muli ang binata sa sasakyan at umalis. Balak na niyang umuwi pero may bigla siyang naisipang puntahan. Matapos ang ilang minuto, huminto siya sa tapat ng isang bahay. Sa bahay ng babaeng mahal niya. Tiningnan niya ito ngunit di siya bumaba ng sasakyan.

“Mimi, Merry Christmas.” Bulong niya sa sarili.

“I miss you so much.” Dagdag niya. Huminga siya ng malalim at pinaandar ang sasakyan.

Sa may binatana naman, napansin ni Misa ang nakapark na SUV sa tapat nila. Pilit niyang tiningnan kung sino ang tao sa loob ngunit bigla na lang itong umandar at umalis. Pinagmasdan niya ang sasakyan habang unti unti itong lumalayo, habang nagiisip kung sino ang nakasakay sa loob.