Tuesday, March 22, 2011

Chapter 22 - 2: University Days - Second Life

A Wonderful Life
By: Nico and Paul


Chapter 22 – 2: University Days – Second Life

Wednesday na at Nagumpisa na ang university days. Gabi pa naka sched ang performance ng banda kaya sina Paul at Danica lang ang nakanood sa mga games ng U-days habang pumasok naman sa kanilang mga klase ang iba. Pinanood din nila ang eliminations ng Badminton. Pasok si Misa sa semi-finals at masayang ibinalita ito ni Paul kay Nico.

5 pm nang magkita kita ang buong Second Life sa school. Kasama ni Nico sina Gela, Aya at Ysa na nagpunta para panuorin sila. Nasa auditorium ang lahat at muling itinugtog ng tuloy tuloy ang tatlong kanta. Pagkatapos nito ay nagtipon tipon lahat, kasama sina Gela. Dahil sa unang performance yon ng banda, naisipan nilang mag dasal.

Pagkatapos nito ay nagbihis na ang lahat, at isinuot ang kanilang Black and White attires. Handa na sila para sa kanilang performance.

“Trish, ready ka na?” tanong ni Nico.

“Of course. Malamang first time niyo pero this isn’t my first time playing on stage you know.” Sabi ng dalaga at napangiti si Nico.

“Phew. Tingin mo manunuod siya?”

“Don’t worry. Tinext ko siya at sinabi ko na pag di niya ako pinanuod magagalit ako sa kanya.” Sabi ni Trish at natawa si Nico.

6:30 na at 30 minutes na lang bago ang nakatakdang oras. Tila nakalimutan na nila ang kaba habang nag kukwentuhan sa auditorium. Ilang sandali pa ay pumasok ang student council at kinuha ang atensyon nila.

“Excuse me guys, pero its time. Please proceed sa covered court.”  Muling nakaramdam ng kaba ang banda nang marinig yon. Nagtinginan sila at tumayo na para pagtungo sa covered court.

“Good luck sa inyo.” Sabi ni Gela.

“Kaya niyo yan. Magagaling kayong lahat.” Sabi naman ni Aya.

“Go! Pag checheer ko kayo! Kiko ayusin mo ha!” sabi naman ni Ysa.

“Goodluck guys. Make the crowd go wild.” Sabi naman ni Claire. Napangiti naman ang lahat ng myembro ng banda at nagtungo na sa likod ng stage. Kanya kanya silang pwesto doon habang hinihintay na tawagin ang pangalan ng banda nila.

“So guys, this is it. This is really is it! Okay pa ba kayo?” tanong ni Paul.

“Yup, we’re good.” Sabi ni Nico.

“Di halata.” Sabi ni Trish.

“Ganon ba ko ka obvious?” tanong ni Nico at natawa sila.

“Anyway, kaya natin to. We practiced hard, so sure ako walang magkakamali.” Sabi ni Danica.

“Tama! The more you practice the less anxiety you will have.” Sabi ni Kiko.

“Pero ang daming tao. Grabe first time ko to, nangangatog ako.” Sabi ni Chics.

“You’ll be alright. Tandaan mo nanonod si Claire.” Sabi ni Paul at napangiti si Chics.

“LADIES AND GENTLEMEN!” biglang sabi ng MC. Nagtinginan naman sila at natawa.

“Eto na guys!” sabi ni Paul.

“WELCOME TO THE 36TH UNIVERSITY DAYS OF HOLY ANGEL UNIVERSITY FOUNDATION! EXCITING ANG MGA GAMES NGAYON HINDI BA? UMPISA PA LANG PERO MAINIT NA ANG MGA GAMES NATIN. AND SIYEMPRE, MASAYA DIN ANG MGA BOOTHS NA ITINAYO DITO SA UNIVERSITY. AND ALL THOSE FUN GAMES COULD SURE MAKE US TIRED. WE NEED TO UNWIND RIGHT? SO HOW ABOUT A LITTLE MUSIC?” sabi ng MC. Sigawan naman ang mga crowd.

“YOU WANT IT RIGHT? SO ETO. WEVE GOT A NEW BAND HERE, AND MIND YOU THEY ARE ALL GOOD LOOKING, SPECIALLY THE FEMALE MEMBERS. OH YOU HEARD THAT RIGHT, SO GUYS, GET READY!” sabi ng MC at lalong nag hiyawan ang mga tao.

