Chapter 23: Note
"Gela?! Gela!" sigaw ni Nico. Nakita niyang nakahiga sa sahig ng kwarto si Gela. Inangat niya ang mukha ng kaibigan. Nakita niyang nakabukas ang mga mata nito, pero parang malayo ang tingin.
"Best? Ikaw ba yan?"
"Oo, Gela ako to." sagot ni Nico. Napangiti lang si Gela, at tuluyan nang nawalan ng malay.
"Gela?! Gela?!"
___
Sa isang private room ng isang ospital, tahimik, at halos walang kibong nakaupo ang mga kaibigan ni Gela. Binabantayan nila ang kaibigan, na nakahiga sa kama. Halos dalawang araw nang walang malay si Gela. Nasa isang sulok naman ng kwarto ang mga magulang niya, kasama si Nico, na naguusap sa mesa.
"Di ako makapaniwala na di pa siya fully recovered sa sakit niya noon." sabi ni Mang Dan, ang Papa ni Gela.
"Sabi po ng doctor, mas grabe daw po ang symptoms niya ngayon kaysa dati." sabi naman ni Nico.
"Oo nga eh. Nako yang batang yan talaga. Dapat sinabi na niya agad nung sumama ang pakiramdam niya."
"Sorry po. totoo po kasi, eversince this week, napansin ko na po na parang may dinaramdam po siya. Akala ko po simpleng sakit lang, o baka pagod lang siya. Sana po sinabi ko agad sa inyo." sabi ni Nico. Napatingin si Mang Dan saglit tapos napatingin kay Gela.
"Wag mong isipin yon Nico. Marami ka nang nagawa para sa kanya. Malakas yan si Gela, malalagpasan din natin to." Sabi ni Mrs. Vivian.
"Sabi ni doc. maliit na percentage lang daw ng population ang nakakakuha ng ganyang sakit. half of them gumagaling over time, ung iba naman-" sabi ni Mang Dan. Di na niya maituloy ang sasabihin niya, unti unti nang lumabas ang mga luha sa kanyang mga mata. Hinawakan ng kanyang asawa ang isang kamay niya.
Hapon na at isa-isa nang umalis ang iba para makapag pahinga. Naiwan naman sa ospital ang mga magulang ni Gela. Sa mga oras na yon, di pa rin nagigising ang dalaga.
Nakatambay si Nico at Paul sa labas ng ward, bakas ang pagaalala sa mukha ng dalawa.
"Tol, parang mas malala si Gela ngayon compared dati ah. dati ilang oras lang nagising na siya." sabi ni Paul. Napa-iling nalang si Nico.
"Oo nga eh. tol nagaalala talaga ako. Dati, ilang oras lang nagising siya, pero kahit naganon, halos tatlong buwan siya sa ospital. Di ko na alam kung anong gagawin ko." sagot ni Nico.
"Easy ka lang tol. Di gusto ni Gela kung natetense ka. Tulad dati, gagaling din siya."
"Yeah. I sure hope so. Kumusta naman pala si Aya?" tanong ni Nico. Napabuntong hininga si Paul.
"She's down, as expected. Kagagaling lang niya sa break up, tapos na-ospital pa yung best friend niya. Babalik nga daw siya agad dito pagkatapos niyang magpahinga sandali." paliwanag ni Paul. Tinapik ni Nico ang balikat ng kaibigan.
"All the more you need to stay with her."
"Alam ko. Kaibigan ko rin si Gela, and I'm really devastated about this. But I have to be strong, for Aya."
"Good. Malapit na pala birthday ni Gela. Kailangan maghanda tayo. Sana magising na siya."
"Oo nga pala ano. Imbitado lahat, pati si Misa." Sabi ni Paul. Agad napalingon sa kanya si Nico. "Sinabi ko pala sa kanya yung nangyari. Just a heads up, pupunta siya dito after badminton practice."
Mulin tumingin sa malayo si Nico.
"Talaga? Okay."
"Tol?"