“Maganda daw? Alam ko si Danica lang ang maganda dito ah.” Biro ni Nico. Agad naman siyang binatukan ni Trish.

"Excuse me! At sino ring nagsabi na gwapo ka?” sabi ng dalaga. Natawa naman ang lahat sa dalawa.

“ANYWAY, LET ME INTRODUCE THEM TO YOU. TWO MEMBERS OF THE BAND ARE FROM THIS UNIVERSITY. AND THEY ARE BOTH GENIUSES ALRIGHT. I TELL YOU THEY ARE JUST NEW BUT THEY CAN PRODUCE GOOD MUSIC. HANDA NA BA KAYO? YOU BETTER BE, DAHIL ETO NA SILA, EVERYONE, LETS WELCOME, SECOND LIFE!”

“Second Life daw Huy!” sabi ni Paul.

“Huy Kiks! Second Life daw!” sabi naman ni Nico.

“Ano ako lang lalabas?” tanong ni Kiko.

“Ano ba kayo, para kayong mga bata! Halina nga kayo!” sabi ni Trish. Lumabas si Trish kasama si Danica.

“OH, SO THESE ARE THE GIRL MEMBERS OF THE BAND. IM RIGHT AREN’T  I? THEY ARE REALLY GORGEOUS! ANYWAY, MUKHANG NA DELAY ANG MGA GUYS. SO LET ME INTRODUCE THEM AGAIN. GET READY FOR, SECOND LIFE!” sigaw ulit ng MC. Isa isang nagsilabasan ang mga boys say kumaway kaway pa.

“WE LOVE YOU PAPA PIOLO!” sigaw ng mga kaibgan ni Paul. Napangisi naman si Paul at todo kaway sa mga tao.

__

“Misa halika na dali! Maguumpisa na!” sabi ni Marrianne.

“Oo andyan na. Bakit ka ba nagmamadali? Parang excited ka ah.”

“Tara na kasi! Ang ingay na sa covered court oh! Baka maupuan na yung mga pinareserve natin kina Jane.”

“Oo na eto oh sapatos na lang kulang.” Sabi ni Misa.

Pagkatapos magayos ay nagtungo na ang dalawa sa covered court. Nagtungo sila sa mga upuan nila na nireserve ng mga kasama nila at naupo. Nakita ni Misa si Trish at Danica na nasa stage. Napangiti ang dalaga pero di niya alam kung bakit wala pa sina Nico.

“OH, SO THESE ARE THE GIRL MEMBERS OF THE BAND. IM RIGHT AREN’T  I? THEY ARE REALLY GORGEOUS! ANYWAY, MUKHANG NA DELAY ANG MGA GUYS. SO LET ME INTRODUCE THEM AGAIN. GET READY FOR, SECOND LIFE!”

Isa isang nagsilabasan ang mga boys. Namangha naman sina Misa sa suot nilang mga black and white attires.

“Ay shet sila yan? Ang poporma nila!” sigaw ng isang kasama ni Misa.

Sigawan ang crowd sa paglabas ng banda. Tila malakas ang charisma nila, dahil di pa sila tumutugtog ay maingay na ang mga tao. Isa isang pumwesto ang lahat at naghanda nang tumugtog.

“Good evening HAUF!” bati ni Paul.

“As you all know, taga dito ako sa school na to. Most of you may know me already, for those who doesn’t, Ill introduce myself. I am Paul, but you can call me piolo.” Sabi ni Paul at nagsigawan ang mga tao.

“Piolo lumayas ka diyan! Shoo!” sigaw ng mga kabarkada ni Paul.

“Ang kumontra di ko papakopyahin. So makisama okay?” sabi ni Paul.

“Anyway, Im the drummer, as you can see nakaupo ako dito ano. Si Nico naman over there is The vocalist. Trish and Chics on the guitars. And another famous personality dito sa school, si Danica, the bassist.” Sabi ni Paul.

“Psst! Paul! Ako!” sabi ni Kiko.

“Ay oo nga pala. And Kiko, the waterboy, este, keyboardist pala.” Sabi ni Paul at nagtawanan ang mga tao. Tiningnan naman ni Paul si Nico at sinenyasan ito. Humarap si Nico sa mga tao.