"Ah, wala to. Naalala ko lang yung sinabi ni Vince noong isang gabi."
"Vince? may di ka ba sinasabi sa akin?" tanong ni Paul. Napangiti si Nico.
"Ay, di ko pa pala nasabi? Nagpunta si Vince, sabi niya, liligawan daw niya si Misa, so parang magka kumpetensya daw kami, may the best man win daw."
"Kapal ng mukha. Anong balak mo?" sabi ni Paul na halos mapatayo na sa kinauupuan niya.
"Mukha namang seryoso siya. Lets just see what happens."
"Ha? Anong lets just see what happens?" tanong ni Paul.
"I mean, titingnan ko kung talagang mapapasaya niya si Misa. Kung oo, eh di masaya na rin ako para sa kanila."
Tuluyan nang napatayo si Paul.
"Are you stupid?! anong sinasabi mo? pamimigay mo na lang si Misa?"
"She's not mine." sagot ni Nico. Napabuntong hininga si Paul.
"Alam ko." sabi ni Paul habang umuupo. "Tol, seryoso ka?"
"Oo eh. Yung last conversation namin, she still hates me. I can see it. I could feel it. Ni ayaw niya akong maging kaibigan. Sabi niya, di daw siya makakapag move on hangga't nakikita niya ako. So what's the point of seeing her? if i only bring her pain? logic tol."
"Sira ka ba? Hahayaan mo na lang yung Vince na yon? Akala ko ba may the best man win?"
"Eh alangan naman sabihin ko na "Sige, bahala ka, wala naman akong balak balikan ulit si Misa." ganon? sasabihin ko yon? eh di naging kampante ang loko? di ko siya makikitang maghirap. Dapat patunayan niya na worth it siya kay Misa. Di ko naman basta-basta hahayaang maging sila kung di siya karapatdapat."
"Hay nako. Bahala ka nga. Desisyon mo yan eh."
Nasa gitna pa ng paguusap ang dalawa nang biglang sumulpot si Aya. Napatayo ang dalawa.
"Aya, ang bilis mo naman." sabi ni Nico.
"Di ba sabi ko magpahinga ka muna?" dagdag ni Paul.
"I cant help it. Di ako mapalagay sa apartment eh." sagot ni Aya. Napangiti si Nico.
"Sige, maiwan ko muna kayo diyan." sabi ni Nico at naglakad palayo. Naupo si Aya at Paul.
"Ano pinagusapan niyo?" tanong ni Aya. Napakamot si Paul.
"Ah, wala."
"I overheard."
"Heard what?"
"Yung paguusap niyo. Kanina pa ako diyan sa sulok oh."
Napabuntong hininga na lang si Paul.
"Ikaw talaga.. Halika nga dito." sabi ni Paul. Umusog si Aya papalapit kay Paul. Magkadikit na ang mga braso nila. "Okay ka lang?" tanong ni Paul.
"Honestly, no. I feel so bad i want to cry."
"Then cry. Andito lang ako. Para pag pasok mo sa kwarto ni Gela, di ka na iiyak. Sure ako di gusto ni Gela na makita kang umiiyak." sabi ni Paul. Halos mamasa-masa na ang mga mata ng dalaga.
"You're right.. Thank you Paul."
Pagpasok ni Nico sa kwarto ni Gela, nakita niyang wala ang parents ng kaibigan. Lumapit siya sa kama ni Gela, at naupo sa tabi nito. Pinagmasdan niya ang kaibigan niya, na parang natutulog lang. Napalingon siya sa may mesa, at may nakitang sulat, galing sa papa ni Misa.
Nico, ikaw na muna ang bahala diyan. Uwi muna kami sandali, dalawang araw na kasi kami sa ospital. Kukuha na rin kami ng mga gamit sa bahay. Pasensya na di namin nasabi sayo, nagmamadali kami eh.
Napabuntong hininga na lang si Nico, at muling pinagmasdan si Gela. Hinawakan niya ang kamay nito. Hindi niya ibinaling sa ibang lugar ang tingin niya.
___
"Best?"
Inangat ni Nico ang ulo niya.
"Best, anong nangyari?" tanong ni Gela. Di agad nakasagot si Nico dahil nagulat siya sa biglaang pag-gising ni Gela.
"G-Gela?! Gising ka na!" sabi ni Nico.
"Late reacion naman. Oo nga, at gising ka na rin."
"Ha? Nakatulog ako? Gaano katagal?" tanong ni Nico habang napasulyap sa wall clock.
"Ewan, mga 15 minutes pa lang nung nagising ako. Di ko alam kung anong nangyari, pero nung makita kitang natutulog kumalma ako, kaya di muna kta ginising." sagot ni Gela.
"Gela, I- Uhm, I'm so happy at gising ka na. I cant wait to tell your parents."
"How long was i out?"
"Almost two days. We were so worried."
Napabuntong hininga si Gela.
"I'm so sorry."
"Gela, anong sinasabi mo? Masaya nga ako at gising ka na." sabi ni Nico. Ilang segundong katahimikan ang sumunod. Di alam ni Nico kung ano ang nasa isip ng kaibigan niya. Pinakiramdaman na lang niya ito.
"Its like before isnt it? yung sakit ko noong high school." tanong ni Gela. Tumango lang si Nico. "I knew it."
"Gela, right now, sobrang saya ko at nagising ka na. So dont think of anything else. You'll get better. Were all here for you."
"Thank you Best. ALam ko naman yun eh. Pero, ayoko na sanang maka abala sayo. I caused too much trouble." sabi ni Gela. Hinigpitan niya ang hawak sa kumot niya. Napansin ni Nico na medyo nanginginig ang mga kamay ng kaibigan.
"Anong pinagsasabi mo? Gela naman."
"I know, that I was the reason why Misa and you broke up. I knew it for a long time now. Actually, I knew it all along." sabi ni Gela. Bakas ang gulat sa mukha ni Nico.
"How?"
"I saw Misa that night. She was running away. Di pa ako sigurado pero tingin ko nakita niya. I should've gone after her." paliwanag ni Gela.
"Huh? Then, last christmas, nung sinasabi mong kasalanan mo, at sorry ka ng sorry, dahil ba doon?" tanong ni Nico. Dahan-dahang tumango si Gela.
"Gela, kailan kita sinisi." sabi ni Nico. Nagumpisa nang mapaluha si Gela. " Oh wag kang umiyak. Gela, i never blamed you. Yung nangyari noon sa resort, ginusto ko rin yon. Kasalanan ko. at wala ka namang masamang intensyon eh." sabi ni Nico. Di pa rin tumigil sa kaiiyak ang dalaga. Hinawakan ni Nico ang isang kamay niya.
"Gela, tumingin ka sa akin." sabi ni Nico. Dahan dahang napatingin sa kanya si Gela. Nagpatawa ang binata, kung ano-ano ang pinag-gagawa niya sa mukha niya. Natawa si Gela.
"Oh, eh di napatawa rin kita. Wag mo nang isipin yon okay? Isipin mo na lang ngayon, ang pagpapagaling mo. Okay ba?"
"Sorr-"
"Gela" protesta ni Nico.
"Ay, uhm, okay."
Napangiti na lang ang dalawa. Masaya si Nico, at nagising na si Gela. Sa mga oras na yon, pakiramdam niya ay magiging maayos ang lahat.
Ilang sandali pa ay nagbukas ang pinto. Napatingin ang dalawa dito.
"Ate Gela! Gising ka na!" sabi ni Claire. Patakbo siyang nagtungo sa kama ni Gela.
"Gela? Gela!" sabi ni Aya sabay sumunod kay Claire. Niyakap ng dalawa si Gela nang mapansin ni Claire na umiiyak ito.
" Oops, bad timing?" tanong ni Claire. Agad pinunasan ni Gela ang mga mata niya.