“Are you ready for some good music?!” sigaw ni Nico at nagsigawan ang mga tao.

“Then just sit back and enjoy.” Sabi ni Nico. Nagdilim ang buong covered court at ang tanging ilaw lang ay ang ilaw sa stage. Nagumpisa nang itugtog ng banda ang una nilang kanta.

 Natapos ng Second Life ang una at pangalawang kanta nila. Sigawan ang mga tao dahil sa performance ng banda. Todo palakpak ang lahat. Walang salisalit ay agad inumpisahan ng Second Life ang final song.

Si Kiko ang nagumpisa sa keyboard niya dahil ito ang intro. Nagumpisa nang ikanta ni Nico ang mga unang linya.

Some things we don't talk about
better do without
just hold a smile
we're falling in and out of love
the same damn problem

together all the while
you can never say never
why we don't know when
time and time again
younger now then we were before”

Nanahimik ang mga tao habang pinapakinggan ang kanta ni Nico. Tahimik rin si Misa habang pinapakinggan ang binata. Pakiramdam niya ay siya ang kinakantahan ng binata. Chorus na at nagumpisa nang mag beat si Paul.

“don't let me go,
don't let me go,
don't let me go-oh-oh-oh,
don't let me go,
don't let me go,
don't let me go-oh-oh-oh

picture, you're the queen of everything
as far as the eye can see
under your command
i will be your guardian
when all is crumbling
steady your hand

you can never say never
why we don't know when
time and time again
younger now then we were before
don't let me go,
don't let me go,
don't let me go-oh-oh-oh,
don't let me go,
don't let me go,
don't let me go-oh-oh-oh

we're falling apart
and coming together again and again
we're coming apart
but we pull it together
pull it together, together again

don't let me go,
don't let me go,
don't let me go-oh-oh-oh,
don't let me go,
don't let me go,
don't let me go-oh-oh-oh”



Never say Never by: The Fray

Nang matapos ang performance ay nagpaalam na ang Second Life at bumaba na nag stage. Todo sigawan at palakpakan naman ang mga tao sa covered court.

Si Misa naman ay tila napaluha matapos ang performance. Tahimik lang siya habang nagsisigawan ang mga kasama niya. Napatingin sa kanya si Marianne.

“Okay ka lang?” tanong nito.

“Yup. I’m okay.” Sagot agad ng dalaga. Napabuntong hininga naman si Marianne.

“Uhm, girls, una na kami ni Misa ha. Maaga pa laban namin bukas eh. See you tomorrow.” Sabi ni Marianne. Nagpaalam rin ang mga kasama nila sa kanila.

“Tara Misa. Lets go.” Alok ni Marianne. Napangiti lang si Misa at tumayo.

__

Hapon kinabukasan, kararating lang ni Paul galing sa university nila. May maganda siyang balitang dala para sa Second Life. Una niyang hinanap ang best friend niyang si Nico. Inakyat niya ito sa kwarto. Di na ito kumatok at agad pumasok.

“Tol! May Good news ako!” sabi ni Paul. Nakita niyang tumutugtog ng gitara si Nico. Napangiti naman si Paul, dahil ngayon lang niya ulit nakita si Nico na itinutugtog ang gitara na ibinigay sa kanya ni Misa.

“Ano ba yan?” naiiritang tanong ni Nico.

“Tol.” Sabi ni Paul at naupo sa kama ng kaibigan. “Nag request ang organizers ng U-days. Gusto nilang tumugtog tayo sa 14. Sa last day ng U-days.”

“Talaga?”

“Oo!”

“Ganon ba tayo kagaling?” tanong ng binata.

“Ahm, kasi kailangan nila ng performers para sa closing eh. Puro daw kasi sayaw. So dapat may banda.”

“So kailangan lang ganon?”

“At syempre kasi magaling tayo.” Pagmamayabang ni Paul.

“Ano pang hinihintay natin. Tara, ikalat ang good news sa Second Life.” Sabi ni Nico. Napangiti naman si Paul at parehong lumabas ng kwarto ang dalawa.

__

“Ayoko!” sigaw ni Trish.

“Ba-bakit naman? Para namang wala tayong pinagsamahan eh.”