"Ay, hindi ano ba kayo. Napadalaw kayo?"
"Hello? buong magdamag po kaya kami dito." sabi ni Claire.
"Talaga? I'm sorr-, ay, thanks pala." sabi ni Gela. Napatayo si Nico.
Maiwan muna namin kayong mga girls diyan. Gela, wag mong pagurin sarili mo okay? Babalik ako mamaya."
"Okay best. Thanks."
"Te-teka, tol sandali." protesta ni Paul pero hinila parin siya ni Nico. "Gela! Buti gising ka na! Babalik din ako mamaya!" sigaw ni Paul. Nagtawanan lang ang mga girls.
Naglalakad ang dalawang magkaibigan sa corridor ng Ospital. Paikot-ikot lang sila. Gustong bigyan ni Nico ng oras para makapagusap ang mga babae.
"Tol! buti gising na si Gela? Anong nangyari?'" tanong ni Paul.
"Ewan ko nga eh. Pero thank god gising na siya. Pero mukha pa rin siyang nanghihina."
"Oo nga eh. Parang yung dati lang. Minsan malakas siya, tapos bigla magiging bed ridden nanaman, tapos lalakas ulit."
"Oo nga. Let's just hope she gets better soo-" di na natapos ni Nico ang sasabihin. Napahinto siya, at napahinto rin si Paul. Parehong tinitingnan ang babae sa harap nila.
"He-hello."
"Hi." sagot ni Nico.
Nagkatinginan ang dalawa ng ilang segundo.
"Hi Misa." sabi ni Paul. Napangiti lang si Misa sa kanya.
"Uhm, I heard what happened to Gela. Kumusta na siya?" tanong ni Misa. Tulala pa rin si Nico, kaya siniko siya ni Paul.
"Ah, eh, okay naman siya. You're just in time, kagigising lang niya kanina. Puntahan mo siya."
"Talaga!? O-okay."
Akward silence. Pati s Paul ay di na rin kumprotable sa atmosphere ng dalawa.
"Tol, yung room. Yung room." bulong ni Paul kay Nico.
"Ay, ahm, nasa room 518 siya."
"Okay, puntahan ko lang si Gela. Una na ko." sabi ni Misa. Naglakad na siya at dinaanan ang dalawa. Nasagap ni Nico ang mabangong amoy ng buhok ng dalaga. Halos tulala siya sa kinatatayuan niya.
"And, she leaves. Tol?"
"Ha?"
"Wala na siya."
"Oo nga." sagot ni Nico.
"Hay. Yan kasi nag papaka martyr, di naman kaya."
"Anong di kaya pinagsasabi mo diyan? ha?"
"Wala. Tara na nga. Kain muna tayo." sabi ni Paul, at naglakad na ang dalawa. Napalingon si Nico sa likod niya, pero wala na si Misa.
"Gela, I was so worried. Pero are you okay? Paul told me that-"
"That?" tanong ni Gela kay Aya.
"About your sickness."
Ah, si Paul talaga. I'm really not sure. Right now I feel okay. pero na-experience ko na to. Ngayon okay, tapos mamaya..."
"Dont worry ate Gela. Andito lang kami okay? Lahat kami. So get better soon." sabi ni Claire, napangiti si Gela.
"I know." sagot ni Gela. Habang naguusap ang tatlo, biglang may kumatok sa pinto.
"Pasok"
Dahan dahang nagbukas ang pinto, at sumilip ang tao na nasa labas.
"Misa!" sabay na bigkas ni Aya at Gela.
"Ate Misa!" dagdag naman ni Claire.
"Hi. May I come in?"
"Ah, sure. Pasok ka. Ikaw naman." sabi ni Gela. Pumasok si Misa at dahan-dahang sinara nag pintuan. Naglakad siya papalapit kay Gela.
"Gela, kumusta ka na?" tanong ni Misa.
"I'm okay. Misa kumusta ka na? Tagal na nating di nagkita ah."