“Ah basta! Sabi ko magiging member lang ako ng Second Life for the performance last Wednesday diba? Yun ang deal.”

“Trish naman. We need you. Please? Last na to promise.” Pagmamakaawa ni Nico.

“Last nanaman! Tapos pag may next performance tatawagin mo nanaman ako!”

“Eh part pa rin to ng U-days eh. Pag may next performances pa, which I think is least likely gonna happen, ako na ang bahalang mamroblema don. Pero ngayon, kailangan ka namin.”

“Ah basta! Ayoko!” pagmamatigas ng dalaga.

“Hindi na ba talaga kita mapipilit?”

“Hinde!” sigaw ng dalaga. Tumalikod naman si Nico at akmang aalis na. Pasimpleng lumingon ang dalaga sa kanya. Lumingon si Nico sa direksyon niya at agad tumingin ng diretso si Trish.

“Sayang.”

“Bakit naman?” tanong ni Trish.

“Lilibre sana kita. My treat, sky is the limit. Kaya lang wag na. Ayaw mo naman diba?”

“Saan mo ba ako itetreat?” tanong ng dalaga.

“Hindi na, ayaw mo eh.” sabi ni Nico at naglakad palayo.

“Huy! Saan sabi eh?”

“Yellow cab.” Mahinang bigkas ng binata habang naglalakad. Agad naman tumakbo si Trish papunta sa binata.

“Tara. Hihi!” sabi ng dalaga. Huminto si Nico at tiningnan ng masama si Trish.

“Ano to?” tanong ng binata.

“Sumasama sayo sa yellow cab.”

“Bakit?”

“Kasi I like pizza!”

“So?” tanong ng binata.

“Yih! Tara na!” natawa si Nico. Naisipan niyang paglaruan muna ang dalaga.

“Eh kung ayoko?”

“Wala ka nang magagawa!”

“Meron. Hindi lang ako gagalaw dito. Di mo naman ako mahihila.” Sabi ni Nico. Halatang naiirita na ang dalaga.

“Nicks tara na.”

“Nope. I’ll stay here. Mag yellow cab ka magisa.” Sabi ni Nico.

“Sige na. Fine sasali na ako sa Second Life.” Sabi ni Trish at natawa si Nico.

“Talaga?”

“Oo nga! Tara na dali!” sabi ni Trish sabay hila sa braso ng binata.

“Walang bawian ha?”

“Wala, I’m a woman of my word.” Sabi ng dalaga.

“Talagang talaga? Pinky swear.” Sabi ni Nico. Agad namang nakipag pinky swear ang dalaga.

“Okay. It’s settled. Trish, you are now an official member of Second Life.” Sabi ni Nico at nagtaas ng kilay si Trish.

“Hep! Sabi ko for this performance only.”

“Wala yata akong naaalala. Ang deal natin is you’ll be a part of second life. Wala kang sinabing for this performance lang. Maybe your mind is failing you. Pero yun talaga ang naalala ko eh.”

“Madaya! Niloko mo ako!” sabi ni Trish at sinuntok sa braso si Nico.

“Well, basta yun ang deal. Don’t worry, dahil sa deal na to, marami pang Yellow cab pizzas ang darating. So ano?” Sabi ni Nico.

“Bahala na! Ayokong magisip. Gutom na ko. Pwede mamaya na natin pagusapan yan?” pakiusap ng dalaga. Natawa naman sa kanya ang binata.




“Well okay. Isipin mo na lang na ililibre kita ngayon bilang pasasalamat sa pagsali mo OFFICIALLY sa Second Life.” Sabi ni Nico ngunit naglakad na palayo ang dalaga.

“Bagal maglakad! Tara na!” sabi ni Trish. Natawa na lang ang binata at sinundan ang dalaga.
__

Feb 14, last day ng University days. Hapon na at magpeperform ang banda sa gabi. Dumiretso si Nico sa school nina Paul para makapaghanda. Kumpleto na ang lahat at siya na lang ang kulang.

Nakatambay naman ang buong banda sa food court habang hinihintay si Nico. Habang busy ang lahat sa pagkain, busy naman si Chics at Kiko sa pagandahan ng date.

“Ako dadalhin ko si Ysa sa mall, at kakain kami ng ice cream habang nanonood ng sine.” Pabida ni Kiko.

“Hay Kiks. Amateur ka pa. Ako, doon lang kami sa bahay nina Claire, magmomovie marathon. Habang kumakain ng Ice cream, fries at popcorn. At least kaming dalawa lang doon. Pwede kaming magingay hanggat gusto namin.” Sabi ni Chics.

“Mag didinner date kami ni Ysa, sa pinakamahal na restaurant.” Sabi ni Kiko.

“Posible kaya yan? At tingin mo gusto ni Ysa yan? Ako, magdidinner date kami sa bahay lang ulit. Lalagyan ko ng red cloth ang table, at ako rin ang magluluto, well at least with the help of mum. Tapos sasabihin ko kina mama na umalis muna sila para solo namin ang lugar. Then I would cut the steak for her, tapos may mellow background music.” Sabi ni Chics at talagang napipikon na si Kiko.

“Ah talaga ha? Yun lang? Ako dadalhin ko siya sa carnival, para makapag enjoy kami doon. And then we will look over the entire city pagsakay namin ng fairy’s wheel.” Sabi ni Kiko.

“Nice idea, yan na yata ang pinakamagandang na suggest mo, pero pangit pa din. Carnival? Masyadong maraming tao. Kung ako, I’ll take her to the beach. Feb pa lang wala pang tao. Then we will eat by the shore, while watching the city lights on the other side of the sea.” Sabi ni Chics.

“Ah talaga? Ako ano, uhm.”

“Haha! Talo ka na! wala ka nang maisip!” tukso ni Chics.

“Tol!” biglang sigaw ni Paul. Napalingon ang dalawa at nakitang dumating na ang Kuya nila.

“Sorry medyo na late. Teka bihis lang ako, kain muna kayo diyan.” Sabi ni Nico.

“Tol teka, may good news ako.” Sabi ni Paul.

“Ano?” tanong ni Nico.

“Si Misa, first runner up sa badminton.” Sabi ni Paul. Bigla na lang gumuhit ang ngiti sa mukha ni Nico.

“Talaga? I have to congratulate her. Asan siya?”

“Umuwi muna yata sandali. Pero babalik yon.”

“Ah okay. Sige bihis lang ako.”

__
Sumapit na ang gabi at nalalapit na ang pagtatapos ng University Days. Nag enjoy ang lahat sa mga games at events na meron doon. Halos di na nila napansin ang oras. Habang nagsasaya ang lahat ng myembro ng banda, nakaupo naman si Nico sa auditorium. Maraming tumatakbo sa isip niya. isa na dito si Misa.

“Ehem!”
Napalingon si Nico sa tunog. Nakita niya si Trish na nakatayo sa may entrance.

“Ay, pasok.” Sabi ni Nico. Tumingintingin sa paligit si Trish at natawa.

“Bakit?”

“Wala. Kanina ka pa dito? Di ka natatakot? Ang dilim oh. Sabi pa naman nila may multo daw dito.” Sabi ng dalaga habang naglalakad palapit kay Nico.

“Alam ko. Upo ka.”
Naupo si Trish sa tabi ni Nico.

“In fact, kanina pa kami nag uusap dito.” Biro ni Nico. Agad bumakas ang takot sa mukha ng dalaga.

“Wag kang magbibiro ng ganyan.”

“Totoo. Di mo ba siya nararamdaman?”

“Yih! Nico naman eh!” reklamo ni Trish.

“Shhh. Pakinggan mo.” Sabi ni Nico. Tahimik ang dalawa, parehong nakatingin sa isat-isa. Walang naririnig ang dalawa. Sobrang tahimik sa auditorium.  Ilang sandali pa ay parang humangin galing sa nakabukas na pinto at may narinig silang parang may bumagsak sa stage. Tumayo ang balahibo ng dalawa at parehong di agad nakapag react. Ilang sandali pa ay halos sabay silang tumayo at nagtatakbo palabas.

Tawa ng tawa si Nico nang makalabas na sila. Pinaghahampas naman ni Trish ang braso niya.

“Sira ka talaga! Ano yon!?” tanong ng dalaga.

“Ewan ko. Katakot no?”

“Hmp! Grabe ngayon lang ako natakot ng ganon sa buong buhay ko.”

“Tara balik tayo?” biro ni Nico.

“Che!”
Tawa pa rin ng tawa ang binata.