"Oo nga eh. Sorry, busy kasi lately. Pero I'm glad to see you all. Lalo na ikaw Gela, na okay ka. I was worried."
"Thanks."
"Misa, halika upo ka oh." alok ni Aya.
"Thanks"
Naupo si Misa sa tabi ng kama.
"Ate, ano yan?" tanong ni Claire habang tinuturo ang dala ni Misa.
"Ah eto? Donuts. Kainin natin."
"Tamang tama. Kasasabi lang ng doctor kanina na pwede na daw akong kumain." sabi ni Gela.
"Wow! Tara ubusin na natin bago dumating si Ysa." sabi ni Claire. Natawa ang mga babae.
"Ikaw talaga. Dalian niyo parating na yon." sabi ni Aya. Isa-isang kumuha ang mga girls ng isang piraso. Nagkatinginan sandali si Misa at Gela, at parehong napangiti.
___
"Sige Tol. Sunduin ko lang si Danica. Gusto daw niyang dalawin si Gela eh." sabi ni Paul.
"Ah, sige." sabi ni Nico.
"Babalik ka na niyan?"
"Uwi muna siguro ako. Andon naman si Aya at si Claire."
"Oh sige. Andon din si Misa." tukso ni Paul.
"Shaddap! Umalis ka na nga baka ano pang magawa ko sayo."
''Defensive." sabi ni Paul.
"Aalis ka ba o hindi?"
"Aalis, sinabi ko bang di ako aalis? Eto na nga oh. Sige tol." sabi ni Paul. Tumango lang si Nico.
Naisipan ni Nico na tumambay sa lobby ng Ospital. May TV kasi doon. Sa totoo lang, wala siyang balak umuwi. Ayaw niyang iwan si Gela, pero di naman siya makapunta sa kwarto nito dahil nagkaka-ilangan sila ni Misa.
Halos 30 minutes na siyang nasa lobby, at naiinip na siya. Ilang sandali pa ay may tumayo sa harap niya.
"Psst! Kuya!"
"Oh, Ysa. si Kiko?"
"May binili lang sandali. Nauna na ako, ang bagal kasi eh." sabi ni Ysa. Natawa naman si Nico.
"Oh sige, puntahan mo na ate mo, andon sila sa kwarto, kasama si Claire."
"Oo nga eh. Kuya gising na talaga si Ate Gela?"
"Oo gising na siya." sagot ni Nico. Napangisi si Ysa.
"Yes! I knew it. It was me! I prayed so hard that I was on my knees yesterday. Gosh! God loves me!" pagmamayabang ng dalaga. Napa-iling na lang si Nico.
"Ysa, pwede ba? Shoo! lumayas ka na."
"Grrr! You're mean as always. Makaalis na nga!" sabi ni Ysa at naglakad na palayo. Natawa na lang si Nico.
Nanatili pa siya sa lobby ng mga limang minuto. Tapos nag desisyon na siyang umalis. Tumayo siya, at tumalikod. Halos lumukso ang puso niya sa nakita niya.
"Misa!" sabi ni Nico. Kung ano ang expression ni Nico, ay ganon din ang mababasa sa mukha ni Misa.
"Hi Nicks." sabi ni Misa.
"Uhm, alis ka na?"
"Oo eh. Sabi kasi ni Ysa-"
"Ysa?"
"N-never mind." sabi ni Misa.
"Ysa, that little-" bulong ni Nico sa sarili niya.
"Uwi ka na?" tanong ni Nico.
" H-ha? Ah, oo"
"Sabay na tayo?" tanong ni Nico. Napaisip sandali si Misa.
"Uhm,I guess it's okay."
Napangiti si Nico. At sabay na naglakad ang dalawa patungo sa parking lot. Tahimik lang sila, walang gustong magsalita. Di nagtagal ay nakaalis na rin ang dalawa.
Sa kotse, ganon pa rin. Tahimik lang ang dalawa. Naisipan ni Nico na kailangan ay siya ang maunang magsalita. Naisipan niyang tanungin si Misa.