“Tama na nga yan. Dumaan lang ako dito para i-check ka. Buti andito ka. Its almost time. Sigurado naman akong gusto mong makausap ang pinsan ko bago yung performance diba?” sabi ni Trish. Biglang nagbago ang timpla ng mukha ng binata.

“Andyan an siya? Asan?”

“Tara sumunod ka na lang.” sabi ng dalaga at nagumpisa nang maglakad. Tahimik naman na sumunod si Nico sa kanya.

__

Nag-abang sa front gate ang dalawa, parehong hinihintay ang pagdating ni Misa. Tahimik lang si Nico habang kumakain naman si Trish. Ilang sandali pa ay nakita na nila ang hinihintay nila. Papasok ito ng gate, nakasuot ng pink blouse at denim pants. Nakapony-tail ang buhok ni Misa at may suot na head band. Ito an gusto ni Nico na ayo ng buhok ng dalaga.

“Misa!” sigaw ni Trish. Agad itong tumayo at pinuntahan ang pinsan. Pinagmasdan lang sila ni Nico habang naguusap. Ilang sandali pa ay lumingon si Trish.

“Huy tara na. Malelate tayo.”
Tumayo si Nico at pinuntahan ang dalawa. Naglakad na ang tatlo papunta sa covered court.

“Ah, Misa.” Sabi ni Nico. Hanggang ngayon ay damang dama parin niya ang harang sa pagitan nila ni Misa.

“Yes?” mahinhin na tugon ng dalaga.

“Uh, congrats pala.” Sabi ni Nico. Napangiti naman si Misa.

“Thanks.”

“Sorry pala di ako nakapanood. Duty kasi ako eh.”

“Okay lang. I understand.”
At tahimik nananman ang dalawa. Lingid sa kaalaman nila ay tahimik na nakikinig sa kanila si Trish. Pinauna niya ang dalawa para pagmasdan ang mga reaksyon nila sa isa’t-isa. Natatawa na lang siya pero pilit niya itong itinatago.
Malapit na sila sa covered court pero di pa rin nagkikibuan ang dalawa. Napabuntong hininga si Trish at naglakad papunta sa gilid ni Misa.

“Tara tulungan kitang hanapin yung mga kasama mo. Nicks una ka na sa backstage. Susunod ako.” Sabi ni Trish. Hinila niya ang pinsan niya papasok sa entrance. Napalingon saglit si Misa sa direksyon ni Nico at ngumiti.

“Galingan niyo. Go secondlife.” Pangiting bigkas ng dalaga sabay bigay ng mahinhin at hanggang leeg na fis pump. Natawa naman si Nico sa sinabi ng dalaga. Tila nabuhayan siya. Nangangati na siyang tumugtog.

“Gagalingan namin.” Sagot ni Nico. Tumingin na ng diretso si Misa at tuluyan nang nakapasok.

“This is for  you after all.” Sabi ni Nico. Huminga siya ng malalim at naglakad na papunta sa back stage.

__

Naghanda na ang lahat para sa pinakamalaki nilang performance. Halos buong population ng school ay panonoorin sila. Di tulad dati na may mga games pa na nagaganap habang tumutugtog sila, ngayon, wala ng iba pang events sa school maliban sa performance nila. Although hindi lang sila ang mag pe-perform, sila naman ang huli. Parang main event ng gabi.

Kinakabahan, excited, halo halo ang nararamdaman ng lahat. Nang dumating na si Trish sa backstage, nakapagpraktis pa sandali ang banda. Nagumpisa na ang unang performance at nanood sila mula sa backstage.

Natapos na ang lahat ng mga performance na nakatakda sa gabing yon maliban sa kanila. May mga kumanta, may mga sumayaw. Pero sila lang ang nagiisang banda para sa gabing yon. Sila na ang susunod kaya agad nilang inayos ang mga sarili at naghintay na tawagin ang pangalan ng banda nila.

“This is it guys. Our biggest performance.” Sabi ni Nico.

“Shit. Maiihi yata ako. Buong school nandito.” Sabi ni Kiko.

“Relax. They love us.” Sabi naman ni Paul.

“Kaya natin to guys. We have Piolo ang Aga with us.” Sabi ni Danica na parang natatawa.

“Aga? Ako ba yan?” tanong ni Nico.

“Oo. Akala ko Daddy mo si Aga? Pinagkalat palang ni Paul na siya daw si Piolo tapos ikaw si Aga.” Paliwanag ni Danica.

“Well, at least dalawa na ang celebreties ngayon.” Biro ni Nico at natawa silang lahat. Sa sobrang tense, at biruan, di nila napansing tinawag na ang pangalan nila, maliban ka Trish. Agad niyang hinili ang kamay ni Nico palabas ng stage.

“Aga tara na.” sabi ni Trish. Sumunod naman ang iba sa kanila. Paglabas nila ay hiyawan na ang mga crowd. Kumaway kaway si Paul na parang beauty queen at lalong sumigla ang mga tao.

“Piolo! Piolo!” sigaw ng crowd.

“Told you. They love me.” biro ni Paul.

Pumwesto na ang mga myembro ng Second Life. Di sila umalis sa tema nilang Black and White. Nakasuot si Nico ng striped black and white long sleeves, vest at black denim pants na may kulay white na fade. Si Paul naman ay nakasuot ng White fitted polo shirt at vest. Naka white pants ito at white gloves. Halos kambal naman si Trish at Danica sa suot nila. Naka white blouse si Danica habang black naman ang kay Trish. Parehong nakasuot ng striped jacket ang dalawa. Nakataas ang sleeves nito hanggang sa mga braso nila. Pareho silang nakasupot ng black mini skirt, striped high cut socks at black and white na sapatos. Naka black scarf si Danica habang white naman ang kay Trish. Alternating colors di ang suot ni Kiko at ni Chics. White sport shirt ang suot ni Kiko habang black naman ang kay Chics. Black pants ang suot ni Kiko at white ang kay Chics. Parehong may chain na nakasabi sa gilid ang dalawa at parehong naka black denim jacket. 

Nagmistulang colorless ang buong stage dahil sa mga suot ng SecondLife.

Wala nang sabi sabi at agad tumugtong ang banda. Tumindi ang hiyawan ng mga tao habang itinutugtog nila ang intro ng una nilang kanta.

Sumapit ang unag dalawang kanta at down to one last song na sila. Nag settle down ang crowd at nagsalita si Nico.

“The third song will be different.” Sabi ng binata. “I mean, iba kaysa doon sa song na tinugtog namin last time.” Ibinaba ni Nico ang gitara niya. Ilang sandali pa ay lumapit sa kanya si Kiko, dala ang acoustic guitar niya; ang gitarang ibinigay sa kanya ni Misa noon.

“Actually, this song will be like a message. Para ito sa isang babae na nanonood din ngayon.” Sabi ni Nico habang isinuot ang strap ng gitara.

“Mimi, this is for you.”
Parang nakaramdam ng kuryente si Misa na biglang dumaloy sa katawa niya. Syempre, walang ibang nakakalam sa mga audience na siya ang tinutukoy ng vocalist ng SecondLife. Ang tanging nakakaalam lang ay ang mga kaibigan nila. Napansin niyang napatingin sa direksyon niya sina Gela, Aya, Claire at Ysa. Di sila magkakatabing nakaupo pagkat kasama niya ang mga ka-team niya sa badminton.  Pinagmasdan niya si Nico sa stage at napansing nakatingin ito sa kanya. Nagumpisang tumugtog ang binata; bumilis ng husto ang tibok ng puso niya.

When I see your smile,
 tears run down my face I cant replace.
And now that im stroner I fiured out
How this world turns cold
And it breaks through my soul
And I know I’ll find deep inside me
I can be the one

I will never let you fall
I’ll stand out with you forever
I’ll be there for you through it all
Even if saving you send me to heaven”

Di na mapigilan ni Misa. Unti unti nang tumulo ang mga luha niya. Napansin naman yon ni Marianne, ang katabi niya.

“Gusto mong lumabas?” tanong ni Marianne. Di sumagot si Misa at umiling lang. Kinuha ni Marianne ang kanyang panyo at ibinigay sa kabigan.

Its okay. Its okay. Its okay.