"Ah, Kumusta naman ang badminton?" tanong ni Nico.
"Okay naman. Pero I have to quit next year kasi marami nang requirements sa school."
"Ganun ba?"
"Yeah."
Akward silence.
"Ah, Kumusta na pala si Tita?" tanong ulit ni Nico.
Uhm, She's good."
"Ah, buti naman."
Another akward silence.
"Uhm, Misa, how's your cooking skills?" tanong ni Nico. Natawa ng konti si Misa.
"Okay naman. Steadily Improving." sagot ng dalaga.
"Na miss ko na yung carbonara."
"Talaga? And I was practicing it the most." sabi ni Misa. Nagulat si Nico.
"Re-really?" tanong ni Nico, at halatang medyo nag panic si Misa.
"Ah, eh, oo. kailangan kasi para sa project namin."
"Ah, kaya pala."
Yet another akward silence.
"Ah, Misa, may nakausap pala ako."
"Sino?"
"Secret. Pero sabi niya-"
"Anong sabi?"
"Liligawan ka daw niya." sabi ni Nico. Nanlaki ang mga mata ni Misa.
"H-ha? Sino yan?"
"Secret nga eh."
"Nicks, your not saying-"
"No, no. It's not me."
"O-okay."
Di na muling nagusap ang dalawa. Tahimik lang sila habang minamaneho ni Nico ang kotse papunta sa bahay ni Misa.
Ilang sandali pa ay huminto na ang kotse. Nasa tapat na sila ng bahay ng dalaga. Parehong tahimik na nakatingin ang dalawa sa windshield ng sasakyan.
"Thanks." sabi ni Misa.
"Wala yon." sabi ni Nico.
"Sige, una na ako." sabi ni Misa at inabot ang pintuan.
"Pupunta ka bukas?" tanong ni Nico. Napalingon sandali si Misa.
"Ah, oo."
"Okay. Sige, bukas."
"Okay. Ingat."
Lumabas na ng tuluyan si Misa sa kotse at nagtungo sa gate. Pinagmasdan lang siya ni Nico. Nag mabuksan na ng dalaga ang gate, pinaandar na niya ang sasakyan at tuluyan nang umalis.
Pagkasara naman ni Misa ng gate, sinilip niya si Nico na kaalis lang. Napabuntong hininga lang siya, at tuluyan nang pumasok sa bahay nila.
Kinabukasan, agad nagtungo si Nico sa ospital pagkatapos ng Duty niya. Bandang 2pm na ng hapon nang makaratong si Nico sa kwarto ni Gela.
"Gela?" tanong ni Nico pagpasok ng pinto. Dahan-dahang naupo si Gela.
"Hi best."
"Kumusta pakiramdam mo?"
"Uhm, Okay lang."
"Ah, eto may dala akong prutas.. tara kain natin."
"O-okay."
Hiniwa ni Nico ang dalang mansanas, tapos inabutan ng isang piraso ang bestfriend niya.
"Tikman mo, masarap yan."
tumango lang si Gela. Nang kakagatin na niya ito, nalaglag ang mansanas. Napansin ni Nico na medyo nanginginig ang kamay ni Gela.
"Gela! anong nangyari?" tanong ni Nico. hinaplos niya ang noo ni Gela. "Taas ng lagnat mo. Bakit di mo sinabi?"
"A-akala ko sinat lang." sagot ng dalaga.
"Sinat!?" halos pasigaw na bigkas ni Nico. Tiningnan niya si Gela, at nakita ang expression nito. "Sorry. Higa ka muna okay? tawagin ko lang yung nurse. Wag kang uupo."
Tumango lang si Gela.
Nagumpisa na ang roller coaster state ng sakit ni Gela. Minsan malakas siya, may mga pagkakataon naman na sobrang nanghihina siya, at nakaratay na lang sa kama.