Seasons are changing and waves are crashing
And stars are falling all for us.
Days grow longer and nights grow shorter
I can show you I’ll be the one

I will never let you fall
I’ stand out with you forever
I’ll be there for you through it all
Even if saving you sends me to heaven

Cause you’re my, you’re my, my
My true love, my whole heart
Please don’t throw that away

Cause I’m here for you
Please don’t walk away and
Please tell me you’ll stay”

Kung kanina ay nakatingin si Nico sa babaeng mahal niya, ngayon ay ipinikit na ng binata ang mga mata niya habang kumakanta, dinadama ang bawat linya. Ganon din ang ginawa ni Misa, ipinikit niya ang mga mata niya habang nakatakip ito ng panyo. Dinadama ang bawat linyang bitawan ni Nico, habang sinasariwa ang mga masasayang sandali kasama ang binata. Sa mga oras na yon, may invisible connection ang dalawa, na parehong sila lang ang nakakadama.

Use me as you will
Pull my strings just for a thrill
And I know I’ll be okay
Though my skies are turning gray

I will never let you fall
I’ll stand out with you forever
I’ll be there for you through it all
Even if saving you sends me to heaven


I will never let you fall
I’ll stand out with you forever
I’ll be there for you through it all
Even if saving you sends me to heaven”

Tahimik ang lahat pagkatapos ng kanta. Parang nadala sila sa pagtugtog ng banda. Unang pumalakpak ang grupo nina Gela, at matapos ang ilang sandali, ay pumapalakpak na ang lahat ng tao sa covered court.

“Misa okay ka lang?” tanong ni Marianne. Tumango lang ang dalaga. Ilang sandali pa ay ngumiti ito. Pero halatang pilit lang.

“Tara, I need some air.” Sabi ni Misa at tumayo at naglakad palabas.

“Girls, samahan ko lang ha.” Sabi ni Marianne sa mga kasama sabay turo kay Misa. Agad siyang tumayo at sinundan ang dalaga sa labas.

___

Kinabukasan, Nagising si Nico. Agad niyang naalala ang mga nangyari kagabi. Di niya nakausap si Misa. Una dahil naduwag siya bigla, hindi niya maintindihan ang sarili niya. Pangalawa, dahil di nila mahanap si Misa. Dahan dahan siyang tumayo, plano niyang puntahan si Misa sa kanila. Lumabas siya ng kwarto at bumaba sa sala. Nakita niyang nanonood ng TV si Ysa at Kiko.

“Asan yung iba?” tanong ni Nico.

“Ah, Kuya Nick, gising kana pala. Wala sila umalis.” Sabi ni Kiko.

“Ah. Kumain na kayo?” tanong ni Nico habang naglalakad papunta sa kusina.


“Kanina pa.” sagot ni Kiko. Napalingon siya at nakitang nagbubulungan si Ysa at Kiko, parang may pinagtatalunan.

“May problema ba?” tanong ni Nico.

“Ah Kuya, kasi.”

“Ano yon Ysa?” tanong ni Nico sa mas malakas na boses.

“Si Ate Aya.” Bigkas ni Ysa.

“Anong nangyari?”

“Kanina pa siya umiiyak sa bahay. Kino-comfort siya ni Ate Gela.” Malungot na sagot ni Ysa.

“Ha? Bakit anong nangyari sa kanya?”

“Kuya Marvin-“
Bakas ang pagaalinlangan sa boses ng dalaga.

“Ano?”

“Kuya Marvin broke-up with her.”



Thursday, March 10, 2011

Updates....

Sorry for suuuper slow updates... Kasagsagan po kasi ng final exam ngayon... kaya medyo busy....
Please keep on supporting... thanks!!

Sunday, March 6, 2011

When an inspiration is gone

When an inspiration is gone


There was a time where I could write poems for her,
that I could write stories that came from our precious memories,
There was a time when the smile on my face is never withered,
that my smiling face reflected hers.
And there was a time I could laugh so hard,
even when she's not saying anything.


What ever happened?
I am here all alone, carrying the memories that we shared.
Are you happy?
Coz I maybe contented, that you're now happy.
Your happiest days were once my happiest days,
but now, they are my worst days.


Sometimes I wished that I have never loved you,
that I met you and treated you as my friend.
But I know that could never happen,
and these feelings of mine would haunt me forever.


But I promise to keep on moving
So that someday I could find my own happiness.
So that someday I could put a real smile,
the one that does not fade,
the one that does not wither.


-Nico