Isang linggo na ang lumipas. Di parin nagbabago ang kundisyon ni Gela. Unti-unti, mas lalo siyang lumalala. Mag naging panandalian na lang ang mga oras na maganda ang pakiramdam niya, at halos magdamag ay naratay lang siya sa kama.
Sunday morning, nasa garden area si Gela at si Nico. Tinutulak niya ang wheel chair ng kaibigan para makasagap ito ng sariwang hangin. Nasa "good side" ang lagay ni Gela ngayon, kaya kahit papaano ay nakakalabas sila.
"Gela, anong balak mo pag galing mo?" tanong ni Nico.
"Hmm. Syempre balik sa school. Although di ko pa alam kung uulit ba ako. Its too early to tell, one week pa lang naman ako dito eh."
"Thats my girl. Think positive. Gagaling ka rin ano. Tapos mag magaling ka na, maglilibot nanaman tayo. Kahit saan mo gusto."
"Talaga?" tanong ni Gela. Napangiti si Nico.
"When did I ever broke my word?"
Napangiti na rin si Gela
Bumalik ang dalawa sa kwarto ni Gela. Nandon ang parents ni Misa, at hinahanda ang mga pagkain nila para almusal. Nagkasundo rin ang mga magkakaibigan na gumawa ng schedule kung kailan at sino ang mga dadalaw. Di daw kasi makakatulong kay Gela pag sabay sabay lahat.
Mga alas dos na ng hapon, tulog na si Gela. Kabibisita lang nina Paul, Aya at Danica. 5pm naman darating sina Claire, Chics, Ysa at Kiko.
Natutulog si Gela habang si Nico naman ay nakaupo lang sa tabi ng kama. Umuwi ang Mama ni Gela para kumuha ng mga gamit sa bahay nila.
"Tingnan mo to, pag natutulog, parang walang sakit." sabi ni Nico sa sarili niya.
Walang ginawa si Nico kundi pagmasdan ang bestfriend niya Kinakantahan pa niya ito paminsan minsan.
Halos isang oras na ang lumipas, naisipang lumabas ni Nico. Nagutom kasi siya kaya naisipan niyang bumili ng pangmeryenda. Tumayo siya at nagtungo sa pinto.
Ilang minuto ang lumipas, nagbukas ang pinto. Si Misa. Dahan-dahan siyang pumasok Nakita niyang natutulog si Gela. Lumapit siya, at inilapag ang dalaang pagkain sa desk, at nagtungo sa upuan sa tabi ng kama, na inupuan rin kanina ni Nico. Bago siya naupo, may nakita siyang papel doon. Kinuha niya ito, binuklat at binasa habang dahan dahang naupo.
Pabalik na si Nico galing sa convenience store. Bumili siya ng orange juice at siopao, para sa kanilang dalawa ni Gela. Pagdating niya sa pinutuan ng kwarto, inayos niya muna ang sarili, tapos pumasok. Nagulat siya sa nakita niya, halos mabitawan na niya ang hawak niya; si Misa, walang tigil sa kaiiyak.
"Mi-misa, anong nangyari? Okay ka lang?" tanong ni Nico.
Napatingin si Misa at nagulat sa nakita niya. Agad niyang itinago ang hawak niya, tumayo at nakayukong tumakbo papunta sa pinto.
Binitawan ni Nico ang hawak niya, at hinawakan si Misa sa balikat.
"Misa, napano ka? Anong nangyari?" tanong ni Nico. Halos nanginginig na ang boses niya.
Inangat sandali ni Misa ang ulo niya. Tuluyan nang nakita ni Nico ang mukha ng dalaga. Ang maamo niyang mukha, na puno ng luha. Halos madurog ang puso niya sa nakita niya. Nawalan na siya ng sasabihin. Yumuko ulit si Misa at tumakbo palabas ng kwarto. Nang matauhan, sinubukang sundan ni Nico ang dalaga.
"Misa! Teka!"
Di lumingon ang dalaga. Tumakbo lang ito hanggang mawala na sa paningin ni Nico.